菜單

Nagpapakita ng mga post na pinagbukud-bukod ayon sa kabuluhan para sa query karunungan. Pinagbukud-bukod ayon sa petsa Ipakita lahat ng mga post
Nagpapakita ng mga post na pinagbukud-bukod ayon sa kabuluhan para sa query karunungan. Pinagbukud-bukod ayon sa petsa Ipakita lahat ng mga post

Ago 30, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos | Ang Ikalabing-anim na Pahayag

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, , Jesus,

Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos | Ang Ikalabing-anim na Pahayag

   Marami Akong gustong sabihin sa tao, napakaraming bagay na kailangan Kong sabihin sa kanya. Ngunit kulang ang kakayahan ng tao na tanggapin ito: Hindi niya kayang unawain nang lubos ang Aking salita ayon sa Aking hinahayag, at isang aspeto lamang ang kanyang nauunawaan ngunit walang nalalaman sa iba. Ngunit hindi Ko pinarusahan ang tao ng kamatayan dahil sa kawalan niya ng kapangyarihan, ni hindi Ako naagrabyado sa kanyang kahinaan. Ginagawa Ko lamang ang Aking trabaho, at nagsasalita gaya ng lagi Kong ginagawa, kahit na hindi nauunawaan ng tao ang Aking kalooban; kapag dumating na ang araw, makikilala Ako ng mga tao sa kaibuturan ng kanilang mga puso, at maaalala nila Ako sa kanilang mga isipan. Kapag umalis na Ako sa mundong ito, eksaktong aakyat Ako sa trono sa puso ng tao, ibig sabihin, ito ang panahon na makikilala Ako ng lahat ng mga tao.

Ene 9, 2018

Salita ng Diyos | Ang Ikalabing-anim na Pagbigkas

 Diyos, Kaalaman, maghanap, maglingkod


 Ang Ikalabing-anim na Pagbigkas

    Napakarami Akong gustong sabihin sa tao, napakaraming mga bagay na kailangan Kong sabihin sa kanya. Nguni’t ang mga kakayahan ng tao sa pagtanggap ay kulang na kulang: Hindi niya kayang arukin nang lubos ang Aking mga salita ayon sa Aking ipinagkakaloob, at isang aspeto lamang ang kanyang nauunawaan nguni’t nananatiling mangmang sa iba. Gayunpaman hindi Ko pinarurusahan ang tao ng kamatayan dahil sa kawalan niya ng kapangyarihan, ni hindi Ako naagrabyado ng kanyang kahinaan. Ginagawa Ko lamang ang Aking trabaho, at nagsasalita gaya ng lagi Kong ginagawa, kahit na hindi nauunawaan ng tao ang Aking kalooban; kapag dumating na ang araw, makikilala Ako ng mga tao sa kaibuturan ng kanilang mga puso, at maaalala nila Ako sa kanilang mga isipan. Kapag umalis na Ako sa mundong ito, eksaktong aakyat Ako sa trono sa puso ng tao, ibig sabihin, ito ang panahon na makikilala Ako ng lahat ng mga tao. Kaya, ito rin, ang panahon kung kailan ang Aking mga anak na lalaki at bayan ang mamamahala sa buong mundo. Yaong mga nakakakilala sa Akin ay tiyak na magiging mga haligi ng Aking kaharian, at walang iba kundi sila ang magiging kwalipikado upang mamahala at gumamit ng kapangyarihan sa Aking kaharian. Ang lahat ng nakakakilala sa Akin ay mayroon ngang pagiging Ako, at nagagawang isabuhay Ako sa gitna ng lahat ng mga tao. Hindi Ko tinitingnan kung hanggang saan Ako nakikilala ng tao: Walang makahahadlang sa Aking gawain sa anumang paraan, at walang maitutulong sa Akin ang tao at walang magagawa para sa Akin. Masusundan lamang ng tao ang Aking paggabay sa Aking liwanag, at mahahanap ang Aking kalooban sa liwanag na ito. Sa araw na ito, naging kwalipikado ang mga tao, at naniniwalang kaya nilang magmayabang sa Aking harapan, at makitawa at makipagbiruan sa Akin nang wala man lamang kahit kaunting pangingimi, at pakitunguhan Ako bilang kapantay lamang. Hindi pa rin Ako kilala ng tao, naniniwala pa rin siyang halos pareho lamang kami sa diwa, na pareho kaming may laman at dugo, at parehong naninirahan sa mundo ng mga tao. Ang kanyang paggalang sa Akin ay masyadong kakaunti; iginagalang niya Ako kapag kaharap niya Ako, nguni’t walang kakayahang maglingkod sa Akin sa harap ng Espiritu. Ito ay tila, para sa tao, ang Espiritu ay hindi umiiral kailanman. Bilang resulta, walang taong nakakilala sa Espiritu; sa Aking pagkakatawang-tao, ang nakikita lamang ng mga tao ay isang laman at dugo, at hindi nararamdaman ang Espiritu ng Diyos. Maaari kayang tunay na matupad ang Aking kalooban sa ganitong paraan? Ang mga tao ay mga eksperto sa pandaraya sa Akin; parang sadya silang tinuruan ni Satanas upang lokohin Ako. Nguni’t hindi Ako naliligalig ni Satanas. Gagamitin Ko pa rin ang Aking karunungan para lupigin ang buong sangkatauhan at talunin ang nagpapatiwali ng buong sangkatauhan, upang sa gayon ay maitatag ang Aking kaharian dito sa lupa.

Peb 23, 2018

4. Ang Banal na Kagandahang-asal na Dapat Taglayin ng mga Mananampalataya sa Diyos.

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | 4. Ang Banal na Kagandahang-asal na Dapat Taglayin ng mga Mananampalataya sa Diyos.


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


   Bago siya pinasama ni Satanas, ang tao ay likas na tumatalima sa Diyos at sinusunod ang Kanyang mga salita. Siya ay likas na may maayos na katinuan at konsensya, at normal na pagkatao. Matapos pasamain ni Satanas, ang kanyang dating katinuan, konsensya, at pagkatao ay pumurol at pinapanghina ni Satanas. Kaya, naiwala niya ang kanyang pagkamasunurin at pag-ibig sa Diyos. Ang katinuan ng tao ay naging lihis, ang kanyang disposisyon ay naging kagaya ng sa hayop, at ang kanyang paghihimagsik sa Diyos ay naging mas madalas at mas matindi. Nguni’t hindi pa rin alam o ni kinikilala ng tao ito, at basta na lang lumalaban at naghihimagsik nang walang taros. … “Ang normal na katinuan” ay tumutukoy sa pagsunod at pagiging tapat sa Diyos, sa paghahangad sa Diyos, sa pagiging malinaw tungkol sa Diyos, at sa pagkakaroon ng konsensya ukol sa Diyos. Ito ay tumutukoy sa pagiging pinag-isang puso at isip patungkol sa Diyos, at hindi ang sadyang paglaban sa Diyos. Yaong mga may lihis na katinuan ay hindi ganito. Yamang ang tao ay pinasama ni Satanas, siya ay nakagawa ng mga pagkakaintindi ukol sa Diyos, at wala siyang katapatan o paghahangad ukol sa Diyos, huwag nang banggitin ang kawalang konsensya ukol sa Diyos. Sinasadya ng tao na lumaban at hatulan ang Diyos, at, bukod pa riyan, ay nagpupukol ng tuligsa kapag Siya’y nakatalikod. Malinaw na alam ng tao na Siya ay Diyos, subalit siya pa ring humahatol sa Kanya habang Siya ay nakatalikod, walang intensyon na susundin Siya, at basta na lang gumagawa ng mga walang basehang kahilingan at mga pakiusap sa Diyos. Ang gayong mga tao—mga taong may lihis na katinuan—ay walang kakayahan na malaman ang kanilang sariling kasuklam-suklam na pag-uugali o ang pagsisihan ang kanilang pagiging mapaghimagsik. Kung may kakayahan ang mga tao na makilala ang kanilang mga sarili, kung gayon ay nabawi nila nang kaunti ang kanilang katinuan; habang ang mga tao ay lalong naghihimagsik sa Diyos subalit hindi nakikilala ang kanilang mga sarili, mas lalo silang mayroong katinuan na hindi batay sa katotohanan.

Peb 13, 2018

Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos na Mga Salita.

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos na Mga Salita.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

    Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba’t-ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala. Ang ganoong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao, at pag-aalis sa tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit sa salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita. Sa pamamagitan ng salita, nalalaman ng tao ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, ang kakanyahan ng tao, at kung ano ang kailangang pasukin ng tao. Sa pamamagitan ng salita, ang lahat ng gawain na nais isagawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita ay natutupad. Sa pamamagitan ng salita, nahahayag ang tao, naaalis at sinusubukan. Nakita ng tao ang salita, narinig ang salita, at nabuksan ang kamalayan patungkol sa pag-iral ng salita. Ang bunga nito, naniniwala ang tao sa pag-iral ng Diyos; naniniwala ang tao sa pagiging-makapangyarihan at karunungan ng Diyos, gayundin sa puso ng Diyos para sa pagmamahal sa tao at Kanyang pagnanais na iligtas ang tao. Bagaman ang salitang “salita” ay payak at karaniwan, ang salita mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao ay niyayanig ang buong sansinukob; binabago ng Kanyang salita ang puso ng tao, ang mga paniwala at ang lumang disposisyon ng tao, at ang lumang anyo ng buong mundo. Sa pagdaan ng mga kapanahunan, tanging ang Diyos ng kasalukuyan ang gumagawa sa ganoong paraan, at Siya ang tanging nagsasalita at nagliligtas sa tao. Pagkatapos noon, namumuhay ang tao sa ilalim ng patnubay ng salita, inaakay at tinutustusan ng salita; sila ay namumuhay sa mundo ng salita, namumuhay sa gitna ng mga sumpa at mga pagpapala ng salita ng Diyos, at higit pa ay namumuhay sa ilalim ng paghatol at pagkastigo ng salita. Ang mga salita at gawaing ito ay para lahat sa kapakanan ng kaligtasan ng tao, pagkamit sa kalooban ng Diyos, at pagbabago sa orihinal na anyo ng mundo ng unang paglikha. Nilikha ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng salita, pinamumunuan ang mga tao sa buong sansinukob sa pamamagitan ng salita, nilulupig at inililigtas sila sa pamamagitan ng salita. Sa huli, gagamitin Niya ang salita upang dalhin ang buong lumang mundo sa katapusan. Doon lamang ganap na matatapos ang plano sa pamamahala. Sa buong Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang gawin ang Kanyang gawain at makamit ang mga bunga ng Kanyang gawain; hindi Siya gumagawa ng kababalaghan o gumaganap ng mga himala: ginagawa lamang Niya ang Kanyang mga gawain sa pamamagitan ng salita. Dahil sa salita, ang tao ay pinalulusog at tinutustusan; dahil sa salita, nagtatamo ang tao ng kaalaman at tunay na karanasan. Ang tao sa Kapanahunan ng Salita ay tunay na nakatanggap ng mga bukod-tanging pagpapala. Ang tao ay hindi nagdurusa ng sakit ng laman at nagtatamasa lamang ng masaganang tustos ng salita ng Diyos; hindi nila kailangang maghanap o maglakbay, at walang kahirap-hirap na nakikita nila ang anyo ng Diyos, naririnig nila Siyang nagsasalita sa kanilang sarili, natatanggap ang Kanyang panustos, at nakikita nila sa kanilang sarili na ginagawa Niya ang Kanyang gawain. Ang tao sa mga nakaraang Kapanahunan ay hindi natamasa ang ganoong mga bagay, at ito ang mga pagpapala na hindi nila kailanman matatanggap.
mula sa “Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Abr 10, 2018

Salita ng Diyos | Pakahulugan sa Unang Pagbigkas

Pakahulugan sa Unang Pagbigkas

    Gaya ng sinabi ng Diyos, “Walang makatatarok sa ugat ng Aking mga salita, ni mauunawaan man nila ang layunin sa likod ng mga iyon.” Kung hindi sa pamamagitan ng paggabay ng Espiritu ng Diyos, kung hindi sa pamamagitan ng pagdating ng Kanyang mga salita, lahat ay mapapahamak sa ilalim ng Kanyang pagkastigo. Bakit ba sinusubok ng Diyos ang tao nang napakatagal? At kasingtagal ng limang buwan? Ito ang pangunahing punto ng ating pagsasamahan gayundin ang pinakapunto ng karunungan ng Diyos. Maaari nating ipalagay ang ganito: Kung hindi sa pamamagitan ng pagsubok na ito, at kung wala ang pagsalakay ng Diyos, pagpatay, at pagtibag sa tiwaling sangkatauhan, kung ang pagtatayo ng iglesia ay nagpatuloy hanggang ngayon, kung gayon ay ano ang makakamit niyan? Kaya sa unang linya ng Kanyang pagsasalita, ang Diyos ay dumidiretso sa punto at ipinaliliwanag ang ninanasang epekto ng gawain sa loob ng mga buwang ito, at ito, masakit mang sabihin, ay tumpak! Ipinakikita nito ang karunungan ng mga gawa ng Diyos sa loob ng sakop ng panahong ito: pagtuturo sa mga tao upang matutunan ang pagpapasakop at taos-pusong dedikasyon sa pamamagitan ng pagsubok, gayundin ang kung paano mas mauunawaan ang Diyos sa pamamagitan ng masakit na pagpipino. Habang mas nawawalan ng pag-asa ang mga tao, mas nakakaya nilang maunawaan ang kanilang mga sarili. At upang sabihin ang katotohanan, habang mas masakit ang pagpipinong kanilang kinakaharap, mas nakakaya nilang maunawaan ang kanilang sariling katiwalian, at habang pinagdadaanan nila ito nalalaman pa nila na sila ay hindi karapat-dapat na maging isang ‘taga-serbisyo” para sa Diyos, at ang pagganap sa ganitong uri ng serbisyo ay pinaparangalan Niya. Kaya’t sa sandaling ito ay makamit, sa sandaling nasaid ng isang tao ang kanyang sarili, binibigkas ng Diyos ang mga salita ng habag, hindi patago bagkus ay kitang-kita. Maliwanag na pagkatapos ng ilang buwan, ang bagong[a] pamamaraan ng gawain ng Diyos ay nagsisimula ngayon; ito ay malinaw upang makita ng lahat. Sa nakaraan, malimit na sinabi ng Diyos “hindi madaling makamit ang karapatang matawag na Aking bayan,” kaya habang tinutupad Niya ang mga salitang ito sa mga taong tinutukoy bilang mga taga-serbisyo, maaaring makita ng lahat na ang Diyos ay maaaring mapagkatiwalaan nang walang anumang kamalian. Lahat ng sinasabi ng Diyos ay magkakatotoo sa magkakaibang antas, at ang Kanyang mga salita ay hindi kailanman walang laman.

Ene 2, 2018

Salita ng Diyos | Ang Ikaanim na Pagbigkas

Diyos, Kaalaman, Pablo, Pedro

Ang Ikaanim na Pagbigkas

    Sa mga bagay tungkol sa espiritu, kailangan kang maging sensitibo; sa Aking mga salita, maging maingat ka sa pakikinig. Kailangang magkaroon ka ng layuning makita ang Aking Espiritu at ang Aking sariling laman, ang Aking mga salita at ang Aking sariling laman, bilang isang buong hindi mahahati, upang mabigyan Ako ng kasiyahan ng lahat ng sangkatauhan sa Aking harapan. Nalibot na ng Aking mga paa ang sandaigdig, nakita na ng Aking paningin ang buong kalawakan, at lumakad na Ako sa gitna ng buong sangkatauhan, natikman Ko na ang lasa ng tamis, asim, pait, at anghang ng karanasan ng tao, ngunit hindi kailanman Ako nakilala ng tao, o napansin man niya habang Ako’y naglalakad sa liwanag. Dahil tahimik Ako at walang ginagawang di-pangkaraniwan, dahil dito wala talagang nakakita sa Akin. Hindi na katulad ng dati ang mga bagay ngayon: Gagawa Ako ng mga bagay na hindi pa nakikita ng mundo, simula nang likhain ang sanlibutan, magpapahayag Ako ng mga salitang hindi pa naririnig ng mga tao sa mahabang panahon, dahil ninais Kong makilala Ako sa nagkatawang-tao na ito. Ito ang mga hakbang ng Aking pamamahala, na hindi lubos na maunawaan ng sangkatauhan. Kahit magsalita Ako sa kanila nang lantaran, magulo pa rin ang kanyang isipan at imposible silang maliwanagan sa kanya sa bawat detalye. Nakalakip rito ang kasuklam-suklam na kababaan ng tao, hindi ba? Ito ang nais kong bigyan ng lunas sa kanya, tama ba? Sa mga nakaraang taon, wala Akong ginawang anuman para sa tao; kahit na silang tuwirang nakasama Ko sa Aking nagkatawang-tao ay walang narinig na tinig na nagmumula sa Aking pagka-Diyos. Kaya hindi maiiwasan na magkulang ang mga tao ng kaalaman tungkol sa Akin, ngunit ang bagay na ito ay hindi nakaapekto sa pagmamahal ng sangkatauhan sa Akin sa loob ng maraming taon. Ngunit ngayon, marami na Akong ginawa sa inyong himala at mga bagay na hindi maunawaan, at gayon din ang mga salita na Aking sinabi. Gayunpaman, kahit ganito, marami pa ring mga tao ang kumakalaban sa Akin nang harapan. Hayaan ninyo Akong bigyang ilang halimbawa.

Okt 28, 2019

Tagalog Worship Songs | Hinahatulan at Pineperpekto ng Diyos ang Tao Gamit ang Kanyang mga Salita sa mga Huling Araw


Tagalog Worship Songs | Hinahatulan at Pineperpekto ng Diyos ang Tao Gamit ang Kanyang mga Salita sa mga Huling Araw



 Ⅰ
Naging tao ang Diyos
sa mga huling araw para magsalita,
para ipakita sa tao,
kailangan niya't dapat pasukan,
ang Kanyang mga gawa't kapangyarihan,
pagiging kamangha-mangha't karunungan.
Kita sa maraming paraan ng pagbigkas ng Diyos,
ang Kanyang paghahari't kadakilaan,
pagkatago at kapakumbabaan,
pagpapababa ng kataas-taasang Diyos.

Peb 15, 2019

Mas Nakikilala ng mga Tao ang Diyos sa Gawain ng mga Salita


Tagalog Christian Song | "Mas Nakikilala ng mga Tao ang Diyos sa Gawain ng mga Salita"


I
Pangunahing ginagamit ng Diyos ng mga huling araw 
ang salita para gawing perpekto ang tao,
hindi tanda't kababalaghan 
para pahirapan o hikayatin s'ya,
dahil hindi maipaliliwanag ng mga ito 
ang kapangyarihan ng Diyos.
Kung tanda't kababalaghan lang pinapakita ng Diyos,
magiging imposibleng linawin ang realidad ng Diyos,
at sa gayon imposibleng gawing perpekto ang tao.
Hindi ginagawang perpekto ng Diyos ang tao 
sa mga tanda't kababalaghan,
kundi dinidiligan at pinapastulan ang tao 
gamit ang mga salita,
para matamo ang pagsunod ng tao, kaalaman sa Diyos.
Ito ang layunin ng Kanyang gawain 
at Kanyang mga salita.

May 6, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Pakahulugan sa Ika-apatnapung Pagbigkas

Pakahulugan sa Ika-apatnapung Pagbigkas


    Sa Diyos, ang tao ay tulad ng isang laruan na Kanyang tangan-tangan, tulad ng isang binanat-ng-kamay na hibla ng noodle sa Kanyang mga kamay—isa na maaaring gawing kasing-nipis o kasing-kapal ng nais ng Diyos na gawin ayon sa Kanyang kaluguran. Patas bang sabihin na ang tao ay talagang isang laruan sa mga kamay ng Diyos, tulad ng isang pusang Persiyano na binili ng isang babae sa palengke. Walang alinlangan, siya ay isang laruan sa mga kamay ng Diyos—kaya’t walang anumang mali tungkol sa pagkakilala ni Pedro. Mula rito ay nakikita na ang mga salita ng Diyos at pagkilos sa tao ay sadya lamang natutupad, nang napakadali. Hindi Niya pinahihirapan ang Kanyang utak o gumagawa ng mga plano, gaya ng naguguni-guni ng mga tao; ang gawaing ginagawa Niya sa tao ay napaka-normal, gayundin ang mga salitang binibigkas Niya sa tao. Kapag nagsasalita ang Diyos, Siya ay tila hinahayaan ang Kanyang dila na tumakbong kasama Niya, Kanyang sinasabi anuman ang dumating sa Kanyang isipan, nang walang pagbabawal. Gayunpaman, matapos ang pagbasa sa mga salita ng Diyos, ang mga tao ay lubos na kumbinsido, sila ay walang masabi, nandidilat-ang-mata at napapatunganga. Anong nangyayari dito? Ito ay nagpapakitang mabuti kung gaano kadakila ang karunungan ng Diyos. Kung, gaya ng naguguni-guni ng mga tao, ang gawain ng Diyos sa tao ay kailangang planuhin nang napaka-metikuloso upang maging eksakto at tama, kung gayon—upang ang mga naguguni-guning ito ay maging higit pa—ang karunungan ng Diyos, pagiging kamangha-mangha, at pagiging di-matarok ay magiging nasusukat, na nagpapakitang ang pagbibigay-halaga ng mga tao sa Diyos ay napakababa. Dahil laging may kahangalan sa mga pagkilos ng mga tao, sinusukat nila ang Diyos sa ganoon ding paraan. Ang Diyos ay hindi gumagawa ng mga pagkalkula o pagsasaayos para sa Kanyang gawain; sa halip, ito ay tuwirang isinasakatuparan ng Espiritu ng Diyos—at ang mga prinsipyo kung paanong gumagawa ang Espiritu ng Diyos ay malaya at di-napipigilan. Para bang ang Diyos ay hindi binibigyang-pansin ang mga katayuan ng tao at nagsasalita kung ano ang Kanyang ikinasisiya—gayunman nahihirapan pa rin ang tao na ibukod ang kanyang sarili mula sa mga salita ng Diyos, na dahil sa karunungan ng Diyos. Ang mga katunayan, sa paanuman, ay mga katunayan. Dahil ang gawain ng Espiritu ng Diyos sa lahat ng mga tao ay kitang-kita, ito ay sapat upang ipakita ang mga alituntunin ng gawain ng Diyos. Kung ang Diyos ay kailangang magbayad ng gayong kalaking halaga sa Kanyang gawain sa mga nilalang, hindi ba iyan ay magiging katayuan ng paglalagay sa maiinam na kahoy sa mumurahin na paggamit? Dapat ba ang Diyos na kumilos nang personal? Magiging karapat-dapat ba ito? Dahil ang Espiritu ng Diyos ay gumagawa na nang napakatagal, at gayunman sa buong mga kapanahunan ang Espiritu ng Diyos ay hindi nakagawa sa ganitong paraan, walang sinuman ang nakaalam sa paraan at mga alituntunin kung paano gumagawa ang Diyos, ang mga ito ay hindi kailanman naging malinaw. Ngayon ang mga iyon ay malinaw, sapagka’t ang Espiritu ng Diyos ay personal na naibunyag ang mga iyon—at ito ay walang pag-aalinlangan, ito ay tuwirang ipinakita ng Espiritu ng Diyos, hindi binuod ng tao. Bakit hindi maglakbay papuntang ikatlong langit at tingnan kung ito ang talagang nangyayari, tingnan kung, pagkatapos ng paggawa sa lahat ng gawaing ito, ang mga pagpapagal ng Diyos ay iniwan Siyang nanlulupaypay, ang Kanyang likod ay sumasakit at ang Kanyang mga binti ay masakit, o kaya ay hindi makakain o makatulog. Ang Diyos ba ay kailangang magbasa ng napakaraming na sanggunian upang mabigkas ang lahat ng mga salitang ito, nakakalat ba sa mesa ang mga naisulat na pagbigkas ng Diyos, Siya ba ay nanúnuyô-ang-bibig pagkatapos magsalita ng gayong karami? Ang mga katunayan ay mismong kabaligtaran: Ang mga salita sa itaas ay walang anumang pagkatulad sa lugar kung saan nananahan ang Diyos. Sinasabi ng Diyos, “Nakagugol Ako ng malaking panahon, at nagbayad ng malaking halaga, alang-alang sa tao—nguni’t sa sandaling ito, sa hindi-malamang dahilan, ang mga konsensya ng mga tao ay nananatiling kailanma’y hindi-kayang gampanan ang kanilang orihinal na tungkulin.” Di-alintana kung ang mga tao ay may anumang pandama ng lungkot ng Diyos, kung malalapitan nila ang pag-ibig ng Diyos nang hindi nilalabanan ang kanilang konsensya, ito ay maituturing na may-kabuluhan at makatwiran. Ang ikinatatakot lamang ay na ayaw nilang pasanin ang orihinal na tungkulin ng konsensya. Anong masasabi mo, ito ba ay tama? Nakatutulong ba ito sa iyo? Ang Aking pag-asa ay na kabilang kayo sa uri ng mga bagay na nagtataglay ng konsensya, sa halip ng pagiging basurang walang konsensya. Anong iyong iniisip sa mga salitang ito? Ang sinuman ba ay may pandama rito? Ang pagkakaroon ba ng karayom na nakatusok sa iyong puso ay hindi masakit? Itinutusok ba ng Diyos ang karayom sa isang bangkay na walang pakiramdam? Ang Diyos ba ay nagkamali, ang matandang gulang ba ay nagpalabo sa Kanyang paningin? Aking sinasabi na iyan ay imposible! Magkagayunman, ito ay dapat na pagkakamali ng tao. Bakit hindi pumunta sa ospital at tingnan? Walang dudang may problema sa puso ng tao, kailangan itong sukatan ng bagong “piyesa”—maaari ba ang gayon? Gagawin mo ba iyon?

Set 6, 2017

Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos


Kidlat ng Silanganan, Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, panlulupig, kapalaran

    Upang maunawaan ang layunin ng gawa ng Diyos, kung ano ang bungang makakamit sa pagiging tao, at ang kalooban ng Diyos tungo sa tao, ito ang dapat makamit ng bawat taong sumusunod sa Diyos. Ang kulang ngayon sa lahat ng tao ay ang kaalaman sa gawa ng Diyos. Hindi ganap na nauunawaan ni naiintindihan ng tao kung ano ang bumubuo sa mga gawa ng Diyos sa tao, ang lahat ng gawa ng Diyos, at ang kalooban ng Diyos simula nang likhain ang mundo. Ang ganitong kakulangan ay hindi lamang nakikita saan mang dako ng relihiyosong mundo, kundi higit pa, sa lahat ng mananampalataya ng Diyos. Kapag dumating ang araw na tunay ngang mamasdan mo ang Diyos, at maunawaan ang karunungan ng Diyos; kapag namasdan mo ang lahat ng gawa ng Diyos at nakilala kung ano ang Diyos at ang kung ano ang mayroon Siya; kapag namasdan mo ang Kanyang kasaganaan, karunungan, himala, at lahat ng Kanyang mga gawa sa tao, ay saka mo makakamit ang matagumpay na pananampalataya sa Diyos. Nang sabihin na ang Diyos ay pumapaligid at lubhang masagana, ano ang ibig sabihin ng pumapaligid? Ano ang ibig sabihin ng kasaganaan? Kung hindi mo ito naunawaan, hindi ka maaaring ipalagay na mananampalataya ng Diyos. Bakit Ko sinasabing ang mga nasa relihiyosong mundo ay mga hindi nananampalataya sa Diyos at mga manggagawa ng kasamaan, at yaong mga kauri ng demonyo? Kapag sinabi Kong sila ay manggagawa ng kasamaan, ito ay dahil hindi nila maintindihan ang kalooban ng Diyos o makita ang Kanyang karunungan. Hindi kailanman ipinakita ng Diyos ang Kanyang gawa sa kanila; sila’y mga bulag na hindi nakikita ang mga gawa ng Diyos. Sila yaong mga tinalikdan ng Diyos at walang taglay na kalinga at pag-iingat ng Diyos, lalo pa ang gawa ng Banal na Espiritu. Yaong mga walang gawa ng Diyos ay manggagawa ng kasamaan at naninindigan sa pagsalungat sa Diyos. Yaong mga sinasabi Ko na mga sumasalungat sa Diyos ay yaong mga hindi kilala ang Diyos, yaong mga tumatanggap sa Diyos sa pamamagitan ng mga walang kabuluhang salita ngunit hindi Siya kilala, yaong mga sumusunod sa Diyos pero hindi Siya dinidinig, at yaong mga nagsasaya sa biyaya ng Diyos ngunit hindi magagawang maging saksi sa Kanya. Kung walang pag-unawa sa layunin ng gawain ng Diyos at sa gawa ng Diyos sa tao, hindi makaaayon ang tao sa puso ng Diyos, at hindi magagawang maging saksi sa Diyos. Ang dahilan kung bakit sumasalungat ang tao sa Diyos ay nagmumula, sa isang banda, sa masamang disposisyon ng tao, at sa kabilang banda, sa kamangmangan tungkol sa Diyos at sa kakulangan ng pag-unawa sa mga prinsipyo ng gawa ng Diyos at ng Kanyang kalooban patungo sa tao. Ang dalawang aspetong ito ay nagsasama upang maging iisang kasaysayan ng paglaban ng tao sa Diyos. Ang mga baguhan sa pananampalataya ay sumasalungat sa Diyos dahil ang pagsalungat ay nasa kanilang kalikasan, samantalang ang pagsalungat sa Diyos ng mga mananampalayatang may maraming taon na sa paniniwala ay bunga ng kamangmangan nila tungkol sa Diyos, samahan pa ng kanilang masamang disposisyon. Sa panahon bago naging tao ang Diyos, ang batayan ng kung ang tao ay sumalungat sa Diyos ay kung tinupad niya ang kautusang inihayag ng Diyos sa langit. Halimbawa, sa Kapanahunan ng Kautusan, ang sinumang hindi tumupad sa kautusan ni Jehova ay yaong mga sumalungat sa Diyos; ang sinumang nagnakaw ng mga alay para kay Jehova, at ang sinumang nanindigan laban sa mga pinaboran ni Jehova ay yaong sumalungat sa Diyos at yaong pupukulin ng bato hanggang sa mamatay; ang sinumang hindi gumalang sa kanyang ama at ina, at ang sinumang nanakit o nanumpa ng kapwa ay yaong hindi tumupad sa mga kautusan. At ang lahat ng hindi tumupad sa kautusan ni Jehova ay yaong nanindigan na labanan Siya. Hindi na ganito sa Kapanahunan ng Biyaya, na ang sinumang nanindigan laban kay Jesus ay yaong nanindigan laban sa Diyos, at ang sinumang hindi sumunod sa mga salitang sinabi ni Jesus ay yaong nanindigan laban sa Diyos. Sa panahong ito, ang pagpapatunay na “pagsalungat sa Diyos” ay higit pang natukoy nang malinaw at mas tunay. Sa panahong hindi pa naging tao ang Diyos, ang batayan ng kung ang tao ay sumalungat sa Diyos ay batay sa kung ang tao ay sumamba at gumalang sa di-nakikitang Diyos na nasa langit. Ang kahulugan ng “pagsalungat sa Diyos” sa panahong iyon ay hindi lubusang tunay, dahil ang tao noon ay hindi maaaring makita ang Diyos ni malaman ang kanyang anyo o paano gumawa at magsalita ang Diyos. Walang mga pagkaintindi ang tao sa Diyos at may kalabuan ang paniniwala sa Diyos, dahil hindi pa Siya nagpakita sa tao. Samakatuwid, paano man naniwala ang tao sa Diyos sa kanilang imahinasyon, hindi pinarusahan ng Diyos ang tao o humingi ng higit pa mula sa tao, sapagka’t hindi talaga nakikita ng tao ang Diyos. Kapag nagiging tao ang Diyos at gumagawa kasama ang mga tao, ang lahat ay namamasdan ang Diyos at napapakinggan ang Kanyang mga salita, at nakikita ng lahat ang gawain ng Diyos sa laman. Sa panahong iyon, ang lahat ng mga pagkaintindi ng tao ay naglalahong parang bula. At para sa mga nakakita sa Diyos na nagpakita sa laman, ang lahat ng may pagsunod sa kanilang mga puso ay hindi mahuhusgahan, samantalang yaong mga sadyang naninindigan laban sa Kanya ay yaong itinuturing na kalaban ng Diyos. Ang mga naturang tao ay mga anticristo at mga kalaban na kusang-loob na naninindigan laban sa Diyos. Yaong may mga pagkaintindi tungkol sa Diyos nguni’t may kagalakang sumusunod ay hindi huhusgahan. Hinuhusgahan ng Diyos ang tao batay sa kanyang mga layunin at mga kilos, hindi kailanman sa kanyang mga kaisipan at mga ideya. Kung ang tao ay hinuhusgahan sa ganitong batayan, kung gayon wala ni isa ang makatatakas sa mabagsik na mga kamay ng Diyos. Yaong mga kusang-loob na naninindigan laban sa Diyos na nagkatawang-tao ay mapaparusahan dahil sa kanilang pagsuway. Ang kusang-loob nilang pagsalungat sa Diyos ay nagmumula sa kanilang mga pagkaintindi tungkol sa Kanya, na nagbunga ng kanilang paggambala sa gawa ng Diyos. Ang gayong mga tao ay sadyang lumalaban at sumisira sa gawa ng Diyos. Hindi lamang sila mayroong mga pagkaintindi sa Diyos, subalit ginagawa nila ito upang magambala ang Kanyang gawain, at dahil sa kadahilanang ito na ang ganitong pag-uugali ng mga tao ay huhusgahan. Yaong mga hindi kusang-loob na sumasama sa paggambala sa gawa ay hindi huhusgahan bilang makasalanan, sapagka’t nagawa nilang sadyang sumunod at hindi gumawa ng pagbuwag at paggambala. Ang naturang mga tao ay hindi huhusgahan. Gayunpaman, kung ang mga tao sa maraming taon ay naranasan ang gawa ng Diyos, at kung tinataglay pa rin nila ang kanilang mga pagkaintindi sa Diyos at hindi pa rin kayang malaman ang gawa ng Diyos na nagkatawang-tao, at sa kabila ng maraming taong karanasan, ay pinagpapatuloy pa rin nilang panghawakan ang maraming pagkaintindi sa Diyos at hindi pa rin kayang kilalanin ang Diyos, at kahit hindi sila gumawa ng gulo nang mayroong maraming pagkaintindi sa Diyos sa kanilang mga puso, at kahit ang mga pagkaintindi na iyon ay hindi lumitaw, yaon ang mga taong wala ring paglilingkod sa gawa ng Diyos. Hindi nila kayang ipangaral ang ebanghelyo o maging saksi sa Diyos; sila ang mga taong walang silbi at mga hangal. Dahil hindi nila kilala ang Diyos at hindi nila kayang iwaksi ang kanilang mga pagkaintindi sa Diyos, sila ay hinuhusgahan. Maari itong sabihin nang ganito: Hindi bihira sa mga baguhan sa pananampalataya ang magkaroon ng mga pagkaintindi sa Diyos o ng kawalang-alam sa Kanya, ngunit di-pangkaraniwan sa mga may paniniwala nang maraming taon at maraming karanasan sa gawa ng Diyos ang pagkakaroon ng ganitong mga pagkaintindi, at mas lalo na para sa mga naturang tao ang kawalan ng kaalaman tungkol sa Diyos. At ang bunga ng ganitong di-pangkaraniwang kalagayan ng mga tao ay hinuhusgahan. Yaong ganoong mga di-pangkaraniwang tao ay mga walang silbi; sila yaong sukdulang sumasalungat sa Diyos at sila yaong nagpakasaya sa biyaya ng Diyos nang walang kabuluhan. Sila yaong mga taong dapat alisin sa katapusan!

Ene 4, 2018

Ang Bawat Salita ng Diyos ay Isang Pagpapahayag ng Kanyang Disposisyon

Kaalaman, Mahalin ang Diyos, pagmamahal at Awa, Panalangin


Mga patotoo’t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Bawat Salita ng Diyos ay Isang Pagpapahayag ng Kanyang Disposisyon

Hu Ke    Lungsod ng Dezhou, Lalawigan ng Shandong
    Sa tuwing nakikita ko ang mga salitang ito na sinabi ng Diyos, hindi ako mapalagay: “Pinanghahawakan ng disposisyon ng Diyos ang bawat pangungusap na sinabi ko. Makabubuti para sa inyo ang pagnilay-nilayan ang Aking mga salita nang maingat, at siguradong labis ninyong mapapakinabangan ang mga ito.” Hindi ako mapalagay dahil ang pag-unawa sa disposisyon ng Diyos ay kapwa napakahalaga sa pag-unawa ng tao sa Diyos at sa kanilang paghahangad na mahalin at pasayahin Siya. Ngunit kapag kumakain at umiinom ako ng mga salita ng Diyos, palagi kong nararamdaman na ang disposisyon ng Diyos ay parang napakahirap unawain, at hindi ko alam kong paano ko ito uunawain. Pagkatapos, sa pamamagitan ng pagbabahagi mula sa aking lider, nalaman ko na dapat unawain ko kung ano ang gusto ng Diyos at kung ano ang kinapopootan Niya mula sa Kanyang mga salita, nang sa gayon ay maunawaan ang disposisyon ng Diyos. Pagkatapos, sinubukan kong isagawa ang mga ito at nakita ko ang ilang mga resulta. Subalit nananatili akong nalilito tungkol sa mga salita ng Diyos, “Pinanghahawakan ng disposisyon ng Diyos ang bawat pangungusap na sinabi ko,” at wala akong kaalam-alam kong paano ito maunawaan.

Ago 10, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Unang Bahagi Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob (Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula)Ang Ikaanim na Pagbigkas

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Cristo, Jesus,

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Unang Bahagi Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob (Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula)Ang Ikaanim na Pagbigkas



Sa mga bagay tungkol sa espiritu, kailangan kang maging sensitibo; sa Aking mga salita, maging maingat ka sa pakikinig. Kailangang magkaroon ka ng layuning makita ang Aking Espiritu at ang Aking sariling laman, ang Aking mga salita at ang Aking sariling laman, bilang isang buong hindi mahahati, at isagawa ito upang mabigyan Ako ng kasiyahan ng lahat ng sangkatauhan sa Aking harapan. Nalibot na ng Aking mga paa ang sandaigdig, nakita na ng Aking paningin ang buong kalawakan, at lumakad na Ako sa gitna ng buong sangkatauhan, natikman Ko na ang lasa ng tamis, asim, pait, at anghang ng karanasan ng tao, ngunit hindi kailanman Ako nakilala ng tao, o napansin man niya habang Ako’y naglalakad sa liwanag. Dahil tahimik Ako at walang ginagawang di-pangkaraniwan, dahil dito wala talagang nakakita sa Akin. Hindi na katulad ng dati ang mga bagay ngayon: Gagawa Ako ng mga bagay na hindi pa nakikita ng mundo, simula nang likhain ang sanlibutan, magpapahayag Ako ng mga salitang hindi pa naririnig ng mga tao sa mahabang panahon, dahil ninais Kong makilala Ako sa nagkatawang-tao na ito. Ito ang mga hakbang ng Aking pamamahala, na hindi lubos na maunawaan ng sangkatauhan. Kahit magsalita Ako sa kanila nang lantaran, magulo pa rin ang kanyang isipan at imposible silang maliwanagan sa kanya sa bawat detalye. Nakalakip rito ang kasuklam-suklam na kababaan ng tao, hindi ba? Ito ang nais kong bigyan ng lunas sa kanya, tama ba?

Mar 16, 2018

Salita ng Diyos | Ang Ikawalong Pagbigkas


Ang Ikawalong Pagbigkas

    Kapag nasa rurok na ang Aking kapahayagan at ang Aking paghatol ay malapit na sa katapusan, ito na ang magiging oras kung saan ang lahat ng Aking mga tao ay malalantad at magiging ganap. Ang Aking mga yabag ay lumilibot sa lahat ng sulok ng mundo ng sansinukob dahil sa walang katapusang paghahanap sa mga naghahangad ng Aking sariling puso at naaayon sa Aking paggamit. Sino ang maaaring tumayo at makikipagtulungan sa Akin? Ang pag-ibig ng tao sa Akin ay napakakulang at ang pananampalataya niya sa Akin ay hamak na maliit. Kung ang sidhi ng Aking mga salita ay hindi nakatuon sa mga kahinaan ng tao, siya ay magyayabang at magsasalita nang labis, mag-aastang relihiyosong lider, at lilikha ng matatayog na kuro-kuro, na para bang alam niya ang lahat at marunong sa lahat ng bagay sa mundo. Sino pa ang maglalakas-loob na magyabang sa gitna ng mga tapat sa Akin noon, at sa ngayon ay naninindigan sa Aking harapan? Sino ang hindi lantarang nagagalak sa kanilang sariling hinaharap? Nang hindi Ko tuwirang inilantad, ang tao ay walang lugar na napagtaguan, at nagdusa sa kahihiyan. Gaano kalala pa ito kung magsasalita Ako sa ibang paraan? Ang mga tao ay lalong makararamdam ng pagkakautang, sila ay maniniwala na walang makagagamot sa kanila, at ang lahat ay lalong magagapos ng kanilang pagsasawalang-kibo. Kapag ang tao ay nawalan ng pag-asa, ang pagpugay sa kaharian ay pormal ng umalingawngaw, kaya ito ay “ang oras kung kailan ang pitong beses na pinaigting na Espiritu ay nagsisimulang kumilos,” tulad ng sinabi ng tao; sa madaling salita, ang buhay ng kaharian ay opisyal na nagsimula sa daigdig, at iyon ay, nang ang Aking pagka-Diyos ay lumabas upang kumilos nang tuluyan (nang hindi kailangang iproseso ng utak). Ang lahat ng tao ay naging abala na maihahalintulad sa mga bubuyog; para bang muli silang nabuhay, na parang nagising sila mula sa isang panaginip, at pagkagising na pagkagising nila ay namangha sila nang makita ang kanilang sarili sa ganoong kalagayan. Noong nakaraan, marami Akong sinabi tungkol sa pagtatayo ng iglesia, inilahad Ko ang maraming hiwaga, at nang nasa rurok na ang pagtatayo ng iglesia, ito ay biglang nagwakas. Ang pagtatayo ng kaharian, gayon man, ay iba. Tanging kapag ang digmaan sa kahariang espirituwal ay nasa huling yugto, saka Ko sisimulang muli ang daigdig. Ito ay para sabihin na, tanging kapag malapit nang tumalikod and tao saka Ko lang pormal na sisimulan ang pagbangon ng Aking bagong gawain. Ang kaibahan sa pagtatayo ng kaharian at pagtatayo ng iglesia ay ganito, sa pagtatayo ng iglesia, Ako ay gumawa sa sangkatauhang pinamamahalaan ng pagka-Diyos. Tuwiran Kong pinakitunguhan ang lumang kalikasan ng tao, tuwirang inilantad ang pansariling kapangitan ng tao, at inihayag ang kakanyahan ng tao. Ang resulta, natutunan ng tao ang sarili niya sa ganitong paraan, at kaya ay napaniwala sa puso sa pamamagitan ng salita. Sa pagtatayo ng kaharian, Ako ay kumilos nang tuwiran sa Aking pagka-Diyos, at pinapahintulutan ang lahat ng tao na malaman kung anong mayroon Ako at sino Ako batay sa kaalaman ng Aking mga salita, at sa huli, pinapahintulutan silang makamit ang kaalaman tungkol sa Akin na nasa katawang-tao. Kaya ito ay magbibigay ng wakas sa paghahangad ng sangkatauhan sa isang malabong Diyos, at ito ay nagbibigay-katapusan sa lugar ng “Diyos ng langit” sa puso ng tao, na ibig sabihin ay, ito ay nagpapahintulot sa tao na malaman ang Aking mga gawa sa Aking katawang-tao, at winawakasan nito ang Aking panahon sa daigdig.

Ago 15, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos | Ang Ikawalong Pagbigkas

Almighty God’s Words, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, pag-ibig, pananampalataya,

Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos | Ang Ikawalong Pagbigkas


   Kapag nasa rurok na ang Aking kapahayagan at ang Aking paghatol ay malapit na sa katapusan, ito na ang magiging oras kung saan ang lahat ng Aking mga tao ay malalantad at magiging ganap. Ang Aking mga yabag ay lumilibot sa lahat ng sulok ng mundo ng sansinukob dahil sa walang katapusang paghahanap sa mga naghahangad ng Aking sariling puso at naaayon sa Aking paggamit. Sino ang maaaring tumayo at makikipagtulungan sa Akin? Ang pag-ibig  ng tao sa Akin ay napakakulang at ang pananampalataya niya sa Akin ay hamak na maliit. Kung ang sidhi ng Aking mga salita ay hindi nakatuon sa mga kahinaan ng tao, siya ay magyayabang at magsasalita nang labis, mag-aastang relihiyosong lider, at lilikha ng matatayog na kuro-kuro, na para bang alam niya ang lahat at marunong sa lahat ng bagay sa mundo. Sino pa ang maglalakas-loob na magyabang sa gitna ng mga tapat sa Akin noon, at sa ngayon ay naninindigan sa Aking harapan? Sino ang hindi lantarang nagagalak sa kanilang sariling hinaharap? Nang hindi Ko tuwirang inilantad, ang tao ay walang lugar na napagtaguan, at nagdusa sa kahihiyan. Gaano kalala pa ito kung magsasalita Ako sa ibang paraan? Ang mga tao ay lalong makararamdam ng pagkakautang, sila ay maniniwala na walang makagagamot sa kanila, at ang lahat ay lalong magagapos ng kanilang pagsasawalang-kibo. Kapag ang tao ay nawalan ng pag-asa, ang pagpugay sa kaharian ay pormal ng umalingawngaw, kaya ito ay “ang oras kung kailan ang pitong beses na pinaigting na Espiritu ay nagsisimulang kumilos,” tulad ng sinabi ng tao; sa madaling salita, ang buhay ng kaharian ay opisyal na nagsimula sa daigdig, at iyon ay, nang ang Aking pagka-Diyos ay lumabas upang kumilos nang tuluyan (nang hindi kailangang iproseso ng utak). Ang lahat ng tao ay naging abala na maihahalintulad sa mga bubuyog; para bang muli silang nabuhay, na parang nagising sila mula sa isang panaginip, at pagkagising na pagkagising nila ay namangha sila nang makita ang kanilang sarili sa ganoong kalagayan. Noong nakaraan, marami Akong sinabi tungkol sa pagtatayo ng iglesia, inilahad Ko ang maraming hiwaga, at nang nasa rurok na ang pagtatayo ng iglesia, ito ay biglang nagwakas. Ang pagtatayo ng kaharian, gayon man, ay iba. Tanging kapag ang digmaan sa kahariang espirituwal ay nasa huling yugto, saka Ko sisimulang muli ang daigdig. Ito ay para sabihin na, tanging kapag malapit nang tumalikod and tao saka Ko lang pormal na sisimulan ang pagbangon ng Aking bagong gawain. Ang kaibahan sa pagtatayo ng kaharian at pagtatayo ng iglesia ay ganito, sa pagtatayo ng iglesia, Ako ay gumawa sa sangkatauhang pinamamahalaan ng pagka-Diyos. Tuwiran Kong pinakitunguhan ang lumang kalikasan ng tao, tuwirang inilantad ang pansariling kapangitan ng tao, at inihayag ang kakanyahan ng tao. Ang resulta, natutunan ng tao ang sarili niya sa ganitong paraan, at kaya ay napaniwala sa puso sa pamamagitan ng salita. Sa pagtatayo ng kaharian, Ako ay kumilos nang tuwiran sa Aking pagka-Diyos, at pinapahintulutan ang lahat ng tao na malaman kung anong mayroon Ako at sino Ako batay sa kaalaman ng Aking mga salita, at sa huli, pinapahintulutan silang makamit ang kaalaman tungkol sa Akin na nasa katawang-tao. Kaya ito ay magbibigay ng wakas sa paghahangad ng sangkatauhan sa isang malabong Diyos, at ito ay nagbibigay-katapusan sa lugar ng “Diyos ng langit” sa puso ng tao, na ibig sabihin ay, ito ay nagpapahintulot sa tao na malaman ang Aking mga gawa sa Aking katawang-tao, at winawakasan nito ang Aking panahon sa daigdig.

Ene 1, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikalimang Pagbigkas

Ang Banal na Espiritu, Kaligtasan, karunungan, Paghatol

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikalimang Pagbigkas


     Kapag ang Aking Espiritu ay nagsasalita, ipinapahayag nito ang Aking buong disposisyon. Malinaw na ba sa inyo ito? Ang pagiging malabo sa puntong ito ay katumbas ng pagtutol sa Akin nang deretsahan. Tunay ba ninyong nakikita ang kahalagahang ito? Alam ba talaga ninyo kung gaano kalaking pagsisikap, kung gaano kasigasig, ang Aking iginugol sa inyo? Talaga bang nangangahas kayong ilantad ang ginawa ninyo sa harap Ko? At mayroon pa kayong lakas ng loob na tawagin ang inyong mga sarili na mga tao Ko sa harap ng Aking mukha—wala kayong nadaramang kahihiyan, lalong walang dahilan! Di magtatagal, ang mga taong ganito ay paaalisin mula sa Aking tahanan. Huwag kang lumapit bilang matandang sundalo sa Akin, iniisip na tumayo ka para sa Aking patotoo! Isa ba itong bagay na kayang gawin ng sangkatauhan? Kung walang natitira sa iyong mga intensyon at mga layunin, sana’y matagal ka nang nagtungo sa ibang landas. Iniisip mo ba na hindi Ko alam kung gaano karami ang kayang hawakan ng puso ng tao? Simula sa oras na ito, sa lahat ng mga bagay ay kailangan mong pumasok sa katotohanan ng pagsasagawa; ang bastang pagdadaldal, katulad ng iyong nakasanayang gawin, ay hindi na uubra. Sa nakaraan, karamihan sa inyo ay nakinabang sa ilalim ng Aking bubong; ang katotohanang nakakaya ninyong tumayo nang matatag ngayon ay dahil sa bigat ng Aking mga salita. Sa palagay mo ba ang Aking mga salita ay basta na lamang sinabi nang walang kadahilanan? Imposible! Nakatingin Ako sa lahat ng mga bagay na nasa ibaba mula sa itaas, at pinapatupad ang dominyon sa lahat ng mga bagay mula sa itaas. Sa parehong paraan, ipinadala ko ang Aking kaligtasan sa lahat ng dako ng mundo. Walang sandaling hindi ako nakamasid, mula sa Aking sikretong lugar, bawat galaw ng sangkatauhan, bawat salita nila at bawat bagay na ginagawa nila. Ang sangkatauhan para sa Akin ay isang nakabukas na aklat: Nakikita ko at kilala ko ang bawat isa. Ang sikretong lugar ay ang Aking tahanan, ang pinakamataas sa langit ang kama na Aking kinahihigaan. Ang mga puwersa ni Satanas ay hindi makakaabot sa Akin, dahil Ako ay umaapaw sa kamahalan, pagkamatuwid, at paghatol. Ang hindi maisaysay na hiwaga ay naninirahan sa Aking mga salita. Kapag Ako ay nagsasalita, kayo ay nagiging parang mga ibon na inihagis sa tubig, napuspos ng pagkalito, o mga batang nagkaroon pa lamang ng sindak, tila walang muwang, dahil ang inyong espiritu ay nahulog sa pagkatuliro. Bakit Ko sinasabi na ang sikretong lugar ay ang Aking tahanan? Alam mo ba ang mas malalim na kahulugan ng Aking sinasabi? Sino sa lahat ng sangkatauhan ang mayroong kakayahang kilalanin Ako? Sino sa inyo ang mayroong kakayahang kilalanin Ako katulad ng pagkakilala mo sa sarili mong ama at ina? Habang nagpapahinga sa Aking tahanan, nagmamasid Akong mabuti: Lahat ng mga tao sa mundo ay nagmamadali, “bumabiyahe sa buong mundo” at nagsisihangos paroon at parito, lahat para sa ikabubuti ng kanilang tadhana, ng kanilang hinaharap. Ngunit ni isa ay walang lakas na mailaan para sa pagtatayo ng Aking kaharian, ni kahit katiting katulad ng lakas na ginagamit sa paghinga. Nilikha Ko ang sangkatauhan, at iniligtas Ko sila nang maraming beses sa pagdurusa, ngunit ang lahat ng mga taong ito ay mga walang utang na loob: Walang ni isa sa kanila ang magawang bilangin ang lahat ng mga pagkakataon ng Aking kaligtasan. Ilang mga taon, ilang mga siglo ang nakalipas simula nang nilikha ang mundo hanggang sa kasalukuyang panahon, at ilang mga himala ang Aking nagawa, at ilang beses ipinakita ang Aking karunungan? Pero ang tao, katulad ng isang baliw na may demensya at pamamanhid o, mas malala pa, paminsan-minsan ay parang mabangis na hayop na nag-aalsa sa kagubatan, ay walang ni katiting na balak intindihin ang Aking mga kapakanan. Maraming beses Ko nang binigyan ang tao ng senstensya ng kamatayan at hinatulang mamatay, subalit ang plano ng Aking pamamahala ay hindi mababago ng kahit na sinuman. Kung kaya ang tao ay, nasa mga kamay Ko pa rin, nagmamagilas sa lumang mga bagay na kanyang kinakapitan. Dahil sa mga hakbang ng Aking gawain, Ako ay, minsan pa, nagligtas sa inyo, kayong mga nilalang na ipinanganak sa malaking pamilya ng tiwali, sira, marumi, at sakim.

Peb 11, 2018

Dapat Mong Malaman ang Adhikain ng Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Dapat Mong Malaman ang Adhikain ng Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

    Ang kabuuan ng Aking plano sa pamamahala, isang plano na sumasaklaw ng anim na libong taon, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa pasimula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa kalikasan ng bawa’t kapanahunan, nguni’t sa bawa’t yugto ito ay tumutugma sa mga pangangailangan ng tao—o, upang maging mas tumpak, ito ay tinutupad batay sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikipagdigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng mga panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay iligtas ang buong lahi ng tao, na namumuhay sa ilalim ng sakop nito. Ito ay upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan habang ibinubunyag ang di-matiis na pagiging-kakilakilabot ni Satanas. Lalong higit pa, ito ay upang turuan ang Aking mga nilalang na kumiling sa pagitan ng mabuti at masama, upang makilala na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay, upang makita nang malinaw na si Satanas ay kaaway ng sangkatauhan, ang pinakamababa sa mababa, ang masamang isa, at upang makita, nang may katiyakang walang-pasubali, ang pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at masama, katotohanan at kasinungalingan, kabanalan at karumihan, at kung ano ang dakila at kung ano ang hamak. Sa ganitong paraan, ang mangmang na sangkatauhan ay makakayang maging saksi sa Akin na hindi Ako ang tumitiwali ng sangkatauhan, at tanging Ako lamang—ang Panginoon ng sangnilikha—ang makapagliligtas sa sangkatauhan, ang makapagbibigay sa tao ng mga bagay na ikasisiya nila; at kanilang malalaman na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay at si Satanas ay isa lamang sa Aking mga nilikha, at na nang lumaon ay kumalaban sa Akin.
mula sa “Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Dis 5, 2017

Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita

Kaalaman, Kaligtasan, karunungan, praktikal

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos| Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita

    Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong panahon, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang Kanyang tungkulin sa buong panahon. Ito ang alituntunin kung saan gumagawa ang Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita sa iba’t-ibang pananaw, upang makitang mabuti ng tao ang Diyos, na Siyang Salita na nagkatawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala. Ang ganoong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng panlulupig sa tao, gawing perpekto ang tao, at pag-alis sa tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit sa salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita. Sa pamamagitan ng salita, nalalaman ng tao ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, ang kakanyahan ng tao, at kung ano ang kailangang pasukin ng tao. Sa pamamagitan ng salita, ang lahat ng gawain na nais isagawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita ay natupad. Sa pamamagitan ng salita, nahayag ang tao, naalis at sinubukan. Nakita ng tao ang salita, narinig ang salita, at nabuksan ang kamalayan patungkol sa pag-iral ng salita. Ang bunga nito, naniniwala ang tao sa pag-iral ng Diyos; naniniwala ang tao sa kapangyarihan at karunungan ng Diyos, gayundin ang puso ng Diyos para sa pagmamahal sa tao at ang Kanyang pagnanais na iligtas ang tao. Bagaman ang salitang “salita” ay payak at karaniwan, ang salita mula sa bibig ng Diyos ay naging tao at niyanig ang langit at lupa; ang Kanyang salita ay binabago ang puso ng tao, ang paniniwala at ang lumang disposisyon ng tao, at ang lumang anyo ng mundo. Sa pagdaan ng panahon, tanging ang Diyos ngayon ang gumagawa sa ganoong paraan, at Siya ang tanging nagsasalita at nagliligtas sa tao. Pagkatapos noon, namumuhay ang tao sa ilalim ng Kanyang patnubay sa salita, inaakay at tinutustusan ng salita; sila ay namumuhay sa mundo ng salita, namumuhay sa gitna ng mga sumpa at pagpapala ng salita ng Diyos, at higit pa rito sila ay namumuhay sa ilalim ng paghatol at pagkastigo ng salita. Ang mga salita at gawain ay para sa kapakanan ng kaligtasan ng tao, pagkamit sa kalooban ng Diyos, at binabago ang orihinal na anyo ng unang nilikhang mundo. Nilikha ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng salita, pinamunuan ang mga tao sa buong daigdig sa pamamagitan ng salita, nilulupig at inililigtas sila sa pamamagitan ng salita. Sa wakas, nararapat Niyang gamitin ang salita upang tapusin ang nakaraang mundo. Doon lamang matatapos ang buong plano sa pamamahala. Sa buong Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang isagawa ang Kanyang gawain at makamit ang bunga ng Kanyang gawain; hindi Siya gumagawa ng kababalaghan at hindi Siya nagsasagawa ng mga himala: isinasagawa lamang Niya ang Kanyang mga gawain sa pamamagitan ng salita. Dahil sa salita, ang tao ay pinalusog at tinustusan; dahil sa salita, nagtamo ang tao ng kaalaman at tunay na karanasan. Ang tao sa Kapanahunan ng Salita ay tunay na nagkamit ng mga bukod-tanging pagpapala. Ang tao ay hindi nagdusa dahil sa sakit ng laman at nagtamasa lamang ng saganang pagtustos ng salita ng Diyos; hindi nila kinailangang maghanap o maglakbay, at walang kahirap-hirap nakita nila ang anyo ng Diyos, narinig nila Siyang magsalita sa kanilang sarili, nakamit ang Kanyang panustos, at nakita nila sa kanilang sarili na magsagawa Siya ng Kanyang mga gawain. Ang tao sa mga nakaraang Kapanahunan ay hindi kayang masiyahan sa mga ganoong bagay, at ito ang mga pagpapala na hindi nila kailanman makakamit.

Mar 17, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikasiyam na Pagbigkas


Ang Ikasiyam na Pagbigkas

    Dahil ikaw ay isa sa mga kasapi ng Aking sambahayan, at dahil ikaw ay tapat sa Aking kaharian, marapat lamang na lahat ng iyong gagawin ay umayon sa mga pamantayan na aking inaatas. Hindi ko hinihingi sa’yo na maging higit ka pa sa isang lumilipad na ulap, bagkus ikaw ay maging makislap na niyebe, at nag-aangkin ng sangkap at, higit sa lahat, ng halaga nito. Dahil Ako ay nagmula sa banal na lupain, hindi gaya ng isang lotus, na mayroon lamang pangalan at walang halaga dahil ito ay nanggaling mula sa putikan at hindi sa banal na lupain. Ang panahon na ang isang bagong kalangitan ay papanaog sa ibabaw ng daigdig at ang isang bagong mundo ay lumaganap sa ibabaw ng mga kalangitan ay siya ring panahon na Ako ay pormal na gumawa kasama ng mga tao. Sino sa sangkatauhan ang nakakakilala sa Akin? Sino ang naroon noong panahon ng Aking pagdating? Sino ang nakasaksi na Ako ay hindi lamang nagtataglay ng isang Pangalan, ngunit, bukod pa rito, na Ako rin ay nagtataglay ng pag-aari? Hinawi Ko ang mga puting ulap gamit ang Aking kamay at pinagmasdan nang mabuti ang kalangitan; sa kalawakan, walang bagay ang hindi gawa ng Aking kamay, at sa ilalim ng kalawakan, walang sinuman ang hindi nag-aambag ng kanyang munting pagsisikap para sa katuparan ng Aking dakilang panukala. Hindi ako nagsasagawa ng mga mabibigat na utos sa mga tao sa mundo, dahil Ako ay naging isang praktikal na Diyos, at dahil Ako ang Makapangyarihan sa lahat na lumikha ng tao at nakakikilala nang lubos sa kanya. Ang lahat ng tao ay haharap sa mga mata ng Makapangyarihan sa lahat. Paano kung ang mga naroon sa mga pinakamalalayong sulok ng mundo ay umiiwas sa pagsubok ng Aking Espiritu? Kahit na ang tao ay nakakikilala sa Aking Espiritu, siya rin ay nagkakasala laban dito. Ang Aking mga salita’y hinuhubaran ang masamang imahe ng lahat ng tao, at hinuhubaran ang mga pinakamalalim na saloobin ng sangkatauhan, at nagdudulot sa buong mundo na maging payak dala ng Aking liwanag at sumailalim sa Aking pagsubok. Ngunit kahit ang tao ay nagkakasala, ang kanyang puso ay hindi nangangahas na lumayo sa Akin. Sa mga nilalang, sino ang hindi iibig sa Akin dahil sa Aking mga gawain? Sino ang hindi Ako masusumpungan bilang bunga ng Aking mga salita? Sino ang hindi ipinanganak nang walang pagmamahal buhat sa Aking pag-ibig? Hindi lang dahil sa katiwalian ni Satanas na ang tao ay hindi kayang makaabot sa Aking kaharian bilang Aking pag-uutos. Kahit na ang mga pinakamabababaw na utos ay nagdudulot ng pangamba sa kanya, para hindi magwika ng tungkol sa ngayon, ang panahon kung saan si Satanas ay nagpapasimula ng kaguluhan at siya ay lubhang nagpapakahari, o noong panahong iyon na ang tao ay nayurakan ni Satanas na ang kanyang buong katawan ay napalibutan ng karumihan. Kailan ba na ang pagkabigo ng tao na magbalik-loob sa Akin bilang bunga ng kanyang kasamaan ay hindi nagdulot sa Akin ng kalungkutan? Maaari Ko bang kaawaan si Satanas? Maaari bang nagkakamali lang Ako sa Aking pag-ibig? Kapag ang tao ay hindi sumusunod sa Akin, ang Aking puso ay lihim na tumatangis; kapag ang tao ay tumututol sa Akin, siya ay Aking kakastiguhin; kapag ang tao ay Aking iniligtas at nabuhay mula sa kamatayan, siya ay binibigyan Ko ng lubos na pag-aalaga; kapag ang tao ay sumusunod sa Akin, ang Aking puso ay payapa at agad Akong nakakaramdam ng malalaking pagbabago sa lahat ng bagay sa langit at lupa; kapag pinupuri Ako ng tao, paanong hindi Ko iyon magugustuhan? Kapag ang tao ay sinasaksihan Ako sumasamo sa Akin, paanong hindi Ako maluluwalhatian? Maaari ba na ang sangkatauhan ay hindi Ko nasasakop at natutustusan? Kapag Ako ay hindi nagbigay ng tamang direksyon, ang mga tao ay tamad at hindi natitinag, at, sa Aking likuran, sila ay nakikiisa sa mga masamang gawain. Sa tingin mo ba ang katawang-tao, na siyang Aking ibinabalot sa Sarili Ko, ay hindi nakakaalam ng iyong mga gawa, iyong ugali, at iyong mga salita? Tiniis Ko nang maraming taon ang hangin at ulan, at naranasan Ko rin ang kapaitan ng mundo ng mga tao, ngunit sa pamamagitan ng masusing pagninilay, walang kabuuang halaga ng paghihirap ang maaaring makagawa sa makalamang katawang-tao na mawalan ng tiwala sa Akin, di hamak na maaaring ang kahit anong kabutihan ay magdulot sa katawang-tao na maging malayo, matamlay, o hindi masunurin sa Akin. Ang pag-ibig ba ng tao para sa Akin ay limitado lamang sa alinman sa walang hirap o walang sarap?

Ago 19, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)Ang Ikasiyam na Pagbigkas



Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos, Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, pinagpala, tagapagligtas

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)Ang Ikasiyam na Pagbigkas


    Dahil ikaw ay isa sa pamilya ng Aking sambahayan, at dahil ikaw ay tapat sa Aking kaharian, marapat lamang na lahat ng iyong gagawin ay umayon sa mga pamantayan na Aking inaatas. Hindi Ko hinihingi sa’yo na maging isang lumilipad na ulap lamang, bagkus ikaw ay maging makislap na niyebe, at nag-aangkin ng sangkap nito at lalo pa ng halaga nito. Dahil Ako ay nagmula sa banal na lupain, hindi gaya ng isang lotus, na mayroon lamang pangalan at walang diwa dahil ito ay nanggaling mula sa putikan at hindi sa banal na lupain. Ang panahon na ang isang bagong kalangitan ay pumapanaog sa daigdig at ang isang bagong daigdig ay lumalaganap sa ibabaw ng mga kalangitan ay mismong panahon din na Ako ay pormal na gumagawa kasama ng mga tao. Sino sa sangkatauhan ang nakakakilala sa Akin? Sino ang namasdan ang sandali ng Aking pagdating? Sino ang nakakita na Ako ay hindi lamang mayroong isang pangalan, ngunit, bukod pa rito, Ako rin ay nagtataglay ng pag-aari? Hinawi Ko ang mga puting ulap gamit ang Aking kamay at pinagmasdan nang mabuti ang kalangitan; sa kalawakan, walang bagay ang hindi isinaayos ng Aking kamay, at sa ilalim ng kalawakan, walang sinuman ang hindi nag-aambag ng kanyang munting pagsisikap para sa katuparan ng Aking makapangyarihang panukala. Hindi Ako humihingi ng mabibigat na kahilingan sa mga tao sa mundo, dahil Ako ay palaging ang praktikal na  Diyos, at sapagkat Ako ang Makapangyarihan-sa-lahat na lumikha ng tao at nakakikilala nang lubos sa tao. Lahat ng tao ay haharap sa mga mata ng Makapangyarihan-sa-lahat. Paanong makakaiwas maging ang mga naroon sa pinakamalalayong sulok ng mundo sa pagsisiyasat ng Aking Espiritu? Kahit na ang tao ay nakakikilala sa Aking Espiritu, siya rin ay nagkakasala laban dito. Ang Aking mga salita’y inilalantad ang pangit na larawan ng lahat ng tao, at inilalantad ang pinaka-malalalalim na saloobin ng sangkatauhan, at nagdudulot sa buong mundo na maging payak dala ng Aking liwanag at sumubsob sa Aking pagsisiyasat. Ngunit kahit ang tao ay sumubsob, ang kanyang puso ay hindi nangangahas na lumayo sa Akin. Sa mga nilalang, sino ang hindi iibig sa Akin dahil sa Aking mga gawain? Sino ang hindi naghahangad sa Akin bunga ng Aking mga salita? Kanino hindi isinilang ang mga damdamin ng katapatan dahil sa Aking pag-ibig? Dahil sa kasamaan ni Satanas kaya ang tao ay hindi kayang makaabot sa kaharian ayon sa inaatas Ko. Kahit na ang pinaka-mababababang pamantayang inaatas Ko ay nagdudulot ng mga pag-aalinlangan sa kanya, huwag nang banggitin ang ngayon, ang panahon kung saan si Satanas ay dumadaluhong at mapaniil na parang baliw, o ang panahong ang tao ay masyadong nayuyurakan ni Satanas na ang kanyang buong katawan ay natatakpan ng karumihan. Kailan ba na ang pagkabigo ng tao na magbalik-loob sa Akin bunga ng kanyang kabuktutan ay hindi nagdulot sa Akin ng kalungkutan? Maaari Ko bang kaawaan si Satanas? Maaari bang nagkakamali lang Ako sa Aking pag-ibig? Kapag ang tao ay hindi sumusunod sa Akin, ang Aking puso ay lihim na tumatangis; kapag ang tao ay sumasalungat sa Akin, siya ay Aking kinakastigo; kapag ang tao ay Aking inililigtas at binubuhay-muli mula sa mga patay, siya ay pinakakain Ko nang lubos na pangangalaga; kapag ang tao ay sumusunod sa Akin, ang Aking puso ay payapa at agad Akong nakakaramdam ng malalaking pagbabago sa lahat ng bagay sa langit at lupa; kapag pinupuri Ako ng tao, paanong hindi Ko iyon magugustuhan? Kapag ang tao ay sinasaksihan Ako at nakakamtan Ko, paano Ako hindi maluluwalhati? Maaari ba na ang sangkatauhan ay hindi Ko napapamahalaan at natutustusan? Kapag Ako ay hindi nagbigay ng tamang direksyon, ang mga tao ay tamad at walang kibo, at, sa Aking likuran, sila ay nakikibahagi sa mga “kapuri-puring” mapandayang transaksyon. Sa tingin mo ba ang katawang-tao, na siyang Aking isinuot sa Sarili Ko, ay walang alam sa iyong mga gawa, iyong ugali, at iyong mga salita? Tiniis Ko nang maraming taon ang hangin at ulan, at naranasan Ko rin ang kapaitan ng mundo ng mga tao, ngunit sa pamamagitan ng masusing pagninilay, gaano mang pagdurusa ang danasin hindi magagawang mawalan ng pag-asa sa Akin ang taong nasa katawan, lalong hindi maaaring magdulot ang anumang katamisan sa taong nasa katawan na maging malamig, nanlulumo, o mapag-bale-wala tungo sa Akin. Ang pag-ibig ba ng tao para sa Akin ay limitado lamang sa alinman sa walang pasakit o walang katamisan?