"Awit ng Kaharian: Bumababa ang Kaharian sa Mundo" | Buong Preview
Narinig na ang nakakaantig na awit ng kaharian, na ipinababatid ang pagdating ng Diyos sa piling ng mga tao sa buong sansinukob! Dumating na ang kaharian ng Diyos! Nagbubunyi ang lahat ng tao, nagagalak ang lahat ng bagay!
Tagalog Christian Movies 2019 | "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" | Only the Honest Can Enter God's Kingdom
Sabi ng Panginoong Jesus, "Truly I say to you, Except you be converted, and become as little children, you shall not enter into the kingdom of heaven" (Matthew 18:3). Sinabi sa atin ng Panginoong Jesus na matatapat na tao lamang ang makakapasok sa kaharian ng langit; matatapat na tao lang ang maaaring maging mga tao ng kaharian. Ikinukuwento ng pelikulang ito ang karanasan ng Kristiyanong si Cheng Nuo sa gawain ng Diyos at ang patuloy na paghahangad niyang maging matapat na tao sa buhay.
Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nguni’t ito ay mula sa Israel na Aking nilisan at mula roon na Ako ay dumating sa Silangan. Kung kailan lamang na ang liwanag ng Silangan ay marahang nagiging kulay puti saka ang kadiliman sa buong daigdig ay magsisimulang maging liwanag, at doon lamang matutuklasan ng tao na matagal na akong lumisan sa Israel at muling bumabangon sa Silangan. Yamang minsan na Akong nakábábâ sa Israel at sa dakong huli ay nilisan ito, hindi na Ako maipapanganak sa Israel, dahil ang Aking gawain ay pumapatnubay sa buong sansinukob, at ang higit pa, ang kidlat ay tuwirang kumikislap mula Silangan hanggang Kanluran.
Sa kadahilanang ito nakábábâ Ako sa Silangan at dinala ang Canaan sa mga tao ng Silangan. Hinahangad ko na dalhin ang mga tao mula sa buong daigdig tungo sa lupain ng Canaan, kaya’t ipinagpapatuloy kong ilabas ang Aking mga pagbigkas sa lupain ng Canaan upang pigilan ang buong sansinukob. Sa panahong ito, walang liwanag sa buong daigdig maliban sa Canaan, at lahat ng tao ay nasa panganib ng gutom at lamig. Ibinigay Ko ang Aking kaluwalhatian sa Israel at pagkatapos ay inalis iyon, at pagkatapos ay dinala ang mga Israelita patungo sa Silangan, at ang buong sangkatauhan patungo sa Silangan. Nadálá Ko silang lahat sa liwanag upang sila ay muling makaisa nito, at makasama nito, at hindi na muling mangailangan pang maghanap para dito."
Ano ang kahulugan ng pananampalataya? Paano tayo dapat maniwala sa Diyos upang pagpalain ng Diyos? Maligayang pagdating sa pakikinig ng mga Kristiyanong awitin nang sama-sama!
Maraming taong naniniwala na sa pananalig sa Panginoong Jesus ay mapapatawad ang kanilang mga kasalanan, na naligtas sila ng kanilang pananampalataya, at bukod pa riyan kapag naligtas ang isang tao ay naligtas na sila magpakailanman, at kapag bumalik ang Panginoon mara-rapture sila at makakapasok sa kaharian ng langit! Pero sinabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Lahat ng taong ito na tumatawag ng "Panginoon, Panginoon" ay mga taong naligtas ng kanilang pananampalataya sa Panginoon, kaya bakit hindi lahat sa kanila ang makakapasok sa kaharian ng langit? Ano’ng nangyayari dito? Ano ba talaga ang kaugnayan ng maligtas sa pagpasok sa kaharian ng langit?
Kahit pinaghiwalay ng di-mabilang na karagatan at kabundukan, iisa tayong lahat, walang anumang hadlang sa atin, iba't iba man tayo ng kulay at iba't iba ang ating wika. Dahil sa tawag sa atin ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, naitaas tayo sa harapan ng trono ng Diyos.
Isang tagapangaral si Lu Xiu'en sa isang bahay-iglesia sa Tsina. Sa paniniwala niya sa mga maling pananaw na ikinakalat ng mga relihiyosong pastor at elder, nagpatuloy siya sa pagpilit na "pinatawad na ng Panginoong Jesus ang kasalanan ng tao, at palaging maliligtas ang mga naniniwala sa Panginoon. Hindi na nila kailangang tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw." Paulit-ulit niyang kinalaban at tinanggihan ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa kaharian... Ganunpaman, dahil sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon siya ng pagkakataong matuklasan na iba ang ipinakitang ugali ng kanyang pastor sa harap ng mga tao, at inilabas ang tunay nitong ugali sa likod nila, at nakita niya kung gaano kaipokrito ang kanyang pastor. Sa pagkakataong iyon ay dumating naman sa kanya ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa kaharian. Matiyagang nagbahagi at nagpatotoo sa kanya ang mga saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa gawain ng Diyos ng mga huling araw, at matapos marinig ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, naitindihan niya ang katotohanan tungkol sa pagkakaiba ng maligtas at makamit ang ganap na kaligtasan at napagtanto niyang ang mga pananaw na sinang-ayunan niya noon ay pawang mga haka-haka lamang na likha ng imahinasyon ng tao at hindi umaayon sa reyalidad ng gawain ng Diyos. Kaya, masaya niyang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Ganunpaman, nung malaman ito ng kanyang pastor, inutusan nito ang mga mananampalataya na kondenahin at iwan siya, at inutusan din ang kanyang pamilya na idiin si Lu Xiu'en... Nalubog sa sakit si Lu Xiu'en at tuluyang nagulo ang pag-iisip. Sa huli, nagawa niyang maintindihan ang katotohanan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nakita niyang ipokrito ang kanyang pastor sa mundo ng relihiyon, isang kalaban ng Diyos na galit sa katotohanan at anticristong may likas na kademonyohan. Tuluyang nagising si Lu Xiu'en, at iniwasan niya ang panloloko at pagkontrol ng kanyang pastor. Sinunod niya ang Makapangyarihang Diyos, pinili ang tamang landas at nagpursigi upang makamit ang katotohanan at ang ganap na kaligtasan ...
Sa mga relihiyoso, maraming naniniwala na basta’t iniingatan nila ang pangalan ng Panginoon, matibay ang pananalig nila sa pangako ng Panginoon at nagpapakahirap sila para sa Panginoon, pagbalik Niya mara-rapture sila at makakapasok sa kaharian ng langit. Makakapasok ba talaga ang isang tao sa kaharian ng langit sa pananalig sa Panginoon sa ganitong paraan? Ano ba mismo ang mangyayari sa atin kung hindi natin tatanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw? Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Si Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng nananatili at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas na sa pamamagitan nito ay makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas sa pamamagitan niyao’y makikilala ng tao ang Diyos at upang masangayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ngbuhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, sa gayon, ikaw ay hindi kailanman makakakuha ng pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit ... Si Cristo ay ang daanan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, na walang sinuman ang makakalampas. Walang sinuman ang gagawing perpekto ng Diyos kundi sa pamamagitan ni Cristo lang" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Para mas detalyado ang inyong pagkaunawa, panoorin lamang ang maikling videong ito!
Ang gawaing paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay umalingawngaw sa bawat sekta at grupo. Kasunod ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian, ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay tinatanggap at ipinapalaganap ng parami nang paraming mga tao, ang mga tunay na mananampalataya sa Diyos na uhaw para sa Kanyang pagpapakita ay bumabalik nang paisa-isa sa harap ng trono ng Diyos. Samantala, ang pamahalaan ng Tsina at ang mga relihiyosong pastor at elder ay walang humpay na sinusupil at inuusig ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos mula simula hanggang matapos. Ang babae na pangunahing tauhan ng pelikula, si Zheng Xinjie, ay isang miyembro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagpapalaganap ng ebanghelyo. Naharap niya ang magulong pang-aapi at mga pag-atake mula sa Komunistang Pamahalaan ng Tsina at mga relihiyosong lider. Kasama ang kanyang mga kapatid, umaasa sa Diyos, paano niya pagtatagumpayan itong madilim na mga puwersa ni satanas upang makanta ang isang awit ng tagumpay? ...
Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain (Ikalimang Bahagi)
Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito: Ang Kapalaran ng Tao ay Itinatakda sa Pamamagitan ng Kanyang Saloobin sa Diyos Ang Umpisa ng Pagkatakot sa Diyos ay ang Pagturing sa Kanya Bilang Isang Diyos Ang mga Tao na Hindi Kinikilala ng Diyos Mga Salitang Pagpapayo
I Yamang nilikha ng Diyos ang mundo maraming taon na ang nakalilipas, natapos Niya ang isang napakahusay na trabaho sa mundong ito, Siya ay nagdusa ng pinakamasamang pagtanggi ng sangkatauhan at nakaranas ng maraming panirang-puri. Walang sinuman ang tumanggap sa pagdating ng Diyos sa lupa. Lahat sila ay nagpaalis sa Kanya sa pamamagitan ng gayong pagwawalang-bahala. Nagdusa siya ng libu-libong tao'ng paghihirap. Ang pag-uugali ng tao sa nakalipas na panahon ay sumira sa Kanyang puso. Hindi na Niya pinapansin ang panghihimagsik ng tao, ngunit pinaplano upang baguhin at linisin sila sa halip. Ang tanging hangarin ng Diyos ay makinig at sumunod ang tao, makaramdam ng pagkahiya sa harap ng Kanyang katawang-tao at hindi labanan. Lahat ng nais Niya para sa bawat isa, para sa lahat ng tao ngayon, ay paniwalaan lamang na Siya ay umiiral.
Zhang Mingdao is a Christian in The Church of Almighty God who has experienced several years of Almighty God's work in the last days, understands some truths, and can see the real significance of human life. He is resolved to abandon everything and follow God, and bear witness for God's work and appearance of the last days. Once, while Zhang Mingdao was in the midst of spreading the gospel, he was arrested by Chinese Communist police, who carried out inhuman torture and torment on him, attempting to force him to divulge information about the leaders and finances of the church. Zhang Mingdao prayed to God and relied on God. He endured the painful torture, torment, and cruel beating, and stood firm witness. The Chinese Communist police were shamed into anger, and determined that Zhang Mingdao was no ordinary believer. They thought that he must be a leader in The Church of Almighty God, and decided to put Zhang Mingdao through brainwashing. Thereon they brought Zhang Mingdao to a mysterious base for brainwashing. During a month of brainwashing struggle, Chinese Communist officials, a professor from the social sciences institute, police academy lecturers, psychologists, and clergymen took turns to wage battle. They alternately used atheism, materialism, scientific knowledge, traditional culture, and a variety of rumors and fallacies to forcibly carry out brainwashing reform on Zhang Mingdao and other Christians, eight in all. The Communists tried to force them to sign statements of repentance to deny God and betray God and make them serve the cause of the Communist Party's arrest of Christians. Zhang Mingdao and the others depended on the words of God and on the power of prayer to carry out well-grounded rebuttal of these heresies and fallacies, causing the vicious forces of the Chinese Communist Party to suffer a thorough and shameful defeat. In this war without the smoke of gunpowder, truth triumphed over fallacy, and justice triumphed over evil. Zhang Mingdao and the others defeated Satan's evil forces through reliance on God, and bore resounding and glorious witness for God.
Si Fan Guoyi ay isang elder ng isang bahay-iglesia sa China. Sa mahigit dalawampung taon ng paglilingkod, lagi niyang ginagaya si Pablo, at nagsumikap at nagpakahirap para saPanginoonnang may malaking kasigasigan. Bukod dito, matibay ang paniniwala niya na sa patuloy na pagsampalataya sa ganitong paraan, isinasakatuparan niya ang kalooban ng Ama sa langit, at na kapag nagbalik ang Panginoon, siguradong mara-rapture siya sa kaharian ng langit. Gayunman, nang sumapit sa kanya ang pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, kumapit siya sa kanyang mga pagkaunawa. Paulit-ulit niyang tinanggihan, kinontra, at tinuligsa ang gawain ng Diyos sa mga huling araw…. Kalaunan, matapos makipagtalo nang ilang beses sa mga pastor ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nagising din sa katotohanan si Fan Guoyi, at tunay na naunawaan ang kahulugan ng isakatuparan ang kalooban ng Ama sa langit, gayundin kung paano patuloy na sumampalataya sa paraan na magtatamo siya ng kaligtasan at makakapasok sa kaharian ng langit ….
Tuwing iisipin niya kung sino siya noong araw, dinuduro ng mga alaala ang puso niya na para bagang mga tinik …
Tagalog Christian Movie Trailer 2018 | "Paghihintay"
Si Yang Hou'en ay isang pastor sa isang bahay-iglesia sa China. Maingat niyang hinintay ang pagbaba ng Panginoong Jesus mula sa mga ulap at pagdadala sa kanya sa kaharian ng langit.
Dahil dito, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, mahigpit na nanangan sa Kanyang pangalan, at naniwala na sinumang hindi ang Panginoong na bumababa mula sa mga ulap ay isang huwad na Cristo. Kaya nga, nang mabalitaan niya ang ikalawang pagparito ng Panginoon, tumanggi siyang siyasatin iyon…. Samantalang naghintay siya nang walang kibo, inilahad sa kanya ng kanyang pinsang si Li Jiayin ang ebanghelyo ng pagbalik ng Panginoong Jesus. Matapos ang ilang matitinding talakayan, sa wakas ay naunawaan ni Yang Hou'en ang tunay na kahulugan ng "magbantay at maghintay," at nakita niya na ang Makapangyarihang Diyos ang ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus na napakatagal na niyang hinintay.
Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos! Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.
Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan (Unang Bahagi)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa oras na ang gawain ng panlulupig sa tao ay makumpleto na, ang tao ay dadalhin sa isang magandang mundo. Ang buhay na ito ay magiging, walang duda, sa mundo pa rin, ngunit ito ay ganap na hindi magiging kagaya ng buhay ng tao sa ngayon. Ito ang buhay na kakamtin ng sangkatauhan matapos na ang sangkatauhan ay ganap nang malupig, ito ay magiging bagong simula ng tao sa mundo, at para sa sangkatauhan na magkaroon ng gayong buhay ay magiging katibayan na ang sangkatauhan ay nakapasok na sa isang bago at magandang kaharian. Ito ang magiging simula ng buhay ng tao at Diyos sa lupa. Ang saligan ng gayong kagandang buhay ay marahil, matapos ang tao ay malinis at malupig, siya ay susuko sa harap ng Lumikha. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling yugto ng gawain ng Diyos bago pumasok ang tao sa kamangha-manghang hantungan. Ang gayong buhay ay ang hinaharap na buhay ng tao sa lupa, ito ang pinakamagandang buhay sa lupa, ang uri ng buhay na inaasam ng tao, ang uri na hindi pa kailanman nakamtan ng tao sa kasaysayan ng mundo. Ito ang huling kalalabasan ng 6,000 taon ng gawain sa pamamahala, ito ang pinaka-kinasasabikan ng sangkatauhan, ito rin ang pangako ng Diyos sa tao."