菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pagmamahal at Awa. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pagmamahal at Awa. Ipakita ang lahat ng mga post

Ene 26, 2018

Salita ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas

pagmamahal at Awa, parusa, sundin, umasa sa

Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas


   Noong dumating Ako mula sa Sion, hinihintay Ako ng lahat ng mga bagay, at noong bumalik Ako sa Sion, binati Ako ng lahat ng mga tao. Sa pagdating at paglisan Ko, hindi kailanman nahadlangan ng mga may galit sa Akin ang Aking mga hakbang, kaya umusad nang maayos ang Aking gawain. Ngayon, kapag dumarating Ako sa kalagitnaan ng lahat ng mga nilalang, binabati Ako ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng katahimikan, napakalalim ang takot nila na Ako’y muling lilisan at aalisin ang kanilang suporta. Sinusunod ng lahat ng mga bagay ang Aking patnubay, at minamatyagan ng lahat ang direksyong ipinahihiwatig ng Aking kamay. Maraming mga nilalang ang ginawang perpekto ng mga salita na nagmumula sa Aking bibig at maraming anak ng kasuwailan ang nakastigo. Kaya, nakatitig ang lahat ng mga tao sa Aking mga salita, at maingat na nakikinig sa mga pagbigkas mula sa Aking bibig, at matindi ang takot na mapalampas nila ang magandang pagkakataon na ito. Sa kadahilanang ito kung bakit nagpatuloy Ako sa pagsasalita, upang matupad ang Aking gawain nang mas mabilis, at upang mas maaga ang paglitaw ng mga nakalulugod na kondisyon sa mundo at malunasan ang mga eksena ng pagkatiwangwang sa mundo. Kapag tumingin Ako sa kalangitan at kapag haharapin Ko muli ang sangkatauhan; agad na mapupuno ang mga lupain ng buhay, hindi na kakapit ang alikabok sa hangin, at hindi na mababalot ng putik ang lupa. Agad magliliwanag ang Aking mga mata, kaya titingala sa Akin ang mga tao mula sa lahat ng mga lupain at manganganlong sila sa Akin. Sa mga tao sa mundo ngayon—kabilang na ang lahat ng mga nasa Aking sambahayan—sino ang tunay na nanganganlong sa Akin? Sino ang nagbibigay ng kanilang puso bilang kapalit ng halaga na Aking binayaran? Sino na ang nanahan sa Aking sambahayan? Sino na ang tunay na naghandog ng kanilang mga sarili sa Aking harapan? Kapag gumawa Ako ng mga pangangailangan sa tao, kaagad niyang isinasara ang kanyang “maliit na kamalig.” Kapag nagbibigay Ako sa tao, agad niyang binubuksan ang kanyang bibig upang lihim na makuha ang Aking mga kayamanan, at madalas siyang nanginginig sa kanyang puso, sa lalim ng takot niyang gagantihan Ko siya. Kaya ang bibig ng tao ay kalahating bukas at kalahating sarado, at wala siyang kakayahang tunay na tamasahin ang mga kasaganaan na ipinagkakaloob Ko. Hindi Ko pinarurusahan agad ang tao, ngunit palagi niya Akong kinokontrol at hinihiling na ipagkaloob Ko ang awa sa kanya; ipinagkakaloob Ko lamang muli ang awa sa tao kapag nagsusumamo siya sa Akin, at ipinahahayag Ko sa kanya ang pinakamalupit na salita ng Aking bibig, para agad siyang makakaramdam ng hiya, at, dahil wala siyang kakayahang tanggapin nang direkta ang Aking “awa,” sa halip ay hinahayaan niya na lang na ipasa ito sa kanya ng iba. Kapag lubusan niyang naunawaan ang lahat ng Aking mga salita, nagiging akma ang tayog ng tao sa mga kagustuhan Ko, at ang mga pagsusumamo niya ay nagiging mabunga at hindi na walang kabuluhan o walang saysay; pinagpapala Ko ang mga taos-puso at hindi mapagkunwaring pagsusumamo ng sangkatauhan.

Ene 4, 2018

Ang Bawat Salita ng Diyos ay Isang Pagpapahayag ng Kanyang Disposisyon

Kaalaman, Mahalin ang Diyos, pagmamahal at Awa, Panalangin


Mga patotoo’t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Bawat Salita ng Diyos ay Isang Pagpapahayag ng Kanyang Disposisyon

Hu Ke    Lungsod ng Dezhou, Lalawigan ng Shandong
    Sa tuwing nakikita ko ang mga salitang ito na sinabi ng Diyos, hindi ako mapalagay: “Pinanghahawakan ng disposisyon ng Diyos ang bawat pangungusap na sinabi ko. Makabubuti para sa inyo ang pagnilay-nilayan ang Aking mga salita nang maingat, at siguradong labis ninyong mapapakinabangan ang mga ito.” Hindi ako mapalagay dahil ang pag-unawa sa disposisyon ng Diyos ay kapwa napakahalaga sa pag-unawa ng tao sa Diyos at sa kanilang paghahangad na mahalin at pasayahin Siya. Ngunit kapag kumakain at umiinom ako ng mga salita ng Diyos, palagi kong nararamdaman na ang disposisyon ng Diyos ay parang napakahirap unawain, at hindi ko alam kong paano ko ito uunawain. Pagkatapos, sa pamamagitan ng pagbabahagi mula sa aking lider, nalaman ko na dapat unawain ko kung ano ang gusto ng Diyos at kung ano ang kinapopootan Niya mula sa Kanyang mga salita, nang sa gayon ay maunawaan ang disposisyon ng Diyos. Pagkatapos, sinubukan kong isagawa ang mga ito at nakita ko ang ilang mga resulta. Subalit nananatili akong nalilito tungkol sa mga salita ng Diyos, “Pinanghahawakan ng disposisyon ng Diyos ang bawat pangungusap na sinabi ko,” at wala akong kaalam-alam kong paano ito maunawaan.

Dis 20, 2017

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Awa ng Diyos sa Sangkatauhan


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Awa ng Diyossa Sangkatauhan

Panimula

Awa ng Diyos sa Sangkatauhan
Ang “awa” ay pwedeng unawain sa iba’t-ibang paraan.
Ang magmahal at pag-iingat at pag-aalaga.
Ang “awa” ito’y malalim at masidhing pagkapit.
Ito ay pag-aalagang ayaw manakit.
Ang lahat ng ito’y sumasalamin sa pag-ibig at lambing,
ito’y pahayag ng damdaming sila’y di isusuko.
Ang lahat ng ito’y sumasalamin sa pag-ibig at lambing,
ito’y pahayag ng damdaming sila’y di isusuko.
Ito’y awa ng Diyos at pagpaparaya sa tao.
Salitang karaniwan gamit ng Diyos sa tao,
ito’y nagdadala ng Kanyang puso’t saloobin sa tao.
Nang Diyos ay nagwika, binunyag lahat ng ganap.
Ang kalsada sa Nineveh, katulad din ng Sodoma,
ganap ang kaguluhan at kasamaan.
Ngunit dahil sila’y nagsisi, nabago ang puso ng Diyos,
kanilang pagwasak ay napalitan na ng awa.
Tungo sa habilin at salita ng Diyos,
ang kanilang gawa’t ugali ay iba sa taga Sodoma.
Pagsuko nila sa Diyos, ito ay ganap at lubos,
at tunay na nagsisi sa kasalanang nagawa.
Sila ay tunay at tapat sa lahat ng paraan.
Kaya’t muling iginawad ng Diyos taos-pusong awa sa kanila.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Nob 29, 2017

Tanging Ang Lumikha ang May Awa sa Sangkatauhang Ito

Tanging Ang Lumikha ang May Awa sa Sangkatauhang Ito

Siya lang ang nagmamahal sa Kanyang mga nilikha, sa Kanyang mga nilikha.
Bawa’t isipin Niya’y para sa kabutihan ng tao.
Bawa’t damdamin Niya’y kapulupot ng kanilang pag-iral.
Kapahayagan ng kung ano at mayroon Siya ay para sa tao.
Lahat ay para sa tao.
Sa puso Niya’y ramdam ang bawat kilos ng tao.
Sala nila’y pumupukaw sa poot N’ya’t kalungkutan.
Ngunit pag sila’y nagsisisi, pinatatawad Niya, nagagalak S’ya.
Siya ay laging nagmamadali, nasa bawa’t dako bawat sandali.
Bawat damdamin Niya’y iniaalay; ang buong buhay Niya,
ito ay tahimik Niyang iniaalay sa bawat segundo.
Lahat ay para sa tao.
Walang awa sa sariling buhay, ngunit tao’y minamahal.
Gamit ang Kanyang kamay, hinubog ang sangkatauhan.
Pagdamay at pagpaparaya’y ipinadarama Niya, na walang kundisyon o kapalit,
nang tao’y mabuhay sa ilalim ng Kanyang pagtitig,
na isang araw, sila’y magpapasakop at kilalanin na Siya ang isa na nagtutustos,
at kilalanin na Siya lamang.
Ah …
Siya ang nagtutustos ng buhay ng sangnilikha, buhay ng buong sangnilikha.
Bawa’t isipin Niya’y para sa kabutihan ng tao.
Bawa’t damdamin Niya’y kapulupot ng kanilang pag-iral.
Kapahayagan ng kung ano at mayroon Siya ay para sa tao.
Lahat ay para sa tao. Lahat ay para sa tao.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyosdahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Mga Himno