Ang karaniwang problema na umiiral sa lahat ng mga tao ay nauunawaan nila ang katotohanan ngunit hindi nila ito kayang isagawa. Ang isang dahilan ay hindi nais magdusa ng tao, at ang isa pa, ang pang-unawa ng tao ay masyadong hindi sapat; hindi niya makita ang maraming nakalipas na mga paghihirap na umiiral sa tunay na buhay at hindi alam kung paano ang wastong pagsasagawa. Sa dahilang ang tao ay may maliit na karanasan, mahinang kakayahan, at limitadong-unawa ng katotohanan, hindi niya malutas ang mga kahirapan na kanyang nararanasan sa buhay. Siya ay maaari lamang magbigay ng paglilingkod sa bibig sa kanyang pananampalataya sa Diyos, gayunpaman ay hindi kayang dalhin ang Diyos sa kanyang araw-araw na buhay. Sa madaling salita, ang Diyos ay Diyos, at ang buhay ay buhay, para bagang ang tao ay walang relasyon sa Diyos sa kanyang buhay. Iyan ang pinaniniwalaan ng lahat ng tao. Ang ganitong pamamaraan ng pananampalataya sa Diyos ay hindi magbibigay-daan sa tao na magkamit at maging perpekto sa pamamagitan Niya sa katotohanan. Sa katotohanan, ang ibig sabihin nito ay hindi ang hindi kumpleto ang salita ng Diyos, ngunit sa halip ang kakayahan ng tao upang tanggapin ang Kanyang salita ay hindi sapat. Maaari nating sabihin na halos lahat ng tao ay hindi ginagawa kung ano ang orihinal na atas ng Diyos. Sa halip, ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay alinsunod sa kanilang sariling intensyon, itinatag na mga palagay sa relihiyon, at mga kaugalian. Kaunti ang mga sumailalim sa isang pagbabago sa pagsunod sa pagtanggap ng salita ng Diyos at sinimulang kumilos alinsunod sa Kanyang kalooban. Sa halip, nanatili pa rin sila sa kanilang mga maling paniniwala. Kapag ang tao ay nagsimulang maniwala sa Diyos, siya ay gumagawa batay sa nakaugaliang patakaran ng relihiyon, at namumuhay at nakikipag-ugnayan sa iba nang ganap batay sa kanyang sariling pilosopiya sa buhay. Iyan ang kaso ng siyam sa bawat sampung tao. Kakaunti ang mga nagpapanukala ng isa pang plano at panibagong simula pagkatapos umpisahang maniwala sa Diyos. Walang nagtatangi o magawang isagawa ang salita ng Diyos bilang katotohanan.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Okt 4, 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos|Nararapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Nararapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka saDiyos
Okt 1, 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos|Ang Resultang Nakamit ng Pagkilala sa Diyos
Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Resultang Nakamit ng Pagkilala sa Diyos
Ang Resultang Nakamit ng Pagkilala sa Diyos
Isang araw,
mararamdaman mo na ang Maylalang
ay hindi na isang palaisipan,
na ang Maylalang ay hindi kailanman nagtago sa iyo,
na ang Maylalang
ay hindi kailanman ikinubli ang Kanyang mukha sa iyo,
na ang Maylalang ay hindi kailanman malayo sa iyo,
na ang Maylalang ay hindi na ang Isa na
walang tigil mong inaasam sa iyong mga kaisipan
ngunit hindi mo maaaring abutin ng iyong mga damdamin,
na Siya ay talagang at tunay na nagbabantay sa iyong kaliwa at kanan,
nagtutustos ng iyong buhay, at tumatangan ng iyong tadhana,
tumatangan ng iyong tadhana.
Wala Siya sa malayong abot-tanaw,
ni inilihim Niya ang Kanyang Sarili sa itaas sa mga ulap.
mararamdaman mo na ang Maylalang
ay hindi na isang palaisipan,
na ang Maylalang ay hindi kailanman nagtago sa iyo,
na ang Maylalang
ay hindi kailanman ikinubli ang Kanyang mukha sa iyo,
na ang Maylalang ay hindi kailanman malayo sa iyo,
na ang Maylalang ay hindi na ang Isa na
walang tigil mong inaasam sa iyong mga kaisipan
ngunit hindi mo maaaring abutin ng iyong mga damdamin,
na Siya ay talagang at tunay na nagbabantay sa iyong kaliwa at kanan,
nagtutustos ng iyong buhay, at tumatangan ng iyong tadhana,
tumatangan ng iyong tadhana.
Wala Siya sa malayong abot-tanaw,
ni inilihim Niya ang Kanyang Sarili sa itaas sa mga ulap.
Set 29, 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)
Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)
Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig
Makapangyarihang D’yos naging-tao, malakas kaming umaawit ng mga papuri sa iyo.
Kami’y dinadala Mo tungo sa buhay pangkaharian.
Kaming pangkahariang mga tao ay nasa Iyong saganang hapag,
nilalasap mga salita Mo, nililinisan sa aming katiwalian.
Salita Mo’y umaakay sa amin at kami’y matamang sumusunod sa Iyo.
Sa D’yos na biyaya, disposisyong masama ay naiwaksi.
Lasap namin ang salita ng D’yos at namumuhay ng isang bagong buhay sa harap Niya.
Mahalin puso ng D’yos, tunay na ibigin Siya, pasalamatan at purihin Siya.
La la la la la … la la la la la …
Makapangyarihang D’yos naging-tao, malakas kaming umaawit ng mga papuri sa iyo.
Kami’y dinadala Mo tungo sa buhay pangkaharian.
Kaming pangkahariang mga tao ay nasa Iyong saganang hapag,
nilalasap mga salita Mo, nililinisan sa aming katiwalian.
Salita Mo’y umaakay sa amin at kami’y matamang sumusunod sa Iyo.
Sa D’yos na biyaya, disposisyong masama ay naiwaksi.
Lasap namin ang salita ng D’yos at namumuhay ng isang bagong buhay sa harap Niya.
Mahalin puso ng D’yos, tunay na ibigin Siya, pasalamatan at purihin Siya.
La la la la la … la la la la la …
Set 27, 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos|Ang Epektong Makakamit ng Paghatol ng Diyos
Ang Epektong Makakamit ng Paghatol ng Diyos
I Ang paghatol ng Diyos ay di lang, sa iilang salita, sa paglinaw sa katangian ng tao, bagkus ay pagbunyag, pakikitungo sa paglipas ng panahon. Tratong di matumbasan ng karaniwang salita, katotohanang di saklaw ng tao Tanging gawang tunay na paghatol; tanging paghatol na gabay ng pagsunod natin sa Diyos sa puso't salita, sa isip o gawa, siya'y tunay na makilala.Set 22, 2017
Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao
Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao
Noo’y ‘di malinaw sa layon ng buhay, ngayo’y alam ko na.
Hinanap ko’y estado at kasikatan.
Mag-isang tinahak ang pansariling landas, nabuhay para sa ‘kin lamang.
Sa dasal sambit dati’y magagandang salita,
pero ang buhay ko ay hindi akma.
Pananampalataya ko’y sa bukas ipinagbahala,
katotohana’t realidad sa akin ay wala.
Pananampalataya’y kulong sa ritwal at patakaran;
ako’y naiwang walang saysay.
Bigong mabuhay at di karapat-dapat sa pag-ibig ng Diyos.
Hinanap ko’y estado at kasikatan.
Mag-isang tinahak ang pansariling landas, nabuhay para sa ‘kin lamang.
Sa dasal sambit dati’y magagandang salita,
pero ang buhay ko ay hindi akma.
Pananampalataya ko’y sa bukas ipinagbahala,
katotohana’t realidad sa akin ay wala.
Pananampalataya’y kulong sa ritwal at patakaran;
ako’y naiwang walang saysay.
Bigong mabuhay at di karapat-dapat sa pag-ibig ng Diyos.
Set 21, 2017
Paano Matatanggap ng Tao ang Pahayag ng Diyos na Kanyang Tinukoy sa Kanyang Pagkaintindi?
Patuloy na sumusulong ang gawain ng Diyos, at kahit na ang hangarin ng Kanyang gawain ay nananatiling di-nagbabago, ang paraan kung paano Siya gumagawa ay patuloy na nagbabago, at sa gayon pati na rin ang mga tagasunod ng Diyos. Kapag mas marami ang gawain ng Diyos, mas lubusang nakikilala ng tao ang Diyos, at ang disposisyon ng tao ay nagbabago ayon sa Kanyang gawa. Gayon pa man, iyon ay dahil sa ang gawain ng Diyos ay palaging nagbabago na ang mga hindi nakakakilala sa gawa ng Banal na Espiritu at ang yaong mga hibang na tao na hindi nakakaalam sa katotohanan at nagiging kalaban ng Diyos. Hindi kahit minsan nakiayon ang gawain ng Diyos sa mga pag-iisip ng tao, dahil ang Kanyang gawain ay laging bago at hindi kailanman luma. Hindi Niya kahit minsan inuulit ang gawaing luma sa halip ay sumusulong sa gawaing kailanman ay hindi pa nagawa. Dahil ang Diyos ay hindi nag-uulit ng Kanyang gawain at ang tao ay walang paltos na naghuhusga sa gawain ng Diyos ngayon batay sa Kanyang gawain sa nakaraan, iyon ay lubhang mahirap para sa Diyos na ipagpatuloy ang bawat yugto ng gawain sa bagong kapanahunan.
Set 20, 2017
Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa
Ang mga tao ay naniwala sa Diyos sa mahabang panahon, gayon pa man karamihan sa kanila ay walang nauunawaan sa salitang “Diyos.” Sila lamang ay sumusunod sa isang pagkalito. Wala silang palatandaan sa kung ano ang eksaktong dahilan kung bakit ang tao ay dapat maniwala sa Diyos o kung ano ba talaga ang Diyos. Kung alam lamang ng tao na sumampalataya at sumunod sa Diyos, ngunit hindi kung ano ang Diyos, ni hindi nila nauunawaan ang Diyos, kung gayon hindi ba ito ang pinakamalaking katatawanan sa mundo? Kahit na nakasaksi ang tao sa maraming makalangit na misteryo ngayon at nakarinig ng higit na malalim na kaalaman na hindi kailanman naunawaan ng tao noon, sila ay nasa dilim sa maraming pinakapayak, at mababaw na katotohanan. Ang ilan sa mga tao ay maaaring magsabi, “Kami ay naniwala sa Diyos sa loob ng maraming taon. Paanong hindi natin maaaring malaman kung ano ang Diyos? Hindi ba tayo minamaliit nito?” Ngunit sa katotohanan, kahit na ang lahat ay sumusunod sa Akin ngayon, walang sinuman ang may anumang mga pag-unawa ng lahat ng gawa ngayon. Binibitawan nila ang kahit na pinakapayak at pinakamadaling katanungan, lalo na ang pinaka-komplikadong tanong ng “Diyos.” Dapat mong malaman ang mga katanungan na sinantabi mo muna at hindi matuklasan ang siyang iyong dapat pinaka-malaman, dahil ang alam mo lamang ay sundin ang karamihan ng sambayanan, hindi binibigyang pansin at hindi kinakalinga ang mga bagay na dapat ay ginagamit mo sa iyong sarili. Alam mo ba talaga kung bakit dapat kang magkaroon ng pananampalataya sa Diyos? Alam mo ba talaga kung ano ang Diyos? Alam mo ba talaga kung ano ang tao? Bilang isang tao na may pananampalataya sa Diyos, kung ikaw ay mabigong maunawaan ang mga bagay na ito, hindi mo ba nawala ang iyong dignidad bilang isang mananampalataya ng Diyos? Ang Aking gawa ngayon ay ito: upang maunawaan ng tao ang kanilang kakanyahan, maunawaan ang lahat na Aking ginagawa, at malaman ang tunay na mukha ng Diyos—ito ang pagsasarang kilos ng Aking plano sa pamamahala, ang huling yugto ng Aking gawa. Kaya Ko sinasabi sa inyo ang lahat ng misteryo ng buhay nang maaga, upang lahat kayo ay maaaring tanggapin ito mula sa Akin. Dahil ito ay ang gawa sa huling panahon, dapat Kong sabihin sa inyo lahat ang katotohanan ng buhay na hindi ninyo pa nalaman noon, kahit na hindi niyo maunawaan ang mga ito at hindi kayang dalhin ang mga ito, dahil kayo ay masyadong kulang at walang paghahanda. Gusto Kong wakasan ang Aking gawa, upang matapos ang lahat ng Aking kinakailangan na gawa, at upang ipaalam sa inyo nang ganap ang kinakailangan ninyong gawin, baka kayo muli ay maligaw at maniwala sa panlilinlang ng kasamaan kapag dumating ang kadiliman. Maraming mga paraan na higit sa inyong pang-unawa, maraming mga bagay na hindi niyo maintindihan. Kayo ay masyadong mangmang. Alam Ko ang inyong tayog at gayundin ang inyong mga pagkukulang. Samakatuwid, kahit na maraming salita na hindi ninyo kayang maintindihan, nais Ko pa rin sabihin sa inyo ang lahat ng mga katotohanang ito na hindi niyo pa kailanman naririnig—dahil lagi Akong nababahala kung, sa inyong kasalukuyang tayog, magagawa ninyong maging patotoo para sa Akin. Hindi sa minamaliit Ko kayo. Kayong lahat ay mga hayop na hindi dumaan sa Aking pormal na pagsasanay, at ito ay tunay na nakapagdududa kung gaano kalaki ang kapurihan na nasa sa inyo. Kahit na Ako ay naggugol ng napakaraming enerhiya sa inyo, ngunit tila walang positibong elemento ang nabubuhay sa inyo, habang ang negatibong elemento ay maaaring bilangin sa mga daliri at nakatuon lamang sa mga patotoo sa kahihiyan ni Satanas. Halos lahat ng bagay sa inyo ay lason ni Satanas. Nakatingin kayo sa Akin na mistulang lampas kayo sa kaligtasan. Kaya, ang mga bagay kung nasaan ang mga ito ngayon, tumingin Ako sa inyong iba’t ibang pagkilos, at sa wakas nalaman Ko ang inyong tunay na tayog. Kaya Ako ay patuloy na nababahala sa inyo: Umalis siya upang mabuhay sa kanyang sarili, ang kalalabasan ng tao ay magiging maayos kaysa o maihahambing sa kung ano siya ngayon? Hindi ba kayo nababalisa sa inyong mababang tayog? Maaari ba kayong maging tulad ng mga piniling tao ng Israel, tapat sa Akin at Akin lamang sa lahat ng pagkakataon? Ang inyong ipinapakita ay hindi ang harot ng mga bata sa paningin ng kanilang mga magulang, ngunit ang kalupitang lumalabas sa hayop kapag sila ay malayo sa hagupit ng kanilang amo. Dapat ninyong malaman ang inyong mga kalikasan, gayundin din ang kahinaan sa lahat ng inyong ibinabahagi, ang inyong karaniwang sakit. Kaya ang Akin lamang pangaral sa inyo ngayon ay maging patotoo para sa Akin. Huwag kailanman sa anumang pangyayari hayaan ang lumang sakit na muling sumiklab. Ang pinaka-mahalagang bagay ay magbigay ng pagpapatotoo. Iyan ang sentro ng Aking gawa. Dapat ninyong tanggapin ang Aking mga salita tulad ng pagtanggap ni Maria sa paghahayag ni Jehova sa kanyang panaginip, na may pananampalataya at gayon din ang pagsunod. Tanging ito ang kuwalipikado bilang pagiging malinis. Dahil kayo ang madalas nakaririnig ng Aking mga salita, ang Aking mga pinaka-pinagpala. Binibigay Ko sa inyo ang lahat ng Aking mga mahalagang pag-aari, ibinibigay nang ganap ang lahat sa inyo. Ang inyong katayuan at ng mga anak ng Israel, gayunpaman, ay higit na magkaiba, ganap na magkahiwalay na mundo. Ngunit kung ikukumpara sa kanila, kayo ay tumatanggap nang marami. Habang gipit silang naghihintay sa Aking pagpapakita, gumugugol kayo ng kaaya-ayang araw kasama Ako, nakikibahagi ng Aking mga kayamanan. Sa pamamagitan ng paghahambing, ano ang nagbibigay sa inyo ng karapatang magputak at makipagbangayan sa Akin at humingi ng bahagi ng Aking pag-aari? Hindi ba kayo nakakatanggap nang sapat? Binigyan kayo nang sobra, ngunit ang isinukli niyo sa Akin ay nakadudurog sa pusong kalungkutan at pagkabalisa at hindi mapigil na sama ng loob at kawalang-kasiyahan. Kayo ay masyadong karima-rimarim, at pumupukaw rin kayo ng awa. Kaya’t Ako ay walang pagpipilian kung hindi lunukin lahat ng Aking sama ng loob at magpasubali nang paulit-ulit. Sa mahigit ilang libong taon ng trabaho, hindi Ako nagdala ng anumang mga pagtutol sa sangkatauhan noon dahil Ako ay may natuklasan sa kasaysayan ng pag-unlad ng sangkatauhan, tanging ang mga panlilinlang lamang sa inyo ang pinaka-kilala. Sila ay tulad ng mahalagang mga mana na iniwan sa inyo sa pamamagitan ng mga sikat na ninuno ng unang panahon. Talagang galit Ako sa mga mas mababa kaysa sa baboy at aso. Kayo ay walang konsiyensya! Ang inyong karakter ay masyadong mababa! Ang inyong puso ay masyadong matigas! Kung kinuha Ko ang mga salita Ko at Aking mga gawa sa Israel, matagal Ko na dapat nakamit ang kaluwalhatian. Ngunit hindi gayon sa inyo. Sa inyo mayroon lamang malupit na kapabayaan, ang inyong malamig na balikat, at ang inyong mga palusot. Kayo ay walang pakiramdam at masyadong walang halaga!
Set 19, 2017
Tanging ang mga Ginawang Perpekto ang Maaaring Mamuhay ng Makahulugang Buhay
Sa katunayan, ang gawain na ginagawa ngayon ay upang talikdan ng mga tao si Satanas, talikdan ang kanilang dating ninuno. Nilalayon ng lahat ng mga paghatol ayon sa salita na ilantad ang tiwaling disposisyon ng sangkatauhan at mangyaring maipaunawa sa mga tao ang diwa ng buhay. Ang paulit-ulit na mga paghatol na ito ay tumatagos lahat sa mga puso ng mga tao. Tuwirang nakaaapekto ang bawat paghatol sa kanilang kapalaran at sinadyang sugatan ang kanilang mga puso upang mapakawalan nila ang lahat ng mga bagay na iyon at sa gayon mapanuto sa buhay, malaman ang maruming mundong ito, at malaman din ang karunungan ng Diyos at kapangyarihan at malaman ang sangkatauhang ito na ginawang tiwali ni Satanas. Habang nararagdagan ang ganitong uri ng pagkastigo at paghatol, lalong masusugatan ang puso ng tao at lalong magigising ang kanyang espiritu. Ang layunin ng mga ganitong uri ng paghatol ay ang paggising sa mga espiritu ng mga lubhang tiwali at pinakanalinlang sa mga tao.
Set 18, 2017
Ang Gawain sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Gawain Din ng Pagliligtas sa Sangkatauhan
Kailangan lahat ng mga tao na maunawaan ang layunin ng Aking gawain sa lupa, iyon ay, ang pangwakas na layunin ng Aking gawain at kung ano ang antas na dapat kong makamit sa gawaing ito bago ito maging kumpleto. Kung ang mga tao, na lumalakad kasama Ako sa araw na ito, ay hindi maintindihan kung ano ang tungkol sa Aking gawain, sa gayon ay walang kabuluhan ang kanilang paglakad kasama Ako? Ang mga taong sumusunod sa Akin ay dapat alam ang Aking kalooban. Ako ay nagtatrabaho sa mundo nang may libo-libong taon na, at Ako ay gumagawa pa rin nito ngayon. Bagaman may mga karamihang natatangi na iba’t-ibang mga bagay na kasama sa aking gawain, ang layunin nito ay nananatiling hindi nagbabago. Halimbawa, bagaman Ako ay napupuno ng paghatol at pagkastigo sa tao, ito pa rin ay upang iligtas siya, upang mahusay na kumalat ang Aking Ebanghelyo at higit pang palawakin ang Aking gawain sa gitna ng mga bansang Gentil sa panahong ang tao ay naging kumpleto. Kaya ngayon, sa panahon na maraming mga tao ang lubos na nawalan ng pag-asa, Ako ay nagpapatuloy sa Aking gawain, pinagpapatuloy ang gawaing nararapat upang hatulan at kastiguhin ang tao. Sa kabila ng katotohanan na ang tao ay sawang-sawa na sa Aking sinasabi at hindi alintana ang katunayan na siya ay walang pagnanais na pahalagahan ang tungkol sa Aking gawain, ipinagpapatuloy Ko pa rin ang Aking tungkulin dahil ang layunin ng aking gawain ay nananatiling hindi nagbabago at ang Aking orihinal na plano ay hindi masisira.
Set 16, 2017
Ang Katotohanan Ukol sa Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos
Ang kabuuan ng Aking plano sa pamamahala, na sumasaklaw ng anim na libong taon, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: una, ang Kapanahunan ng Kautusan; ikalawa, ang Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at panghuli, ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang aking gawain sa tatlong panahong ito ay nagkakaiba ayon sa kalikasan ng bawat panahon, ngunit ang bawat yugto ay tumutugma sa pangangailangan ng tao—o sa halip, ito ay nag-iiba batay sa mga panlilinlang na isinasagawa ni Satanas sa Aking pakikipagdigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng mga panlilinlang ni Satanas at sa gayon ay iligtas ang kabuuan ng sangkatauhan, na nasa ilalim ng kanyang sakop. Ito ay upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan habang pagbunyag ang pagkakilabot ni Satanas.
Set 15, 2017
Ang Tagapagligtas ay Bumalik na Nakatuntong sa “Puting Ulap”
Sa loob ng libong mga taon, inasam ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Inasam ng tao na makita si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, sa Kanyang pagkatao, sa mga taong nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libong mga taon. Hinangad ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makiisa sa mga tao, yan ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasagawa ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa mga Hudyo, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, magpapatawad sa mga kasalanan ng tao, dadalhin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at ililigtas ang tao mula sa kasalanan. Hangad nila na si Jesus na Tagapagligtas na maging katulad dati—isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, magiliw at kagalang-galang, na hindi kailanman mabagsik sa tao, at na hindi kailanman sinisisi ang tao. Ang Tagapagligtas na ito ay nagpapatawad at pinapasan ang lahat ng mga kasalanan ng tao, at namatay rin muli sa krus para sa tao. Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga santo na naligtas na nagpapasalamat sa Kanyang pangalan, ay naging desperado sa pag-asam sa Kanya at hinihintay Siya.
Set 14, 2017
Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan
Ang gawain na nagawa ni Jehovah sa mga Israelita ay itinatag sa sangkatauhan sa lupa na pinagmulan ng Diyos, ang Kanyang banal na lugar kung saan Siya nagkaroon ng presensya. Nilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa mga Israelita. Sa simula, hindi Siya nagtrabaho sa labas ng Israel; sa halip, pinili Niya ang mga tao na nakita Niyang angkop upang paghigpitan ang mga saklaw ng Kanyang gawain. Ang Israel ay ang pook kung saan nilikha ng Diyos sina Adan at Eba, at mula sa alabok ng pook na iyon nilikha ni Jehovah ang tao; ito ang pundasyon ng Kanyang gawain sa mundo. Ang mga Israelita, na mga inapo ni Noah at ni Adan, ay ang pundasyon ng gawain ni Jehovah sa lupa.
Set 13, 2017
Walang Nakababatid sa Pagdating ng Diyos
Walang Nakababatid sa Pagdating ng Diyos
Walang may kamalayan sa pagdating ng Diyos,
walang sumalubong sa pagdating Niya.
Higit pa, walang may-alam sa gagawin ng Diyos.
Walang may-alam ng gagawin N’ya.
Buhay ng tao’y sadyang hindi nagbabago.
Kasama natin ang Diyos gayang karaniwang tao,
bilang pinakahamak sa lahat ng tagasunod,
bilang karaniwang mananalig.
May sarili Siyang hangarin at layunin.
May pagka-Diyos Siyang di-taglay ng tao.
Walang nakabatid ng Kanyang pagka-Diyos,
o ang kaib’hang Kanyang diwa sa tao.
walang sumalubong sa pagdating Niya.
Higit pa, walang may-alam sa gagawin ng Diyos.
Walang may-alam ng gagawin N’ya.
Buhay ng tao’y sadyang hindi nagbabago.
Kasama natin ang Diyos gayang karaniwang tao,
bilang pinakahamak sa lahat ng tagasunod,
bilang karaniwang mananalig.
May sarili Siyang hangarin at layunin.
May pagka-Diyos Siyang di-taglay ng tao.
Walang nakabatid ng Kanyang pagka-Diyos,
o ang kaib’hang Kanyang diwa sa tao.
Kasama natin Siya sa pamumuhay, walang takot at malaya,
ang tingin natin sa Kanya’y ‘di higit sa walang halagang mananalig.
Kanyang minamasdan ang bawat kilos natin,
at lahat ng ating saloobin ang lahat ng to ay lantad sa harapan Niya,
ang lahat ay hayag sa harap Niya.
Walang may pakialam sa pag-iral ng Diyos,
walang nakaisip sa tungkulin Niya,
higit sa lahat, walang sinumang naghinala tungkol sa kung sino Siya.
Nagpatuloy lamang tayo sa mga gawain natin,
na tila walang kaugnayan ang Diyos sa atin.
Kanyang minamasdan ang bawat kilos natin,
at lahat ng ating saloobin ang lahat ng to ay lantad sa harapan Niya,
ang lahat ay hayag sa harap Niya.
Walang may pakialam sa pag-iral ng Diyos,
walang nakaisip sa tungkulin Niya,
higit sa lahat, walang sinumang naghinala tungkol sa kung sino Siya.
Nagpatuloy lamang tayo sa mga gawain natin,
na tila walang kaugnayan ang Diyos sa atin.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Rekomendasyon:Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?
Set 10, 2017
Ang Diyos Ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang
Ang isang yugto sa gawain ng dalawang nakaraang panahon ay naganap sa Israel; ang isa pa ay naganap sa Judea. Sa pangkalahatan, wala sa anumang yugto ng gawaing ito ang nilisan ang Israel; ang mga ito ay ang mga yugto ng gawain na natupad sa kalagitnaan ng mga paunang piniling tao. Kaya, sa paningin ng mga Israelita, ang Diyos na Jehovah ay Diyos lamang ng mga Israelita. Dahil sa gawain ni Jesus sa Judea, at dahil sa Kanyang pagkumpleto ng gawain ng pagpapako sa krus, mula sa pananaw ng mga Judio, si Jesus ay ang Manunubos ng mga Judio. Siya ay Hari lamang ng mga Judio, hindi ng anumang mga tao; hindi Siya ang Panginoon na tumubos sa ang mga Ingles, ni ang Panginoon na tumubos sa mga Amerikano, ngunit Siya ang Panginoon na tumubos sa mga Israelita, at sa Israel ang mga Judio ang Kanyang tinutubos. Sa totoo lang, ang Diyos ay ang Panginoon ng lahat ng mga bagay. Siya ang Diyos ng lahat ng nilalang.
Set 6, 2017
Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos
Upang maunawaan ang layunin ng gawa ng Diyos, kung ano ang bungang makakamit sa pagiging tao, at ang kalooban ng Diyos tungo sa tao, ito ang dapat makamit ng bawat taong sumusunod sa Diyos. Ang kulang ngayon sa lahat ng tao ay ang kaalaman sa gawa ng Diyos. Hindi ganap na nauunawaan ni naiintindihan ng tao kung ano ang bumubuo sa mga gawa ng Diyos sa tao, ang lahat ng gawa ng Diyos, at ang kalooban ng Diyos simula nang likhain ang mundo. Ang ganitong kakulangan ay hindi lamang nakikita saan mang dako ng relihiyosong mundo, kundi higit pa, sa lahat ng mananampalataya ng Diyos. Kapag dumating ang araw na tunay ngang mamasdan mo ang Diyos, at maunawaan ang karunungan ng Diyos; kapag namasdan mo ang lahat ng gawa ng Diyos at nakilala kung ano ang Diyos at ang kung ano ang mayroon Siya; kapag namasdan mo ang Kanyang kasaganaan, karunungan, himala, at lahat ng Kanyang mga gawa sa tao, ay saka mo makakamit ang matagumpay na pananampalataya sa Diyos. Nang sabihin na ang Diyos ay pumapaligid at lubhang masagana, ano ang ibig sabihin ng pumapaligid? Ano ang ibig sabihin ng kasaganaan? Kung hindi mo ito naunawaan, hindi ka maaaring ipalagay na mananampalataya ng Diyos. Bakit Ko sinasabing ang mga nasa relihiyosong mundo ay mga hindi nananampalataya sa Diyos at mga manggagawa ng kasamaan, at yaong mga kauri ng demonyo? Kapag sinabi Kong sila ay manggagawa ng kasamaan, ito ay dahil hindi nila maintindihan ang kalooban ng Diyos o makita ang Kanyang karunungan. Hindi kailanman ipinakita ng Diyos ang Kanyang gawa sa kanila; sila’y mga bulag na hindi nakikita ang mga gawa ng Diyos. Sila yaong mga tinalikdan ng Diyos at walang taglay na kalinga at pag-iingat ng Diyos, lalo pa ang gawa ng Banal na Espiritu. Yaong mga walang gawa ng Diyos ay manggagawa ng kasamaan at naninindigan sa pagsalungat sa Diyos. Yaong mga sinasabi Ko na mga sumasalungat sa Diyos ay yaong mga hindi kilala ang Diyos, yaong mga tumatanggap sa Diyos sa pamamagitan ng mga walang kabuluhang salita ngunit hindi Siya kilala, yaong mga sumusunod sa Diyos pero hindi Siya dinidinig, at yaong mga nagsasaya sa biyaya ng Diyos ngunit hindi magagawang maging saksi sa Kanya. Kung walang pag-unawa sa layunin ng gawain ng Diyos at sa gawa ng Diyos sa tao, hindi makaaayon ang tao sa puso ng Diyos, at hindi magagawang maging saksi sa Diyos. Ang dahilan kung bakit sumasalungat ang tao sa Diyos ay nagmumula, sa isang banda, sa masamang disposisyon ng tao, at sa kabilang banda, sa kamangmangan tungkol sa Diyos at sa kakulangan ng pag-unawa sa mga prinsipyo ng gawa ng Diyos at ng Kanyang kalooban patungo sa tao. Ang dalawang aspetong ito ay nagsasama upang maging iisang kasaysayan ng paglaban ng tao sa Diyos. Ang mga baguhan sa pananampalataya ay sumasalungat sa Diyos dahil ang pagsalungat ay nasa kanilang kalikasan, samantalang ang pagsalungat sa Diyos ng mga mananampalayatang may maraming taon na sa paniniwala ay bunga ng kamangmangan nila tungkol sa Diyos, samahan pa ng kanilang masamang disposisyon. Sa panahon bago naging tao ang Diyos, ang batayan ng kung ang tao ay sumalungat sa Diyos ay kung tinupad niya ang kautusang inihayag ng Diyos sa langit. Halimbawa, sa Kapanahunan ng Kautusan, ang sinumang hindi tumupad sa kautusan ni Jehova ay yaong mga sumalungat sa Diyos; ang sinumang nagnakaw ng mga alay para kay Jehova, at ang sinumang nanindigan laban sa mga pinaboran ni Jehova ay yaong sumalungat sa Diyos at yaong pupukulin ng bato hanggang sa mamatay; ang sinumang hindi gumalang sa kanyang ama at ina, at ang sinumang nanakit o nanumpa ng kapwa ay yaong hindi tumupad sa mga kautusan. At ang lahat ng hindi tumupad sa kautusan ni Jehova ay yaong nanindigan na labanan Siya. Hindi na ganito sa Kapanahunan ng Biyaya, na ang sinumang nanindigan laban kay Jesus ay yaong nanindigan laban sa Diyos, at ang sinumang hindi sumunod sa mga salitang sinabi ni Jesus ay yaong nanindigan laban sa Diyos. Sa panahong ito, ang pagpapatunay na “pagsalungat sa Diyos” ay higit pang natukoy nang malinaw at mas tunay. Sa panahong hindi pa naging tao ang Diyos, ang batayan ng kung ang tao ay sumalungat sa Diyos ay batay sa kung ang tao ay sumamba at gumalang sa di-nakikitang Diyos na nasa langit. Ang kahulugan ng “pagsalungat sa Diyos” sa panahong iyon ay hindi lubusang tunay, dahil ang tao noon ay hindi maaaring makita ang Diyos ni malaman ang kanyang anyo o paano gumawa at magsalita ang Diyos. Walang mga pagkaintindi ang tao sa Diyos at may kalabuan ang paniniwala sa Diyos, dahil hindi pa Siya nagpakita sa tao. Samakatuwid, paano man naniwala ang tao sa Diyos sa kanilang imahinasyon, hindi pinarusahan ng Diyos ang tao o humingi ng higit pa mula sa tao, sapagka’t hindi talaga nakikita ng tao ang Diyos. Kapag nagiging tao ang Diyos at gumagawa kasama ang mga tao, ang lahat ay namamasdan ang Diyos at napapakinggan ang Kanyang mga salita, at nakikita ng lahat ang gawain ng Diyos sa laman. Sa panahong iyon, ang lahat ng mga pagkaintindi ng tao ay naglalahong parang bula. At para sa mga nakakita sa Diyos na nagpakita sa laman, ang lahat ng may pagsunod sa kanilang mga puso ay hindi mahuhusgahan, samantalang yaong mga sadyang naninindigan laban sa Kanya ay yaong itinuturing na kalaban ng Diyos. Ang mga naturang tao ay mga anticristo at mga kalaban na kusang-loob na naninindigan laban sa Diyos. Yaong may mga pagkaintindi tungkol sa Diyos nguni’t may kagalakang sumusunod ay hindi huhusgahan. Hinuhusgahan ng Diyos ang tao batay sa kanyang mga layunin at mga kilos, hindi kailanman sa kanyang mga kaisipan at mga ideya. Kung ang tao ay hinuhusgahan sa ganitong batayan, kung gayon wala ni isa ang makatatakas sa mabagsik na mga kamay ng Diyos. Yaong mga kusang-loob na naninindigan laban sa Diyos na nagkatawang-tao ay mapaparusahan dahil sa kanilang pagsuway. Ang kusang-loob nilang pagsalungat sa Diyos ay nagmumula sa kanilang mga pagkaintindi tungkol sa Kanya, na nagbunga ng kanilang paggambala sa gawa ng Diyos. Ang gayong mga tao ay sadyang lumalaban at sumisira sa gawa ng Diyos. Hindi lamang sila mayroong mga pagkaintindi sa Diyos, subalit ginagawa nila ito upang magambala ang Kanyang gawain, at dahil sa kadahilanang ito na ang ganitong pag-uugali ng mga tao ay huhusgahan. Yaong mga hindi kusang-loob na sumasama sa paggambala sa gawa ay hindi huhusgahan bilang makasalanan, sapagka’t nagawa nilang sadyang sumunod at hindi gumawa ng pagbuwag at paggambala. Ang naturang mga tao ay hindi huhusgahan. Gayunpaman, kung ang mga tao sa maraming taon ay naranasan ang gawa ng Diyos, at kung tinataglay pa rin nila ang kanilang mga pagkaintindi sa Diyos at hindi pa rin kayang malaman ang gawa ng Diyos na nagkatawang-tao, at sa kabila ng maraming taong karanasan, ay pinagpapatuloy pa rin nilang panghawakan ang maraming pagkaintindi sa Diyos at hindi pa rin kayang kilalanin ang Diyos, at kahit hindi sila gumawa ng gulo nang mayroong maraming pagkaintindi sa Diyos sa kanilang mga puso, at kahit ang mga pagkaintindi na iyon ay hindi lumitaw, yaon ang mga taong wala ring paglilingkod sa gawa ng Diyos. Hindi nila kayang ipangaral ang ebanghelyo o maging saksi sa Diyos; sila ang mga taong walang silbi at mga hangal. Dahil hindi nila kilala ang Diyos at hindi nila kayang iwaksi ang kanilang mga pagkaintindi sa Diyos, sila ay hinuhusgahan. Maari itong sabihin nang ganito: Hindi bihira sa mga baguhan sa pananampalataya ang magkaroon ng mga pagkaintindi sa Diyos o ng kawalang-alam sa Kanya, ngunit di-pangkaraniwan sa mga may paniniwala nang maraming taon at maraming karanasan sa gawa ng Diyos ang pagkakaroon ng ganitong mga pagkaintindi, at mas lalo na para sa mga naturang tao ang kawalan ng kaalaman tungkol sa Diyos. At ang bunga ng ganitong di-pangkaraniwang kalagayan ng mga tao ay hinuhusgahan. Yaong ganoong mga di-pangkaraniwang tao ay mga walang silbi; sila yaong sukdulang sumasalungat sa Diyos at sila yaong nagpakasaya sa biyaya ng Diyos nang walang kabuluhan. Sila yaong mga taong dapat alisin sa katapusan!
Set 5, 2017
Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas
Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas
Noong dumating Ako mula sa Sion, hinihintay Ako ng lahat ng mga bagay, at noong bumalik Ako sa Sion, binati Ako ng lahat ng mga tao. Sa pagdating at paglisan Ko, hindi kailanman nahadlangan ng mga may galit sa Akin ang Aking mga hakbang, kaya umusad nang maayos ang Aking gawain. Ngayon, kapag dumarating Ako sa kalagitnaan ng lahat ng mga nilalang, binabati Ako ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng katahimikan, napakalalim ang takot nila na Ako’y muling lilisan at aalisin ang kanilang suporta. Sinusunod ng lahat ng mga bagay ang Aking patnubay, at minamatyagan ng lahat ang direksyong ipinahihiwatig ng Aking kamay. Maraming mga nilalang ang ginawang perpekto ng mga salita na nagmumula sa Aking bibig at maraming mga suwail na anak ang nakastigo. Kaya, nakatitig ang lahat ng mga tao sa Aking mga salita, at maingat na nakikinig sa mga pagbigkas mula sa Aking bibig, at matindi ang takot na mapalampas nila ang magandang pagkakataon na ito. Sa kadahilanang ito kung bakit nagpatuloy Ako sa pagsasalita, upang matupad ang Aking gawain nang mas mabilis, at upang mas maaga ang paglitaw ng mga nakalulugod na kondisyon sa mundo at malunasan ang mga eksena ng pagkatiwangwang sa mundo.
Set 4, 2017
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Ikalabing-siyam na Pahayag
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Ikalabing-siyam na Pahayag
Nararapat na gawain ng sangkatauhan ang kunin ang mga salita Ko bilang batayan ng kanyang kaligtasan. Dapat hanapin ng bawat tao ang indibidwal niyang papel sa bawat bahagi ng mga salita Ko; ang hindi paggawa nito ay paghingi ng suliranin, paghahanap ng sarili niyang pagkawasak. Hindi Ako kilala ng sangkatauhan, at dahil dito, sa halip na dalhin niya ang kanyang buhay sa Akin upang ihandog bilang kapalit, ang tanging ginagawa niya ay pumarada sa harapan Ko na dala ang mga sira-sirang kalakal, sa pagnanais na bigyan Ako ng kasiyahan. Ngunit, kahit malayo sa pagiging masaya sa mga bagay na tulad ng mga ito, nananatili Ako sa paghingi sa sangkatauhan. Gustung-gusto Ko ang handog ng mga tao, ngunit kinapopootan Ko ang kaniyang mga panghuhuthot. Ang puso ng lahat ng mga tao ay puno ng kasakiman; parang inalipin ng diyablo ang puso ng tao, at hindi siya makalaya upang ihandog ito sa Akin. Kapag nagsalita Ako, nakikinig ang tao sa Aking tinig nang may pamimitagan; ngunit kapag tumigil Ako sa pagsasalita, nagsisimula siyang muli sa sarili niyang mga “gawain” at ganap na humihinto sa pag-intindi sa mga salita Ko, na parang pandagdag lamang ang mga salita Ko sa kanyang “gawain.”
Set 3, 2017
Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao”
Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa "Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao"
1. Sa Kapanahunan ng Biyaya, inihanda ni Juan ang daan para kay Jesus. Hindi Niya kayang gawin ang gawain ng Diyos Mismo at tinupad lamang ang katungkulan ng tao. Kahit si Juan ang tanda ng Panginoon, hindi niya maaaring katawanin ang Diyos; siya lamang ay isang tao na ginagamit ng Banal na Espiritu. Kasunod ng bautismo ni Jesus, “ang Banal na Espiritu ay bumaba sa Kanya tulad ng isang kalapati.” Sinimulan na Niya ang Kanyang gawain, iyon ay, masimulan Niyang maisagawa ang ministeryo ni Kristo. Iyon ang dahilan kung bakit ginampanan Niya ang katauhan ng Diyos, sapagkat Siya ay mula sa Diyos. Anuman ang paraan ng Kanyang pananampalataya bago ito—marahil kung minsan ito ay mahina, o kung minsan ito ay malakas—iyon lamang ang Kanyang normal na buhay ng tao bago Niya ginanap ang Kanyang ministeryo. Pagkatapos Siyang binautismuhan (pahiran), agad Siyang nagkaroon ng kapangyarihan at ng kaluwalhatian ng Diyos na kasama Siya, at sa gayon nagsimulang ganapin ang Kanyang ministeryo.
Set 2, 2017
Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao
Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao
Ang gawain ng Diyos sa mga tao ay hindi mapaghihiwalay mula sa tao, dahil ang tao ay ang layon ng gawaing ito, at ang tanging nilikha ng Diyos na kayang magpatotoo sa Kanya. Ang buhay ng tao at lahat ng kanyang gawain ay hindi mapaghihiwalay mula sa Diyos, at pinamamahalaan ng mga kamay Niya, at maaari ring masabi na walang tao ang maaaring mag-isang umiral nang hiwalay sa Diyos. Walang maaaring tumanggi rito, dahil ito ay katotohanan. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay para sa kapakanan ng sangkatauhan, at nakatuon sa mga pakana ni Satanas. Ang lahat ng kailangan ng tao ay nanggagaling sa Diyos, at ang Diyos ang pinaggagalingan ng buhay ng tao. Kaya, ang tao ay hindi maaaring humiwalay sa Diyos. Ang Diyos, higit sa lahat, ay walang layuning humiwalay sa tao. Ang gawain na isinasagawa ng Diyos ay para sa kapakanan ng lahat ng sangkatauhan, at ang saloobin Niya ay laging mabuti. Ang gawain ng Diyos at ang mga saloobin Niya (iyon ay, ang kalooban ng Diyos) aykapwa “mga pangitain” na kailangang malaman ng tao.
Set 1, 2017
Ang Sangkap ni Kristo ay ang Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan
Ang Sangkap ni Kristo ay ang Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan
Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo; datapwat Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay parehong may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng kahit sinong tao. Ang Kanyang normal na pagkatao ang Siyang umaalalay sa lahat ng Kanyang karaniwang mga gawain ng laman, habang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagpapatupad sa mga gawain ng Diyos Mismo. Maging ang Kanyang pagkatao o pagka-Diyos, kapwa itong nagpapahinuhod sa kalooban ng Amang nasa langit. Ang sangkap ni Cristo ay ang Espiritu, iyon ay ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang Kanyang sangkap ay ang Diyos Mismo; ang sangkap na ito ay hindi gagambala sa Kanyang sariling gawain, at hindi rin Siya gagawa ng bagay na makasisira sa Kanyang sariling gawain. Sa makatuwid, ang Diyos na nagkatawang-tao ay siguradong hindi gagawa ng kahit anong gawain na makagagambala sa Kanyang sariling pamamahala.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)