菜單

Okt 28, 2019

Tagalog Worship Songs | Hinahatulan at Pineperpekto ng Diyos ang Tao Gamit ang Kanyang mga Salita sa mga Huling Araw


Tagalog Worship Songs | Hinahatulan at Pineperpekto ng Diyos ang Tao Gamit ang Kanyang mga Salita sa mga Huling Araw



 Ⅰ
Naging tao ang Diyos
sa mga huling araw para magsalita,
para ipakita sa tao,
kailangan niya't dapat pasukan,
ang Kanyang mga gawa't kapangyarihan,
pagiging kamangha-mangha't karunungan.
Kita sa maraming paraan ng pagbigkas ng Diyos,
ang Kanyang paghahari't kadakilaan,
pagkatago at kapakumbabaan,
pagpapababa ng kataas-taasang Diyos.
Gamit ng Diyos mga salita,
di mga tanda't himala
upang tao'y gawing perpekto sa mga huling araw.
Salita'y naglalantad, humahatol, kumakastigo,
ginagawang perpekto ang tao.
Sa salita ng Diyos, kita ng tao
Kanyang pagiging kaibig-ibig at karunungan,
nauunawaan ng tao ang disposisyon Niya.
Sa salita Niya, nakikita gawa ng Diyos.
Mga salita ng Diyos,
binibigkas mula sa iba't ibang pananaw,
tulad ng Espiritu, tao at ikatlong persona.
Sa mga salita ng Diyos,
tao'y nakikita ang Kanyang mga gawa
sa iba't ibang paraan.
Ang pangunahing gawain ng panahong 'to'y
magtustos ng mga salita para sa buhay ng tao.
Para ilantad ang kanyang kalikasa't katiwalian,
alisin ang kanyang kultura't kaalaman,
makalumang pag-iisip at relihiyosong pagkaunawa.
Dapat ilantad at linisin ng Kanyang mga salita.
Gamit ng Diyos mga salita,
di mga tanda't himala
upang tao'y gawing perpekto sa mga huling araw.
Salita'y naglalantad, humahatol, kumakastigo,
ginagawang perpekto ang tao.
Sa salita ng Diyos, kita ng tao
Kanyang pagiging kaibig-ibig at karunungan,
nauunawaan ng tao ang disposisyon Niya.
Sa salita Niya, nakikita gawa ng Diyos.
Sa mga huling araw,
Kanyang unang layunin,
isagawa isang yugto ng Kanyang gawain,
kung sa'n Salita'y nagpapakita sa katawang-tao.
Bahagi 'to ng Kanyang plano sa pamamahala.
Sa mga huling araw,
hinahatula't pineperpekto ang tao sa Kanyang salita.
Sa mga huling araw,
hinahatula't pineperpekto ang tao sa Kanyang salita.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Magrekomenda nang higit pa:Tagalog Praise Songs