菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na praktikal. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na praktikal. Ipakita ang lahat ng mga post

Hul 11, 2018

Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan


Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan (Unang Bahagi) 

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa oras na ang gawain ng panlulupig sa tao ay makumpleto na, ang tao ay dadalhin sa isang magandang mundo. Ang buhay na ito ay magiging, walang duda, sa mundo pa rin, ngunit ito ay ganap na hindi magiging kagaya ng buhay ng tao sa ngayon. Ito ang buhay na kakamtin ng sangkatauhan matapos na ang sangkatauhan ay ganap nang malupig, ito ay magiging bagong simula ng tao sa mundo, at para sa sangkatauhan na magkaroon ng gayong buhay ay magiging katibayan na ang sangkatauhan ay nakapasok na sa isang bago at magandang kaharian. Ito ang magiging simula ng buhay ng tao at Diyos sa lupa. Ang saligan ng gayong kagandang buhay ay marahil, matapos ang tao ay malinis at malupig, siya ay susuko sa harap ng Lumikha. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling yugto ng gawain ng Diyos bago pumasok ang tao sa kamangha-manghang hantungan. Ang gayong buhay ay ang hinaharap na buhay ng tao sa lupa, ito ang pinakamagandang buhay sa lupa, ang uri ng buhay na inaasam ng tao, ang uri na hindi pa kailanman nakamtan ng tao sa kasaysayan ng mundo. Ito ang huling kalalabasan ng 6,000 taon ng gawain sa pamamahala, ito ang pinaka-kinasasabikan ng sangkatauhan, ito rin ang pangako ng Diyos sa tao."

Rekomendasyon:

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

May 15, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Pagiging Totoo at Kaibig-ibig ng Diyos


I
Para kay Adan at Eva,
ang Panginoong Diyos ay gumawa ng mga damit sa mga balat,
at dinamitan sila.
Ang nakikita natin mula sa imaheng ito
ay lumilitaw ang Diyos
sa pagganap ng magulang nina Adan at Eva.
Ah … ah … ah … ah …

May 9, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Pakahulugan sa Ikaapatnapu’t-dalawang Pagbigkas

Pakahulugan sa Ikaapatnapu’t-dalawang Pagbigkas


    Hindi Ko alam kung ang mga tao ay may nakitang anumang pagbabago sa pagbigkas ngayon. May mga tao na maaring may nakitang kaunti, nguni’t tiyak na hindi sila nangangahas na sabihin. Marahil ang iba ay walang anumang nahalata. Bakit mayroong gayong napakalaking pagkakaiba sa pag-itan ng ikalabindalawa at ng ikalabinlimang araw ng buwan? Napagbulay-bulayan mo na ba ito? Ano ang iyong pananaw? May natarok ka bang anuman mula sa lahat ng mga pagbigkas ng Diyos? Ano ang pangunahing gawaing ginawa sa pag-itan ng ikalawa ng Abril at ikalabinlima ng Mayo? Bakit, ngayon, ang mga tao ba ay walang napansin, kasing-tuliro na para bang sila ay napalo ng batuta sa ulo? Ngayon, bakit walang mga tudling na pinamagatang “Iskandalo ng Mga Tao ng Kaharian”? Sa ikalawa at ikaapat ng Abril, hindi tinukoy ng Diyos ang katayuan ng tao; gayundin, sa maraming mga araw pagkatapos ngayon hindi Niya tinukoy ang katayuan ng mga tao—bakit ganito? Tiyak na mayroong palaisipan dito—bakit may 180 digri na pagbaling? Pag-usapan muna natin nang kaunti ang tungkol sa kung bakit nagsalita nang gayon ang Diyos. Tingnan natin ang mga unang salita ng Diyos, kung saan hindi Siya nagsayang ng panahon sa pagsasabing “Sa sandaling ang bagong gawain ay nagsisimula.” Ang pangungusap ay nagbibigay sa iyo ng unang pahiwatig na ang gawain ng Diyos at nakápások sa isang bagong pasimula, na Siya minsan pa ay nagsimula ng bagong gawain. Ipinakikita nito na ang pagkastigo ay nalalapit na sa pagtatapos; maaaring masabi na ang rurok ng pagkastigo ay napasok na, kaya’t ang mga tao ay dapat na samantalahin ang kanilang panahon upang tapusin ang gawain ng kapanahunang ito ng pagkastigo, upang maiwasang mapag-iwanan, o mawalan ng kanilang panimbang. Ito ay gawang lahat ng tao, at ito ay nangangailangan na gawin ng tao ang kanyang buong makakaya upang makipagtulungan, at kapag ang pagkastigo ay pinayaon na nang ganap, nagsisimula ang Diyos na sumuong sa susunod na bahagi ng Kanyang gawain, sapagka’t sinasabi ng Diyos, “…nagpatuloy Ako na isinasakatuparan ang Aking gawain sa gitna ng tao …. Sa sandaling ito, ang Aking puso ay puno ng matinding kagalakan, sapagka’t Ako ay nakatamo ng isang bahagi ng mga tao, kaya’t ang Aking “negosyo” ay hindi na bagsak, hindi na ito walang-lamang mga salita.” Sa nakaraang mga panahon, nakita ng mga tao ang nagdidiing kalooban ng Diyos sa Kanyang mga salita—walang kasinungalingan dito—at ngayon ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain nang higit na mabilis. Sa tao, tila hindi ito lubusang naaayon sa mga kinakailangan ng Diyos—nguni’t sa Diyos, ang Kanyang gawain ay natapos na. Dahil ang mga iniisip ng mga tao ay masyadong napakakomplikado, ang kanilang pananaw sa mga bagay-bagay ay malimit na sobrang masalimuot. Dahil ang mga tao ay masyadong nagmamadali kapag humihingi sa mga tao, nguni’t ang Diyos ay hindi humihingi ng malaki sa tao, ipinakikita nito kung gaano kalaki ang di-pagkakatugma sa pag-itan ng Diyos at tao. Ang mga pagkaintindi ng mga tao ay nalalantad sa lahat ng ginagawa ng Diyos. Hindi sa ang Diyos ay humihingi ng malalaki sa mga tao at ang mga tao ay hindi kayang abutin ang mga iyon, kundi ang mga tao ay humihingi ng malalaki sa Diyos at ang Diyos ay hindi kayang kamtin ang mga iyon. Dahil, kasunod ng panggagamot may umiiral na karugtong na sakit ang sangkatauhan, na nagáwáng tiwali ni Satanas sa loob ng libu-libong taon, ang mga tao ay laging humihingi ng gayong “mataas” na mga hinihingi sa Diyos, at hindi mapagparaya kahit katiting, malalim ang takot na ang Diyos ay hindi nasisiyahan. Sa gayon, sa maraming mga bagay, kapag ang mga tao ay hindi kwalipikado sa atas, sila ay nagtitiis ng pagkastigo sa sarili, at pinapasan ang mga bunga ng kanilang sariling mga pagkilos, at ito ay lubhang pagdurusa. Sa mga paghihirap na tinitiis ng mga tao, mahigit sa 99 na porsyento ang kinamumuhian ng Diyos. Sa tahasang salita, walang sinumang tunay na nagdusa para sa Diyos. Pinapasan nilang lahat ang mga bunga ng kanilang sariling pagkilos—at ang hakbang na ito ng pagkastigo, sabihin pa, ay hindi eksepsyon, ito ay mapait na inuming pinakuluan ng tao, na iniaangat niya upang inumin niya mismo. Dahil hindi naíbúnyág ng Diyos ang orihinal na layunin ng Kanyang pagkastigo, kahit na may isang bahagi ng mga tao na isinumpa, hindi nito kinakatawan ang pagkastigo. Isang bahagi ng mga tao ang pinagpala, nguni’t hindi ito nangangahulugan na sila ay pagpapalain sa hinaharap. Sa mga tao, tila ang Diyos ay isang Diyos na hindi tumutupad sa Kanyang sinasabi. Huwag mag-alala. Maaring ito ay medyo labis, nguni’t huwag maging negatibo; ang Aking sinasabi ay may kaunting kaugnayan sa pagdurusa ng tao, gayunman palagay Ko ay dapat kang magtatag ng mabuting kaugnayan sa Diyos. Dapat kang magbigay sa Kanya ng higit na maraming “mga kaloob,” na tiyak na magpapasaya sa Kanya. Ako ay nagtitiwalang minamahal ng Diyos ang mga nagbibigay sa Kanya ng “mga kaloob.” Anong iyong masasabi, ang mga salitang ito ba ay tama?

May 2, 2018

Ebangheliyong musika | Ang Kabuluhan ng Pagpapakita ng Diyos


Ang Kabuluhan ng Pagpapakita ng Diyos

I
Ang pagpapakita ng Diyos ay nangangahulugang
Siya’y gumagawa sa lupa sa Kanyang sarili.
Taglay ang Kanyang pagkakilanlan, disposisyon at sa sarili Niyang paraan,
sa tao Siya’y bumaba upang simulan at tapusin ang isang kapanahunan.
Ang pagpapakita Niya’y di larawan o tanda at hindi ito seremonya.
Hindi ito himala o dakilang pangitain.
Hindi ito prosesong pangrelihiyon.
Ito’y tunay, nahahawakan at nakikita, mahahawakan at matutunghayan.
Ang pagpapakita Niya’y di para sa pagsunod sa isang proseso,
o para sa isang panandaliang gawain.
Sa halip ito’y para sa isang yugto ng pamamahala ng Diyos.

May 1, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Interpretasyon sa Ikatatlumpu’t dalawang Pagbigkas

Interpretasyon sa Ikatatlumpu’t dalawang Pagbigkas


    Iniiwan ng mga salita ng Diyos ang mga tao na nagkakamot ng kanilang mga ulo; ito ay para bang, kapag Siya ay nagsasalita, iniiwasan ng Diyos ang tao at nagsasalita sa hangin, na parang wala Siyang kahit anong iniisip na pag-ukulan ng anumang pansin ang mga gawa ng tao, at ganap na walang pakialam sa tayog ng mga tao, na para bang ang mga salitang Kanyang sinasalita ay hindi nakatuon sa mga pagkaintindi ng mga tao, kundi umiiwas sa tao, gaya ng orihinal na hangarin ng Diyos. Sa maraming kadahilanan, ang mga salita ng Diyos ay di-matarok at di-mapasok ng tao. Hindi ito nakakagulat. Ang orihinal na layunin ng lahat ng mga salita ng Diyos ay hindi para magkamit ang mga tao ng kaalaman tungkol sa mga pamamaraan o tanging kasanayan mula sa mga iyon; sa halip, ang mga iyon ay isa sa mga pamamaraan kung saan sa pamamagitan nito ay nakagawa ang Diyos mula sa simula hanggang sa ngayon. Sabihin pa, mula sa mga salita ng Diyos ang mga tao ay nakatamo ng mga bagay-bagay kaugnay sa mga hiwaga, o mga bagay-bagay hinggil kay PedroPablo, at Job—nguni’t ito ang dapat nilang makamtan, at kung ano ang kaya nilang makamtan, at, gaya ng akma sa kanilang tayog, narating na nito ang taluktok nito. Bakit ganoon na ang resulta na hinihingi ng Diyos na makamit ay hindi mataas, gayunman ay nakapagsalita Siya ng napakaraming mga salita? Ito ay kaugnay sa pagkastigo na Kanyang sinasalita, at likas lamang, ito ay nakakamit lahat nang hindi natatanto ng mga tao. Ngayon, ang mga tao ay nagtitiis ng higit na pagdurusa sa ilalim ng mga pagsalakay ng mga salita ng Diyos. Sa ibabaw, walang sinuman sa kanila ang tila napakitunguhan, ang mga tao ay nagsimulang mapalaya sa paggawa ng kanilang gawain, at ang mga taga-serbisyo ay naitaas bilang mga tao ng Diyos—at dito, nakikita sa mga tao na sila ay nakapasok sa pagtatamasa. Sa katunayan, ang realidad ay, mula pagpipino, sila ay nakapasok tungo sa mas mahigpit na pagkastigo. Gaya ng sinasabi ng Diyos, “Ang mga yugto ng Aking gawain ay malápít na nakaugnay ang isa sa kasunod, bawa’t isa ay higit na mas mataas.” Iniahon ng Diyos ang mga taga-serbisyo mula sa walang-hanggang kalaliman at ibinulid sila tungo sa lawa ng apoy at asupre, kung saan ang pagkastigo ay higit na nakakapighatî. Sa gayon, sila ay nagdurusa ng mas matinding paghihirap, kung saan mula rito ay bahagya na silang makatatakas. Hindi ba’t ang gayong pagkastigo ay mas nakakapighatî? Yamang nakapasok sa isang mas mataas na kinasasaklawan, bakit ganito na ang mga tao ay nakadarama ng kalungkutan sa halip na anumang kasayahan? Bakit sinasabi na yamang napalaya mula sa mga kamay ni Satanas, sila ay ibinigay sa malaking pulang dragon? Natatandaan mo ba nang sinabi ng Diyos, “Ang huling bahagi ng gawain ay natapos sa tahanan ng malaking pulang dragon”? Naaalaala mo ba nang sinabi ng Diyos, “Ang huling paghihirap ay nagpapatotoo nang malakas at umaalingawngaw para sa Diyos sa harap ng malaking pulang dragon”? Kung ang mga tao ay hindi naibigay sa malaking pulang dragon, paano sila magpapatotoo sa harap nito? Sino ang kahit kailan ay nakabigkas ng mga salitang gaya ng “Natalo ko ang dyablo” matapos silang magpakamatay? Ang magpakamatay pagkatapos na ituring ang kanilang laman bilang ang kaaway—nasaan ang tunay na kahalagahan nito? Bakit nagsalita ang Diyos nang ganoon? “Hindi Ako tumitingin sa mga peklat ng mga tao, kundi sa bahagi nila na walang peklat, at mula rito Ako ay nasisiyahan.” Kung inaasam ng Diyos na yaong mga walang peklat ay maging Kanyang pagpapahayag, bakit Siya matiyaga at masigasig na nagsalita ng napakaraming salita mula sa pananaw ng tao upang labanan ang mga pagkaintindi ng mga tao? Bakit Siya mag-aabala para doon? Bakit Siya magpapakahirap na gawin ang gayong bagay? Kaya ito ay nagpapakita na may tunay na kahalagahan sa pagsasakatawang-tao ng Diyos, na hindi Niya “babalewalain” ang laman matapos maging nagkatawang-taong laman at tapusin ang Kanyang gawain. Bakit sinasabi na “ang ginto ay hindi magiging dalisay at ang tao ay hindi magiging perpekto”? Paano maipaliliwanag ang mga salitang ito? Ano ang kahulugan kapag ang Diyos ay nagsasalita tungkol sa esensya ng tao? Sa mga mata ng mga tao, ang laman ay nagpapakitang walang kakayahang gawin ang anumang bagay, o kaya ay masyadong kulang. Sa mga mata ng Diyos, ito ay hindi kailanman mahalaga—nguni’t sa tao, ito ay malaking usápín. Para bang sila ay lubos na walang kakayahang lutasin ito at ito ay dapat na personal na hawakan ng isang katawang makalangit—hindi ba ito pagkaintindi ng mga tao? “Sa mga mata ng mga tao, Ako ay isang ‘maliit na bituin’ na bumaba mula sa kalangitan, isang maliit na bituin sa langit, at ang Aking pagdating sa lupa ngayon ay pagsusugo ng Diyos. Bilang resulta, ang mga tao ay nakabuo ng marami pang mga pakahulugan sa mga salitang ‘Ako’ at ‘Diyos’.” Yamang ang mga tao ay walang kabuluhan, bakit ibinubunyag ng Diyos ang kanilang mga pagkaintindi mula sa iba’t ibang mga pananaw? Maaari kayang ito rin ay karunungan ng Diyos? Hindi ba katawa-tawa ang gayong mga salita? Gaya ng sinasabi ng Diyos, “Bagaman mayroong pagkakalagyan na naitatag Ko sa mga puso ng mga tao, hindi nila kinakailangan na manahan Ako roon. Sa halip, sila ay naghihintay para sa “Banal na Isa” sa kanilang mga puso na biglang darating. Sapagka’t ang Aking pagkakakilanlan ay masyadong mababa, hindi Ako nakakatapat sa mga hinihingi ng mga tao at sa gayon ay inaalis nila.” Dahil ang tantiya ng mga tao sa Diyos ay “napakataas,” maraming mga bagay ang “hindi-kayang-makamit” para sa Diyos, na naglalagay sa Kanya sa “mahirap na kalagayan.” Bahagya lamang nababatid ng mga tao na ang hinihingi nila sa Diyos na makayang gawin ay kanilang mga pagkaintindi. At hindi ba’t ito ang tunay na kahulugan ng “Ang isang matalas na tao ay maaaring maging biktima ng kanyang sariling katalinuhan”? Ito ay tunay na isang halimbawa ng “matalas sa pangkalahatan, nguni’t sa sandaling ito isang hangal”! Sa inyong pangangaral, inyong hinihingi na bitawan ng mga tao ang Diyos ng kanilang mga pagkaintindi, at ang Diyos ba ng inyong mga pagkaintindi ay nakaalis na? Paano mabibigyang pakahulugan ang mga salita ng Diyos na “Hindi Ako humihingi ng malaki sa tao”? Ang mga iyon ay hindi upang gawing negatibo at walang-galang ang mga tao, kundi para bigyan sila ng dalisay na pagkaunawa sa mga salita ng Diyos—nauunawaan ba ninyo? Ang Diyos ba na nagkatawang-tao ay tunay na ang “‘Ako’ na mataas at makapangyarihan” na naguguni-guni ng mga tao?

Abr 29, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Ang Pagpapaliwanag sa Ikatatlumpu’t isang Pagbigkas

Ang Pagpapaliwanag sa Ikatatlumpu’t isang Pagbigkas

    Ang disposisyon ng Diyos ay tumatakbo sa lahat ng mga pagbigkas ng Diyos, ngunit ibinubunyag ng pangunahing hibla ng Kanyang mga salita ang paghihimagsik ng buong sangkatauhan at inilalantad ang mga bagay gaya ng kanilang pagsuway, pagsusuwail, kawalang-katarungan, kabuktutan, at kawalang-kakayahang tunay na mahalin ang Diyos. Ito ay tulad na, ang mga salita ng Diyos ay nakakarating sa punto na sinasabi Niya na ang bawat napakaliit na butas sa mga katawan ng tao ay nagtataglay ng pagsalungat sa Diyos, na kahit pati ang kanilang pinakamaliliit na ugat ay nagtataglay ng pagsuway sa Diyos. Kung hindi ito susubukang suriin ng mga tao, palagi silang mawawalan ng kakayahang malaman ang mga iyon, at hindi kailanman makakayanang itapon ang mga ito. Ibig sabihin, kakalat sa kanila ang mikrobyo ng pagtutol sa Diyos at sa huli, para bang nilamon ng kanilang mga puting mga selula ng dugo ang kanilang mga pulang mga selula ng dugo, iniiwan ang kanilang buong katawan na wala nang pulang mga selula ng dugo; sa huli, mamamatay sila mula sa lukemya. Ito ang tunay na estado ng tao, at walang sinuman ang makatatanggi nito. Ipinanganak sa bayan kung saan naninirahan nang nakapulupot ang dakilang pulang dragon, sa lahat ng mga tao mayroong kahit isang bagay na naglalarawan at nagpapakita ng kamandag ng dakilang pulang dragon. Kung gayon, sa yugtong ito ng gawain, ang pagkilala sa sarili ang pangunahing hibla sa lahat ng bahagi sa mga salita ng Diyos, pagtanggi sa sarili, pagtalikod sa sarili, at pagpatay sa sarili. Maaaring sabihin na ito ang pangunahing gawa noong mga huling araw, at ang saklaw na ito ng gawain ang pinakakomprehensibo at mabusisi sa lahat—na siyang nagpapakita na nagpaplano ang Diyos na dalhin ang kapanahunan sa isang katapusan. Walang sinuman ang inasahan ito, ngunit isa rin itong bagay na kanilang inasam sa kanilang mga pandama. Kahit hindi ito sinasabi ng Diyos nang masyadong tahasan, ang mga pandama ng mga tao ay labis na talamak—lagi nilang nararamdaman na maiksi ang panahon. Maaari kong sabihin na mas lalong nararamdaman ito ng isang tao, mas lalo siyang may isang malinaw na kaalaman sa kapanahunan. Hindi ito ang kaso na kanyang nakita na normal ang mundo, at sa gayon itinatanggi ang mga salita ng Diyos; sa halip, dahil sa mga paraan ng mga gawain ng Diyos, nalaman niya kung ano ang nilalaman sa loob ng gawain ng Diyos, na tinutukoy sa tono ng mga salita ng Diyos. Mayroong isang sikreto sa tono ng mga pagbigkas ng Diyos, na kung saan walang sinuman ang nakakadiskubre at tiyak din kung ano ang pinakamahirap para sa karamihan ng mga tao na pasukin. Ang pananatiling mangmang ng mga tao sa tono na siyang gamit ng Diyos sa pananalita ang suliranin kung bakit hindi kayang maunaawaan ng mga tao ang mga salita ng Diyos—at kapag nalaman na nila nang mabuti ang sikretong ito, kakayanin na nila ang ilang kaalaman sa mga salita ng Diyos. Palaging sinusunod ng mga salita ng Diyos ang isang prinsipyo: ang dulutan ang mga tao na malaman na ang mga salita ng Diyos ay ang lahat-lahat, at nireresolba ang lahat ng mga paghihirap ng tao sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Mula sa perspektibo ng Espiritu, pinapasimple ng Diyos ang Kanyang mga gawa, mula sa perspektibo ng tao, inilalantad Niya ang mga pagkakaintindi ng mga tao, mula sa perspektibo ng Espiritu, sinasabi Niya na hindi mapag-intindi ang tao sa Kanyang kalooban, at mula sa perspektibo ng tao, sinasabi Niya na natikman na Niya ang matamis, maasim, mapait, at maanghang na mga lasa ng karanasan ng tao, na sa gitna ng hangin at ulan, nararanasan Niya ang pag-uusig ng pamilya, at nararanasan ang mga tagumpay at kabiguan ng buhay. Ang mga ito ang mga salitang sinabi mula sa iba’t ibang mga perspektibo. Kapag nakikipag-usap Siya sa sambayanan ng Diyos, para itong isang tagapangalaga ng bahay na pinagsasabihan ang mga alipin, o kagaya ng isang nakakatawang palabas; iniwan ng Kanyang mga salita na pulahang-mukha ang mga tao, na walang lugar upang mapagtaguan mula sa kahihiyan, na para bang naikulong sila ng mga pyudal na awtoridad upang magbigay ng isang kumpisal sa ilalim ng matinding pagpapahirap. Kapag nakikipag-usap Siya sa sambayanan ng Diyos, walang pigil ang Diyos kagaya ng mga nagpoprotestang mag-aaral sa unibersidad na nagsisiwalat ng mga eskandalo sa loob ng sentral na gobyerno. Kung mapanukso ang lahat ng mga salita ng Diyos, magiging mas mahirap ang mga ito upang tanggapin ng mga tao; kung gayon, prangkahan ang mga salitang sinabi ng Diyos, hindi sila naglalaman ng mga kodigong lihim para sa tao, ngunit ipinupunto nito nang direkta ang aktwal na estado ng tao—na siyang nagpapakita na hindi lamang mga salita ang pagmamahal ng Diyos sa tao, ngunit totoo. Kahit na pinahahalagahan ng mga tao ang pagiging totoo, walang totoo tungkol sa kanilang pagmamahal sa Diyos. Ito ang siyang kulang sa tao. Kung hindi totoo ang pagmamahal ng tao para sa Diyos, kung gayon, magiging walang saysay at hindi makatotohanan ang kabuuan ng lahat, na para bang maglalaho ang lahat dahil dito. Kung malalampasan ng kanilang pag-ibig para sa Diyos ang mga sansinukob, kung gayon, ganoon din ang kanilang estado at pagkakakilanlan, at kahit ang mga salitang ito, magiging tunay, at hindi hungkag—nakikita mo ba ito? Nakikita mo ba ang mga kinakailangan ng Diyos para sa tao? Hindi dapat tamasahin lamang ng tao ang mga biyaya ng katayuan, ngunit isabuhay ang realidad ng katayuan. Ito ang hinihingi ng Diyos sa sambayanan ng Diyos, at ang lahat ng sa tao, at hindi isang malaking hungkag na teorya.

Abr 27, 2018

Salita ng Diyos | Pakahulugan sa Ikatatlumpung Pagbigkas

Pakahulugan sa Ikatatlumpung Pagbigkas

    May mga tao na maaaring mayroong kaunting pananaw sa mga salita ng Diyos, subali’t walang sinuman sa kanila ang nagtitiwala sa kanilang mga damdamin; sila ay lubhang natatakot na mahulog sa pagkanegatibo. Sa gayon, sila ay palaging halinhinan sa pag-itan ng galak at lungkot. Patas na sabihing ang mga buhay ng lahat ng mga tao ay puno ng dalamhati; sa kasunod pang hakbang dito, mayroong pagpipino sa pang-araw-araw na buhay ng lahat ng mga tao, gayunman masasabi Ko na walang sinuman ang nakatatamo ng anumang pagpapalaya sa kanilang mga espiritu bawa’t araw, at ito ay para bang may tatlong malalaking bundok ang dumadagan sa kanilang mga ulo. Walang isa man sa kanilang mga buhay ang masaya at nagagalak sa lahat ng sandali—at kahit na kapag medyo masaya sila, pinipilit lamang nilang nagpapakasaya ang kanilang mga itsura. Sa kanilang mga puso, ang mga tao ay palaging may pakiramdam na parang may di-tapos. Sa gayon, hindi sila matatag sa kanilang mga puso; sa buhay, ang mga bagay-bagay ay tila walang laman at hindi-patas, at pagdating sa paniniwala sa Diyos, sila ay abálá at kulang sa panahon, o kaya ay wala silang panahon para kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, o hindi kayang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos. Walang isa man sa kanila ang mapayapa, at malinaw, at matatag sa kanilang mga puso. Para bang sila ay nahirati na sa pamumuhay sa ilalim ng nalalambungang kalangitan, na para bang namumuhay sila sa isang kalawakang walang oksidyen, at humantong ito sa kalituhan sa kanilang mga buhay. Ang Diyos ay laging nagsasalita nang diretso sa mga kahinaan ng mga tao, lagi Niya silang sinasaktan sa kanilang sakong ni Akiles—hindi mo ba malinaw na nakita ang tono ng Kanyang pagsasalita sa kabuuan? Kailanman ay hindi binigyan ng Diyos ang mga tao ng pagkakataong magsisi, at ginagawa Niya ang lahat ng mga tao na mamuhay sa “buwan” nang walang oksidyen. Mula sa simula hanggang ngayon, ang pang-ibabaw ng mga salita ng Diyos ay naglantad ng kalikasan ng tao, gayunman ay walang sinuman ang malinaw na nakakita sa nilalaman ng mga salitang ito. Lumilitaw na sa pamamagitan ng paglalantad sa kakanyahan ng tao, ang mga tao ay dumarating sa pagkakilala sa kanilang mga sarili at sa gayon ay dumarating sa pagkakilala sa Diyos, gayunman ay hindi ito ang landas sa nilalaman. Ang tono at higit na kalaliman ng mga salita ng Diyos ay nagpapakita ng malinaw na pagkakaiba sa pag-itan ng Diyos at tao. Sa kanilang mga damdamin, ginagawa nito ang mga tao na maniwala nang hindi namamalayan na ang Diyos ay hindi kayang maabot at hindi kayang malápítan; dinadala ng Diyos ang lahat sa lantad, at tila walang sinuman ang kayang magbalik ng kaugnayan sa pag-itan ng Diyos at tao sa kung paano ito dati. Hindi mahirap makita na ang layunin ng lahat ng mga pagbigkas ng Diyos ay upang gamitin ang mga salita upang pabagsakin ang lahat ng mga tao, sa pamamagitan niyon ay natutupad ang Kanyang gawain. Ito ay isang hakbang ng gawain ng Diyos. Gayunman ay hindi ito ang pinaniniwalaan ng mga tao sa kanilang mga isipan. Sila ay naniniwala na lumalapit na ang gawain ng Diyos sa kasukdulan nito, na lumalapit na ito sa pinaka-nababatid na epekto upang sa gayon ay malupig ang malaking pulang dragon, na ang ibig sabihin, ginagawa ang mga iglesia na sumusulong, at walang sinuman ang nagkakaroon ng mga pagkaintindi tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao, o kaya ang lahat ng mga tao na nakakakilala sa Diyos. Gayunman basahin natin kung ano ang sinasabi ng Diyos: “Sa isipan ng mga tao, ang Diyos ay Diyos, at hindi madaling pakisamahan, habang ang tao ay tao, at hindi dapat madaling maging salaula … at bilang resulta, palagi silang mababa at matiyaga sa harap Ko; hindi nila kayang maging tugma sa Akin, sapagka’t masyado silang maraming mga pagkaintindi.” Mula rito ay nakikita na, hindi alintana kung ano ang sinasabi ng Diyos o kung ano ang ginagawa ng tao, ang mga tao ay lubos na walang kakayahan sa pagkilala sa Diyos; dahil sa papel na ginagampanan ng kanilang kakanyahan, kung anuman, sila ay, sa pagtatapos ng maghapon, walang kakayahang kilalanin ang Diyos. Sa gayon, ang gawain ng Diyos ay magtatapos kapag nakita ng mga tao ang kanilang mga sarili bilang ang mga anak-na-lalaki ng impiyerno. Walang pangangailangan para sa Diyos na pawalan ang Kanyang poot sa mga tao, o usigin sila nang tuwiran, o sukdulang hatulan sila ng kamatayan upang tapusin ang Kanyang buong pamamahala. Sumasatsat lamang Siya ayon sa Kanyang kakanyahan, na parang ang pagtatapos ng Kanyang gawain ay nagkataon lamang, isang bagay na natupad sa Kanyang ekstrang panahon nang wala ni katiting na pagsisikap. Mula sa labas, tila mayroong kaunting pag-aapura sa gawain ng Diyos—gayunman hindi nakágáwâ ng anuman ang Diyos, wala Siyang ginagawa kundi magsalita. Ang gawain sa gitna ng mga iglesia ay hindi kasing-laki ng sa mga nakaraang panahon: ang Diyos ay hindi nagdaragdag ng mga tao, o nagpapaalis sa kanila, o inilalantad sila—ang ganoong gawain ay napaka-karaniwan. Tila ang Diyos ay walang iniisip na gawin ang ganoong gawain. Nagsasalita lamang Siya ng kaunti ng kung ano ang dapat, kung saan pagkatapos ay tumatalikod Siya at nawawala nang walang bakas—na, natural, ay ang tagpo ng pagtatapos ng Kanyang mga pagbigkas. At kapag dumarating ang sandaling ito, lahat ng mga tao ay gigising mula sa kanilang pagtulog. Ang sangkatauhan ay nakatulog sa loob ng libu-libong taon, siya ay mahimbing na mahimbing sa buong panahon. At sa loob ng maraming taon, ang mga tao ay nagmamadaling parito at paroon sa kanilang mga panaginip, at humihiyaw pa sila sa kanilang mga panaginip, hindi kayang magsalita tungkol sa kawalang-katarungan sa kaibuturan ng kanilang mga puso. Sa gayon, sila ay “nakakaramdam ng bahagyang kalungkutan sa kanilang mga puso”—nguni’t kapag sila ay nagising, matutuklasan nila ang tutoong mga katunayan, at mapapasigaw: “Ganito pala ang nangyayari!” Kaya sinasabi na “Ngayon, karamihan sa mga tao ay tulóg na tulóg pa rin. Saka lamang kapag tumutunog ang pangkahariang awitin sila nagmumulat ng kanilang inaantok na mga mata at nakakaramdam ng bahagyang kalungkutan sa kanilang mga puso.”

Pag-bigkas ng Diyos | Interpretasyon ng Ikadalawampu’t siyam na Pagbigkas

Interpretasyon ng Ikadalawampu’t siyam na Pagbigkas

    Sa gawain na ginawa ng mga tao, ang ilan sa mga ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng direktang pagtuturo mula sa Diyos, nguni’t para sa ilang bahagi nito ay hindi nagbibigay ang Diyos ng mga hayag na tagubilin, sapat na nagpapakita na ang ginagawa ng Diyos ay, ngayon, hindi pa lubos na naibunyag—na ang ibig sabihin, marami ang nananatiling nakatago at hindi pa naging pampubliko. Subali’t may ilang mga bagay na kailangang maging pampubliko, at may ilan na kailangang iwan ang mga tao na naguguluhan at nalilito; ito ang kung ano ang kinakailangan ng gawain ng Diyos. Halimbawa, ang pagdating ng Diyos mula sa langit sa gitna ng tao: kung paano Siya dumating, sa anong segundo Siya dumating, o kung ang mga kalangitan at lupa at ang lahat ng bagay ay sumailalim sa pagbabago o hindi—ang mga bagay na ito ay kinakailangan para ang mga tao ay malito. Ito ay batay din sa mga aktwal na kalagayan, dahil ang pantaong laman mismo ay hindi kayang direktang pumasok sa espirituwal na kinasasaklawan. Samakatuwid, kahit na kung ang Diyos ay malinaw na nagsasaad kung paano Siya pumarito mula sa langit tungo sa lupa, o kapag sinasabi Niya, “Noong araw na ang lahat ng bagay ay muling nabuhay, Ako ay tumungo sa tao, at nagpalipas Ako ng mga magagandang araw at gabi kasama siya,” ang mga salitang iyon ay tulad ng isang tao na nakikipag-usap sa isang katawan ng puno—walang kahit katiting na reaksiyon, dahil ang mga tao ay walang kaalaman sa mga hakbang ng gawain ng Diyos. Kahit pa tunay nilang batid, naniniwala sila na ang Diyos ay lumipad pababa sa lupa mula sa langit tulad ng isang ada at muling ipinanganak sa gitna ng tao. Ito ang nakamit ng mga kaisipan ng tao. Ito ay dahil ang esensiya ng tao ay hindi niya kayang maintindihan ang diwa ng Diyos, at hindi kayang maintindihan ang realidad ng espirituwal na kinasasaklawan. Sa pamamagitan tangi ng kanilang esensiya, ang mga tao ay walang kakayahan na kumilos bilang isang huwaran para sa iba, dahil ang mga tao ay likas na magkakapareho, at hindi magkakaiba. Kaya, ang paghiling na ang mga tao ay magpakita ng isang halimbawa para sundan ng iba o magsilbi bilang isang huwaran ay nagiging isang bula, ito ay nagiging singaw na umaangat mula sa tubig. Samantalang kapag sinasabi ng Diyos, “nakikita niya ang ilan sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako” ang mga salitang ito ay nagpapatungkol lamang sa paghahayag ng gawain na ginagawa ng Diyos sa katawang-tao; sa ibang salita, ang mga ito ay nakadirekta sa totoong mukha ng Diyos—pagkaDiyos, na pangunahing tumutukoy sa Kanyang pagkaDiyos na disposisyon. Na ang ibig sabihin, ang mga tao ay hinihilingan na maunawaan ang mga bagay tulad ng kung bakit ang Diyos ay gumagawa sa ganitong paraan, kung anong mga bagay ang maisasakatuparan ng mga salita ng Diyos, kung ano ang nais ng Diyos na matamo sa lupa, kung ano ang nais Niya na makamit sa gitna ng tao, ang mga pamamaraan ng pagsasalita ng Diyos, at kung ano ang saloobin ng Diyos patungkol sa tao. Maaaring sabihin na walang karapat-dapat-maipagmalaki sa tao, ibig sabihin, wala sa kanya na maaaring magpakita ng isang halimbawa para sundan ng iba.

Abr 22, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-apat at Ikadalawampu’t-limang Pagbigkas

Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-apat at Ikadalawampu’t-limang Pagbigkas

    Kung walang matamang pagbasa, imposibleng makaalam ng anuman sa mga pagbigkas nitong dalawang araw; sa katunayan, ang mga iyon ay dapat na nabigkas sa isang araw, datapwa’t hinati ng Diyos sa dalawang araw. Ibig sabihin niyan, ang mga pagbigkas nitong dalawang araw ay bahagi ng isang buo, nguni’t upang gawing madali para sa mga tao na tanggapin ang mga iyon, hinati ng Diyos ang mga iyon sa dalawang araw upang bigyan ang mga tao ng pagkakataong makahinga. Ganyan ang pagsasaalang-alang ng Diyos para sa tao. Sa lahat ng gawain ng Diyos, lahat ng mga tao ay gumaganap ng kanilang gampanin at kanilang tungkulin sa kanilang sariling lugar. Hindi lamang ang mga taong may espiritu ng isang anghel ang nakikipagtulungan; yaong may espiritu ng demonyo ay “nakikipagtulungan” din, gayundin ang lahat ng mga espiritu ni Satanas. Sa mga pagbigkas ng Diyos ay nakikita ang kalooban ng Diyos at Kanyang mga kinakailangan sa tao. Ang mga salitang “Dumarating ang Aking pagkastigo sa lahat ng mga tao, gayon pa man ay nananatili rin itong malayo mula sa lahat ng mga tao. Bawa’t buhay ng bawat tao ay puno ng pag-ibig at pagkamuhi sa Akin” ay nagpapakita na gumagamit ang Diyos ng pagkastigo upang bantaan ang lahat ng mga tao, nagsasanhi sa kanila na makatamo ng pagkakilala sa Kanya. Dahil sa pagtitiwali ni Satanas at kahinaan ng mga anghel, ang Diyos ay gumagamit lamang ng mga salita, at hindi mga utos sa pangangasiwa, upang kastiguhin ang mga tao. Simula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, ito ang naging panuntunan ng gawain ng Diyos patungkol sa mga anghel at lahat ng mga tao. Dahil ang mga anghel ay sa Diyos, isang araw sila ay tiyak na magiging mga tao ng kaharian ng Diyos, at kakalingain at iingatan ng Diyos. Lahat ng mga iba, samantala, ay pagsasama-samahin din ayon sa uri, lahat ng sari-saring masasamang mga espiritu ni Satanas ay kakastiguhin, at lahat ng mga walang espiritu ay pamumunuan ng mga anak-na-lalaki at bayan ng Diyos. Ganyan ang plano ng Diyos. Kaya, minsang sinabi ng Diyos “Ang pagdating ba ng Aking araw ay talaga nga bang sandali ng kamatayan ng tao? Maaari Ko nga bang sirain ang tao sa panahon ng pagkabuo ng Aking kaharian?” Bagaman ang mga ito ay dalawang payak na mga katanungan, ang mga iyon ay mga pagsasaayos ng Diyos para sa hantungan ng buong sangkatauhan. Kapag dumarating ang Diyos ay ang panahon kung kailan ang “mga tao sa buong sansinukob ay ipinako sa krus nang patiwarik.” Ito ang layunin kaya ang Diyos ay nagpapakita sa lahat ng mga tao, gumagamit ng pagkastigo upang ipaalam sa kanila ang pag-iral ng Diyos. Dahil ang panahon na ang Diyos ay bumababa sa lupa ay ang huling kapanahunan, at ang panahon kung kailan ang mga bansa sa lupa ay nasa kanilang pinakamaligalig, kaya sinasabi ng Diyos “Sa Aking pagdating sa mundo, ito ay nakukubli ng kadiliman at ang sangkatauhan ay ‘mahimbing na natutulog.’” Sa gayon, ngayong araw mayroon lamang sandakot na mga taong may kakayahang makilala ang Diyos na nagkatawang-tao, halos wala. Dahil ngayon ang huling kapanahunan, walang sinuman ang kahit kailan ay nakakilala sa praktikal na Diyos, at ang mga tao ay mayroon lamang mababaw na pagkakilala sa Diyos. At dahil dito kaya ang mga tao ay namumuhay sa gitna ng masakit na pagpipino. Kapag lumalabas ang mga tao sa pagpipino ay kung kailan din sila ay nagsisimulang makastigo, ito ang panahon kung kailan nagpapakita ang Diyos sa lahat ng mga tao upang maari nilang personal na mamasdan Siya. Dahil sa Diyos na nagkatawang-tao, ang mga tao ay nahuhulog sa sakuna, at hindi nakakayang alisin ang kanilang mga sarili—na siyang kaparusahan ng Diyos sa malaking pulang dragon, at Kanyang utos sa pangangasiwa. Kapag ang init ng tagsibol ay dumarating at ang mga bulaklak ay namumukadkad, kapag ang lahat sa silong ng mga kalangitan ay pawang luntian at lahat ng mga bagay sa lupa ay nasa lugar, lahat ng mga tao at mga bagay ay unti-unting papasok tungo sa pagkastigo ng Diyos, at sa panahong iyan lahat ng gawain ng Diyos sa lupa ay matatapos. Ang Diyos ay hindi na gagawa o mamumuhay sa lupa, sapagka’t ang dakilang gawain ng Diyos ay natupad na. Ang mga tao ba ay walang kakayahang isantabi ang kanilang laman sa maikling panahong ito? Anong mga bagay ang makakapaghati sa pag-ibig sa pag-itan ng tao at Diyos? Sino ang makakayang paghiwalayin ang pag-ibig sa pag-itan ng tao at Diyos? Ang mga magulang ba, mga asawang-lalaki, mga kapatid-na-babae, mga asawang-babae, o masakit na pagpipino? Mapapawi ba ng mga damdamin ng konsensya ang larawan ng Diyos sa loob ng tao? Ang pagkakautang ba at mga pagkilos ng mga tao tungo sa isa’t isa ay kanilang kagagawan? Ang mga iyon ba ay malulunasan ng tao? Sino ang makakayang ingatan ang kanilang mga sarili? Makakaya ba ng mga taong magkaloob para sa kanilang mga sarili? Sino ang mga malalakas sa buhay? Sino ang makakayang iwanan Ako at mamuhay sa kanilang sarili? Paulit-ulit nang paulit-ulit, bakit hinihingi ng Diyos na ang lahat ng mga tao ay magsagawa ng pagsusuri-sa-sarili? Bakit sinasabi ng Diyos, “kaninong paghihirap ang isinaayos sa pamamagitan ng kanilang mga sariling kamay?”

Ang tinig ng Diyos | Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-dalawa at Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas

Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-dalawa at Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas

    Ngayong araw, ang lahat ay handang tarukin ang kalooban ng Diyos at kilalanin ang disposisyon ng Diyos, datapwa’t walang nakakaalam sa dahilan kung bakit wala silang kakayahan sa pagsunod sa kanilang mga inaasam, hindi nila nalalaman kung bakit lagi silang ipinagkakanulo ng kanilang mga puso, at kung bakit hindi nila makayang kamtin kung ano ang nais nila. Bilang resulta, sila ay minsan pang binabagabag ng nakapanlulumong kawalang-pag-asa, gayunman ay puno pa rin sila ng takot. Hindi-kayang ipahayag ang mga magkakasalungat na damdaming ito, maaari lamang nilang iyuko ang kanilang mga ulo sa kalungkutan at patuloy na tanungin ang kanilang mga sarili: Maaari kayang hindi ako naliwanagan ng Diyos? Maaari kayang ako ay lihim na pinabayaan ng Diyos? Marahil ang bawa’t isa ay ayos, at naliwanagan silang lahat ng Diyos maliban sa akin. Bakit lagi akong nakakaramdam na nababagabag kapag binabasa ko ang mga salita ng Diyos, bakit hindi ko matarok kahit kailan ang anumang bagay? Bagaman iniisip ng mga isipan ng mga tao ang mga bagay na ito, walang nangangahas na ipahayag ang mga iyon; nagpapatuloy lamang silang nakikipagtunggali sa loob. Sa katunayan, walang sinuman kundi ang Diyos ang kayang maunawaan ang Kanyang mga salita o tarukin ang Kanyang tunay na kalooban. Gayunman laging hinihingi ng Diyos na tarukin ng mga tao ang Kanyang kalooban—hindi ba ito ay gaya ng pagtutulak sa isang bibi tungo sa isang dapúán? Ang Diyos ba ay mangmang sa mga pagkabigo ng tao? Ito ang interseksyon ng gawain ng Diyos, ito ang hindi nauunawaan ng mga tao, at sa gayon ay sinasabi ng Diyos, “Namumuhay ang tao sa gitna ng liwanag, ngunit hindi niya batid ang kahalagahan ng liwanag. Siya ay ignorante sa substansya ng liwanag, at sa pinagmumulan ng liwanag, at, higit pa rito, kung sino ang nagmamay-ari nito.” Ayon sa mga salita ng Diyos at kung ano ang hinihingi Niya sa tao, walang makakapanatiling buháy, sapagka’t walang anuman sa laman ng tao ang tumatanggap sa mga salita ng Diyos, kayâ kung kaya ng mga tao na sundin ang mga salita ng Diyos, magpahalaga at maghangad sa mga salita ng Diyos, at iakma ang mga salita sa mga pagbigkas ng Diyos na tumutukoy sa mga katayuan ng tao sa kanilang sariling mga kalagayan, at sa gayon ay makilala ang kanilang mga sarili, kung gayon ito ang pinakamataas na pamantayan. Kapag ang kaharian ay naging realidad sa kahuli-hulihan, yaong mga namumuhay sa laman ay hindi pa rin makakayang tarukin ang kalooban ng Diyos, at mangangailangan pa rin ng personal na paggabay ng Diyos. Mawawalan nga lamang ang mga tao ng panghihimasok ni Satanas, at matataglay ang normal na buhay ng tao, na siyang layunin ng Diyos sa paggapi kay Satanas, at pangunahing upang bawiin ang orihinal na kakanyahan ng tao, na nilikha ng Diyos. Sa isipan ng Diyos, ang “laman” ay tumutukoy sa sumusunod: ang kawalang-kakayahan na makilala ang kakanyahan ng Diyos, ang kawalang-kakayahan na makita ang mga kaganapan sa espirituwal na kinasasaklawan, at, higit pa, ang kakayahang magawang tiwali ni Satanas nguni’t mapatnubayan din ng Espiritu ng Diyos. Ito ang diwa ng laman na nilikha ng Diyos. Likas lamang na ito rin ay upang maiwasan ang kaguluhan na sanhi ng kakulangan ng kaayusan sa buhay ng sangkatauhan. Mas nagsasalita ang Diyos, at mas nagiging matalim ang Kanyang mga salita, mas nauunawaan ng mga tao ang Kanyang mga salita. Ang mga tao ay hindi-namamalayang nagbabago, at hindi-namamalayang namumuhay sa liwanag, at sa gayon “Dahil sa liwanag, lahat ng mga tao ay lumalago, at iniwan na ang karimlan.” Ito ang magandang tagpo ng kaharian, at gaya ng malimit na sinalita sa nakaraan: “namumuhay sa liwanag, lumilisan sa kamatayan.” Kapag ang Sinim ay naging tunay sa lupa—kapag ang kaharian ay naging tunay—hindi na magkakaroon ng digmaan sa lupa, hindi na kailanman magkakaroon ng mga taggutom, mga salot, at mga lindol, ang mga tao ay hihinto sa paggagawa ng mga sandata, lahat ay mamumuhay sa kapayapaan at katatagan, at kapwa ang mga tao at mga bansa ay magkakaugnay nang normal sa isa’t isa. Gayunman ang kasalukuyan ay hindi maihahambing dito. Ang lahat sa ilalim ng mga kalangitan ay nasa kaguluhan, ang mga kudeta ay unti-unting nagsisimulang maganap sa bawa’t bansa. Habang binibigkas ng Diyos ang Kanyang tinig ang mga tao ay unti-unting nagbabago, at, sa panloob, bawa’t bansa ay dahan-dahang nagkakawatak-watak. Ang matibay na mga pundasyon ng Babilonia ay nagsisimulang kumalog, gaya ng isang kastilyo na umaabot tungo sa himpapawid, at habang ang kalooban ng Diyos ay nag-iiba, matitinding mga pagbabago ang nagaganap na di-napapansin sa mundo, at lahat ng galaw ng mga palatandaan ay lumilitaw sa anumang oras, ipinakikita sa mga tao na ang huling araw ng mundo ay nakarating! Ito ang plano ng Diyos, ang mga ito ang mga hakbang kung saan sa pamamagitan nito Siya ay gumagawa, at bawa’t bansa ay tiyak na magkakapira-piraso, ang matandang Sodoma ay mawawasak sa ikalawang pagkakataon, at sa gayon sinasabi ng Diyos “Masisira ang mundo! Paralisado ang Babylon!” Walang sinuman kundi ang Diyos lamang ang may kakayahan ng ganap na pag-unawa rito; mayroong, sa paanuman, isang hangganan sa kamalayan ng mga tao. Halimbawa, ang mga ministro ng panloob na mga kaganapan ay maaring nakakaalam na ang kasalukuyang mga kalagayan ay hindi matatag at magulo, nguni’t wala silang kakayahang lunasan ang mga iyon. Maaari lamang silang sumakay sa agos, umaasa sa kanilang mga puso para sa araw kung kailan maitataas nila ang kanilang mga ulo, naghahangad na ang araw ay darating kung kailan ang araw ay muling sisikat sa silangan, sumisikat sa buong lupain at ibinabaligtad ang kaawa-awang katayuang ito ng mga kaganapan. Bahagya nilang nalalaman, gayunpaman, na kapag ang araw ay sumisikat sa ikalawang pagkakataon, ito ay hindi upang panumbalikin ang lumang kaayusan, kundi upang bumalikwas pabalik, at magdala ng lubos na pagbabago. Ganyan ang plano ng Diyos para sa buong sansinukob. Dadalhin Niya ang isang bagong mundo, nguni’t higit sa lahat, paninibaguhin muna Niya ang tao. Ngayong araw, ang pagdadala ng mga tao tungo sa mga salita ng Diyos ay siyang susi, hindi lamang pagpapahintulot sa kanila na magtamasa ng mga pagpapala ng katayuan. Higit pa, gaya ng sinasabi ng Diyos, “Sa kaharian, Ako ang Hari—ngunit sa halip na ituring Ako bilang kanyang Hari, tinatrato Ako ng tao bilang Tagapagligtas na bumaba mula sa langit. Bilang resulta, umaasa siya na magbibigay ako sa kanya ng limos, at hindi tuluyang naghahangad na ako’y makilala.” Ganyan ang tunay na mga kalagayan ng lahat ng mga tao. Ngayong araw, ang mahalaga ay ganap na pagpapawi sa walang-kasiyahang kasakiman ng tao, sa gayon ay pinahihintulutan ang mga tao na makilala ang Diyos nang hindi humihingi ng anuman; hindi kataka-taka, kung gayon, na sinasabi ng Diyos, “Maraming umiyak sa Aking harapan katulad ng isang pulubi; maraming nagbukas ng kanilang mga “sako” sa Akin at nakiusap sa Aking bigyan sila ng pagkain upang mabuhay.” Ang sari-saring mga katayuang ito ay tumutukoy sa kasakiman ng mga tao, at ipinakikita ng mga ito na hindi minamahal ng mga tao ang Diyos kundi gumagawa ng mga panghihingi sa Diyos, o kaya ay sinusubukang matamo ang mga bagay-bagay na kanilang inaasam. Ang mga tao ay may kalikasan ng isang gutom na lobo, silang lahat ay tuso at sakim, at sa gayon ang Diyos ay gumagawa ng mga kinakailangan sa kanila nang paulit-ulit, pinipilit silang alisin ang kasakiman sa kanilang mga puso at mahalin ang Diyos nang taos-puso. Sa katunayan, hanggang sa araw na ito, hindi pa naibibigay ng mga tao ang kanilang buong puso sa Diyos, sila ay namamangka sa dalawang ilog, kung minsan ay umaasa sa kanilang mga sarili, kung minsan ay umaasa sa Diyos nang hindi lubusang nananalig sa Diyos. Kapag ang gawain ng Diyos ay umaabot sa isang tiyak na punto, lahat ng mga tao ay mamumuhay sa gitna ng tunay na pag-ibig at pananampalataya, at ang kalooban ng Diyos ay matutupad; sa gayon, ang mga kinakailangan ng Diyos ay hindi matayog.

Abr 19, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Pakahulugan sa Ikalabing-apat na Pagbigkas

Pakahulugan sa Ikalabing-apat na Pagbigkas

    Ang tao ay hindi kailanman natuto ng anumang bagay mula sa salita ng Diyos. Sa halip, pinahahalagahan lamang ng tao nang pahapyaw ang salita ng Diyos, nguni’t hindi nalalaman ang tunay na kahulugan nito. Samakatuwid, bagaman ang karamihan ng mga tao ay kinagigiliwan ang salita ng Diyos, sinasabi ng Diyos na hindi nila talaga pinahahalagahan ito. Ito ay dahil sa pananaw ng Diyos, kahit na ang Kanyang salita ay isang mahalagang bagay, hindi natikman ng mga tao ang totoong katamisan nito. Samakatuwid, maaari lamang nilang “pawiin ang kanilang uhaw sa pag-iisip ng mga sirwelas,”[a] at sa gayon ay pinahuhupa ang kanilang mga sakim na puso. Hindi lamang gumagawa ang Espiritu ng Diyos sa gitna ng lahat ng tao, mayroon ding pagliliwanag ng salita ng Diyos. Ang mga tao lamang ay masyadong bulagsak upang magawang tunay na napasasalamatan ang pinakadiwa nito. Sa isip ng tao, ito ngayon ay ang kapanahunan ng kaharian na lubusang natutupad, nguni’t hindi ito ang kalagayan sa realidad. Kahit na kung ano ang inihula ng Diyos ay ang Kanyang naisakatuparan, ang talagang kaharian ay hindi pa lubusang dumating sa lupa. Sa halip, kasama ang mga pagbabago sa sangkatauhan, kasama ang progreso sa paggawa, at kasama ang kidlat na lumalabas mula sa Silangan, iyon ay, kasama ang paglalim ng salita ng Diyos, ang kaharian ay unti-unting magaganap sa lupa, unti-unti nguni’t ganap na bumababa sa lupa. Ang proseso ng pagdating ng kaharian ay ang proseso din ng maka-Diyos na gawain sa lupa. Kasabay nito, nasimulan ng Diyos sa buong sansinukob ang gawaing hindi pa nagawa sa lahat ng kapanahunan ng kasaysayan upang muling buuin ang buong lupa. Halimbawa, may mga napakalaking pagbabago sa buong sansinukob kabilang ang mga pagbabago sa Estado ng Israel, ang kudeta sa Estados Unidos ng Amerika, ang mga pagbabago sa Ehipto, ang mga pagbabago sa Unyong Sobyet, at ang pagbagsak ng Tsina. Kapag ang buong sansinukob ay napanatag at napanauli sa normal, iyon ay kapag ang gawa ng Diyos sa lupa ay magiging ganap; iyan ang panahon na ang kaharian ay darating sa lupa. Ito ang tunay na kahulugan ng mga salitang “Kapag ang lahat ng mga bansa ng daigdig ay nagkagulo, iyon ang tiyak na oras na ang Aking kaharian ay itatatag at huhugisan at kung kailan din Ako ay magbabagong-anyo at babalik sa buong sansinukob.” Hindi itinatago ng Diyos ang anumang bagay mula sa sangkatauhan, patuloy Niyang sinasabihan ang mga tao ng tungkol sa lahat ng Kanyang pagkamayaman, nguni’t hindi nila maipaliwanag ang Kanyang ibig sabihin, tinatanggap lamang nila ang Kanyang salita tulad ng isang hangal. Sa yugtong ito ng gawain, natutunan ng tao ang pagka-di-maarok ng Diyos at higit pa ay napapahalagahan kung gaano kalawak ang gawain ng pag-unawa sa Kanya; sa kadahilanang ito nadarama nila na ang paniniwala sa Diyos ang pinakamahirap na gawin. Sila ay ganap na walang magawa—ito ay tulad ng pagtuturo sa isang baboy upang kumanta, o tulad ng dagang naipit sa isang bitag. Tunay nga, gaano man kalaki ang kapangyarihan ng isang tao o kung gaano kabihasa ang kakayahan ng isang tao, o kung ang isang tao ay may walang-limitasyong kakayanan sa loob, pagdating sa salita ng Diyos ang mga bagay na ito ay walang kabuluhan. Ito ay parang ang sangkatauhan ay isang tumpok na abo ng nasunog na papel sa mga mata ng Diyos, ganap na walang anumang halaga, lalo nang walang anumang paggagamitan. Ito ay isang perpektong paglalarawan ng tunay na kahulugan ng mga salitang “ako ay naging higit at higit pang nalilingid mula sa mga tao at lalong hindi-maarok sa kanila.” Mula rito makikita na ang gawain ng Diyos ay sumusunod sa isang likas na pagpapatuloy at ginagampanan batay sa kung ano ang maaaring tanggapin ng mga sangkap-pang-unawa ng mga tao. Kapag ang kalikasan ng sangkatauhan ay matatag at hindi-natitinag, ang mga salitang sinasalita ng Diyos ay ganap na umaayon sa kanilang mga pagkaintindi at tila ang mga pagkaintindi ng Diyos at ng sangkatauhan ay iisa at magkapareho, nang walang anumang pagkakaiba. Ginagawa nito ang mga tao na waring nababatid ang pagka-totoo ng Diyos, nguni’t hindi ito ang pangunahing layunin ng Diyos. Pinapayagan ng Diyos ang mga tao na mapanatag bago pormal na simulan ang Kanyang tunay na gawain sa lupa. Samakatuwid, sa pag-uumpisang ito na nakalilito para sa sangkatauhan, napapagtanto ng sangkatauhan na ang kanilang mga dating ideya ay hindi tama at na ang Diyos at ang tao ay kasing-iba ng langit at lupa at hinding-hinding magkapareho. Dahil ang mga salita ng Diyos ay hindi na masuri batay sa mga pagkaintindi ng tao, ang tao ay agad na nagsisimulang tumingin sa Diyos sa isang bagong liwanag, at sa gayon ay tinititigan nila ang Diyos sa panggigilalas, na tila ang praktikal na Diyos ay hindi malalapitan gaya ng hindi-nakikita at hindi-nahihipong Diyos, na tila ang laman ng Diyos ay nasa labas lamang at walang Kanyang kakanyahan. Ang mga tao ay nag-iisip na[b] bagaman Siya ay ang pagkakatawang-tao ng Espiritu, maaari Siyang magbagong-anyo sa pormang Espiritu at lumutang palayo sa anumang oras. Samakatuwid, ang mga tao ay nabuuan ng isang waring iniingatang kaisipan. Sa pagbanggit sa Diyos, binibihisan Siya ng mga tao ng kanilang mga pagkaintindi, na sinasabing maaari Siyang sumakay sa mga ulap at hamog, maaaring lumakad sa tubig, maaaring biglang lumitaw at maglaho sa gitna ng mga tao, at ang iba ay may mas marami pang mga paglalarawang paliwanag. Dahil sa kamangmangan ng sangkatauhan at kawalan ng kaunawaan, sinabi ng Diyos “kapag sa tingin nila ay lumaban sila sa Akin o sinuway ang Aking mga kautusan sa pangangasiwa, isasawalang bahala Ko muna ito.”

Abr 18, 2018

Ang tinig ng Diyos | Interpretasyon ng Ikalabintatlong Pagbigkas

Interpretasyon ng Ikalabintatlong Pagbigkas

    Kinamumuhian ng Diyos ang lahat ng mga inapo ng malaking pulang dragon, at namumuhi Siya nang higit pa sa malaking pulang dragon. Ito ang ugat ng poot sa loob ng puso ng Diyos. Tila nais ng Diyos na ihagis ang lahat ng mga bagay na nabibilang sa malaking pulang dragon sa lawa ng apoy at asupre upang lubusang sunugin sila. May mga pagkakataon na tila nais pa nga ng Diyos na iunat ang Kanyang kamay upang personal na lipulin ito—tanging iyan ang maaring makapawi ng galit sa Kanyang puso. Ang bawa’t isang tao sa bahay ng malaking pulang dragon ay isang hayop na nagkukulang sa pagkatao, kaya ang Diyos ay matinding sinupil ang Kanyang galit para sabihin ang sumusunod: “Sa lahat ng Aking bayan, at sa lahat ng Aking mga anak, yaon ay, sa lahat ng Aking pinili mula sa sangkatauhan, nabibilang kayo sa pinakamababang grupo.” Nagsimula ang Diyos ng isang pangwakas na pakikibaka sa malaking pulang dragon sa sarili nitong bansa, at kapag ang Kaniyang plano ay dumating sa pagbubunga ay wawasakin Niya ito, hindi na pinapayagan ito na gawing tiwali ang sangkatauhan o pinsalain ang kanilang mga kaluluwa. Hindi lumilipas ang isang araw na ang Diyos ay hindi tumatawag sa Kanyang mga taong nahihimbing upang iligtas sila, nguni’t silang lahat ay nasa kalagayang pananamlay na tila sila ay uminom ng pildoras na pampatulog. Kung hindi Niya pinukaw ang mga ito kahit sandali ay bumabalik sila sa kanilang kalagayan ng pagtulog, nang walang kamalayan. Tila ang lahat ng Kanyang mga tao ay dalawang-ikatlong paralisado. Hindi nila alam ang kanilang sariling mga pangangailangan o ang kanilang sariling mga kakulangan, o kahit kung ano ang dapat nilang isuot o kung ano ang dapat nilang kainin. Ipinakikita nito na ang malaking pulang dragon ay nakagugol ng malaking pagsisikap upang gawing tiwali ang mga tao. Ang kapangitan nito ay umaabot sa bawa’t rehiyon ng Tsina. Nagáwâ pa nga nito na ang mga tao ay mayamot at ayaw nang manatili nang mas matagal pa sa nabubulok at mahalay na bansa. Ang pinaka-kinapopootan ng Diyos ay ang kakanyahan ng malaking pulang dragon, kung kaya’t pinaaalalahanan Niya ang mga tao sa Kanyang poot bawa’t araw, at ang mga tao ay nabubuhay sa ilalim ng mata ng Kanyang poot araw-araw. Gayunpaman, ang karamihan ng mga tao ay hindi pa rin alam kung paanong hanapin ang Diyos, nguni’t sila ay umuupo lamang sa panonood at naghihintay upang pakainin sa palad. Kahit na sila ay namamatay na sa gutom hindi sila magkukusang humayong maghanap ng kanilang sariling pagkain. Ang mga konsensya ng mga tao ay malaon nang panahong ginawang tiwali ni Satanas at nagbago ang kakanyahan upang maging walang-puso. Hindi nakakagulat na sinabi ng Diyos: “Kung hindi Ko pa kayo inudyukan, hindi pa kayo magigising, subalit maaaring nananatili pa rin parang nasa kalagayang nagyelo, at muli, parang nasa kalagayan ng pagtulog sa taglamig.” Para bang ang mga tao ay tulad ng mga hayop sa mahabang pagtulog sa panahon na dumaraan ang taglamig at hindi humingi upang kumain o uminom; ito ay eksaktong ang kasalukuyang kalagayan ng bayan ng Diyos, na dahilan kung bakit ang Diyos ay kinakailangan lamang na makilala ng mga tao na Diyos na nagkatawang-tao Mismo sa liwanag. Wala Siyang pangangailangan sa mga tao na magbago nang matindi o para sa kanila na magkaroon ng malaking pag-unlad sa kanilang buhay. Iyan ay sapat na upang talunin ang maruming, nakapandidiring malaking pulang dragon, kaya mas mahusay na naipamamalas ang dakilang kapangyarihan ng Diyos.

Abr 5, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikaapatnapu’t-anim na Pagbigkas

Ang Ikaapatnapu’t-anim na Pagbigkas

    Hindi Ko alam kung gaano kabuti ang kalagayan ng mga tao sa paggawa sa Aking mga salita na batayan ng kanilang pag-iral. Ako ay laging nababalisa para sa kapalaran ng tao, nguni’t tila hindi ito nadarama kahit kaunti ng mga tao—at bilang resulta, hindi nila kailanman pinansin ang Aking mga ginagawa, at hindi kailanman nagkaroon ng pagsamba dahil sa Aking saloobin tungo sa tao. Para bang sila ay nag-alis ng damdamin matagal nang panahon upang bigyang-kasiyahan ang Aking puso. Kinakaharap ang gayong mga kalagayan, minsan pa Akong natahimik. Bakit ang Aking mga salita ay hindi karapat-dapat sa pagsasaalang-alang ng mga tao, sa higit na pagpasok? Dahil ba ito sa “wala Akong realidad” at sinusubukan Kong makaimpluwensya sa mga tao? Bakit lagi Akong binibigyan ng mga tao ng “natatanging pagtrato”? Ako ba ay may-kapansanan na nasa kanyang sariling hiwalay na ward? Bakit, gayong ang mga bagay-bagay ay nakarating sa puntong narating ng mga ito ngayon, iba pa rin ang nagiging tingin sa Akin ng mga tao? May mali ba sa Aking saloobin tungo sa tao? Ngayon, nakapagsimula Ako ng bagong gawain sa ibabaw ng mga sansinukob. Nabígyan Ko ang mga tao sa lupa ng bagong simula, at hiningi sa kanilang lahat na umalis sa Aking bahay. At dahil laging nais ng mga tao na magpasásà sa kanilang mga sarili, pinapayuhan Ko sila na maging gisíng-sa-sarili, at huwag laging gambalain ang Aking gawain. Sa “bahay-tuluyan” na Aking binuksan, walang nagsasanhi sa Aking pagkamuhi nang higit kaysa tao, dahil ang mga tao ay laging nagiging dahilan ng kaguluhan para sa Akin at binibigo Ako. Ang kanilang asal ay nagdadala ng kahihiyan sa Akin at kahit kailan ay hindi Ko naitaas ang Aking ulo. Sa gayon, kalmado Akong nakikipag-usap sa kanila, hinihinging iwan nila ang Aking bahay sa lalong madaling panahon at huminto sa pagkain ng Aking pagkain nang libre. Kung nais nilang manatili, kung gayon dapat silang sumailalim sa pagdurusa at tiisin ang Aking pagdadalisay. Sa kanilang mga isipan, lubos Akong walang kamalay-malay at walang-alam sa kanilang mga ginagawa, at sa gayon lagi silang nakatayo nang mataas sa harap Ko, walang anumang tanda ng pagbagsak, nagkukunwari lamang na tao para buuin ang mga bilang. Kapag Ako ay humingi sa mga tao, sila’y nagugulat: Hindi nila kailanman naisip na ang Diyos, na laging mabuti-ang-kalooban at mabait sa loob ng napakaraming taon, ay makakapagsalita ng ganoong mga salita, mga salitang walang-puso at hindi makatarungan, kaya’t wala silang masabi. Sa ganoong mga pagkakataon, Aking nakikita na ang pagkamuhi para sa Akin sa mga puso ng mga tao ay tuminding muli, dahil muli nilang sinimulan ang gawain ng pagdaing. Lagi nilang inaakusahan ang lupa at tinutungayaw ang Langit. Gayunman sa kanilang mga salita, wala Akong nakikitang anuman na nagmumura sa kanilang mga sarili dahil ang kanilang pag-ibig sa kanilang mga sarili ay napakatindi. Sa gayon ay Aking binubuod ang kahulugan ng pantaong buhay: Dahil masyadong minamahal ng mga tao ang kanilang mga sarili, ang kanilang buong buhay ay pangingipuspos at walang-kabuluhan, at sila ay nagdurusa ng paghampas-sa-sariling pagkawasak sa kabuuan dahil sa kanilang pagkamuhi sa Akin.

Mar 17, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikasiyam na Pagbigkas


Ang Ikasiyam na Pagbigkas

    Dahil ikaw ay isa sa mga kasapi ng Aking sambahayan, at dahil ikaw ay tapat sa Aking kaharian, marapat lamang na lahat ng iyong gagawin ay umayon sa mga pamantayan na aking inaatas. Hindi ko hinihingi sa’yo na maging higit ka pa sa isang lumilipad na ulap, bagkus ikaw ay maging makislap na niyebe, at nag-aangkin ng sangkap at, higit sa lahat, ng halaga nito. Dahil Ako ay nagmula sa banal na lupain, hindi gaya ng isang lotus, na mayroon lamang pangalan at walang halaga dahil ito ay nanggaling mula sa putikan at hindi sa banal na lupain. Ang panahon na ang isang bagong kalangitan ay papanaog sa ibabaw ng daigdig at ang isang bagong mundo ay lumaganap sa ibabaw ng mga kalangitan ay siya ring panahon na Ako ay pormal na gumawa kasama ng mga tao. Sino sa sangkatauhan ang nakakakilala sa Akin? Sino ang naroon noong panahon ng Aking pagdating? Sino ang nakasaksi na Ako ay hindi lamang nagtataglay ng isang Pangalan, ngunit, bukod pa rito, na Ako rin ay nagtataglay ng pag-aari? Hinawi Ko ang mga puting ulap gamit ang Aking kamay at pinagmasdan nang mabuti ang kalangitan; sa kalawakan, walang bagay ang hindi gawa ng Aking kamay, at sa ilalim ng kalawakan, walang sinuman ang hindi nag-aambag ng kanyang munting pagsisikap para sa katuparan ng Aking dakilang panukala. Hindi ako nagsasagawa ng mga mabibigat na utos sa mga tao sa mundo, dahil Ako ay naging isang praktikal na Diyos, at dahil Ako ang Makapangyarihan sa lahat na lumikha ng tao at nakakikilala nang lubos sa kanya. Ang lahat ng tao ay haharap sa mga mata ng Makapangyarihan sa lahat. Paano kung ang mga naroon sa mga pinakamalalayong sulok ng mundo ay umiiwas sa pagsubok ng Aking Espiritu? Kahit na ang tao ay nakakikilala sa Aking Espiritu, siya rin ay nagkakasala laban dito. Ang Aking mga salita’y hinuhubaran ang masamang imahe ng lahat ng tao, at hinuhubaran ang mga pinakamalalim na saloobin ng sangkatauhan, at nagdudulot sa buong mundo na maging payak dala ng Aking liwanag at sumailalim sa Aking pagsubok. Ngunit kahit ang tao ay nagkakasala, ang kanyang puso ay hindi nangangahas na lumayo sa Akin. Sa mga nilalang, sino ang hindi iibig sa Akin dahil sa Aking mga gawain? Sino ang hindi Ako masusumpungan bilang bunga ng Aking mga salita? Sino ang hindi ipinanganak nang walang pagmamahal buhat sa Aking pag-ibig? Hindi lang dahil sa katiwalian ni Satanas na ang tao ay hindi kayang makaabot sa Aking kaharian bilang Aking pag-uutos. Kahit na ang mga pinakamabababaw na utos ay nagdudulot ng pangamba sa kanya, para hindi magwika ng tungkol sa ngayon, ang panahon kung saan si Satanas ay nagpapasimula ng kaguluhan at siya ay lubhang nagpapakahari, o noong panahong iyon na ang tao ay nayurakan ni Satanas na ang kanyang buong katawan ay napalibutan ng karumihan. Kailan ba na ang pagkabigo ng tao na magbalik-loob sa Akin bilang bunga ng kanyang kasamaan ay hindi nagdulot sa Akin ng kalungkutan? Maaari Ko bang kaawaan si Satanas? Maaari bang nagkakamali lang Ako sa Aking pag-ibig? Kapag ang tao ay hindi sumusunod sa Akin, ang Aking puso ay lihim na tumatangis; kapag ang tao ay tumututol sa Akin, siya ay Aking kakastiguhin; kapag ang tao ay Aking iniligtas at nabuhay mula sa kamatayan, siya ay binibigyan Ko ng lubos na pag-aalaga; kapag ang tao ay sumusunod sa Akin, ang Aking puso ay payapa at agad Akong nakakaramdam ng malalaking pagbabago sa lahat ng bagay sa langit at lupa; kapag pinupuri Ako ng tao, paanong hindi Ko iyon magugustuhan? Kapag ang tao ay sinasaksihan Ako sumasamo sa Akin, paanong hindi Ako maluluwalhatian? Maaari ba na ang sangkatauhan ay hindi Ko nasasakop at natutustusan? Kapag Ako ay hindi nagbigay ng tamang direksyon, ang mga tao ay tamad at hindi natitinag, at, sa Aking likuran, sila ay nakikiisa sa mga masamang gawain. Sa tingin mo ba ang katawang-tao, na siyang Aking ibinabalot sa Sarili Ko, ay hindi nakakaalam ng iyong mga gawa, iyong ugali, at iyong mga salita? Tiniis Ko nang maraming taon ang hangin at ulan, at naranasan Ko rin ang kapaitan ng mundo ng mga tao, ngunit sa pamamagitan ng masusing pagninilay, walang kabuuang halaga ng paghihirap ang maaaring makagawa sa makalamang katawang-tao na mawalan ng tiwala sa Akin, di hamak na maaaring ang kahit anong kabutihan ay magdulot sa katawang-tao na maging malayo, matamlay, o hindi masunurin sa Akin. Ang pag-ibig ba ng tao para sa Akin ay limitado lamang sa alinman sa walang hirap o walang sarap?

Mar 16, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Paano Makatatanggap…Pahayag ng Diyos…sa Kanyang Pagkaintindi?


Paano Makatatanggap…Pahayag ng Diyos…sa Kanyang Pagkaintindi?

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang kasaysayan ay umuunlad pasulong, pati na ang gawain ng Diyos, at ang kalooban ng Diyos ay patuloy na nagbabago. Hindi magiging praktikal para sa Diyos na magpanatili ng isang yugto ng gawain sa anim na libong taon, sapagkat alam ng lahat ng tao na Siya ay laging bago at hindi kailanman luma. Hindi Niya maaaring ipagpatuloy na katigan ang gawaing kahalintulad ng pagpapako sa krus, ng isa, dalawa, tatlong beses … na mapako sa krus. Ito ang pagkaunawa ng isang kakatwang tao. Hindi itinataguyod ng Diyos ang parehong gawain, at ang Kanyang gawain ay pabago-bago at laging bago, tulad sa kung paano Ako araw-araw na nakikipag-usap sa inyo sa mga bagong salita at gumagawa ng mga bagong gawain. Ito ang gawain na Aking ginagawa, ang susi nito ay nakatuon sa mga salitang “bago” at “kamangha-mangha.” “Ang Diyos ay hindi nagbabago, at ang Diyos ay palaging magiging Diyos”; ang kasabihang ito ay talagang totoo. Ang kakanyahan ng Diyos ay hindi nagbabago, ang Diyos ay laging Diyos, at Siya ay hindi kailanman magiging si Satanas, ngunit hindi ito nagpapatunay na ang Kanyang gawain ay palagian at walang-pagbabago tulad ng Kanyang kakanyahan. Ipinahahayag mo na ang Diyos ay ganito, ngunit paano mo samakatwid maipapaliwanag na ang Diyos ay laging bago at hindi kailanman luma? Ang gawain ng Diyos ay patuloy na lumalaganap at palagiang nagbabago, at ang kalooban ng Diyos ay patuloy na naipapakita at ipinapaalam sa mga tao.”
Rekomendasyon:Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Mar 11, 2018

Napakahalaga na Sundin ang Gawa ng Banal na Espiritu!

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Napakahalaga na Sundin ang Gawa ng Banal na Espiritu!Xiaowei    Lungsod ng Shanghai

  Ilang panahon na ang nakaraan, kahit na lagi akong nakakatanggap ng ilang mga inspirasyon at pakinabang kapag ang kapatid na siyang nakisama sa akin ay nagbahagi ng pagliliwanag na kanyang nakuha habang kumakain at umiinom ng salita ng Diyos, lagi rin akong nagkakaroon ng hindi maalis-alis na pakiramdam na siya’y nagyayabang. Iniisip ko sa sarili ko, “Kung sasagot ako sa kanya ngayon, hindi ko ba siya binubuyo? Sa ganoong diwa, hindi ba ako magmumukhang mas mababa sa kanya?” Bilang resulta, tumanggi ako na ilabas ang aking sariling mga pananaw sa usapan o magkomento sa anumang mga kaisipan na kanyang ibinahagi. Minsan, ang aking kapatid, ay nakakuha ng ilang mga kabatiran mula sa pagkain at pag-inom ng isang partikular na sipi ng salita ng Diyos, at nakaramdam na para bang may mali sa aming sitwasyon at tinanong ako kung payag ba akong pag-usapan kasama siya iyong sipi ng salita ng Diyos. Sa sandaling nagtanong siya, ang lahat ng mga saloobin at pakiramdam na ito ng hinanakit ay lumutang sa ibabaw: “Gusto mo lang magpatotoo sa iyong sarili, para magkaroon ng makikinig para pangaralan. Bakit ako dapat makipag-usap sa iyo?” Umabot pa ako sa punto na hindi ako dumalo ng pulong para lang hindi ko siya mapakinggan. Maya-maya, nakaramdam ako ng kabigatan sa aking puso, alam ko na may mali sa aking sitwasyon, ngunit hindi ako makapag-isip ng magandang paraan para malutas ang aking sariling panloob na sigalot. Ang tanging magagawa ko ay ituon nang todo ang aking sarili sa aking mga sariling tungkulin, kumain at uminom ng salita ng Diyos, at kumanta ng mga himno para ilihis ang aking sarili mula sa mga negatibong pakiramdam na ito. Gayun pa man, kapag kailangan kong harapin ang kasalukuyang sitwasyon, ang parehong katiwalian ay umuusbong sa aking puso—lumalala ang mga bagay, hindi bumubuti—wala akong ideya kung ano ang gagawin tungkol dito.

Mar 10, 2018

Ang Tunay na Pagsasamahan

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tunay na Pagsasamahan

Fang Li    Lungsod ng Anyang, Probinsya ng Henan
    Kamakailan, naisip ko na ako’y nakapasok sa isang maayos na pagsasamahan. Ang kasama ko at ako ay maaaring talakayin ang anumang bagay, minsan sinabi ko pa sa kanya na punahin niya ang aking mga pagkukulang, at hindi kami kailanman nag-away, kaya akala ko na nakamtan namin ang isang maayos na pagsasamahan. Ngunit habang lumalabas ang mga katotohanan, ang isang tunay na maayos na pagsasamahan ay hindi tulad ng anumang bagay na aking inakala.

Mar 9, 2018

Anuman ang Sabihin ng Diyos ay ang Mismong Paghatol sa Tao

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Anuman ang Sabihin ng Diyos ay ang Mismong Paghatol sa TaoXunqiu    Lungsod ng Nanyang, Lalawigan ng Henan

    Madalas kong iniisip na hinatulan at kinastigo lang ng Diyos ang tao kapag ibinunyag Niya ang likas na katiwalian ng tao o nagpahayag ng masasakit na salita na humatol sa katapusan ng tao. Kailan lang nang isang insidente ang naghatid sa akin upang mapagtanto na kahit ang mga magiliw na salita ng Diyos ay Kanya ring paghatol at pagkastigo. Napagtanto ko na bawat salitang sinabi ng Diyos ay ang Kanyang paghatol sa tao.

Peb 23, 2018

Ang Pananalig sa Diyos ay Hindi Dapat Para Lamang sa Paghahanap ng Kapayapaan at mga Pagpapala.

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pananalig sa Diyos ay Hindi Dapat Para Lamang sa Paghahanap ng Kapayapaan at mga Pagpapala.


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


    Ngayon, kailangan mong itakda ang tamang landas dahil ikaw ay naniniwala sa praktikal na Diyos. Sa pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos, hindi ka lamang dapat maghanap ng mga pagpapala, ngunit hanaping mahalin ang Diyos at makilala ang Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang pagliliwanag at ng iyong sariling pagtataguyod, maaari mong kainin at inumin ang Kanyang mga salita, makabuo ng isang totoo na pang-unawa sa Diyos, at magkaroon ng isang tunay na pag-ibig ng Diyos na nanggagaling sa iyong puso. Sa madaling salita, ang inyong pag-ibig para sa Diyos ay tunay, tulad ng walang makasisira o makahahadlang sa daan ng iyong pag-ibig para sa Kanya. Kung gayon, ikaw ay nasa tamang landasin ng pananampalataya sa Diyos. Pinatutunayan nito na pag-aari ka ng Diyos, sapagkat ang puso mo ay naangkin na ng Diyos at sa gayon hindi na maaari pang maangkin ng ibang mga bagay. Dahil sa iyong karanasan, ang halaga na iyong binayaran, at ang gawain ng Diyos, magagawa mong bumuo ng isang nagkukusang pag-ibig para sa Diyos. Sa gayon ikaw ay napapalaya mula sa impluwensya ni Satanas at nabubuhay sa liwanag sa mga salita ng Diyos. Tanging kapag ikaw ay pinalaya na mula sa impluwensya ng kadiliman, masasabing nakamit mo na ang Diyos. Sa inyong paniniwala sa Diyos, dapat ninyong hangarin ang layuning ito. Ito ay ang tungkulin ng bawat isa sa inyo.