菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pablo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pablo. Ipakita ang lahat ng mga post

May 1, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Interpretasyon sa Ikatatlumpu’t dalawang Pagbigkas

Interpretasyon sa Ikatatlumpu’t dalawang Pagbigkas


    Iniiwan ng mga salita ng Diyos ang mga tao na nagkakamot ng kanilang mga ulo; ito ay para bang, kapag Siya ay nagsasalita, iniiwasan ng Diyos ang tao at nagsasalita sa hangin, na parang wala Siyang kahit anong iniisip na pag-ukulan ng anumang pansin ang mga gawa ng tao, at ganap na walang pakialam sa tayog ng mga tao, na para bang ang mga salitang Kanyang sinasalita ay hindi nakatuon sa mga pagkaintindi ng mga tao, kundi umiiwas sa tao, gaya ng orihinal na hangarin ng Diyos. Sa maraming kadahilanan, ang mga salita ng Diyos ay di-matarok at di-mapasok ng tao. Hindi ito nakakagulat. Ang orihinal na layunin ng lahat ng mga salita ng Diyos ay hindi para magkamit ang mga tao ng kaalaman tungkol sa mga pamamaraan o tanging kasanayan mula sa mga iyon; sa halip, ang mga iyon ay isa sa mga pamamaraan kung saan sa pamamagitan nito ay nakagawa ang Diyos mula sa simula hanggang sa ngayon. Sabihin pa, mula sa mga salita ng Diyos ang mga tao ay nakatamo ng mga bagay-bagay kaugnay sa mga hiwaga, o mga bagay-bagay hinggil kay PedroPablo, at Job—nguni’t ito ang dapat nilang makamtan, at kung ano ang kaya nilang makamtan, at, gaya ng akma sa kanilang tayog, narating na nito ang taluktok nito. Bakit ganoon na ang resulta na hinihingi ng Diyos na makamit ay hindi mataas, gayunman ay nakapagsalita Siya ng napakaraming mga salita? Ito ay kaugnay sa pagkastigo na Kanyang sinasalita, at likas lamang, ito ay nakakamit lahat nang hindi natatanto ng mga tao. Ngayon, ang mga tao ay nagtitiis ng higit na pagdurusa sa ilalim ng mga pagsalakay ng mga salita ng Diyos. Sa ibabaw, walang sinuman sa kanila ang tila napakitunguhan, ang mga tao ay nagsimulang mapalaya sa paggawa ng kanilang gawain, at ang mga taga-serbisyo ay naitaas bilang mga tao ng Diyos—at dito, nakikita sa mga tao na sila ay nakapasok sa pagtatamasa. Sa katunayan, ang realidad ay, mula pagpipino, sila ay nakapasok tungo sa mas mahigpit na pagkastigo. Gaya ng sinasabi ng Diyos, “Ang mga yugto ng Aking gawain ay malápít na nakaugnay ang isa sa kasunod, bawa’t isa ay higit na mas mataas.” Iniahon ng Diyos ang mga taga-serbisyo mula sa walang-hanggang kalaliman at ibinulid sila tungo sa lawa ng apoy at asupre, kung saan ang pagkastigo ay higit na nakakapighatî. Sa gayon, sila ay nagdurusa ng mas matinding paghihirap, kung saan mula rito ay bahagya na silang makatatakas. Hindi ba’t ang gayong pagkastigo ay mas nakakapighatî? Yamang nakapasok sa isang mas mataas na kinasasaklawan, bakit ganito na ang mga tao ay nakadarama ng kalungkutan sa halip na anumang kasayahan? Bakit sinasabi na yamang napalaya mula sa mga kamay ni Satanas, sila ay ibinigay sa malaking pulang dragon? Natatandaan mo ba nang sinabi ng Diyos, “Ang huling bahagi ng gawain ay natapos sa tahanan ng malaking pulang dragon”? Naaalaala mo ba nang sinabi ng Diyos, “Ang huling paghihirap ay nagpapatotoo nang malakas at umaalingawngaw para sa Diyos sa harap ng malaking pulang dragon”? Kung ang mga tao ay hindi naibigay sa malaking pulang dragon, paano sila magpapatotoo sa harap nito? Sino ang kahit kailan ay nakabigkas ng mga salitang gaya ng “Natalo ko ang dyablo” matapos silang magpakamatay? Ang magpakamatay pagkatapos na ituring ang kanilang laman bilang ang kaaway—nasaan ang tunay na kahalagahan nito? Bakit nagsalita ang Diyos nang ganoon? “Hindi Ako tumitingin sa mga peklat ng mga tao, kundi sa bahagi nila na walang peklat, at mula rito Ako ay nasisiyahan.” Kung inaasam ng Diyos na yaong mga walang peklat ay maging Kanyang pagpapahayag, bakit Siya matiyaga at masigasig na nagsalita ng napakaraming salita mula sa pananaw ng tao upang labanan ang mga pagkaintindi ng mga tao? Bakit Siya mag-aabala para doon? Bakit Siya magpapakahirap na gawin ang gayong bagay? Kaya ito ay nagpapakita na may tunay na kahalagahan sa pagsasakatawang-tao ng Diyos, na hindi Niya “babalewalain” ang laman matapos maging nagkatawang-taong laman at tapusin ang Kanyang gawain. Bakit sinasabi na “ang ginto ay hindi magiging dalisay at ang tao ay hindi magiging perpekto”? Paano maipaliliwanag ang mga salitang ito? Ano ang kahulugan kapag ang Diyos ay nagsasalita tungkol sa esensya ng tao? Sa mga mata ng mga tao, ang laman ay nagpapakitang walang kakayahang gawin ang anumang bagay, o kaya ay masyadong kulang. Sa mga mata ng Diyos, ito ay hindi kailanman mahalaga—nguni’t sa tao, ito ay malaking usápín. Para bang sila ay lubos na walang kakayahang lutasin ito at ito ay dapat na personal na hawakan ng isang katawang makalangit—hindi ba ito pagkaintindi ng mga tao? “Sa mga mata ng mga tao, Ako ay isang ‘maliit na bituin’ na bumaba mula sa kalangitan, isang maliit na bituin sa langit, at ang Aking pagdating sa lupa ngayon ay pagsusugo ng Diyos. Bilang resulta, ang mga tao ay nakabuo ng marami pang mga pakahulugan sa mga salitang ‘Ako’ at ‘Diyos’.” Yamang ang mga tao ay walang kabuluhan, bakit ibinubunyag ng Diyos ang kanilang mga pagkaintindi mula sa iba’t ibang mga pananaw? Maaari kayang ito rin ay karunungan ng Diyos? Hindi ba katawa-tawa ang gayong mga salita? Gaya ng sinasabi ng Diyos, “Bagaman mayroong pagkakalagyan na naitatag Ko sa mga puso ng mga tao, hindi nila kinakailangan na manahan Ako roon. Sa halip, sila ay naghihintay para sa “Banal na Isa” sa kanilang mga puso na biglang darating. Sapagka’t ang Aking pagkakakilanlan ay masyadong mababa, hindi Ako nakakatapat sa mga hinihingi ng mga tao at sa gayon ay inaalis nila.” Dahil ang tantiya ng mga tao sa Diyos ay “napakataas,” maraming mga bagay ang “hindi-kayang-makamit” para sa Diyos, na naglalagay sa Kanya sa “mahirap na kalagayan.” Bahagya lamang nababatid ng mga tao na ang hinihingi nila sa Diyos na makayang gawin ay kanilang mga pagkaintindi. At hindi ba’t ito ang tunay na kahulugan ng “Ang isang matalas na tao ay maaaring maging biktima ng kanyang sariling katalinuhan”? Ito ay tunay na isang halimbawa ng “matalas sa pangkalahatan, nguni’t sa sandaling ito isang hangal”! Sa inyong pangangaral, inyong hinihingi na bitawan ng mga tao ang Diyos ng kanilang mga pagkaintindi, at ang Diyos ba ng inyong mga pagkaintindi ay nakaalis na? Paano mabibigyang pakahulugan ang mga salita ng Diyos na “Hindi Ako humihingi ng malaki sa tao”? Ang mga iyon ay hindi upang gawing negatibo at walang-galang ang mga tao, kundi para bigyan sila ng dalisay na pagkaunawa sa mga salita ng Diyos—nauunawaan ba ninyo? Ang Diyos ba na nagkatawang-tao ay tunay na ang “‘Ako’ na mataas at makapangyarihan” na naguguni-guni ng mga tao?

Abr 14, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Karagdagan 1: Ang Unang Pagbigkas

Karagdagan 1: Ang Unang Pagbigkas

    Ang Aking hinihingi na gawin ninyo ay hindi ang malabo at walang-lamang teorya na Aking sinasabi, ni ito ay di-kayang-maguni-guni ng utak ng tao o di-makakamtan ng katawang-lupa ng tao. Sino ang may kakayahan ng lubos na katapatan sa loob ng Aking bahay? At sino ang maaaring magkaloob ng kanilang lahat-lahat sa loob ng Aking kaharian? Kung hindi sa pagbubunyag ng Aking kalooban, aakuin ba ninyo sa inyong mga sarili na tuparin ang Aking puso? Walang sinuman ang kahit kailan ay nakaunawa sa Aking puso, at walang sinuman ang kahit kailan ay nakatalos ng Aking kalooban. Sino ang kahit kailan ay nakakita sa Aking mukha o nakarinig sa Aking tinig? Si Pedro ba? O si Pablo? O si Juan? O si Jacob? Sino ang kahit kailan ay nadamitan Ko, o naangkin Ko, o nagámit Ko? Bagaman sa unang pagkakataong Ako ay naging katawang-tao ay sa pagkaDiyos, ang katawang-tao kung saan Aking dinamitan ang Aking Sarili ay hindi alam ang mga pagdurusa ng tao, dahil Ako ay hindi nagkatawang-tao sa isang larawan, kaya’t hindi ito masasabi na ang katawang-tao ay lubos na nagsakatuparan ng Aking kalooban. Saka lamang kapag ang Aking pagkaDiyos ay nakayang gumawa kung paano Ako gagawa at nagsalita kung paano Ako magsasalita sa isang persona ng normal na pagkatao, nang walang hadlang o sagabal, maaari itong masabi na ang Aking kalooban ay isinakatuparan sa katawang-tao. Dahil ang normal na pagkatao ay nakakayang takpan ang pagkaDiyos, sa gayon ay nakamit ang Aking layunin ng pagiging mapagkumbaba at nakatago. Sa panahon ng yugto ng gawain sa katawang-tao, bagaman ang pagkaDiyos ay kumikilos nang tuwiran, ang gayong mga pagkilos ay hindi madali para sa mga tao na makita, na dahil lamang sa buhay at pagkilos ng normal na pagkatao. Ang pagkakatawang-taong ito ay hindi maaaring mag-ayuno nang 40 araw tulad ng unang pagkakatawang-tao, nguni’t Siya ay gumagawa at nagsasalita nang normal, at bagaman nagbubunyag Siya ng mga hiwaga, Siya ay napaka-normal; ang Kanyang tinig ay hindi, gaya ng naguguni-guni ng mga tao, tulad ng kulog, ang Kanyang mukha ay hindi kumikinang sa liwanag, at ang mga kalangitan ay hindi nanginginig kapag Siya ay naglalakad. Kung iyan ang katayuan, kung gayon dito ay hindi magkakaroon ng Aking karunungan, at hindi nito makakayang hiyain at gapiin si Satanas.

Mar 10, 2018

Ang Sandali ng Pagbabago (1) | Paano Nadadala ang mga Matatalinong Birhen?


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Sandali ng Pagbabago (1) | Paano Nadadala ang mga Matatalinong Birhen?

Sumusunod ang ilang tao sa salita ni Pablo tungkol sa paghihintay sa Panginoon para madala sa kaharian ng langit: “Sa isang sandali, sa isang kisap-mata: sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka’t tutunog ang papakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin.” (1Co 15:52). Naniniwala sila na kahit patuloy pa rin tayong nagkakasala nang hindi umaalpas sa pang-aalipin ng pagiging likas na makasalanan, agad babaguhin ng Panginoon ang ating imahe at dadalhin tayo sa kaharian ng langit pagdating Niya. May mga tao ring sumusunod sa salita ng Diyos na: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit ” (Mat 7:21). “… Kayo’y mangagpakabanal; sapagka’t ako’y banal” (1Pe 1:16). Naniniwala sila na ang mga taong patuloy pa ring nagkakasala ay malayo sa pagtatamo ng kabanalan at lubos na hindi nararapat na madala sa kaharian ng langit. Sa gayo’y isang kamangha-manghang pagtatalo ang nagsimula …. Kaya, anong klase ng mga tao ang nararapat iangat sa kaharian ng langit? Iniimbitahan ka naming panoorin ang maikling video na ito.
Rekomendasyon: Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Peb 17, 2018

Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (2)


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (2)

Nadarama ng karamihan sa mga nananalig sa Panginoon na basta’t sinusunod natin ang mga salita ng Panginoon, nagpapakumbaba tayo at nagtitiyaga, at sinusunod natin ang halimbawa ni Pablo sa pagsasakripisyo, paggugol at pagsisikap para sa Panginoon, mabibigyang-kasiyahan natin ang kalooban ng Diyos. At dadalhin tayo sa kaharian sa langit pagbalik ng Panginoon. Gayunman, napag-isip-isip na ba natin kung talagang makakamit ng paghahanap na ito ang papuri at pagtanggap ng Panginoon sa kaharian sa langit? Kung hindi, paano natin dapat pagsikapang matamo ang papuri ng Panginoon at madala sa kaharian sa langit?
Rekomendasyon: Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Ene 2, 2018

Salita ng Diyos | Ang Ikaanim na Pagbigkas

Diyos, Kaalaman, Pablo, Pedro

Ang Ikaanim na Pagbigkas

    Sa mga bagay tungkol sa espiritu, kailangan kang maging sensitibo; sa Aking mga salita, maging maingat ka sa pakikinig. Kailangang magkaroon ka ng layuning makita ang Aking Espiritu at ang Aking sariling laman, ang Aking mga salita at ang Aking sariling laman, bilang isang buong hindi mahahati, upang mabigyan Ako ng kasiyahan ng lahat ng sangkatauhan sa Aking harapan. Nalibot na ng Aking mga paa ang sandaigdig, nakita na ng Aking paningin ang buong kalawakan, at lumakad na Ako sa gitna ng buong sangkatauhan, natikman Ko na ang lasa ng tamis, asim, pait, at anghang ng karanasan ng tao, ngunit hindi kailanman Ako nakilala ng tao, o napansin man niya habang Ako’y naglalakad sa liwanag. Dahil tahimik Ako at walang ginagawang di-pangkaraniwan, dahil dito wala talagang nakakita sa Akin. Hindi na katulad ng dati ang mga bagay ngayon: Gagawa Ako ng mga bagay na hindi pa nakikita ng mundo, simula nang likhain ang sanlibutan, magpapahayag Ako ng mga salitang hindi pa naririnig ng mga tao sa mahabang panahon, dahil ninais Kong makilala Ako sa nagkatawang-tao na ito. Ito ang mga hakbang ng Aking pamamahala, na hindi lubos na maunawaan ng sangkatauhan. Kahit magsalita Ako sa kanila nang lantaran, magulo pa rin ang kanyang isipan at imposible silang maliwanagan sa kanya sa bawat detalye. Nakalakip rito ang kasuklam-suklam na kababaan ng tao, hindi ba? Ito ang nais kong bigyan ng lunas sa kanya, tama ba? Sa mga nakaraang taon, wala Akong ginawang anuman para sa tao; kahit na silang tuwirang nakasama Ko sa Aking nagkatawang-tao ay walang narinig na tinig na nagmumula sa Aking pagka-Diyos. Kaya hindi maiiwasan na magkulang ang mga tao ng kaalaman tungkol sa Akin, ngunit ang bagay na ito ay hindi nakaapekto sa pagmamahal ng sangkatauhan sa Akin sa loob ng maraming taon. Ngunit ngayon, marami na Akong ginawa sa inyong himala at mga bagay na hindi maunawaan, at gayon din ang mga salita na Aking sinabi. Gayunpaman, kahit ganito, marami pa ring mga tao ang kumakalaban sa Akin nang harapan. Hayaan ninyo Akong bigyang ilang halimbawa.

Dis 19, 2017

Natatanto na Tinatahak Ko ang Landas ng mga Fariseo

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Natatanto na Tinatahak Ko ang Landas ng mga Fariseo

Wuxin    Lungsod ng Taiyuan, Lalawigan ng Shanxi
  Ang isang bagay na palagi nating tinatalakay noon sa mga nakaraang pagbabahaginan ay ang mga landas na nilakaran nina Pedro at Pablo. Sinasabing si Pedro ay nagtuon ng pansin sa pagkilala sa kanyang sarili at sa Diyos, at isang taong kinasihan ng Diyos, samantalang si Pablo ay nagtuon lamang ng pansin sa kanyang gawain, reputasyon at katayuan, at isang taong kinasuklaman ng Diyos. Palagi akong natatakot na tahakin ang landas ni Pablo, na dahilan kung bakit karaniwan ay madalas kong binabasa ang mga salita ng Diyos tungkol sa mga karanasan ni Pedro para makita kung paano niya nakilala ang Diyos. Pagkatapos pansamantalang mamuhay nang ganito, nadama kong naging mas masunurin ako kaysa dati, ang hangarin ko para sa reputasyon at katayuan ay naging malamlam, at bahagya ko pang nakilala ang sarili ko. Sa panahong ito, naniwala ako na kahit hindi ako lubusang nasa landas ni Pedro, masasabi na naabot ko ang gilid nito, at kahit paano ibig sabihin nito hindi ako papunta sa landas ni Pablo. Gayunman, mapapahiya ako ng mga pagbubunyag ng salita ng Diyos.

Dis 14, 2017

Pelikulang Kristiano | Pananalig sa Diyos | Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kapareho sa Paniniwala sa Panginoon?



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga VideoPananalig sa Diyos | Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kapareho sa Paniniwala sa Panginoon?

Panimula

Karamihan sa mga tao sa relihiyosong mundo ay naniniwala na ang Biblia ay ang panuntunan ng Cristianismo, na ang isang tao ay kailangang kumapit sa Biblia at ibatay ng buo ang paniniwala ng isang tao sa Panginoon sa Biblia, at ang isang tao ay hindi matatawag na mananampalataya kung ang isang tao ay humihiwalay sa Biblia. Kaya ang paniniwala ba sa Panginoon at paniniwala sa Biblia ay iisa at parehas? Ano ba ang eksaktong kaugnayan sa pagitan ng Biblia at ng Panginoon? Minsan nang pinagalitan ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo sa mga salitang ito, “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39-40). Patotoo lang sa Diyos ang Biblia, ngunit hindi ito naglalaman ng buhay na walang hanggan. Tanging Diyos ang katotohanan, ang daan at ang buhay. Sa sitwasyong iyon, paano natin titignan ang Biblia sa paraang naaayon sa kalooban ng Panginoon?