菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-TUNGKOL SA AMIN. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-TUNGKOL SA AMIN. Ipakita ang lahat ng mga post

Okt 2, 2017

Walang Nakababatid sa Pagdating ng Diyos


Walang Nakababatid sa Pagdating ng Diyos

Walang may kamalayan sa pagdating ng Diyos,
walang sumalubong sa pagdating Niya.
Higit pa, walang may-alam sa gagawin ng Diyos.
Walang may-alam ng gagawin N’ya.
Buhay ng tao’y sadyang hindi nagbabago.
Kasama natin ang Diyos gayang karaniwang tao,
bilang pinakahamak sa lahat ng tagasunod,
bilang karaniwang mananalig.
May sarili Siyang hangarin at layunin.
May pagka-Diyos Siyang di-taglay ng tao.
Walang nakabatid ng Kanyang pagka-Diyos,
o ang kaib’hang Kanyang diwa sa tao.
Kasama natin Siya sa pamumuhay, walang takot at malaya,
ang tingin natin sa Kanya’y ‘di higit sa walang halagang mananalig.
Kanyang minamasdan ang bawat kilos natin,
at lahat ng ating saloobin ang lahat ng to ay lantad sa harapan Niya,
ang lahat ay hayag sa harap Niya.
Walang may pakialam sa pag-iral ng Diyos,
walang nakaisip sa tungkulin Niya,
higit sa lahat, walang sinumang naghinala tungkol sa kung sino Siya.
Nagpatuloy lamang tayo sa mga gawain natin,
na tila walang kaugnayan ang Diyos sa atin.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Rekomendasyon:Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

Set 10, 2017

Ang Diyos Ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos, Jesus, Biblia,

   Ang isang yugto sa gawain ng dalawang nakaraang panahon ay naganap sa Israel; ang isa pa ay naganap sa Judea. Sa pangkalahatan, wala sa anumang yugto ng gawaing ito ang nilisan ang Israel; ang mga ito ay ang mga yugto ng gawain na natupad sa kalagitnaan ng mga paunang piniling tao. Kaya, sa paningin ng mga Israelita, ang Diyos na Jehovah ay Diyos lamang ng mga Israelita. Dahil sa gawain ni Jesus sa Judea, at dahil sa Kanyang pagkumpleto ng gawain ng pagpapako sa krus, mula sa pananaw ng mga Judio, si Jesus ay ang Manunubos ng mga Judio. Siya ay Hari lamang ng mga Judio, hindi ng anumang mga tao; hindi Siya ang Panginoon na tumubos sa ang mga Ingles, ni ang Panginoon na tumubos sa mga Amerikano, ngunit Siya ang Panginoon na tumubos sa mga Israelita, at sa Israel ang mga Judio ang Kanyang tinutubos. Sa totoo lang, ang Diyos ay ang Panginoon ng lahat ng mga bagay. Siya ang Diyos ng lahat ng nilalang. 

Set 9, 2017

Tanging ang Mga Nakaaalam ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Makapaglilingkod sa Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos, Jesus, Biblia,

   Upang makapagpatotoo sa Diyos at mapahiya ang malaking pulang dragon, dapat mayroon kang prinsipyo at isang kondisyon: Dapat mong mahalin ang Diyos sa iyong puso, at pumasok sa mga salita ng Diyos. Kung hindi ka papasok sa mga salita ng Diyos, kung gayon wala kang paraan na pahiyain si Satanas. Sa iyong pagsulong sa buhay, itinatakwil mo ang malaking pulang dragon at lubos na ikinahihiya ito, at sa pamamagitan lamang nito talagang mapapahiya ang malaking pulang dragon. Habang higit mo pang sinasang-ayunang isagawa ang mga salita ng Diyos, lalo mong napatutunayan ang pag-ibig mo sa Kanya at ang pagkamuhi mo sa malaking pulang dragon; habang higit mo pang sinusunod ang mga salita ng Diyos, lalong napatutunayan ang pagkasabik mo sa katotohanan. Ang mga taong hindi nasasabik sa mga salita ng Diyos ay mga taong walang buhay. Ang mga gayong tao ay nasa labas ng mga salita ng Diyos, at mga kaanib sa relihiyon. Ang mga taong tunay na naniniwala sa Diyos ay may mas malalim na kaalaman sa mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom sa Kanyang mga salita. Kung 'di mo kinasasabikan ang mga salita ng Diyos, hindi ka totohanang nakakakain at nakaiinom ng Kanyang mga salita, at kapag wala kang kaalaman sa mga salita ng Diyos, wala kang paraan para magpatotoo sa Diyos o magbigay kasiyahan sa Kanya.

Set 7, 2017

Paghihintay: Sasalubungin ng mga Matatalinong Birhen ang Panginoon

Paghihintay: Sasalubungin ng mga Matatalinong Birhen ang Panginoon

     Pastor si Hou'en sa isang bahay na iglesia sa Tsina. Kasama ang kanyang ama na si Yang Shoudao, naghintay sila na bumaba ang Panginoong Jesus mula sa mga ulap at dalhin sila sa kaharian ng langit. Dahil dito, masigasig silang nagtrabaho para sa Panginoon , pinanghawakan ang Kanyang pangalan, at naniwala na ang sinumang bumaba mula sa mga ulap na hindi ang Panginoong Jesus ay bulaang Cristo. At kaya, nang mabalitaan nila ang pangalawang pagbabalik ng Panginoon, hindi nila ito pinakinggan o tinanggap. Sa tingin nila ay mas mabuti ang magmasid at maghintay.... Habang sila'y naghihintay, tinanggap ng pinsan ni Yang Hou'en na si Li Jiayin ang gawain ng Makapangyarihang Diyossa mga huling araw, at ibinahagi ang ebanghelyo sa kanila. Matapos ang ilang matitinding talakayan, sa wakas ay naintindihan ni Yang Hou'en ang tunay na kahulugan ng “magmasid at maghintay,” at nakita na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan , ang daan, ang buhay, at ang mga ito ay ang tinig ng Panginoon, at ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagbabalik ng Panginoong Jesus na kanilang hinintay sa loob ng maraming taon....

Set 4, 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Ikalabing-siyam na Pahayag

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Jesus, Pananampalataya


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Ikalabing-siyam na Pahayag

   
    Nararapat na gawain ng sangkatauhan ang kunin ang mga salita Ko bilang batayan ng kanyang kaligtasan. Dapat hanapin ng bawat tao ang indibidwal niyang papel sa bawat bahagi ng mga salita Ko; ang hindi paggawa nito ay paghingi ng suliranin, paghahanap ng sarili niyang pagkawasak. Hindi Ako kilala ng sangkatauhan, at dahil dito, sa halip na dalhin niya ang kanyang buhay sa Akin upang ihandog bilang kapalit, ang tanging ginagawa niya ay pumarada sa harapan Ko na dala ang mga sira-sirang kalakal, sa pagnanais na bigyan Ako ng kasiyahan. Ngunit, kahit malayo sa pagiging masaya sa mga bagay na tulad ng mga ito, nananatili Ako sa paghingi sa sangkatauhan. Gustung-gusto Ko ang handog ng mga tao, ngunit kinapopootan Ko ang kaniyang mga panghuhuthot. Ang puso ng lahat ng mga tao ay puno ng kasakiman; parang inalipin ng diyablo ang puso ng tao, at hindi siya makalaya upang ihandog ito sa Akin. Kapag nagsalita Ako, nakikinig ang tao sa Aking tinig nang may pamimitagan; ngunit kapag tumigil Ako sa pagsasalita, nagsisimula siyang muli sa sarili niyang mga “gawain” at ganap na humihinto sa pag-intindi sa mga salita Ko, na parang pandagdag lamang ang mga salita Ko sa kanyang “gawain.”

Ago 26, 2017

Mga patotoo’t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China(Trailer)



Mga patotoo’t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China(Trailer)


Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga patakarang nakatutok sa “Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han” ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China …

Ago 24, 2017

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Awit ng Taos-pusong Pagkapit



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Awit ng Taos-pusong Pagkapit

Awit ng Taos-pusong Pagkapit
Narito S’ya, S’ya’y D’yos sa laman.
Wika’t gawa Niya ay totoong lahat.
Dunong N’ya’t pagkamat’wid, mahal ko.
Nakita’t nakamtan S’ya, kaypalad ko.
Narito S’ya, S’ya’y D’yos sa laman.
Wika’t gawa N’ya, totoong lahat.
Dunong N’ya’t pagkamat’wid, mahal ko.
Nakita’t nakamtan S’ya, kaypalad ko.
Puso’t pag-ibig N’ya’y angkin.
Ibigi’t sundan S’ya, o aking sinta.
S’ya’y iniibig, kaytamis, nagtitiis para sa Kanya.
Kamtin at ibigin S’ya, mabuhay para sa Kanya.

Ago 22, 2017

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ibigin ang Praktikal na D’yos nang Ating Buong puso


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ibigin ang Praktikal na D’yos nang Ating Buong puso


Ibigin ang Praktikal na D'yos nang Ating Buong-puso
La … la la la … la la la….
La … la la la … la la la … la….
Araw ng kat'wira'y sumisikat mula sa Silangan.
O D'yos! L'walhati Mo, pinuno ang langit at lupa.
Giliw ko, pag-ibig Mo ay pumaligid sa puso ko.
Mga taong hanap ay katotohanan, pag-ibig ay sa D'yos.
Paggising mag-isa sa madaling-araw, pagnilay sa salita ng D'yos saya ang ramdam.
Mga salitang magiliw, parang inang mapagmahal, mga salitang paghatol parang amang mahigpit. (Ha...)
Mundo'y di ko iibigin. Buong- puso, D'yos lang aking iibigin.
Ah ha....ah ha....ah ha....ah ha....
Mundo'y di ko iibigin. Buong- puso, D'yos lang aking iibigin.
Ah ha....ah ha....ah ha....ah ha....
Mundo'y di ko iibigin. Buong- puso, D'yos lang aking iibigin.

La la la … la la la….
La la la … la la la … la….
Kalooban ng D'yos nabunyag. Para ganapin mga kasuyong tunay ng D'yos?
Bayang masigla't inosente, mag-alay ng mga papuri sa D'yos,
sama-samang sumayaw nang maganda paikot sa tunay na D'yos.
Lahat pinatawag ng tinig ng D'yos sa iba't ibang dako.
Biyaya ng D'yos 'binigay sa 'tin. Pinaging-dalisay tayo sa paghatol ng salita ng D'yos.
Pag-ibig natin sa D'yos tumindi sa pagpipino. Kay tamis damdamin kariktan N'ya. (Ha...)
Sinong 'di iibig sa marikit na D'yos? Buong -puso, praktikal na D'yos lamang aking iibigin.
Ah ha....ah ha....ah ha....ah ha....
Sinong 'di iibig sa marikit na D'yos? Buong -puso, D'yos lamang aking iibigin.
Ah ha....ah ha....ah ha....ah ha....
Sinong 'di iibig sa marikit na D'yos? Buong -puso, D'yos lamang aking iibigin.
Mundo'y di ko iibigin. Buong- puso, D'yos lang aking iibigin.
Salamat sa 'Yo! (Salamat sa 'Yo!) (Salamat sa 'Yo!) (Salamat sa 'Yo!)
Mahal Ka Namin!

mula sa Sundan ang Kordero at Umawit ng Bagong mga Awit

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Rekomendasyon:Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?



-

Ago 18, 2017

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na


   Gunitain natin ang sangkatauhan sa kapanahunan ni Noe. Abala ang tao sa lahat ng uri ng masasamang gawain nang hindi iniisip ang pagsisisi. Walang nakinig sa salita ng Diyos. Ang kanilang katigasan ng ulo at kasamaan ay pumukaw sa galit ng Diyos at sa huli, nilamon sila ng sakunang dulot ng malaking baha. Tanging si Noe at ang kanyang pamilyang may walong miyembro ang nakinig sa salita ng Diyos at nakaligtas. Ngayon, sumapit na ang mga huling araw. Palala nang palala ang katiwalian ng sangkatauhan. Lahat ay sumasamba sa kasamaan. Ang buong mundo ng mga relihiyoso ay nagpapatangay sa agos ng mundo. Ni katiting ay hindi nila gusto ang katotohanan. Dumating na ang mga araw ni Noe! Para mailigtas ang sangkatauhan, nagbalik na muli ang Diyos upang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa sangkatauhan. Ito ang huling beses na inililigtas ng Diyos ang tao! Ano ang dapat piliin ng sangkatauhan?

Ago 15, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos | Ang Ikawalong Pagbigkas

Almighty God’s Words, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, pag-ibig, pananampalataya,

Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos | Ang Ikawalong Pagbigkas


   Kapag nasa rurok na ang Aking kapahayagan at ang Aking paghatol ay malapit na sa katapusan, ito na ang magiging oras kung saan ang lahat ng Aking mga tao ay malalantad at magiging ganap. Ang Aking mga yabag ay lumilibot sa lahat ng sulok ng mundo ng sansinukob dahil sa walang katapusang paghahanap sa mga naghahangad ng Aking sariling puso at naaayon sa Aking paggamit. Sino ang maaaring tumayo at makikipagtulungan sa Akin? Ang pag-ibig  ng tao sa Akin ay napakakulang at ang pananampalataya niya sa Akin ay hamak na maliit. Kung ang sidhi ng Aking mga salita ay hindi nakatuon sa mga kahinaan ng tao, siya ay magyayabang at magsasalita nang labis, mag-aastang relihiyosong lider, at lilikha ng matatayog na kuro-kuro, na para bang alam niya ang lahat at marunong sa lahat ng bagay sa mundo. Sino pa ang maglalakas-loob na magyabang sa gitna ng mga tapat sa Akin noon, at sa ngayon ay naninindigan sa Aking harapan? Sino ang hindi lantarang nagagalak sa kanilang sariling hinaharap? Nang hindi Ko tuwirang inilantad, ang tao ay walang lugar na napagtaguan, at nagdusa sa kahihiyan. Gaano kalala pa ito kung magsasalita Ako sa ibang paraan? Ang mga tao ay lalong makararamdam ng pagkakautang, sila ay maniniwala na walang makagagamot sa kanila, at ang lahat ay lalong magagapos ng kanilang pagsasawalang-kibo. Kapag ang tao ay nawalan ng pag-asa, ang pagpugay sa kaharian ay pormal ng umalingawngaw, kaya ito ay “ang oras kung kailan ang pitong beses na pinaigting na Espiritu ay nagsisimulang kumilos,” tulad ng sinabi ng tao; sa madaling salita, ang buhay ng kaharian ay opisyal na nagsimula sa daigdig, at iyon ay, nang ang Aking pagka-Diyos ay lumabas upang kumilos nang tuluyan (nang hindi kailangang iproseso ng utak). Ang lahat ng tao ay naging abala na maihahalintulad sa mga bubuyog; para bang muli silang nabuhay, na parang nagising sila mula sa isang panaginip, at pagkagising na pagkagising nila ay namangha sila nang makita ang kanilang sarili sa ganoong kalagayan. Noong nakaraan, marami Akong sinabi tungkol sa pagtatayo ng iglesia, inilahad Ko ang maraming hiwaga, at nang nasa rurok na ang pagtatayo ng iglesia, ito ay biglang nagwakas. Ang pagtatayo ng kaharian, gayon man, ay iba. Tanging kapag ang digmaan sa kahariang espirituwal ay nasa huling yugto, saka Ko sisimulang muli ang daigdig. Ito ay para sabihin na, tanging kapag malapit nang tumalikod and tao saka Ko lang pormal na sisimulan ang pagbangon ng Aking bagong gawain. Ang kaibahan sa pagtatayo ng kaharian at pagtatayo ng iglesia ay ganito, sa pagtatayo ng iglesia, Ako ay gumawa sa sangkatauhang pinamamahalaan ng pagka-Diyos. Tuwiran Kong pinakitunguhan ang lumang kalikasan ng tao, tuwirang inilantad ang pansariling kapangitan ng tao, at inihayag ang kakanyahan ng tao. Ang resulta, natutunan ng tao ang sarili niya sa ganitong paraan, at kaya ay napaniwala sa puso sa pamamagitan ng salita. Sa pagtatayo ng kaharian, Ako ay kumilos nang tuwiran sa Aking pagka-Diyos, at pinapahintulutan ang lahat ng tao na malaman kung anong mayroon Ako at sino Ako batay sa kaalaman ng Aking mga salita, at sa huli, pinapahintulutan silang makamit ang kaalaman tungkol sa Akin na nasa katawang-tao. Kaya ito ay magbibigay ng wakas sa paghahangad ng sangkatauhan sa isang malabong Diyos, at ito ay nagbibigay-katapusan sa lugar ng “Diyos ng langit” sa puso ng tao, na ibig sabihin ay, ito ay nagpapahintulot sa tao na malaman ang Aking mga gawa sa Aking katawang-tao, at winawakasan nito ang Aking panahon sa daigdig.

Ago 14, 2017

Ang Biblia ba ang Panginoon o Diyos ang Panginoon? “Sino Ang Aking Panginoon”


Ang Biblia ba ang Panginoon o Diyos ang Panginoon? “Sino Ang Aking Panginoon”

    Isang pastor si Liu Zhizhong sa isang lokal na bahay iglesia sa Tsina. Naging isa siyang mananampalataya sa mahigit 30 taon, at patuloy na pinananatili na “Ang Banal na Biblia ay kinasihan ng Diyos,” “Kumakatawan sa Diyos ang Banal na Biblia, ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Diyos.” Sa kanyang puso, ang Biblia ay napakahalaga. Dahil sa kanyang pagsamba at bulag na pananampalataya sa Biblia , hindi niya kailanman napag-aralan o natingnan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Hanggang sa isang araw, nang hinarangan niya ang mga mananampalataya mula sa online na pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nagkaroon siya ng pagkakataong makaharap ang mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matapos sumailalim sa mga matinding debate tungkol sa katotohanan, nagawa ba niyang makita nang malinaw sa huli ang relasyon sa pagitan ng Banal na Biblia at Diyos? Nagawa ba niyang lumayo mula sa Biblia upang maunawaan na si Cristo ay ang katotohanan, daan, at buhay? Siya ba ay dadalhin sa harapan ng Diyos?
    Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyosdahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Rekomendasyon:Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

Ago 11, 2017

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Ang Sansinukob at Kalawakan Nagpupuri sa D’yos

   
 Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Ang Sansinukob at Kalawakan Nagpupuri sa D’yos
  
Ay ... mga awiting kayrami, mga sayaw kay ganda;
sansinukob at dulo ng lupa, naging kumukulong dagat.
Ay ... langit ay bago, lupa ay bago.
Sansinukob nagpupuri; tayo'y sumisigaw, tumatalon sa tuwà.
Bundok sama-sama, tubig sama-sama, kapatiran puso sa puso.
D'yos ating pinupuring walang-humpay. Mga nilalang iniibig ang D'yos,
buong-galak sa trono N'ya, sasambang sama-sama.
D'yos sa Sion 'binunyag sa sansinukob Kanyang kabanalan at pagkamatwid.
Bayan ng D'yos nakangiti sa tuwa, nagpupuri sa D'yos walang-humpay.
Papuri Diyos, papuri Diyos!
Aleluya! Papuri Diyos, papuri Diyos!

Upang ibigin S'ya, pusong tapat, dapat ialay.
Awit at sayaw papuri sa Makapangyarihang D'yos.
Tinig na nagpupuri'y abot-langit.
Tayong lalaki't babae, matanda't bata, sama-sama.
Alay mo'y mga awit, sa aki'y mga sayaw, umawit ka, 'ko'y iindak.
D'yablo'y napahiya— malaking pulang dragon; naluwalhati ang makapangyarihang tunay na D'yos.
Ating nakita sa gawa N'ya, matwid N'yang disposisyon.
Makapangyarihang D'yos ay matwid. Bayan N'ya'y nakita maluwalhating mukha N'ya.
Hangarin nating lahat maibig S'ya't masiyahan, sa Kanya'y tapat kailanman.
Papuri Diyos, papuri Diyos!
Aleluya! Papuri Diyos, papuri Diyos!
Darating! Papuri Diyos!
Darating! Papuri Diyos!
Darating!

Mga bundok nagbubunyi, mga tubig tumatawa,
Mga bansa't tao tumatawang masaya. Kaybagong anyô!
Ang bagong langit, bagong lupa at bagong kaharian!
Ating sinasayaw at kinakanta bagong mga awit para sa D'yos; kaysaya!
Pinakamagandang awit, pinakamagandang sayaw, sa D'yos inialay.
Isang pusong taós, isang pusong tunay, sa D'yos inialay.
Lahat ng mga baya't bagay, pupurihin S'yang walang-humpay. Ay!
O! kayluwalhati ng Sion!
Tahanan ng D'yos, baga sa liwanag. Luwalhati'y nagniningning sa buong sansinukob.
Makapangyarihang D'yos may ngiti, sa trono'y nagmamasid sa bagong anyô ng sansinukob. Uy!

mula sa Sundan ang Kordero at Umawit ng Bagong mga Awit

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos. 

Rekomendasyon:Ano ang Ebanghelyo

Ago 6, 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao


 Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao
I
Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao
Nakakamangha at kahanga-hanga
Unang naipakita sa Bibliya
Sa istorya ni Adan at Eba
Nakaka-antig at madamdamin
Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao