Ang Ikaanim na Pagbigkas
Sa mga bagay tungkol sa espiritu, kailangan kang maging sensitibo; sa Aking mga salita, maging maingat ka sa pakikinig. Kailangang magkaroon ka ng layuning makita ang Aking Espiritu at ang Aking sariling laman, ang Aking mga salita at ang Aking sariling laman, bilang isang buong hindi mahahati, upang mabigyan Ako ng kasiyahan ng lahat ng sangkatauhan sa Aking harapan. Nalibot na ng Aking mga paa ang sandaigdig, nakita na ng Aking paningin ang buong kalawakan, at lumakad na Ako sa gitna ng buong sangkatauhan, natikman Ko na ang lasa ng tamis, asim, pait, at anghang ng karanasan ng tao, ngunit hindi kailanman Ako nakilala ng tao, o napansin man niya habang Ako’y naglalakad sa liwanag. Dahil tahimik Ako at walang ginagawang di-pangkaraniwan, dahil dito wala talagang nakakita sa Akin. Hindi na katulad ng dati ang mga bagay ngayon: Gagawa Ako ng mga bagay na hindi pa nakikita ng mundo, simula nang likhain ang sanlibutan, magpapahayag Ako ng mga salitang hindi pa naririnig ng mga tao sa mahabang panahon, dahil ninais Kong makilala Ako sa nagkatawang-tao na ito. Ito ang mga hakbang ng Aking pamamahala, na hindi lubos na maunawaan ng sangkatauhan. Kahit magsalita Ako sa kanila nang lantaran, magulo pa rin ang kanyang isipan at imposible silang maliwanagan sa kanya sa bawat detalye. Nakalakip rito ang kasuklam-suklam na kababaan ng tao, hindi ba? Ito ang nais kong bigyan ng lunas sa kanya, tama ba? Sa mga nakaraang taon, wala Akong ginawang anuman para sa tao; kahit na silang tuwirang nakasama Ko sa Aking nagkatawang-tao ay walang narinig na tinig na nagmumula sa Aking pagka-Diyos. Kaya hindi maiiwasan na magkulang ang mga tao ng kaalaman tungkol sa Akin, ngunit ang bagay na ito ay hindi nakaapekto sa pagmamahal ng sangkatauhan sa Akin sa loob ng maraming taon. Ngunit ngayon, marami na Akong ginawa sa inyong himala at mga bagay na hindi maunawaan, at gayon din ang mga salita na Aking sinabi. Gayunpaman, kahit ganito, marami pa ring mga tao ang kumakalaban sa Akin nang harapan. Hayaan ninyo Akong bigyang ilang halimbawa.
Araw-araw kang nananalangin sa isang malabong Diyos, sinisikap ninyong unawain ang Aking layunin upang makamit ang sarap ng buhay. Ngunit nang makarating ang Aking mga salita, iba ang pagkaunawa mo sa kanila: Tinatanggap mo ang Aking mga salita at ang Aking Espiritu bilang di-mapaghihiwalay na katauhan, ngunit binalewala mo ang bahaging tao, dahil iniisip ninyo na ang pagiging tao Ko ay walang kakayahan na sambitin ang ganitong uri ng mga salita, at bunga lamang ito ng dikta ng Aking Espiritu. Paano mo nalalaman ang ganitong uri ng sitwasyon? Marami kang pinaniniwalaan sa Aking mga salita, ngunit sa bahagi ng Aking pagkatawang-tao, binibigyan mo ng pansin ang iyong sariling ideya, marami man o kakaunti, iniisip mo araw-araw at sinasabing: “Bakit ginagawa Niya ang mga bagay na ito sa gayong paraan? Maaari kayang nagmumula ito sa Diyos? Imposible! Sa aking pananaw, katulad lamang namin siya—isang pangkaraniwan at ordinaryong tao.” Muli, paano mo ipapaliwanag ang ganitong sitwasyon?
Tungkol sa Aking nabanggit sa itaas, mayroon ba sa inyo ang wala pang kaalaman tungkol dito? Wala bang nagtataglay nito? Ito’y parang katulad ng pag-iingat sa isang personal na ari-arian na hanggang ngayon, mabigat pa rin sa iyong kalooban na bitiwan. Hindi pa rin maluwag sa iyong kalooban ang kumilos nang masigasig; sa halip, hinihintay mo pa na Ako ang personal na gumawa. Mabubunyag ang katotohanan na walang sinumang tao, na hindi Ako hahanapin, ang lalapit para kilalanin Ako nang ganoon kadali. Tunay nga, hindi mabababaw ang mga salitang ipinangaral Ko sa inyo na aralin, dahil marami Akong maibibigay na halimbawa mula sa iba’t ibang anggulo para maging batayan mo:
Sa sandaling nabanggit si Pedro, nagpuri ang lahat nang lubos, at kaagad nilang naalala ang lahat ng mga kuwentong tungkol kay Pedro—kung paano niya ipinagkaila nang tatlong ulit na kilala niya ang Diyos at bukod pa rito, naglingkod siya kay Satanas, na nagsilbing pagsubok sa Diyos, ngunit sa katapusan, ipinako sa krus nang patiwarik alang-alang sa Kanya, at marami pang iba. Ngayon, bibigyan Ko ng kahalagahan ang pagsasalaysay sa inyo kung paano Ako nakilala ni Pedro, gayun din ang kinalabasan niya sa katapusan. Napakahusay ng kakayahan ni Pedro, ngunit iba ang kanyang mga kalagayan kay Pablo. Inusig Ako ng kanyang mga magulang, kabilang sila sa mga demonyong pag-aari ni Satanas, at sa dahilang ito, walang sinuman ang makapagsabing naipasa nila ang paraang ito kay Pedro. Matalas ang pag-iisip ni Pedro, pinagkalooban siya ng katutubong karunungan, kinahumalingan ng kanyang mga magulang mula pagkabata; ngunit nang lumaki na, siya’y naging kaaway nila, dahil lagi niyang hinahangad na makilala Ako, at ito ang nagbunsod sa kanya para talikuran ang kanyang mga magulang. Ang dahilan una sa lahat, naniniwala siya na ang langit at ang lupa at lahat ng mga bagay ay nasa mga kamay ng Makapangyarihan sa lahat, at nagmula sa Diyos ang lahat ng mga positibong bagay at direktang nagmula sa Kanya, na hindi dumaan sa anumang pamamaraan ni Satanas. Dahil sa salungat na halimbawa ng kanyang mga magulang na nagdulot ng kapahamakan, naging daan ito para maging handa siya na kilalanin ang Aking pag-ibig at kaawaan, na lalong nagpa-alab sa kanyang damdamin na hanapin Ako. Binigyang pansin niya hindi lamang ang pagkain at pag-inom ng Aking mga salita, kundi mas higit niyang pinanghawakan ang Aking mga layunin, at siya’y naging mahinahon at maingat sa kanyang pag-iisip upang palaging matalas sa karunungan ang kanyang espiritu, kaya Ako’y nalugod sa lahat ng kanyang ginawa. Sa ordinaryong buhay, binigyang pansin niya na maisama ang mga aral ng mga hindi nagtagumpay sa nakaraan upang mabigyan ng pagkakataon ang kanyang sarili sa mas malaking hamon, dahil sa pangambang maaari siyang mahulog sa mga bitag ng kabiguan. Binigyan din niya ng masusing atensyon na maging bahagi ang pananampalataya at pagmamahal ng mga taong nagmahal sa Diyos sa lahat ng panahon. Sa ganitong paraan, hindi lamang sa mga negatibong aspeto, kundi ang higit na mahalaga, sa mga positibong aspeto ay napabilis ang progreso ng kanyang paglago, hanggang sa siya ang taong nakakilala sa Akin nang lubusan sa Aking harapan. Dahil dito, hindi na mahirap isipin kung paano niya naipagkakaloob sa Aking mga kamay ang lahat ng nasa kanya, hindi na bilang kanyang sariling panginoon maging sa pagkain, sa pagdaramit, sa pagtulog, o kung saan man siya nakatira, ngunit masaya niya Akong ginawa bilang batayan sa lahat ng mga bagay na tinatamasa niya ang Aking pagpapala. Napakaraming beses na isinailalim Ko siya sa pagsubok, na halos ikamatay na niya, ngunit kahit sa kabila ng daan-daang pagsubok, hindi siya nawalan kailanman ng pananampalataya sa Akin, o nagkaroon ng maling akala sa Akin. Kahit na nang sabihin Kong pinabayaan Ko na siya, hindi nanlupaypay ang kanyang puso o nawalan ng pag-asa, kundi nagpatuloy siya tulad nang dati upang maisakatuparan ang kanyang mga prinsipyo at maipadama ang kanyang pagmamahal sa Akin. Nang sabihin Ko sa kanya na, kahit inibig niya Ako, hindi Ko siya pinuri sa halip ibibigay Ko siya sa mga kamay ni Satanas sa katapusan. Sa gitna ng mga pagsubok na ito, na hindi umabot sa kanyang laman kundi mga pagsubok sa pamamagitan ng mga salita, nanalangin pa rin siya sa Akin: Diyos ko! Sa lahat ng nasa langit at sa lupa, at sa libo-libong mga bagay, mayroon bang isang tao, o isang nilalang, o anumang bagay na hindi Mo hawak sa Iyong mga kamay, ang Makapangyarihan sa lahat? Nang naisin Mong magpakita sa akin ng kaawaan, labis na nagalak ang aking puso sa ipinadama Mong awa; nang naisin Mong magsagawa ng paghatol sa akin, bagaman maaaring hindi ako karapat-dapat, lalo kong naramdaman ang lalim ng hiwaga ng Iyong mga gawa, dahil punong-puno Ka ng awtoridad at karunungan. Bagaman maaaring mahirapan ang aking laman, naaaliw naman ang aking espiritu. Paanong hindi ko pupurihin ang Iyong karunungan at ang Iyong mga gawa? Kahit na ako’y mamatay pagkatapos na makilala Kita, lagi akong nakahanda at nais sumunod. O Diyos na Makapangyarihan sa lahat! Tunay na hindi Mo talagang nais na hindi kita makita? Tunay na hindi pa ako karapat-dapat na tumanggap ng Iyong hatol, hindi ba? Maaari kayang may isang bagay sa akin na ayaw Mong makita? Sa gitna ng mga ganitong uri ng pagsubok, bagaman hindi maunawaan nang husto ni Pedro ang Aking mga layunin, malinaw na itinuring niya itong isang kapurihan at karangalan sa kanyang sarili na Aking magagamit (kahit na tanggapin lamang ang Aking hatol upang makita ng sangkatauhan ang Aking kadakilaan at kapootan), at ang napala ay pagdadalamhati dahil sa pagsubok. Dahil sa kanyang katapatan sa Aking harapan, at dahil sa pagpapala Ko sa kanya, naging mabuting halimbawa siya at isang uliran sa sangkatauhan sa loob ng libo-libong taon. Hindi ba ito ang wastong halimbawang dapat ninyong sundin? Sa pagkakataong ito, mag-isip kayong mabuti at subukang alamin kung bakit Ako naglahad ng mahabang kasaysayan ni Pedro. Magsilbi sana sa inyo itong isang alituntunin ng pag-uugali.
Kahit na kakaunting tao lamang ang nakakikilala sa Akin, hindi Ko ibubuhos ang Aking galit sa sangkatauhan, dahil maraming pagkukulang ang mga tao at mahirap sa kanila na abutin ang pamantayang hinihingi Ko. Kaya, naging maawain Ako sa sangkatauhan sa loob ng maraming taon, hanggang sa kasalukuyang panahon. Ngunit umaasa Ako na hindi ninyo palalayawin ang inyong sariling hangarin dahil sa Aking pagkamaawain, sa halip, katulad ni Pedro, lumapit kayo upang Ako’y hanapin at kilalanin, at sa pamamagitan ng lahat ng kasaysayan ni Pedro, makatanggap ng apocalipsis sa mga paraang wala pang nakakagawa, at sa paraang ito, makarating kayo sa kahariang hindi nakamit dati ng sangkatauhan. Sa buong sandaigdig at sa walang hanggang kalawakan ng papawirin, ang libo-libong mga bagay na nilikha, ang hindi mabilang na mga bagay sa mundo, at ang napakaraming mga bagay sa kalangitan, bawat isa’y nag-aalay ng kanilang lakas alang-alang sa huling bahagi ng Aking gawain. Hindi ba’t tiyak na ayaw ninyong manatiling tagapanood lamang sa isang tabi, na itinutulak lamang paroo’t parito ng mga puwersa ni Satanas? Patuloy na inaagaw ni Satanas ang kaalaman na pinanghahawakan ng mga tao sa kanilang mga puso tungkol sa Akin, at paulit-ulit na nakikibaka sa huling pagkakataon laban sa kamatayan habang nakalantad ang mga ngipin at nakaambang mga kuko. Nais ba ninyong mabihag ng mapanlinlang nitong pamamaraan sa pagkakataong ito? Nais ba ninyong matapos na ang inyong sariling buhay, sa sandaling makumpleto na ang huling bahagi ng Aking misyon? Hindi ba’tiyak na hindi kayo mananatiling naghihintay sa Akin para ibahagi ng isang beses pa ang Aking pagkamaawain? Ang paghahangad na makilala Ako ang pinakamahalagang bagay, ngunit hindi ninyo dapat kaligtaan na bigyang pansin ang aktuwal na pagsasagawa. Tuwiran Kong ibinubunyag sa inyo ang Aking mga pananaw sa Aking mga salita, sa pag-asang magpapasakop kayo sa Aking paggabay, at iiwasan ninyo ang mag-isip ng mga sariling hangarin o mga plano.
Pebrero 27, 1992
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus