菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Dis 21, 2017

Pelikula ng Ebanghelyo (Tagalog) | Ang Sandali ng Pagbabago


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos| Pelikula ng Ebanghelyo (Tagalog) | Ang Sandali ng Pagbabago

Panimula

Si Su Mingyue ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia sa mainland China. Sa paglipas ng mga taon, naging tapat na lingkod siya ng Panginoon na nagpipilit mangaral para sa Panginoon at magpasan ng pasanin ng gawain para sa iglesia. Sumusunod siya sa salita ni Pablo sa Biblia, dama na sapat na ang manalig sa Panginoon para matawag na matuwid at maligtas sa pamamagitan ng biyaya. Kahit patuloy pa ring nagkakasala ang tao, napatawad na ng Panginoon ang kanyang mga kasalanan, agad babaguhin ang kanyang imahe para maging banal at iaangat siya sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon. Gayunman, sa nagdaang mga taon, lubhang naging mapanglaw ang iglesia, naging negatibo at mahina ang lahat ng nananalig, nanlamig ang kanilang pananampalataya at pagmamahal. Ang ilang mga katrabaho ay sumusunod sa salita ng Panginoon: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.” Pinagdududahan nila ang paniwala na “Pagdating ng Panginoon, agad Niyang babaguhin ang imahe ng tao at iaangat siya sa kaharian ng langit.” Nadarama nila na dahil patuloy pa rin tayong nagkakasala, hindi pa rin natin natatamo ang kabanalan at sinusuway natin ang kalooban ng Diyos, tayo maiaangat sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon? Matapos makipag-usap at makipagtalo, nadarama ni Su Mingyue na, may ilang kontradiksyon sa pagitan ng salita ng Panginoon at ng ideya ni Pablo na agad babaguhin ang imahe ng tao pagdating ng Panginoon. Aling ideya ba naman ang tama? Problemado at nalilito ang puso ni Su Mingyue. Para makakita ng isang iglesia na may gawain ng Banal na Espiritu upang lutasin ang kanyang praktikal na pagkalito, para hindi siya pabayaan ng Panginoon, nagpasiya si Su Mingyue na pag-aralan ang Kidlat ng Silanganan. Sa pakikipagtalo at pakikipag-usap sa mga mangangaral ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, sa huli ay naunawaan ni Su Mingyue at ng iba ang tanging landas papasok sa kaharian ng langit …

Set 25, 2017

Isang Seleksyon Mula sa Tatlong Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Pananaw sa Gawain ng Diyos”

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos, sundin, Jesus,


 Isang Seleksyon Mula sa Tatlong Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Pananaw sa Gawain ng Diyos”
1. Sinimulan ni Juan ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng langit pitong taon bago ang bautismo ni Jesus. Para sa mga tao, ang mga isinagawa niyang gawain ay tila higit sa mga gawain ni Jesus, ngunit siya ay, gayunpaman, isa rin lamang propeta. Hindi siya nangusap at gumawa sa loob ng templo, ngunit sa mga bayan at nayon sa labas nito. Ito ay ginawa niya, sa katunayan, sa bayan ng mga Hudyo, lalo na ang mga mahihirap. Bihira siyang nakisalamuha sa mga taong mula sa mataas na antas ng lipunan, ipinalalaganap lang ang ebanghelyo sa mga karaniwang tao sa Judea upang maihanda ang mga karapat-dapat na mga tao para sa Panginoong Jesus, at maihanda ang mga naaangkop na lugar kung saan Siya ay maaaring gumawa. Dahil mayroong propetang katulad ni Juan upang maghanda, nakapagsimula agad ang Diyos sa Kanyang daan ng krus matapos ang pagdating Niya. Nang nagkatawang-tao ang Diyos upang isagawa ang Kanyang gawain, hindi Niya kinailangang isagawa ang pamimili ng mga tao, at hindi Niya kinailangang personal na maghanap ng mga tao o ng lugar kung saan Siya gagawa. Hindi Siya nagsagawa ng mga ganoong gawain nang Siya ay dumating; inihanda na ng isang karapat-dapat na tao ang lahat bago pa Siya dumating.

Set 21, 2017

Paano Matatanggap ng Tao ang Pahayag ng Diyos na Kanyang Tinukoy sa Kanyang Pagkaintindi?

 Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos, katotohanan, Jesus,

Patuloy na sumusulong ang gawain ng Diyos, at kahit na ang hangarin ng Kanyang gawain ay nananatiling di-nagbabago, ang paraan kung paano Siya gumagawa ay patuloy na nagbabago, at sa gayon pati na rin ang mga tagasunod ng Diyos. Kapag mas marami ang gawain ng Diyos, mas lubusang nakikilala ng tao ang Diyos, at ang disposisyon ng tao ay nagbabago ayon sa Kanyang gawa. Gayon pa man, iyon ay dahil sa ang gawain ng Diyos ay palaging nagbabago na ang mga hindi nakakakilala sa gawa ng Banal na Espiritu at ang yaong mga hibang na tao na hindi nakakaalam sa katotohanan at nagiging kalaban ng Diyos. Hindi kahit minsan nakiayon ang gawain ng Diyos sa mga pag-iisip ng tao, dahil ang Kanyang gawain ay laging bago at hindi kailanman luma. Hindi Niya kahit minsan inuulit ang gawaing luma sa halip ay sumusulong sa gawaing kailanman ay hindi pa nagawa. Dahil ang Diyos ay hindi nag-uulit ng Kanyang gawain at ang tao ay walang paltos na naghuhusga sa gawain ng Diyos ngayon batay sa Kanyang gawain sa nakaraan, iyon ay lubhang mahirap para sa Diyos na ipagpatuloy ang bawat yugto ng gawain sa bagong kapanahunan.

Set 18, 2017

Ang Gawain sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Gawain Din ng Pagliligtas sa Sangkatauhan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos, katotohananm simbahan, Jesus,


Kailangan lahat ng mga tao na maunawaan ang layunin ng Aking gawain sa lupa, iyon ay, ang pangwakas na layunin ng Aking gawain at kung ano ang antas na dapat kong makamit sa gawaing ito bago ito maging kumpleto. Kung ang mga tao, na lumalakad kasama Ako sa araw na ito, ay hindi maintindihan kung ano ang tungkol sa Aking gawain, sa gayon ay walang kabuluhan ang kanilang paglakad kasama Ako? Ang mga taong sumusunod sa Akin ay dapat alam ang Aking kalooban. Ako ay nagtatrabaho sa mundo nang may libo-libong taon na, at Ako ay gumagawa pa rin nito ngayon. Bagaman may mga karamihang natatangi na iba’t-ibang mga bagay na kasama sa aking gawain, ang layunin nito ay nananatiling hindi nagbabago. Halimbawa, bagaman Ako ay napupuno ng paghatol at pagkastigo sa tao, ito pa rin ay upang iligtas siya, upang mahusay na kumalat ang Aking Ebanghelyo at higit pang palawakin ang Aking gawain sa gitna ng mga bansang Gentil sa panahong ang tao ay naging kumpleto. Kaya ngayon, sa panahon na maraming mga tao ang lubos na nawalan ng pag-asa, Ako ay nagpapatuloy sa Aking gawain, pinagpapatuloy ang gawaing nararapat upang hatulan at kastiguhin ang tao. Sa kabila ng katotohanan na ang tao ay sawang-sawa na sa Aking sinasabi at hindi alintana ang katunayan na siya ay walang pagnanais na pahalagahan ang tungkol sa Aking gawain, ipinagpapatuloy Ko pa rin ang Aking tungkulin dahil ang layunin ng aking gawain ay nananatiling hindi nagbabago at ang Aking orihinal na plano ay hindi masisira.

Set 15, 2017

Ang Tagapagligtas ay Bumalik na Nakatuntong sa “Puting Ulap”



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos, Kaligtasan, Biblia,


        Sa loob ng libong mga taon, inasam ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Inasam ng tao na makita si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, sa Kanyang pagkatao, sa mga taong nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libong mga taon. Hinangad ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makiisa sa mga tao, yan ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasagawa ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa mga Hudyo, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, magpapatawad sa mga kasalanan ng tao, dadalhin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at ililigtas ang tao mula sa kasalanan. Hangad nila na si Jesus na Tagapagligtas na maging katulad dati—isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, magiliw at kagalang-galang, na hindi kailanman mabagsik sa tao, at na hindi kailanman sinisisi ang tao. Ang Tagapagligtas na ito ay nagpapatawad at pinapasan ang lahat ng mga kasalanan ng tao, at namatay rin muli sa krus para sa tao. Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga santo na naligtas na nagpapasalamat sa Kanyang pangalan, ay naging desperado sa pag-asam sa Kanya at hinihintay Siya.

Set 6, 2017

Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos


Kidlat ng Silanganan, Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, panlulupig, kapalaran

    Upang maunawaan ang layunin ng gawa ng Diyos, kung ano ang bungang makakamit sa pagiging tao, at ang kalooban ng Diyos tungo sa tao, ito ang dapat makamit ng bawat taong sumusunod sa Diyos. Ang kulang ngayon sa lahat ng tao ay ang kaalaman sa gawa ng Diyos. Hindi ganap na nauunawaan ni naiintindihan ng tao kung ano ang bumubuo sa mga gawa ng Diyos sa tao, ang lahat ng gawa ng Diyos, at ang kalooban ng Diyos simula nang likhain ang mundo. Ang ganitong kakulangan ay hindi lamang nakikita saan mang dako ng relihiyosong mundo, kundi higit pa, sa lahat ng mananampalataya ng Diyos. Kapag dumating ang araw na tunay ngang mamasdan mo ang Diyos, at maunawaan ang karunungan ng Diyos; kapag namasdan mo ang lahat ng gawa ng Diyos at nakilala kung ano ang Diyos at ang kung ano ang mayroon Siya; kapag namasdan mo ang Kanyang kasaganaan, karunungan, himala, at lahat ng Kanyang mga gawa sa tao, ay saka mo makakamit ang matagumpay na pananampalataya sa Diyos. Nang sabihin na ang Diyos ay pumapaligid at lubhang masagana, ano ang ibig sabihin ng pumapaligid? Ano ang ibig sabihin ng kasaganaan? Kung hindi mo ito naunawaan, hindi ka maaaring ipalagay na mananampalataya ng Diyos. Bakit Ko sinasabing ang mga nasa relihiyosong mundo ay mga hindi nananampalataya sa Diyos at mga manggagawa ng kasamaan, at yaong mga kauri ng demonyo? Kapag sinabi Kong sila ay manggagawa ng kasamaan, ito ay dahil hindi nila maintindihan ang kalooban ng Diyos o makita ang Kanyang karunungan. Hindi kailanman ipinakita ng Diyos ang Kanyang gawa sa kanila; sila’y mga bulag na hindi nakikita ang mga gawa ng Diyos. Sila yaong mga tinalikdan ng Diyos at walang taglay na kalinga at pag-iingat ng Diyos, lalo pa ang gawa ng Banal na Espiritu. Yaong mga walang gawa ng Diyos ay manggagawa ng kasamaan at naninindigan sa pagsalungat sa Diyos. Yaong mga sinasabi Ko na mga sumasalungat sa Diyos ay yaong mga hindi kilala ang Diyos, yaong mga tumatanggap sa Diyos sa pamamagitan ng mga walang kabuluhang salita ngunit hindi Siya kilala, yaong mga sumusunod sa Diyos pero hindi Siya dinidinig, at yaong mga nagsasaya sa biyaya ng Diyos ngunit hindi magagawang maging saksi sa Kanya. Kung walang pag-unawa sa layunin ng gawain ng Diyos at sa gawa ng Diyos sa tao, hindi makaaayon ang tao sa puso ng Diyos, at hindi magagawang maging saksi sa Diyos. Ang dahilan kung bakit sumasalungat ang tao sa Diyos ay nagmumula, sa isang banda, sa masamang disposisyon ng tao, at sa kabilang banda, sa kamangmangan tungkol sa Diyos at sa kakulangan ng pag-unawa sa mga prinsipyo ng gawa ng Diyos at ng Kanyang kalooban patungo sa tao. Ang dalawang aspetong ito ay nagsasama upang maging iisang kasaysayan ng paglaban ng tao sa Diyos. Ang mga baguhan sa pananampalataya ay sumasalungat sa Diyos dahil ang pagsalungat ay nasa kanilang kalikasan, samantalang ang pagsalungat sa Diyos ng mga mananampalayatang may maraming taon na sa paniniwala ay bunga ng kamangmangan nila tungkol sa Diyos, samahan pa ng kanilang masamang disposisyon. Sa panahon bago naging tao ang Diyos, ang batayan ng kung ang tao ay sumalungat sa Diyos ay kung tinupad niya ang kautusang inihayag ng Diyos sa langit. Halimbawa, sa Kapanahunan ng Kautusan, ang sinumang hindi tumupad sa kautusan ni Jehova ay yaong mga sumalungat sa Diyos; ang sinumang nagnakaw ng mga alay para kay Jehova, at ang sinumang nanindigan laban sa mga pinaboran ni Jehova ay yaong sumalungat sa Diyos at yaong pupukulin ng bato hanggang sa mamatay; ang sinumang hindi gumalang sa kanyang ama at ina, at ang sinumang nanakit o nanumpa ng kapwa ay yaong hindi tumupad sa mga kautusan. At ang lahat ng hindi tumupad sa kautusan ni Jehova ay yaong nanindigan na labanan Siya. Hindi na ganito sa Kapanahunan ng Biyaya, na ang sinumang nanindigan laban kay Jesus ay yaong nanindigan laban sa Diyos, at ang sinumang hindi sumunod sa mga salitang sinabi ni Jesus ay yaong nanindigan laban sa Diyos. Sa panahong ito, ang pagpapatunay na “pagsalungat sa Diyos” ay higit pang natukoy nang malinaw at mas tunay. Sa panahong hindi pa naging tao ang Diyos, ang batayan ng kung ang tao ay sumalungat sa Diyos ay batay sa kung ang tao ay sumamba at gumalang sa di-nakikitang Diyos na nasa langit. Ang kahulugan ng “pagsalungat sa Diyos” sa panahong iyon ay hindi lubusang tunay, dahil ang tao noon ay hindi maaaring makita ang Diyos ni malaman ang kanyang anyo o paano gumawa at magsalita ang Diyos. Walang mga pagkaintindi ang tao sa Diyos at may kalabuan ang paniniwala sa Diyos, dahil hindi pa Siya nagpakita sa tao. Samakatuwid, paano man naniwala ang tao sa Diyos sa kanilang imahinasyon, hindi pinarusahan ng Diyos ang tao o humingi ng higit pa mula sa tao, sapagka’t hindi talaga nakikita ng tao ang Diyos. Kapag nagiging tao ang Diyos at gumagawa kasama ang mga tao, ang lahat ay namamasdan ang Diyos at napapakinggan ang Kanyang mga salita, at nakikita ng lahat ang gawain ng Diyos sa laman. Sa panahong iyon, ang lahat ng mga pagkaintindi ng tao ay naglalahong parang bula. At para sa mga nakakita sa Diyos na nagpakita sa laman, ang lahat ng may pagsunod sa kanilang mga puso ay hindi mahuhusgahan, samantalang yaong mga sadyang naninindigan laban sa Kanya ay yaong itinuturing na kalaban ng Diyos. Ang mga naturang tao ay mga anticristo at mga kalaban na kusang-loob na naninindigan laban sa Diyos. Yaong may mga pagkaintindi tungkol sa Diyos nguni’t may kagalakang sumusunod ay hindi huhusgahan. Hinuhusgahan ng Diyos ang tao batay sa kanyang mga layunin at mga kilos, hindi kailanman sa kanyang mga kaisipan at mga ideya. Kung ang tao ay hinuhusgahan sa ganitong batayan, kung gayon wala ni isa ang makatatakas sa mabagsik na mga kamay ng Diyos. Yaong mga kusang-loob na naninindigan laban sa Diyos na nagkatawang-tao ay mapaparusahan dahil sa kanilang pagsuway. Ang kusang-loob nilang pagsalungat sa Diyos ay nagmumula sa kanilang mga pagkaintindi tungkol sa Kanya, na nagbunga ng kanilang paggambala sa gawa ng Diyos. Ang gayong mga tao ay sadyang lumalaban at sumisira sa gawa ng Diyos. Hindi lamang sila mayroong mga pagkaintindi sa Diyos, subalit ginagawa nila ito upang magambala ang Kanyang gawain, at dahil sa kadahilanang ito na ang ganitong pag-uugali ng mga tao ay huhusgahan. Yaong mga hindi kusang-loob na sumasama sa paggambala sa gawa ay hindi huhusgahan bilang makasalanan, sapagka’t nagawa nilang sadyang sumunod at hindi gumawa ng pagbuwag at paggambala. Ang naturang mga tao ay hindi huhusgahan. Gayunpaman, kung ang mga tao sa maraming taon ay naranasan ang gawa ng Diyos, at kung tinataglay pa rin nila ang kanilang mga pagkaintindi sa Diyos at hindi pa rin kayang malaman ang gawa ng Diyos na nagkatawang-tao, at sa kabila ng maraming taong karanasan, ay pinagpapatuloy pa rin nilang panghawakan ang maraming pagkaintindi sa Diyos at hindi pa rin kayang kilalanin ang Diyos, at kahit hindi sila gumawa ng gulo nang mayroong maraming pagkaintindi sa Diyos sa kanilang mga puso, at kahit ang mga pagkaintindi na iyon ay hindi lumitaw, yaon ang mga taong wala ring paglilingkod sa gawa ng Diyos. Hindi nila kayang ipangaral ang ebanghelyo o maging saksi sa Diyos; sila ang mga taong walang silbi at mga hangal. Dahil hindi nila kilala ang Diyos at hindi nila kayang iwaksi ang kanilang mga pagkaintindi sa Diyos, sila ay hinuhusgahan. Maari itong sabihin nang ganito: Hindi bihira sa mga baguhan sa pananampalataya ang magkaroon ng mga pagkaintindi sa Diyos o ng kawalang-alam sa Kanya, ngunit di-pangkaraniwan sa mga may paniniwala nang maraming taon at maraming karanasan sa gawa ng Diyos ang pagkakaroon ng ganitong mga pagkaintindi, at mas lalo na para sa mga naturang tao ang kawalan ng kaalaman tungkol sa Diyos. At ang bunga ng ganitong di-pangkaraniwang kalagayan ng mga tao ay hinuhusgahan. Yaong ganoong mga di-pangkaraniwang tao ay mga walang silbi; sila yaong sukdulang sumasalungat sa Diyos at sila yaong nagpakasaya sa biyaya ng Diyos nang walang kabuluhan. Sila yaong mga taong dapat alisin sa katapusan!

Set 5, 2017

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas

Kidlat ng Silanganan, Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Jesus, panginoon

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas

     Noong dumating Ako mula sa Sion, hinihintay Ako ng lahat ng mga bagay, at noong bumalik Ako sa Sion, binati Ako ng lahat ng mga tao. Sa pagdating at paglisan Ko, hindi kailanman nahadlangan ng mga may galit sa Akin ang Aking mga hakbang, kaya umusad nang maayos ang Aking gawain. Ngayon, kapag dumarating Ako sa kalagitnaan ng lahat ng mga nilalang, binabati Ako ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng katahimikan, napakalalim ang takot nila na Ako’y muling lilisan at aalisin ang kanilang suporta. Sinusunod ng lahat ng mga bagay ang Aking patnubay, at minamatyagan ng lahat ang direksyong ipinahihiwatig ng Aking kamay. Maraming mga nilalang ang ginawang perpekto ng mga salita na nagmumula sa Aking bibig at maraming mga suwail na anak ang nakastigo. Kaya, nakatitig ang lahat ng mga tao sa Aking mga salita, at maingat na nakikinig sa mga pagbigkas mula sa Aking bibig, at matindi ang takot na mapalampas nila ang magandang pagkakataon na ito. Sa kadahilanang ito kung bakit nagpatuloy Ako sa pagsasalita, upang matupad ang Aking gawain nang mas mabilis, at upang mas maaga ang paglitaw ng mga nakalulugod na kondisyon sa mundo at malunasan ang mga eksena ng pagkatiwangwang sa mundo.

Ago 30, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos | Ang Ikalabing-anim na Pahayag

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, , Jesus,

Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos | Ang Ikalabing-anim na Pahayag

   Marami Akong gustong sabihin sa tao, napakaraming bagay na kailangan Kong sabihin sa kanya. Ngunit kulang ang kakayahan ng tao na tanggapin ito: Hindi niya kayang unawain nang lubos ang Aking salita ayon sa Aking hinahayag, at isang aspeto lamang ang kanyang nauunawaan ngunit walang nalalaman sa iba. Ngunit hindi Ko pinarusahan ang tao ng kamatayan dahil sa kawalan niya ng kapangyarihan, ni hindi Ako naagrabyado sa kanyang kahinaan. Ginagawa Ko lamang ang Aking trabaho, at nagsasalita gaya ng lagi Kong ginagawa, kahit na hindi nauunawaan ng tao ang Aking kalooban; kapag dumating na ang araw, makikilala Ako ng mga tao sa kaibuturan ng kanilang mga puso, at maaalala nila Ako sa kanilang mga isipan. Kapag umalis na Ako sa mundong ito, eksaktong aakyat Ako sa trono sa puso ng tao, ibig sabihin, ito ang panahon na makikilala Ako ng lahat ng mga tao.

Ago 28, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos | Ang Ikalabintatlong Pagbigkas

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, panlulupig, kaligtasan


Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos | Ang Ikalabintatlong Pagbigkas

    Nakatago sa loob ng mga pagpapahayag ng Aking tinig ang isang bilang ng Aking mga layunin. Ngunit walang nalalaman at naiintindihan ang tao tungkol sa mga ito, at patuloy na tinatanggap ang Aking mga salita buhat sa labas at sinusunod ito mula sa labas, na walang kakayahang unawain ang Aking puso o alamin ang Aking kalooban mula sa Aking mga salita. Kahit na gawin Kong malinaw ang Aking mga salita, mayroon bang sinumang nakauunawa? Mula sa Sion, nagtungo Ako sa sangkatauhan. Dahil isinuot Ko ang pagkatao ng isang ordinaryong tao at dinamitan Ko ang Aking sarili ng balat ng isang tao, lumalapit lamang ang mga tao sa Akin, upang tingnan ang Aking panlabas na anyo, ngunit hindi nila nalalaman ang buhay na umiiral sa Aking kaloob-looban, o nakikilala man lamang ang Espiritu ng Diyos, at ang kilala lamang nila ay ang taong nasa laman. Maaari kaya na ang tunay na Diyos Mismo ay hindi karapat-dapat sa pagsubok ninyong kilalanin Siya?

Ago 25, 2017

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong 

Ang Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong

Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;
bagamat di nagbabago ang layunin,
paraan ng paggawa Niya'y patuloy sa pagbago,
at gayun din ang mga sumusunod sa Kanya.
Habang mas maraming gawain ang Diyos
mas maraming tao sa Kanya'y ganap na nakakakilala,
mas nababago ang disposisyon ng tao
kasama na ang Kanyang gawain.
Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;
Kailanma'y gawain Niya'y di-luma, laging bago.
Hindi Niya inuulit ang gawaing luma,
tanging gawaing di pa ginawa noon Kanyang gagawin.

Di-pananatilihin ng Diyos parehong gawain;
lagi itong nagbabago, laging bago.
Pareho ito sa mga bagong salita ng Diyos
at laging paggawa ng bagong gawain sa'yo.
Ito ang gawaing ginagawa ng Diyos;
ang susi'y nasa "nakakamangha," "nakakamangha" at "bago."
"Di-nagbabago ang Diyos, Siya'y laging Diyos."
Ito'y kasabihang tunay at totoo.
Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;
Kailanma'y gawain Niya'y di-luma, laging bago.
Hindi Niya inuulit ang gawaing luma,
tanging gawaing di pa ginawa noon Kanyang gagawin.

Ngunit habang nagbabago gawain ng Diyos,
para sa di-alam ang gawain ng Banal na Espiritu,
at kakat'wang tao na katotohana'y di-alam,
hahantong silang kalaban ng Diyos.
Kakanyahan ng Diyos kailanma'y di-magbabago;
Ang Diyos ay laging Diyos at kailanma'y di-Satanas.
Ngunit di-nangangahulugang gawain Niya'y di-nagbabago,
at patuloy ito tulad ng Kanyang kakanyahan.
Sinasabi mong Diyos kailanma'y di-nagbabago, 
ngunit pa'no mo ipapaliwanag ang "kailanma'y di-luma, laging bago, laging bago"?
Gawain ng Diyos ay patuloy sa paglawak at pagbago,
Ipinapakita Kanyang kalooban at ipinapaalam rin sa tao.
Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;
Kailanma'y gawain Niya'y di-luma, laging bago.
Hindi Niya inuulit ang gawaing luma,
tanging gawaing di pa ginawa noon Kanyang gagawin.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Rekomendasyon:Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?