菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kaalaman. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kaalaman. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 20, 2018

Latest Tagalog Christian Music Video | "Sa Pagkatakot Lang sa Diyos na Malalayuan ang Kasamaan"


I
Ang disposisyon ng Diyos ay kamahalan at poot. 
'Di Siya tupa na kakatayin lang ng kahit sino.
Hindi Siya manika, pinaglaruan ng kahit sino.
Ni 'di S'ya hangin, inuutusan lang ng tao.
Kung naniniwala ka sa pag-iral ng Diyos,
dapat puso mo'y may takot sa Kanya.
Alam mo dapat ang diwa ng Diyos ay 'di naaagrabyado.
Ang paglabag ay marahil dulot ng salita,
kaisipan, kaalaman o masamang gawain.
Maaaring dulot ito ng isang malumanay na kilos
na katanggap-tanggap ng moralidad.
Pero pag ginalit mo ang Diyos,
nawala mo na ang pagkakataong maligtas,
at ang mga huling araw mo'y malapit nang dumating.
Ito'y talagang nakakatakot.

Ago 14, 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I (Ikatlong Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ngunit sa puso ni Noe at sa kanyang kamalayan, ang pag-iral ng Diyos ay ganap at walang alinlangan, at kaya ang kanyang pagsunod sa Diyos ay walang halo at kayang tumayo sa pagsubok. Ang kanyang puso ay malinis at bukas sa Diyos. Hindi niya kailangan ng masyadong maraming kaalaman sa mga doktrina upang makumbinsi ang sarili niyang sumunod sa bawat salita ng Diyos, ni hindi rin niya kailangan ng maraming katunayan upang patunayan ang pag-iral ng Diyos, upang matanggap niya kung ano ang ipinagkatiwala ng Diyos at makayang gawin ang anumang ipinagagawa sa kanya ng Diyos. Ito ang mahalagang pagkakaiba ni Noe at ng mga tao sa kasalukuyan, at ito rin ang tiyak na tunay na kahulugan ng kung ano ang isang perpektong tao sa mata ng Diyos. Ang nais ng Diyos ay mga taong tulad ni Noe. Siya ang uri ng taong pinupuri ng Diyos, at tiyak rin na uri ng taong pinagpapala ng Diyos. May natanggap ba kayong anumang pagliliwanag mula rito? Ang mga tao ay tumitingin sa mga tao mula sa labas, samantalang ang tinitingnan ng Diyos ay ang mga puso ng mga tao at ang kanilang diwa."

Hul 8, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Alam Mo ba ang Katunayan ng Soberanya ng Diyos sa Pantaong Tadhana?

buhay, katotohanan, maghanap, Kaalaman


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Alam Mo ba ang Katunayan ng Soberanya ng Diyos sa Pantaong Tadhana?

I
Pa'no dapat alami't tingnan ng tao
ang awtoridad, soberanya ng Diyos sa tadhana ng tao?
Problemang 'to'y kaharap lahat ng tao.
Pag nakaharap mga problema sa buhay mo,
pa'no mo matikma't maarok soberanya't awtoridad ng Diyos?
Pag 'di mo alam kung p'ano intindihin,
hawaka't maranasan ang mga problemang 'to,
anong saloobin dapat mong 'pakita
yong kalooba't nais na sundin soberanyang plano ng Diyos?
Dapat kang maghintay sa tiyempo ng Diyos,
sa mga tao, pangyayari't bagay na inayos ng Diyos,
naghihintay sa Kanyang kalooban
na unti-unting mabunyag mismo sa 'yo.
Dapat kang maghanap sa mga tao't bagay
upang makita ga'no kabait mga layon ng Diyos,
unawain ang Kanyang katotohana't
mga paraan na dapat mong panatilihin,
unawain mga bunga't katuparang nais N'yang makamit sa mga tao.

Hul 7, 2018

Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong (2) - "Paano Uunawain ang Diyos na Nagkatawang-tao"


Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong (2) - "Paano Uunawain ang Diyos na Nagkatawang-tao"


    Sa mga huling araw, ang Diyos ay nagkatawang-tao para gumawa upang iligtas ang tao.

May 20, 2018

Ang Isa ay Magbabalik Mula sa Kanilang Pinanggalingan

 buhay, Diyos, Kaalaman, kapalaran

Sa buong mga kapanahunan, ang lahat ng mga tao ay nakasunod sa parehong mga batas ng pag-iral; simula sa kanilang mga unang salita hanggang sa pagputi ng kanilang mga buhok, ginugugol nila ang kanilang buong buhay na nagmamadali, hanggang sa bumalik sila sa alabok sa kahuli-hulihan …
Rekomendasyon:
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal
Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa

May 10, 2018

Ang tinig ng Diyos | Pakahulugan sa Ikaapatnapu’t-apat at Ikaapatnapu’t-limang Mga Pagbigkas

Pakahulugan sa Ikaapatnapu’t-apat at Ikaapatnapu’t-limang Mga Pagbigkas


    Yamang sinabi ng Diyos sa tao ang tungkol sa “pag-ibig ng Diyos”—ang pinakamalalim sa lahat ng mga aralin—tumuon Siya sa pagsasalita tungkol sa paksang ito sa “ang mga pagbigkas ng pitong-ulit na Espiritu,” sinasanhi ang lahat ng mga tao na subukang kilalanin ang pagiging hungkag ng pantaong buhay, at sa gayon hinuhukay ang tunay na pag-ibig sa loob nila. At gaano niyaong mga umiiral sa kasalukuyang hakbang minamahal ang Diyos? Alam ba ninyo? Walang hangganan ang aralin ng “pag-ibig sa Diyos.” Paano naman ang tungkol sa kaalaman ng pantaong buhay sa lahat ng mga tao? Ano ang kanilang saloobin tungo sa pagmamahal sa Diyos? Sila ba ay handa o hindi handa? Sinusundan ba nila ang napakalaking pulutong, o kinamumuhian ang laman? Ang tungkol sa mga ito ang lahat ng mga bagay-bagay na dapat kayong maging malinaw at inyong maunawaan. Wala ba talagang nasa loob ng mga tao? “Nais Kong Ako ay tunay na mahalin ng tao, nguni’t ngayon, ang mga tao ay nagpapatumpik-tumpik pa rin, hindi kayang ibigay ang kanilang tunay na pag-ibig sa Akin. Sa kanilang guni-guni, naniniwala sila na kung ibinibigay nila ang kanilang tunay na pag-ibig sa Akin, walang matitira sa kanila.” Sa mga salitang ito, ano ba talaga ang ibig sabihin ng “tunay na pag-ibig”? Bakit hinihingi pa rin ng Diyos ang tunay na pag-ibig ng mga tao sa kapanahunang ito kung kailan “lahat ng tao ay nagmamahal sa Diyos”? Sa gayon, ang hangarin ng Diyos ay hingin sa tao na isulat ang kahulugan ng tunay na pag-ibig sa isang pahina ng sagot, kaya’t, ito ang eksaktong takdang-aralin na inilatag ng Diyos para sa tao. Hinggil sa hakbang na ito ng ngayon, kahit na ang Diyos ay hindi humingi ng malaki sa tao, hindi pa naaabot ng tao ang orihinal na mga kinakailangan ng Diyos sa tao; sa ibang pananalita, hindi pa nila nailalaan ang lahat ng kanilang kalakasan sa pagmamahal sa Diyos. Sa gayon, sa kalagitnaan ng pagiging hindi handa, humihingi pa rin ang Diyos ng Kanyang mga kinakailangan sa mga tao, hanggang sa ang gawaing ito ay nagkaroon ng epekto, at Siya ay naluwalhati sa gawaing ito. Tunay nga, ang gawain sa lupa ay tinatapos ng pag-ibig ng Diyos. Sa gayon, saka lamang kapag tinatapos ng Diyos ang Kanyang gawain Kanyang ipakikita ang pinakamahalagang gawain sa lahat sa tao. Kung, sa sandaling nagwakas na ang Kanyang gawain, binigyan Niya ng kamatayan ang tao, anong mangyayari sa tao, anong mangyayari sa Diyos, at anong mangyayari kay Satanas? Saka lamang kapag ang pag-ibig ng tao sa lupa ay napukaw maaaring masabi na “Nalupig ng Diyos ang tao.” Kung hindi, sasabihin ng mga tao na tinatakot ng Diyos ang tao, at ang Diyos sa gayon ay mapapahiya. Hindi magiging napakahangal ng Diyos para wakasan ang Kanyang gawain nang walang sinasabi. Sa gayon, kapag malapit nang matapos ang gawain, lilitaw ang matinding damdamin ng pag-ibig sa Diyos, at ang pag-ibig ng Diyos ay nagiging mainit na paksa. Sabihin pa, ang pag-ibig ng Diyos na ito ay walang bahid ng tao, ito ay isang walang-halong pag-ibig, tulad ng pag-ibig ng isang tapat na asawang-babae para sa kanyang asawang-lalaki, o ang pag-ibig ni Pedro. Hindi nais ng Diyos ang pag-ibig ni Job at Pablo, kundi ang pag-ibig ni Jesus kay Jehova, ang pag-ibig sa pag-itan ng Ama at Anak. “Iniisip lamang ang Ama, walang pagsasaalang-alang sa pansariling kalugihan o pakinabang, iniibig lamang ang Ama, at wala nang iba, at walang anumang ibang hinihingi”—kaya ba ito ng tao?

Awit ng Pagsamba | Ang Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong

Ang Banal na Espiritu, daan, Diyos, Kaalaman, Tinubos





I
Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;
bagamat di nagbabago ang layunin,
paraan ng paggawa Niya’y patuloy sa pagbago,
at gayun din ang mga sumusunod sa Kanya.
Habang mas maraming gawain ang Diyos
mas maraming tao sa Kanya’y ganap na nakakakilala,
mas nababago ang disposisyon ng tao
kasama na ang Kanyang gawain.
Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;
Kailanma’y gawain Niya’y di-luma, laging bago.
Hindi Niya inuulit ang gawaing luma,
tanging gawaing di pa ginawa noon Kanyang gagawin.

May 7, 2018

Kanta ng Papuri | Ang Epektong Makakamit ng Paghatol ng Diyos

 buhay, Kaalaman, katotohanan, Paghuhukom, tumalima



I
Ang paghatol ng Diyos ay di lang, sa iilang salita,
sa paglinaw sa katangian ng tao,
bagkus ay pagbunyag, pakikitungo sa paglipas ng panahon.
Tratong di matumbasan ng karaniwang salita,
katotohanang di saklaw ng tao
Tanging gawang tunay na paghatol;
tanging paghatol na gabay ng pagsunod natin sa Diyos
sa puso’t salita, sa isip o gawa,
siya’y tunay na makilala.

May 6, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Pakahulugan sa Ika-apatnapung Pagbigkas

Pakahulugan sa Ika-apatnapung Pagbigkas


    Sa Diyos, ang tao ay tulad ng isang laruan na Kanyang tangan-tangan, tulad ng isang binanat-ng-kamay na hibla ng noodle sa Kanyang mga kamay—isa na maaaring gawing kasing-nipis o kasing-kapal ng nais ng Diyos na gawin ayon sa Kanyang kaluguran. Patas bang sabihin na ang tao ay talagang isang laruan sa mga kamay ng Diyos, tulad ng isang pusang Persiyano na binili ng isang babae sa palengke. Walang alinlangan, siya ay isang laruan sa mga kamay ng Diyos—kaya’t walang anumang mali tungkol sa pagkakilala ni Pedro. Mula rito ay nakikita na ang mga salita ng Diyos at pagkilos sa tao ay sadya lamang natutupad, nang napakadali. Hindi Niya pinahihirapan ang Kanyang utak o gumagawa ng mga plano, gaya ng naguguni-guni ng mga tao; ang gawaing ginagawa Niya sa tao ay napaka-normal, gayundin ang mga salitang binibigkas Niya sa tao. Kapag nagsasalita ang Diyos, Siya ay tila hinahayaan ang Kanyang dila na tumakbong kasama Niya, Kanyang sinasabi anuman ang dumating sa Kanyang isipan, nang walang pagbabawal. Gayunpaman, matapos ang pagbasa sa mga salita ng Diyos, ang mga tao ay lubos na kumbinsido, sila ay walang masabi, nandidilat-ang-mata at napapatunganga. Anong nangyayari dito? Ito ay nagpapakitang mabuti kung gaano kadakila ang karunungan ng Diyos. Kung, gaya ng naguguni-guni ng mga tao, ang gawain ng Diyos sa tao ay kailangang planuhin nang napaka-metikuloso upang maging eksakto at tama, kung gayon—upang ang mga naguguni-guning ito ay maging higit pa—ang karunungan ng Diyos, pagiging kamangha-mangha, at pagiging di-matarok ay magiging nasusukat, na nagpapakitang ang pagbibigay-halaga ng mga tao sa Diyos ay napakababa. Dahil laging may kahangalan sa mga pagkilos ng mga tao, sinusukat nila ang Diyos sa ganoon ding paraan. Ang Diyos ay hindi gumagawa ng mga pagkalkula o pagsasaayos para sa Kanyang gawain; sa halip, ito ay tuwirang isinasakatuparan ng Espiritu ng Diyos—at ang mga prinsipyo kung paanong gumagawa ang Espiritu ng Diyos ay malaya at di-napipigilan. Para bang ang Diyos ay hindi binibigyang-pansin ang mga katayuan ng tao at nagsasalita kung ano ang Kanyang ikinasisiya—gayunman nahihirapan pa rin ang tao na ibukod ang kanyang sarili mula sa mga salita ng Diyos, na dahil sa karunungan ng Diyos. Ang mga katunayan, sa paanuman, ay mga katunayan. Dahil ang gawain ng Espiritu ng Diyos sa lahat ng mga tao ay kitang-kita, ito ay sapat upang ipakita ang mga alituntunin ng gawain ng Diyos. Kung ang Diyos ay kailangang magbayad ng gayong kalaking halaga sa Kanyang gawain sa mga nilalang, hindi ba iyan ay magiging katayuan ng paglalagay sa maiinam na kahoy sa mumurahin na paggamit? Dapat ba ang Diyos na kumilos nang personal? Magiging karapat-dapat ba ito? Dahil ang Espiritu ng Diyos ay gumagawa na nang napakatagal, at gayunman sa buong mga kapanahunan ang Espiritu ng Diyos ay hindi nakagawa sa ganitong paraan, walang sinuman ang nakaalam sa paraan at mga alituntunin kung paano gumagawa ang Diyos, ang mga ito ay hindi kailanman naging malinaw. Ngayon ang mga iyon ay malinaw, sapagka’t ang Espiritu ng Diyos ay personal na naibunyag ang mga iyon—at ito ay walang pag-aalinlangan, ito ay tuwirang ipinakita ng Espiritu ng Diyos, hindi binuod ng tao. Bakit hindi maglakbay papuntang ikatlong langit at tingnan kung ito ang talagang nangyayari, tingnan kung, pagkatapos ng paggawa sa lahat ng gawaing ito, ang mga pagpapagal ng Diyos ay iniwan Siyang nanlulupaypay, ang Kanyang likod ay sumasakit at ang Kanyang mga binti ay masakit, o kaya ay hindi makakain o makatulog. Ang Diyos ba ay kailangang magbasa ng napakaraming na sanggunian upang mabigkas ang lahat ng mga salitang ito, nakakalat ba sa mesa ang mga naisulat na pagbigkas ng Diyos, Siya ba ay nanúnuyô-ang-bibig pagkatapos magsalita ng gayong karami? Ang mga katunayan ay mismong kabaligtaran: Ang mga salita sa itaas ay walang anumang pagkatulad sa lugar kung saan nananahan ang Diyos. Sinasabi ng Diyos, “Nakagugol Ako ng malaking panahon, at nagbayad ng malaking halaga, alang-alang sa tao—nguni’t sa sandaling ito, sa hindi-malamang dahilan, ang mga konsensya ng mga tao ay nananatiling kailanma’y hindi-kayang gampanan ang kanilang orihinal na tungkulin.” Di-alintana kung ang mga tao ay may anumang pandama ng lungkot ng Diyos, kung malalapitan nila ang pag-ibig ng Diyos nang hindi nilalabanan ang kanilang konsensya, ito ay maituturing na may-kabuluhan at makatwiran. Ang ikinatatakot lamang ay na ayaw nilang pasanin ang orihinal na tungkulin ng konsensya. Anong masasabi mo, ito ba ay tama? Nakatutulong ba ito sa iyo? Ang Aking pag-asa ay na kabilang kayo sa uri ng mga bagay na nagtataglay ng konsensya, sa halip ng pagiging basurang walang konsensya. Anong iyong iniisip sa mga salitang ito? Ang sinuman ba ay may pandama rito? Ang pagkakaroon ba ng karayom na nakatusok sa iyong puso ay hindi masakit? Itinutusok ba ng Diyos ang karayom sa isang bangkay na walang pakiramdam? Ang Diyos ba ay nagkamali, ang matandang gulang ba ay nagpalabo sa Kanyang paningin? Aking sinasabi na iyan ay imposible! Magkagayunman, ito ay dapat na pagkakamali ng tao. Bakit hindi pumunta sa ospital at tingnan? Walang dudang may problema sa puso ng tao, kailangan itong sukatan ng bagong “piyesa”—maaari ba ang gayon? Gagawin mo ba iyon?

May 2, 2018

Salita ng Diyos | Pakahulugan ng Ang Ika-tatlumpu’t tatlong Pagbigkas

Pakahulugan ng Ang Ika-tatlumpu’t tatlong Pagbigkas


     Sa katotohanan, batay sa ginawa ng Diyos sa mga tao, at ibinigay sa kanila, pati na rin ang siyang pagmamay-ari ng mga tao, maaaring sabihin na hindi labis ang Kanyang mga hinihiling sa mga tao, na hindi Siya humihingi ng sobra sa kanila. Paano, kung gayon, nila maaaring hindi subukang pasiyahin ang Diyos? Nagbibigay ang Diyos ng isandaang porsyento sa tao, ngunit hinihiling lamang Niya ang isang maliit na bahagi ng mga tao—paghingi ba ito nang sobra-sobra? Gumagawa ba ang Diyos ng gulo mula sa wala? Kadalasan, hindi kilala ng mga tao ang kanilang mga sarili, hindi nila sinusuri ang kanilang mga sarili sa harap ng Diyos, at kaya mayroong mga kadalasang pagkakataon na sila ay nasisilo—paano kaya ito maituturing na pakikipagtulungan sa Diyos? Kung mayroon mang oras na hindi nagpataw ang Diyos ng mabigat na pasanin sa mga tao, guguho sila na parang putik, at hindi nila aakuhin sa kanilang mga sarili na maghanap ng mga maaaring gawin. Ganyan ang mga tao, alinman sa walang pasubali o negatibo, kailanma’y walang kakayahan na aktibong makiisa sa Diyos, palaging naghahanap ng negatibong dahilan upang magpatalo sa kanilang mga sarili. Tunay ka bang isang tao na gumagawa ng lahat hindi para sa kanilang mga sarili, ngunit upang pasiyahin ang Diyos? Tunay ka bang isang tao na hindi tumutupad sa mga pangangailangan ng gawain ng Diyos bilang resulta ng kanilang mga sariling emosyon o mga kagustuhan? “Bakit nila palaging sinusubukang makipagtawaran sa Akin? Punong tagapamahala ba Ako ng isang sentro ng kalakalan? Bakit Ko kaya isinasakatuparan nang buong puso ang hinihingi ng mga tao sa Akin, habang nauuwi lang sa wala ang hinihingi Ko mula sa tao?” Bakit hinihingi ng Diyos ang mga bagay na iyon nang maraming beses nang sunud-sunod? Kung gayon bakit Siya umiiyak sa sama ng loob? Walang napala ang Diyos sa mga tao, ang lahat lamang ng nakikita Niya ay ang gawa na kanilang kinukuha at pinipili. Bakit sinasabi ng Diyos, “habang nauuwi lang sa wala ang hinihingi Ko mula sa tao”? Tanungin ninyo ang inyong mga sarili: Mula simula hanggang huli, sino ang kayang gumawa ng gawain ng kanilang tungkulin nang walang anumang pagpipilian? Sino ang hindi kikilos nang ayon sa “mga damdamin sa kanilang mga puso”? Nagbibigay ang mga tao ng kalayaan sa kanilang mga karakter, nangingisda sa loob ng tatlong araw at iniiwan ang mga lambat upang matuyo sa loob ng dalawang araw. Umiinit at lumalamig ang mga ito nang salitan: Kapag mainit ang mga ito, kaya ng mga ito na sirain ang lahat ng bagay sa mundo, at kapag malamig ang mga ito, kaya ng mga ito na pagyeluhin ang lahat ng mga tubig sa daigdig. Hindi ito ang “silbi” ng tao, ngunit ito ang pinakaangkop na pagkakatulad sa estado ng tao. Hindi ba ito totoo? Marahil mayroon Akong “mga pagkaintindi” sa tao, marahil sinisiraan Ko sila ng puri—ngunit gayunman, “Kung may katotohanan lalakaran mo ang buong mundo; kung wala ang katotohanan, wala kang mararating.” Kahit na isa itong talinghaga ng tao, sa tingin Ko nararapat itong gamitin dito. Hindi Ko sinasadyang pahintuin ang mga tao at itanggi ang kanilang mga ginagawa. Hayaan ninyong konsultahin Ko kayo ukol sa ilang mga tanong: Sino ang nakakakita sa gawa ng Diyos bilang ang gawa ng kanilang sariling tungkulin? Sino ang makapagsasabi, “Hangga’t kaya kong pasiyahin ang Diyos, ibibigay ko ang aking lahat”? Sino ang makapagsasabi, “Hindi alintana ang iba, gagawin ko ang lahat ng kinakailangan ng Diyos, at kahit pa gaano kahaba o kaikli ang gawain ng Diyos, marapat kong tuparin ang aking tungkulin; trabaho ng Diyos ang pagdadala ng Kanyang gawain sa katapusan, hindi ito isang bagay na iniisip ko”? Sino ang may kakayahan sa ganoong kaalaman? Hindi mahalaga ang inyong palagay—marahil mayroon kang mas mataas na mga kabatiran, kung saan Aking tinatanggap, inaamin Ko ang pagkatalo—ngunit dapat Kong sabihin sa inyo na isang tapat na puso na dalisay at marubdob ang nais ng Diyos, hindi ang puso ng isang lobo na walang utang na loob. Ano ang alam ninyo sa “pagtatawarang” ito? Mula simula hanggang huli, “nilalakbay na ninyo ang mundo.” Sa isang sandali kayo ay nasa “Kunming,” sa walang hanggan nitong batis, at sa isang kisapmata makararating na kayo sa malupit na lamig at nababalot ng niyebeng “Polong Timog.” Sino ang hindi na nakabalik pa sa kanilang mga sarili? Isang espiritu na “Walang pahinga hanggang kamatayan” ang hinihingi ng Diyos, ang nais Niya ay isa na siyang “hindi tatalikuran ng mga tao hanggang marating nila ang pader ng timog.” Natural, ang intensyon ng Diyos ay hindi para piliin ng mga tao ang maling daan, ngunit upang kupkupin ang ganoong espiritu. Kagaya ng sinasabi ng Diyos, “Kapag inihahambing Ko ang mga “regalo” na ibinigay nila sa Aking mga bagay, agad napapansin ng mga tao ang Aking kahalagahan, at saka lamang nila nakikita ang Aking kalakihan.” Paano maipaliliwanag ang mga salitang ito? Marahil, binibigyan ka ng kaunting kaalaman ng pagbabasa ng mga unang nabanggit na salita, dahil tinatanggal ng Diyos ang buong puso ng tao para sa paghihimay, sa anong oras na malaman ng mga tao ang mga salitang ito. Ngunit dahil sa malalim na kahulugan sa loob ng mga salita ng Diyos, nananatili ang mga taong hindi nalilinawan tungkol sa “lumang katawan,” dahil hindi sila nag-aral sa isang medikal na unibersidad, ni hindi sila mga arkeologo, at kaya nararamdaman nila na hindi kayang unawain ang bagong terminong ito—at doon lamang sila nagpadadaig nang bahagya. Dahil ang mga tao ay walang kapangyarihan sa harap ng lumang katawan; kahit na hindi ito tulad ng isang mabangis na halimaw, ni hindi nito kayang lipulin ang sangkatauhan gaya ng isang bombang atomiko, hindi nila alam kung ano ang gagawin dito, na para bang wala silang kapangyarihan. Ngunit sa Akin, mayroong mga paraan ng pakikitungo sa lumang katawan. Hindi kailanman gumagawa ng pagsisikap ang tao na mag-isip ng isang pangontra na siyang naghatid sa iba’t ibang uri ng kaibahan ng tao na madalas na nagpapakita sa Aking mga mata; kagaya ng sinabi ng Diyos: “Kapag ipinapakita Ko sa kanila ang Aking kabuuan, tinitingnan nila Ako nang may dilat na mga mata, nakatayo sa harapan Ko nang hindi gumagalaw, kagaya ng isang haliging asin. At kapag pinagmamasdan Ko ang kanilang kaibahan, nahihirapan Akong pigilan ang Aking sarili sa pagtawa. Dahil nagpaparamdam sila upang humingi ng mga bagay mula sa Akin, binibigyan Ko sila ng mga bagay na nasa Aking kamay, at hinahawakan nila ito sa kanilang dibdib, iniingatan ang mga ito kagaya ng isang bagong-silang na sanggol, isang gawi na kanilang ginagawa lang sa ilang sandali.” Hindi ba mga gawa ito ng lumang katawan? Dahil, ngayon, naiintindihan ng mga tao, bakit hindi sila tumatalikod, at bagkus ay nagpapatuloy pa? Sa katunayan, hindi kayang matamo ng tao ang isang bahagi ng mga kinakailangan ng Diyos, ngunit hindi pinakikinggan ng mga tao ang mga ito, dahil “hindi Ko kinakastigo nang magaan ang tao. Sa kadahilanang ito na palaging nabibigyan ang mga tao ng kalayaan na pamahalaan ang kanilang katawan. Hindi nila sinusunod ang Aking kalooban, ngunit hindi kailanman Ako nilinlang sa Aking hukuman” Hindi ba ito ang katayuan ng tao? Hindi sa sinasadya ng Diyos na maghanap ng mali, ngunit isa itong katotohanan—dapat bang ipaliwanag ito ng Diyos? Kagaya ng sinasabi ng Diyos, “Ito ay dahil ang pananampalataya ng mga tao ay labis na dakila na sila ay “kahanga-hanga.” Sa kadahilanang ito, sinusunod Ko ang mga pagsasaayos ng Diyos, at kaya hindi Ako masyadong nagsasabi ng patungkol dito; dahil sa pananampalaya ng mga tao, susunggaban Ko ito, ginagamit ang kanilang pananampalataya upang dulutan sila na isagawa ang kanilang tungkulin nang wala Ako na nagpapaalala sa kanila. Mali bang gawin ito? Hindi ba ito ang tiyak na kailangan ng Diyos? Marahil, sa sandaling marinig ang ganoong mga salita, maaaring makaramdam ng pagkasuya ang ilang mga tao—kaya magsasalita Ako tungkol sa ibang bagay, upang bigyan sila ng kaunting kalayaan. Kapag sumailalim na sa pagkastigo ang lahat ng mga napiling tao ng Diyos sa sansinukob, at kapag naituwid ang estado sa kaibuturan ng tao, palihim na magbubunyi ang mga tao sa kanilang mga puso, na para bang nakatakas sila sa kapighatian. Sa sandaling ito, hindi na mamimili ang mga tao para sa kanilang mga sarili, dahil ito mismo ang epekto na natamo sa panahon ng huling gawain ng Diyos. Sa Kanyang mga hakbang na nagpatuloy hanggang sa ngayon, sumailalim lahat ang mga anak ng Diyos at ang mga tao sa pagkastigo, at hindi rin makaliligtas ang mga Israelita sa yugtong ito, dahil nabahiran ang mga tao ng karumihan sa loob, at kaya dinadala ng Diyos ang lahat ng tao na pumasok sa dakilang tunawang hurno para sa pagpipino, na isang kinakailangan na daan. Sa sandaling lumampas ito, muling mabubuhay mula sa kamatayan ang mga tao, na siyang tiyak na naunang sinabi ng Diyos sa “Nagsasalita ang Pitong Espiritu.” Hindi na Ako magsalita pa ng tungkol dito, upang hindi na makagalit ng mga tao. Dahil ang gawain ng Diyos ay nakamamangha, dapat sa wakas ay matamo ang mga propesiya na winika ng bibig ng Diyos; kapag hinihiling ng Diyos na magsasalita na naman ang mga tao ukol sa kanilang mga pagkaintindi, labis silang namamangha, at kaya walang sinuman ang dapat na mag-alala o mabalisa. Kagaya ng sinabi Ko, “Sa lahat ng Aking gawain, kailanman ba’y mayroong isang hakbang na isinagawa ng mga kamay ng tao?” Nauunawaan mo ba ang diwa ng mga salitang ito?

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan:
Rekomendasyon:
Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Pananalig sa Diyos | Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kapareho sa Paniniwala sa Panginoon?

Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos


Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Bagaman hindi maaaring balewalain ang pag-iisip ng tao, mas hindi maaaring kunsitihin ng tao na baguhin ang sangkap ni Kristo. Isinaalang-alang ninyo si Kristo bilang isang imortal, isang pantas, ngunit walang kumikilala kay Kristo bilang isang mortal na may maka-Diyos na sangkap. Samakatuwid, marami sa mga taong nananabik nang araw at gabi upang makita ang Diyos ay talagang kaaway ng Diyos at hindi kaayon sa Diyos. Hindi ba ito isang kamalian sa parte ng tao? Kahit ngayon, iniisip niyo pa rin na ang inyong paniniwala at katapatan ay magsisilbing karapat-dapat na makita ang mukha ni Kristo, ngunit pinapayuhan ko kayong sangkapan ang inyong sarili sa mas konkretong mga bagay! Dahil sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap, marami sa mga nakakilala kay Kristo ay nabigo; lahat sila’y ginagampanan ang papel ng mga Fariseo. Ano ang dahilan ng inyong kabiguan? Ito mismo’y dahil ipinapalagay ninyo na may isang mapagmataas, kahanga-hangang Diyos. Ngunit ang katotohanan ay ang bagay na hindi gusto ng tao. Hindi lamang di-mapagmataas si Cristo, bagkus Siya ay partikular na maliit; hindi lamang Siya isang tao ngunit isang ordinaryong tao; hindi lamang wala Siyang kakayahang umakyat sa langit, hindi rin Niya kayang kumilos nang malaya sa lupa. Kung kaya ang mga tao ay pinakitunguhan Siya bilang isang ordinaryong tao; ginagawa nila ang kagustuhan nila kapag sila ay kasama Niya, at nagsasalita ng walang ingat na salita sa Kanya, ang lahat ng mga ito habang hinihintay pa rin ang pagdating ng “tunay na Cristo.” Isinaalang-alang ninyo ang Cristong dumating na bilang isang ordinaryong tao at ang Kanyang salita ay tulad ng sa isang ordinaryong tao. Samakatuwid, hindi niyo pa natatanggap ang anumang bagay mula kay Cristo at sa halip ay inilantad nang buo ang inyong kapangitan sa liwanag.”
Rekomendasyon:
Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Ang Pananalig sa Diyos ay Hindi Dapat Para Lamang sa Paghahanap ng Kapayapaan at mga Pagpapala.

Abr 28, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Tunay Ngang Dumating ang Diyos sa Gitna ng Mga Tao


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Tunay Ngang Dumating ang Diyos sa Gitna ng Mga Tao


Dinadala ng Diyos ang wakas ng sangkatauhan sa mundo ng tao.
Pagkatapos, nilalantad N’ya Kanyang buong disposisyon,
upang lahat ng taong nakakakilala at hindi sa Diyos
masisiyahang tititigan at nakikita na pumaparito ang Diyos
sa kalagitnaan ng mga tao,
sa lupa kung sa’n lahat ng bagay lumalago.
Ito ang plano ng Diyos.
Ito ang tangi Niyang “pahayag” mula nang nilalang niya ang tao.
Nais ng Diyos na
buong-puso niyong pagmasdan ang bawat kilos Niya,
dahil tungkod Niya’y nalalapit na naman sa sangkatauhan.
Lumalapit ito sa sangkatauhang tumututol sa Kanya.

Abr 27, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Interpretasyon ng Ikadalawampu’t siyam na Pagbigkas

Interpretasyon ng Ikadalawampu’t siyam na Pagbigkas

    Sa gawain na ginawa ng mga tao, ang ilan sa mga ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng direktang pagtuturo mula sa Diyos, nguni’t para sa ilang bahagi nito ay hindi nagbibigay ang Diyos ng mga hayag na tagubilin, sapat na nagpapakita na ang ginagawa ng Diyos ay, ngayon, hindi pa lubos na naibunyag—na ang ibig sabihin, marami ang nananatiling nakatago at hindi pa naging pampubliko. Subali’t may ilang mga bagay na kailangang maging pampubliko, at may ilan na kailangang iwan ang mga tao na naguguluhan at nalilito; ito ang kung ano ang kinakailangan ng gawain ng Diyos. Halimbawa, ang pagdating ng Diyos mula sa langit sa gitna ng tao: kung paano Siya dumating, sa anong segundo Siya dumating, o kung ang mga kalangitan at lupa at ang lahat ng bagay ay sumailalim sa pagbabago o hindi—ang mga bagay na ito ay kinakailangan para ang mga tao ay malito. Ito ay batay din sa mga aktwal na kalagayan, dahil ang pantaong laman mismo ay hindi kayang direktang pumasok sa espirituwal na kinasasaklawan. Samakatuwid, kahit na kung ang Diyos ay malinaw na nagsasaad kung paano Siya pumarito mula sa langit tungo sa lupa, o kapag sinasabi Niya, “Noong araw na ang lahat ng bagay ay muling nabuhay, Ako ay tumungo sa tao, at nagpalipas Ako ng mga magagandang araw at gabi kasama siya,” ang mga salitang iyon ay tulad ng isang tao na nakikipag-usap sa isang katawan ng puno—walang kahit katiting na reaksiyon, dahil ang mga tao ay walang kaalaman sa mga hakbang ng gawain ng Diyos. Kahit pa tunay nilang batid, naniniwala sila na ang Diyos ay lumipad pababa sa lupa mula sa langit tulad ng isang ada at muling ipinanganak sa gitna ng tao. Ito ang nakamit ng mga kaisipan ng tao. Ito ay dahil ang esensiya ng tao ay hindi niya kayang maintindihan ang diwa ng Diyos, at hindi kayang maintindihan ang realidad ng espirituwal na kinasasaklawan. Sa pamamagitan tangi ng kanilang esensiya, ang mga tao ay walang kakayahan na kumilos bilang isang huwaran para sa iba, dahil ang mga tao ay likas na magkakapareho, at hindi magkakaiba. Kaya, ang paghiling na ang mga tao ay magpakita ng isang halimbawa para sundan ng iba o magsilbi bilang isang huwaran ay nagiging isang bula, ito ay nagiging singaw na umaangat mula sa tubig. Samantalang kapag sinasabi ng Diyos, “nakikita niya ang ilan sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako” ang mga salitang ito ay nagpapatungkol lamang sa paghahayag ng gawain na ginagawa ng Diyos sa katawang-tao; sa ibang salita, ang mga ito ay nakadirekta sa totoong mukha ng Diyos—pagkaDiyos, na pangunahing tumutukoy sa Kanyang pagkaDiyos na disposisyon. Na ang ibig sabihin, ang mga tao ay hinihilingan na maunawaan ang mga bagay tulad ng kung bakit ang Diyos ay gumagawa sa ganitong paraan, kung anong mga bagay ang maisasakatuparan ng mga salita ng Diyos, kung ano ang nais ng Diyos na matamo sa lupa, kung ano ang nais Niya na makamit sa gitna ng tao, ang mga pamamaraan ng pagsasalita ng Diyos, at kung ano ang saloobin ng Diyos patungkol sa tao. Maaaring sabihin na walang karapat-dapat-maipagmalaki sa tao, ibig sabihin, wala sa kanya na maaaring magpakita ng isang halimbawa para sundan ng iba.

Abr 25, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Interpretasyon ng Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas

Interpretasyon ng Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas

    Ngayon, ang mga salita ng Diyos ay umabot sa kanilang taluktok, ibig sabihin, ang ikalawang bahagi ng panahon ng paghuhukom ay umabot na sa rurok nito. Nguni’t hindi ito ang pinakamataas na rurok. Sa panahong ito, ang tono ng Diyos ay nagbago, hindi ito nanunuya o nakakatawa, at hindi nananakit o nanunumpa; pinalambot ng Diyos ang tono ng Kanyang mga salita. Ngayon, nagsisimula ang Diyos na “makayang gunitain” ang tao. Ang Diyos ay parehong nagpapatuloy sa gawain ng panahon ng paghuhukom at binubuksan ang landas ng susunod na seksyon ng gawain, upang ang lahat ng mga bahagi ng Kanyang gawain ay magkakaugnay-ugnay sa isa’t isa. Sa isang banda, nagsasalita Siya tungkol sa “katigasan ng ulo ng tao at kanyang pagbabalik sa dati,” at sa kabilang banda, sinasabi Niya “Sa Aking mga kasiyahan at kalungkutan, hindi Ko kayang gunitain ang pakikipaghiwalay at pakikipagbalikan Ko sa tao”—kung saan parehong nagsasanhi ng isang reaksyon sa puso ng mga tao, at inaantig kahit na ang pinakamanhid sa kanila. Ang layunin ng Diyos sa pagsasabi ng mga salitang ito ay pangunahing upang magpatirapa ang lahat ng mga tao sa harap ng Diyos, nang walang mapapabulong, sa katapus-tapusan, at pagkatapos “magiging maliwanag lamang sa ganoong panahon ang Aking mga gawain, makikilala Ako ng lahat ng tao dahil sa sarili nilang kabiguan.” Ang kaalaman sa Diyos ng mga tao ng panahong ito ay nananatiling ganap na mababaw, hindi ito tunay na kaalaman. Bagaman sila ay nagsisikap nang maigi hangga’t maaari, hindi nila kayang makuha ang naisin ng puso ng Diyos; ngayon, ang mga salita ng Diyos ay umabot na sa kanilang kaitaasan, nguni’t ang mga tao ay nananatili sa mga unang yugto, at sa gayon ay hindi kayang pumasok sa mga pagbigkas ng dito at ngayon—na nagpapakita na ang Diyos at tao ay magkaibang-magkaiba sa isa’t isa. Batay dito, kapag ang mga salita ng Diyos ay dumating sa katapusan makakaya lamang ng mga tao na makamit ang mga pinakamababang pamantayan ng Diyos. Ito ang paraan kung saan ang Diyos ay gumagawa sa mga taong ito na lubos na ginawang tiwali ng malaking pulang dragon, at ang Diyos ay kailangang gumawa upang makamit ang pinakamainam na epekto. Ang mga tao ng mga iglesia ay nagbibigay ng higit na pansin sa mga salita ng Diyos, nguni’t ang intensyon ng Diyos ay upang makilala nila ang Diyos sa Kanyang mga salita—hindi ba may pagkakaiba? Gayunpaman, sa kasalukuyang sitwasyon, hindi na iniisip ng Diyos ang kahinaan ng tao, at nagpapatuloy sa pagsasalita na hindi alintana kung ang mga tao ay kayang tanggapin ang Kanyang mga salita o hindi. Ayon sa Kanyang layunin, kung kailan magtatapos ang Kanyang mga salita ay magiging kung kailan makumpleto ang Kanyang gawain sa lupa. Nguni’t ang gawaing ito ay hindi katulad ng nakaraan. Kung kailan magtatapos ang mga pagbigkas ng Diyos, walang sinuman ang makaaalam; kung kailan magtatapos ang gawain ng Diyos, walang sinuman ang makaaalam; at kung kailan magbabago ang anyo ng Diyos, walang sinuman ang makaaalam. Ganyan ang karunungan ng Diyos. Upang maiwasan ang anumang mga akusasyon mula kay Satanas at anumang pagkagambala mula sa mga pwersa ng kaaway, ang Diyos ay gumagawa nang walang sinuman ang nakaaalam, at sa ngayon ay walang reaksyon sa mga tao sa lupa. Kahit na ang mga palatandaan ng pagbabagong-anyo ng Diyos ay minsan nang binanggit, walang sinuman ang nakakayang maunawaan ito, sapagka’t nakalimutan na ng tao ang bagay na ito, at hindi niya binibigyang pansin ito. At dahil sa mga pag-atake mula sa loob at labas—ang mga sakuna ng panlabas na mundo at ang pagsusunog at paglilinis sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos—ang mga tao ay hindi na handang magpagal para sa Diyos, sapagka’t sila ay masyadong abala sa kanilang sariling negosyo. Kapag tinanggihan ng lahat ng mga tao ang kaalaman at paghahanap ng nakaraan, kapag ang lahat ng mga tao ay nakita ang kanilang mga sarili nang malinaw, sila ay mabibigo at ang kanilang ganang sarili ay hindi na magkakaroon ng puwang sa kanilang mga puso. Saka lamang totoong mananabik ang mga tao para sa mga salita ng Diyos, saka lamang ang mga salita ng Diyos ay tunay na magkakaroon ng puwang sa kanilang mga puso, at saka lamang ang mga salitang ito ay magiging pinagmumulan ng kanilang pag-iral—at sa sandaling ito, ang naisin ng puso ng Diyos ay matutupad. Nguni’t ang mga tao ngayon ay malayong-malayo diyan. Ang ilan sa kanila ay bahagya nang nakausad ng isang pulgada, at sa gayon sinasabi ng Diyos na ito ay “pagbabalik sa dati.”

Abr 22, 2018

Ang tinig ng Diyos | Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-dalawa at Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas

Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-dalawa at Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas

    Ngayong araw, ang lahat ay handang tarukin ang kalooban ng Diyos at kilalanin ang disposisyon ng Diyos, datapwa’t walang nakakaalam sa dahilan kung bakit wala silang kakayahan sa pagsunod sa kanilang mga inaasam, hindi nila nalalaman kung bakit lagi silang ipinagkakanulo ng kanilang mga puso, at kung bakit hindi nila makayang kamtin kung ano ang nais nila. Bilang resulta, sila ay minsan pang binabagabag ng nakapanlulumong kawalang-pag-asa, gayunman ay puno pa rin sila ng takot. Hindi-kayang ipahayag ang mga magkakasalungat na damdaming ito, maaari lamang nilang iyuko ang kanilang mga ulo sa kalungkutan at patuloy na tanungin ang kanilang mga sarili: Maaari kayang hindi ako naliwanagan ng Diyos? Maaari kayang ako ay lihim na pinabayaan ng Diyos? Marahil ang bawa’t isa ay ayos, at naliwanagan silang lahat ng Diyos maliban sa akin. Bakit lagi akong nakakaramdam na nababagabag kapag binabasa ko ang mga salita ng Diyos, bakit hindi ko matarok kahit kailan ang anumang bagay? Bagaman iniisip ng mga isipan ng mga tao ang mga bagay na ito, walang nangangahas na ipahayag ang mga iyon; nagpapatuloy lamang silang nakikipagtunggali sa loob. Sa katunayan, walang sinuman kundi ang Diyos ang kayang maunawaan ang Kanyang mga salita o tarukin ang Kanyang tunay na kalooban. Gayunman laging hinihingi ng Diyos na tarukin ng mga tao ang Kanyang kalooban—hindi ba ito ay gaya ng pagtutulak sa isang bibi tungo sa isang dapúán? Ang Diyos ba ay mangmang sa mga pagkabigo ng tao? Ito ang interseksyon ng gawain ng Diyos, ito ang hindi nauunawaan ng mga tao, at sa gayon ay sinasabi ng Diyos, “Namumuhay ang tao sa gitna ng liwanag, ngunit hindi niya batid ang kahalagahan ng liwanag. Siya ay ignorante sa substansya ng liwanag, at sa pinagmumulan ng liwanag, at, higit pa rito, kung sino ang nagmamay-ari nito.” Ayon sa mga salita ng Diyos at kung ano ang hinihingi Niya sa tao, walang makakapanatiling buháy, sapagka’t walang anuman sa laman ng tao ang tumatanggap sa mga salita ng Diyos, kayâ kung kaya ng mga tao na sundin ang mga salita ng Diyos, magpahalaga at maghangad sa mga salita ng Diyos, at iakma ang mga salita sa mga pagbigkas ng Diyos na tumutukoy sa mga katayuan ng tao sa kanilang sariling mga kalagayan, at sa gayon ay makilala ang kanilang mga sarili, kung gayon ito ang pinakamataas na pamantayan. Kapag ang kaharian ay naging realidad sa kahuli-hulihan, yaong mga namumuhay sa laman ay hindi pa rin makakayang tarukin ang kalooban ng Diyos, at mangangailangan pa rin ng personal na paggabay ng Diyos. Mawawalan nga lamang ang mga tao ng panghihimasok ni Satanas, at matataglay ang normal na buhay ng tao, na siyang layunin ng Diyos sa paggapi kay Satanas, at pangunahing upang bawiin ang orihinal na kakanyahan ng tao, na nilikha ng Diyos. Sa isipan ng Diyos, ang “laman” ay tumutukoy sa sumusunod: ang kawalang-kakayahan na makilala ang kakanyahan ng Diyos, ang kawalang-kakayahan na makita ang mga kaganapan sa espirituwal na kinasasaklawan, at, higit pa, ang kakayahang magawang tiwali ni Satanas nguni’t mapatnubayan din ng Espiritu ng Diyos. Ito ang diwa ng laman na nilikha ng Diyos. Likas lamang na ito rin ay upang maiwasan ang kaguluhan na sanhi ng kakulangan ng kaayusan sa buhay ng sangkatauhan. Mas nagsasalita ang Diyos, at mas nagiging matalim ang Kanyang mga salita, mas nauunawaan ng mga tao ang Kanyang mga salita. Ang mga tao ay hindi-namamalayang nagbabago, at hindi-namamalayang namumuhay sa liwanag, at sa gayon “Dahil sa liwanag, lahat ng mga tao ay lumalago, at iniwan na ang karimlan.” Ito ang magandang tagpo ng kaharian, at gaya ng malimit na sinalita sa nakaraan: “namumuhay sa liwanag, lumilisan sa kamatayan.” Kapag ang Sinim ay naging tunay sa lupa—kapag ang kaharian ay naging tunay—hindi na magkakaroon ng digmaan sa lupa, hindi na kailanman magkakaroon ng mga taggutom, mga salot, at mga lindol, ang mga tao ay hihinto sa paggagawa ng mga sandata, lahat ay mamumuhay sa kapayapaan at katatagan, at kapwa ang mga tao at mga bansa ay magkakaugnay nang normal sa isa’t isa. Gayunman ang kasalukuyan ay hindi maihahambing dito. Ang lahat sa ilalim ng mga kalangitan ay nasa kaguluhan, ang mga kudeta ay unti-unting nagsisimulang maganap sa bawa’t bansa. Habang binibigkas ng Diyos ang Kanyang tinig ang mga tao ay unti-unting nagbabago, at, sa panloob, bawa’t bansa ay dahan-dahang nagkakawatak-watak. Ang matibay na mga pundasyon ng Babilonia ay nagsisimulang kumalog, gaya ng isang kastilyo na umaabot tungo sa himpapawid, at habang ang kalooban ng Diyos ay nag-iiba, matitinding mga pagbabago ang nagaganap na di-napapansin sa mundo, at lahat ng galaw ng mga palatandaan ay lumilitaw sa anumang oras, ipinakikita sa mga tao na ang huling araw ng mundo ay nakarating! Ito ang plano ng Diyos, ang mga ito ang mga hakbang kung saan sa pamamagitan nito Siya ay gumagawa, at bawa’t bansa ay tiyak na magkakapira-piraso, ang matandang Sodoma ay mawawasak sa ikalawang pagkakataon, at sa gayon sinasabi ng Diyos “Masisira ang mundo! Paralisado ang Babylon!” Walang sinuman kundi ang Diyos lamang ang may kakayahan ng ganap na pag-unawa rito; mayroong, sa paanuman, isang hangganan sa kamalayan ng mga tao. Halimbawa, ang mga ministro ng panloob na mga kaganapan ay maaring nakakaalam na ang kasalukuyang mga kalagayan ay hindi matatag at magulo, nguni’t wala silang kakayahang lunasan ang mga iyon. Maaari lamang silang sumakay sa agos, umaasa sa kanilang mga puso para sa araw kung kailan maitataas nila ang kanilang mga ulo, naghahangad na ang araw ay darating kung kailan ang araw ay muling sisikat sa silangan, sumisikat sa buong lupain at ibinabaligtad ang kaawa-awang katayuang ito ng mga kaganapan. Bahagya nilang nalalaman, gayunpaman, na kapag ang araw ay sumisikat sa ikalawang pagkakataon, ito ay hindi upang panumbalikin ang lumang kaayusan, kundi upang bumalikwas pabalik, at magdala ng lubos na pagbabago. Ganyan ang plano ng Diyos para sa buong sansinukob. Dadalhin Niya ang isang bagong mundo, nguni’t higit sa lahat, paninibaguhin muna Niya ang tao. Ngayong araw, ang pagdadala ng mga tao tungo sa mga salita ng Diyos ay siyang susi, hindi lamang pagpapahintulot sa kanila na magtamasa ng mga pagpapala ng katayuan. Higit pa, gaya ng sinasabi ng Diyos, “Sa kaharian, Ako ang Hari—ngunit sa halip na ituring Ako bilang kanyang Hari, tinatrato Ako ng tao bilang Tagapagligtas na bumaba mula sa langit. Bilang resulta, umaasa siya na magbibigay ako sa kanya ng limos, at hindi tuluyang naghahangad na ako’y makilala.” Ganyan ang tunay na mga kalagayan ng lahat ng mga tao. Ngayong araw, ang mahalaga ay ganap na pagpapawi sa walang-kasiyahang kasakiman ng tao, sa gayon ay pinahihintulutan ang mga tao na makilala ang Diyos nang hindi humihingi ng anuman; hindi kataka-taka, kung gayon, na sinasabi ng Diyos, “Maraming umiyak sa Aking harapan katulad ng isang pulubi; maraming nagbukas ng kanilang mga “sako” sa Akin at nakiusap sa Aking bigyan sila ng pagkain upang mabuhay.” Ang sari-saring mga katayuang ito ay tumutukoy sa kasakiman ng mga tao, at ipinakikita ng mga ito na hindi minamahal ng mga tao ang Diyos kundi gumagawa ng mga panghihingi sa Diyos, o kaya ay sinusubukang matamo ang mga bagay-bagay na kanilang inaasam. Ang mga tao ay may kalikasan ng isang gutom na lobo, silang lahat ay tuso at sakim, at sa gayon ang Diyos ay gumagawa ng mga kinakailangan sa kanila nang paulit-ulit, pinipilit silang alisin ang kasakiman sa kanilang mga puso at mahalin ang Diyos nang taos-puso. Sa katunayan, hanggang sa araw na ito, hindi pa naibibigay ng mga tao ang kanilang buong puso sa Diyos, sila ay namamangka sa dalawang ilog, kung minsan ay umaasa sa kanilang mga sarili, kung minsan ay umaasa sa Diyos nang hindi lubusang nananalig sa Diyos. Kapag ang gawain ng Diyos ay umaabot sa isang tiyak na punto, lahat ng mga tao ay mamumuhay sa gitna ng tunay na pag-ibig at pananampalataya, at ang kalooban ng Diyos ay matutupad; sa gayon, ang mga kinakailangan ng Diyos ay hindi matayog.

Abr 21, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Pakahulugan sa Ikalabing-anim na Pagbigkas

Pakahulugan sa Ikalabing-anim na Pagbigkas

    Sa mga tao, napakadakila, napakasagana, napaka-kamangha-mangha, napaka-di-maarok ang Diyos; sa kanilang mga mata, umaangat sa matataas ang mga salita ng Diyos, at lumilitaw bilang isang dakilang obra maestra ng mundo. Nguni’t dahil may napakaraming mga pagkabigo ang mga tao, at napakasimple ng kanilang mga isipan, at, bukod pa rito, dahil napakahina ng kanilang mga kakayahan sa pagtanggap, gaano man kalinaw na nagsasalita ang Diyos ng Kanyang mga salita, nananatili silang nakaupo at hindi natitinag, na parang nagdurusa ng sakit sa isip. Hindi nila nauunawaan na dapat silang kumain kapag sila ay nagugutom, hindi nila nauunawaan na dapat silang uminom kapag sila ay nauuhaw; patuloy lamang silang sumisigaw at humihiyaw, na parang may di-mailalarawang kahirapan sa kalaliman ng kanilang mga espiritu, gayunpaman hindi nila kayang magsalita tungkol dito. Nang likhain ng Diyos ang sangkatauhan, ang Kanyang layunin ay para mamuhay ang tao sa normal na pagkatao at tanggapin ang mga salita ng Diyos ayon sa kanyang likas na paggawi. Nguni’t dahil, sa pasimula pa lamang, nagpadaig sa tukso ni Satanas ang tao, ngayon nananatili siyang hindi napapalaya ang kanyang sarili, at hindi pa rin kayang kilalanin ang mga mapanlinlang na mga pakana na isinagawa ni Satanas sa loob ng libu-libong taon, idinagdag ang kanyang kakulangan ng kakayahang lubos na malaman ang mga salita ng Diyos—lahat ng ito ay humantong sa kasalukuyang kalagayan. Sa kalalagayan ngayon ng mga bagay-bagay, namumuhay pa rin sa panganib ng tukso ni Satanas ang mga tao, at sa gayon ay nananatiling walang kakayahan sa dalisay na pagpapahalaga sa mga salita ng Diyos. Walang kalikuan o panlilinlang sa mga disposisyon ng mga normal na tao, may normal na relasyon sa isa’t isa ang mga tao, hindi sila nag-iisa, at hindi katamtaman ni may-kabulukan ang kanilang buhay. Gayundin naman, mataas sa lahat ang Diyos, lumalaganap sa gitna ng tao ang Kanyang mga salita, namumuhay ang mga tao nang may kapayapaan sa isa’t isa at sa ilalim ng pag-aalaga at pag-iingat ng Diyos, napupuspos ng pagkakasundo ang lupa, nang walang panghihimasok ni Satanas, at ang kaluwalhatian ng Diyos ang itinuturing na pinakamahalaga sa gitna ng tao. Ang gayong mga tao ay tulad ng mga anghel: dalisay, masisigla, hindi kailanman nagrereklamo tungkol sa Diyos, at ginugugol ang lahat ng kanilang mga pagsisikap para lamang sa kaluwalhatian ng Diyos sa lupa. Ngayon ay ang panahon ng madilim na gabi, ang lahat ay nag-aapuhap at naghahanap, ang napakadilim na gabi ay nagpapatirik ng kanilang mga buhok, at hindi nila mapigilang manginig; nang pakinggang mabuti, ang mga alulong ng bugso-bugsong hangin galing hilagang-kanluran ay tila baga may kasamang mga nagdadalamhating paghikbi ng tao. Ang mga tao ay namimighati at tumatangis para sa kanilang tadhana. Bakit nila binabasa ang mga salita ng Diyos nguni’t hindi nila kayang unawain ang mga ito? Mistulang nasa bingit ng kawalang-pagasa ang kanilang buhay, na parang malapit nang sumapit ang kamatayan sa kanila, na parang nasa harap ng kanilang mga mata ang kanilang huling araw. Ang ganoong mga kahabag-habag na kalagayan ay ang mismong sandali kung kailan ang marurupok na mga anghel ay tumatawag sa Diyos, nangungusap ng kanilang sariling paghihirap sa sunod-sunod na mapanglaw na iyak. Ito ang dahilan na ang mga anghel na gumagawa sa gitna ng mga anak-na-lalaki at ang mga tao ng Diyos ay hindi na kailanman muling bababa sa tao; ito ay upang maiwasan na ang mga ito ay mahuli sa pagmamanipula ni Satanas habang nasa laman, hindi kayang palayain ang mga sarili nito, kaya’t sila ay gumagawa lamang sa espirituwal na mundo na hindi nakikita ng tao. Samakatuwid, kapag sinasabi ng Diyos “kung kailan Ako umakyat sa trono sa puso ng tao ay kung kailan ang Aking mga anak-na-lalaki at bayan ang namamahala sa lupa,” tinutukoy Niya kung kailan ang mga anghel sa lupa ay nagtatamasa ng pagpapala ng paglilingkod sa Diyos sa langit. Sapagka’t ang tao ay pagpapahayag ng mga espiritu ng mga anghel, sinasabi ng Diyos na para sa tao, ang pagiging nasa lupa ay katulad ng pagiging nasa langit, ang paglilingkod niya sa Diyos sa lupa ay katulad ng mga anghel na tuwirang naglilingkod sa Diyos sa langit—at sa gayon, sa panahon ng kanyang mga araw sa lupa, tinatamasa ng tao ang mga pagpapala ng ikatlong langit. Ito ang talagang sinasabi sa mga salitang ito.

Abr 20, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Interpretasyon ng Ikalabinlimang Pagbigkas

Interpretasyon ng Ikalabinlimang Pagbigkas

    Ang pinakamalaking kaibahan sa pag-itan ng Diyos at ng tao ay na palaging eksakto ang mga salita ng Diyos, at walang itinatago. Kaya makikita sa mga unang salita ngayon ang aspetong ito ng disposisyon ng Diyos. Isang aspeto ay inilalantad nito ang mga tunay na kulay ng tao, at isa pang aspeto ay na hayagang ibinubunyag nito ang disposisyon ng Diyos. Ang mga ito ay dalawang mapagkukunan ng kung paanong nakakamtan ng mga salita ng Diyos ang mga resulta. Gayunpaman, hindi ito natatarok ng mga tao, lagi lamang nilang nakikilala ang kanilang mga sarili sa mga salita ng Diyos nguni’t hindi pa “nasuri” ang Diyos. Tila lubha silang natatakot na masaktan Siya, na papatayin sila ng Diyos dahil sa kanilang “pagiging maingat.” Sa katunayan, kapag kumakain at umiinom ng salita ng Diyos ang karamihan sa mga tao, mula ito sa isang negatibong aspeto, hindi isang positibong aspeto. Maaring masabi na nagsimula ngayon na “magtuon sa kababaang-loob at pagsunod” ang mga tao sa ilalim ng patnubay ng Kanyang mga salita. Makikita rito na nagsimulang pumunta ang mga tao sa isa pang kalabisan, mula sa hindi pagbibigay-pansin sa Kanyang mga salita tungo sa labis na pansin sa Kanyang mga salita. Gayunman wala pa kailanmang isang tao na nakapasok mula sa isang positibong aspeto, at wala pa kailanmang isang tao na tunay na nakátárók sa layunin ng Diyos na bigyang-pansin ng tao ang Kanyang mga salita. Nalalaman ito mula sa sinabi ng Diyos na hindi Niya kailangang personal na makaranas ng buhay ng iglesia upang maunawaan ang aktwal na kalagayan ng lahat ng mga tao sa iglesia, nang tumpak at walang pagkakamali. Dahil kapapasok pa lamang sa isang bagong paraan, hindi pa rin ganap na naaalis ng lahat ng mga tao ang kanilang mga negatibong elemento; nalalanghap pa rin ang amoy ng mga bangkay sa buong simbahan. Para itong kaiinom pa lamang ng mga tao ng gamot at wala pa ring ulirat, at hindi pa ganap na nagkakamalay. Para itong pinagbabantaan pa rin sila ng kamatayan, kaya nasa gitna pa rin sila ng kanilang pagkatakot at hindi nila mahigitan ang kanilang sarili. “Ang tao ay nilalang na walang sariling kaalaman.”: Sinasabi pa rin ang pahayag na ito batay sa paraan ng pagtatayo ng iglesia. Sa iglesia, bagaman nagbibigay-pansin sa mga salita ng Diyos ang lahat, malalim na nakaugat ang kanilang mga kalikasan at hindi nila kayang pawalan ang kanilang mga sarili. Ito ang dahilan kung bakit ginagamit ng Diyos ang paraan ng pagsasalita mula sa huling yugto upang hatulan ang mga taong tanggapin ang pananakit ng mga salita ng Diyos habang sila ay punung-puno ng kanilang mga sarili. Kahit na sumailalim ang mga tao sa limang buwan ng pagpipino sa hukay na walang-hanggan, isang wala pa ring pagkilala sa Diyos ang kanilang aktwal na kalagayan. Talipandas pa rin sila—medyo naragdagan lamang ang kanilang pag-iingat sa Diyos. Tanging sa hakbang na ito nagsimulang makapasok ang mga tao sa daan ng pagkakaalam sa mga salita ng Diyos, kaya kapag gumagawa ng ugnayan sa kakanyahan ng mga salita ng Diyos, hindi mahirap makita na nagbigay-daan para ngayon ang nakaraang hakbang ng gawain, at ngayon lamang pinapaging-normal ang lahat ng bagay. Ang mortal na kahinaan ng mga tao ay ang pagnanais na ihiwalay ang Espiritu ng Diyos mula sa Kanyang sariling katawang-tao upang magtamo sila ng personal na kalayaan, upang maiwasan ang palaging pagiging-napipigilan. Ito ang dahilan kung bakit inilalarawan ng Diyos ang tao bilang maliliit na ibon na masayang palipad-lipad. Ito ang aktwal na kalagayan ng buong sangkatauhan. Ito ang siyang gumagawa na napakadaling pabagsakin ang lahat ng tao, ang gumagawa na napakadali para sa kanila na mawala. Makikita mula rito na ang gawaing ginagawa ni Satanas sa sangkatauhan ay walang iba kundi ito. Higit pang ginagawa ito ni Satanas sa mga tao, higit pang mahigpit ang kinakailangan ng Diyos sa kanila. Kinakailangan Niya na bigyang pansin ng mga tao ang Kanyang mga salita at nagpapagal na maigi si Satanas para wasakin ito. Gayunpaman, ang Diyos ay laging napaaalalahanan ang mga tao na magbigay nang higit na pansin sa Kanyang mga salita; ito ang tugatog ng digmaan ng espirituwal na mundo. Maaaring sabihin ito nang ganito: Kung ano ang nais ng Diyos na gawin sa tao iyon mismo ang gustong wasakin ni Satanas, at nahahayag sa pamamagitan ng tao nang walang pagkatago man lamang kung ano ang gustong wasakin ni Satanas. May mga malinaw na pagpapakita ang ginagawa ng Diyos sa mga tao—pahusay nang pahusay ang kanilang mga kalagayan. Maliwanag na kinakatawan din ang pagwasak ni Satanas sa sangkatauhan—pasámâ sila nang pasámâ at lumulubog pababa nang pababa ang kanilang mga kalagayan. Maaari silang mabihag ni Satanas kung sapat nang kalunos-lunos. Ito ang aktwal na kundisyon ng iglesia na naipakita sa mga salita ng Diyos, at ito rin ang aktwal na sitwasyon ng espirituwal na mundo. Panganganinag ito ng dinamika ng espirituwal na mundo. Kung walang pagtitiwala ang mga tao na makipagtulungan sa Diyos, nasa panganib silang mabihag ni Satanas. Ito ay isang katunayan. Kung tunay na lubos na makakapag-alay ang tao ng kanilang puso para masakop ng Diyos, iyon ay tulad ng sinabi ng Diyos: “sa Aking harapan, siya ay tila nakahimlay sa loob ng Aking yakap, nilalasap ang init ng Aking yakap.” Ipinakikita nito na hindi matayog ang mga kinakailangan ng Diyos sa sangkatauhan—kailangan lamang Niya silang tumayo at makipagtulungan sa Kanya. Hindi ba ito isang madali at masayang bagay? At nakalito ang isang bagay lamang na ito sa lahat ng mga bayani? Para ba itong pinaupo ang mga heneral sa larangan ng digmaan sa paligid ng isang xiu lou[a] na gumagawa ng pagbuburda—hindi pinakilos ng paghihirap ang mga “bayaning” ito at hindi nila alam kung ano ang dapat nilang gawin.

Abr 18, 2018

Ang tinig ng Diyos | Interpretasyon ng Ikalabintatlong Pagbigkas

Interpretasyon ng Ikalabintatlong Pagbigkas

    Kinamumuhian ng Diyos ang lahat ng mga inapo ng malaking pulang dragon, at namumuhi Siya nang higit pa sa malaking pulang dragon. Ito ang ugat ng poot sa loob ng puso ng Diyos. Tila nais ng Diyos na ihagis ang lahat ng mga bagay na nabibilang sa malaking pulang dragon sa lawa ng apoy at asupre upang lubusang sunugin sila. May mga pagkakataon na tila nais pa nga ng Diyos na iunat ang Kanyang kamay upang personal na lipulin ito—tanging iyan ang maaring makapawi ng galit sa Kanyang puso. Ang bawa’t isang tao sa bahay ng malaking pulang dragon ay isang hayop na nagkukulang sa pagkatao, kaya ang Diyos ay matinding sinupil ang Kanyang galit para sabihin ang sumusunod: “Sa lahat ng Aking bayan, at sa lahat ng Aking mga anak, yaon ay, sa lahat ng Aking pinili mula sa sangkatauhan, nabibilang kayo sa pinakamababang grupo.” Nagsimula ang Diyos ng isang pangwakas na pakikibaka sa malaking pulang dragon sa sarili nitong bansa, at kapag ang Kaniyang plano ay dumating sa pagbubunga ay wawasakin Niya ito, hindi na pinapayagan ito na gawing tiwali ang sangkatauhan o pinsalain ang kanilang mga kaluluwa. Hindi lumilipas ang isang araw na ang Diyos ay hindi tumatawag sa Kanyang mga taong nahihimbing upang iligtas sila, nguni’t silang lahat ay nasa kalagayang pananamlay na tila sila ay uminom ng pildoras na pampatulog. Kung hindi Niya pinukaw ang mga ito kahit sandali ay bumabalik sila sa kanilang kalagayan ng pagtulog, nang walang kamalayan. Tila ang lahat ng Kanyang mga tao ay dalawang-ikatlong paralisado. Hindi nila alam ang kanilang sariling mga pangangailangan o ang kanilang sariling mga kakulangan, o kahit kung ano ang dapat nilang isuot o kung ano ang dapat nilang kainin. Ipinakikita nito na ang malaking pulang dragon ay nakagugol ng malaking pagsisikap upang gawing tiwali ang mga tao. Ang kapangitan nito ay umaabot sa bawa’t rehiyon ng Tsina. Nagáwâ pa nga nito na ang mga tao ay mayamot at ayaw nang manatili nang mas matagal pa sa nabubulok at mahalay na bansa. Ang pinaka-kinapopootan ng Diyos ay ang kakanyahan ng malaking pulang dragon, kung kaya’t pinaaalalahanan Niya ang mga tao sa Kanyang poot bawa’t araw, at ang mga tao ay nabubuhay sa ilalim ng mata ng Kanyang poot araw-araw. Gayunpaman, ang karamihan ng mga tao ay hindi pa rin alam kung paanong hanapin ang Diyos, nguni’t sila ay umuupo lamang sa panonood at naghihintay upang pakainin sa palad. Kahit na sila ay namamatay na sa gutom hindi sila magkukusang humayong maghanap ng kanilang sariling pagkain. Ang mga konsensya ng mga tao ay malaon nang panahong ginawang tiwali ni Satanas at nagbago ang kakanyahan upang maging walang-puso. Hindi nakakagulat na sinabi ng Diyos: “Kung hindi Ko pa kayo inudyukan, hindi pa kayo magigising, subalit maaaring nananatili pa rin parang nasa kalagayang nagyelo, at muli, parang nasa kalagayan ng pagtulog sa taglamig.” Para bang ang mga tao ay tulad ng mga hayop sa mahabang pagtulog sa panahon na dumaraan ang taglamig at hindi humingi upang kumain o uminom; ito ay eksaktong ang kasalukuyang kalagayan ng bayan ng Diyos, na dahilan kung bakit ang Diyos ay kinakailangan lamang na makilala ng mga tao na Diyos na nagkatawang-tao Mismo sa liwanag. Wala Siyang pangangailangan sa mga tao na magbago nang matindi o para sa kanila na magkaroon ng malaking pag-unlad sa kanilang buhay. Iyan ay sapat na upang talunin ang maruming, nakapandidiring malaking pulang dragon, kaya mas mahusay na naipamamalas ang dakilang kapangyarihan ng Diyos.