菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kabanalan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kabanalan. Ipakita ang lahat ng mga post

May 11, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos (Ikalimang bahagi)


Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos (Ikalimang bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
(III) Limang Uri ng mga Tao
Ang unang uri ay ang antas na kinikilala bilang ang “sanggol na nakabigkis ng damit”.
Ang pangalawang uri ay ang antas ng “sanggol na pinapasuso”.
Ang pangatlong uri ay ang antas ng inaawat na sanggol—ang antas ng pagiging bata.
Ang pang-apat na uri ay ang antas ng pagiging ganap na bata; ang pagkabata.
Ang panlimang uri ay ang antas ng ganap na buhay, o ang antas ng pagiging matanda.

Kung nais mong makamit ang paraan ng pamumuhay, dapat mo munang malaman ang Salita ng Buhay 

Abr 27, 2019

Salita ng Buhay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII (Unang Bahagi)


Salita ng Buhay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII (Unang Bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
(I) Isang Pangkalahatang-Ideya sa Awtoridad ng Diyos, Ang matuwid na Disposisyon ng Diyos, at Kabanalan ng Diyos
Unang Bahagi

Mar 30, 2019

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V Ang Kabanalan ng Diyos (II) (Ikalawang Bahagi)


Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V Ang Kabanalan ng Diyos (II) (Ikalawang Bahagi)


Tinutukso ni Satanas ang Panginoong Jesus


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Hindi ninyo makikita ang Diyos na humahawak ng magkakaparehong pananaw sa mga bagay na mayroon ang tao, at higit pa rito, hindi ninyo Siya makikitang gumagamit ng mga pananaw ng tao, ng kanilang kaalaman, kanilang siyensiya, o kanilang pilosopiya o ang imahinasyon ng tao upang panghawakan ang mga bagay. Sa halip, ang lahat ng ginagawa ng Diyos at ang lahat ng Kanyang ibinubunyag ay may kaugnayan sa katotohanan.

Dis 29, 2018

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI Ang Kabanalan ng Diyos (III) Ikatlong Bahagi


Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI Ang Kabanalan ng Diyos (III) (Ikatlong Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Dahil sa ang Diyos ay walang kasamaan ng sangkatauhan at wala kahit na malayo man tulad ng masamang disposisyon ng tao o ng kakanyahan ni Satanas, mula sa kuru-kurong ito maaari nating masabi na ang Diyos ay banal. Ang Diyos ay walang ibinubunyag na kasamaan, at ang pagbubunyag ng Kanyang sariling kakanyahan sa Kanyang gawain ay lahat pagpapatibay na kinakailangan natin na ang Diyos Mismo ay banal.

Hun 4, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Magbigay-pansin sa Kapalaran ng Sangkatauhan


I
Hinihimok ng Diyos ang mga tao ng lahat ng mga etniko,
lahat ng mga bansa at maging mga industriya:
Makinig sa tinig ng Diyos at tingnan ang Kanyang gawain;
bigyang pansin ang kapalaran ng sangkatauhan;
gawing pinakabanal at marangal ang Diyos,
ang pinakamataas at tanging bagay para sa pagsamba;
pahintulutan ang buong sangkatauhan na
mabuhay sa ilalim ng pagpapala ng Diyos,
tulad ng mga inapo ni Abraham
ay namuhay sa ilalim ng pangako ni Jehova,
tulad ng nilikha ng Diyos na
sina Adan at Eva ay nanirahan sa Hardin ng Eden.

May 6, 2018

Kristianong Awitin | Magbigay-pansin sa Kapalaran ng Sangkatauhan

Jehova, kabanalan, kapalaran, Pagsamba




I
Hinihimok ng Diyos ang mga tao ng lahat ng mga etniko,
lahat ng mga bansa at maging mga industriya:
Makinig sa tinig ng Diyos at tingnan ang Kanyang gawain;
bigyang pansin ang kapalaran ng sangkatauhan;
gawing pinakabanal at marangal ang Diyos,
ang pinakamataas at tanging bagay para sa pagsamba;
pahintulutan ang buong sangkatauhan na
mabuhay sa ilalim ng pagpapala ng Diyos,
tulad ng mga inapo ni Abraham
ay namuhay sa ilalim ng pangako ni Jehova,
tulad ng nilikha ng Diyos na
sina Adan at Eva ay nanirahan sa Hardin ng Eden.

Abr 25, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis

Ang pag-ibig ay isang dalisay na damdamin, dalisay na walang dungis. Gamitin ang iyong puso, sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga. Ang pag-ibig ay ‘di nagtatakda ng mga kondisyon o mga hadlang o agwat. Gamitin ang ‘yong puso, sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga. Kung ikaw ay nagmamahal, ‘di ka manlilinlang, magrereklamo at tatalikod, naghihintay ng kapalit. Kung ikaw ay umiibig magpapakasakit ka, tinatanggap ang hirap at makaisa ng Diyos sa pagkaayon.

Mar 23, 2018

Mga Movie Clip (5) | Tunay bang Hinirang ng Panginoon ang mga Pastor at Elder ng Relihiyosong Mundo?


Mga Movie Clip (5) | Tunay bang Hinirang ng Panginoon ang mga Pastor at Elder ng Relihiyosong Mundo?

Personal na nagbibigay ng patotoo ang Diyos sa lahat ng Kanyang hinihirang at ginagamit. Sa pinakamababa man lang, lahat sila ay tumatanggap ng kumpirmasyon ng gawain ng Banal na Espiritu, ipinapakita ang mga bunga ng gawain ng Banal na Espiritu, at natutulungan ang mga napiling tao ng Diyos na tumanggap ng pagkakaloob ng buhay at tunay na pagpapastol. Dahil makatuwiran at banal ang Diyos, ang lahat ng Kanyang hinihirang at ginagamit ay kailangang sumunod sa Kanyang kalooban. Ang mga pastor at elder mula sa relihiyosong mundo ay nagkukulang lahat sa salita ng Diyos bilang patotoo, at wala ring kumpirmasyon ng gawain ng Banal na Espiritu. Kaya paanong personal na hihirangin at gagamitin ng Diyos ang mga pastor at elder na nasa relihiyosong mundo?
Rekomendasyon:Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal

Mar 18, 2018

Salita ng Diyos | Ang Ikatatlumpu’t isang Pagbigkas


Ang Ikatatlumpu’t isang Pagbigkas

    Hindi Ako kailanman nagkaroon ng lugar sa puso ng mga tao. Kapag tunay Akong naghahanap sa mga tao, ipinipikit nila ang kanilang mga mata at isinasawalang-bahala ang Aking mga kilos, na para bang ang lahat ng Aking ginagawa ay isang pagtatangka upang bigyan-kasiyahan sila, na ang resulta ay palagi silang nasusuya sa Aking mga gawa. Para bang nagkukulang Ako ng anumang pagkakilala sa sarili: palagi Kong ipinapakita ang Aking sarili sa tao, na nagdudulot ng pagsiklab ng galit sa tao, na siyang “matuwid at tama.” Ngunit sa ilalim ng mga nasabing masasamang kundisyon, nagtitiis Ako, at nagpapatuloy ng Aking gawa. Kung gayon, masasabi Kong natitikman Ko ang matamis, maasim, mapait, at mga maanghang na mga lasa ng karanasan ng tao, na sa kabila ng hangin at ulan, nararanasan Ko ang pag-uusig ng “pamilya,” nararanasan ang mga tagumpay at kabiguan, at nararanasan ang sakit ng pagkakahiwalay sa katawan. Ngunit, noong dumating Ako sa lupa, sa halip na tanggapin Ako dahil sa pasakit na dinanas Ko para sa kanila, “magalang na tinanggihan” ng mga tao ang Aking mabubuting mga layunin. Paanong hindi Ako masasaktan nito? Paanong hindi Ako malulungkot? Maaari ba na nagkatawang-tao Ako para rito upang magtapos nang ganito ang lahat? Bakit hindi Ako mahal ng tao? Bakit nasusuklian ng galit ng tao ang Aking pagmamahal? Maaari bang nararapat lamang Akong magdusa sa ganitong paraan? Nagbubuhos na ng mga luha ng simpatiya ang mga tao dahil sa aking paghihirap sa mundo, at idinadaing ang kawalang-hustisya ng Aking “kasawian.” Ngunit sino ang kailanman tunay na nakakaalam sa Aking puso? Sino ang kailanma’y kayang maramdaman ang Aking mga damdamin? Minsan nang nagkaroon ang tao ng malalim na pagmamahal sa Akin, at minsang nanabik sa Akin sa kanyang mga pangarap—ngunit paano mauunawaan ng mga tao sa mundo ang Aking kalooban sa langit? Kahit na minsan nang naramdaman ng mga tao ang Aking mga damdamin ng paghihirap, sino ang kailanman nagkaroon ng simpatiya para sa Aking mga pagdadalamhati bilang isang kapwang nagdurusa? Maari kayang ang konsiyensiya ng mga tao sa mundo ay maantig at mabago ang Aking nagdadalamhating puso? Wala bang kakayahan ang mga tao sa mundo na sabihin sa Akin ang hindi masabing paghihirap ng kanilang puso? Minsan nang dumepende sa isa’t isa ang mga espiritu at ang Banal na Espiritu, ngunit dahil sa mga hadlang ng laman, “nawalan ng kontrol” ang mga isip ng mga tao. Minsan Ko nang pinaalalahanan ang mga tao na humarap sa Akin—ngunit hindi nagdulot sa mga tao ang Aking mga panawagan upang tuparin ang Aking hiniling; tumingin lamang sila sa langit, puno ng luha ang mga mata, na para bang nagdala sila ng hindi masabing paghihirap, na para bang may isang bagay na humaharang sa kanilang daan. Kaya naman, mahigpit nilang hinawakan ang kanilang mga kamay at yumuko sa ilalim ng kalangitan sa pamamanhikan sa Akin. Dahil maawain Ako, ibinibigay Ko ang Aking mga biyaya sa mga tao, at sa isang kisapmata, dumarating ang sandali ng Aking pagdating sa tao—ngunit nakalimutan na mula pa noon ng tao ang kanyang sumpa sa Langit. Hindi ba ito ang talagang hindi pagsunod ng tao? Bakit palaging nagdurusa ang tao mula sa “amnesya”? Sinaksak Ko ba siya? Pinatay Ko ba ang Kanyang katawan? Sinasabi Ko sa tao ang mga nararamdaman Ko sa Aking puso, at bakit niya Ako laging iniiwasan? Sa mga “alaala” ng mga tao, ito ay para bang mayroong nawala sa kanila at hindi ito makita kahit saan, ngunit gayundin na para bang may mali sa kanilang mga alaala. Kung gayon, sa kanilang buhay, palaging nagdurusa ang mga tao sa pagkamalilimutin, at ang mga araw ng mga buhay ng lahat ng sangkatauhan ay nasa kaguluhan. Ngunit walang sinuman ang nangangasiwa nito, walang ginagawa ang mga tao kung hindi yurakan ang isa’t isa, at patayin ang isa’t isa, na siyang humantong sa estado ng nakakapinsalang pagkatalo ngayon, at dinulutan ang lahat ng nasa ilalim ng sansinukob na bumagsak sa maruming tubig at putik, na walang anumang pagkakataon ng kaligtasan.

Mar 17, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikasiyam na Pagbigkas


Ang Ikasiyam na Pagbigkas

    Dahil ikaw ay isa sa mga kasapi ng Aking sambahayan, at dahil ikaw ay tapat sa Aking kaharian, marapat lamang na lahat ng iyong gagawin ay umayon sa mga pamantayan na aking inaatas. Hindi ko hinihingi sa’yo na maging higit ka pa sa isang lumilipad na ulap, bagkus ikaw ay maging makislap na niyebe, at nag-aangkin ng sangkap at, higit sa lahat, ng halaga nito. Dahil Ako ay nagmula sa banal na lupain, hindi gaya ng isang lotus, na mayroon lamang pangalan at walang halaga dahil ito ay nanggaling mula sa putikan at hindi sa banal na lupain. Ang panahon na ang isang bagong kalangitan ay papanaog sa ibabaw ng daigdig at ang isang bagong mundo ay lumaganap sa ibabaw ng mga kalangitan ay siya ring panahon na Ako ay pormal na gumawa kasama ng mga tao. Sino sa sangkatauhan ang nakakakilala sa Akin? Sino ang naroon noong panahon ng Aking pagdating? Sino ang nakasaksi na Ako ay hindi lamang nagtataglay ng isang Pangalan, ngunit, bukod pa rito, na Ako rin ay nagtataglay ng pag-aari? Hinawi Ko ang mga puting ulap gamit ang Aking kamay at pinagmasdan nang mabuti ang kalangitan; sa kalawakan, walang bagay ang hindi gawa ng Aking kamay, at sa ilalim ng kalawakan, walang sinuman ang hindi nag-aambag ng kanyang munting pagsisikap para sa katuparan ng Aking dakilang panukala. Hindi ako nagsasagawa ng mga mabibigat na utos sa mga tao sa mundo, dahil Ako ay naging isang praktikal na Diyos, at dahil Ako ang Makapangyarihan sa lahat na lumikha ng tao at nakakikilala nang lubos sa kanya. Ang lahat ng tao ay haharap sa mga mata ng Makapangyarihan sa lahat. Paano kung ang mga naroon sa mga pinakamalalayong sulok ng mundo ay umiiwas sa pagsubok ng Aking Espiritu? Kahit na ang tao ay nakakikilala sa Aking Espiritu, siya rin ay nagkakasala laban dito. Ang Aking mga salita’y hinuhubaran ang masamang imahe ng lahat ng tao, at hinuhubaran ang mga pinakamalalim na saloobin ng sangkatauhan, at nagdudulot sa buong mundo na maging payak dala ng Aking liwanag at sumailalim sa Aking pagsubok. Ngunit kahit ang tao ay nagkakasala, ang kanyang puso ay hindi nangangahas na lumayo sa Akin. Sa mga nilalang, sino ang hindi iibig sa Akin dahil sa Aking mga gawain? Sino ang hindi Ako masusumpungan bilang bunga ng Aking mga salita? Sino ang hindi ipinanganak nang walang pagmamahal buhat sa Aking pag-ibig? Hindi lang dahil sa katiwalian ni Satanas na ang tao ay hindi kayang makaabot sa Aking kaharian bilang Aking pag-uutos. Kahit na ang mga pinakamabababaw na utos ay nagdudulot ng pangamba sa kanya, para hindi magwika ng tungkol sa ngayon, ang panahon kung saan si Satanas ay nagpapasimula ng kaguluhan at siya ay lubhang nagpapakahari, o noong panahong iyon na ang tao ay nayurakan ni Satanas na ang kanyang buong katawan ay napalibutan ng karumihan. Kailan ba na ang pagkabigo ng tao na magbalik-loob sa Akin bilang bunga ng kanyang kasamaan ay hindi nagdulot sa Akin ng kalungkutan? Maaari Ko bang kaawaan si Satanas? Maaari bang nagkakamali lang Ako sa Aking pag-ibig? Kapag ang tao ay hindi sumusunod sa Akin, ang Aking puso ay lihim na tumatangis; kapag ang tao ay tumututol sa Akin, siya ay Aking kakastiguhin; kapag ang tao ay Aking iniligtas at nabuhay mula sa kamatayan, siya ay binibigyan Ko ng lubos na pag-aalaga; kapag ang tao ay sumusunod sa Akin, ang Aking puso ay payapa at agad Akong nakakaramdam ng malalaking pagbabago sa lahat ng bagay sa langit at lupa; kapag pinupuri Ako ng tao, paanong hindi Ko iyon magugustuhan? Kapag ang tao ay sinasaksihan Ako sumasamo sa Akin, paanong hindi Ako maluluwalhatian? Maaari ba na ang sangkatauhan ay hindi Ko nasasakop at natutustusan? Kapag Ako ay hindi nagbigay ng tamang direksyon, ang mga tao ay tamad at hindi natitinag, at, sa Aking likuran, sila ay nakikiisa sa mga masamang gawain. Sa tingin mo ba ang katawang-tao, na siyang Aking ibinabalot sa Sarili Ko, ay hindi nakakaalam ng iyong mga gawa, iyong ugali, at iyong mga salita? Tiniis Ko nang maraming taon ang hangin at ulan, at naranasan Ko rin ang kapaitan ng mundo ng mga tao, ngunit sa pamamagitan ng masusing pagninilay, walang kabuuang halaga ng paghihirap ang maaaring makagawa sa makalamang katawang-tao na mawalan ng tiwala sa Akin, di hamak na maaaring ang kahit anong kabutihan ay magdulot sa katawang-tao na maging malayo, matamlay, o hindi masunurin sa Akin. Ang pag-ibig ba ng tao para sa Akin ay limitado lamang sa alinman sa walang hirap o walang sarap?

Mar 10, 2018

Ang Sandali ng Pagbabago (1) | Paano Nadadala ang mga Matatalinong Birhen?


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Sandali ng Pagbabago (1) | Paano Nadadala ang mga Matatalinong Birhen?

Sumusunod ang ilang tao sa salita ni Pablo tungkol sa paghihintay sa Panginoon para madala sa kaharian ng langit: “Sa isang sandali, sa isang kisap-mata: sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka’t tutunog ang papakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin.” (1Co 15:52). Naniniwala sila na kahit patuloy pa rin tayong nagkakasala nang hindi umaalpas sa pang-aalipin ng pagiging likas na makasalanan, agad babaguhin ng Panginoon ang ating imahe at dadalhin tayo sa kaharian ng langit pagdating Niya. May mga tao ring sumusunod sa salita ng Diyos na: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit ” (Mat 7:21). “… Kayo’y mangagpakabanal; sapagka’t ako’y banal” (1Pe 1:16). Naniniwala sila na ang mga taong patuloy pa ring nagkakasala ay malayo sa pagtatamo ng kabanalan at lubos na hindi nararapat na madala sa kaharian ng langit. Sa gayo’y isang kamangha-manghang pagtatalo ang nagsimula …. Kaya, anong klase ng mga tao ang nararapat iangat sa kaharian ng langit? Iniimbitahan ka naming panoorin ang maikling video na ito.
Rekomendasyon: Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Ang Tunay na Pagsasamahan

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tunay na Pagsasamahan

Fang Li    Lungsod ng Anyang, Probinsya ng Henan
    Kamakailan, naisip ko na ako’y nakapasok sa isang maayos na pagsasamahan. Ang kasama ko at ako ay maaaring talakayin ang anumang bagay, minsan sinabi ko pa sa kanya na punahin niya ang aking mga pagkukulang, at hindi kami kailanman nag-away, kaya akala ko na nakamtan namin ang isang maayos na pagsasamahan. Ngunit habang lumalabas ang mga katotohanan, ang isang tunay na maayos na pagsasamahan ay hindi tulad ng anumang bagay na aking inakala.

Peb 11, 2018

Bakit May Mga Pangalan ang Diyos, at Maari ba na ang Isang Pangalan ay Kumatawan sa Kabuuan ng Diyos?

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kabanata 2 Dapat Mong Malaman ang mga Katotohanan ng mga Pangalan ng Diyos

1. Bakit May Mga Pangalan ang Diyos, at Maari ba na ang Isang Pangalan ay Kumatawan sa Kabuuan ng Diyos?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

    Sa bawat kapanahunan at bawat yugto ng gawain, ang Aking pangalan ay hindi walang basehan, subalit pinanghahawakan ang kinakatawang kabuluhan: Bawat pangalan ay kumakatawan sa isang kapanahunan. Ang “Jehova” ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan, at ito ay pamitagan para sa Diyos na sinasamba ng bayan ng Israel. Ang “Jesus” ang kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya, at ito ang pangalan ng Diyos sa lahat ng tao na natubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Kung pinananabikan pa rin ng tao ang pagdating ni Jesus na Tagapagligtas sa panahon nang mga huling araw, at umaasa pa rin na Siya ay darating sa imahe na Kanyang dala sa Judea, samakatwid ang buong anim-na-libong-taon ng plano sa pamamahala ay titigil sa Kapanahunan ng Pagtubos, at magiging walang kakayanan na umunlad pa nang anumang karagdagan. Ang mga huling araw, bukod diyan, kailanman ay di-darating, at ang kapanahunan ay hindi madadala kailanman sa katapusan nito. Iyon ay dahil sa si Jesus na Tagapagligtas ay tanging para sa pagtubos at pagliligtas ng sangkatauhan. Inako Ko ang pangalang Jesus para sa kapakanan ng lahat ng mga makasalanan sa Kapanahunan ng Biyaya, at hindi ang pangalan na kung saan Aking dadalhin ang sangkatauhan sa isang katapusan. Bagaman si Jehova, Jesus, at ang Mesias ay lahat kumakatawan sa Aking Espiritu, ang mga pangalang ito ay nagpapahiwatig lamang ng iba-ibang mga kapanahunan sa Aking plano sa pamamahala, at hindi kumakatawan sa Akin sa Aking kabuuan. Ang mga pangalan na siyang itinatawag sa Akin ng mga tao sa lupa ay hindi maaaring ipaliwanag nang malinaw ang Aking buong disposisyon at ang lahat-lahat na Ako. Ang mga ito ay iba’t-ibang mga pangalan lamang na katawagan sa Akin sa iba’t-ibang kapanahunan. At sa gayon, kapag ang panghuling kapanahunan—ang kapanahunan ng mga huling araw—ay dumating, ang Aking pangalan ay magbabagong muli. Hindi na Ako tatawaging Jehova, o Jesus, higit na hindi Mesias, ngunit tatawaging ang Makapangyarihang Diyos Mismo, at sa ilalim ng pangalang ito, dadalhin Ko ang buong kapanahunan sa isang katapusan.
mula sa “Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap’”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan



Ene 11, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Ikalabing-walong Pagbigkas

kabanalan, Kidlat ng Silanganan, paggalang, pagkamatuwid

Ang Ikalabing-walong Pagbigkas


   Sa isang siklab ng kidlat, naibubunyag ang bawat hayop sa tunay na anyo nito. Gayundin naman, dahil sa paglilinaw ng Aking liwanag, nabawi ng sangkatauhan ang kabanalang dati minsan nilang tinaglay. O, na sa wakas ang tiwaling mundo ng nakaraan ay nabuwal tungo sa maruming tubig at, habang lumulubog pailalim, naglaho sa putikan! O, na sa wakas muling nabuhay sa liwanag ang buong sangkatauhan na Aking nilikha, nahanap ang pundasyon ng pag-iral, at tumigil sa pakikibaka sa putikan! O, ang mga hindi mabilang na nilikhang hawak Ko sa Aking mga kamay! Paanong hindi sila mapaninibago sa pamamagitan ng Aking mga salita? Paanong hindi nila magagampanan sa liwanag ang kanilang mga layunin? Hindi na payapa at tahimik ang mundo, hindi na mapanglaw at malungkot ang langit. Hindi na pinaghihiwalay ng isang puwang ang langit at lupa, nagkaisa na sila, at kailanman hindi na muling paghihiwalayin pa. Sa napakasayang pangyayaring ito, sa sandali ng pagbubunyi, ang Aking pagkamatuwid at ang Aking kabanalan ay umabot sa buong sansinukob, at walang humpay na pinupuri iyon ng buong sangkatauhan. Tumatawang may kagalakan ang mga bayan ng langit, at nagsasayawan ang mga kaharian ng lupa nang may kagalakan. Sino ang hindi nagagalak sa sandaling ito? At sino ang hindi umiiyak sa sandaling ito? Ang mundo sa una nitong kalagayan ay kabilang sa langit, at nakaugnay ang langit sa lupa. Ang tao ang nag-uugnay sa langit at lupa, at salamat sa kanyang kabanalan, salamat sa kanyang pagpapanibago, hindi na lingid sa lupa ang langit, at hindi na nananatiling tahimik ang lupa sa langit. Nababalot sa ngiti ng kasiyahan ang mga mukha ng sangkatauhan, at naitago sa kanilang mga puso ang isang tamis na walang hangganan. Hindi nakikipag-away ang tao sa kapwa tao, at hindi rin sila nakikipagdagukan sa isa’t isa. Sa Aking liwanag, mayroon bang namumuhay nang hindi matiwasay kasama ang iba? Sa Aking panahon, mayroon bang nagbibigay ng kahihiyan sa pangalan Ko? Nakatuon sa Akin ang magalang na pagtingin ng buong sangkatauhan, at lihim silang tumatawag sa Akin sa kanilang mga puso. Sinaliksik Ko ang bawat pagkilos ng sangkatauhan: Sa mga taong nalinis, walang hindi masunurin sa Akin, walang makapagbibigay ng paghatol sa Akin. Napupuspos ang lahat ng sangkatauhan sa Aking disposisyon. Nakikilala na Ako ng bawat tao, mas lumalapit sila sa Akin, at sinasamba nila Ako. Tumindig Ako sa espiritu ng tao, dinadakila Ako sa mata ng tao sa pinakamataas na tugatog, at dumadaloy ito sa dugo sa kanyang mga ugat. Pinupuno ng masayang pagbubunyi sa puso ng mga tao ang bawat lugar sa balat ng lupa, masigla at sariwa ang hangin, hindi na tinatalukbungan ng hamog ang lupa, at maningning ang sikat ng araw.

Ene 6, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Ikalabindalawang Pagbigkas

Cristo, Kaalaman, kabanalan, Kidlat ng Silanganan


Ang Ikalabindalawang Pagbigkas


   Kapag ang kidlat ay lumabas mula sa Silangan—na siyang tiyak ding sandali ng Aking pagbigkas—sa sandaling ang kidlat ay dumating, ang buong kalangitan ay magliliwanag, at ang lahat ng mga bituin ay nagsisimulang mag ibang anyo. Ito ay tila bang ang buong sangkatauhan ay sumailalim sa isang angkop na paglilinis at paghihiwalay. Sa ilalim ng liwanag nitong katawan ng ilaw mula sa Silangan, ang buong sangkatauhan ay nabunyag sa kanilang totoong anyo, ang mga mata ay nasilaw, natigil sa pagkalito; iilan pa rin sa mga ito ang makapagtatago ng kanilang pangit na mga katangian. Muli, sila ay tulad ng mga hayop na tumatakas mula sa Aking liwanag upang kumubli sa mga kuweba ng kabundukan; ngunit, wala kahit isa sa mga ito ang maaaring mapawi mula sa loob ng Aking liwanag. Ang lahat ng tao’y napapaloob sa mahigpit na pagkakahawak ng takot at pagka-alarma, ang lahat ay naghihintay, ang lahat ay nanonood; sa pagdating ng Aking liwanag, ang lahat ay nagalak sa araw ng kanilang pagsilang, at gayon din ang lahat ay isinusumpa ang araw ng kanilang kapanganakan. Ang mga magkahalong damdamin ay imposibleng masabi; ang mga luha ng pagpaparusa sa sarili ay bumubuo ng ilog, at dinadala palayo sa malawak na dagsa ng tubig, nawawala nang walang bakas sa isang kislap. Muli, ang Aking araw ay lumalapit na sa sangkatauhan, at muling pinupukaw ang sangkatauhan, na nagbibigay sa mga tao ng isang punto mula sa kung saan bubuo ng bagong simulain. Ang puso Ko ay tumitibok at, sumusunod sa mga indayog ng Aking tibok ng puso, ang mga bundok ay lumulundag sa kagalakan, ang mga tubig ay sumayaw sa kagalakan, at ang mga alon, sumusunod sa oras, humahampas sa batuhan. Mahirap ipahayag kung ano ang nasa Aking puso. Nais Kong sunugin ang lahat ng maruruming mga bagay hanggang maging abo sa ilalim ng Aking mga titig, Nais Ko na lahat ng mga anak ng pagsuway ay mawala mula sa Aking harapan, hindi na kailanman pa bumalik sa pag-iral. Hindi lamang Ako gumawa ng isang bagong panimula sa tirahan ng malaking pulang dragon, ako rin ay pumasok sa bagong gawain sa sansinukob. 'Di magtatagal ang mga kaharian sa lupa ay magiging Aking kaharian; 'di magtatagal ang mga kaharian sa lupa ay magpakailanmang titigil sa pag-iral dahil sa Aking kaharian, dahil Aking nakamit ang tagumpay, sapagka’t Ako ay bumalik nang matagumpay. Inubos ng malaking pulang dragon ang bawat maiisip na paraan upang sirain ang Aking plano, umaasang mabura ang Aking gawa sa ibabaw ng lupa, ngunit maaari ba Akong mawalan ng pag-asa dahil sa kanyang mga pandaraya? Dapat ba Akong matakot sa pagkawala ng tiwala sa pamamagitan ng mga banta nito? Kailanman walang kahit isang nilalang saan man sa langit o sa lupa ang hindi Ko hawak sa Aking palad; gaano pa higit na totoo ito sa malaking pulang dragon, itong kagamitang ito na nagsisilbi bilang pagkakaiba sa Akin? Ito ba ay hindi rin isang bagay na pinapatakbo ng Aking mga kamay?

Dis 26, 2017

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Alaga ng Diyos ang bawat tao sa lahat ng paraan


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Alaga ng Diyos ang bawat tao sa lahat ng paraan

I
Kadakilaan, kabanalan, dakilang kapangyariha’t pag-ibig, mga detalye ng kakanyahan at disposisyon ng Diyos naibubunyag sa tuwing Siya’y nagpapatupad ng Kanyang gawain, nakita sa Kanyang kalooban para sa tao, natupad sa buhay ng sangkatauhan.

Dis 24, 2017

Cristo, kabanalan, katotohanan, Paghatol


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang tinig ng Diyos | Isinasagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan

    Ang gawain sa mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagkat ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay dumating na. Dadalhin ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang katapusan, sa panahon ng Diyos Mismo. Gayunman, bago dumating ang panahon ng Diyos Mismo, ang gawain na ninanais gawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa mga buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagkat dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa Kanyang luklukan. Lahat ng mga nagsisunod sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa luklukan ng Diyos, kaya lahat ng tatanggap sa huling gawain ng Diyos ang siyang dadalisayin ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tatanggap sa huling gawain ng Diyos ang siyang hahatulan ng Diyos.

Dis 21, 2017

Pelikula ng Ebanghelyo (Tagalog) | Ang Sandali ng Pagbabago


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos| Pelikula ng Ebanghelyo (Tagalog) | Ang Sandali ng Pagbabago

Panimula

Si Su Mingyue ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia sa mainland China. Sa paglipas ng mga taon, naging tapat na lingkod siya ng Panginoon na nagpipilit mangaral para sa Panginoon at magpasan ng pasanin ng gawain para sa iglesia. Sumusunod siya sa salita ni Pablo sa Biblia, dama na sapat na ang manalig sa Panginoon para matawag na matuwid at maligtas sa pamamagitan ng biyaya. Kahit patuloy pa ring nagkakasala ang tao, napatawad na ng Panginoon ang kanyang mga kasalanan, agad babaguhin ang kanyang imahe para maging banal at iaangat siya sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon. Gayunman, sa nagdaang mga taon, lubhang naging mapanglaw ang iglesia, naging negatibo at mahina ang lahat ng nananalig, nanlamig ang kanilang pananampalataya at pagmamahal. Ang ilang mga katrabaho ay sumusunod sa salita ng Panginoon: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.” Pinagdududahan nila ang paniwala na “Pagdating ng Panginoon, agad Niyang babaguhin ang imahe ng tao at iaangat siya sa kaharian ng langit.” Nadarama nila na dahil patuloy pa rin tayong nagkakasala, hindi pa rin natin natatamo ang kabanalan at sinusuway natin ang kalooban ng Diyos, tayo maiaangat sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon? Matapos makipag-usap at makipagtalo, nadarama ni Su Mingyue na, may ilang kontradiksyon sa pagitan ng salita ng Panginoon at ng ideya ni Pablo na agad babaguhin ang imahe ng tao pagdating ng Panginoon. Aling ideya ba naman ang tama? Problemado at nalilito ang puso ni Su Mingyue. Para makakita ng isang iglesia na may gawain ng Banal na Espiritu upang lutasin ang kanyang praktikal na pagkalito, para hindi siya pabayaan ng Panginoon, nagpasiya si Su Mingyue na pag-aralan ang Kidlat ng Silanganan. Sa pakikipagtalo at pakikipag-usap sa mga mangangaral ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, sa huli ay naunawaan ni Su Mingyue at ng iba ang tanging landas papasok sa kaharian ng langit …

Dis 17, 2017

Awit ng Papuri | Lahat ng Tao’y Nabubuhay sa Liwanag ng Diyos

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Lahat ng Tao’y Nabubuhay sa Liwanag ng Diyos

Ngayon, sa tuwa, kabanalan at pagkamatuwid ng Diyos
ay lumalaganap sa sansinukob
at dinadakila sa gitna ng lahat ng sangkatauhan.
Siyudad ng kalangita’y tumatawa,
sumasayaw kaharian sa lupa.
Sinong di magagalak? Sinong di maluluha?
Mga tao’y walang alitan;
hindi nila ipinapahiya ang pangalan ng Diyos,
nabubuhay nang payapa sa liwanag Niya.

Dis 8, 2017

Ang Layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos

Ang Diyos ay may 6,000-taong plano ng pamamahala,
nahati sa tatlong yugto na tinawag na kapanahunan.
Una’y Kapanahunan ng Kautusan, saka Kapanahunan ng Biyaya,