菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Espiritu. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Espiritu. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 29, 2018

Full Tagalog Christian Movie | "Napakagandang Tinig" The Word of the Holy Spirit to the Churches


Full Tagalog Christian Movie | "Napakagandang Tinig" The Word of the Holy Spirit to the Churches (Tagalog Dubbed)

Isang mangangaral si Dong Jingxin sa isang bahay sambahan sa Tsina. Tatlumpung taon na siyang nananampalataya sa Panginoon, at minamahal ang katotohanan; madalas niyang binabasa ang mga salita ng Panginoon at hinihimok ng mga ito. Ipinagmamalaki niya ang kanyang sarili para sa Panginoon nang may sigasig.

Ago 25, 2018

Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao" (Ikalawang bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung ano ang ipinahahayag ng tao ay kung ano ang kanyang nakikita, nararanasan, at kayang maguni-guni. Kahit na ito ay mga turo o mga paniwala, lahat ng mga ito ay kayang abutin ng pag-iisip ng tao. Gaano man kalaki ang gawain ng tao, hindi ito lalampas sa sakop ng karanasan ng tao, kung ano ang nakikita ng tao, o kung ano ang maaaring maguni-guni o maisip ng tao. Kung ano ang ipinahahayag ng Diyos ay kung ano ang Diyos Mismo, at ito ay hindi kayang abutin ng tao, ibig sabihin, lampas sa pag-iisip ng tao."

Ago 22, 2018

Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos

Biblia, langit, Espiritu, Karanasan, langit

    Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Karamihan sa mga tao ay nalilito sa tanong na ito. Sila ay palaging may dalawang lubos na magkaibang pananaw tungkol sa praktikal na Diyos at sa Diyos na nasa langit, nagpapakita na sila ay naniniwala sa Diyos hindi para tumalima, nguni’t para makatanggap ng ilang mga pakinabang, o para makatakas sa paghihirap ng kapahamakan. Saka lamang sila medyo tumatalima, subali’t ang kanilang pagtalima ay may kundisyon, ito ay para sa kapakanan ng kanilang mga sariling adhikain, at ipinilit sa kanila. Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Kung ito ay para lamang sa kapakanan ng iyong mga adhikain, at iyong tadhana, mas mabuti pang huwag ka na lamang maniwala. Ang paniniwalang tulad nito ay panlilinlang-sa-sarili, paniniguro-sa-sarili, at pagpapahalaga-sa-sarili. Kung ang iyong pananampalataya ay hindi naitatag sa saligan ng pagtalima sa Diyos, sa kasukdulan ikaw ay parurusahan dahil sa iyong pagsalungat sa Diyos. Silang lahat na hindi hinahanap ang pagtalima sa Diyos sa kanilang pananampalataya ay sumasalungat sa Diyos. Hinihingi ng Diyos na hanapin ng mga tao ang katotohanan, na mauhaw sila sa mga salita ng Diyos, at kainin at inumin nila ang mga salita ng Diyos, at ito ay kanilang isagawa, upang makamit nila ang pagtalima sa Diyos. Kung ang iyong mga dahilan ay totoong ganoon, siguradong itatanghal ka ng Diyos, at tiyak na magiging mapagpala Siya tungo sa iyo. Walang sinuman ang kayang pagdudahan ito, at walang makapagbabago nito. Kung ang iyong mga adhikain ay hindi para sa kapakanan ng pagtalima sa Diyos, at mayroon kang ibang mga layunin, kung gayon ang lahat ng iyong sinasabi at ginagawa—ang iyong mga dasal sa harapan ng Diyos, at kahit ang bawa’t kilos mo—ay magiging pagsalungat sa Diyos. Maaaring ikaw ay may malumanay na pananalita at marahang pag-uugali, ang bawa’t kilos mo at pagpapahayag ay maaaring tama kung tingnan, maaaring lumilitaw ka bilang isa na tumatalima, subali’t pagdating sa iyong mga adhikain at mga pananaw tungkol sa pananampalataya sa Diyos, lahat ng iyong ginagawa ay pagsalungat sa Diyos, at masama. Ang mga taong nagpapakita na parang tumatalima gaya ng tupa, subali’t ang mga puso ay nagkakandili ng mga masasamang hangarin, ay mga lobo na nakadamit-tupa, sila ay direktang nagkakasala sa Diyos, at ang Diyos ay walang ititira kahit isa sa kanila. Ang Banal na Espiritu ang siyang magbubunyag sa bawa’t isa sa kanila, upang makita ng lahat na ang bawa’t isa sa kanila na mapagkunwari ay siguradong kamumuhian at itatakwil ng Banal na Espiritu. Huwag mag-alala: Ang Diyos ang siyang makikitungo at magpapasya sa kanila nang isa-isa.

Ago 16, 2018

Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod

Cristo, Espiritu, Karanasan, salita ng Diyos, Diyos

   Mula pa sa simula ng Kanyang gawain sa buong sansinukob, ang Diyos ay nagtalaga na ng maraming tao upang paglingkuran Siya, kabilang ang mga tao mula sa iba’t ibang uri ng pamumuhay. Ang Kanyang layunin ay tuparin ang Kanyang sariling kalooban at tiyaking ang Kanyang gawain sa daigdig ay nadadala sa maayos na kaganapan. Ito ang layunin ng Diyos sa pagpili ng mga tao na maglilingkod sa Kanya. Ang bawat tao na naglilingkod sa Diyos ay dapat nauunawaan ang kaloobang ito ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang gawaing ito, mas mahusay na nakikita ng mga tao ang karunungan ng Diyos at pagka-makapangyarihan ng Diyos, at nakikita ang mga prinsipyo ng Kanyang gawain sa daigdig. Ang Diyos ay tunay na dumarating sa daigdig upang gawin ang Kanyang gawain, nakikipag-ugnayan sa mga tao, upang mas malinaw nilang malaman ang Kanyang mga gawa. Ngayon, itong grupo ninyo ay mapalad na naglilingkod sa praktikal na Diyos. Ito ay hindi mabilang na pagpapala para sa inyo. Sa katotohanan, ang Diyos ang nagtataas sa inyo. Sa pagpili ng isang tao na maglilingkod sa Kanya, ang Diyos ay laging may sariling mga prinsipyo. Ang paglilingkod sa Diyos, gaya ng iniisip ng mga tao, ay tunay na hindi lamang isang simpleng bagay ng labis na kagustuhan. Ngayon nakikita ninyo kung paano ang sinumang naglilingkod sa Diyos sa Kanyang presensiya ay ginagawa ito sa patnubay ng Diyos at gawa ng Banal na Espiritu; sila ang naghahanap ng katotohanan. Ang mga ito ang pinakamababang kinakailangan na dapat taglayin ng lahat ng naglilingkod sa Diyos.

Ago 12, 2018

Tagalog Christian Music Video | "Hinahanap Ng Diyos ang Iyong Puso at Iyong Espiritu"


I
Taong nilisan tustos-buhay mula sa Makapangyarihan
di alam ba't umiiral, nguni't takot sa kamatayan.
Walang suporta at tulong,
ngunit nag-aatubili pa ring ipikit kanilang mga mata,
sinusuong ang lahat,
inilalantad walang dangal na buhay sa mundo
sa katawang kaluluwa ay walang malay.
Buhay nang walang pag-asa't layunin.
Ang Tanging Banal lamang ang nasa alamat,
ang Tanging Banal lamang ang nasa alamat
na magliligtas sa nagdurusa
at naghahangad ng Kanyang pagdating.
Sa taong walang-malay,
paniwalang ito'y di pa matatanto hanggang ngayon.
Gayunman, tao'y hangad pa rin ito, hangad ito.

Ago 9, 2018

Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi X Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay (IV) (Pagpapatuloy ng Unang Bahagi)


Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi X Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay (IV) (Pagpapatuloy ng Unang Bahagi)


   Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
1. Paano Pinamamahalaan at Pinangangasiwaan ng Diyos ang Espirituwal na Mundo
1) Ang Pag-inog ng Buhay at Kamatayan ng Mga Taong Hindi Sumasampalataya



Hul 28, 2018

Huwag Magtuon sa Biblia: Dumalo sa Piging ng Kaharian ng Langit sa Piling ng Panginoon


  Pakiramdam ng maraming sumasampalataya sa Panginoon ay nasa Biblia ang lahat ng salita at gawain ng Diyos, na ganap na ang pagliligtas ng Diyos ayon sa nakasaad sa Biblia, na kailangang ibatay sa Biblia ang pananampalataya sa Diyos at na kung nakabatay sa Biblia ang ating pananampalataya sa Diyos, siguradong madadala tayo sa kaharian ng langit. Ang mga ideyang ito tungkol sa relihiyon ay di-nakikitang mga tali na matatag na gumagapos at nagpapakitid sa ating isip kaya hindi natin hinahanap ang gawain ng Banal na Espiritu at hindi matanggap ang kasalukuyang gawain ng Diyos. Kung gayo’y paano natin mauunawaan ang koneksyon ng Biblia sa Diyos at sa Kanyang gawain? Sabi ng Panginoong Jesus, "Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay" (Juan 5:39-40). Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Si Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng nananatili at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas na sa pamamagitan nito ay makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas sa pamamagitan niyao’y makikilala ng tao ang Diyos at upang masangayunan ng Diyos" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).  Sa pagtalikod lang sa Biblia tayo makakaharap sa Diyos at makakatanggap ng Kanyang pagliligtas at makakadalo sa piging ng kaharian ng langit sa piling Niya.

Hul 23, 2018

Cristianong Musikang Video | Lahat ng Bansa at Lahat ng Bayan Purihin ang Makapangyarihang Diyos


Ang Diyos na nagkatawang tao ay Diyos na Makapangyarihan, 
nagpapalabas ng katotohanan tao’y dinadalisay at hinahatulan.
Ngayo’y nanaig ang Diyos mula sa impluwensiya ni Satanas, 
nanlupig at nagkamit ng bayan.
Pinupuri namin ang Diyos, Marunong at Makapangyarihan, 
si Satanas ay talunan.
Purihin ang Diyos na may matuwid na kalooban, 
nabunyag nang lubusan.
Lahat ay purihin ang Diyos na Makapangyarihan, 
Diyos na kaibig-ibig at praktikal.
Pinupuri namin ang Diyos na mapagpakumbaba’t 
nakatago’t talagang kamahal-mahal.
Purihin Ka, Diyos na Makapangyarihan (Purihin ang Diyos)! 
Ang lahat ay purihin Ka (purihin Ka)!
Purihin Ka, Diyos na Makapangyarihan! Ang lahat ay purihin Ka!

Ago 30, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos | Ang Ikalabing-anim na Pahayag

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, , Jesus,

Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos | Ang Ikalabing-anim na Pahayag

   Marami Akong gustong sabihin sa tao, napakaraming bagay na kailangan Kong sabihin sa kanya. Ngunit kulang ang kakayahan ng tao na tanggapin ito: Hindi niya kayang unawain nang lubos ang Aking salita ayon sa Aking hinahayag, at isang aspeto lamang ang kanyang nauunawaan ngunit walang nalalaman sa iba. Ngunit hindi Ko pinarusahan ang tao ng kamatayan dahil sa kawalan niya ng kapangyarihan, ni hindi Ako naagrabyado sa kanyang kahinaan. Ginagawa Ko lamang ang Aking trabaho, at nagsasalita gaya ng lagi Kong ginagawa, kahit na hindi nauunawaan ng tao ang Aking kalooban; kapag dumating na ang araw, makikilala Ako ng mga tao sa kaibuturan ng kanilang mga puso, at maaalala nila Ako sa kanilang mga isipan. Kapag umalis na Ako sa mundong ito, eksaktong aakyat Ako sa trono sa puso ng tao, ibig sabihin, ito ang panahon na makikilala Ako ng lahat ng mga tao.

Ago 20, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tinuturing ng Diyos ang Tao Bilang Kanyang Pinakamamahal


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tinuturing ng Diyos ang Tao Bilang Kanyang Pinakamamahal

Nilikha ng Diyos ang tao;
naging masama man ito o sumunod man sa Kanya,
Itinatanging nilikha,
pinakamamahal pa rin ng Diyos.
Ang tao'y 'di laruan para sa Kanya.

Ago 14, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos | Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon) Ang Ikapitong Pagbigkas

Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Jesus, ang kordero,

Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos | Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon) Ang Ikapitong Pagbigkas

     
   Ang lahat ng mga sangay sa kanluran ay dapat makinig sa Aking tinig:

    Sa nakaraan, naging tapat ba kayo sa Akin? Sinunod ba ninyo ang Aking napakahusay na mga salita ng payo? May mga pag-asa ba kayong makatotohanan at hindi malabo at walang katiyakan? Ang katapatan, pag-ibig, at pananampalataya ng tao—walang iba maliban sa nagmumula sa Akin, maliban sa mga ipinagkaloob Ko. Bayan Ko, kapag nakikinig kayo sa Aking mga salita, nauunawaan ba ninyo ang Aking kalooban? Nakikita ba ninyo ang puso Ko? Sa nakaraan, habang naglalakbay kayo sa daan ng paglilingkod, naranasan ninyo ang mga tagumpay at kabiguan, ang mga pagsulong at mga kabiguan, at may mga panahong nanganib kayong bumagsak at maging sa puntong Ako ay inyong pagtaksilan; ngunit alam ba ninyong sa bawat sandali, nakahanda Akong laging iligtas kayo? Na sa bawat sandali, lagi Kong binibigkas ang Aking tinig upang tawagin at iligtas kayo? Ilang beses na kayong nahulog sa bitag ni Satanas? Ilang beses na kayong nahuli sa mga patibong ng tao? At muli, gaano kayo kadalas mapasama sa walang katapusang pakikipagtalo sa isa’t isa, dahil nabigo kayong palayain ang inyong sarili? Gaano kadalas pumunta ang inyong mga katawan sa Aking tahanan ngunit ang inyong puso, walang nakakaalam kung nasaan? Gayon pa man, ilang beses Kong iniabot ang Aking mapagligtas na kamay upang itayo kayo; ilang beses Kong isinaboy sa inyo ang mga butil ng kaawaan; ilang beses na hindi Ko matiis na makita ang kaawa-awang kalagayan ng inyong paghihirap? Ilang beses … hindi ba ninyo alam?

Ago 12, 2017

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | "Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?" (Tagalog Dubbed)


Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | "Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?" (Tagalog Dubbed)


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. alagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos. 

Rekomendasyon: 

Ang Gawain sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Gawain Din ng Pagliligtas sa Sangkatauhan






Ago 9, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon) Ang Ikalimang Pagbigkas

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Cristo, Jesus,  buhay

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon) Ang Ikalimang Pagbigkas

Kapag ang Aking Espiritu ay nagsasalita, ipinapahayag nito ang Aking buong disposisyon. Malinaw na ba sa inyo ito? Ang pagiging malabo sa puntong ito ay katumbas ng pagtutol sa Akin nang deretsahan. Tunay ba ninyong nakikita ang kahalagahang ito? Alam ba talaga ninyo kung gaano kalaking pagsisikap, kung gaano kasigasig, ang Aking iginugol sa inyo? Talaga bang nangangahas kayong ilantad ang ginawa ninyo sa harap Ko? At mayroon pa kayong lakas ng loob na tawagin ang inyong mga sarili na mga tao Ko sa harap ng Aking mukha—wala kayong nadaramang kahihiyan, lalong walang dahilan! Sa malao’t madali, ang mga taong ganito ay paaalisin mula sa Aking tahanan. Huwag kang lumapit bilang matandang sundalo sa Akin, iniisip na tumayo ka para sa Aking patotoo! Isa ba itong bagay na kayang gawin ng sangkatauhan? Kung walang natitira sa iyong mga intensyon at mga layunin, sana’y matagal ka nang nagtungo sa ibang landas. Iniisip mo ba na hindi Ko alam kung gaano karami ang kayang hawakan ng puso ng tao? Simula sa oras na ito, sa lahat ng mga bagay ay kailangan mong pumasok sa katotohanan ng pagsasagawa; ang bastang pagdadaldal, katulad ng iyong nakasanayang gawin, ay hindi na uubra.