菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kidlat ng Silanganan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kidlat ng Silanganan. Ipakita ang lahat ng mga post

May 23, 2018

Trailer ng Dokumentaryong "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" | Pagsisiyasat sa mga Hiwaga ng Buhay


Abo sa Abo, Alabok sa Alabok
Walang hindi magkakasakit at mamamatay.
Walang makakapagbago sa mga batas ng pagtanda at pagkakasakit.
“Bakit tayo nabubuhay?
At bakit kailangan nating mamatay?
Sino ang namamahala sa mundong ito?”
Rekomendasyon:
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Ang pinagmulan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal
Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa

May 21, 2018

Ang Totoong Motibo sa Paninirang-puri at Paghatol ng CCP sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


      Alam ng lahat ng nananalig sa Panginoon na kung hindi sa pagpapakita at gawain ng Panginoong Jesus, walang mananalig o sumusunod sa Panginoon. Bukod pa rito, hindi sana nagkaroon ng Kristiyanismo—gaano man katalino ang mga apostol, hindi maaaring sila ang lumikha sa iglesia. Gayundin, nabuo ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil lang sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw. Dahil iyan sa nagpahayag ng maraming katotohanan ang Makapangyarihang Diyos at nagsibalik ang mga tao sa Diyos matapos marinig ang Kanyang tinig kaya nabuo ang iglesia. Pero sinisiraan ng gobyernong Chinese Communist ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at sinasabi na organisasyon ito ng tao. Ano ang kanilang masamang motibo?
Rekomendasyon:
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal
Paanong Lumitaw ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

May 12, 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | “Red Re-Education sa Bahay” | God Is My Strength and Power


Tagalog Christian Movie 2018 | “Red Re-Education sa Bahay” | God Is My Strength and Power


Si Zheng Yi ay isang Kristiyano. Nang marinig niya ang tungkol sa malupit na pang-uusig ng pamahalaang CCP sa Kidlat ng Silanganan at ang pag-aresto sa mga Kristiyano noong nagtatrabaho siya sa Estados Unidos, nag-isip-isip siya, “Ang CCP ay isang partidong ateista, isang makademonyong rehimen na pinakamatinding kalaban ng Diyos. Sa kabila ng sumisiklab na pang-uusig at panunupil ng CCP, lalo pa ring naging maunlad ang Kidlat ng Silanganan. Malamang ay ito ang tunay na daan.” Kaya sinuri niya ang Kidlat ng Silanganan sa website ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Natuklasan niya na ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at tinig ng Diyos. Naipasiya niya na ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Kaya agad niyang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Makalipas ang apat na taon, bumalik si Zheng Yi sa China at ipinasa ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa kanyang kapatid na si Zheng Rui, isang mamamahayag ng balita. 

May 9, 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | Babagsak ang Lungsod (Trailer)



Tagalog Christian Movie 2018 | Babagsak ang Lungsod (Trailer)


Ang Kristiyanong si Cheng Huize ay isang kapanalig sa isang bahay-iglesia sa China.

Abr 17, 2018

Salita ng Diyos | Interpretasyon ng Ikalabindalawang Pagbigkas

Interpretasyon ng Ikalabindalawang Pagbigkas

    Kapag nakikinig ang lahat ng mga tao, kapag napapanibago at napapanumbalik ang lahat ng mga bagay, kapag nagpapasakop sa Diyos nang walang kundisyon ang bawa’t tao, at handang balikatin ang mabigat na pananagutan ng pasanin ng Diyos—ito ang kung kailan lumalabas ang kidlat-silanganan, tinatanglawan lahat mula Silangan hanggang Kanluran, sinisindak ang buong lupa sa pagdating nitong liwanag; at sa sandaling ito, muling sinisimulan ng Diyos ang Kanyang bagong buhay. Ibig sabihin, sa sandaling ito nagsisimula ang Diyos ng bagong gawain sa lupa, ipinahahayag sa mga tao ng buong sansinukob na “Kapag ang kidlat ay lumabas mula sa Silangan—na siyang tiyak ding sandali ng Aking pagbigkas—sa sandaling ang kidlat ay dumating, ang buong kalangitan ay magliliwanag, at ang lahat ng mga bituin ay nagsisimulang mag ibang anyo.” Kaya, kailan ang oras na lumalabas ang kidlat mula sa Silangan? Kapag nagdidilim ang kalangitan at lumalamlam ang lupa iyon din ang kung kailan itinatago ng Diyos ang Kanyang mukha mula sa mundo, at ang mismong sandali na malapit nang maligalig ang lahat sa ilalim ng kalangitan ng malakas na bagyo. Sa oras na ito, natataranta ang lahat ng tao, nangatatakot sa kulog, natatakot sa kislap ng kidlat, at lalo pang nasisindak sa pagdaluhong ng delubyo, anupa’t nagpipikit ng kanilang mga mata ang karamihan sa kanila at naghihintay na ilabas ng Diyos ang Kanyang poot at pabagsakin sila. At habang nagaganap ang iba’t ibang mga kalagayan, agad na lumalabas ang kidlat-silanganan. Na ibig sabihin, sa Silangan ng daigdig, na pinagsisimulan ng patotoo sa Diyos Mismo, kung kailan Siya nagsisimulang gumawa, kung kailan nagsisimulang ilapat ng pagka-Diyos ang soberanong kapangyarihan sa buong lupa—ito ang kumikinang na silahis ng kidlat-silanganan, na sumisinag kailanman sa buong sansinukob. Kapag naging kaharian ni Kristo ang mga bansa sa lupa iyon ang kung kailan paliliwanagin ang buong sansinukob. Ngayon ang panahon kung kailan lumalabas ang kidlat-silanganan: Nagsisimulang gumawa ang Diyos na nagkatawang-tao, at, higit pa rito, nagsasalita nang direkta sa pagka-Diyos. Masasabing kapag lumalabas ang kidlat-silanganan ang kung kailan nagsisimulang magsalita ang Diyos sa lupa. Mas tiyak, kapag dumadaloy mula sa trono ang buháy na tubig—kapag nagsisimula ang mga pagbigkas mula sa trono—ay eksaktong kung kailan tiyak na nagsisimula nang pormal ang mga pagbigkas ng Espiritung maka-pitong-ulit. Sa oras na ito, nagsisimulang lumabas ang kidlat-silanganan, at dahil sa pagkakaiba sa oras, nagkakaiba-iba rin ang antas ng pagliliwanag, at mayroon ding limitasyon sa saklaw ng kaningningan. Nguni’t habang kumikilos ang gawain ng Diyos, habang nagbabago ang Kaniyang plano—habang nagiiba-iba ang gawain sa mga anak at ng mga tao ng Diyos—lalong ginaganap ng kidlat ang likas na tungkulin nito, anupa’t nililiwanagan ang lahat sa buong sansinukob, at walang nananatiling latak o linab. Ito ang pagbubuu-buo ng 6,000-taong planong pamamahala ng Diyos, at ang talagang bunga na tinatamasa ng Diyos. Hindi tumutukoy sa mga bituin sa kalangitan ang “mga bituin”, kundi sa lahat ng mga anak at mga tao ng Diyos na gumagawa para sa Diyos. Dahil nagpapatotoo sila sa Diyos sa kaharian ng Diyos, at kinakatawan ang Diyos sa kaharian ng Diyos, at dahil mga nilalang sila, tinatawag silang “mga bituin.” Tumutukoy sa mga pagbabago sa pagkakakilanlan at katayuan ang mga pagbabagong nagaganap: Nagbabago sila mula sa mga tao sa lupa tungo sa mga tao ng kaharian, at, higit pa, kasama nila ang Diyos, at nasa kanila ang kaluwalhatian ng Diyos. Dahil dito, humahawak sila ng soberanyang kapangyarihan na kahalili ng Diyos, at nalilinis ang kamandag at mga dumi sa mga ito dahil sa gawain ng Diyos, sa kahuli-hulihan ay ginagawang angkop para sa paggamit ng Diyos at naaayon sa puso ng Diyos—na isang aspeto ng kahulugan ng mga salitang ito. Kapag nililiwanagan ng silahis ng liwanag mula sa Diyos ang buong lupain, magbabago sa magkakaibang antas ang lahat ng mga bagay sa langit at sa lupa, at magbabago rin ang mga bituin sa langit, magpapanibago ang araw at ang buwan, at kasunod na magpapanibago ang mga tao sa lupa—na siyang kabuuan ng lahat ng mga gawaing nagawa ng Diyos sa pag-itan ng langit at lupa, at hindi kataka-taka.

Abr 15, 2018

Tagalog Christian Movie | Ang Misteryo ng Kabanalan (Trailer)


Tagalog Christian Movie | Ang Misteryo ng Kabanalan (Trailer)

Si Lin Bo’en ay isang elder noon sa isang bahay na iglesia sa China. Sa lahat ng kanyang mga taon bilang isang mananampalataya, ikinarangal niya ang magdusa para sa Panginoon, at pinahalagahan ang kaalaman at pagkakamit ng Panginoong Jesucristo nang higit sa anupaman sa mundo. Isang nakatadhanang araw, lumabas siya upang mangaral at may narinig na nakabibiglang balita: Ang Panginoong Jesus ay nagbalik na sa katawang-tao, at Siya ang Cristo ng mga huling araw—Makapangyarihang Diyos! Naguluhan si Lin Bo’en. Sa pagbabalik ng Panginoon, Siya ay dapat bumaba sa mga ulap, kaya bakit Siya magkakatawang-tao Mismo at lihim na gagawin ang Kanyang gawain? Anong mga hiwaga ang nakatago sa likod ng pagkakatawang-tao ng Diyos? Kung totoong nagbalik na ang Panginoon, bakit hindi pa tayo dinala? … Nagkaroon ng isang matinding debate sa pagitan ni Lin Bo’en at ng kanyang mga kasamahang manggagawa at mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos … Mauunawaan ba nila sa wakas na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao?
Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal
Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Ang Pananalig sa Diyos ay Hindi Dapat Para Lamang sa Paghahanap ng Kapayapaan at mga Pagpapala.
Pananalig sa Diyos | Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kapareho sa Paniniwala sa Panginoon?

Abr 14, 2018

Tagalog Christian Movie | Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit (Trailer)


Tagalog Christian Movie | Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit (Trailer)

Si Song Ruiming ay pastor ng isang iglesia sa South Korea. Bilang isang tapat na alagad ng Panginoon sa loob ng maraming taon, masigla siyang sumasampalataya at naglilingkod sa Panginoon habang naghihintay na maitaas sa kaharian sa langit pagbalik ng Panginoon. Nitong nakaraang mga taon, litung-lito siya at nawawalan ng lakas kapag nakikita na wala sa iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu at nagiging lubhang malungkot. Noon niya narinig ang tungkol sa isang sektang tinatawag na Kidlat ng Silanganan na lumalabas sa China na nagpapatotoo sa pagbalik ng Panginoong Jesus—Makapangyarihang Diyos, na gumagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan. Kaya nga nagpunta si Song Ruiming at ang mangangaral na si Cui Cheng’en sa China para pag-aralan ang Kidlat ng Silanganan, kung saan binasa nila sa wakas ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nalaman nila na lahat ng salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, ang tinig ng Diyos! Malamang na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus! Gayunman, nang pinag-aaralan na nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ibinenta sila ng mga elder ng relihiyon na nagsuplong sa kanila sa mga pulis. Inaresto ang dalawa at ipinatapon ng mga pulis ng Chinese Communist. Sa South Korea naman, nasaktan at nalito si Song Ruiming. Patuloy siyang nag-isip ng mga paraan para makontak ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Isang araw, bigla niyang natuklasan ang Korean website ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Internet, batid na lumaganap na ang Kidlat ng Silanganan sa South Korea at nagtatag ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos! Masayang-masaya at tuwang-tuwa, hinikayat ni Song Ruiming na pag-aralan ng mga kapatid sa kanyang iglesia ang tunay na daan sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matibay ang paniniwala nila na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Masaya nilang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at natagpuan nila ang landas patungo sa kaharian ng langit. Sa huli ay may pagkakataon na rin siyang tuparin ang kanyang pinapangarap na kaharian sa langit.
Rekomendasyon:Ang Pananalig sa Diyos ay Hindi Dapat Para Lamang sa Paghahanap ng Kapayapaan at mga Pagpapala.
Tungkol sa Biblia

Ene 17, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas

 Kaligtasan, Kidlat ng Silanganan, maghanap, maghintay



Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas

    Namumuhay ang tao sa gitna ng liwanag, ngunit hindi niya batid ang kahalagahan ng liwanag. Siya ay ignorante sa substansya ng liwanag, at sa pinagmumulan ng liwanag, at, higit pa rito, kung sino ang nagmamay-ari nito. Nang ipinagkaloob Ko ang liwanag sa tao, Aking agarang sinusuri ang mga kondisyon sa gitna ng tao: Dahil sa liwanag, nagbabago ang lahat ng tao, at dumarami, at nakaalis sa kadiliman. Tinitingnan Ko ang bawat kanto ng sansinukob, at nakikita na ang mga bundok ay binabalot sa hamog, na ang tubig ay nagyeyelo sa gitna ng lamig, at iyon, ay dahil sa pagdating ng liwanag, tumitingin ang mga tao sa Silangan upang makadiskubre pa sila nang mas makahulugan—ngunit, ang mga tao ay nananatiling hindi maka-unawa ng malinaw na direksyon sa gitna ng maninipis na ulap. Dahil ang buong mundo ay nalulukuban ng hamog, kapag Ako ay tumitingin sa gitna ng mga ulap, ang Aking pag-iral ay hindi kailanman natutuklasan ng tao; naghahanap ang tao sa daigdig ng isang bagay, mukha siyang nangangalap, tila ninanais niya, na maghintay sa Aking pagdating—ngunit hindi niya alam ang Aking araw, at maaari lamang madalas tumingin sa kislap ng liwanag sa Silangan. Sa lahat ng sangkatauhan, hinahanap Ko ang mga tunay na nagnanais ng Aking sariling puso. Lumalakad Ako kasama ng lahat ng tao, at naninirahan sa lahat ng tao, ngunit ang tao ay ligtas at matiwasay sa lupa, at kaya’t walang tunay na nagnanais sa Aking puso. Hindi alam ng mga tao kung paano magmalasakit sa Aking nais, hindi nila nakikita ang Aking mga pagkilos, at hindi sila makihalubilo sa liwanag at mailawan ng liwanag. Kahit na palaging pinapahalagahan ng tao ang Aking mga salita, siya ay walang kakayahang mabatid ang panglilinlang ni Satanas; dahil ang tayog ng tao ay masyadong maliit, hindi niya kayang gawin kung ano ang nais ng kanyang puso. Hindi Ako kailanman tunay na minahal ng tao. Kapag itinataas Ko siya, pakiramdam niya ay hindi siya karapat-dapat, ngunit hindi nito nagawa na subukin niyang pasayahin Ako. Basta hinahawakan lang niya ang katayuan na Aking ibinigay sa kanyang mga kamay at sinusuri ito; walang pakiramdam sa Aking pagkamasuyuin, sa halip nagpupumilit siyang nagpapakabundat sa kanyang sarili sa mga pagpapala ng kanyang katayuan. Ito ba ay hindi kakulangan ng tao? Kapag gumalaw ang mga bundok, maaari bang umiwas ang mga ito para sa kapakanan ng iyong katayuan? Kapag umagos ang tubig, maaari bang huminto ang mga ito sa harap ng iyong katayuan? Mababaligtad ba ang langit at lupa ng iyong katayuan? Ako ay minsang naging maawain sa tao, paulit-ulit—ngunit walang sinumang nagmamahal o nagpapahalaga rito, pinakinggan lang nila ito bilang isang kuwento, o binasa ito bilang isang nobela. Ang Aking bang mga salita ay hindi talaga nakakaantig sa puso ng tao? Ang Aking bang mga binibigkas ay tunay na walang epekto? Maaari bang walang sinuman ang naniniwala sa Aking pag-iral? Hindi mahal ng tao ang kanyang sarili; sa halip, siya ay nakikiisa kay Satanas upang lumaban sa Akin, at ginagamit si Satanas bilang isang “kapakinabangan” upang paglingkuran Ako. Ako ay susuong sa lahat ng mga mapanlinlang na balak ni Satanas, at pipigilan ang mga tao sa lupa na tanggapin ang panlilinlang ni Satanas, upang hindi sila manlaban sa Akin dahil sa pag-iral ni Satanas.

Ene 14, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas

Kaalaman, Kidlat ng Silanganan, pananampalataya, tumalima


Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas

    
    Ito ay marapat na pinagkakaabalahan ng sangkatauhan na kunin ang mga salita Ko bilang ang batayan ng kanyang pananatiling buhay. Dapat itatag ng tao ang indibidwal niyang kabahagi sa bawat isang bahagi ng mga salita Ko; ang hindi paggawa nito ay paghingi ng suliranin, paghahanap ng sarili niyang pagkawasak. Hindi Ako kilala ng sangkatauhan, at dahil dito, sa halip na dalhin niya ang kanyang buhay sa Akin upang ihandog bilang kapalit, ang tanging ginagawa niya ay pumarada sa harapan Ko na mayroong basura sa kanyang mga kamay, sinusubukang sa pamamagitan niyaon ay bigyan Ako ng kasiyahan. Ngunit, malayo sa pagkakaroon ng kasiyahan sa mga bagay na tulad ng mga ito, patuloy Ako sa paghingi sa sangkatauhan. Gusto Ko ang handog ng tao, nguni’t kinapopootan Ko ang kaniyang mga panghuhuthot. Ang puso ng lahat ng mga tao ay puno ng kasakiman; parang inalipin ng diyablo ang puso ng tao, at hindi makalaya ang tao at maihandog ang kanyang puso sa Akin. Kapag nagsasalita Ako, nakikinig ang tao sa Aking tinig nang may pamimitagan; nguni’t kapag tumigil Ako sa pagsasalita, nagsisimula siyang muli sa sarili niyang “pakikipagsapalaran” at ganap na humihinto sa pag-intindi sa mga salita Ko, na parang pandagdag lamang ang mga salita Ko sa kanyang pakikipagsapalaran. Kailanman hindi ako naging maluwag sa sangkatauhan, at gayunman naging lubhang-matiisin din ako at may magandang kalooban sa sangkatauhan. At sa gayon, dahil sa Aking pagiging mapagpahinuhod, naging napakahambog ang mga tao, walang kakayahang kilalanin ang sarili at magmuni-muni, at sinasamantala nila ang Aking pagkamatiisin upang linlangin Ako. Walang kahit isa sa kanila ang taos-pusong nagmamalasakit sa Akin, at wala ni isa man ang tunay na nagpapahalaga sa Akin bilang isang bagay na sinisinta ng kanyang puso; ibinibigay lamang nila sa Akin ang pilit nilang pagpansin tuwing wala silang ginagawa. Ang pagsisikap na ginugol Ko sa tao ay wala nang kapantay. Ginawa Ko na sa tao ang kauna-unahang uri ng gawain, at bukod dito, ibinigay Ko sa kanya ang isang karagdagang pasanin, upang sa ganoon, mula sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako, maaaring matuto ang tao at magbago. Hindi Ko hinihingi na maging isang tagagamit lamang ang tao, nguni’t hinihingi sa kanya na maging tagagawa na may kakayahang talunin si Satanas. Kahit na maaaring wala akong hinihinging kahit ano sa tao, gayunman may mga pamantayan Ako para sa mga kahilingan Ko, sapagka’t may layunin Ako sa ginagawa Ko, at may mga prinsipyong alinsunod sa hakbang Ko: Hindi Ako, gaya ng naguguni-guni ng mga tao, padaskul-daskol na naglalaro, at hindi Ko rin, sa sinasadyang pagbabagu-bago, nilikha ang mga kalangitan at lupa at ang napakaraming mga bagay na nilikha. Sa Aking paggawa, dapat may bagay na makikita ang tao, bagay na matatamo. Hindi niya dapat aksayahin ang tagsibol na kapanahunan ng kanyang kabataan, o tratuhin ang sarili niyang buhay na parang kasuotang basta hinayaang mapuno ng alikabok; sa halip, dapat bantayan niya nang mahigpit ang kanyang sarili, kumukuha mula sa Aking pagpapala upang matustusan ang sarili niyang kasiyahan, hanggang, para sa Aking kapakanan, hindi na siya makababalik tungo kay Satanas, at para sa Aking kapakanan maglulunsad siya ng isang pag-atake laban kay Satanas. Hindi ba napakadaling gaya nito ang hinihiling Ko sa tao?

Ene 11, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Ikalabing-walong Pagbigkas

kabanalan, Kidlat ng Silanganan, paggalang, pagkamatuwid

Ang Ikalabing-walong Pagbigkas


   Sa isang siklab ng kidlat, naibubunyag ang bawat hayop sa tunay na anyo nito. Gayundin naman, dahil sa paglilinaw ng Aking liwanag, nabawi ng sangkatauhan ang kabanalang dati minsan nilang tinaglay. O, na sa wakas ang tiwaling mundo ng nakaraan ay nabuwal tungo sa maruming tubig at, habang lumulubog pailalim, naglaho sa putikan! O, na sa wakas muling nabuhay sa liwanag ang buong sangkatauhan na Aking nilikha, nahanap ang pundasyon ng pag-iral, at tumigil sa pakikibaka sa putikan! O, ang mga hindi mabilang na nilikhang hawak Ko sa Aking mga kamay! Paanong hindi sila mapaninibago sa pamamagitan ng Aking mga salita? Paanong hindi nila magagampanan sa liwanag ang kanilang mga layunin? Hindi na payapa at tahimik ang mundo, hindi na mapanglaw at malungkot ang langit. Hindi na pinaghihiwalay ng isang puwang ang langit at lupa, nagkaisa na sila, at kailanman hindi na muling paghihiwalayin pa. Sa napakasayang pangyayaring ito, sa sandali ng pagbubunyi, ang Aking pagkamatuwid at ang Aking kabanalan ay umabot sa buong sansinukob, at walang humpay na pinupuri iyon ng buong sangkatauhan. Tumatawang may kagalakan ang mga bayan ng langit, at nagsasayawan ang mga kaharian ng lupa nang may kagalakan. Sino ang hindi nagagalak sa sandaling ito? At sino ang hindi umiiyak sa sandaling ito? Ang mundo sa una nitong kalagayan ay kabilang sa langit, at nakaugnay ang langit sa lupa. Ang tao ang nag-uugnay sa langit at lupa, at salamat sa kanyang kabanalan, salamat sa kanyang pagpapanibago, hindi na lingid sa lupa ang langit, at hindi na nananatiling tahimik ang lupa sa langit. Nababalot sa ngiti ng kasiyahan ang mga mukha ng sangkatauhan, at naitago sa kanilang mga puso ang isang tamis na walang hangganan. Hindi nakikipag-away ang tao sa kapwa tao, at hindi rin sila nakikipagdagukan sa isa’t isa. Sa Aking liwanag, mayroon bang namumuhay nang hindi matiwasay kasama ang iba? Sa Aking panahon, mayroon bang nagbibigay ng kahihiyan sa pangalan Ko? Nakatuon sa Akin ang magalang na pagtingin ng buong sangkatauhan, at lihim silang tumatawag sa Akin sa kanilang mga puso. Sinaliksik Ko ang bawat pagkilos ng sangkatauhan: Sa mga taong nalinis, walang hindi masunurin sa Akin, walang makapagbibigay ng paghatol sa Akin. Napupuspos ang lahat ng sangkatauhan sa Aking disposisyon. Nakikilala na Ako ng bawat tao, mas lumalapit sila sa Akin, at sinasamba nila Ako. Tumindig Ako sa espiritu ng tao, dinadakila Ako sa mata ng tao sa pinakamataas na tugatog, at dumadaloy ito sa dugo sa kanyang mga ugat. Pinupuno ng masayang pagbubunyi sa puso ng mga tao ang bawat lugar sa balat ng lupa, masigla at sariwa ang hangin, hindi na tinatalukbungan ng hamog ang lupa, at maningning ang sikat ng araw.

Ene 10, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikalabimpitong Pagbigkas

 Kaligtasan, Kidlat ng Silanganan, Pag-asa, Paghatol


Ang Ikalabimpitong Pagbigkas


   Umaalingawngaw ang Aking tinig tulad ng kulog na tumatanglaw sa apat na kwandrante at sa buong mundo, at sa kalagitnaan ng kulog at kidlat, pinababagsak ang sangkatauhan. Walang taong kailanman ang nanatiling matatag sa gitna ng kulog at kidlat: Karamihan ng mga tao ay nasisindak na halos mawalan ng isip sa pagdating ng Aking liwanag, hindi nila malaman kung ano ang gagawin. Nang nagsimulang magpakita ang bahagyang sinag ng liwanag sa Silangan, maraming tao ang biglaang napukaw mula sa kanilang mga ilusyon nang naantig sila ng bahagyang liwanag na ito. Ngunit wala ni isa na kailanma’y nakaunawa na dumating na ang araw na bumababa sa mundo ang Aking liwanag. Karamihan sa mga tao ay natulala sa biglaang pagdating ng liwanag; pinagmasdan ito nang mabuti ng ilan sa kanila na may pagtitig ng mausisang pagkabighani, at pinagmamasdan ang mga paggalaw ng liwanag at kung saang direksyon ito patungo; o ang iba ay nakatayong handa sa pagharap nila sa liwanag, upang baka sakaling mas malinaw nilang maunawaan ang pinagmulan kung saan nanggaling ang liwanag. Kung ganito man ang nangyari, may sinuman bang nakatuklas kung gaano kahalaga ang liwanag sa ngayon? May sinuman bang napukaw kailanman sa pagiging katangi-tangi ng liwanag? Karamihan sa mga tao ay naguguluhan lamang; nasusugatan sila sa mga mata at nasusubsob sila sa putik sa pamamagitan ng liwanag. Maaaring sabihin na, habang nasa ilalim ng malabong liwanag na ito, natatalukbungan sa ilalim ng kaguluhan ang daigdig, gumagawa ng nakalulungkot na tanawing hindi makayanang tingnan na, kung sinusuri nang malapitan, sinasalakay ang isang tao ng napakatinding kalungkutan. Mula dito malalaman na, kapag ang liwanag ay nasa pinakamalakas nito, hindi pahihintulutan sa gayong kalagayan ng mundo na tumayo ang sangkatauhan sa Aking harapan. Ang sangkatauhan ay nasa abot ng kaningningan ng liwanag; muli, ang sangkatauhan ay nasa abot ng pagliligtas ng liwanag ngunit kasabay nito, nasa abot din ng mga sugat na ipinataw ng liwanag: Mayroon bang sinuman na hindi abot sa ilalim ng nakamamatay na dagok ng liwanag? Mayroon bang sinuman na makatatakas sa pagsunog ng liwanag? Nakapaglakad na Ako sa buong ibabaw ng mundo, isinasabog ng Aking mga kamay ang mga binhi ng Aking Espiritu, upang ang buong sangkatauhan sa daigdig ay maaantig Ko dahil dito. Mula sa kataas-taasang tugatog sa kalangitan, tinatanaw Ko ang buong daigdig, pinagmamasdan ang kakatwa at kamangha-manghang kababalaghan ng mga nilikha sa mundo. Ang ibabaw ng dagat ay parang nagdurusa sa pagyanig ng lindol: Ang mga ibong-dagat ay lumilipad paroo’t parito, naghahanap ng isdang malululon. Samantala, lubusang hindi ito alam sa ilalim ng dagat, na kung saan ang kundisyon sa ibabaw ay hindi kayang pukawin upang mamalayan, dahil ang sahig ng karagatan ay kasing-payapa ng ikatlong langit: Ang nabubuhay dito malaki man o maliit ay sama-samang umiiral nang magkaayon, at hindi kailanman nasasangkot sa “mga pagtatalo ng bibig at dila.” Sa di-mabilang na kakaiba at nakakatuwang kababalaghan, ang sangkatauhan ang siyang pinaka-nahihirapang magbigay sa Akin ng kaluguran. Ito ay dahil masyadong mataas ang posisyong ibinigay Ko sa tao, at kaya ang kanyang ambisyon ay masyadong matayog, at sa kanyang mga mata ay palaging may sukat ng paghihimagsik. Napapaloob sa Aking pagdisiplina sa tao, napapaloob sa Aking paghatol sa kanya, nagkaroon na ng marami na pag-iingat, marami na kahabagan, ngunit sa mga bagay na ito wala ang sangkatauhan kahit na pinakakaunting kamalayan. Wala Akong napagmalupitan kailanman na kahit sinong tao: Ako ay nagpatupad lamang ng nararapat na pagtutuwid noong naging masuwayin ang sangkatauhan, at nang naging mahina ang tao, naghandog lamang ng nararapat na tulong. Ngunit, kapag ang sangkatauhan ay patuloy na lumalayo sa Akin at dagdag pa nito, ginagamit ang mapanlinlang na pakana ni Satanas upang maghimagsik laban sa Akin, kaagad Kong lilipulin ang sangkatauhan, hindi binigbigyan ng pagkakataon ang mga tao na makapagparangya ng kanilang mga kakayahan sa harap Ko, upang hindi na sila palalong lumakad na may karangyaan at katayugan, paghahari-harian sa iba, sa ibabaw ng mundo.

Ene 6, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Ikalabindalawang Pagbigkas

Cristo, Kaalaman, kabanalan, Kidlat ng Silanganan


Ang Ikalabindalawang Pagbigkas


   Kapag ang kidlat ay lumabas mula sa Silangan—na siyang tiyak ding sandali ng Aking pagbigkas—sa sandaling ang kidlat ay dumating, ang buong kalangitan ay magliliwanag, at ang lahat ng mga bituin ay nagsisimulang mag ibang anyo. Ito ay tila bang ang buong sangkatauhan ay sumailalim sa isang angkop na paglilinis at paghihiwalay. Sa ilalim ng liwanag nitong katawan ng ilaw mula sa Silangan, ang buong sangkatauhan ay nabunyag sa kanilang totoong anyo, ang mga mata ay nasilaw, natigil sa pagkalito; iilan pa rin sa mga ito ang makapagtatago ng kanilang pangit na mga katangian. Muli, sila ay tulad ng mga hayop na tumatakas mula sa Aking liwanag upang kumubli sa mga kuweba ng kabundukan; ngunit, wala kahit isa sa mga ito ang maaaring mapawi mula sa loob ng Aking liwanag. Ang lahat ng tao’y napapaloob sa mahigpit na pagkakahawak ng takot at pagka-alarma, ang lahat ay naghihintay, ang lahat ay nanonood; sa pagdating ng Aking liwanag, ang lahat ay nagalak sa araw ng kanilang pagsilang, at gayon din ang lahat ay isinusumpa ang araw ng kanilang kapanganakan. Ang mga magkahalong damdamin ay imposibleng masabi; ang mga luha ng pagpaparusa sa sarili ay bumubuo ng ilog, at dinadala palayo sa malawak na dagsa ng tubig, nawawala nang walang bakas sa isang kislap. Muli, ang Aking araw ay lumalapit na sa sangkatauhan, at muling pinupukaw ang sangkatauhan, na nagbibigay sa mga tao ng isang punto mula sa kung saan bubuo ng bagong simulain. Ang puso Ko ay tumitibok at, sumusunod sa mga indayog ng Aking tibok ng puso, ang mga bundok ay lumulundag sa kagalakan, ang mga tubig ay sumayaw sa kagalakan, at ang mga alon, sumusunod sa oras, humahampas sa batuhan. Mahirap ipahayag kung ano ang nasa Aking puso. Nais Kong sunugin ang lahat ng maruruming mga bagay hanggang maging abo sa ilalim ng Aking mga titig, Nais Ko na lahat ng mga anak ng pagsuway ay mawala mula sa Aking harapan, hindi na kailanman pa bumalik sa pag-iral. Hindi lamang Ako gumawa ng isang bagong panimula sa tirahan ng malaking pulang dragon, ako rin ay pumasok sa bagong gawain sa sansinukob. 'Di magtatagal ang mga kaharian sa lupa ay magiging Aking kaharian; 'di magtatagal ang mga kaharian sa lupa ay magpakailanmang titigil sa pag-iral dahil sa Aking kaharian, dahil Aking nakamit ang tagumpay, sapagka’t Ako ay bumalik nang matagumpay. Inubos ng malaking pulang dragon ang bawat maiisip na paraan upang sirain ang Aking plano, umaasang mabura ang Aking gawa sa ibabaw ng lupa, ngunit maaari ba Akong mawalan ng pag-asa dahil sa kanyang mga pandaraya? Dapat ba Akong matakot sa pagkawala ng tiwala sa pamamagitan ng mga banta nito? Kailanman walang kahit isang nilalang saan man sa langit o sa lupa ang hindi Ko hawak sa Aking palad; gaano pa higit na totoo ito sa malaking pulang dragon, itong kagamitang ito na nagsisilbi bilang pagkakaiba sa Akin? Ito ba ay hindi rin isang bagay na pinapatakbo ng Aking mga kamay?

Dis 12, 2017

Kristiyanong Pelikula “Pananalig sa Diyos”


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kristiyanong Pelikula “Pananalig sa Diyos”

Si Yu Congguang ay nangangaral ng ebanghelyo para sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Habang nangangaral ng ebanghelyo, tinugis siya ng Komunistang gobyerno ng Tsina. Tumakas siya sa mga kabundukan, kung saan nakatanggap siya ng tulong mula kay Zheng Xun, isang katrabaho sa lokal na bahay iglesia. Nang una silang nagkita, pakiramdam nila ay matagal na nilang kilala ang bawat isa. Dinala ni Zheng Xun si Yu Congguang sa kubo kung saan siya at ng kanyang mga katrabaho ay nagtipon. Doon, nangyari ang isang debate kila Zheng Xun at ng kanyang mga katrabaho kung ang isang mananampalataya sa Diyos ay dapat bang sundin o hindi yaong mga nasa kapangyarihan. Si Yu Congguang ay nagbahagi kaugnay sa isyung ito at iwinaksi ang kanilang pagkakalito. Lubos na nakatulong sa kanila ang pagbabahagi ni Yu Congguang, at nagsimula silang lahat na hanapin at pag-aralan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Gayun pa man, nang malaman ni Elder Sun mula sa lokal na iglesia na si Yu Congguang ay isang saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ginawa niya ang lahat ng bagay na maaari niyang gawin para saraduhan ang iglesia at pigilan ang mga tagasunod mula sa paghahanap ng tunay na landas. Nagbahay-bahay si Sun na naghahanap kay Yu Congguang, at inutusan pa ang mga tagasunod na iulat si Yu sa mga pulis at arestuhin siya …

Dis 11, 2017

Babagsak ang Lungsod | Ang Relihiyosong Mundo ay Sumama sa Pagiging Lungsod ng Babilonia

Babagsak ang Lungsod | Ang Relihiyosong Mundo ay Sumama sa Pagiging Lungsod ng Babilonia

Lumilihis ang mga lider ng relihiyosong mundo mula sa landas ng Panginoon at sinusunod ang mga makamundong kalakaran, nakikipagtulungan din sila sa mabangis na pagsuway at pagbatikos ng namamahalang kapangyarihan sa Kidlat ng Silanganan, at nagsimula na silang maglakad sa landas ng pagsalungat sa Diyos. Ang relihiyosong mundo ay sumama sa pagiging lungsod ng Babilonia. Sinasabi ng Biblia, "At pumasok si Jesus sa templo ng Dios, at itinaboy niya ang lahat na nangagbibili at nangamimili sa templo, at ginulo niya ang mga dulang ng mga mamamalit ng salapi, at ang mga upuan ng mga nagbibili ng mga kalapati; At sinabi niya sa kanila, Nasusulat, Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan, datapuwa't ginagawa ninyong yungib ng mga tulisan” (Mateo 21:12-13). "Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa't espiritung karumaldumal, at kulungan ng bawa't karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon. Sapagka't dahil sa alak ng galit ng kaniyang pakikiapid ay nangaguho ang lahat ng mga bansa; at ang mga hari sa lupa ay nangakiapid sa kaniya, at ang mga mangangalakal sa lupa ay nagsiyaman dahil sa kapangyarihan ng kaniyang kalayawan" (Pahayag 18:2-3).

Dis 6, 2017

Clip ng Pelikulang Paghihintay – Paano Tayo Dapat “Mag-abang at Maghintay” para sa Ikalawang Pagdating ng Panginoon?

Clip ng Pelikulang Paghihintay – Paano Tayo Dapat “Mag-abang at Maghintay” para sa Ikalawang Pagdating ng Panginoon?

Sa muling pagdating ng Panginoon, bababa kaya Siya na nasa mga alapaap, o darating kaya Siya nang palihim na tulad ng isang magnanakaw? Paano mo haharapin ang pangalawang pagdating ng Panginoon? Masyado ka bang natatakot na iligaw ng isang huwad na Cristo na tatanggi ka nang hanapin Siya, o gagawin mo ang bahagi ng matalinong birhen at maingat na dinggin ang tinig ng Diyos? Paano ba tayo dapat “mag-abang at maghintay” upang magagawa nating salubungin ang Panginoon sa Kanyang pagbabalik? Panoorin ang maikling video na ito!

Clip ng Pelikulang Paghihintay – Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (1)


Clip ng Pelikulang Paghihintay – Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (1)

Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Apocalipsis 2:29). Narinig mo na ba ang Banal na Espiritu na magsalita sa mga iglesia? Ang mga salita bang sinabi ng Makapangyarihang Diyos at ng Panginoong Jesus ay nabigkas mula sa iisang Espiritu, mula sa iisang pinanggalingan? Ibubunyag ito sa iyo ng movie clip na ito!

Dis 5, 2017

Basagin Ang Sumpa

Basagin Ang Sumpa

Si Fu Jinhua ay isang elder sa isang bahay-iglesia sa China. Ilang taon na siyang nananalig sa Panginoon at palaging iniisip na ang Biblia ay binigyang-inspirasyon ng Diyos, na lahat ng salita sa Biblia ay mga salita ng Diyos, na kailangan lang niyang manalig sa Panginoon at kumapit sa Biblia, at kapag bumaba ang Panginoon sa isang ulap ay madadala siya sa kaharian ng langit. Gayunman, nagsimulang magduda ang kanyang mga kapanalig. Lumitaw na ang apat na buwan na naging dugo, at ang mga propesiya ng pagdating ng Panginoon ay natupad. Ang kahulugan nito ay nagbalik na ang Panginoon, kaya bakit hindi natin Siya nasalubong nang bumaba Siya sa isang ulap? … Matapos mag-isip-isip nang kaunti, ipinasiya ni Fu Jinhua na hanapin at siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa pamamagitan ng paliwanag at mga pakikipagdebate sa mga saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, sa wakas ay malinaw na nakita ni Fu Jinhua ang landas para makapasok sa kaharian ng langit at nakalaya siya sa ""nakagayuma"" sa kanya nang maraming taon. Tinanggap niya ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nadala sa harap ng luklukan ng Diyos, at dumalo sa piging sa kasal ng Kordero.

Dis 4, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Biblia at Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Biblia at Diyos

Isang pastor si Liu Zhizhong sa isang lokal na bahay iglesia sa Tsina. Naging isa siyang mananampalataya sa mahigit 30 taon, at patuloy na pinananatili na “Ang Banal na Biblia ay kinasihan ng Diyos,” “Kumakatawan sa Diyos ang Banal na Biblia, ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Diyos.” Sa kanyang puso, ang Biblia ay napakahalaga. Dahil sa kanyang pagsamba at bulag na pananampalataya sa Biblia , hindi niya kailanman napag-aralan o natingnan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Hanggang sa isang araw, nang hinarangan niya ang mga mananampalataya mula sa online na pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nagkaroon siya ng pagkakataong makaharap ang mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matapos sumailalim sa mga matinding debate tungkol sa katotohanan, nagawa ba niyang makita nang malinaw sa huli ang relasyon sa pagitan ng Banal na Biblia at Diyos? Nagawa ba niyang lumayo mula sa Biblia upang maunawaan na si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay? Siya ba ay dadalhin sa harapan ng Diyos?

Nob 28, 2017

How Can We Welcome the Lord’s Return?


How Can We Welcome the Lord’s Return?

    The four blood moons have already appeared. This means that the great disasters will soon befall us, just as prophesied in the book of Joel, “And also on the servants and on the handmaids in those days will I pour out my spirit. And I will show wonders in the heavens and in the earth, blood, and fire, and pillars of smoke. The sun shall be turned into darkness, and the moon into blood, before the great and terrible day of the LORD come” (Joel 2:29-31). Before the great disasters befall us, God’s spirit will nourish His servants and handmaids, and He will make complete a group of overcomers. If we can’t be raptured before the great disasters, we’ll probably perish among these disasters. Now, the Eastern Lightning testifies that the Lord Jesus has returned, expressed the truth, and made complete a group of overcomers. Doesn’t this fulfill the Biblical prophecies? Is the Eastern Lightning the manifestation of the Lord’s work?

Set 25, 2017

Isang Seleksyon Mula sa Tatlong Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Pananaw sa Gawain ng Diyos”

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos, sundin, Jesus,


 Isang Seleksyon Mula sa Tatlong Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Pananaw sa Gawain ng Diyos”
1. Sinimulan ni Juan ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng langit pitong taon bago ang bautismo ni Jesus. Para sa mga tao, ang mga isinagawa niyang gawain ay tila higit sa mga gawain ni Jesus, ngunit siya ay, gayunpaman, isa rin lamang propeta. Hindi siya nangusap at gumawa sa loob ng templo, ngunit sa mga bayan at nayon sa labas nito. Ito ay ginawa niya, sa katunayan, sa bayan ng mga Hudyo, lalo na ang mga mahihirap. Bihira siyang nakisalamuha sa mga taong mula sa mataas na antas ng lipunan, ipinalalaganap lang ang ebanghelyo sa mga karaniwang tao sa Judea upang maihanda ang mga karapat-dapat na mga tao para sa Panginoong Jesus, at maihanda ang mga naaangkop na lugar kung saan Siya ay maaaring gumawa. Dahil mayroong propetang katulad ni Juan upang maghanda, nakapagsimula agad ang Diyos sa Kanyang daan ng krus matapos ang pagdating Niya. Nang nagkatawang-tao ang Diyos upang isagawa ang Kanyang gawain, hindi Niya kinailangang isagawa ang pamimili ng mga tao, at hindi Niya kinailangang personal na maghanap ng mga tao o ng lugar kung saan Siya gagawa. Hindi Siya nagsagawa ng mga ganoong gawain nang Siya ay dumating; inihanda na ng isang karapat-dapat na tao ang lahat bago pa Siya dumating.