菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na panalangin. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na panalangin. Ipakita ang lahat ng mga post

Ene 20, 2020

Tagalog Worship Song | "Ang Panalangin ng Bayan ng Diyos"

Tagalog  Worship Song | "Ang Panalangin ng Bayan ng Diyos"

I
Nagbalik ang bayan ng Diyos sa harap ng Kanyang trono,
inaalay natin ang ating mga dalangin sa Diyos.
Nawa'y pagpalain ng Diyos
ang mga nananabik sa Kanyang pagpapakita,
na marinig nila ang Kanyang tinig sa lalong madaling panahon.
Nawa'y bigyang liwanag ng Diyos ang mga nagbabantay
at naghihintay na makita ang pagdating ng Manunubos.
Nawa'y kumawala ang sangkatauhan
sa gapos ng kanilang paniniwala,
sa ganoo'y hanapin nila at suriin ang tunay na daan.
Ang lahat ng mga pinili ng Diyos
nawa'y sumunod sa mga yapak ng Kordero.

Okt 9, 2019

Paano Manalangin sa Pinakaepektibong Paraan


Ni Zhi cheng

Alam ng lahat ng nakakaunawa sa Biblia na nananalig ang mga mamamayan ng Israel sa Diyos na Jehova sa loob ng maraming henerasyon. Sa tuwing malapit na silang matalo sa isang digmaan, nanalangin sila at tinulungan sila ng Diyos na talunin ang mga kaaway nila. Para makaiwas sa pagkalipol ng kanilang bansa, sinabihan ni Reyna Esther ang lahat ng Hudyo ng Susa na mag-ayuno at manalangin sa Diyos na Jehova at nagpunta siya sa hari kahit manganib ang sarili niyang buhay. Sa bandang huli, dahil sa ginawa niya, naligtas ang lahat ng Hudyo.

Okt 1, 2019

Paraan Upang Dinggin ng Diyos ang Ating Panalangin sa Araw-araw

Propesiya, panginoon, Panginoong Jesus, panalangin, pag-ibig sa Diyos,

Paraan Upang Dinggin ng Diyos ang Ating Panalangin sa Araw-araw


Gawa ni Guoshi

        Mga kapatid:

      Sumainyo ang kapayapaan ng Panginoon! Ngayong araw, ang ating paksa sa pagbabahagi ay "ang tatlong problemang dapat nating lutasin sa panalangin." Gabayan nawa ng Panginoon ang ating pagbabahagi. 

Ene 9, 2019

Ang Epekto ng Dalanging Tunay


Isang Himno ng mga Salita ng DiyosAng Epekto ng Dalanging Tunay


I
Lumakad nang may katapatan,
at manalangin na mawala
ang malalim na panlilinlang sa 'yong puso.
Manalangin, para malinis ang sarili;
manalangin, para maantig ng Diyos.
Kung gayon, ang disposisyon mo'y magbabago.
Ang disposisyon ng tao'y nagbabago habang sila'y nananalangin.
Mas kumikilos ang Espiritu, mas susunod sila,
mas magiging aktibo sila.
At ang puso nila'y dahan-dahang dadalisay
dahil sa dalanging tunay.

Ago 27, 2018

Tagalog na Cristianong Kanta | Ang Kaharian ni Cristo ay Natatanto sa mga Tao


Ang Kaharian ni Cristo ay Natatanto sa mga Tao
I
Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao
ang nagpapakita sa mga huling araw sa Silangan,
tulad ng matuwid na araw na sumisilay; 
nakita ng sangkatauhang lumitaw ang tunay na liwanag.
Ang matuwid at marilag, mapagmahal at maawaing Diyos
mapagkumbabang nagkakanlong sa mga tao,
naghahayag ng katotohanan, nagsasalita at gumagawa.
Kaharap natin ang Makapangyarihang Diyos.
Ang Diyos na ikinauhaw mo, ang Diyos na hinintay ko,
nagpapakita sa atin ngayon sa totoo.
Hinanap natin ang katotohanan, hinangad natin ang pagkamatuwid;
dumating ang katotohanan at pagkamatuwid sa mga tao.
Mahal mo ang Diyos, mahal ko ang Diyos;
ang sangkatauhan ay umaapaw sa panibagong pag-asa.
Sumusunod ang mga tao, sumasamba ang mga bansa
sa totoong Diyos na nagkatawang-tao.
II
Ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at nagdadala ng paghatol,
ibinubunyag ang matuwid na disposisyon ng Diyos.
Sa paghatol, pagkastigo at pagsubok ng mga salita,
Sinasakop at pineperpekto Niya ang isang grupo ng mga mananaig.
Mga salita ng Diyos, nagngangalit at marilag,
humahatol at lumilinis sa kawalang katuwiran ng sangkatauhan,
lubusang winawasak ang kapanahunan ng kadiliman.
Katotohanan at pagkamatuwid ang naghahari sa daigdig.
Nagbubunyi ang buong mundo, nagdiriwang ang lahat ng tao;
Dumarating ang tabernakulo ng Diyos sa mga tao.
Gumigising ang sansinukob at sumasamba ang mga bansa,
naisagawa ang kagustuhan ng Diyos sa mundo.
Nagbubunyi ang buong mundo, nagdiriwang ang lahat ng tao;
Dumarating ang tabernakulo ng Diyos sa mga tao.
Gumigising ang sansinukob at sumasamba ang mga bansa,
naisagawa ang kagustuhan ng Diyos sa mundo.
Natatanto ang kaharian ni Cristo sa mga tao.
mula sa Sundan ang Kordero at Umawit ng Bagong mga Awit

May 24, 2018

Kristianong Awitin | Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao

daan, Paghatol, Panalangin, paniniwala



I
Noo’y ‘di malinaw sa layon ng buhay, ngayo’y alam ko na.
Hinanap ko’y estado at kasikatan.
Mag-isang tinahak ang pansariling landas, nabuhay para sa ‘kin lamang.
Sa dasal sambit dati’y magagandang salita,
pero ang buhay ko ay hindi akma.
Pananampalataya ko’y sa bukas ipinagbahala,
katotohana’t realidad sa akin ay wala.
Pananampalataya’y kulong sa ritwal at patakaran;
ako’y naiwang walang saysay.
Bigong mabuhay at di karapat-dapat sa pag-ibig ng Diyos.
Puso ay nagising ng Diyos ng pagsinta,
nagsasabi sa’kin na mahalin ko rin Siya,
Aking napagtanto nasaktan ko ang Kanyang puso,
ngayo’y iisa lang ang nais ko Oh Diyos,
ang mabuhay para sa’Yo.

Mar 9, 2018

Anuman ang Sabihin ng Diyos ay ang Mismong Paghatol sa Tao

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Anuman ang Sabihin ng Diyos ay ang Mismong Paghatol sa TaoXunqiu    Lungsod ng Nanyang, Lalawigan ng Henan

    Madalas kong iniisip na hinatulan at kinastigo lang ng Diyos ang tao kapag ibinunyag Niya ang likas na katiwalian ng tao o nagpahayag ng masasakit na salita na humatol sa katapusan ng tao. Kailan lang nang isang insidente ang naghatid sa akin upang mapagtanto na kahit ang mga magiliw na salita ng Diyos ay Kanya ring paghatol at pagkastigo. Napagtanto ko na bawat salitang sinabi ng Diyos ay ang Kanyang paghatol sa tao.

Peb 4, 2018

Tagalog na Cristianong Papuring Kanta | Panalangin ng Bayan ng Diyos | Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog na Cristianong Papuring Kanta | Panalangin ng Bayan ng Diyos | Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos

Bayan ng Diyos itinanyag sa Kanyang trono, puno ng dalangin sa puso. Pinagpapala ng Diyos lahat ng nagbabalik-loob sa Kanya; sila’y buhay sa liwanag. Hilingin sa Banal na Espiritu na salita ng Diyos liwanagin nang lubos nating malaman ang kalooban ng Diyos. Nawa’y buong baya’y mahalin ang salita ng Diyos at sikaping kilalanin ang Diyos. Nawa’y bigyan tayo ng Diyos ng higit na biyaya, nang ating disposisyo’y mabago. Nawa’y gawin tayong perpekto upang lubos na isa sa Kanya sa puso’t isipan. Nawa’y disiplinahin tayo ng Diyos upang tungkulin sa Kanya’y ating matugunan. Nawa’y bawat araw gabayan tayo ng Banal na Espiritu sa pangangaral at pagsaksi sa Diyos araw-araw.

Ene 24, 2018

Kung Wala ang Pagliligtas ng Diyos, Wala Ako rito Ngayon

Mga patotoo’t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kung Wala ang Pagliligtas ng Diyos, Wala Ako rito Ngayon
Zhang Jin, Beijing
August 16, 2012
    Ako’y isang matandang kapatid na may kapansanan sa dalawang paa. Kahit na ang panahon ay maaliwalas, hirap ako sa paglalakad, subalit nang ang tubig baha ay tatangayin na ako, ipinahintulot ng Diyos na mahimalang makaligtas ako sa panganib.

Ene 22, 2018

Dahil sa Pagsasagawa ng Aking Tungkulin, Pinagkalooban Ako ng Napakalaking Kaligtasan ng Diyos

 Diyos, Kaligtasan, Panalangin, saksi,

Mga patotoo’t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Dahil sa Pagsasagawa ng Aking Tungkulin, Pinagkalooban Ako ng Napakalaking Kaligtasan ng Diyos

Hong Wei, Beijing
August 15, 2012
   Noong Hulyo 21, 2012, isang napakalakas na ulan ang nagpasimulang bumuhos. Nang araw na iyon, nagkataong mayroon akong tungkuling gagampanan, kaya pagkatapos ng aming pagpupulong at nakita kong tumila ang ulan, nagmadali akong umuwi sakay ng aking bisikleta. Pagkarating ko lamang sa lansangang bayan saka ko natuklasang ang tubig ay rumaragasa mula sa bundok na gaya ng isang talon, at ang kalsada ay nakalubog sa umaagos na tubig ulan na anupa’t hindi na ito makita pa. Nahintakutan ako sa aking nakita, kaya sa puso ko ay walang-lubay akong nanawagan, “Diyos! Nagsusumamo ako Sa’yo na dagdagan ang aking pananampalataya at lakas ng loob. Ngayon ang panahon na ibig Mong manindigan akong saksi. Kung hahayaan Mo akong matangay ng tubig, sa gayon ay naroon din ang Iyong mabuting layunin para rito. Handa akong pasakop sa iyong pangangasiwa at pagsasaayos.” Pagkatapos kong manalanging gaya nito, napanatag ako; hindi na ako ganoon katakot, at patuloy na hinarap ang bagyo pauwi sa bahay. Sinong nakaaalam na higit pang malaking panganib ang naghihintay sa akin? Sa daan pauwi sa aking bahay ay may matarik na dalisdis. Dahil sa bagong lagay na aspalto at sa tubig ulan na umaagos mula sa dalisdis, ang dalawang preno ng bike sa unahan ay di gumagana habang palusong ako. Sa paanan ng burol na ito ay may isang kalsadang patungo sa Pambansang Ruta 108, at sa kabilang bahagi nito ay hilera ng mga puno. Sa ibayo noon ay ang agos ng ilog; kung hindi ko mapababagalan ang aking takbo, sa gayo’y wala akong mapagpipilian kundi sumalpok sa mga punong iyon, at posible pang mahulog ako sa ilog. Ang mga kahihinatnan noon…. naisip ko, Ngayon, mapapahamak ako! Habang iniisip ko ito, may kung anong lakas na nanggaling kung saan ang biglang nagpabagsak sa akin mula sa aking bisikleta. Ang bugso ng bisikleta ay tinangay ako, at nadala ako hanggang sa interseksyon sa paanan ng burol. Sa tagpong iyon, dalawang kotse ang nagkataong dumaang magkasabay sa mismong harap ko. Muntik na! Buti na lang, sa gitna ng kagipitang ito, iniligtas ako ng Diyos.

Ene 18, 2018

Salita ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas

Kaalaman, Kaharian ng Diyos, Panalangin, tumalima

Ang Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas

    
   Sa pagtawag ng Aking tinig, sa pagsiklab ng apoy mula sa Aking mga mata, sinusubaybayan Ko ang buong mundo, inoobserbahan Ko ang buong sansinukob. Nananalangin sa Akin ang buong sangkatauhan, tumitingala sila sa Akin, nagmamakaawang itigil Ko ang Aking galit, at isinusumpang hindi na kailanman sila magrerebelde laban sa Akin. Ngunit hindi na ito ang nakaraan; ito ay kasalukuyan. Sino ang makapapanumbalik sa Aking kalooban? Tiyak na hindi ang panalangin sa loob ng puso ng mga tao, ni hindi ang mga salita sa kanilang mga bibig? Kung hindi dahil sa Akin, sino ang makaliligtas hanggang sa kasalukuyan? Sino ang mabubuhay maliban sa pamamagitan ng mga salita ng Aking bibig? Sino ang hindi nagsisinungaling sa ilalim ng mapagmatyag Kong mga mata? Sa patuloy Kong paggawa ng bago Kong gawain sa buong mundo, sino na ang may kakayahang makatakas mula dito? Maaari kayang iwasan ito ng mga bundok sa pamamagitan ng kanilang taas? Maaari kayang itaboy ito ng mga tubig, sa pamamagitan ng kanilang pagkarami-raming kalakhan? Sa Aking plano, kailanma’y walang anumang bagay ang basta-basta Kong hinahayaang lumisan, kaya wala kailanman kahit sinong tao, o anumang bagay, ang nakatakas mula sa pagdakma ng Aking mga kamay. Naitatanghal ngayon ang banal Kong pangalan sa buong sangkatauhan, at muli, umaangat sa buong sangkatauhan ang mga salitang may pagsalungat laban sa Akin, at laganap sa buong sangkatauhan ang mga alamat tungkol sa Aking pagiging. Hindi Ko hinahayaang gumagawa ang tao ng kanilang mga paghatol tungkol sa Akin, ni hindi Ko rin hinahayaang paghati-hatian nila ang Aking katawan, mas lalong hindi Ko hinahayaan ang kanilang mga panlalait laban sa Akin. Dahil kailanman ay hindi niya Ako ganap na nakilala, palagi nila Akong sinusuway at nililinlang, nabibigo silang mahalin ang Aking Espiritu o pahalagahan ang mga salita Ko. Mula sa bawat gawa at pagkilos niya, at mula sa saloobin niya tungo sa Akin, ibinibigay Ko sa tao ang “gantimpala” na nararapat sa kanya. Kaya, gumagawa lahat ang mga tao nakamasid sa kanilang gantimpala, at wala kahit isa ang gumawa kailanman nang may pagsasakripisyo. Ayaw ng mga tao ang gumawa ng walang pag-iimbot na pagtatalaga, ngunit nagagalak sila sa mga gantimpala na maaaring makuha ng walang kapalit. Kahit inilaan ni Pedro ang sarili niya sa harapan Ko, hindi ito para sa kapakanan ng gantimpala sa hinaharap, ngunit para ito sa kapakanan ng kasalukuyang kaalaman. Kailanman ay hindi pumasok sa tunay na pakikipag-ugnayan ang sangkatauhan sa Akin, ngunit paulit-uliti siyang nakikitungo sa Akin sa isang mababaw na paraan, sa gayo’y iniisip na makukuha niya ang pagsang-ayon Ko ng walang kahirap-hirap. Tumingin Ako sa kaibuturan ng puso ng tao, kaya natuklasan Ko sa kanyang kaloob-looban ang “isang mina ng maraming kayamanan,” isang bagay na kahit ang tao mismo ay walang kamalayan ngunit natuklasan Ko ito. At dahil dito, ititigil lamang ng mga tao ang banal-banalang pagpaparusa sa sarili kapag makakita sila ng “materyal na katibayan” at, nakaunat ang mga palad, inaamin ang maruming estado ng kanilang mga sarili. Sa gitna ng mga tao, marami pang mga bago at sariwang bagay ang naghihintay na “ilalabas” Ko para sa kasiyahan ng buong sangkatauhan. Hindi Ako titigil sa Aking gawain dahil sa kawalan ng kakayahan ng tao, ipagpapatuloy Ko siyang kukumpuniin at pananatilihin alinsunod sa Aking orihinal na plano. Ang tao ay parang isang puno ng prutas: Kung walang pagputol at pagpupungos, mabibigong mamunga ang puno at, sa katapusan, ang tanging makikita ninuman ay mga lantang sanga at nahuhulog na mga dahon, wala man lang itong prutas na mahuhulog sa lupa.

   Sa araw-araw Kong pagpapaganda sa “loobang silid” ng Aking kaharian, kailanman ay walang sinuman ang biglang pumapasok sa Aking “gawaan” upang gambalain ang Aking gawain. Ginagawa ng buong sangkatauhan ang buo nilang makakaya upang makipagtulungan sa Akin, natatakot sila na “mapaalis” at “mawalan ng posisyon” at dahil dito ay umabot sila sa dulo ng kanilang buhay kung saan ay maaari pa silang mahulog sa “disyerto” na nasasakupan ni Satanas. Dahil sa mga takot ng tao, inaaliw Ko siya bawat araw, inuudyakang magmahal bawat araw at bukod diyan binibigyan Ko siya ng tagubilin para sa kanyang pang-araw-araw na buhay. Parang mga sanggol na bagong panganak ang lahat ng mga tao; kung hindi sila mabibigyan ng gatas, lilisanin nila ang mundo at maglalaho na sila sa hindi katagalan. Sa gitna ng mga hinaing ng sangkatauhan, paparito Ako sa mundo ng mga tao at, kaagad, mananahan ang sangkatauhan sa isang mundo ng liwanag, hindi na sila nakakulong sa loob ng isang “silid” na kung saan ay isinisigaw nila ang kanilang mga panalangin sa langit. Sa sandaling makita nila Ako, igigiit ng mga tao ang mga “hinaing” na nakatago sa kanilang mga puso, ibubukas nila sa harapan Ko ang mga bibig nila upang magmakaawa ng pagkain na ilalaglag Ko sa kanila. Ngunit pagkatapos nito, “kapag humupa na ang mga takot at naibalik na ang kahinahunan nila,” hindi na sila hihiling ng anumang bagay sa Akin, ngunit makatutulog na sila nang mahimbing, o kung hindi, itatanggi na nila ang pag-iral Ko, aasikasuhin na nila ang kanilang mga pansariling gawain. Sa “paglisan” ng sangkatauhan, malinaw na malinaw kung paano isakatuparan ng mga tao, na walang “pakiramdam,” ang “walang kinikilingan na katarungan” nila sa Akin. Dahil dito, sa pagkakita Ko sa kanyang hindi kanais-nais na aspeto, tahimik Akong yayaon at hindi na Ako bababa muli para sa maalab niyang pagsusumamo. Walang kaalam-alam ang tao na araw-araw na lumalaki ang mga problema niya, at dahil dito, sa kalagitnaan ng kanyang mabigat na trabaho, kapag bigla niyang madiskubre ang Aking pag-iral, siya, tatangging tumanggap ng sagot na “hindi,” hahawakan niya Ako sa mga kuwelyo at hahatakin sa kanyang bahay bilang isang bisita. Ngunit, kahit maghahain siya ng masarap na pagkain para sa kasiyahan Ko, hindi niya Ako itinuring kailanman na bahagi ng kanyang pamilya, sa halip ay tinatrato niya Ako bilang isang bisita upang makakuha ng maliit na tulong mula sa Akin. At sa pagkakataong ito, basta na lang ihahayag ng tao ang nakakaawang kalagayan niya sa harapan Ko, sa pag-asang makuha ang Aking “lagda,” at, katulad ng isang nangangailangan ng pautang para sa kanyang negosyo, aasikasuhin niya Ako sa lahat ng kakayahan niya. Sa bawat kilos at galaw niya, madali Kong mapansin ang layunin ng tao: Sa pananaw niya, parang hindi Ko alam kung paano basahin ang kahulugan ng pagpapahayag ng mukha o ang nakatago sa likuran ng kanyang mga salita, o kung paano tumingin nang malalim sa puso ng isang tao. Kaya dahil sa kompiyansa, ibinubuhos ng tao sa Akin, ng walang mali o pagkukulang, ang bawat karanasan niya sa bawat tagpong pinagdaanan niya, at ihahayag niya pagkatapos ang mga pangangailangan niya sa harapan Ko. Galit at kinamumuhian Ko ang bawat gawa at pagkilos ng tao. Sa buong sangkatauhan, wala ni isa kailanman ang tumupad sa gawain na gusto Ko, parang sinasadyang kalabanin Ako ng sangkatauhan, at pakay nilang akitin ang Aking poot: Lahat sila ay pabalik-balik sa harapan Ko, sinusunod nila ang sarili nilang kalooban sa harapan ng Aking mga mata. Wala kahit isa sa buong sangkatauhan ang nabubuhay para sa Akin, at bilang kahihinatnan walang halaga ni kahulugan ang pag-iral ng buong sangkatauhan, kaya nabubuhay sila sa kawalan. Kahit ganito, ayaw pa ring gumising ang sangkatauhan, at patuloy siyang nagrerebelde laban sa Akin, nagpapatuloy sa kanyang kapalaluan.

   Sa lahat ng dinaanan nilang mga pagsubok, kailanman ay hindi Ako nalugod sa sangkatauhan. Dahil sa malupit nilang kasamaan, hindi nilalayon ng sangkatauhan na magpatotoo para sa Aking pangalan; sa halip, “tumatakbo siya sa ibang daan” habang umaasa sa Akin para sa kabuhayan. Ang puso ng tao ay hindi ganap na bumalik sa Akin, kaya inaatake siya ni Satanas hanggang sa naging sugatan, at nabalot ang kanyang katawan sa karumihan. Ngunit hindi pa rin mapagtanto ng tao kung gaano nakasusuklam ang kanyang mukha: Sa buong panahon lagi siyang sumasamba kay Satanas sa Aking likuran. Sa kadahilanang ito, itinapon Ko ng may galit ang tao sa napakalalim na hukay, ginawa Ko ito para hindi na niya kailanman magagawang iligtas ang kanyang sarili. Kahit ganito, sa gitna ng kalunus-lunos niyang paghagulgol, ayaw pa ring baguhin ng tao ang kanyang pag-iisip, layuning lalabanan Ako hanggang sa mapait na katapusan, at umaasa siyang sa gayon ay sadyang pukawin ang Aking walang humpay na galit. Dahil sa kanyang ginawa, itinuturing Ko siyang makasalanan at itinatanggi Ko sa kanya ang init ng Aking yakap. Mula noong una, pinaglingkuran Ako ng mga anghel at sumunod sila sa Akin nang walang pagbabago o paghinto, ngunit palaging ginagawa ng tao ang ganap na kabaligtaran, na parang hindi siya nagmula sa Akin, kundi ipinanganak ni Satanas. Ibinigay ng mga anghel sa Akin mula sa kanilang kinatatayuan ang buo nilang katapatan; hindi sila nagpatinag sa mga puwersa ni Satanas, pinagsusumikapan nilang tuparin ang kanilang tungkulin. Sa pag-aalaga at pagpapakain ng mga anghel, lumago lahat nang malakas at malusog ang napakarami Kong mga anak at ang Aking bayan, walang kahit isa sa kanila ang mahina o sakitin. Ako ang gumawa nito, ito’y Aking himala. Sa pagpasinaya ng masigabong pagsabog ng kanyon sa pagbangon ng Aking kaharian, lumalakad sa indayog na saliw, dumating ang mga anghel sa harapan ng Aking plataporma para magpasakop sa Aking pagsisiyasat, sapagkat malaya ang kanilang mga puso mula sa karumihan at sa mga dios-diosan, at hindi sila umiiwas sa Aking pagsisiyasat.

   Sa pag-ungol ng malakas na hangin, bumaba ang mga langit sa isang iglap, sinakal nila ang buong sangkatauhan upang hindi na makatawag ang mga tao sa Akin kapag gusto nila. Hindi nila namalayan na bumagsak na ang buong sangkatauhan. Umindayog ang mga puno sa ugoy ng hangin, naririnig paminsan-minsan ang pagkabali ng mga sanga, at natangay sa malayo ang lahat ng mga lantang dahon. Biglang naging malungkot at nasira ang lupa, at mahigpit na nagyakapan ang mga tao upang paghandaan ang susunod na sakuna na tatama anumang sandali sa mga katawan nila pagkatapos ng taglagas. Paroo’t parito na lumilipad ang mga ibon sa mga burol, parang umiiyak sila sa isang nilalang dahil sa kalungkutan; sa mga yungib ng bundok, umuungol ang mga leon, sinisindak ang mga tao sa kanilang tunog, nanlalamig sila sa takot at kinikilabutan, at tila may isang nagbabalang pakiramdam na nagpapahiwatig ng katapusan ng sangkatauhan. Dahil ayaw nilang makita ang kasiyahan Ko sa kanilang pagkasira, nagsipanalangin nang taimtim ang lahat ng tao sa Kataas-taasang Panginoon sa langit. Ngunit paano mapipigilan ang isang malakas na hangin sa pamamagitan ng ingay ng tubig na dumadaloy sa isang maliit na sapa? Paano itong mapipigilan nang bigla sa pamamagitan ng tunog ng mga taimtim na panalangin ng mga tao? Paano mapatatahimik ang galit sa puso ng mga dagundong ng kulog para sa kapakanan ng mahinang loob ng tao? Pabalik-balik na naiuugoy ang tao sa hangin; paroo’t parito siyang tumatakbo upang itago ang kanyang sarili mula sa ulan; at nanginginig ang mga tao sa ilalim ng Aking poot, matindi ang takot nilang itatatag Ko ang Aking kamay sa kanilang mga katawan, para Akong dulo ng baril na laging nakatutok sa dibdib ng tao, at muli, parang kaaway Ko siya, ngunit siya ay Aking kaibigan. Kailanman ay hindi natuklasan ng tao ang tunay Kong mga hangarin para sa kanya, hindi niya kailanman naunawaan ang tunay Kong mga layunin, at dahil dito, nasasaktan niya Ako, walang kamalay-malay, kinakalaban niya Ako, ngunit, hindi rin sinasadyang nakikita niya ang Aking pagmamahal. Sa gitna ng Aking pagkapoot mahirap para sa tao na makita ang Aking mukha. Nakatago Ako sa itim na ulap ng Aking galit, at nakatayo Ako, sa kalagitnaan ng mga dagundong ng kulog sa ibabaw ng buong sandaigdigan upang ipadala ang Aking awa sa tao. Sapagkat hindi Ako kilala ng tao, hindi Ko siya kakastiguhin dahil sa kabiguan niyang maunawaan ang Aking layunin. Sa mata ng mga tao, paminsan-minsan Kong ibinubulalas ang Aking poot, paminsan-minsan Kong ipinakikita ang Aking ngiti, pero kahit na nakikita niya Ako, hindi kailanman nakita ng tao ang kabuuan ng Aking disposisyon, hindi pa rin niya marinig ang kagalakan ng korneta, dahil lumago siya na masyadong manhid at walang buhay. Parang umiiral ang Aking imahe sa alaala ng tao, at ang Aking anyo sa kanyang mga saloobin. Subalit, sa buong ebolusyon ng sangkatauhan wala kailanman ni isang tao ang tunay na nakakita sa Akin, dahil masyadong mahina ang utak ng tao. Sa buong pagsisiyasat ng tao sa Akin, napakaprimitibo ang agham ng sangkatauhan kaya, hanggang ngayon, walang kapani-paniwalang mga resulta ang kanyang pang-agham na pananaliksik. At dahil dito, ganap na blangko ang paksa ng “Aking imahe,” wala kahit isa ang pupuno rito, wala kahit isa ang makakasira sa isang tala ng mundo, dahil para mapanatili man lang ng sangkatauhan ang kanyang kasalukuyang katayuan ay isa nang hindi masukat na gantimpala sa gitna ng matinding kasawian.

Marso 23, 1992    
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus
Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos

Ene 5, 2018

Ang Maranasan ang Maingat na Pag-aalaga ng Diyos para sa Kaligtasan ng Tao sa Sakuna

Diyos, Kaligtasan, Pagsamba, Panalangin


Mga patotoo’t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Maranasan ang Maingat na Pag-aalaga ng Diyos para sa Kaligtasan ng Tao sa Sakuna

Muling, Beijing
Agosto 16, 2012
     Noong Hulyo 21, 2012, nakita ng Beijing ang pinakamabigat na pagbagsak ng ulan sa loob ng animnapung taon. Sa malakas na buhos ng ulan na iyon nakita ko ang mga gawa ng Diyos at nakita ko kung paano Niya inililigtas ang tao.

Ene 4, 2018

Ang Bawat Salita ng Diyos ay Isang Pagpapahayag ng Kanyang Disposisyon

Kaalaman, Mahalin ang Diyos, pagmamahal at Awa, Panalangin


Mga patotoo’t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Bawat Salita ng Diyos ay Isang Pagpapahayag ng Kanyang Disposisyon

Hu Ke    Lungsod ng Dezhou, Lalawigan ng Shandong
    Sa tuwing nakikita ko ang mga salitang ito na sinabi ng Diyos, hindi ako mapalagay: “Pinanghahawakan ng disposisyon ng Diyos ang bawat pangungusap na sinabi ko. Makabubuti para sa inyo ang pagnilay-nilayan ang Aking mga salita nang maingat, at siguradong labis ninyong mapapakinabangan ang mga ito.” Hindi ako mapalagay dahil ang pag-unawa sa disposisyon ng Diyos ay kapwa napakahalaga sa pag-unawa ng tao sa Diyos at sa kanilang paghahangad na mahalin at pasayahin Siya. Ngunit kapag kumakain at umiinom ako ng mga salita ng Diyos, palagi kong nararamdaman na ang disposisyon ng Diyos ay parang napakahirap unawain, at hindi ko alam kong paano ko ito uunawain. Pagkatapos, sa pamamagitan ng pagbabahagi mula sa aking lider, nalaman ko na dapat unawain ko kung ano ang gusto ng Diyos at kung ano ang kinapopootan Niya mula sa Kanyang mga salita, nang sa gayon ay maunawaan ang disposisyon ng Diyos. Pagkatapos, sinubukan kong isagawa ang mga ito at nakita ko ang ilang mga resulta. Subalit nananatili akong nalilito tungkol sa mga salita ng Diyos, “Pinanghahawakan ng disposisyon ng Diyos ang bawat pangungusap na sinabi ko,” at wala akong kaalam-alam kong paano ito maunawaan.

Dis 31, 2017

Ang Pag-ibig ng Diyos ay ang Pinakatunay

 Diyos, Kaligtasan, Panalangin, patotoo

Mga patotoo‘t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos| Ang Pag-ibig ng Diyos ay ang Pinakatunay

Wenzhong, Beijing
Agosto 11, 2012
   Noong gabi ng Hulyo 21, 2012, nagkaroon ng malaking baha sa amin na hindi karaniwang nangyayari. Nais kong ipahayag sa lahat ng nauuhaw sa Diyos ang aking talagang naranasan at nakita nang araw na iyon.

Kumikilos ang Banal na Espiritu sa Maprinsipyong Paraan

buhay, Diyos, katotohanan, Panalangin

Mga patotoo‘t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kumikilos ang Banal na Espiritu sa Maprinsipyong Paraan

Qin Shuting, Lungsod ng Linyi, Lalawigan ng Shandong
    Sa ilang panahon, bagama’t hindi ako tumigil sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, hindi ko kailanman naramdaman ang liwanag. Ako ay nanalangin sa Diyos para dito ngunit, pagkatapos, hindi pa rin ako naliwanagan. Kaya naisip ko, “kumain ako at uminom ng nararapat sa akin at ang Diyos ay hindi ako nililiwanagan. Wala akong magagawa, at wala akong kakayahan upang makatanggap ng mga salita ng Diyos. May oras para liwanagan ng Diyos ang bawat tao, kaya hindi kailangang pagsikapang madaliin ito.” Pagkaraan, iningatan ko ang mga alituntunin at kumain at uminom ng mga salita ng Diyos nang walang pagkabalisa, “matiyagang” naghihintay sa pagliliwanag ng Diyos.

Dis 27, 2017

Kristiyanong Pelikula (Tagalog) | Sa Katindihan ng Taglamig | Ang Matagumpay na Patotoo ng isang Cristiano


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos| Kristiyanong Pelikula (Tagalog) | Sa Katindihan ng Taglamig | Ang Matagumpay na Patotoo ng isang Cristiano

Ang pangalan niya ay Xiao Li. Naninwala siya sa Diyos nang mahigit sa isang dekada. Noong taglamig ng 2012, inaresto siya ng pulisya ng Komunistang Tsino sa isang kongregasyon. Sa panahon ng pagsisiyasat, paulit-ulit siyang hinikayat, binantaan, binugbog at pinahirapan ng pulisya sa kanilang pagtatangka na akitin siya na ipagkanulo ang Diyos sa pamamagitan ng pagbubunyag ng kinaroroonan ng mga lider at pera ng iglesia. Partikular sa isang nagyeyelong gabi nang ang temperatura ay mas mababa ng 20 degrees sa zero, pinuwersa siyang hubaran, ibinabad sa nagyeyelong tubig, sinindak ng kuryente sa kanyang maselang bahagi, at puwersahang pinainom ng mustasang tubig ng mga pulis….Nagdusa siya sa malupit na pagpapahirap at hindi maipaliwanag na pagkapahiya. Sa panahon ng pagsisiyasat, nasaktan at napahiya siya. Desperado siyang nanalangin sa Diyos nang paulit-ulit. Binigyan siya ng napapanahong pagliliwanag at patnubay ng salita ng Diyos. Sa pananampalataya at lakas na tinanggap niya mula sa salita ng Diyos, nalampasan niya ang mabagsik na pagpapahirap at malademonyong pinsala at nagbigay ng kahanga-hanga at tumataginting na pagsaksi. Tulad ng bulaklak ng sirwelas sa taglamig, nagpakita siya ng matatag na kalakasan sa pamamagitan ng pamumukadkad nang may buong kapurihan sa gitna ng matinding kahirapan, na pinagmumulan ng kalugud-lugod na katahimikan …

Dis 15, 2017

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Landas... (3)

Pag-asa, Panalangin, Ang Banal na Espiritu, Daan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Landas... (3)

    Sa Aking sariling buhay, Ako ay laging handang ibigay ang Aking sarili sa Diyos nang buo, katawan at isipan. Sa paraang ito, walang paninisi sa Aking konsensya at Ako ay nakatatamo ng kaunting kapayapaan. Ang isang tao na naghahabol sa buhay ay dapat munang ibigay ang kanilang puso sa Diyos nang buo. Ito ay paunang-kundisyon. Nais Kong ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay manalanging kasama Ko sa Diyos: “O Diyos! Nawa ang Iyong Espiritu sa langit ay magkaloob ng biyaya sa mga tao sa lupa upang ang Aking puso ay lubos na babaling sa Iyo, upang ang Aking Espiritu ay maantig Mo, at upang makita Ko ang Iyong kariktan sa Aking puso at Aking Espiritu, upang yaong mga nasa lupa ay mapagpala na makita ang Iyong kagandahan. Diyos! Nawa ang Iyong Espiritu ay minsan pang antigin ang aming mga espiritu upang ang aming pag-ibig ay tumatagal at kailanma’y hindi nagbabago!” Ang ginagawa ng Diyos sa ating lahat ay sinusubok muna ang ating mga puso, at kapag ibinuhos natin ang ating mga puso tungo sa Kanya, sa sandaling iyon ay nagsisimula Siyang antigin ang ating mga espiritu. Sa espiritu lamang makikita ng isa ang kariktan ng Diyos, kataasan, at kadakilaan. Ito ang landas ng Banal na Espiritu sa mga tao. Mayroon ka ba ng ganitong uri ng buhay? Naranasan mo na ba ang buhay ng Banal na Espiritu? Ang iyo bang espiritu ay naantig na ng Diyos? Nakita mo na ba kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa mga tao? Naibigay mo na ba ang iyong puso sa Diyos nang buo? Kapag buo mong ibinibigay ang iyong puso sa Diyos, nakakaya mong tuwirang maranasan ang buhay ng Banal na Espiritu, at ang Kanyang gawain ay maaaring patuloy na mabunyag sa iyo. Sa panahong iyon, maaari kang maging isang tao na ginagamit ng Banal na Espiritu. Handa ka ba na maging ganoong uri ng tao? Sa Aking alaala, noong Ako ay naantig ng Banal na Espiritu at unang ibinigay ang Aking puso sa Diyos, bumagsak Ako sa harapan Niya at umiyak: “O Diyos! Ikaw ang nagbukas ng Aking mga mata upang Aking makilala ang Iyong pagliligtas. Handa Akong ibigay ang Aking puso sa Iyo nang buo, at ang tangi Kong hinihiling ay mangyari ang Iyong kalooban. Ang tangi Kong inaasam ay makamit ng puso Ko ang Iyong pagsang-ayon sa Iyong presensya, at maisakatuparan ang Iyong kalooban.” Ang panalanging iyon ay pinaka-hindi-malilimutan para sa Akin; Ako ay masyadong naantig, at Ako ay mapait na tumangis sa harapan ng Diyos. Iyon ang Aking unang matagumpay na pananalangin sa presensya ng Diyos bilang isang tao na naligtas, at iyon ang una Kong hinahangad. Ako ay malimit na naaantig ng Banal na Espiritu matapos iyon. Nagkaroon ka na ba ng ganitong uri ng karanasan? Paano nakágáwâ ang Banal na Espiritu sa iyo? Sa palagay Ko ang mga tao na naghahanap na ibigin ang Diyos ay magkakaroong lahat ng ganitong uri ng karanasan, sa humigit-kumulang na mga antas, subali’t nakakalimutan ng mga tao ang tungkol sa mga iyon. Kung sinasabi ng isang tao na hindi pa sila nagkaroon ng ganitong karanasan, pinatutunayan niyan na sila ay hindi pa naliligtas at nasa ilalim pa rin ng sakop ni Satanas. Ang gawain na isinasakatuparan ng Banal na Espiritu sa bawa’t isa ay ang landas ng Banal na Espiritu, at ito rin ang landas ng isang tao na naniniwala at naghahanap sa Diyos. Ang unang hakbang ng gawain na ginagampanan ng Banal na Espiritu sa mga tao ay yaong pag-antig sa kanilang mga espiritu. Matapos iyon, sila ay magsisimulang mahalin ang Diyos at habulin ang buhay; ang lahat niyaong mga nasa landas na ito ay nasa loob ng daloy ng Banal na Espiritu. Ang mga ito ay hindi lamang ang mga paggalaw ng gawain ng Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, kundi sa buong sansinukob din. Ginagawa Niya ito sa buong sangkatauhan. Kung ang isang tao ay hindi pa naantig kahit minsan, ipinakikita nito na sila ay nasa labas ng daloy na ito ng pagbabawi. Aking idinadalangin sa Diyos nang walang-patid sa Aking puso na maaantig Niya ang lahat ng mga tao, na ang bawa’t isa sa ilalim ng araw ay maaantig Niya at lalakad sa landas na ito. Marahil ito ay isa Kong napakaliit na kahilingan sa Diyos, nguni’t Ako ay naniniwala na gagawin Niya ito. Ako ay umaasa na lahat ng Aking mga kapatirang lalaki at babae ay mananalangin para dito, upang ang kalooban ng Diyos ay mangyari, at nang ang Kanyang gawain ay matapos sa lalong madaling panahon upang ang Kanyang Espiritu sa langit ay makapahinga. Ito ang Aking sariling maliit na pag-asa.

Dis 14, 2017

Pananalig sa Diyos | Ang Masusing Pagsusumikap ba para sa Panginoon ang Reyalidad ng Paniniwala sa Panginoon?




Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pananalig sa Diyos | Ang Masusing Pagsusumikap ba para sa Panginoon ang Reyalidad ng Paniniwala sa Panginoon?


Panimula

Karamihan sa mga mananampalataya ay naniniwala na hangga’t sinusunod natin ang pangalan ng Panginoon, madalas na nananalangin, nagbabasa ng Biblia at nagkakaroon ng mga pulong, at hangga’t inaabandona natin ang mga bagay, gumagastos at masusing nagsusumikap para sa Panginoon, ito ang tunay na paniniwala sa Panginoon, at madadala tayo sa kaharian ng langit kapag nagbalik ang Panginoon. Tama ba ang pananaw na ito? Sinabi ng Panginoong Jesus, “Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:22-23). Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Wala Akong pakialam gaano man kapuri-puri ang iyong pagsisikap, kung gaano man kahanga-hanga ang iyong mga pagkamarapat, kung gaano mo man kahigpit Akong sinusunod, kung gaano ka man kabantog, o kung gaano man ang iniunlad ng iyong pag-uugali; hangga’t hindi mo ginagawa ang Aking hinihiling, hindi mo kailanman makakamit ang aking papuri” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Dis 12, 2017

Ang Landas… (2)

Diyos, Pag-asa, Panalangin, praktikal

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas… (2)

    Marahil ang ating mga kapatirang lalaki at babae ay may bahagyang balangkas ng pagkakasunud-sunod, mga hakbang, at mga pamamaraan ng gawain ng Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, nguni’t lagi Kong nadarama na mas mabuting magkaroon ng pag-aalaala o isang munting kabuuan para sa ating mga kapatirang lalaki at babae. Ginagamit Ko lamang ang pagkakataong ito upang sabihin nang bahagya kung ano ang nasa Aking puso; Hindi Ako nagsasalita tungkol sa anuman sa labas ng gawaing ito. Ako ay umaasa na ang mga kapatirang lalaki at babae ay makakaunawa sa Aking pakiramdam, at Ako rin ay mapagkumbabang humihiling na lahat ng mga bumabasa ng Aking mga salita ay uunawain at patatawarin ang Aking maliit na tayog, na ang Aking karanasan sa buhay ay tunay na ‘di-sapat, at totoong hindi Ko maitaas ang Aking ulo sa harap ng Diyos. Gayunpaman, lagi Kong nararamdaman na ang mga ito ay mga pang-kinauukulang dahilan lamang. Sa madaling salita, kung anuman, walang mga tao, mga kaganapan, o mga bagay ang makahahadlang sa ating pagsasamahan sa presensya ng Diyos, at Ako ay umaasa na ang ating mga kapatirang lalaki at babae ay may kakayahang gumawa nang mas masigasig sa harap ng Diyos kasama Ko. Nais Kong ialay ang sumusunod na panalangin: “O Diyos! Aking isinasamo na maawa Ka sa amin upang Ako at ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay sama-samang makikipagtunggali sa ilalim ng pagkasakop ng aming nagkakaisang simulain, maging tapat sa Iyo hanggang kamatayan, at huwag itong tatalikuran!” Ang mga salitang ito ang paninindigan na itinalaga Ko sa harap ng Diyos, subali’t maaari ding sabihin na ito’y Aking sariling salawikain bilang isang taong nasa laman na ginagamit ng Diyos. Naibahagi Ko na ito sa pagsasamahan sa mga kapatirang lalaki at babae na kasama Ko nang maraming ulit, at naibigay Ko na ito sa mga yaon na kasabay Ko bilang isang mensahe. Hindi Ko alam kung ano ang iniisip ng mga tao rito, nguni’t kung anuman, Ako ay naniniwala na ang mga iyon ay hindi lamang mayroong aspeto ng pansariling pagsisikap, nguni’t higit pa, ang mga iyon ay may taglay ring aspeto ng teoryang pang-kinauukulan. Dahil dito, posible na may ilang mga tao na may tiyak na mga palagay, at maaari mong gawin ang mga salitang ito bilang iyong salawikain at tingnan kung gaano kalaki ang iyong magiging pagnanais na mahalin ang Diyos. May mga tao na magkakaroon ng tiyak na paniwala kapag binasa nila ang mga salitang ito, at iisipin: “Paanong ang gayong pang-araw-araw at karaniwang sinasabing bagay ay magbibigay sa mga tao ng matinding pagnanais na ibigin ang Diyos hanggang kamatayan? At ito ay walang kinalaman sa paksang ating tinatalakay, ‘Ang Landas.’” Aking kinikilala na ang mga salitang ito ay hindi gaanong kaakit-akit, subali’t lagi Kong naiisip na ito ay makapagdadala sa mga tao tungo sa tamang landas, at tutulutan silang sumailalim sa lahat ng uri ng mga pagsubok na nasa landas ng paniniwala sa Diyos nang hindi nasisiraan ng loob o umuurong. Ito ang kung bakit lagi Ko itong itinuturing bilang Aking salawikain, at Ako ay umaasa na maaari itong maingat na pag-isipan ng mga tao. Gayunpaman, ang Aking hangarin ay hindi upang pilitin ang bawa’t isa na tanggapin ang Aking sariling mga pananaw—ito ay isa lamang mungkahi. Anuman ang isipin ng ibang tao sa Akin, palagay Ko ay mauunawaan ng Diyos ang panloob na mga kaganapan sa bawa’t isa sa atin. Ang Diyos ay patuloy na gumagawa sa bawa’t isa sa atin, at ang Kanyang gawain ay walang kapaguran. Ito ay sapagka’t tayong lahat ay isinilang sa bansa ng malaking pulang dragon—ito ang kung bakit Siya ay gumagawa sa atin sa ganitong paraan. Yaong mga isinilang sa bansa ng malaking pulang dragon ay mapalad na makamit ang ganitong uri ng gawain ng Banal na Espiritu. Bilang isa sa kanila, damang-dama Ko ang kamahalan, pagiging kagalang-galang, gayundin ay ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos. Ito ang Diyos na kumakalinga sa atin. Ang ganitong uri ng nahuhulí, makaluma, maka-sistemang-piyudal, mapamahiin, at masamang imperyo ng uring-manggagawa ang nagsanhi na makamit ang ganitong uri ng gawain mula sa Diyos. Mula rito, malinaw na tayo, ang grupo ng mga taong ito sa huling kapanahunan, ay lubhang pinagpala. Ako ay naniniwala na lahat ng mga kapatirang lalaki at babae na ang espirituwal na mga mata ay nabuksan upang makita ang gawaing ito ay iiyak lahat ng mga luha ng kagalakan para dito, at sa sandaling iyon, hindi mo ba ipahahayag ito sa Diyos sa pamamagitan ng pagsayaw na may kagalakan? Hindi mo ba iaaalay ang awit sa iyong puso sa Diyos? Sa sandaling iyon hindi mo ba ipakikita ang iyong kapasyahan sa Diyos at gagawa ng isa pang plano sa harap Niya? Palagay Ko ang lahat ng mga ito ay mga bagay na dapat gawin ng isang wastong mananampalataya sa Diyos. Bilang mga tao, Ako ay naniniwala na ang bawa’t isa sa atin ay dapat na magkaroon ng isang uri ng pagpapahayag sa harap ng Diyos. Ito ang dapat gawin ng isang tao na may mga damdamin. Kung titingnan ang kakayahan ng bawa’t isa sa atin gayundin ang ating mga lugar ng kapanganakan, ipinakikita nito kung gaanong kahihiyan ang tiniis ng Diyos upang makaparito sa ating kalagitnaan. Bagaman mayroon tayong kaunting kaalaman tungkol sa Diyos sa loob natin, batay sa ating nalalaman, ang Diyos ay napakadakila, napakataas, at napakarangal, ito ay sapat upang malaman kung gaano katindi ang Kanyang naging pagdurusa sa gitna ng sangkatauhan kung ikukumpara. Nguni’t ito ay malabo pa ring bagay na sabihin, at kaya lamang itong ituring ng mga tao bilang mga salita at mga doktrina. Ito ay sapagka’t yaong mga nasa kalagitnaan natin ay masyadong manhid at mahina-ang-isip. Ako ay maaari lamang magtiyagang ipaliwanag ang usaping ito sa lahat ng mga kapatirang lalaki at babae na tatanggap dito upang ang ating mga espiritu ay maantig ng Espiritu ng Diyos. Nawa ay buksan ng Diyos ang ating espirituwal na mga mata upang ating makita ang halagang nabayaran ng Diyos, ang pagsisikap na Kanyang ginawa, at ang lakas na Kanyang nagugol para sa atin.

Dis 4, 2017

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I

Diyos, Kaalaman, Kaligtasan, Panalangin

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I

    Sa araw na ito tayo ay magpapahayag ng isang mahalagang paksa. Ito ay isang paksa na tinalakay na mula pa noong simula ng gawain ng Diyos maging hanggang ngayon, at ito ay may napakahalagang kabuluhan para sa bawat tao. Sa madaling salita, ito ay isang suliranin na haharapin ng lahat sa buong proseso ng kanilang pananampalataya sa Diyos at isang suliranin na dapat ay bigyang-pansin. Ito ay napakahalaga, di-maiiwasan na suliranin kung saan ay hindi kaya ng sangkatauhan na ihiwalay ang kanyang sarili mula dito. Kung pag-uusapan ang kahalagahan, ano ang pinakamahalagang bagay para sa bawat mananampalataya sa Diyos? Ang palagay ng ilan, ang pinakamahalagang bagay ay ang maunawaan ang kalooban ng Diyos; sa paniniwala ng ilan ang pinakamahalaga ay ang makakain at makainom ng mas marami pang mga salita ng Diyos; sa pakiramdam naman ng iba ang pinakamahalagang bagay ay ang makilala ang kanilang mga sarili; sa iba naman ay ang opiniyon na ang pinakamahalagang bagay ay ang malaman kung paano mahahanap ang kaligtasan sa pamamagitan ng Diyos, paano ang susunod sa Diyos, at paano matutupad ang kalooban ng Diyos. Isasantabi nating lahat ang mga suliraning ito para sa araw na ito. Kaya ano ang tatalakayin natin kung ganoon? Ang tatalakayin natin ay isang paksa tungkol sa Diyos. Ito ba ang pinakamahalagang paksa para sa bawat tao? Ano ang nilalaman ng isang paksa na tungkol sa Diyos? Siyempre, tiyak na hindi maihihiwalay ang paksang ito sa disposisyon ng Diyos, sa diwa ng Diyos, at sa gawain ng Diyos. Kaya sa araw na ito, tatalakayin natin “Ang Gawain ng Diyos, Ang Disposisyon ng Diyos, at Ang Diyos Mismo.”