Pakahulugan sa Ikalabing-anim na Pagbigkas
Sa mga tao, napakadakila, napakasagana, napaka-kamangha-mangha, napaka-di-maarok ang Diyos; sa kanilang mga mata, umaangat sa matataas ang mga salita ng Diyos, at lumilitaw bilang isang dakilang obra maestra ng mundo. Nguni’t dahil may napakaraming mga pagkabigo ang mga tao, at napakasimple ng kanilang mga isipan, at, bukod pa rito, dahil napakahina ng kanilang mga kakayahan sa pagtanggap, gaano man kalinaw na nagsasalita ang Diyos ng Kanyang mga salita, nananatili silang nakaupo at hindi natitinag, na parang nagdurusa ng sakit sa isip. Hindi nila nauunawaan na dapat silang kumain kapag sila ay nagugutom, hindi nila nauunawaan na dapat silang uminom kapag sila ay nauuhaw; patuloy lamang silang sumisigaw at humihiyaw, na parang may di-mailalarawang kahirapan sa kalaliman ng kanilang mga espiritu, gayunpaman hindi nila kayang magsalita tungkol dito. Nang likhain ng Diyos ang sangkatauhan, ang Kanyang layunin ay para mamuhay ang tao sa normal na pagkatao at tanggapin ang mga salita ng Diyos ayon sa kanyang likas na paggawi. Nguni’t dahil, sa pasimula pa lamang, nagpadaig sa tukso ni Satanas ang tao, ngayon nananatili siyang hindi napapalaya ang kanyang sarili, at hindi pa rin kayang kilalanin ang mga mapanlinlang na mga pakana na isinagawa ni Satanas sa loob ng libu-libong taon, idinagdag ang kanyang kakulangan ng kakayahang lubos na malaman ang mga salita ng Diyos—lahat ng ito ay humantong sa kasalukuyang kalagayan. Sa kalalagayan ngayon ng mga bagay-bagay, namumuhay pa rin sa panganib ng tukso ni Satanas ang mga tao, at sa gayon ay nananatiling walang kakayahan sa dalisay na pagpapahalaga sa mga salita ng Diyos. Walang kalikuan o panlilinlang sa mga disposisyon ng mga normal na tao, may normal na relasyon sa isa’t isa ang mga tao, hindi sila nag-iisa, at hindi katamtaman ni may-kabulukan ang kanilang buhay. Gayundin naman, mataas sa lahat ang Diyos, lumalaganap sa gitna ng tao ang Kanyang mga salita, namumuhay ang mga tao nang may kapayapaan sa isa’t isa at sa ilalim ng pag-aalaga at pag-iingat ng Diyos, napupuspos ng pagkakasundo ang lupa, nang walang panghihimasok ni Satanas, at ang kaluwalhatian ng Diyos ang itinuturing na pinakamahalaga sa gitna ng tao. Ang gayong mga tao ay tulad ng mga anghel: dalisay, masisigla, hindi kailanman nagrereklamo tungkol sa Diyos, at ginugugol ang lahat ng kanilang mga pagsisikap para lamang sa kaluwalhatian ng Diyos sa lupa. Ngayon ay ang panahon ng madilim na gabi, ang lahat ay nag-aapuhap at naghahanap, ang napakadilim na gabi ay nagpapatirik ng kanilang mga buhok, at hindi nila mapigilang manginig; nang pakinggang mabuti, ang mga alulong ng bugso-bugsong hangin galing hilagang-kanluran ay tila baga may kasamang mga nagdadalamhating paghikbi ng tao. Ang mga tao ay namimighati at tumatangis para sa kanilang tadhana. Bakit nila binabasa ang mga salita ng Diyos nguni’t hindi nila kayang unawain ang mga ito? Mistulang nasa bingit ng kawalang-pagasa ang kanilang buhay, na parang malapit nang sumapit ang kamatayan sa kanila, na parang nasa harap ng kanilang mga mata ang kanilang huling araw. Ang ganoong mga kahabag-habag na kalagayan ay ang mismong sandali kung kailan ang marurupok na mga anghel ay tumatawag sa Diyos, nangungusap ng kanilang sariling paghihirap sa sunod-sunod na mapanglaw na iyak. Ito ang dahilan na ang mga anghel na gumagawa sa gitna ng mga anak-na-lalaki at ang mga tao ng Diyos ay hindi na kailanman muling bababa sa tao; ito ay upang maiwasan na ang mga ito ay mahuli sa pagmamanipula ni Satanas habang nasa laman, hindi kayang palayain ang mga sarili nito, kaya’t sila ay gumagawa lamang sa espirituwal na mundo na hindi nakikita ng tao. Samakatuwid, kapag sinasabi ng Diyos “kung kailan Ako umakyat sa trono sa puso ng tao ay kung kailan ang Aking mga anak-na-lalaki at bayan ang namamahala sa lupa,” tinutukoy Niya kung kailan ang mga anghel sa lupa ay nagtatamasa ng pagpapala ng paglilingkod sa Diyos sa langit. Sapagka’t ang tao ay pagpapahayag ng mga espiritu ng mga anghel, sinasabi ng Diyos na para sa tao, ang pagiging nasa lupa ay katulad ng pagiging nasa langit, ang paglilingkod niya sa Diyos sa lupa ay katulad ng mga anghel na tuwirang naglilingkod sa Diyos sa langit—at sa gayon, sa panahon ng kanyang mga araw sa lupa, tinatamasa ng tao ang mga pagpapala ng ikatlong langit. Ito ang talagang sinasabi sa mga salitang ito.