菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Banal na Espiritu. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Banal na Espiritu. Ipakita ang lahat ng mga post

Hun 20, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | D'yos Nagkatawang-tao upang Iligtas ang Sangkatauhan


I
Ngayon ang araw, kita mo ba?
'Di simpleng bagay Diyos dumating sa gitna ng tao
upang tao'y iligtas, talunin si Satanas,
kaya Diyos nagkatawang-tao.
Kung di rito, di S'ya gagawa sa Sarili N'ya.
D'yos nagkatawang-tao upang si Satanas ay labanan
at akayin ang tao,
na lama'y naging tiwali't nais iligtas ng D'yos.
D'yos muling nagkatawang-tao
upang talunin si Satanas, at tao'y iligtas.
D'yos lang makalalaban kay Satanas sa Espiritu
o sa katawang-tao.

Hun 13, 2018

Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (1)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos:  "Ang tatlong mga yugto ng gawain ay nasa puso ng buong pamamahala ng Diyos, at sa mga ito ay ipinahayag ang disposisyon ng Diyos at kung ano Siya. Yaong mga hindi nakaaalam tungkol sa tatlong mga yugto ng gawain ng Diyos ay walang kakayanang tantuin kung paano ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang disposisyon, hindi rin nila alam ang karunungan ng gawain ng Diyos, at nananatili silang mangmang tungkol sa maraming mga paraan ng Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan, at sa Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ang lubos na pagpapahayag ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Yaong mga hindi nakaaalam ng tatlong mga yugto ng gawain ay magiging mangmang tungkol sa iba’t ibang mga paraan at prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu; yaong mga mahigpit na kumakapit lamang sa doktrina na naiiwan mula sa isang yugto ng gawain ay mga taong nililimitahan ang Diyos sa doktrina, at ang kanilang paniniwala sa Diyos ay malabo at alanganin. Ang mga taong ganoon ay hindi kailanman makatatanggap ng kaligtasan ng Diyos."

Rekomendasyon:

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin

Ano ang Pagkakaiba ng Cristianismo at ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Hun 7, 2018

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Paano Malaman ang Realidad


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung nais ng mga tao na makilala ang Diyos, dapat muna nilang malaman na ang Diyos ay ang tunay na Diyos, at dapat nilang malaman ang mga salita ng Diyos, ang tunay na hitsura ng Diyos sa laman, ang tunay na gawa ng Diyos. Tanging pagkatapos lamang na makilala na ang lahat ng gawa ng Diyos ay tunay maaaring aktuwal kang makikipagtulungan sa Diyos, at tanging sa pamamagitan lamang ng daang ito maaari mong matamo ang paglago sa iyong buhay. Lahat ng yaong mga walang kaalaman sa realidad ay walang kaparaanan upang maranasan ang mga salita ng Diyos, sila ay nabitag ng kanilang maling pag-iisip, nabubuhay sila sa kanilang guniguni, at sa gayon wala silang kaalaman sa mga salita ng Diyos. Mas higit ang iyong kaalaman sa realidad, mas malapit ka sa Diyos, at mas tapat ang loob mo sa Kaniya; mas higit ang iyong pagnanais na makita ang kalabuan at mga makadiwang lutang, at katuruan, mas higit kang mawawalay sa Diyos, sa gayon mas mararamdaman mo na ang pagdanas sa salita ng Diyos ay nakakabawas ng lakas at mahirap, at wala kang kakayahan sa pagpasok. Kung nais mo na pumasok sa realidad ng mga salita ng Diyos, patungo sa tamang tahakin ng iyong pang-espiritwal na buhay, una mo dapat kilalanin ang realidad at ihiwalay ang iyong sarili mula sa malabo, at higit sa karaniwan na mga bagay—na ibig sabihin, una mo munang dapat maunawaan kung paanong ang Banal na Espiritu ay kasalukuyang nagbibigay-liwanag at gumagabay sa iyo mula sa iyong loob. Sa ganitong paraan, kung maaari mong tunay na maunawaan ang tunay na gawa ng Banal na Espiritu sa iyong loob, makakapasok ka sa tamang daan na ginawang perpekto ng Diyos."

Rekomendasyon:

Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan


May 10, 2018

Awit ng Pagsamba | Ang Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong

Ang Banal na Espiritu, daan, Diyos, Kaalaman, Tinubos





I
Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;
bagamat di nagbabago ang layunin,
paraan ng paggawa Niya’y patuloy sa pagbago,
at gayun din ang mga sumusunod sa Kanya.
Habang mas maraming gawain ang Diyos
mas maraming tao sa Kanya’y ganap na nakakakilala,
mas nababago ang disposisyon ng tao
kasama na ang Kanyang gawain.
Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;
Kailanma’y gawain Niya’y di-luma, laging bago.
Hindi Niya inuulit ang gawaing luma,
tanging gawaing di pa ginawa noon Kanyang gagawin.

Abr 20, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Interpretasyon ng Ikalabinlimang Pagbigkas

Interpretasyon ng Ikalabinlimang Pagbigkas

    Ang pinakamalaking kaibahan sa pag-itan ng Diyos at ng tao ay na palaging eksakto ang mga salita ng Diyos, at walang itinatago. Kaya makikita sa mga unang salita ngayon ang aspetong ito ng disposisyon ng Diyos. Isang aspeto ay inilalantad nito ang mga tunay na kulay ng tao, at isa pang aspeto ay na hayagang ibinubunyag nito ang disposisyon ng Diyos. Ang mga ito ay dalawang mapagkukunan ng kung paanong nakakamtan ng mga salita ng Diyos ang mga resulta. Gayunpaman, hindi ito natatarok ng mga tao, lagi lamang nilang nakikilala ang kanilang mga sarili sa mga salita ng Diyos nguni’t hindi pa “nasuri” ang Diyos. Tila lubha silang natatakot na masaktan Siya, na papatayin sila ng Diyos dahil sa kanilang “pagiging maingat.” Sa katunayan, kapag kumakain at umiinom ng salita ng Diyos ang karamihan sa mga tao, mula ito sa isang negatibong aspeto, hindi isang positibong aspeto. Maaring masabi na nagsimula ngayon na “magtuon sa kababaang-loob at pagsunod” ang mga tao sa ilalim ng patnubay ng Kanyang mga salita. Makikita rito na nagsimulang pumunta ang mga tao sa isa pang kalabisan, mula sa hindi pagbibigay-pansin sa Kanyang mga salita tungo sa labis na pansin sa Kanyang mga salita. Gayunman wala pa kailanmang isang tao na nakapasok mula sa isang positibong aspeto, at wala pa kailanmang isang tao na tunay na nakátárók sa layunin ng Diyos na bigyang-pansin ng tao ang Kanyang mga salita. Nalalaman ito mula sa sinabi ng Diyos na hindi Niya kailangang personal na makaranas ng buhay ng iglesia upang maunawaan ang aktwal na kalagayan ng lahat ng mga tao sa iglesia, nang tumpak at walang pagkakamali. Dahil kapapasok pa lamang sa isang bagong paraan, hindi pa rin ganap na naaalis ng lahat ng mga tao ang kanilang mga negatibong elemento; nalalanghap pa rin ang amoy ng mga bangkay sa buong simbahan. Para itong kaiinom pa lamang ng mga tao ng gamot at wala pa ring ulirat, at hindi pa ganap na nagkakamalay. Para itong pinagbabantaan pa rin sila ng kamatayan, kaya nasa gitna pa rin sila ng kanilang pagkatakot at hindi nila mahigitan ang kanilang sarili. “Ang tao ay nilalang na walang sariling kaalaman.”: Sinasabi pa rin ang pahayag na ito batay sa paraan ng pagtatayo ng iglesia. Sa iglesia, bagaman nagbibigay-pansin sa mga salita ng Diyos ang lahat, malalim na nakaugat ang kanilang mga kalikasan at hindi nila kayang pawalan ang kanilang mga sarili. Ito ang dahilan kung bakit ginagamit ng Diyos ang paraan ng pagsasalita mula sa huling yugto upang hatulan ang mga taong tanggapin ang pananakit ng mga salita ng Diyos habang sila ay punung-puno ng kanilang mga sarili. Kahit na sumailalim ang mga tao sa limang buwan ng pagpipino sa hukay na walang-hanggan, isang wala pa ring pagkilala sa Diyos ang kanilang aktwal na kalagayan. Talipandas pa rin sila—medyo naragdagan lamang ang kanilang pag-iingat sa Diyos. Tanging sa hakbang na ito nagsimulang makapasok ang mga tao sa daan ng pagkakaalam sa mga salita ng Diyos, kaya kapag gumagawa ng ugnayan sa kakanyahan ng mga salita ng Diyos, hindi mahirap makita na nagbigay-daan para ngayon ang nakaraang hakbang ng gawain, at ngayon lamang pinapaging-normal ang lahat ng bagay. Ang mortal na kahinaan ng mga tao ay ang pagnanais na ihiwalay ang Espiritu ng Diyos mula sa Kanyang sariling katawang-tao upang magtamo sila ng personal na kalayaan, upang maiwasan ang palaging pagiging-napipigilan. Ito ang dahilan kung bakit inilalarawan ng Diyos ang tao bilang maliliit na ibon na masayang palipad-lipad. Ito ang aktwal na kalagayan ng buong sangkatauhan. Ito ang siyang gumagawa na napakadaling pabagsakin ang lahat ng tao, ang gumagawa na napakadali para sa kanila na mawala. Makikita mula rito na ang gawaing ginagawa ni Satanas sa sangkatauhan ay walang iba kundi ito. Higit pang ginagawa ito ni Satanas sa mga tao, higit pang mahigpit ang kinakailangan ng Diyos sa kanila. Kinakailangan Niya na bigyang pansin ng mga tao ang Kanyang mga salita at nagpapagal na maigi si Satanas para wasakin ito. Gayunpaman, ang Diyos ay laging napaaalalahanan ang mga tao na magbigay nang higit na pansin sa Kanyang mga salita; ito ang tugatog ng digmaan ng espirituwal na mundo. Maaaring sabihin ito nang ganito: Kung ano ang nais ng Diyos na gawin sa tao iyon mismo ang gustong wasakin ni Satanas, at nahahayag sa pamamagitan ng tao nang walang pagkatago man lamang kung ano ang gustong wasakin ni Satanas. May mga malinaw na pagpapakita ang ginagawa ng Diyos sa mga tao—pahusay nang pahusay ang kanilang mga kalagayan. Maliwanag na kinakatawan din ang pagwasak ni Satanas sa sangkatauhan—pasámâ sila nang pasámâ at lumulubog pababa nang pababa ang kanilang mga kalagayan. Maaari silang mabihag ni Satanas kung sapat nang kalunos-lunos. Ito ang aktwal na kundisyon ng iglesia na naipakita sa mga salita ng Diyos, at ito rin ang aktwal na sitwasyon ng espirituwal na mundo. Panganganinag ito ng dinamika ng espirituwal na mundo. Kung walang pagtitiwala ang mga tao na makipagtulungan sa Diyos, nasa panganib silang mabihag ni Satanas. Ito ay isang katunayan. Kung tunay na lubos na makakapag-alay ang tao ng kanilang puso para masakop ng Diyos, iyon ay tulad ng sinabi ng Diyos: “sa Aking harapan, siya ay tila nakahimlay sa loob ng Aking yakap, nilalasap ang init ng Aking yakap.” Ipinakikita nito na hindi matayog ang mga kinakailangan ng Diyos sa sangkatauhan—kailangan lamang Niya silang tumayo at makipagtulungan sa Kanya. Hindi ba ito isang madali at masayang bagay? At nakalito ang isang bagay lamang na ito sa lahat ng mga bayani? Para ba itong pinaupo ang mga heneral sa larangan ng digmaan sa paligid ng isang xiu lou[a] na gumagawa ng pagbuburda—hindi pinakilos ng paghihirap ang mga “bayaning” ito at hindi nila alam kung ano ang dapat nilang gawin.

Abr 15, 2018

Ang tinig ng Diyos | Karagdagan 2: Ang Ikalawang Pagbigkas

Karagdagan 2: Ang Ikalawang Pagbigkas

    Kapag namamasdan ng mga tao ang praktikal na Diyos, kapag personal silang namumuhay ng kanilang mga buhay kasama, lumalakad kasabay, at nananahan kasama ang Diyos Mismo, kanilang isinasantabi ang pagkamausisa na nasa kanilang mga puso sa loob ng maraming mga taon. Ang pagkakilala sa Diyos na sinalita nang una ay ang unang hakbang lamang; bagaman ang mga tao ay may pagkakilala sa Diyos, mayroong nananatiling maraming nagpupumilit na mga pag-aalinlangan sa kanilang mga puso: Saan nanggaling ang Diyos? Kumakain ba ang Diyos? Malaki ba ang kaibahan ng Diyos sa pangkaraniwang mga tao? Para sa Diyos, ang pakikitungo ba sa lahat ng mga tao ay napakadali, laro lamang ng bata? Ang lahat bang sinabi ng bibig ng Diyos ay mga hiwaga ng langit? Ang lahat ba na Kanyang sinasabi ay mas mataas kaysa roon sa lahat ng mga nilalang? Ang liwanag ba ay sumisikat mula sa mga mata ng Diyos? At iba pa—ito ang kung anong kaya ng mga pagkaintindi ng mga tao. Ang mga bagay na ito ang dapat ninyong maunawaan at mapasok bago ang lahat ng iba pa. Sa mga pagkaintindi ng mga tao, ang nagkatawang-taong Diyos ay isa pa ring malabong Diyos. Kung hindi sa pamamagitan ng praktikal na kaalaman, hindi Ako kailanman makakayang maunawaan ng mga tao, at hindi kailanman mamamasdan ang Aking mga gawa sa kanilang mga karanasan. Ito ay dahil lamang sa Ako ay naging katawang-tao na hindi nakakaya ng mga tao na maunawaan ang Aking kalooban. Kung Ako ay hindi naging katawang-tao, at nasa langit pa rin, nasa kinasasaklawang espirituwal pa rin, kung gayon “makikilala” Ako ng mga tao, sila ay yuyukod at sasamba sa Akin, at magsasalita tungkol sa kanilang “pagkakilala” sa Akin sa pamamagitan ng kanilang mga karanasan—nguni’t ano ang magiging gamit ng ganoong pagkakilala? Ano ang magiging kabuluhan nito bilang sanggunian? Maaari bang maging tunay ang pagkakilalang nagmumula sa mga pagkaintindi ng mga tao? Hindi Ko nais ang pagkakilala ng mga utak ng mga tao—ang nais Ko ay praktikal na pagkakilala.

Abr 9, 2018

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Umiiral ba ang Trinidad? (Ikalawang bahagi)


Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Umiiral ba ang Trinidad? (Ikalawang bahagi)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang konseptong ito ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu ay masyadong katawa-tawa! Pinagpira-piraso nito ang Diyos at pinagbaha-bahagi sa tatlong persona, bawat isa ay may kalagayan at Espiritu; paano kung gayon na Siya ay isang Diyos at isang Espiritu pa rin? Sabihin ninyo sa Akin, ang langit at lupa, at ang lahat ng mga bagay na nakapaloob dito ay nilikha ba ng Ama, ng Anak, o ng Banal na Espiritu? Sinasabi ng ilan na nilikha Nila ito nang magkakasama. Kung gayon sino ang tumubos sa sangkatauhan? Ito ba ang Banal na Espiritu, ang Anak, o ang Ama? Sinasabi ng ilan na ang Anak ang tumubos sa sangkatauhan. Kung gayon ay sino ang Anak sa kaanyuan? Hindi ba Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos? Tinatawag ng nagkatawang-tao ang Diyos sa langit sa pangalang Ama mula sa pananaw ng isang taong nilikha. Hindi mo ba alam na si Jesus ay ipinanganak mula sa paglilihi ng Banal na Espiritu? Sa loob Niya ay ang Banal na Espiritu; anuman ang iyong sabihin, Siya ay kaisa ng Diyos sa langit, sapagkat Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos. Ang ideyang ito tungkol sa Anak ay tunay na hindi totoo. Ito ay ang isang Espiritu na ipinatutupad ang lahat ng gawain; tanging ang Diyos Mismo, iyon ay, ang Espiritu ng Diyos ang nagpapatupad ng Kanyang gawain.”
Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan

Abr 6, 2018

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Umiiral ba ang Trinidad? (Unang Bahagi)


Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Umiiral ba ang Trinidad? (Unang Bahagi)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang konseptong ito ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu ay masyadong katawa-tawa! Pinagpira-piraso nito ang Diyos at pinagbaha-bahagi sa tatlong persona, bawat isa ay may kalagayan at Espiritu; paano kung gayon na Siya ay isang Diyos at isang Espiritu pa rin? Sabihin ninyo sa Akin, ang langit at lupa, at ang lahat ng mga bagay na nakapaloob dito ay nilikha ba ng Ama, ng Anak, o ng Banal na Espiritu? Sinasabi ng ilan na nilikha Nila ito nang magkakasama. Kung gayon sino ang tumubos sa sangkatauhan? Ito ba ang Banal na Espiritu, ang Anak, o ang Ama? Sinasabi ng ilan na ang Anak ang tumubos sa sangkatauhan. Kung gayon ay sino ang Anak sa kaanyuan? Hindi ba Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos? Tinatawag ng nagkatawang-tao ang Diyos sa langit sa pangalang Ama mula sa pananaw ng isang taong nilikha. Hindi mo ba alam na si Jesus ay ipinanganak mula sa paglilihi ng Banal na Espiritu? Sa loob Niya ay ang Banal na Espiritu; anuman ang iyong sabihin, Siya ay kaisa ng Diyos sa langit, sapagkat Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos. Ang ideyang ito tungkol sa Anak ay tunay na hindi totoo. Ito ay ang isang Espiritu na ipinatutupad ang lahat ng gawain; tanging ang Diyos Mismo, iyon ay, ang Espiritu ng Diyos ang nagpapatupad ng Kanyang gawain.”
Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Ang maikling panimula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Mar 23, 2018

Mga Movie Clip (5) | Tunay bang Hinirang ng Panginoon ang mga Pastor at Elder ng Relihiyosong Mundo?


Mga Movie Clip (5) | Tunay bang Hinirang ng Panginoon ang mga Pastor at Elder ng Relihiyosong Mundo?

Personal na nagbibigay ng patotoo ang Diyos sa lahat ng Kanyang hinihirang at ginagamit. Sa pinakamababa man lang, lahat sila ay tumatanggap ng kumpirmasyon ng gawain ng Banal na Espiritu, ipinapakita ang mga bunga ng gawain ng Banal na Espiritu, at natutulungan ang mga napiling tao ng Diyos na tumanggap ng pagkakaloob ng buhay at tunay na pagpapastol. Dahil makatuwiran at banal ang Diyos, ang lahat ng Kanyang hinihirang at ginagamit ay kailangang sumunod sa Kanyang kalooban. Ang mga pastor at elder mula sa relihiyosong mundo ay nagkukulang lahat sa salita ng Diyos bilang patotoo, at wala ring kumpirmasyon ng gawain ng Banal na Espiritu. Kaya paanong personal na hihirangin at gagamitin ng Diyos ang mga pastor at elder na nasa relihiyosong mundo?
Rekomendasyon:Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal

Mar 11, 2018

Napakahalaga na Sundin ang Gawa ng Banal na Espiritu!

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Napakahalaga na Sundin ang Gawa ng Banal na Espiritu!Xiaowei    Lungsod ng Shanghai

  Ilang panahon na ang nakaraan, kahit na lagi akong nakakatanggap ng ilang mga inspirasyon at pakinabang kapag ang kapatid na siyang nakisama sa akin ay nagbahagi ng pagliliwanag na kanyang nakuha habang kumakain at umiinom ng salita ng Diyos, lagi rin akong nagkakaroon ng hindi maalis-alis na pakiramdam na siya’y nagyayabang. Iniisip ko sa sarili ko, “Kung sasagot ako sa kanya ngayon, hindi ko ba siya binubuyo? Sa ganoong diwa, hindi ba ako magmumukhang mas mababa sa kanya?” Bilang resulta, tumanggi ako na ilabas ang aking sariling mga pananaw sa usapan o magkomento sa anumang mga kaisipan na kanyang ibinahagi. Minsan, ang aking kapatid, ay nakakuha ng ilang mga kabatiran mula sa pagkain at pag-inom ng isang partikular na sipi ng salita ng Diyos, at nakaramdam na para bang may mali sa aming sitwasyon at tinanong ako kung payag ba akong pag-usapan kasama siya iyong sipi ng salita ng Diyos. Sa sandaling nagtanong siya, ang lahat ng mga saloobin at pakiramdam na ito ng hinanakit ay lumutang sa ibabaw: “Gusto mo lang magpatotoo sa iyong sarili, para magkaroon ng makikinig para pangaralan. Bakit ako dapat makipag-usap sa iyo?” Umabot pa ako sa punto na hindi ako dumalo ng pulong para lang hindi ko siya mapakinggan. Maya-maya, nakaramdam ako ng kabigatan sa aking puso, alam ko na may mali sa aking sitwasyon, ngunit hindi ako makapag-isip ng magandang paraan para malutas ang aking sariling panloob na sigalot. Ang tanging magagawa ko ay ituon nang todo ang aking sarili sa aking mga sariling tungkulin, kumain at uminom ng salita ng Diyos, at kumanta ng mga himno para ilihis ang aking sarili mula sa mga negatibong pakiramdam na ito. Gayun pa man, kapag kailangan kong harapin ang kasalukuyang sitwasyon, ang parehong katiwalian ay umuusbong sa aking puso—lumalala ang mga bagay, hindi bumubuti—wala akong ideya kung ano ang gagawin tungkol dito.

Peb 22, 2018

3. Sa Pananampalataya sa Diyos, Dapat Mong Maitatag ang Normal na Kaugnayan sa Diyos

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | 3. Sa Pananampalataya sa Diyos, Dapat Mong Maitatag ang Normal na Kaugnayan sa Diyos

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

    Kung nais mong matamo ang isang angkop na espirituwal na buhay at makapagtatag ng isang angkop na kaugnayan sa Diyos, dapat mo munang ibigay ang iyong puso sa Kanya, at ipanatag ang iyong puso sa harap Niya. Kapag naibuhos mo ang iyong puso sa Diyos saka mo lamang mapauunlad nang unti-unti ang isang espirituwal na buhay. Kung hindi ibinibigay ng mga tao ang kanilang puso sa Diyos sa kanilang paniniwala sa Kanya, kung ang kanilang puso ay wala sa Kanya at hindi nila tinatrato ang Kanyang pasanin bilang sariling kanila, kung gayon ang lahat ng kanilang ginagawa ay pandaraya sa Diyos, at ito ay pawang pag-uugali ng mga taong relihiyoso—hindi nito matatamo ang papuri ng Diyos. …

Peb 7, 2018

Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (2)


Mga pagbabasa at pagsasalaysay ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (2)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung ang nagkatawang-taong Diyos man ay nagsasalita, gumagawa, o naghahayag ng mga himala, Siya ay gumagawa ng dakilang gawain sa loob ng Kanyang pamamahala, at ang ganoong gawain ay hindi maaaring magawa ng tao bilang kahalili Niya. Ang gawain ng tao ay ang gawin lamang ang kanyang tungkulin bilang isang taong nilalang sa isang partikular na yugto ng gawaing pamamahala ng Diyos. Kung wala ang ganoong pamamahala, iyon ay, kung ang ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao ay nawala, gayundin ang tungkulin ng isang taong nilalang. Ang gawain ng Diyos sa pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo ay ang pamahalaan ang tao, samantalang ang paggawa ng tao sa kanyang tungkulin ay ang pagganap sa kanyang sariling mga pananagutan upang matugunan ang mga hinihingi ng Maylalang at sa anumang paraan ay hindi maituturing na pagsasakatuparan ng ministeryo ninuman. Sa likas na esensya ng Diyos, iyon ay, Espiritu, ang gawain ng Diyos ay ang Kanyang pamamahala, nguni’t sa Diyos na nagkatawang-tao na nasa panlabas na anyo ng isang taong nilalang, ang Kanyang gawain ay ang pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo. Anumang gawain ang Kanyang ginagawa ay upang isakatuparan ang Kanyang ministeryo, at maaari lamang magawa ng tao ang kanyang makakaya sa loob ng Kanyang sakop ng pamamahala at sa ilalim ng Kanyang pangunguna.”
Rekomendasyon:Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus
Ano ang Ebanghelyo ?

Ene 20, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-lima na Pagbigkas

 Ang Banal na Espiritu, buhay, Kaharian, kapalaran

Ang Ikadalawampu’t-lima na Pagbigkas

     Lumilipas ang oras, at sa isang kisap-mata ang araw na ito ay dumating. Sa ilalim ng paggabay ng Aking Espiritu, ang lahat ng tao ay namumuhay sa gitna ng Aking liwanag, at walang sinuman ang nag-iisip ng nakalipas o pag-iintindi sa kahapon. Sino ang hindi kailanman nabuhay sa kasalukuyan? Sino ang hindi gumugol ng mga kahanga-hangang araw at buwan sa kaharian? Sino ang hindi nabuhay sa ilalim ng araw? Bagaman ang kaharian ay bumaba sa sangkatauhan, walang sinuman ang totoong nakaranas ng kasiglahan nito; ang mga tao ay itinuturing ito mula sa labas lamang, di-nakauunawa ng substansya nito. Sa panahon nang mabuo ang Aking kaharian, sino ang hindi nagagalak dahil dito? Maaari ba na ang mga bansa sa daigdig ay makatakas? Talaga nga ba na ang malaking pulang dragon ay may kakayahang makatakas salamat sa kanyang katusuhan? Ang Aking mga kautusan ng pamamahala ay inihayag sa buong sansinukob, itinatatag nila ang Aking awtoridad sa lahat ng mga tao at gumagana sa buong kosmos; gayon pa man, ang tao ay hindi tunay na batid ito. Nang ang Aking mga kautusan ng pamamahala ay inihayag sa sansinukob ay gayun din kapag ang Aking gawa sa lupa ay malapit nang maging ganap. Kapag Ako ay namuno at humawak ng kapangyarihan sa lahat ng mga tao at kapag Ako ay kinilala bilang ang isang Diyos Mismo, ang Aking kaharian ay lubos nang mananaog sa lupa. Ngayon, lahat ng tao ay may bagong simula sa pamamagitan ng bagong landas. Sinimulan nila ang isang bagong buhay, gayon pa man walang sinuman ang tunay na nakaranas ng isang buhay sa lupa katulad ng sa langit. Kayo ba ay tunay na nabubuhay sa gitna ng Aking liwanag? Kayo ba ay tunay na nabubuhay sa gitna ng Aking mga salita? Sino ang hindi nagbigay paglingap sa kanilang mga sariling inaasam? Sino ang hindi namimighati sa kanilang sariling kapalaran? Sino ang hindi nagpupumiglas sa gitna ng dagat ng kadalamhatian? Sino ang hindi nais na palayain ang kanilang mga sarili? Ang mga pagpapala ng kaharian ba ang kapalit ng hirap sa trabaho ng mga tao sa lupa? Maaari nga ba na ang lahat ng mga hinahangad ng tao ay matupad ayon sa kanyang mga pagnanais? Minsan Ko nang iniharap ang magandang tanawin ng kaharian sa harap ng tao, gayon pa man siya lamang ay tinitigan ito nang may mga sakim na mata at walang sinuman ang naghangad na pasukin ito. Minsan Ko nang “iniulat” ang tunay na sitwasyon sa lupa para sa tao, ngunit siya ay nakinig lamang, at siya ay hindi hinarap nang may puso ang mga salitang nagmula sa Aking bibig; Minsan Ko nang sinabi sa sangkatauhan ang mga kalagayan sa langit, gayon pa man ang Aking mga salita ay itinuring niya bilang mga kahanga-hangang kwento, at hindi talagang tinanggap ang inilarawan ng Aking bibig. Ngayon, ang mga tagpo ng kaharian ay sumalimbay sa sangkatauhan, ngunit meron ba na “tumawid sa rurok at kapatagan” sa paghahanap nito? Kung wala ang Aking panghihimok, ang tao ay hindi pa rin magigising mula sa kanyang mga panaginip. Siya nga ba kaya ay tunay na nabighani sa kanyang buhay sa lupa? Wala nga bang mataas na pamantayan sa kanyang puso?

Ang Kalooban ng Diyos | Tungkol sa Pagkasangkapan ng Diyos sa Tao

 Ang Banal na Espiritu, buhay, Cristo, maglingkod


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Kalooban ng Diyos | Tungkol sa Pagkasangkapan ng Diyos sa Tao

    Walang sinuman ang may kakayahang mamuhay nang mag-isa maliban sa kanila na binigyan ng natatanging tagubilin at paggabay ng Banal na Espiritu, sapagkat kinakailangan nila ang ministeryo at pagpapastol niyaong mga kinakasangkapan ng Diyos. Kaya, sa bawat kapanahunan nagbabangon ang Diyos ng iba’t-ibang mga tao na nagmamadali at abala tungkol sa pagpapastol sa mga iglesia para sa kapakanan ng Kanyang gawain. Na ang ibig sabihin, ang gawain ng Diyos ay dapat maganap sa pamamagitan niyaong Kanyang mga kinalulugdan at sinasang-ayunan; dapat gamitin ng Banal na Espiritu ang bahagi sa loob nila na mayroong pakinabang sa paggamit upang gumawa, at ginawa silang angkop sa pagkasangkapan ng Diyos sa pamamagitan ng paggawang perpekto sa kanila ng Banal na Espiritu. Sapagkat ang kakayahan ng tao na makaunawa ay masyadong kulang, dapat siyang pastulan niyaong mga kinakasangkapan ng Diyos; ito ay kagaya ng pagkasangkapan ng Diyos kay Moises, na kung kanino Siya nakatagpo nang marami na angkop sa paggamit sa panahong iyon, na Kanyang kinasangkapan upang gawin ang gawain ng Diyos sa yugtong iyon. Sa yugtong ito, ang Diyos ay kumakasangkapan ng isang tao habang sinasamantala ang bahagi niya na maaaring kasangkapanin ng Banal na Espiritu upang gumawa, at ang Banal na Espiritu ay kapwa ginagabayan siya at ginagawang perpekto ang natitirang, di-magagamit na bahagi.