菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na hanggang buhay. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na hanggang buhay. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 23, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos | Ang Ikalabing-isang Pagbigkas

Kidlat ng Silanganan, Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos , Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, buhay


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos-Ang Ikalabing-isang Pagbigkas


    Ang bawat tao sa sangkatauhan ay dapat tanggapin ang pagmamasid ng Aking Espiritu, dapat siyasating mabuti ang kanilang bawat salita at gawa, at, higit pa rito, ay dapat tumingin sa Aking nakakamanghang gawa. Ano ang inyong pakiramdam sa oras ng pagdating ng kaharian sa lupa? Nang umagos ang Aking mga anak at tao sa Aking trono, pormal Kong sinisimulan ang paghatol sa harap ng malaking puting trono. Na ang ibig sabihin, kapag sinimulan Ko ang Aking gawain sa lupa nang personal, at kapag ang panahon ng paghatol ay malapit na sa pagtatapos, nagsisimula Akong mag-atas ng Aking mga salita sa buong sansinukob, at pinakakawalan ang tinig ng Aking Espiritu sa buong sansinukob. Sa pamamagitan ng Aking mga salita, lilinisin Ko ang lahat ng mga tao at mga bagay kasamang lahat ng nasa langit at sa lupa, upang ang lupain ay hindi na marumi at may kahalayan, ngunit isang banal na kaharian. Babaguhin Ko ang lahat ng mga bagay, upang sila ay mailaan para sa Aking paggamit, upang hindi na nila muling dalhin ang makamundong paghinga, at hindi na muling madungisan ng lasa ng lupa. Sa lupa, ang tao ay naghagilap para sa layunin at mga pinagmulan ng Aking mga salita, at nakamasid sa Aking mga gawa, gayon pa man walang kahit sinuman ang tunay na nakakaalam sa pinagmulan ng Aking mga salita, at walang kahit sinuman ang tunay na namasdan ang kamanghaan ng Aking mga gawa. Ngayon lamang, kapag Ako ay personal na dumarating kasama ng tao at sinasabi ang Aking mga salita, na ang tao ay may kaunting kaalaman sa Akin, inaalis ang lugar para sa “Akin” sa kanilang mga isipan, sa halip ay lumilikha ng isang lugar para sa praktikal na Diyos sa kanilang kamalayan. Ang tao ay may mga pagkaintindi at puno ng pag-uusisa; sino ang hindi nais na makita ang Diyos? Sino ang hindi nagnanais na makaharap ang Diyos? Ngunit ang tanging bagay na sumasakop sa isang tiyak na lugar sa puso ng tao ay ang Diyos na sa pakiramdam ng tao ay malabo at mahirap maunawaan. Sino ang matatanto ito kung hindi Ko sinabi sa kanila nang malinaw? Sino ang totoong maniniwala na Ako ay talagang umiiral? Siguradong walang pahiwatig nang pagdududa? May napakalaking pagkakaiba sa pagitan ng “Ako” sa puso ng tao at ang “Ako” ng realidad, at walang sinuman ang may kakayahang maghambing sa kanila. Kung hindi Ako naging katawang-tao, hindi Ako kailanman makikila ng mga tao, at kahit na makikilala niya Ako, hindi ba’t ang naturang kaalaman ay isa pa ring pagkaintindi? Sa bawat araw ay naglalakad Ako sa gitna nang walang tigil na daloy ng mga tao, at sa bawat araw ay kumikilos Ako sa loob ng bawat tao. Kapag Ako ay totoong nakita ng tao, magagawa niyang makilala Ako sa Aking mga salita, at maunawaan ang mga paraan kung paano Ako nagsasalita pati na rin ang Aking mga layunin.

Ago 16, 2017

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Siya Ang Ating Diyos



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Siya Ang Ating Diyos

Siya Ang Ating Diyos
Siya lang ang may alam ng ating iniisip.
Uri’t diwa natin ay talos N’ya, tulad ng palad N’ya.
Tanging S’ya ang hukom sa taong tiwali at suwail.
Tanging S’ya ang magsasabi’t gagawa sa atin sa ngalan ng Diyos.
S’ya lang ang nag-aangkin ng kapangyariha’t dunong ng Diyos.
Tanging S’ya lamang ang nag-aangkin ng dangal ng Diyos.
Ang disposisyon ng Diyos at kung ano S’ya at mayro’n S’ya
ay ganap na hayag sa buo, sa buo Niyang katawan.
S’ya lang ang makapagdadala ng liwanag sa atin.
S’ya lang ang makapagtuturo ng tamang daan.
S’ya lang maghahayag mga hiwagang di-hayag ng Diyos,
Di-hayag ng Diyos mula sa paglikha hanggang ngayon.
S’ya lang ang magliligtas sa atin mula kay Satanas,
at mula sa tiwali ng ating, ng ating disposisyon.
S’ya lang ang magliligtas sa atin mula kay Satanas,
at sa tiwaling disposisyon, ng ating disposisyon.

Ago 15, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos | Ang Ikawalong Pagbigkas

Almighty God’s Words, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, pag-ibig, pananampalataya,

Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos | Ang Ikawalong Pagbigkas


   Kapag nasa rurok na ang Aking kapahayagan at ang Aking paghatol ay malapit na sa katapusan, ito na ang magiging oras kung saan ang lahat ng Aking mga tao ay malalantad at magiging ganap. Ang Aking mga yabag ay lumilibot sa lahat ng sulok ng mundo ng sansinukob dahil sa walang katapusang paghahanap sa mga naghahangad ng Aking sariling puso at naaayon sa Aking paggamit. Sino ang maaaring tumayo at makikipagtulungan sa Akin? Ang pag-ibig  ng tao sa Akin ay napakakulang at ang pananampalataya niya sa Akin ay hamak na maliit. Kung ang sidhi ng Aking mga salita ay hindi nakatuon sa mga kahinaan ng tao, siya ay magyayabang at magsasalita nang labis, mag-aastang relihiyosong lider, at lilikha ng matatayog na kuro-kuro, na para bang alam niya ang lahat at marunong sa lahat ng bagay sa mundo. Sino pa ang maglalakas-loob na magyabang sa gitna ng mga tapat sa Akin noon, at sa ngayon ay naninindigan sa Aking harapan? Sino ang hindi lantarang nagagalak sa kanilang sariling hinaharap? Nang hindi Ko tuwirang inilantad, ang tao ay walang lugar na napagtaguan, at nagdusa sa kahihiyan. Gaano kalala pa ito kung magsasalita Ako sa ibang paraan? Ang mga tao ay lalong makararamdam ng pagkakautang, sila ay maniniwala na walang makagagamot sa kanila, at ang lahat ay lalong magagapos ng kanilang pagsasawalang-kibo. Kapag ang tao ay nawalan ng pag-asa, ang pagpugay sa kaharian ay pormal ng umalingawngaw, kaya ito ay “ang oras kung kailan ang pitong beses na pinaigting na Espiritu ay nagsisimulang kumilos,” tulad ng sinabi ng tao; sa madaling salita, ang buhay ng kaharian ay opisyal na nagsimula sa daigdig, at iyon ay, nang ang Aking pagka-Diyos ay lumabas upang kumilos nang tuluyan (nang hindi kailangang iproseso ng utak). Ang lahat ng tao ay naging abala na maihahalintulad sa mga bubuyog; para bang muli silang nabuhay, na parang nagising sila mula sa isang panaginip, at pagkagising na pagkagising nila ay namangha sila nang makita ang kanilang sarili sa ganoong kalagayan. Noong nakaraan, marami Akong sinabi tungkol sa pagtatayo ng iglesia, inilahad Ko ang maraming hiwaga, at nang nasa rurok na ang pagtatayo ng iglesia, ito ay biglang nagwakas. Ang pagtatayo ng kaharian, gayon man, ay iba. Tanging kapag ang digmaan sa kahariang espirituwal ay nasa huling yugto, saka Ko sisimulang muli ang daigdig. Ito ay para sabihin na, tanging kapag malapit nang tumalikod and tao saka Ko lang pormal na sisimulan ang pagbangon ng Aking bagong gawain. Ang kaibahan sa pagtatayo ng kaharian at pagtatayo ng iglesia ay ganito, sa pagtatayo ng iglesia, Ako ay gumawa sa sangkatauhang pinamamahalaan ng pagka-Diyos. Tuwiran Kong pinakitunguhan ang lumang kalikasan ng tao, tuwirang inilantad ang pansariling kapangitan ng tao, at inihayag ang kakanyahan ng tao. Ang resulta, natutunan ng tao ang sarili niya sa ganitong paraan, at kaya ay napaniwala sa puso sa pamamagitan ng salita. Sa pagtatayo ng kaharian, Ako ay kumilos nang tuwiran sa Aking pagka-Diyos, at pinapahintulutan ang lahat ng tao na malaman kung anong mayroon Ako at sino Ako batay sa kaalaman ng Aking mga salita, at sa huli, pinapahintulutan silang makamit ang kaalaman tungkol sa Akin na nasa katawang-tao. Kaya ito ay magbibigay ng wakas sa paghahangad ng sangkatauhan sa isang malabong Diyos, at ito ay nagbibigay-katapusan sa lugar ng “Diyos ng langit” sa puso ng tao, na ibig sabihin ay, ito ay nagpapahintulot sa tao na malaman ang Aking mga gawa sa Aking katawang-tao, at winawakasan nito ang Aking panahon sa daigdig.

Ago 14, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos | Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon) Ang Ikapitong Pagbigkas

Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Jesus, ang kordero,

Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos | Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon) Ang Ikapitong Pagbigkas

     
   Ang lahat ng mga sangay sa kanluran ay dapat makinig sa Aking tinig:

    Sa nakaraan, naging tapat ba kayo sa Akin? Sinunod ba ninyo ang Aking napakahusay na mga salita ng payo? May mga pag-asa ba kayong makatotohanan at hindi malabo at walang katiyakan? Ang katapatan, pag-ibig, at pananampalataya ng tao—walang iba maliban sa nagmumula sa Akin, maliban sa mga ipinagkaloob Ko. Bayan Ko, kapag nakikinig kayo sa Aking mga salita, nauunawaan ba ninyo ang Aking kalooban? Nakikita ba ninyo ang puso Ko? Sa nakaraan, habang naglalakbay kayo sa daan ng paglilingkod, naranasan ninyo ang mga tagumpay at kabiguan, ang mga pagsulong at mga kabiguan, at may mga panahong nanganib kayong bumagsak at maging sa puntong Ako ay inyong pagtaksilan; ngunit alam ba ninyong sa bawat sandali, nakahanda Akong laging iligtas kayo? Na sa bawat sandali, lagi Kong binibigkas ang Aking tinig upang tawagin at iligtas kayo? Ilang beses na kayong nahulog sa bitag ni Satanas? Ilang beses na kayong nahuli sa mga patibong ng tao? At muli, gaano kayo kadalas mapasama sa walang katapusang pakikipagtalo sa isa’t isa, dahil nabigo kayong palayain ang inyong sarili? Gaano kadalas pumunta ang inyong mga katawan sa Aking tahanan ngunit ang inyong puso, walang nakakaalam kung nasaan? Gayon pa man, ilang beses Kong iniabot ang Aking mapagligtas na kamay upang itayo kayo; ilang beses Kong isinaboy sa inyo ang mga butil ng kaawaan; ilang beses na hindi Ko matiis na makita ang kaawa-awang kalagayan ng inyong paghihirap? Ilang beses … hindi ba ninyo alam?

Ago 13, 2017

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Simbolo ng Tagumpay ng Diyos



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Simbolo ng Tagumpay ng Diyos

Mga Simbolo ng Tagumpay ng Diyos

I
Naibalik ang tao sa dati niyang anyo.
Tungkuli’y matutupad, lugar nila’y hawak,
ayos ng Diyos ay masusunod.
May grupo na ang Diyos na sa lupa Siya’y sasambahin.
Siya ay magtatayo ng kahariang sasamba sa Kanya sa lupa.
Siya ay magtatayo ng kahariang sasamba sa Kanya sa lupa.