菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na parusa. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na parusa. Ipakita ang lahat ng mga post

Hun 10, 2018

Tagalog Christian Worship Praise Songs 2018 | Mamahalin Ko ang Diyos Magpasawalang-hanggan


I
O Diyos! Mga salita Mo'y nagpabalik sa akin sa Iyo.
Tanggap ko na sanayin sa Iyong kaharian
araw at gabi.
Kayraming pagsubok at sakit,
kayraming mga paghihirap.
Malimit ako ay umiyak at ramdam puso'y nasugatan,
at maraming ulit nahulog sa bitag ni Satanas.
Nguni't 'di Mo ako iniwan kailanman.
Inakay Mo 'ko sa maraming hirap.
Iningatan sa maraming panganib.
Ngayo'y batid ko na iniibig Mo ako.

May 13, 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ika-anim na Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang pagtrato ng Diyos sa mga taong lumalapastangan o kumakalaban sa Kanya o maging yaong naninira sa Kanya—mga tao na sinasadyang atakihin, siraan, at sumpain Siya—hindi Siya nagbubulag-bulagan o nagbibingi-bingihan. Mayroon Siyang isang malinaw na saloobin tungo sa kanila. Hinahamak Niya ang mga taong ito, at sa Kanyang puso ay hinahatulan sila. Sinabi pa Niya nang hayagan ang kalalabasan para sa kanila, nang upang malaman ng mga tao na Siya ay mayroong malinaw na saloobin tungo sa kanila na lumalapastangan sa Kanya, at ang sa gayon ay kanilang malaman na pagpapasyahan Niya ang kanilang kalalabasan. Gayunman, pagkatapos sabihin ng Diyos ang mga ito, hindi pa rin halos makita ng mga tao ang ukol sa kung paano haharapin ng Diyos ang mga taong iyon, at hindi nila maiintindihan ang mga panuntunan sa likod ng kalalabasan ng Diyos, ang Kanyang hatol para sa kanila. Na ang ibig sabihin, hindi makita ng sangkatauhan ang partikular na saloobin at mga pamamaraan na mayroon ang Diyos sa pagharap sa kanila. Ito ay may kinalaman sa mga panuntunan ng Diyos sa paggawa ng mga bagay. Ginagamit ng Diyos ang pagdating ng mga katotohanan upang makitungo sa masamang pag-uugali ng mga tao. Iyon ay, hindi Niya ipinapahayag ang kanilang kasalanan at hindi pinagpapasyahan ang kanilang kalalabasan, ngunit ginagamit Niya nang tuwiran ang pagdating ng mga katotohanan upang tulutan silang maparusahan, upang makuha ang kanilang nararapat na kagantihan. Kapag nangyari ang mga katotohanang ito, ang laman ng mga tao ang magdaranas ng kaparusahan; lahat ng ito ay isang bagay na maaaring makita sa mga mata ng tao. Sa pakikitungo sa masamang pag-uugali ng mga tao, sinusumpa lamang sila ng Diyos sa mga salita, ngunit kasabay nito, ang galit ng Diyos ay darating sa kanila, at ang kaparusahan na kanilang matatanggap ay maaaring isang bagay na hindi nakikita ng mga tao, ngunit ang ganitong uri ng kalalabasan ay maaaring mas malala pa kaysa sa mga kalalabasan na nakikita ng mga tao sa pinarurusahan o pinapatay.”
Rekomendasyon:
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Pananalig sa Diyos | Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kapareho sa Paniniwala sa Panginoon?
Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin

May 9, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Pakahulugan sa Ikaapatnapu’t-dalawang Pagbigkas

Pakahulugan sa Ikaapatnapu’t-dalawang Pagbigkas


    Hindi Ko alam kung ang mga tao ay may nakitang anumang pagbabago sa pagbigkas ngayon. May mga tao na maaring may nakitang kaunti, nguni’t tiyak na hindi sila nangangahas na sabihin. Marahil ang iba ay walang anumang nahalata. Bakit mayroong gayong napakalaking pagkakaiba sa pag-itan ng ikalabindalawa at ng ikalabinlimang araw ng buwan? Napagbulay-bulayan mo na ba ito? Ano ang iyong pananaw? May natarok ka bang anuman mula sa lahat ng mga pagbigkas ng Diyos? Ano ang pangunahing gawaing ginawa sa pag-itan ng ikalawa ng Abril at ikalabinlima ng Mayo? Bakit, ngayon, ang mga tao ba ay walang napansin, kasing-tuliro na para bang sila ay napalo ng batuta sa ulo? Ngayon, bakit walang mga tudling na pinamagatang “Iskandalo ng Mga Tao ng Kaharian”? Sa ikalawa at ikaapat ng Abril, hindi tinukoy ng Diyos ang katayuan ng tao; gayundin, sa maraming mga araw pagkatapos ngayon hindi Niya tinukoy ang katayuan ng mga tao—bakit ganito? Tiyak na mayroong palaisipan dito—bakit may 180 digri na pagbaling? Pag-usapan muna natin nang kaunti ang tungkol sa kung bakit nagsalita nang gayon ang Diyos. Tingnan natin ang mga unang salita ng Diyos, kung saan hindi Siya nagsayang ng panahon sa pagsasabing “Sa sandaling ang bagong gawain ay nagsisimula.” Ang pangungusap ay nagbibigay sa iyo ng unang pahiwatig na ang gawain ng Diyos at nakápások sa isang bagong pasimula, na Siya minsan pa ay nagsimula ng bagong gawain. Ipinakikita nito na ang pagkastigo ay nalalapit na sa pagtatapos; maaaring masabi na ang rurok ng pagkastigo ay napasok na, kaya’t ang mga tao ay dapat na samantalahin ang kanilang panahon upang tapusin ang gawain ng kapanahunang ito ng pagkastigo, upang maiwasang mapag-iwanan, o mawalan ng kanilang panimbang. Ito ay gawang lahat ng tao, at ito ay nangangailangan na gawin ng tao ang kanyang buong makakaya upang makipagtulungan, at kapag ang pagkastigo ay pinayaon na nang ganap, nagsisimula ang Diyos na sumuong sa susunod na bahagi ng Kanyang gawain, sapagka’t sinasabi ng Diyos, “…nagpatuloy Ako na isinasakatuparan ang Aking gawain sa gitna ng tao …. Sa sandaling ito, ang Aking puso ay puno ng matinding kagalakan, sapagka’t Ako ay nakatamo ng isang bahagi ng mga tao, kaya’t ang Aking “negosyo” ay hindi na bagsak, hindi na ito walang-lamang mga salita.” Sa nakaraang mga panahon, nakita ng mga tao ang nagdidiing kalooban ng Diyos sa Kanyang mga salita—walang kasinungalingan dito—at ngayon ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain nang higit na mabilis. Sa tao, tila hindi ito lubusang naaayon sa mga kinakailangan ng Diyos—nguni’t sa Diyos, ang Kanyang gawain ay natapos na. Dahil ang mga iniisip ng mga tao ay masyadong napakakomplikado, ang kanilang pananaw sa mga bagay-bagay ay malimit na sobrang masalimuot. Dahil ang mga tao ay masyadong nagmamadali kapag humihingi sa mga tao, nguni’t ang Diyos ay hindi humihingi ng malaki sa tao, ipinakikita nito kung gaano kalaki ang di-pagkakatugma sa pag-itan ng Diyos at tao. Ang mga pagkaintindi ng mga tao ay nalalantad sa lahat ng ginagawa ng Diyos. Hindi sa ang Diyos ay humihingi ng malalaki sa mga tao at ang mga tao ay hindi kayang abutin ang mga iyon, kundi ang mga tao ay humihingi ng malalaki sa Diyos at ang Diyos ay hindi kayang kamtin ang mga iyon. Dahil, kasunod ng panggagamot may umiiral na karugtong na sakit ang sangkatauhan, na nagáwáng tiwali ni Satanas sa loob ng libu-libong taon, ang mga tao ay laging humihingi ng gayong “mataas” na mga hinihingi sa Diyos, at hindi mapagparaya kahit katiting, malalim ang takot na ang Diyos ay hindi nasisiyahan. Sa gayon, sa maraming mga bagay, kapag ang mga tao ay hindi kwalipikado sa atas, sila ay nagtitiis ng pagkastigo sa sarili, at pinapasan ang mga bunga ng kanilang sariling mga pagkilos, at ito ay lubhang pagdurusa. Sa mga paghihirap na tinitiis ng mga tao, mahigit sa 99 na porsyento ang kinamumuhian ng Diyos. Sa tahasang salita, walang sinumang tunay na nagdusa para sa Diyos. Pinapasan nilang lahat ang mga bunga ng kanilang sariling pagkilos—at ang hakbang na ito ng pagkastigo, sabihin pa, ay hindi eksepsyon, ito ay mapait na inuming pinakuluan ng tao, na iniaangat niya upang inumin niya mismo. Dahil hindi naíbúnyág ng Diyos ang orihinal na layunin ng Kanyang pagkastigo, kahit na may isang bahagi ng mga tao na isinumpa, hindi nito kinakatawan ang pagkastigo. Isang bahagi ng mga tao ang pinagpala, nguni’t hindi ito nangangahulugan na sila ay pagpapalain sa hinaharap. Sa mga tao, tila ang Diyos ay isang Diyos na hindi tumutupad sa Kanyang sinasabi. Huwag mag-alala. Maaring ito ay medyo labis, nguni’t huwag maging negatibo; ang Aking sinasabi ay may kaunting kaugnayan sa pagdurusa ng tao, gayunman palagay Ko ay dapat kang magtatag ng mabuting kaugnayan sa Diyos. Dapat kang magbigay sa Kanya ng higit na maraming “mga kaloob,” na tiyak na magpapasaya sa Kanya. Ako ay nagtitiwalang minamahal ng Diyos ang mga nagbibigay sa Kanya ng “mga kaloob.” Anong iyong masasabi, ang mga salitang ito ba ay tama?

May 2, 2018

Salita ng Diyos | Pakahulugan ng Ang Ika-tatlumpu’t tatlong Pagbigkas

Pakahulugan ng Ang Ika-tatlumpu’t tatlong Pagbigkas


     Sa katotohanan, batay sa ginawa ng Diyos sa mga tao, at ibinigay sa kanila, pati na rin ang siyang pagmamay-ari ng mga tao, maaaring sabihin na hindi labis ang Kanyang mga hinihiling sa mga tao, na hindi Siya humihingi ng sobra sa kanila. Paano, kung gayon, nila maaaring hindi subukang pasiyahin ang Diyos? Nagbibigay ang Diyos ng isandaang porsyento sa tao, ngunit hinihiling lamang Niya ang isang maliit na bahagi ng mga tao—paghingi ba ito nang sobra-sobra? Gumagawa ba ang Diyos ng gulo mula sa wala? Kadalasan, hindi kilala ng mga tao ang kanilang mga sarili, hindi nila sinusuri ang kanilang mga sarili sa harap ng Diyos, at kaya mayroong mga kadalasang pagkakataon na sila ay nasisilo—paano kaya ito maituturing na pakikipagtulungan sa Diyos? Kung mayroon mang oras na hindi nagpataw ang Diyos ng mabigat na pasanin sa mga tao, guguho sila na parang putik, at hindi nila aakuhin sa kanilang mga sarili na maghanap ng mga maaaring gawin. Ganyan ang mga tao, alinman sa walang pasubali o negatibo, kailanma’y walang kakayahan na aktibong makiisa sa Diyos, palaging naghahanap ng negatibong dahilan upang magpatalo sa kanilang mga sarili. Tunay ka bang isang tao na gumagawa ng lahat hindi para sa kanilang mga sarili, ngunit upang pasiyahin ang Diyos? Tunay ka bang isang tao na hindi tumutupad sa mga pangangailangan ng gawain ng Diyos bilang resulta ng kanilang mga sariling emosyon o mga kagustuhan? “Bakit nila palaging sinusubukang makipagtawaran sa Akin? Punong tagapamahala ba Ako ng isang sentro ng kalakalan? Bakit Ko kaya isinasakatuparan nang buong puso ang hinihingi ng mga tao sa Akin, habang nauuwi lang sa wala ang hinihingi Ko mula sa tao?” Bakit hinihingi ng Diyos ang mga bagay na iyon nang maraming beses nang sunud-sunod? Kung gayon bakit Siya umiiyak sa sama ng loob? Walang napala ang Diyos sa mga tao, ang lahat lamang ng nakikita Niya ay ang gawa na kanilang kinukuha at pinipili. Bakit sinasabi ng Diyos, “habang nauuwi lang sa wala ang hinihingi Ko mula sa tao”? Tanungin ninyo ang inyong mga sarili: Mula simula hanggang huli, sino ang kayang gumawa ng gawain ng kanilang tungkulin nang walang anumang pagpipilian? Sino ang hindi kikilos nang ayon sa “mga damdamin sa kanilang mga puso”? Nagbibigay ang mga tao ng kalayaan sa kanilang mga karakter, nangingisda sa loob ng tatlong araw at iniiwan ang mga lambat upang matuyo sa loob ng dalawang araw. Umiinit at lumalamig ang mga ito nang salitan: Kapag mainit ang mga ito, kaya ng mga ito na sirain ang lahat ng bagay sa mundo, at kapag malamig ang mga ito, kaya ng mga ito na pagyeluhin ang lahat ng mga tubig sa daigdig. Hindi ito ang “silbi” ng tao, ngunit ito ang pinakaangkop na pagkakatulad sa estado ng tao. Hindi ba ito totoo? Marahil mayroon Akong “mga pagkaintindi” sa tao, marahil sinisiraan Ko sila ng puri—ngunit gayunman, “Kung may katotohanan lalakaran mo ang buong mundo; kung wala ang katotohanan, wala kang mararating.” Kahit na isa itong talinghaga ng tao, sa tingin Ko nararapat itong gamitin dito. Hindi Ko sinasadyang pahintuin ang mga tao at itanggi ang kanilang mga ginagawa. Hayaan ninyong konsultahin Ko kayo ukol sa ilang mga tanong: Sino ang nakakakita sa gawa ng Diyos bilang ang gawa ng kanilang sariling tungkulin? Sino ang makapagsasabi, “Hangga’t kaya kong pasiyahin ang Diyos, ibibigay ko ang aking lahat”? Sino ang makapagsasabi, “Hindi alintana ang iba, gagawin ko ang lahat ng kinakailangan ng Diyos, at kahit pa gaano kahaba o kaikli ang gawain ng Diyos, marapat kong tuparin ang aking tungkulin; trabaho ng Diyos ang pagdadala ng Kanyang gawain sa katapusan, hindi ito isang bagay na iniisip ko”? Sino ang may kakayahan sa ganoong kaalaman? Hindi mahalaga ang inyong palagay—marahil mayroon kang mas mataas na mga kabatiran, kung saan Aking tinatanggap, inaamin Ko ang pagkatalo—ngunit dapat Kong sabihin sa inyo na isang tapat na puso na dalisay at marubdob ang nais ng Diyos, hindi ang puso ng isang lobo na walang utang na loob. Ano ang alam ninyo sa “pagtatawarang” ito? Mula simula hanggang huli, “nilalakbay na ninyo ang mundo.” Sa isang sandali kayo ay nasa “Kunming,” sa walang hanggan nitong batis, at sa isang kisapmata makararating na kayo sa malupit na lamig at nababalot ng niyebeng “Polong Timog.” Sino ang hindi na nakabalik pa sa kanilang mga sarili? Isang espiritu na “Walang pahinga hanggang kamatayan” ang hinihingi ng Diyos, ang nais Niya ay isa na siyang “hindi tatalikuran ng mga tao hanggang marating nila ang pader ng timog.” Natural, ang intensyon ng Diyos ay hindi para piliin ng mga tao ang maling daan, ngunit upang kupkupin ang ganoong espiritu. Kagaya ng sinasabi ng Diyos, “Kapag inihahambing Ko ang mga “regalo” na ibinigay nila sa Aking mga bagay, agad napapansin ng mga tao ang Aking kahalagahan, at saka lamang nila nakikita ang Aking kalakihan.” Paano maipaliliwanag ang mga salitang ito? Marahil, binibigyan ka ng kaunting kaalaman ng pagbabasa ng mga unang nabanggit na salita, dahil tinatanggal ng Diyos ang buong puso ng tao para sa paghihimay, sa anong oras na malaman ng mga tao ang mga salitang ito. Ngunit dahil sa malalim na kahulugan sa loob ng mga salita ng Diyos, nananatili ang mga taong hindi nalilinawan tungkol sa “lumang katawan,” dahil hindi sila nag-aral sa isang medikal na unibersidad, ni hindi sila mga arkeologo, at kaya nararamdaman nila na hindi kayang unawain ang bagong terminong ito—at doon lamang sila nagpadadaig nang bahagya. Dahil ang mga tao ay walang kapangyarihan sa harap ng lumang katawan; kahit na hindi ito tulad ng isang mabangis na halimaw, ni hindi nito kayang lipulin ang sangkatauhan gaya ng isang bombang atomiko, hindi nila alam kung ano ang gagawin dito, na para bang wala silang kapangyarihan. Ngunit sa Akin, mayroong mga paraan ng pakikitungo sa lumang katawan. Hindi kailanman gumagawa ng pagsisikap ang tao na mag-isip ng isang pangontra na siyang naghatid sa iba’t ibang uri ng kaibahan ng tao na madalas na nagpapakita sa Aking mga mata; kagaya ng sinabi ng Diyos: “Kapag ipinapakita Ko sa kanila ang Aking kabuuan, tinitingnan nila Ako nang may dilat na mga mata, nakatayo sa harapan Ko nang hindi gumagalaw, kagaya ng isang haliging asin. At kapag pinagmamasdan Ko ang kanilang kaibahan, nahihirapan Akong pigilan ang Aking sarili sa pagtawa. Dahil nagpaparamdam sila upang humingi ng mga bagay mula sa Akin, binibigyan Ko sila ng mga bagay na nasa Aking kamay, at hinahawakan nila ito sa kanilang dibdib, iniingatan ang mga ito kagaya ng isang bagong-silang na sanggol, isang gawi na kanilang ginagawa lang sa ilang sandali.” Hindi ba mga gawa ito ng lumang katawan? Dahil, ngayon, naiintindihan ng mga tao, bakit hindi sila tumatalikod, at bagkus ay nagpapatuloy pa? Sa katunayan, hindi kayang matamo ng tao ang isang bahagi ng mga kinakailangan ng Diyos, ngunit hindi pinakikinggan ng mga tao ang mga ito, dahil “hindi Ko kinakastigo nang magaan ang tao. Sa kadahilanang ito na palaging nabibigyan ang mga tao ng kalayaan na pamahalaan ang kanilang katawan. Hindi nila sinusunod ang Aking kalooban, ngunit hindi kailanman Ako nilinlang sa Aking hukuman” Hindi ba ito ang katayuan ng tao? Hindi sa sinasadya ng Diyos na maghanap ng mali, ngunit isa itong katotohanan—dapat bang ipaliwanag ito ng Diyos? Kagaya ng sinasabi ng Diyos, “Ito ay dahil ang pananampalataya ng mga tao ay labis na dakila na sila ay “kahanga-hanga.” Sa kadahilanang ito, sinusunod Ko ang mga pagsasaayos ng Diyos, at kaya hindi Ako masyadong nagsasabi ng patungkol dito; dahil sa pananampalaya ng mga tao, susunggaban Ko ito, ginagamit ang kanilang pananampalataya upang dulutan sila na isagawa ang kanilang tungkulin nang wala Ako na nagpapaalala sa kanila. Mali bang gawin ito? Hindi ba ito ang tiyak na kailangan ng Diyos? Marahil, sa sandaling marinig ang ganoong mga salita, maaaring makaramdam ng pagkasuya ang ilang mga tao—kaya magsasalita Ako tungkol sa ibang bagay, upang bigyan sila ng kaunting kalayaan. Kapag sumailalim na sa pagkastigo ang lahat ng mga napiling tao ng Diyos sa sansinukob, at kapag naituwid ang estado sa kaibuturan ng tao, palihim na magbubunyi ang mga tao sa kanilang mga puso, na para bang nakatakas sila sa kapighatian. Sa sandaling ito, hindi na mamimili ang mga tao para sa kanilang mga sarili, dahil ito mismo ang epekto na natamo sa panahon ng huling gawain ng Diyos. Sa Kanyang mga hakbang na nagpatuloy hanggang sa ngayon, sumailalim lahat ang mga anak ng Diyos at ang mga tao sa pagkastigo, at hindi rin makaliligtas ang mga Israelita sa yugtong ito, dahil nabahiran ang mga tao ng karumihan sa loob, at kaya dinadala ng Diyos ang lahat ng tao na pumasok sa dakilang tunawang hurno para sa pagpipino, na isang kinakailangan na daan. Sa sandaling lumampas ito, muling mabubuhay mula sa kamatayan ang mga tao, na siyang tiyak na naunang sinabi ng Diyos sa “Nagsasalita ang Pitong Espiritu.” Hindi na Ako magsalita pa ng tungkol dito, upang hindi na makagalit ng mga tao. Dahil ang gawain ng Diyos ay nakamamangha, dapat sa wakas ay matamo ang mga propesiya na winika ng bibig ng Diyos; kapag hinihiling ng Diyos na magsasalita na naman ang mga tao ukol sa kanilang mga pagkaintindi, labis silang namamangha, at kaya walang sinuman ang dapat na mag-alala o mabalisa. Kagaya ng sinabi Ko, “Sa lahat ng Aking gawain, kailanman ba’y mayroong isang hakbang na isinagawa ng mga kamay ng tao?” Nauunawaan mo ba ang diwa ng mga salitang ito?

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan:
Rekomendasyon:
Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Pananalig sa Diyos | Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kapareho sa Paniniwala sa Panginoon?

May 1, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Interpretasyon sa Ikatatlumpu’t dalawang Pagbigkas

Interpretasyon sa Ikatatlumpu’t dalawang Pagbigkas


    Iniiwan ng mga salita ng Diyos ang mga tao na nagkakamot ng kanilang mga ulo; ito ay para bang, kapag Siya ay nagsasalita, iniiwasan ng Diyos ang tao at nagsasalita sa hangin, na parang wala Siyang kahit anong iniisip na pag-ukulan ng anumang pansin ang mga gawa ng tao, at ganap na walang pakialam sa tayog ng mga tao, na para bang ang mga salitang Kanyang sinasalita ay hindi nakatuon sa mga pagkaintindi ng mga tao, kundi umiiwas sa tao, gaya ng orihinal na hangarin ng Diyos. Sa maraming kadahilanan, ang mga salita ng Diyos ay di-matarok at di-mapasok ng tao. Hindi ito nakakagulat. Ang orihinal na layunin ng lahat ng mga salita ng Diyos ay hindi para magkamit ang mga tao ng kaalaman tungkol sa mga pamamaraan o tanging kasanayan mula sa mga iyon; sa halip, ang mga iyon ay isa sa mga pamamaraan kung saan sa pamamagitan nito ay nakagawa ang Diyos mula sa simula hanggang sa ngayon. Sabihin pa, mula sa mga salita ng Diyos ang mga tao ay nakatamo ng mga bagay-bagay kaugnay sa mga hiwaga, o mga bagay-bagay hinggil kay PedroPablo, at Job—nguni’t ito ang dapat nilang makamtan, at kung ano ang kaya nilang makamtan, at, gaya ng akma sa kanilang tayog, narating na nito ang taluktok nito. Bakit ganoon na ang resulta na hinihingi ng Diyos na makamit ay hindi mataas, gayunman ay nakapagsalita Siya ng napakaraming mga salita? Ito ay kaugnay sa pagkastigo na Kanyang sinasalita, at likas lamang, ito ay nakakamit lahat nang hindi natatanto ng mga tao. Ngayon, ang mga tao ay nagtitiis ng higit na pagdurusa sa ilalim ng mga pagsalakay ng mga salita ng Diyos. Sa ibabaw, walang sinuman sa kanila ang tila napakitunguhan, ang mga tao ay nagsimulang mapalaya sa paggawa ng kanilang gawain, at ang mga taga-serbisyo ay naitaas bilang mga tao ng Diyos—at dito, nakikita sa mga tao na sila ay nakapasok sa pagtatamasa. Sa katunayan, ang realidad ay, mula pagpipino, sila ay nakapasok tungo sa mas mahigpit na pagkastigo. Gaya ng sinasabi ng Diyos, “Ang mga yugto ng Aking gawain ay malápít na nakaugnay ang isa sa kasunod, bawa’t isa ay higit na mas mataas.” Iniahon ng Diyos ang mga taga-serbisyo mula sa walang-hanggang kalaliman at ibinulid sila tungo sa lawa ng apoy at asupre, kung saan ang pagkastigo ay higit na nakakapighatî. Sa gayon, sila ay nagdurusa ng mas matinding paghihirap, kung saan mula rito ay bahagya na silang makatatakas. Hindi ba’t ang gayong pagkastigo ay mas nakakapighatî? Yamang nakapasok sa isang mas mataas na kinasasaklawan, bakit ganito na ang mga tao ay nakadarama ng kalungkutan sa halip na anumang kasayahan? Bakit sinasabi na yamang napalaya mula sa mga kamay ni Satanas, sila ay ibinigay sa malaking pulang dragon? Natatandaan mo ba nang sinabi ng Diyos, “Ang huling bahagi ng gawain ay natapos sa tahanan ng malaking pulang dragon”? Naaalaala mo ba nang sinabi ng Diyos, “Ang huling paghihirap ay nagpapatotoo nang malakas at umaalingawngaw para sa Diyos sa harap ng malaking pulang dragon”? Kung ang mga tao ay hindi naibigay sa malaking pulang dragon, paano sila magpapatotoo sa harap nito? Sino ang kahit kailan ay nakabigkas ng mga salitang gaya ng “Natalo ko ang dyablo” matapos silang magpakamatay? Ang magpakamatay pagkatapos na ituring ang kanilang laman bilang ang kaaway—nasaan ang tunay na kahalagahan nito? Bakit nagsalita ang Diyos nang ganoon? “Hindi Ako tumitingin sa mga peklat ng mga tao, kundi sa bahagi nila na walang peklat, at mula rito Ako ay nasisiyahan.” Kung inaasam ng Diyos na yaong mga walang peklat ay maging Kanyang pagpapahayag, bakit Siya matiyaga at masigasig na nagsalita ng napakaraming salita mula sa pananaw ng tao upang labanan ang mga pagkaintindi ng mga tao? Bakit Siya mag-aabala para doon? Bakit Siya magpapakahirap na gawin ang gayong bagay? Kaya ito ay nagpapakita na may tunay na kahalagahan sa pagsasakatawang-tao ng Diyos, na hindi Niya “babalewalain” ang laman matapos maging nagkatawang-taong laman at tapusin ang Kanyang gawain. Bakit sinasabi na “ang ginto ay hindi magiging dalisay at ang tao ay hindi magiging perpekto”? Paano maipaliliwanag ang mga salitang ito? Ano ang kahulugan kapag ang Diyos ay nagsasalita tungkol sa esensya ng tao? Sa mga mata ng mga tao, ang laman ay nagpapakitang walang kakayahang gawin ang anumang bagay, o kaya ay masyadong kulang. Sa mga mata ng Diyos, ito ay hindi kailanman mahalaga—nguni’t sa tao, ito ay malaking usápín. Para bang sila ay lubos na walang kakayahang lutasin ito at ito ay dapat na personal na hawakan ng isang katawang makalangit—hindi ba ito pagkaintindi ng mga tao? “Sa mga mata ng mga tao, Ako ay isang ‘maliit na bituin’ na bumaba mula sa kalangitan, isang maliit na bituin sa langit, at ang Aking pagdating sa lupa ngayon ay pagsusugo ng Diyos. Bilang resulta, ang mga tao ay nakabuo ng marami pang mga pakahulugan sa mga salitang ‘Ako’ at ‘Diyos’.” Yamang ang mga tao ay walang kabuluhan, bakit ibinubunyag ng Diyos ang kanilang mga pagkaintindi mula sa iba’t ibang mga pananaw? Maaari kayang ito rin ay karunungan ng Diyos? Hindi ba katawa-tawa ang gayong mga salita? Gaya ng sinasabi ng Diyos, “Bagaman mayroong pagkakalagyan na naitatag Ko sa mga puso ng mga tao, hindi nila kinakailangan na manahan Ako roon. Sa halip, sila ay naghihintay para sa “Banal na Isa” sa kanilang mga puso na biglang darating. Sapagka’t ang Aking pagkakakilanlan ay masyadong mababa, hindi Ako nakakatapat sa mga hinihingi ng mga tao at sa gayon ay inaalis nila.” Dahil ang tantiya ng mga tao sa Diyos ay “napakataas,” maraming mga bagay ang “hindi-kayang-makamit” para sa Diyos, na naglalagay sa Kanya sa “mahirap na kalagayan.” Bahagya lamang nababatid ng mga tao na ang hinihingi nila sa Diyos na makayang gawin ay kanilang mga pagkaintindi. At hindi ba’t ito ang tunay na kahulugan ng “Ang isang matalas na tao ay maaaring maging biktima ng kanyang sariling katalinuhan”? Ito ay tunay na isang halimbawa ng “matalas sa pangkalahatan, nguni’t sa sandaling ito isang hangal”! Sa inyong pangangaral, inyong hinihingi na bitawan ng mga tao ang Diyos ng kanilang mga pagkaintindi, at ang Diyos ba ng inyong mga pagkaintindi ay nakaalis na? Paano mabibigyang pakahulugan ang mga salita ng Diyos na “Hindi Ako humihingi ng malaki sa tao”? Ang mga iyon ay hindi upang gawing negatibo at walang-galang ang mga tao, kundi para bigyan sila ng dalisay na pagkaunawa sa mga salita ng Diyos—nauunawaan ba ninyo? Ang Diyos ba na nagkatawang-tao ay tunay na ang “‘Ako’ na mataas at makapangyarihan” na naguguni-guni ng mga tao?

Abr 25, 2018

Ang tinig ng Diyos | Interpretasyon ng Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas

Interpretasyon ng Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas

    Ang kalagayan ng mga tao ay na mas kakaunti ang pagkaunawa nila tungkol sa mga salita ng Diyos, mas may-pag-aalinlangan sila sa kasalukuyang paraan ng paggawa ng Diyos. Nguni’t ito ay walang epekto sa gawain ng Diyos; kapag ang Kanyang mga salita ay umaabot sa isang tiyak na punto, ang mga puso ng mga tao ay likas na tatanggap. Sa kanilang mga buhay, ang bawa’t isa ay nakatuon sa mga salita ng Diyos, at nagsisimula rin silang manabik sa Kanyang mga salita—at dahil sa tuluy-tuloy na paglalantad ng Diyos, nagsisimula silang hamakin ang kanilang mga sarili. Gayunman, binigkas din ng Diyos ang marami sa mga sumusunod na uri ng mga salita: “Kapag lubusan niyang naunawaan ang lahat ng Aking mga salita, nagiging akma ang tayog ng tao sa mga kagustuhan Ko, at ang mga pagsusumamo niya ay nagiging mabunga at hindi na walang kabuluhan o walang saysay; pinagpapala Ko ang mga pagsusumamo ng sangkatauhan na taos-puso, at hindi isang pagkukunwari.” Sa katunayan, ang mga tao ay walang kakayahan na lubusang maunawaanang mga salita ng Diyos, maaari lamang nilang maunawaan ang nasa ibabaw. Ginagamit lamang ng Diyos ang mga salitang ito upang bigyan sila ng isang layunin na itaguyod, upang maramdaman nila na ang Diyos ay hindi gumagawa ng mga bagay nang basta-basta, nguni’t seryoso sa Kanyang gawain, at saka lamang sila magkakaroon ng pananampalatayang itataguyod. At sapagka’t ang lahat ng mga tao ay nagsusumamo lamang para sa kanilang sariling mga kapakanan, hindi para sa kalooban ng Diyos, nguni’t ang Diyos ay hindi pabago-bago, ang Kanyang mga salita ay laging nakatuon sa kalikasan ng tao. Bagaman ang karamihan sa mga tao ngayon ay nagsusumamo sila ay hindi tapat—ito ay isang pagkukunwari lamang. Ang kalagayan ng lahat ng mga tao ay na“isinasaalang-alang nila ang Aking bibig bilang isang kornukopya. Nais ng lahat ng mga tao na makakuha ng isang bagay mula sa Aking bibig. Mga lihim man ito ng kalagayan, o mga misteryo ng langit, o ang dinamika ng espirituwal na mundo, o ang hantungan ng sangkatauhan.” Dahil sa kanilang pagkamausisa, ang mga tao ay handang lahat nasaliksikin ang mga bagay na ito, at ayaw nilang makamitang anumang bagay na paglalaan ukol sa buhay mula sa mga salita ng Diyos. Kaya naman sinasabi ng Diyos, “Masyadong marami ang kakulangan sa kaloob-looban ng tao: Hindi lamang mga ’suplementong pangkalusugan‘ ang kanyang pangangailangan, ngunit mas higit pa ang ’suporta sa pag-iisip‘ at maging ang ’espirituwal na panustos.’“ Ito ang mga pagkaintindi sa mga tao na humantong sa pagkanegatibo ngayon, at ito ay dahil ang kanilang pisikal na mga mata ay masyadong “piyudal” kaya walang sigla sa kung ano ang kanilang sinasabi at ginagawa, at sila ay walang-pakialam at pabaya sa lahat ng mga bagay. Hindi ba ito ang mga kundisyon ng mga tao? Hindi ba dapat magmadali ang mga tao at ituwid ito, sa halip na magpatuloy na ganoon sila? Ano ang pakinabang na malaman ang hinaharap para sa tao? Bakit may reaksyon ang mga tao pagkatapos mabasa ang ilan sa mga salita ng Diyos, nguni’t ang nalalabing bahagi ng Kanyang mga salita ay walang epekto? Halimbawa, kapag sinasabi ng Diyos, “Nagbibigay Ako ng lunas para sa sakit ng tao upang makamit ang mas mahusay na mga epekto, upang bumalik ang lahat sa kalusugan, at upang, salamat sa Aking lunas, maaari na silang bumalik sa normalidad,” paanong ang mga salitang ito ay walang epekto sa mga tao? Hindi ba lahat ng bagay na ginawa ng Diyos ay ang dapat matamo ng tao? May gawain ang Diyos na dapat gampanan—bakit walang landas na lalakaran ang mga tao? Sa ganito, hindi ba sila lumilihis mula sa Diyos? Mayroon talagang malaking gawain na dapat gawin ng mga tao—halimbawa, gaano ang kanilang nalalaman tungkol sa “malaking pulang dragon” sa mga salitang “Talagang namumuhi ba kayo sa malaking pulang dragon”? Ang mga salita ng Diyos na “Bakit Ko ito tinanong sa inyo nang maraming beses?” ay nagpapakita na ang mga tao ay walang pa ring alam sa likas na katangian ng malaking pulang dragon, na sila ay nananatiling hindi kayang mas lumalim. Hindi ba ito ang gawaing dapat gawin ng tao? Paano masasabi na ang tao ay walang gawain? Kung gayon nga, ano ang magiging kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos? Ang Diyos ba ay nagiging pabaya at walang-pakialam alang-alang sa pagdaan lamang sa mga galaw? Maaari bang matalo ang malaking pulang dragon sa ganitong paraan?

Abr 23, 2018

Salita ng Diyos | Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas

Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas

    Mula sa lahat ng mga salitang binigkas ng Diyos, maaaring makita na ang araw ng Panginoon ay nalalapit sa bawa’t araw na lumilipas. Para bang ang araw na ito ay nasa harap mismo ng mga mata ng mga tao, na para bang ito ay darating bukas. Kaya, pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, lahat ng mga tao ay nahintakutan, at mayroon ding kaunting pakiramdam ng kapanglawan ng mundo. Para bang, habang ang mga dahon ay nalalaglag at ang ambon ay pumapatak, lahat ng mga tao ay naglaho nang walang bakas, na para bang lahat sila ay napawi mula sa lupa. Silang lahat ay may pakiramdam na may nagbabadyang masama. Bagaman pinipilit nila, at inaasam na bigyang-kasiyahan ang mga hangarin ng Diyos, lahat ay gumagamit ng bawa’t himaymay ng lakas na mayroon sila upang tuparin ang mga hangarin ng Diyos upang ang kalooban ng Diyos ay makakapagpatuloy nang maayos, walang hadlang, ang gayong saloobin ay laging may kahalong pakiramdam ng nagbabadyang mangyayari. Halimbawa ay ang mga pagbigkas ngayon: Kung ang mga iyon ay ibinrodkast sa mga karamihan, ibinalita sa buong sansinukob, kung gayon ang lahat ng mga tao ay yuyukod at tatangis, sapagka’t sa mga salitang “Babantayan ko ang buong lupa, at, magpapakita sa Silangan ng mundo nang may kabanalan, kamahalan, poot at kaparusahan, ihahayag ko ang Aking sarili sa napakaraming hukbo ng sangkatauhan!” lahat nang nakakaunawa ng espirituwal na mga bagay ay nakakakita na walang sinumang maaaring tumakas sa pagkastigo ng Diyos, na lahat ay susunod sa kanilang sariling uri pagkatapos maranasan ang pagdurusa ng pagkastigo. Tunay nga, ito ay isang hakbang ng gawain ng Diyos, at walang sinumang makakapagbago rito. Nang nilikha ng Diyos ang mundo, nang pinangunahan Niya ang sangkatauhan, ipinakita Niya ang Kanyang karunungan at pagiging kahanga-hanga, at saka lamang kapag dinadala Niya ang kapanahunang ito sa katapusan mamamasdan ng mga tao ang Kanyang tunay na pagkamatuwid, kamahalan, poot, at kaparusahan. Higit pa, sa pamamagitan lamang ng pagkastigo na makakaya nilang makita ang Kanyang pagkamatuwid, kamahalan, at poot; ito ay isang landas na dapat matahak, gaya ng, sa panahon ng mga huling araw, ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay kailangan, at hindi maaaring mawala. Pagkatapos iproklama ang katapusan ng buong sangkatauhan, ipinakikita ng Diyos sa tao ang gawain na ginagawa Niya ngayon. Halimbawa, sinasabi ng Diyos, “Ang Israel noong panahon ay huminto na, at ang Israel sa araw na ito ay bumangon, tumayo at tumitindig nang matayog, sa mundo, ay bumangon sa mga puso ng lahat ng sangkatauhan. Ngayon ang Israel ay tiyak na makukuha ang pinagmulan ng pag-iral sa pamamagitan ng Aking mga tao! Ah, nakamumuhing Ehipto! … Paanong hindi ka iiral sa loob Aking kaparusahan?” Sadyang ipinakikita ng Diyos sa mga tao ang mga bungang nakamit ng dalawang magkasalungat na bansa mula sa mga kamay ng Diyos, sa isang banda ay tumutukoy sa Israel, na materyal, at sa isa pa ay tumutukoy sa lahat ng mga pinili ng Diyos—na ibig sabihin, sa kung paano nagbabago ang mga pinili ng Diyos habang ang Israel ay nagbabago. Kapag ang Israel ay lubos nang nakabalik sa orihinal nitong anyo, lahat ng mga pinili ay kasunod na magagawang ganap—na ibig sabihin, ang Israel ay isang makahulugang sagisag niyaong mga minamahal ng Diyos. Ang Ehipto, samantala, ay ang pagtatagpo ng mga kinatawan niyaong mga kinamumuhian ng Diyos. Mas nagiging bulok ito, mas nagiging tiwali yaong mga kinamumuhian ng Diyos—at ang Babilonia ay kasunod na bumabagsak. Ito ay bumubuo ng malinaw na pagkakasalungat. Sa pamamagitan ng pagpoproklama ng mga katapusan ng Israel at Ehipto, ibinubunyag ng Diyos ang hantungan ng lahat ng mga tao; kaya, kapag binabanggit ang Israel, nagsasalita rin ang Diyos tungkol sa Ehipto. Mula rito ay nakikita na ang araw ng pagwasak sa Ehipto ay ang petsa ng paglipol sa mundo, ang petsa kung kailan kinakastigo ng Diyos ang lahat ng mga tao. Ito ay mangyayari sa lalong madaling panahon; ito ay tutuparin na ng Diyos, at isang bagay na lubos na hindi-nakikita ng hubad na mata ng tao, datapwa’t ito rin ay hindi maaaring mawala, at hindi mababago ng sinuman. Sinasabi ng Diyos, “ang lahat ng mga taong lumaban sa Akin ay tiyak na paparusahan Ko nang walang hanggan. Sapagka’t Ako’y ang naninibughong Diyos, hindi Ko basta patatawarin ang mga tao sa lahat ng kanilang ginawa.” Bakit ang Diyos ay nagsasalita nang gayong walang-pasubaling mga salita? At bakit Siya ay personal na naging katawang-tao sa sambayanan ng malaking pulang dragon? Mula sa mga salita ng Diyos ay nakikita ang Kanyang layunin: hindi Siya dumating upang iligtas ang mga tao, o maging mahabagin tungo sa kanila, o kalingain sila, o ingatan sila—kundi upang kastiguhin ang lahat niyaong sumasalungat sa Kanya. Sapagka’t sinasabi ng Diyos, “Walang makatatakas sa Aking pagkastigo.” Ang Diyos ay namumuhay sa katawang-tao, at, higit pa, Siya ay isang normal na persona—datapwa’t hindi Niya pinatatawad ang mga tao sa kanilang kahinaan sa kawalan ng kakayahang makilala Siya sa kanilang mga sarili; sa halip, dahil Siya ay normal, inuusig Niya ang mga tao dahil sa lahat ng kanilang mga kasalanan, ginagawa Niya ang lahat niyaong nakakamasid sa Kanyang katawang-tao na yaong siyang kinakastigo, kaya’t sila ay nagiging mga biktima para sa mga yaong hindi kabilang sa mga tao ng bansa ng malaking pulang dragon. Nguni’t ito ay hindi isa sa mga pangunahing layunin ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang Diyos ay naging katawang-tao pangunahing upang makipaglaban, sa katawang-tao, sa malaking pulang dragon, at upang hiyain ito sa pamamagitan ng labanan. Dahil ang dakilang kapangyarihan ng Diyos ay higit na napapatunayan sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa malaking pulang dragon sa katawang-tao kaysa sa loob ng Espiritu, ang Diyos ay nakikipaglaban sa katawang-tao upang ipakita ang Kanyang mga gawa at pagiging makapangyarihan-sa-lahat. Dahil sa pagkakatawang-tao ng Diyos, hindi-mabilang na mga tao ang “walang-muwang” na nausig, hindi-mabilang na mga tao ang naitapon sa impiyerno, at nadala tungo sa pagkastigo, nagdurusa sa laman. Ito ang paglalarawan ng matuwid na disposisyon ng Diyos, at kung paano man nagbabago yaong mga sumasalungat sa Diyos ngayon, ang nananaig na disposisyon ng Diyos ay hindi kailanman magbabago. Minsan nang inusig, ang mga tao ay inuusig magpakailanman, at hindi na kailanman makababangon. Ang disposisyon ng tao ay hindi makakayang maging tulad ng sa Diyos. Tungo sa mga sumasalungat sa Diyos, ang mga tao ay paiba-iba ng isip, sila ay pagiwang-giwang sa kaliwa at kanan, sila ay umaakyat at bumababa, hindi nila makayang manatiling pareho nang tuluy-tuloy, kung minsan ay kinamumuhian sila nang sagad sa kanilang mga buto, kung minsan ay hinahawakan sila nang malapit; ang mga kalagayan ngayon ay nakasapit dahil hindi kilala ng mga tao ang gawain ng Diyos. Bakit sinasabi ng Diyos ang mga salitang gaya ng, “Ang mga anghel ay, sa paanuman, mga anghel; ang Diyos, sa paanuman, ay Diyos; ang mga demonyo, sa paanuman, ay mga demonyo; ang hindi-matuwid ay hindi pa rin matuwid; at ang mga banal ay banal pa rin”? Hindi ba ninyo ito naaabot? Maari kayang hindi naalaala ng Diyos? Kaya, sinasabi ng Diyos, “ang bawa’t isa’y ayon sa kanilang mga uri, ang mga tao ay hinahanap ang kanilang mga landas na hindi sinasadya pagbalik sa sinapupunan ng kanilang mga pamilya.” Mula rito ay makikita na ngayon, napagsama-sama na ng Diyos ang lahat ng mga bagay tungo sa kani-kanilang mga pamilya, upang ito ay hindi na isang “walang-hanggang mundo,” at ang mga tao ay hindi na kumakain mula sa parehong malaking palayok, kundi gumaganap ng kanilang sariling tungkulin sa kanilang sariling tahanan, ginagampanan ang kanilang sariling papel. Ito ang orihinal na plano ng Diyos sa paglikha ng mundo; pagkatapos na mapagsama-sama ayon sa uri, ang mga tao ay “bawa’t isa’y kakainin ang kanilang sariling pagkain”—sisimulan ng Diyos ang paghatol. Bilang resulta, mula sa bibig ng Diyos ay nagbuhat ang mga salitang ito: “Aking ibabalik sa dating estado ng paglikha, Aking ibabalik ang lahat ng bagay sa orihinal, malalim na babaguhin ang lahat ng bagay, nang sa gayon ang lahat ng bagay ay bumalik sa pinagmulan ng Aking plano.” Ito ang eksaktong layunin ng buong gawain ng Diyos, at hindi ito mahirap maunawaan. Gagawing ganap ng Diyos ang Kanyang gawain—maari bang hadlangan ng tao ang Kanyang gawain? At maari bang punitin ng Diyos ang tipang itinatag sa pag-itan Niya at ng tao? Sino ang maaaring magbago sa ginawa ng Banal na Espiritu? Maari kayang sinuman sa gitna ng tao?

Abr 22, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-apat at Ikadalawampu’t-limang Pagbigkas

Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-apat at Ikadalawampu’t-limang Pagbigkas

    Kung walang matamang pagbasa, imposibleng makaalam ng anuman sa mga pagbigkas nitong dalawang araw; sa katunayan, ang mga iyon ay dapat na nabigkas sa isang araw, datapwa’t hinati ng Diyos sa dalawang araw. Ibig sabihin niyan, ang mga pagbigkas nitong dalawang araw ay bahagi ng isang buo, nguni’t upang gawing madali para sa mga tao na tanggapin ang mga iyon, hinati ng Diyos ang mga iyon sa dalawang araw upang bigyan ang mga tao ng pagkakataong makahinga. Ganyan ang pagsasaalang-alang ng Diyos para sa tao. Sa lahat ng gawain ng Diyos, lahat ng mga tao ay gumaganap ng kanilang gampanin at kanilang tungkulin sa kanilang sariling lugar. Hindi lamang ang mga taong may espiritu ng isang anghel ang nakikipagtulungan; yaong may espiritu ng demonyo ay “nakikipagtulungan” din, gayundin ang lahat ng mga espiritu ni Satanas. Sa mga pagbigkas ng Diyos ay nakikita ang kalooban ng Diyos at Kanyang mga kinakailangan sa tao. Ang mga salitang “Dumarating ang Aking pagkastigo sa lahat ng mga tao, gayon pa man ay nananatili rin itong malayo mula sa lahat ng mga tao. Bawa’t buhay ng bawat tao ay puno ng pag-ibig at pagkamuhi sa Akin” ay nagpapakita na gumagamit ang Diyos ng pagkastigo upang bantaan ang lahat ng mga tao, nagsasanhi sa kanila na makatamo ng pagkakilala sa Kanya. Dahil sa pagtitiwali ni Satanas at kahinaan ng mga anghel, ang Diyos ay gumagamit lamang ng mga salita, at hindi mga utos sa pangangasiwa, upang kastiguhin ang mga tao. Simula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, ito ang naging panuntunan ng gawain ng Diyos patungkol sa mga anghel at lahat ng mga tao. Dahil ang mga anghel ay sa Diyos, isang araw sila ay tiyak na magiging mga tao ng kaharian ng Diyos, at kakalingain at iingatan ng Diyos. Lahat ng mga iba, samantala, ay pagsasama-samahin din ayon sa uri, lahat ng sari-saring masasamang mga espiritu ni Satanas ay kakastiguhin, at lahat ng mga walang espiritu ay pamumunuan ng mga anak-na-lalaki at bayan ng Diyos. Ganyan ang plano ng Diyos. Kaya, minsang sinabi ng Diyos “Ang pagdating ba ng Aking araw ay talaga nga bang sandali ng kamatayan ng tao? Maaari Ko nga bang sirain ang tao sa panahon ng pagkabuo ng Aking kaharian?” Bagaman ang mga ito ay dalawang payak na mga katanungan, ang mga iyon ay mga pagsasaayos ng Diyos para sa hantungan ng buong sangkatauhan. Kapag dumarating ang Diyos ay ang panahon kung kailan ang “mga tao sa buong sansinukob ay ipinako sa krus nang patiwarik.” Ito ang layunin kaya ang Diyos ay nagpapakita sa lahat ng mga tao, gumagamit ng pagkastigo upang ipaalam sa kanila ang pag-iral ng Diyos. Dahil ang panahon na ang Diyos ay bumababa sa lupa ay ang huling kapanahunan, at ang panahon kung kailan ang mga bansa sa lupa ay nasa kanilang pinakamaligalig, kaya sinasabi ng Diyos “Sa Aking pagdating sa mundo, ito ay nakukubli ng kadiliman at ang sangkatauhan ay ‘mahimbing na natutulog.’” Sa gayon, ngayong araw mayroon lamang sandakot na mga taong may kakayahang makilala ang Diyos na nagkatawang-tao, halos wala. Dahil ngayon ang huling kapanahunan, walang sinuman ang kahit kailan ay nakakilala sa praktikal na Diyos, at ang mga tao ay mayroon lamang mababaw na pagkakilala sa Diyos. At dahil dito kaya ang mga tao ay namumuhay sa gitna ng masakit na pagpipino. Kapag lumalabas ang mga tao sa pagpipino ay kung kailan din sila ay nagsisimulang makastigo, ito ang panahon kung kailan nagpapakita ang Diyos sa lahat ng mga tao upang maari nilang personal na mamasdan Siya. Dahil sa Diyos na nagkatawang-tao, ang mga tao ay nahuhulog sa sakuna, at hindi nakakayang alisin ang kanilang mga sarili—na siyang kaparusahan ng Diyos sa malaking pulang dragon, at Kanyang utos sa pangangasiwa. Kapag ang init ng tagsibol ay dumarating at ang mga bulaklak ay namumukadkad, kapag ang lahat sa silong ng mga kalangitan ay pawang luntian at lahat ng mga bagay sa lupa ay nasa lugar, lahat ng mga tao at mga bagay ay unti-unting papasok tungo sa pagkastigo ng Diyos, at sa panahong iyan lahat ng gawain ng Diyos sa lupa ay matatapos. Ang Diyos ay hindi na gagawa o mamumuhay sa lupa, sapagka’t ang dakilang gawain ng Diyos ay natupad na. Ang mga tao ba ay walang kakayahang isantabi ang kanilang laman sa maikling panahong ito? Anong mga bagay ang makakapaghati sa pag-ibig sa pag-itan ng tao at Diyos? Sino ang makakayang paghiwalayin ang pag-ibig sa pag-itan ng tao at Diyos? Ang mga magulang ba, mga asawang-lalaki, mga kapatid-na-babae, mga asawang-babae, o masakit na pagpipino? Mapapawi ba ng mga damdamin ng konsensya ang larawan ng Diyos sa loob ng tao? Ang pagkakautang ba at mga pagkilos ng mga tao tungo sa isa’t isa ay kanilang kagagawan? Ang mga iyon ba ay malulunasan ng tao? Sino ang makakayang ingatan ang kanilang mga sarili? Makakaya ba ng mga taong magkaloob para sa kanilang mga sarili? Sino ang mga malalakas sa buhay? Sino ang makakayang iwanan Ako at mamuhay sa kanilang sarili? Paulit-ulit nang paulit-ulit, bakit hinihingi ng Diyos na ang lahat ng mga tao ay magsagawa ng pagsusuri-sa-sarili? Bakit sinasabi ng Diyos, “kaninong paghihirap ang isinaayos sa pamamagitan ng kanilang mga sariling kamay?”

Abr 21, 2018

Salita ng Diyos | Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-isang Pagbigkas

Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-isang Pagbigkas

    Sa mga mata ng Diyos, ang mga tao ay katulad ng mga hayop sa mundo ng mga hayop. Sila ay nakikipaglaban sa isa’t isa, kinakatay ang isa’t isa, at may di-pangkaraniwang pakikipag-ugnayan sa isa’t isa. Sa mga mata ng Diyos, sila ay katulad rin ng mga matsing, nagpa-pakana laban sa isa’t isa di alintana ang gulang o kasarian. Sa gayon, ang lahat nang ginagawa at inihahayag ng buong sangkatauhan ay hindi kailanman naging ayon sa puso ng Diyos. Ang sandali na tinatakpan ng Diyos ang Kanyang mukha ay eksaktong kung kailan ang mga tao sa buong mundo ay sinusubok. Lahat ng mga tao ay dumaraing sa sakit, silang lahat ay namumuhay sa ilalim ng banta ng sakunâ, at walang kahit isa sa kanila ang kahit kailan ay nakatakas mula sa paghatol ng Diyos. Sa katunayan, ang pangunahing layunin ng Diyos sa pagiging katawang-tao ay upang hatulan ang tao at usigin siya sa Kanyang katawang-tao. Sa isipan ng Diyos, matagal na itong napagpasyahan kung sino, ayon sa kanilang kakanyahan, ang maliligtas o wawasakin, at ito ay unti-unting magiging malinaw sa panahon ng huling yugto. Habang ang mga araw at mga buwan ay lumilipas, ang mga tao ay nagbabago at ang kanilang orihinal na anyo ay ibinubunyag. Kung mayroon mang manok o bibi sa itlog ay nakikita kapag ito ay nababasag. Ang panahon kapag ang itlog ay nababasag ay ang mismong panahon na ang mga kapahamakan sa lupa ay darating sa katapusan. Mula rito ay makikita na, upang malaman kung mayroong isang “manok” o isang “bibi” sa loob, ang “itlog” ay dapat na mabasag. Ito ang plano sa puso ng Diyos, at ito ay dapat na matupad.

Abr 19, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Pakahulugan sa Ikalabing-apat na Pagbigkas

Pakahulugan sa Ikalabing-apat na Pagbigkas

    Ang tao ay hindi kailanman natuto ng anumang bagay mula sa salita ng Diyos. Sa halip, pinahahalagahan lamang ng tao nang pahapyaw ang salita ng Diyos, nguni’t hindi nalalaman ang tunay na kahulugan nito. Samakatuwid, bagaman ang karamihan ng mga tao ay kinagigiliwan ang salita ng Diyos, sinasabi ng Diyos na hindi nila talaga pinahahalagahan ito. Ito ay dahil sa pananaw ng Diyos, kahit na ang Kanyang salita ay isang mahalagang bagay, hindi natikman ng mga tao ang totoong katamisan nito. Samakatuwid, maaari lamang nilang “pawiin ang kanilang uhaw sa pag-iisip ng mga sirwelas,”[a] at sa gayon ay pinahuhupa ang kanilang mga sakim na puso. Hindi lamang gumagawa ang Espiritu ng Diyos sa gitna ng lahat ng tao, mayroon ding pagliliwanag ng salita ng Diyos. Ang mga tao lamang ay masyadong bulagsak upang magawang tunay na napasasalamatan ang pinakadiwa nito. Sa isip ng tao, ito ngayon ay ang kapanahunan ng kaharian na lubusang natutupad, nguni’t hindi ito ang kalagayan sa realidad. Kahit na kung ano ang inihula ng Diyos ay ang Kanyang naisakatuparan, ang talagang kaharian ay hindi pa lubusang dumating sa lupa. Sa halip, kasama ang mga pagbabago sa sangkatauhan, kasama ang progreso sa paggawa, at kasama ang kidlat na lumalabas mula sa Silangan, iyon ay, kasama ang paglalim ng salita ng Diyos, ang kaharian ay unti-unting magaganap sa lupa, unti-unti nguni’t ganap na bumababa sa lupa. Ang proseso ng pagdating ng kaharian ay ang proseso din ng maka-Diyos na gawain sa lupa. Kasabay nito, nasimulan ng Diyos sa buong sansinukob ang gawaing hindi pa nagawa sa lahat ng kapanahunan ng kasaysayan upang muling buuin ang buong lupa. Halimbawa, may mga napakalaking pagbabago sa buong sansinukob kabilang ang mga pagbabago sa Estado ng Israel, ang kudeta sa Estados Unidos ng Amerika, ang mga pagbabago sa Ehipto, ang mga pagbabago sa Unyong Sobyet, at ang pagbagsak ng Tsina. Kapag ang buong sansinukob ay napanatag at napanauli sa normal, iyon ay kapag ang gawa ng Diyos sa lupa ay magiging ganap; iyan ang panahon na ang kaharian ay darating sa lupa. Ito ang tunay na kahulugan ng mga salitang “Kapag ang lahat ng mga bansa ng daigdig ay nagkagulo, iyon ang tiyak na oras na ang Aking kaharian ay itatatag at huhugisan at kung kailan din Ako ay magbabagong-anyo at babalik sa buong sansinukob.” Hindi itinatago ng Diyos ang anumang bagay mula sa sangkatauhan, patuloy Niyang sinasabihan ang mga tao ng tungkol sa lahat ng Kanyang pagkamayaman, nguni’t hindi nila maipaliwanag ang Kanyang ibig sabihin, tinatanggap lamang nila ang Kanyang salita tulad ng isang hangal. Sa yugtong ito ng gawain, natutunan ng tao ang pagka-di-maarok ng Diyos at higit pa ay napapahalagahan kung gaano kalawak ang gawain ng pag-unawa sa Kanya; sa kadahilanang ito nadarama nila na ang paniniwala sa Diyos ang pinakamahirap na gawin. Sila ay ganap na walang magawa—ito ay tulad ng pagtuturo sa isang baboy upang kumanta, o tulad ng dagang naipit sa isang bitag. Tunay nga, gaano man kalaki ang kapangyarihan ng isang tao o kung gaano kabihasa ang kakayahan ng isang tao, o kung ang isang tao ay may walang-limitasyong kakayanan sa loob, pagdating sa salita ng Diyos ang mga bagay na ito ay walang kabuluhan. Ito ay parang ang sangkatauhan ay isang tumpok na abo ng nasunog na papel sa mga mata ng Diyos, ganap na walang anumang halaga, lalo nang walang anumang paggagamitan. Ito ay isang perpektong paglalarawan ng tunay na kahulugan ng mga salitang “ako ay naging higit at higit pang nalilingid mula sa mga tao at lalong hindi-maarok sa kanila.” Mula rito makikita na ang gawain ng Diyos ay sumusunod sa isang likas na pagpapatuloy at ginagampanan batay sa kung ano ang maaaring tanggapin ng mga sangkap-pang-unawa ng mga tao. Kapag ang kalikasan ng sangkatauhan ay matatag at hindi-natitinag, ang mga salitang sinasalita ng Diyos ay ganap na umaayon sa kanilang mga pagkaintindi at tila ang mga pagkaintindi ng Diyos at ng sangkatauhan ay iisa at magkapareho, nang walang anumang pagkakaiba. Ginagawa nito ang mga tao na waring nababatid ang pagka-totoo ng Diyos, nguni’t hindi ito ang pangunahing layunin ng Diyos. Pinapayagan ng Diyos ang mga tao na mapanatag bago pormal na simulan ang Kanyang tunay na gawain sa lupa. Samakatuwid, sa pag-uumpisang ito na nakalilito para sa sangkatauhan, napapagtanto ng sangkatauhan na ang kanilang mga dating ideya ay hindi tama at na ang Diyos at ang tao ay kasing-iba ng langit at lupa at hinding-hinding magkapareho. Dahil ang mga salita ng Diyos ay hindi na masuri batay sa mga pagkaintindi ng tao, ang tao ay agad na nagsisimulang tumingin sa Diyos sa isang bagong liwanag, at sa gayon ay tinititigan nila ang Diyos sa panggigilalas, na tila ang praktikal na Diyos ay hindi malalapitan gaya ng hindi-nakikita at hindi-nahihipong Diyos, na tila ang laman ng Diyos ay nasa labas lamang at walang Kanyang kakanyahan. Ang mga tao ay nag-iisip na[b] bagaman Siya ay ang pagkakatawang-tao ng Espiritu, maaari Siyang magbagong-anyo sa pormang Espiritu at lumutang palayo sa anumang oras. Samakatuwid, ang mga tao ay nabuuan ng isang waring iniingatang kaisipan. Sa pagbanggit sa Diyos, binibihisan Siya ng mga tao ng kanilang mga pagkaintindi, na sinasabing maaari Siyang sumakay sa mga ulap at hamog, maaaring lumakad sa tubig, maaaring biglang lumitaw at maglaho sa gitna ng mga tao, at ang iba ay may mas marami pang mga paglalarawang paliwanag. Dahil sa kamangmangan ng sangkatauhan at kawalan ng kaunawaan, sinabi ng Diyos “kapag sa tingin nila ay lumaban sila sa Akin o sinuway ang Aking mga kautusan sa pangangasiwa, isasawalang bahala Ko muna ito.”

Abr 10, 2018

Salita ng Diyos | Pakahulugan sa Unang Pagbigkas

Pakahulugan sa Unang Pagbigkas

    Gaya ng sinabi ng Diyos, “Walang makatatarok sa ugat ng Aking mga salita, ni mauunawaan man nila ang layunin sa likod ng mga iyon.” Kung hindi sa pamamagitan ng paggabay ng Espiritu ng Diyos, kung hindi sa pamamagitan ng pagdating ng Kanyang mga salita, lahat ay mapapahamak sa ilalim ng Kanyang pagkastigo. Bakit ba sinusubok ng Diyos ang tao nang napakatagal? At kasingtagal ng limang buwan? Ito ang pangunahing punto ng ating pagsasamahan gayundin ang pinakapunto ng karunungan ng Diyos. Maaari nating ipalagay ang ganito: Kung hindi sa pamamagitan ng pagsubok na ito, at kung wala ang pagsalakay ng Diyos, pagpatay, at pagtibag sa tiwaling sangkatauhan, kung ang pagtatayo ng iglesia ay nagpatuloy hanggang ngayon, kung gayon ay ano ang makakamit niyan? Kaya sa unang linya ng Kanyang pagsasalita, ang Diyos ay dumidiretso sa punto at ipinaliliwanag ang ninanasang epekto ng gawain sa loob ng mga buwang ito, at ito, masakit mang sabihin, ay tumpak! Ipinakikita nito ang karunungan ng mga gawa ng Diyos sa loob ng sakop ng panahong ito: pagtuturo sa mga tao upang matutunan ang pagpapasakop at taos-pusong dedikasyon sa pamamagitan ng pagsubok, gayundin ang kung paano mas mauunawaan ang Diyos sa pamamagitan ng masakit na pagpipino. Habang mas nawawalan ng pag-asa ang mga tao, mas nakakaya nilang maunawaan ang kanilang mga sarili. At upang sabihin ang katotohanan, habang mas masakit ang pagpipinong kanilang kinakaharap, mas nakakaya nilang maunawaan ang kanilang sariling katiwalian, at habang pinagdadaanan nila ito nalalaman pa nila na sila ay hindi karapat-dapat na maging isang ‘taga-serbisyo” para sa Diyos, at ang pagganap sa ganitong uri ng serbisyo ay pinaparangalan Niya. Kaya’t sa sandaling ito ay makamit, sa sandaling nasaid ng isang tao ang kanyang sarili, binibigkas ng Diyos ang mga salita ng habag, hindi patago bagkus ay kitang-kita. Maliwanag na pagkatapos ng ilang buwan, ang bagong[a] pamamaraan ng gawain ng Diyos ay nagsisimula ngayon; ito ay malinaw upang makita ng lahat. Sa nakaraan, malimit na sinabi ng Diyos “hindi madaling makamit ang karapatang matawag na Aking bayan,” kaya habang tinutupad Niya ang mga salitang ito sa mga taong tinutukoy bilang mga taga-serbisyo, maaaring makita ng lahat na ang Diyos ay maaaring mapagkatiwalaan nang walang anumang kamalian. Lahat ng sinasabi ng Diyos ay magkakatotoo sa magkakaibang antas, at ang Kanyang mga salita ay hindi kailanman walang laman.

Abr 5, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikaapatnapu’t-anim na Pagbigkas

Ang Ikaapatnapu’t-anim na Pagbigkas

    Hindi Ko alam kung gaano kabuti ang kalagayan ng mga tao sa paggawa sa Aking mga salita na batayan ng kanilang pag-iral. Ako ay laging nababalisa para sa kapalaran ng tao, nguni’t tila hindi ito nadarama kahit kaunti ng mga tao—at bilang resulta, hindi nila kailanman pinansin ang Aking mga ginagawa, at hindi kailanman nagkaroon ng pagsamba dahil sa Aking saloobin tungo sa tao. Para bang sila ay nag-alis ng damdamin matagal nang panahon upang bigyang-kasiyahan ang Aking puso. Kinakaharap ang gayong mga kalagayan, minsan pa Akong natahimik. Bakit ang Aking mga salita ay hindi karapat-dapat sa pagsasaalang-alang ng mga tao, sa higit na pagpasok? Dahil ba ito sa “wala Akong realidad” at sinusubukan Kong makaimpluwensya sa mga tao? Bakit lagi Akong binibigyan ng mga tao ng “natatanging pagtrato”? Ako ba ay may-kapansanan na nasa kanyang sariling hiwalay na ward? Bakit, gayong ang mga bagay-bagay ay nakarating sa puntong narating ng mga ito ngayon, iba pa rin ang nagiging tingin sa Akin ng mga tao? May mali ba sa Aking saloobin tungo sa tao? Ngayon, nakapagsimula Ako ng bagong gawain sa ibabaw ng mga sansinukob. Nabígyan Ko ang mga tao sa lupa ng bagong simula, at hiningi sa kanilang lahat na umalis sa Aking bahay. At dahil laging nais ng mga tao na magpasásà sa kanilang mga sarili, pinapayuhan Ko sila na maging gisíng-sa-sarili, at huwag laging gambalain ang Aking gawain. Sa “bahay-tuluyan” na Aking binuksan, walang nagsasanhi sa Aking pagkamuhi nang higit kaysa tao, dahil ang mga tao ay laging nagiging dahilan ng kaguluhan para sa Akin at binibigo Ako. Ang kanilang asal ay nagdadala ng kahihiyan sa Akin at kahit kailan ay hindi Ko naitaas ang Aking ulo. Sa gayon, kalmado Akong nakikipag-usap sa kanila, hinihinging iwan nila ang Aking bahay sa lalong madaling panahon at huminto sa pagkain ng Aking pagkain nang libre. Kung nais nilang manatili, kung gayon dapat silang sumailalim sa pagdurusa at tiisin ang Aking pagdadalisay. Sa kanilang mga isipan, lubos Akong walang kamalay-malay at walang-alam sa kanilang mga ginagawa, at sa gayon lagi silang nakatayo nang mataas sa harap Ko, walang anumang tanda ng pagbagsak, nagkukunwari lamang na tao para buuin ang mga bilang. Kapag Ako ay humingi sa mga tao, sila’y nagugulat: Hindi nila kailanman naisip na ang Diyos, na laging mabuti-ang-kalooban at mabait sa loob ng napakaraming taon, ay makakapagsalita ng ganoong mga salita, mga salitang walang-puso at hindi makatarungan, kaya’t wala silang masabi. Sa ganoong mga pagkakataon, Aking nakikita na ang pagkamuhi para sa Akin sa mga puso ng mga tao ay tuminding muli, dahil muli nilang sinimulan ang gawain ng pagdaing. Lagi nilang inaakusahan ang lupa at tinutungayaw ang Langit. Gayunman sa kanilang mga salita, wala Akong nakikitang anuman na nagmumura sa kanilang mga sarili dahil ang kanilang pag-ibig sa kanilang mga sarili ay napakatindi. Sa gayon ay Aking binubuod ang kahulugan ng pantaong buhay: Dahil masyadong minamahal ng mga tao ang kanilang mga sarili, ang kanilang buong buhay ay pangingipuspos at walang-kabuluhan, at sila ay nagdurusa ng paghampas-sa-sariling pagkawasak sa kabuuan dahil sa kanilang pagkamuhi sa Akin.

Abr 1, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Ikaapatnapu’t-tatlong Pagbigkas

Ang Ikaapatnapu’t-tatlong Pagbigkas

    Marahil ay dahil lamang sa Aking mga utos sa pangangasiwa kaya ang mga tao ay nagkaroon ng malaking “interes” sa Aking mga salita. Kung hindi sila pinamahalaan ng Aking mga utos sa pangangasiwa, sila sanang lahat ay umaalulong na parang mga tigreng kagagambala pa lamang. Araw-araw Ako ay pagala-gala sa ibabaw ng mga ulap, minamasdan ang sangkatauhang bumabalot sa lupa habang sila ay abalang-abala, pinipigilan Ko sa pamamagitan ng Aking mga utos sa pangangasiwa. Ito lamang ang paraan upang panatilihin ang lahi ng tao sa maayos na katayuan, kaya’t napanatili Ko ang Aking mga utos sa pangangasiwa. Mula sa sandaling ito hanggang sa daraan, yaong mga nasa lupa ay tatanggap ng lahat ng uri ng mga pagkastigo dahil sa Aking mga utos sa pangangasiwa, at habang ang mga pagkastigong ito ay bumababa sa kanila ang buong sangkatauhan ay nagsisigawan nang malakas at nagtatakbuhan sa lahat ng direksyon. Sa sandaling ito, ang mga bansa sa lupa ay agad na naglalaho, ang mga hangganan sa pag-itan ng bansa at bansa ay hindi na umiiral, ang lugar ay hindi na nababahagi mula sa lugar, at wala nang maghihiwalay ng tao mula sa tao. Sinisimulan Kong gawin ang “gawaing pang-ideolohiya” sa kalagitnaan ng sangkatauhan, upang ang mga tao ay sama-samangmakakairal nang mapayapa, hindi na nag-aaway-away, at, habang Ako ay nagtatayo ng mga tulay at nagtatatag ng mga koneksyon sa kalagitnaan ng sangkatauhan, angmga tao ay nangagkakaisa. Aking pupunuin ang mga kalangitan ng mga kahayagan ng Aking paggawa, upang ang lahat ng bagay sa lupa ay magpapatirapa sa ilalim ng Aking kapangyarihan, ipinatutupad ang Aking plano para sa “pandaigdigangpagkakaisa” at dinadala ang isa Kong inaasam na ito sa kaganapan, kaya’t angsangkatauhan ay hindi na “magpapagala-gala” sa ibabaw ng lupa kundi makakatagpo ng akmang hantungan nang walang pagkabalam. Nag-iisip Ako para sa lahi ng tao sa lahat ng paraan, ginagawa ito upang ang buong sangkatauhan sa lalong madaling panahon ay makakapamuhay sa isang lupain ng kapayapaan at kaligayahan, upangang mga araw ng kanilang mga buhay ay hindi na magiging malungkot at mapanglaw, kaya’t ang Aking plano ay hindi na mawawalan ng saysay sa ibabaw ng lupa. Dahil ang tao ay umiiral doon, Aking itatayo ang Aking bansa sa ibabaw ng lupa, sapagka’t ang isang bahagi ng kahayagan ng Aking kaluwalhatian ay nasa ibabaw ng lupa. Sa langit sa itaas, ilalagay Ko ang Aking mga lungsod sa ayos kaya’t gagawin ang lahat na bago kapwa sa itaas at sa ibaba. Aking sasanhiin ang lahat nangumiiral kapwa sa itaas at ibaba ng langit tungo sa iisang kaisahan, upang ang lahat ng mga bagay sa lupa ay makaisa ng lahat nang nasa langit. Ito ang Aking plano, ito ang Aking tutuparin sa huling kapanahunan—huwag hayaang makialam angsinuman sa bahaging ito ng Aking gawain! Ang pagpapalawak ng Aking gawain tungo sa mga bansa ng mga Gentil ang huling bahagi ng Aking gawain sa lupa. Walang makatatarok sa gawaing Aking gagawin, kaya’t ang mga tao ay lubos na nalilito. At dahil Ako ay abáláng-abálá sa Aking gawain sa lupa, sinasamantala ng mga tao ang pagkakataon upang “maglaro.” Upang pigilan sila mula sa pagiging masyadong di-masupil, inilagay Ko muna sila sa ilalim ng Aking pagkastigo para tiisin ang pagdidisiplina ng lawa ng apoy. Ito ay isang hakbang sa Aking gawain, at Aking gagamitin ang kapangyarihan ng lawa ng apoy upang tuparin ang gawain Kong ito, kung hindi ay magiging imposibleng isakatuparan ang Aking gawain. Aking sasanhiin ang mga tao sa buong sansinukob na magpasakop sa harap ng Aking trono, hinahati sila sa iba’t ibang kategorya ayon sa Aking paghatol, pinagbubukud-bukod sila ayon sa mga kategoryang ito, at higit pa pinagsusunud-sunod sila ayon sa kani-kanilang mga pamilya, upang ang buong sangkatauhan ay titigil sa pagsuway sa Akin, sa halip ay bumabagsak sa isang masinop at maayos na pagkakaayos ayon sa mga kategoryang Aking napangalanan—huwag hayaan ang sinuman na basta na lamang gumalaw sa palibot! Sa ibabaw at ilalim ng sansinukob, nakágáwâ Ako ng bagong gawain; sa ibabaw at ilalim ng sansinukob, ang buong sangkatauhan ay natutulala at napipipi sa Aking biglang pagpapakita, ang kanilang mga abot-tanaw ay pinasabog na di pa nangyari kailanman ng Aking bukas na pagpapakita. Hindi ba’t ang ngayon ay eksaktong tulad nito?