Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Dapat Mong Malaman ang Adhikain ng Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang kabuuan ng Aking plano sa pamamahala, isang plano na sumasaklaw ng anim na libong taon, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa pasimula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa kalikasan ng bawa’t kapanahunan, nguni’t sa bawa’t yugto ito ay tumutugma sa mga pangangailangan ng tao—o, upang maging mas tumpak, ito ay tinutupad batay sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikipagdigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng mga panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay iligtas ang buong lahi ng tao, na namumuhay sa ilalim ng sakop nito. Ito ay upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan habang ibinubunyag ang di-matiis na pagiging-kakilakilabot ni Satanas. Lalong higit pa, ito ay upang turuan ang Aking mga nilalang na kumiling sa pagitan ng mabuti at masama, upang makilala na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay, upang makita nang malinaw na si Satanas ay kaaway ng sangkatauhan, ang pinakamababa sa mababa, ang masamang isa, at upang makita, nang may katiyakang walang-pasubali, ang pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at masama, katotohanan at kasinungalingan, kabanalan at karumihan, at kung ano ang dakila at kung ano ang hamak. Sa ganitong paraan, ang mangmang na sangkatauhan ay makakayang maging saksi sa Akin na hindi Ako ang tumitiwali ng sangkatauhan, at tanging Ako lamang—ang Panginoon ng sangnilikha—ang makapagliligtas sa sangkatauhan, ang makapagbibigay sa tao ng mga bagay na ikasisiya nila; at kanilang malalaman na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay at si Satanas ay isa lamang sa Aking mga nilikha, at na nang lumaon ay kumalaban sa Akin.
mula sa “Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang buod ng gawain sa pamamahala ng Diyos ay para sa kapakanan ng kaligtasan ng tao. Ang pinakaunang sangkatauhan ay nasa mga kamay ng Diyos, ngunit dahil sa tukso at katiwalian ni Satanas, ang tao ay nagapos ni Satanas at nahulog sa mga kamay ng masama. Kaya, si Satanas ay naging bagay na tatalunin sa gawain ng pamamahala ng Diyos. Sapagkat ang tao ay inari ni Satanas, at dahil ang tao ang produkto sa lahat ng pamamahala ng Diyos, kung ililigtas ang tao, kung gayon ay kailangang siyang agawin sa mga kamay ni Satanas, ito ay upang sabihin na ang tao ay kailangang mabawi pagkatapos nitong mabihag ni Satanas. Si Satanas ay natalo sa pamamagitan ng mga pagbabago sa lumang disposisyon ng tao na nagpanumbalik sa kanyang orihinal na pakiramdam, at sa ganitong paraan, ang tao, na nabihag, ay maaaring maagaw muli sa mga kamay ni Satanas. Kung mapalalaya ang tao sa impluwensya at pagkaalipin ni Satanas, mapapahiya si Satanas, ang tao sa huli ay mababawi, at si Satanas ay magagapi. At dahil ang tao ay napalaya mula sa madilim na impluwensya ni Satanas, at ang tao ang magiging samsam sa lahat ng mga labanang ito, at si Satanas ay magiging bagay na parurusahan sa oras na matapos ang labanang ito, pagkatapos na ang kabuuang gawain sa kaligtasan ng sangkatauhan ay makumpleto na.
mula sa “Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kapag ang tao ay pumasok na sa walang hanggang hantungan, sasambahin ng tao ang Lumikha, at sapagkat natamo na ng tao ang kaligtasan at nakapasok na sa kawalang-hanggan, ang tao ay hindi na maghahangad ng anumang mga layunin, ni, higit pa rito, hindi na kailangan pa na mag-alala na siya ay kinubkob ni Satanas. Sa oras na ito, malalaman ng tao ang kanyang lugar, at gagampanan ang kanyang tungkulin, at kahit na hindi sila parusahan o hatulan, gagampanan ng bawat tao ang kanilang tungkulin. Sa oras na iyon, magiging nilikha ang tao sa parehong pagkakakilanlan at kalagayan. Wala nang magiging pagtatangi tungkol sa mataas at mababa; bawat tao ay gaganap na lamang ng ibang tungkulin. Ngunit ang tao ay mabubuhay pa rin sa isang maayos, angkop na hantungan ng sangkatauhan, tutuparin ng tao ang kanyang tungkulin para sa kapakanan ng pagsamba sa Lumikha, at ang isang sangkatauhan na kagaya nito ay magiging ang sangkatauhan ng kawalang-hanggan. Sa oras na iyon, matatamo na ng tao ang isang buhay na nililiwanagan ng Diyos, isang buhay na nasa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos, at isang buhay na kasama ang Diyos. Magkakaroon ang sangkatauhan ng normal na buhay sa lupa, at ang kabuuan ng sangkatauhan ay papasok sa tamang landas. Lubos nang matatalo ng 6,000-taong plano sa pamamahala ng Diyos si Satanas, ibig sabihin nito’y mababawi na ng Diyos ang orihinal na anyo ng tao sunod sa Kanyang paglikha, at dahil dito, ang orihinal na layunin ng Diyos ay matutupad na.
mula sa “Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Matapos Niyang isagawa ang Kanyang 6,000 taon ng gawain hanggang sa kasalukuyan, ibinunyag ng Diyos ang marami Niyang pagkilos, una sa lahat upang matalo si Satanas at mailigtas ang sangkatauhan. Ginagamit Niya ang pagkakataong ito upang pahintulutan ang lahat sa langit, ang lahat sa lupa, ang lahat ng nasasakop ng mga dagat gayundin ang lahat ng bagay sa lupa na nilikha ng Diyos na makita ang Kanyang pagka-makapangyarihan at upang makita ang Kanyang mga pagkilos. Ginagamit Niya ang pagkakataong talunin si Satanas upang ibunyag ang lahat ng Kanyang pagkilos sa sangkatauhan at pahintulutan ang mga tao na Siya ay sambahin at purihin ang Kanyang karunungan sa pagtalo kay Satanas. Ang lahat ng nasa lupa, sa langit at nasasakop ng mga dagat ay nagbibigay sa Kanya ng kaluwalhatian, pinupuri ang Kanyang pagka-makapangyarihan, pinupuri ang lahat ng Kanyang mga pagkilos at isinisigaw ang Kanyang banal na pangalan. Ito ay patunay ng pagtalo Niya kay Satanas; ito at patunay ng paglupig Niya kay Satanas; higit sa lahat, ito ay patunay ng Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan. Ang buong nilikha ng Diyos ay nagbibigay sa Kanya ng kaluwalhatian, pinupuri Siya sa pagtalo sa Kanyang kaaway at matagumpay na pagbabalik at pinupuri Siya bilang dakilang matagumpay na Hari. Ang Kanyang layunin ay hindi lamang upang talunin si Satanas, kaya ang gawain Niya ay nagpatuloy sa loob ng 6,000 taon. Ginamit Niya ang pagkatalo ni Satanas upang iligtas ang sangkatauhan; ginamit Niya ang pagkatalo ni Satanas upang ibunyag ang lahat ng Kanyang mga pagkilos at ibunyag ang Kanyang kaluwalhatian. Siya ay magkakamit ng kaluwalhatian, at ang lupon ng mga anghel ay makikita rin ang Kanyang kaluwalhatian. Ang mensahero sa langit, ang mga tao sa lupa at ang lahat ng mga nilikha sa lupa ay makikita ang kaluwalhatian ng Maylalang. Ito ang gawain na Kanyang isinasagawa. Ang mga nilikha Niya sa langit at lupa ay makikita ang Kanyang kaluwalhatian, at magbabalik Siya nang matagumpay matapos na lubos na talunin si Satanas at pahihintulutan ang sangkatauhan na purihin Siya. Matagumpay Niyang makakamit ang parehong aspetong ito. Sa katapusan, ang lahat ng sangkatauhan ay malulupig Niya, at Kanyang lilipulin ang sinumang lalaban o susuway, ibig-sabihin, lilipulin ang lahat ng pag-aari ni Satanas.
mula sa “Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang tao ang dalubhasa sa lahat ng mga bagay, ngunit silang mga natamo ay magiging mga bunga ng lahat ng digmaan kay Satanas. Si Satanas ang nagpapasama sa lahat ng mga bagay, ito ang talunan sa katapusan ng lahat ng digmaan, at siya ring maparurusahan pagkatapos ng mga digmaan na ito. Sa pagitan ng Diyos, ng tao at ni Satanas, tanging si Satanas ang siyang kasusuklaman at itatakwil. Ang mga natamo ni Satanas ngunit mga hindi nabawing muli ng Diyos, samantala, yaon ang siyang mga makatatanggap ng kaparusahan sa pangalan ni Satanas. Sa tatlong ito, tanging ang Diyos ang dapat sambahin ng lahat ng mga bagay. Yaong mga pinasama ni Satanas subalit mga nabawing muli ng Diyos at mga sinusundan ang landas ng Diyos, samantala, sila ang makatatanggap ng pangako ng Diyos at hahatol sa mga masasamang tao para sa Diyos. Ang Diyos ang tiyak na magiging matagumpay at tiyak na matatalo si Satanas, ngunit sa mga tao ay mayroong mga mananalo at mayroong mga matatalo. Yaong mga mananalo ay mapapabilang sa Matagumpay, at yaong mga matatalo ay mapapabilang sa sawi; ito ang pag-uuri sa bawat isa alinsunod sa uri, ito ang huling kalalabasan ng lahat ng gawain ng Diyos, ito rin ang layunin ng lahat ng gawain ng Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Ang sentro ng pangunahing gawain sa plano sa pamamahala ng Diyos ay nakatuon sa kaligtasan ng tao, at ang Diyos ay naging tao sa kapakanan unang-una ng lahat ng kaibuturang ito, para sa kapakanan ng gawaing ito, at nang upang matalo si Satanas.
mula sa “Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos