Pakahulugan sa Ika-apatnapung Pagbigkas
Sa Diyos, ang tao ay tulad ng isang laruan na Kanyang tangan-tangan, tulad ng isang binanat-ng-kamay na hibla ng noodle sa Kanyang mga kamay—isa na maaaring gawing kasing-nipis o kasing-kapal ng nais ng Diyos na gawin ayon sa Kanyang kaluguran. Patas bang sabihin na ang tao ay talagang isang laruan sa mga kamay ng Diyos, tulad ng isang pusang Persiyano na binili ng isang babae sa palengke. Walang alinlangan, siya ay isang laruan sa mga kamay ng Diyos—kaya’t walang anumang mali tungkol sa pagkakilala ni Pedro. Mula rito ay nakikita na ang mga salita ng Diyos at pagkilos sa tao ay sadya lamang natutupad, nang napakadali. Hindi Niya pinahihirapan ang Kanyang utak o gumagawa ng mga plano, gaya ng naguguni-guni ng mga tao; ang gawaing ginagawa Niya sa tao ay napaka-normal, gayundin ang mga salitang binibigkas Niya sa tao. Kapag nagsasalita ang Diyos, Siya ay tila hinahayaan ang Kanyang dila na tumakbong kasama Niya, Kanyang sinasabi anuman ang dumating sa Kanyang isipan, nang walang pagbabawal. Gayunpaman, matapos ang pagbasa sa mga salita ng Diyos, ang mga tao ay lubos na kumbinsido, sila ay walang masabi, nandidilat-ang-mata at napapatunganga. Anong nangyayari dito? Ito ay nagpapakitang mabuti kung gaano kadakila ang karunungan ng Diyos. Kung, gaya ng naguguni-guni ng mga tao, ang gawain ng Diyos sa tao ay kailangang planuhin nang napaka-metikuloso upang maging eksakto at tama, kung gayon—upang ang mga naguguni-guning ito ay maging higit pa—ang karunungan ng Diyos, pagiging kamangha-mangha, at pagiging di-matarok ay magiging nasusukat, na nagpapakitang ang pagbibigay-halaga ng mga tao sa Diyos ay napakababa. Dahil laging may kahangalan sa mga pagkilos ng mga tao, sinusukat nila ang Diyos sa ganoon ding paraan. Ang Diyos ay hindi gumagawa ng mga pagkalkula o pagsasaayos para sa Kanyang gawain; sa halip, ito ay tuwirang isinasakatuparan ng Espiritu ng Diyos—at ang mga prinsipyo kung paanong gumagawa ang Espiritu ng Diyos ay malaya at di-napipigilan. Para bang ang Diyos ay hindi binibigyang-pansin ang mga katayuan ng tao at nagsasalita kung ano ang Kanyang ikinasisiya—gayunman nahihirapan pa rin ang tao na ibukod ang kanyang sarili mula sa mga salita ng Diyos, na dahil sa karunungan ng Diyos. Ang mga katunayan, sa paanuman, ay mga katunayan. Dahil ang gawain ng Espiritu ng Diyos sa lahat ng mga tao ay kitang-kita, ito ay sapat upang ipakita ang mga alituntunin ng gawain ng Diyos. Kung ang Diyos ay kailangang magbayad ng gayong kalaking halaga sa Kanyang gawain sa mga nilalang, hindi ba iyan ay magiging katayuan ng paglalagay sa maiinam na kahoy sa mumurahin na paggamit? Dapat ba ang Diyos na kumilos nang personal? Magiging karapat-dapat ba ito? Dahil ang Espiritu ng Diyos ay gumagawa na nang napakatagal, at gayunman sa buong mga kapanahunan ang Espiritu ng Diyos ay hindi nakagawa sa ganitong paraan, walang sinuman ang nakaalam sa paraan at mga alituntunin kung paano gumagawa ang Diyos, ang mga ito ay hindi kailanman naging malinaw. Ngayon ang mga iyon ay malinaw, sapagka’t ang Espiritu ng Diyos ay personal na naibunyag ang mga iyon—at ito ay walang pag-aalinlangan, ito ay tuwirang ipinakita ng Espiritu ng Diyos, hindi binuod ng tao. Bakit hindi maglakbay papuntang ikatlong langit at tingnan kung ito ang talagang nangyayari, tingnan kung, pagkatapos ng paggawa sa lahat ng gawaing ito, ang mga pagpapagal ng Diyos ay iniwan Siyang nanlulupaypay, ang Kanyang likod ay sumasakit at ang Kanyang mga binti ay masakit, o kaya ay hindi makakain o makatulog. Ang Diyos ba ay kailangang magbasa ng napakaraming na sanggunian upang mabigkas ang lahat ng mga salitang ito, nakakalat ba sa mesa ang mga naisulat na pagbigkas ng Diyos, Siya ba ay nanúnuyô-ang-bibig pagkatapos magsalita ng gayong karami? Ang mga katunayan ay mismong kabaligtaran: Ang mga salita sa itaas ay walang anumang pagkatulad sa lugar kung saan nananahan ang Diyos. Sinasabi ng Diyos, “Nakagugol Ako ng malaking panahon, at nagbayad ng malaking halaga, alang-alang sa tao—nguni’t sa sandaling ito, sa hindi-malamang dahilan, ang mga konsensya ng mga tao ay nananatiling kailanma’y hindi-kayang gampanan ang kanilang orihinal na tungkulin.” Di-alintana kung ang mga tao ay may anumang pandama ng lungkot ng Diyos, kung malalapitan nila ang pag-ibig ng Diyos nang hindi nilalabanan ang kanilang konsensya, ito ay maituturing na may-kabuluhan at makatwiran. Ang ikinatatakot lamang ay na ayaw nilang pasanin ang orihinal na tungkulin ng konsensya. Anong masasabi mo, ito ba ay tama? Nakatutulong ba ito sa iyo? Ang Aking pag-asa ay na kabilang kayo sa uri ng mga bagay na nagtataglay ng konsensya, sa halip ng pagiging basurang walang konsensya. Anong iyong iniisip sa mga salitang ito? Ang sinuman ba ay may pandama rito? Ang pagkakaroon ba ng karayom na nakatusok sa iyong puso ay hindi masakit? Itinutusok ba ng Diyos ang karayom sa isang bangkay na walang pakiramdam? Ang Diyos ba ay nagkamali, ang matandang gulang ba ay nagpalabo sa Kanyang paningin? Aking sinasabi na iyan ay imposible! Magkagayunman, ito ay dapat na pagkakamali ng tao. Bakit hindi pumunta sa ospital at tingnan? Walang dudang may problema sa puso ng tao, kailangan itong sukatan ng bagong “piyesa”—maaari ba ang gayon? Gagawin mo ba iyon?
Sinasabi ng Diyos, “Tinitingnan Ko ang kanilang pangit na mga mukha at mga kakatwang-katangian, at muli Akong lumilisan mula sa tao. Sa ilalim ng gayong mga kalagayan, ang mga tao ay nananatiling hindi-nakakaalam, at muling binabawi ang mga bagay-bagay na ipinagkait Ko sa kanila, hinihintay ang Aking pagbabalik.” Bakit, sa panahong ito ng “bagong kapanahunan ng teknolohiya,” ang Diyos ba ay nagsasalita pa rin tungkol sa baka at kariton? Bakit ganito? Ito ba ay dahil nais ng Diyos na mangulit? Ang Diyos ba ay nagpapalipas ng oras dahil wala Siyang mas mabuting gagawin? Ang Diyos ba ay tulad ng tao, walang ginagawa sa paglipas ng oras matapos busugin ang kanyang sarili? Mayroon bang anumang saysay sa pag-uulit ng mga salitang ito muli’t muli? Nasabi Ko na ang mga tao ay mga hampaslupa, na kailangan mo laging sunggaban sila sa mga tainga upang makaugnay sila. Pagkatapos na ang mga salita ay nasabi sa kanila ngayon, agad nilang makakalimutan ang mga iyon bukas—para bang nagdurusa sila ng pagkalimot. Sa gayon, ito ay hindi ang kalagayan na may mga salitang hindi nabigkas, kundi na ang mga iyon ay hindi natupad ng mga tao. Kung ang isang bagay ay sinabi nang isa o dalawang ulit, ang mga tao ay nananatiling walang-alam—ito ay dapat na masabi nang tatlong ulit, ito ang pinakamaliit na bilang. Mayroon pa ngang mga “matatandang lalaki” kung kanino ito ay dapat masabi nang sampu hanggang dalawampung ulit. Sa ganitong paraan, ang parehong bagay ay sinasabi nang paulit-ulit sa iba’t ibang mga paraan, upang makita kung ang mga tao ay nagbago o hindi. Kayo ba ay tunay na nakágáwâ sa ganitong paraan? Hindi Ko gustong pagalitan ang mga tao, subali’t lahat sila ay pinaglalaruan ang Diyos; alam nilang lahat na uminom ng mas maraming karagdagang sustansiya, nguni’t hindi nakakaramdam ng pagkabalisa dahil sa Diyos—at ito ba ay paglilingkod sa Diyos? Ito ba ay pagmamahal sa Diyos? Hindi nakapagtataka na ginugugol nila ang buong araw nang walang pakialam sa mundo, walang-ginagawa at walang-kibo. Nguni’t gayunman, ang ibang mga tao ay hindi pa rin nasisiyahan, at lumilikha ng kanilang sariling kalungkutan. Maaaring Ako ay nagiging medyo marahas, nguni’t ito ang kilalang pagiging sentimental sa sarili! Ang Diyos ba ang nagpapalungkot sa iyo? Hindi ba ito isang kalagayan ng pagdadala ng pagdurusa sa iyong sarili? Wala ba sa mga biyaya ng Diyos ang kwalipikado na maging pagmumulan ng iyong kaligayahan? Sa kabuuan, hindi ka naging mapagpahalaga sa kalooban ng Diyos, at ikaw ay naging negatibo, masakitin, at malungkot—bakit ganito? Kalooban ba ng Diyos na gawin kang namumuhay sa laman? Ikaw ay walang-alam sa kalooban ng Diyos, hindi nagiginhawahan sa kaibuturan ng iyong sariling puso, ikaw ay bumubulung-bulong at dumadaing, at ginugugol ang buong araw na walang-sigla, at ang iyong laman ay nagdurusa ng sakit at pagpapahirap—iyan ang dapat sa iyo! Hinihingi mong ang iba ay magpuri sa Diyos sa gitna ng pagkastigo, na sila ay lumabas mula sa pagkastigo, at huwag mapigilan nito—gayunman nahulog ka rito at hindi makatakas. Kailangan ang ilang taon para tularan itong mala-Dong Cunrui-ng “espiritu ng pagsasakripisyo-ng-sarili.” Kapag nangangaral ka ng mga salita at mga doktrina, hindi ka ba nakakaramdam ng hiya? Kilala mo ba ang iyong sarili? Naisantabi mo na ba ang iyong sarili? Tunay bang minamahal mo ang Diyos? Naisantabi mo na ba ang iyong mga inaasahan at kapalaran? Hindi kataka-taka na sinasabi ng Diyos na ang mga tao ang siyang kamangha-mangha at hindi-maarok. Sinong makakaisip na may napakaraming mga “kayamanan” sa loob ng tao na hindi pa nahuhukay? Ngayon, ang pagkakita rito ay sapat para “buksan ang mga mata ng isa”—ang mga tao ay “napaka-kamangha-mangha”! Para bang Ako ay isang batang hindi makabilang. Kahit ngayon hindi Ko pa napapagkuro kung ilang mga tao ang tunay na nagmamahal sa Diyos. Kahit kailan ay hindi Ko maaalala ang bilang—kaya’t, dahil sa Aking pagiging “kawalang-katapatan,” kapag dumating ang panahon para magsulit sa harap ng Diyos, Ako ay laging walang-hawak, hindi kayang gawin ang ayon sa Aking nais, Ako’y laging nasa pagkakautang sa Diyos. Bilang resulta, kapag Ako ay nagsulit, Ako ay laging napapagsabihan ng Diyos. Hindi Ko alam kung bakit ang mga tao ay napakalupit, lagi Akong pinagdurusa dahil dito. Ginagamit ng mga tao ang pagkakataong ito upang magtawanan, sila ay tunay na hindi Ko mga kaibigan. Kapag Ako ay nasa kaguluhan, hindi nila Ako tinutulungan kahit paanuman, bagkus ay sadyang pinagtatawanan Ako—sila ay tunay na walang konsensya!
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan:
Rekomendasyon:
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal
Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Ang Pananalig sa Diyos ay Hindi Dapat Para Lamang sa Paghahanap ng Kapayapaan at mga Pagpapala.