Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-dalawa at Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas
Ngayong araw, ang lahat ay handang tarukin ang kalooban ng Diyos at kilalanin ang disposisyon ng Diyos, datapwa’t walang nakakaalam sa dahilan kung bakit wala silang kakayahan sa pagsunod sa kanilang mga inaasam, hindi nila nalalaman kung bakit lagi silang ipinagkakanulo ng kanilang mga puso, at kung bakit hindi nila makayang kamtin kung ano ang nais nila. Bilang resulta, sila ay minsan pang binabagabag ng nakapanlulumong kawalang-pag-asa, gayunman ay puno pa rin sila ng takot. Hindi-kayang ipahayag ang mga magkakasalungat na damdaming ito, maaari lamang nilang iyuko ang kanilang mga ulo sa kalungkutan at patuloy na tanungin ang kanilang mga sarili: Maaari kayang hindi ako naliwanagan ng Diyos? Maaari kayang ako ay lihim na pinabayaan ng Diyos? Marahil ang bawa’t isa ay ayos, at naliwanagan silang lahat ng Diyos maliban sa akin. Bakit lagi akong nakakaramdam na nababagabag kapag binabasa ko ang mga salita ng Diyos, bakit hindi ko matarok kahit kailan ang anumang bagay? Bagaman iniisip ng mga isipan ng mga tao ang mga bagay na ito, walang nangangahas na ipahayag ang mga iyon; nagpapatuloy lamang silang nakikipagtunggali sa loob. Sa katunayan, walang sinuman kundi ang Diyos ang kayang maunawaan ang Kanyang mga salita o tarukin ang Kanyang tunay na kalooban. Gayunman laging hinihingi ng Diyos na tarukin ng mga tao ang Kanyang kalooban—hindi ba ito ay gaya ng pagtutulak sa isang bibi tungo sa isang dapúán? Ang Diyos ba ay mangmang sa mga pagkabigo ng tao? Ito ang interseksyon ng gawain ng Diyos, ito ang hindi nauunawaan ng mga tao, at sa gayon ay sinasabi ng Diyos, “Namumuhay ang tao sa gitna ng liwanag, ngunit hindi niya batid ang kahalagahan ng liwanag. Siya ay ignorante sa substansya ng liwanag, at sa pinagmumulan ng liwanag, at, higit pa rito, kung sino ang nagmamay-ari nito.” Ayon sa mga salita ng Diyos at kung ano ang hinihingi Niya sa tao, walang makakapanatiling buháy, sapagka’t walang anuman sa laman ng tao ang tumatanggap sa mga salita ng Diyos, kayâ kung kaya ng mga tao na sundin ang mga salita ng Diyos, magpahalaga at maghangad sa mga salita ng Diyos, at iakma ang mga salita sa mga pagbigkas ng Diyos na tumutukoy sa mga katayuan ng tao sa kanilang sariling mga kalagayan, at sa gayon ay makilala ang kanilang mga sarili, kung gayon ito ang pinakamataas na pamantayan. Kapag ang kaharian ay naging realidad sa kahuli-hulihan, yaong mga namumuhay sa laman ay hindi pa rin makakayang tarukin ang kalooban ng Diyos, at mangangailangan pa rin ng personal na paggabay ng Diyos. Mawawalan nga lamang ang mga tao ng panghihimasok ni Satanas, at matataglay ang normal na buhay ng tao, na siyang layunin ng Diyos sa paggapi kay Satanas, at pangunahing upang bawiin ang orihinal na kakanyahan ng tao, na nilikha ng Diyos. Sa isipan ng Diyos, ang “laman” ay tumutukoy sa sumusunod: ang kawalang-kakayahan na makilala ang kakanyahan ng Diyos, ang kawalang-kakayahan na makita ang mga kaganapan sa espirituwal na kinasasaklawan, at, higit pa, ang kakayahang magawang tiwali ni Satanas nguni’t mapatnubayan din ng Espiritu ng Diyos. Ito ang diwa ng laman na nilikha ng Diyos. Likas lamang na ito rin ay upang maiwasan ang kaguluhan na sanhi ng kakulangan ng kaayusan sa buhay ng sangkatauhan. Mas nagsasalita ang Diyos, at mas nagiging matalim ang Kanyang mga salita, mas nauunawaan ng mga tao ang Kanyang mga salita. Ang mga tao ay hindi-namamalayang nagbabago, at hindi-namamalayang namumuhay sa liwanag, at sa gayon “Dahil sa liwanag, lahat ng mga tao ay lumalago, at iniwan na ang karimlan.” Ito ang magandang tagpo ng kaharian, at gaya ng malimit na sinalita sa nakaraan: “namumuhay sa liwanag, lumilisan sa kamatayan.” Kapag ang Sinim ay naging tunay sa lupa—kapag ang kaharian ay naging tunay—hindi na magkakaroon ng digmaan sa lupa, hindi na kailanman magkakaroon ng mga taggutom, mga salot, at mga lindol, ang mga tao ay hihinto sa paggagawa ng mga sandata, lahat ay mamumuhay sa kapayapaan at katatagan, at kapwa ang mga tao at mga bansa ay magkakaugnay nang normal sa isa’t isa. Gayunman ang kasalukuyan ay hindi maihahambing dito. Ang lahat sa ilalim ng mga kalangitan ay nasa kaguluhan, ang mga kudeta ay unti-unting nagsisimulang maganap sa bawa’t bansa. Habang binibigkas ng Diyos ang Kanyang tinig ang mga tao ay unti-unting nagbabago, at, sa panloob, bawa’t bansa ay dahan-dahang nagkakawatak-watak. Ang matibay na mga pundasyon ng Babilonia ay nagsisimulang kumalog, gaya ng isang kastilyo na umaabot tungo sa himpapawid, at habang ang kalooban ng Diyos ay nag-iiba, matitinding mga pagbabago ang nagaganap na di-napapansin sa mundo, at lahat ng galaw ng mga palatandaan ay lumilitaw sa anumang oras, ipinakikita sa mga tao na ang huling araw ng mundo ay nakarating! Ito ang plano ng Diyos, ang mga ito ang mga hakbang kung saan sa pamamagitan nito Siya ay gumagawa, at bawa’t bansa ay tiyak na magkakapira-piraso, ang matandang Sodoma ay mawawasak sa ikalawang pagkakataon, at sa gayon sinasabi ng Diyos “Masisira ang mundo! Paralisado ang Babylon!” Walang sinuman kundi ang Diyos lamang ang may kakayahan ng ganap na pag-unawa rito; mayroong, sa paanuman, isang hangganan sa kamalayan ng mga tao. Halimbawa, ang mga ministro ng panloob na mga kaganapan ay maaring nakakaalam na ang kasalukuyang mga kalagayan ay hindi matatag at magulo, nguni’t wala silang kakayahang lunasan ang mga iyon. Maaari lamang silang sumakay sa agos, umaasa sa kanilang mga puso para sa araw kung kailan maitataas nila ang kanilang mga ulo, naghahangad na ang araw ay darating kung kailan ang araw ay muling sisikat sa silangan, sumisikat sa buong lupain at ibinabaligtad ang kaawa-awang katayuang ito ng mga kaganapan. Bahagya nilang nalalaman, gayunpaman, na kapag ang araw ay sumisikat sa ikalawang pagkakataon, ito ay hindi upang panumbalikin ang lumang kaayusan, kundi upang bumalikwas pabalik, at magdala ng lubos na pagbabago. Ganyan ang plano ng Diyos para sa buong sansinukob. Dadalhin Niya ang isang bagong mundo, nguni’t higit sa lahat, paninibaguhin muna Niya ang tao. Ngayong araw, ang pagdadala ng mga tao tungo sa mga salita ng Diyos ay siyang susi, hindi lamang pagpapahintulot sa kanila na magtamasa ng mga pagpapala ng katayuan. Higit pa, gaya ng sinasabi ng Diyos, “Sa kaharian, Ako ang Hari—ngunit sa halip na ituring Ako bilang kanyang Hari, tinatrato Ako ng tao bilang Tagapagligtas na bumaba mula sa langit. Bilang resulta, umaasa siya na magbibigay ako sa kanya ng limos, at hindi tuluyang naghahangad na ako’y makilala.” Ganyan ang tunay na mga kalagayan ng lahat ng mga tao. Ngayong araw, ang mahalaga ay ganap na pagpapawi sa walang-kasiyahang kasakiman ng tao, sa gayon ay pinahihintulutan ang mga tao na makilala ang Diyos nang hindi humihingi ng anuman; hindi kataka-taka, kung gayon, na sinasabi ng Diyos, “Maraming umiyak sa Aking harapan katulad ng isang pulubi; maraming nagbukas ng kanilang mga “sako” sa Akin at nakiusap sa Aking bigyan sila ng pagkain upang mabuhay.” Ang sari-saring mga katayuang ito ay tumutukoy sa kasakiman ng mga tao, at ipinakikita ng mga ito na hindi minamahal ng mga tao ang Diyos kundi gumagawa ng mga panghihingi sa Diyos, o kaya ay sinusubukang matamo ang mga bagay-bagay na kanilang inaasam. Ang mga tao ay may kalikasan ng isang gutom na lobo, silang lahat ay tuso at sakim, at sa gayon ang Diyos ay gumagawa ng mga kinakailangan sa kanila nang paulit-ulit, pinipilit silang alisin ang kasakiman sa kanilang mga puso at mahalin ang Diyos nang taos-puso. Sa katunayan, hanggang sa araw na ito, hindi pa naibibigay ng mga tao ang kanilang buong puso sa Diyos, sila ay namamangka sa dalawang ilog, kung minsan ay umaasa sa kanilang mga sarili, kung minsan ay umaasa sa Diyos nang hindi lubusang nananalig sa Diyos. Kapag ang gawain ng Diyos ay umaabot sa isang tiyak na punto, lahat ng mga tao ay mamumuhay sa gitna ng tunay na pag-ibig at pananampalataya, at ang kalooban ng Diyos ay matutupad; sa gayon, ang mga kinakailangan ng Diyos ay hindi matayog.
Ang mga anghel ay tuluy-tuloy na gumagalaw sa gitna ng mga anak-na-lalaki at mga tao ng Diyos, nagmamadali sa pag-itan ng langit at lupa at bumababa sa pantaong mundo pagkatapos bumalik sa espirituwal na kinasasaklawan bawa’t araw. Ito ang kanilang tungkulin, at sa gayon bawa’t araw ang mga anak-na-lalaki at mga tao ng Diyos ay napapastol, at ang kanilang buhay ay unti-unting nababago. Sa araw na binabago ng Diyos ang Kanyang anyo, ang gawain ng mga anghel sa lupa ay opisyal na matatapos at sila ay babalik sa kinasasaklawan ng langit. Ngayong araw, lahat ng mga anak-na-lalaki at mga tao ng Diyos ay nasa magkaparehong kalagayan. Habang lumilipas ang mga sandali, lahat ng mga tao ay nagbabago, at ang mga anak-na-lalaki at mga tao ng Diyos ay unti-unting nagiging mas may-gulang. Sa paghahambing, lahat ng mga rebelde ay nagbabago rin sa harap ng malaking pulang dragon: Ang mga tao ay hindi na tapat sa malaking pulang dragon, at ang mga dyablo ay hindi na sumusunod sa mga pagsasaayos nito. Sa halip, ang lahat ay “patuloy sa kanilang sariling gawain, pinipili ang landas na mainam para sa kanila.” Sa gayon kapag sinasabi ng Diyos, “Paanong ang mga bansa sa mundo ay hindi maglalaho? Paanong ang mga bansa sa lupa ay hindi babagsak?” ang mga kalangitan ay dumadagan pababa sa isang iglap…. Para bang mayroong masamang pakiramdam na nagbabadya ng katapusan ng sangkatauhan. Ang sari-saring masasamang mga palatandaan na inihula rito ay eksaktong siyang nagaganap sa bansa ng malaking pulang dragon, at walang sinuman sa gitna niyaong mga nasa lupa ang may kakayahan sa pagtakas. Ganyan ang siyang inihula sa mga salita ng Diyos. Sa mga salagimsim ng mga tao ngayong araw, nararamdaman nila na ang panahon ay maikli, at tila nararamdaman nila na isang sakúnâ ang babagsak sa kanila—gayunman ay wala silang daan ng pagtakas, at sa gayon silang lahat ay walang pag-asa. Sinasabi ng Diyos, “Sa araw-araw Kong pagpapaganda sa ‘loobang silid’ ng Aking kaharian, kailanman ay walang sinuman ang biglang pumapasok sa Aking “gawaan” upang gambalain ang Aking gawain.” Sa katunayan, ang kahulugan ng mga salita ng Diyos ay hindi lamang nakasalalay sa paggawa sa mga tao na kilalanin ang Diyos sa Kanyang mga salita. Higit sa lahat, ipinakikita ng mga iyon na bawa’t araw isinasaayos ng Diyos ang lahat ng galaw ng mga kaganapan sa buong sansinukob upang magsilbi sa susunod na bahagi ng Kanyang gawain. Ang dahilan kaya sinasabi Niyang “Walang sinuman ang biglang pumapasok sa Aking “gawaan” upang gambalain ang Aking gawain.” ay dahil sa ang Diyos ay gumagawa sa pagkaDiyos, at kahit na maaring nais ng mga tao, wala silang kakayahang makibahagi sa Kanyang gawain. Nais Kong itanong: Makakaya mo bang isaayos ang lahat ng mga kaganapan sa buong sansinukob? Makakaya mo bang gawin ang mga tao sa lupa na salungatin ang kanilang mga ninuno? Makakaya mo ba na imaniobra ang mga tao sa buong sansinukob na paglingkuran ang kalooban ng Diyos? Maaari ka bang maging sanhi na si Satanas ay magwalâ? Maaari mo bang iparamdam sa mga tao na ang mundo ay mapanglaw at walang-laman? Ang mga tao ay walang kakayahan ng mga ganoong bagay. Sa nakaraan, nang ang mga “kasanayan” ni Satanas ay hindi pa lubos na nangyayari, si Satanas ay laging nanghihimasok sa bawa’t yugto ng gawain ng Diyos; sa yugtong ito, si Satanas ay naubusan na ng mga pakánâ, at sa gayon ay hinahayaan ng Diyos si Satanas na ipakita ang tunay na kulay nito upang ang lahat ng mga tao ay makakilala rito. Ito ang katotohanan ng mga salitang “Walang sinuman ang nakagambala sa Aking gawain.”
Bawa’t araw, ang mga tao sa mga iglesia ay nagbabasa ng mga salita ng Diyos, bawa’t araw sila ay hinihiwa sa mesang operahan. Halimbawa, ang mga panlalait na mga salitang gaya ng “mawalan ng posisyon,” “mapaalis,” “humupa na ang mga takot at naibalik na ang kahinahunan,” “paglisan,” walang “pakiramdam” at iba pa ay iniiwan silang pipi sa kahihiyan; para bang walang bahagi ng kanilang buong katawan—mula ulo hanggang paa, mula loob palabas—ay sinang-ayunan ng Diyos. Bakit hinuhubaran ng mga salita ng Diyos ang mga buhay ng mga tao nang lubusan? Sadya bang ginagawa ng Diyos na mahirap ang mga bagay-bagay para sa mga tao? Para bang ang mga mukha ng lahat ng mga tao ay puno ng putik na hindi mahuhugasan. Ang kanilang mga ulo ay nakayuko, bawa’t araw nagsusulit sila ng kanilang mga kasalanan na para bang sila ay mga manggagantso. Ang mga tao ay nagáwáng tiwali ni Satanas hanggang sa lawak na sila ay kulang sa lubos na kamalayan sa kanilang tunay na mga katayuan. Nguni’t sa Diyos, ang kamandag ni Satanas ay nasa bawa’t bahagi ng kanilang mga katawan, kahit sa kanilang mga utak ng buto; bilang resulta, mas malalim ang mga pagbubunyag ng Diyos, mas nagiging puno ng takot ang mga tao. Sa gayon, lahat ng mga tao ay maaaring makilala si Satanas at makita si Satanas sa tao, sapagka’t nawawalan sila ng kakayahang makita si Satanas ng kanilang mismong mga mata. At yamang ang lahat ay nakakapasok tungo sa katunayan, inilalantad ng Diyos ang kalikasan ng tao—na kung saan sinasabi, inilalantad Niya ang larawan ni Satanas—at sa gayon ay tinutulutan ang tao na mamasdan ang tunay at nahihipong Satanas, na mas nakatutulong sa kanila na makilala ang praktikal na Diyos. Pinahihintulutan ng Diyos ang tao na makilala Siya sa katawang-tao, at nagbibigay ng anyo kay Satanas, sa gayon ay pinahihintulutan ang tao na makilala ang tunay at nahihipong Satanas sa laman ng lahat ng mga tao. Ang sari-saring mga katayuang ito ang mga kahayagan ng mga gawa ni Satanas. Kaya’t, patas na sabihing lahat niyaong nasa laman ang pagsasakatawan ng larawan ni Satanas. Dahil ang Diyos ay hindi kasundo ng Kanyang mga kaaway, dahil sila ay salungat sa isa’t isa, at dalawang magkaibang mga pwersa, ang mga demonyo ay mga demonyo, ang Diyos ay Diyos, sila ay hindi magkasundo gaya ng apoy at tubig, at kailanman ay magkahiwalay gaya ng langit at lupa. Nang nilikha ng Diyos ang tao, isang uri ng mga tao ang mga espiritu ng mga anghel; isang uri ay walang espiritu, sa gayon sila ay naangkin ng mga espiritu ng mga demonyo, kaya’t ang mga ito ay tinatawag na mga demonyo. Sa kahuli-hulihan, ang mga anghel ay mga anghel, ang mga demonyo ay mga demonyo—at ang Diyos ay Diyos. Ito ang ibig sabihin ng bawa’t isa ay inuri ayon sa uri, kaya’t kapag ang mga anghel ay naghari sa lupa at nagtamasa ng mga pagpapala, ang Diyos ay bumabalik sa Kanyang dakong tinatahanan, at ang iba—ang mga kaaway ng Diyos—ay ginagawang mga abo. Sa katunayan, sa panlabas, minamahal ng lahat ng mga tao ang Diyos—nguni’t ang ugat nito ay nakasalalay sa kanilang kakanyahan; paano maaaring yaong may kalikasan ng mga anghel ay tatakas sa kamay ng Diyos at mahuhulog sa walang-hanggang kalaliman? At paano maaaring yaong may kalikasan ng mga demonyo kahit kailan ay tunay na magmamahal sa Diyos? Sa diwa, ang mga taong ito ay hindi tunay na nagmamahal sa Diyos, kaya paano sila kahit kailan ay magkakaroon ng pagkakataong makapasok sa kaharian? Ang lahat ay isinaayos ng Diyos simula sa paglikha ng mundo, gaya ng sinasabi ng Diyos, “Aking ipinapauna sa gitna ng hangin at ulan, at nakisalamuha ng ilang taon sa tao, at iyon ay sinundan hanggang sa kasalukuyan. Hindi ba ito mga hakbang ng aking plano sa pamamahala? Sino ang nagdagdag sa Aking plano? Sino ang maaaring humiwalay mula sa mga hakbang sa Aking plano?” Naging katawang-tao, kailangang maranasan ng Diyos ang buhay ng tao, at hindi ba’t ito ang tunay na mukha ng praktikal na Diyos? Ang Diyos ay hindi nagtatago ng anuman mula sa tao dahil sa kahinaan ng tao; sa halip, inilalantad Niya ang katotohanan sa tao, gaya ng sinasabi ng Diyos, “Ako ay … nakisalamuha ng ilang taon sa tao.” Ito ay dahil ang Diyos ay Diyos na naging katawang-tao na pinalipas Niya ang mga taon sa lupa; naaayon dito, pagkatapos lamang na sumailalim sa lahat ng uri ng mga proseso maaari Siyang ipalagay na naging katawang-tao, kung saan pagkatapos lamang nito nakakaya Niyang gumawa sa pagkaDiyos sa loob ng katawang-tao. At kung gayon, saka lamang matapos ibunyag ang lahat ng mga hiwaga babaguhin Niya ang Kanyang anyo. Ito ay isang kahaliling paliwanag ng “pagiging hindi-lampas-sa-natural,” at tuwirang itinuro ng Diyos.
Dapat makapasa ang mga tao sa pagsubok ng bawa’t isa sa mga salita ng Diyos, nang walang pagpapaimbabaw—ito ang pagsusugo ng Diyos!
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal