菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na tumalima. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na tumalima. Ipakita ang lahat ng mga post

May 13, 2019

Tagalog Christian Songs | "Alam Mo ba ang Iyong Misyon" (Tagalog song)



Tagalog Christian Songs | "Alam Mo ba ang Iyong Misyon" (Tagalog song)


I
Alam mo ba ang pasanin,
ang tungkulin at ang komisyon sa iyong balikat? 
Nasaan ang iyong makasaysayang diwa ng misyon?
Paano ka magiging isang mabuting panginoon
sa susunod na kapanahunan?
Matatag ba ang 'yong diwa ng pagka-puno?
Paano mo maipapaliwanag ang panginoon ng lahat?
Ito ba ang talagang panginoon ng lahat ng nabubuhay,
o panginoon ng lahat ng materyal na mundo?
Anong plano mo sa sunod na hakbang ng gawa?
Gaano karami ang naghihintay sa iyo na iyong papastulan?

Abr 12, 2019

Ano Ang Mga Likas na Pagkakilanlan ng Taoat Kanilang Halaga

Kayo ay inihiwalay mula sa putik at sa paanuman, kayo’y pinili mula sa mga latak, marumi at kinasusuklaman ng Diyos. Kayo ay napabilang kay Satanas[a] at minsa’y niyurakan at dinungisan nito. Yaon ang dahilan kung bakit sinasabi na kayo ay inihiwalay mula sa putik, at kayo ay hindi banal, ngunit sa halip mga di-taong bagay na mula sa kung saan matagal nang ginawang mga hangal ni Satanas.

Mar 2, 2019

Sa Pagsunod Lamang sa Gawain ng Banal na Espiritu Makasusunod Hanggang Wakas


Tagalog christian songs list | "Sa Pagsunod Lamang sa Gawain ng Banal na Espiritu Makasusunod Hanggang Wakas"


I
Ang gawain ng Banal na Espiritu'y araw-araw nagbabago,
mas mataas sa bawat hakbang 
nang may mas maraming pagbubunyag.
Ganito gumagawa ang Diyos 
upang maperpekto ang sangkatauhan.
Kung di makasasabay ang tao, maaaring maiwan siya.
Kung walang pusong handang sumunod,
di siya makasusunod hanggang sa wakas.
II
Lipas na ang dating panahon, at bagong kapanahunan na ito.
Kapag dumarating ang bagong panahon, 
bagong gawain ay dapat magawa.

Hul 10, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Pinahahalagahan ng Diyos Yaong Nakikinig at Sumusunod sa Kanya


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Pinahahalagahan ng Diyos Yaong Nakikinig at Sumusunod sa Kanya

I
Di mahalaga sa Diyos
kung ang isa ay mapagkumbaba o dakila.
Hangga't siya'y nakikinig sa Diyos,
sumusunod sa mga iniuutos at ipinagkakatiwala Niya,
makikipagtulungan sa Kanyang gawain,
sa Kanyang plano at kalooban,
upang ang Kanyang kalooban at plano
ay maaaring magpatuloy nang walang hadlang,
gayong pagkilos ay karapat-dapat sa pag-alala ng Diyos,
at karapat-dapat sa pagtanggap ng Kanyang pagpapala.
Pinahahalagahan ng Diyos ang gayong mga tao,
at ang kanilang mga kilos,
at ang kanilang puso at paggiliw sa Kanya.
Ito ang saloobin ng Diyos.

Hun 20, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | D'yos Nagkatawang-tao upang Iligtas ang Sangkatauhan


I
Ngayon ang araw, kita mo ba?
'Di simpleng bagay Diyos dumating sa gitna ng tao
upang tao'y iligtas, talunin si Satanas,
kaya Diyos nagkatawang-tao.
Kung di rito, di S'ya gagawa sa Sarili N'ya.
D'yos nagkatawang-tao upang si Satanas ay labanan
at akayin ang tao,
na lama'y naging tiwali't nais iligtas ng D'yos.
D'yos muling nagkatawang-tao
upang talunin si Satanas, at tao'y iligtas.
D'yos lang makalalaban kay Satanas sa Espiritu
o sa katawang-tao.

Hun 18, 2018

Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos (Unang Bahagi)



Sabi ng Makapangyarihang Diyos:  "Ang Diyos ng mga huling araw ay pangunahing gumagamit ng salita upang gawing perpekto ang tao. Hindi Siya gumagamit ng mga tanda at mga kababalaghan upang apihin ang tao, o kumbinsihin ang tao; hindi nito maaaring gawing payak ang kapangyarihan ng Diyos. Kung nagpakita lamang ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, samakatwid magiging imposible na gawing payak ang realidad ng Diyos, at sa gayon imposibleng gawing perpekto ang tao. Hindi ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan, subalit gumagamit ng salita upang diligin at pastulan ang tao, at pagkatapos nito ay makakamit ang ganap na pagkamasunurin ng tao at ang kaalaman ng tao sa Diyos. Ito ang layon ng gawaing ginagawa Niya at ang mga salitang winiwika Niya. Hindi ginagamit ng Diyos ang paraan ng pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan upang gawing perpekto ang tao—gumagamit Siya ng mga salita, at gumagamit nang maraming iba-ibang mga paraan ng gawain upang gawing perpekto ang tao. Maging ito man ay ang kapinuhan, pakikitungo, pagpupungos, o pagbibigay ng mga salita, ang Diyos ay nagwiwika mula sa maraming iba-ibang perspektibo upang gawing perpekto ang tao, at upang bigyan ang tao ng mas malaking kaalaman sa gawain, karunungan at pagka-kamangha-mangha ng Diyos. Kapag ang tao ay naging kumpleto na sa panahon na tinatapos ng Diyos ang kapanahunan sa mga huling araw, magiging kwalipikado siya na tumingin sa mga tanda at mga kababalaghan."

Rekomendasyon:

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang maikling panimula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Ang Gawain sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Gawain Din ng Pagliligtas sa Sangkatauhan

Ano ang Pagkakaiba ng Cristianismo at ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

May 30, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Pangangalaga ng Diyos ay Laging Kasama ng Sangkatauhan


I
Tinitingnan ng Diyos ang paglalang, nagbabantay,
araw-araw, nagmamasid.
Mapagkumbabang itinatago ang Kanyang Sarili,
tinitikman ang buhay ng tao,
Tinitingnan ang bawat gawa ng tao.
Sino ang tunay na naghandog ng kanilang sarili sa Diyos?
Sino ang humabol kailanman sa katotohanan?
Sino ang masigasig na nakatanggap sa Diyos,
iningatan ang mga pangako na ginawa,
at sinunod ang kanilang tungkulin sa Diyos?
Sino ba ang nagpapahintulot sa Diyos na tumira sa loob nila?
Sino ang nagpahalaga sa Diyos
tulad ng kanilang sariling buhay?
Sino ang kailanman nakakita ng Kanyang ganap na pagka-Diyos,
o nahandang hipuin ang Diyos Mismo?
Kapag ang mga tao ay lumubog sa tubig,
inililigtas sila ng Diyos.
Kapag 'di nila kayang harapin ang buhay,
iniaangat sila ng Diyos
at binibigyan sila ng lakas ng loob upang mabuhay muli,
at binibigyan sila ng pangalawang pagkakataon.
Upang Siya'y tatanggapin nila bilang kanilang pundasyon.
Kapag sumuway sila,
tinatanggap ng Diyos ang pagkakataong ito
upang ipakilala ang Kanyang Sarili sa kanila.

May 26, 2018

Cristianong Kanta | Ang Diyos ay Nagpakita sa Silangan ng Mundo Nang May Kaluwalhatian


I Diyos ay gumagawa sa buong sansinukob. Dagundong ng ingay sa Silanganang 'di tumitigil, nililiglig lahat ng denominasyo't lahat ng sekta. Ito'y tinig ng Diyos, lahat dinala sa kasalukuyan. Ito'y Kanyang tinig na sa lahat ay lulupig. Sila'y nahuhulog sa agos nito, at nagpapasakop sa Kanya. Matagal nang nabawi ng Diyos sa lupa ang luwalhati, at mula Silangan ay inilabas Niyang muli. Sinong 'di sabik makita ang luwalhati ng Diyos? Sinong 'di naghihintay at nananabik Sa Kanyang pagbabalik? Sinong hindi nauuhaw na Siya'y magpakitang muli? Sinong 'di nangungulila sa Kanyang kariktan? Sinong 'di lalapit tungo sa liwanag? Sinong di nais makita yaman ng Canaan? Sinong 'di nananabik sa pagbalik ng Manunubos? Sinong 'di hanga sa Makapangyarihan-sa-lahat?

May 7, 2018

Kanta ng Papuri | Ang Epektong Makakamit ng Paghatol ng Diyos

 buhay, Kaalaman, katotohanan, Paghuhukom, tumalima



I
Ang paghatol ng Diyos ay di lang, sa iilang salita,
sa paglinaw sa katangian ng tao,
bagkus ay pagbunyag, pakikitungo sa paglipas ng panahon.
Tratong di matumbasan ng karaniwang salita,
katotohanang di saklaw ng tao
Tanging gawang tunay na paghatol;
tanging paghatol na gabay ng pagsunod natin sa Diyos
sa puso’t salita, sa isip o gawa,
siya’y tunay na makilala.

Abr 27, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Interpretasyon ng Ikadalawampu’t siyam na Pagbigkas

Interpretasyon ng Ikadalawampu’t siyam na Pagbigkas

    Sa gawain na ginawa ng mga tao, ang ilan sa mga ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng direktang pagtuturo mula sa Diyos, nguni’t para sa ilang bahagi nito ay hindi nagbibigay ang Diyos ng mga hayag na tagubilin, sapat na nagpapakita na ang ginagawa ng Diyos ay, ngayon, hindi pa lubos na naibunyag—na ang ibig sabihin, marami ang nananatiling nakatago at hindi pa naging pampubliko. Subali’t may ilang mga bagay na kailangang maging pampubliko, at may ilan na kailangang iwan ang mga tao na naguguluhan at nalilito; ito ang kung ano ang kinakailangan ng gawain ng Diyos. Halimbawa, ang pagdating ng Diyos mula sa langit sa gitna ng tao: kung paano Siya dumating, sa anong segundo Siya dumating, o kung ang mga kalangitan at lupa at ang lahat ng bagay ay sumailalim sa pagbabago o hindi—ang mga bagay na ito ay kinakailangan para ang mga tao ay malito. Ito ay batay din sa mga aktwal na kalagayan, dahil ang pantaong laman mismo ay hindi kayang direktang pumasok sa espirituwal na kinasasaklawan. Samakatuwid, kahit na kung ang Diyos ay malinaw na nagsasaad kung paano Siya pumarito mula sa langit tungo sa lupa, o kapag sinasabi Niya, “Noong araw na ang lahat ng bagay ay muling nabuhay, Ako ay tumungo sa tao, at nagpalipas Ako ng mga magagandang araw at gabi kasama siya,” ang mga salitang iyon ay tulad ng isang tao na nakikipag-usap sa isang katawan ng puno—walang kahit katiting na reaksiyon, dahil ang mga tao ay walang kaalaman sa mga hakbang ng gawain ng Diyos. Kahit pa tunay nilang batid, naniniwala sila na ang Diyos ay lumipad pababa sa lupa mula sa langit tulad ng isang ada at muling ipinanganak sa gitna ng tao. Ito ang nakamit ng mga kaisipan ng tao. Ito ay dahil ang esensiya ng tao ay hindi niya kayang maintindihan ang diwa ng Diyos, at hindi kayang maintindihan ang realidad ng espirituwal na kinasasaklawan. Sa pamamagitan tangi ng kanilang esensiya, ang mga tao ay walang kakayahan na kumilos bilang isang huwaran para sa iba, dahil ang mga tao ay likas na magkakapareho, at hindi magkakaiba. Kaya, ang paghiling na ang mga tao ay magpakita ng isang halimbawa para sundan ng iba o magsilbi bilang isang huwaran ay nagiging isang bula, ito ay nagiging singaw na umaangat mula sa tubig. Samantalang kapag sinasabi ng Diyos, “nakikita niya ang ilan sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako” ang mga salitang ito ay nagpapatungkol lamang sa paghahayag ng gawain na ginagawa ng Diyos sa katawang-tao; sa ibang salita, ang mga ito ay nakadirekta sa totoong mukha ng Diyos—pagkaDiyos, na pangunahing tumutukoy sa Kanyang pagkaDiyos na disposisyon. Na ang ibig sabihin, ang mga tao ay hinihilingan na maunawaan ang mga bagay tulad ng kung bakit ang Diyos ay gumagawa sa ganitong paraan, kung anong mga bagay ang maisasakatuparan ng mga salita ng Diyos, kung ano ang nais ng Diyos na matamo sa lupa, kung ano ang nais Niya na makamit sa gitna ng tao, ang mga pamamaraan ng pagsasalita ng Diyos, at kung ano ang saloobin ng Diyos patungkol sa tao. Maaaring sabihin na walang karapat-dapat-maipagmalaki sa tao, ibig sabihin, wala sa kanya na maaaring magpakita ng isang halimbawa para sundan ng iba.

Abr 22, 2018

Ang tinig ng Diyos | Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-dalawa at Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas

Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-dalawa at Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas

    Ngayong araw, ang lahat ay handang tarukin ang kalooban ng Diyos at kilalanin ang disposisyon ng Diyos, datapwa’t walang nakakaalam sa dahilan kung bakit wala silang kakayahan sa pagsunod sa kanilang mga inaasam, hindi nila nalalaman kung bakit lagi silang ipinagkakanulo ng kanilang mga puso, at kung bakit hindi nila makayang kamtin kung ano ang nais nila. Bilang resulta, sila ay minsan pang binabagabag ng nakapanlulumong kawalang-pag-asa, gayunman ay puno pa rin sila ng takot. Hindi-kayang ipahayag ang mga magkakasalungat na damdaming ito, maaari lamang nilang iyuko ang kanilang mga ulo sa kalungkutan at patuloy na tanungin ang kanilang mga sarili: Maaari kayang hindi ako naliwanagan ng Diyos? Maaari kayang ako ay lihim na pinabayaan ng Diyos? Marahil ang bawa’t isa ay ayos, at naliwanagan silang lahat ng Diyos maliban sa akin. Bakit lagi akong nakakaramdam na nababagabag kapag binabasa ko ang mga salita ng Diyos, bakit hindi ko matarok kahit kailan ang anumang bagay? Bagaman iniisip ng mga isipan ng mga tao ang mga bagay na ito, walang nangangahas na ipahayag ang mga iyon; nagpapatuloy lamang silang nakikipagtunggali sa loob. Sa katunayan, walang sinuman kundi ang Diyos ang kayang maunawaan ang Kanyang mga salita o tarukin ang Kanyang tunay na kalooban. Gayunman laging hinihingi ng Diyos na tarukin ng mga tao ang Kanyang kalooban—hindi ba ito ay gaya ng pagtutulak sa isang bibi tungo sa isang dapúán? Ang Diyos ba ay mangmang sa mga pagkabigo ng tao? Ito ang interseksyon ng gawain ng Diyos, ito ang hindi nauunawaan ng mga tao, at sa gayon ay sinasabi ng Diyos, “Namumuhay ang tao sa gitna ng liwanag, ngunit hindi niya batid ang kahalagahan ng liwanag. Siya ay ignorante sa substansya ng liwanag, at sa pinagmumulan ng liwanag, at, higit pa rito, kung sino ang nagmamay-ari nito.” Ayon sa mga salita ng Diyos at kung ano ang hinihingi Niya sa tao, walang makakapanatiling buháy, sapagka’t walang anuman sa laman ng tao ang tumatanggap sa mga salita ng Diyos, kayâ kung kaya ng mga tao na sundin ang mga salita ng Diyos, magpahalaga at maghangad sa mga salita ng Diyos, at iakma ang mga salita sa mga pagbigkas ng Diyos na tumutukoy sa mga katayuan ng tao sa kanilang sariling mga kalagayan, at sa gayon ay makilala ang kanilang mga sarili, kung gayon ito ang pinakamataas na pamantayan. Kapag ang kaharian ay naging realidad sa kahuli-hulihan, yaong mga namumuhay sa laman ay hindi pa rin makakayang tarukin ang kalooban ng Diyos, at mangangailangan pa rin ng personal na paggabay ng Diyos. Mawawalan nga lamang ang mga tao ng panghihimasok ni Satanas, at matataglay ang normal na buhay ng tao, na siyang layunin ng Diyos sa paggapi kay Satanas, at pangunahing upang bawiin ang orihinal na kakanyahan ng tao, na nilikha ng Diyos. Sa isipan ng Diyos, ang “laman” ay tumutukoy sa sumusunod: ang kawalang-kakayahan na makilala ang kakanyahan ng Diyos, ang kawalang-kakayahan na makita ang mga kaganapan sa espirituwal na kinasasaklawan, at, higit pa, ang kakayahang magawang tiwali ni Satanas nguni’t mapatnubayan din ng Espiritu ng Diyos. Ito ang diwa ng laman na nilikha ng Diyos. Likas lamang na ito rin ay upang maiwasan ang kaguluhan na sanhi ng kakulangan ng kaayusan sa buhay ng sangkatauhan. Mas nagsasalita ang Diyos, at mas nagiging matalim ang Kanyang mga salita, mas nauunawaan ng mga tao ang Kanyang mga salita. Ang mga tao ay hindi-namamalayang nagbabago, at hindi-namamalayang namumuhay sa liwanag, at sa gayon “Dahil sa liwanag, lahat ng mga tao ay lumalago, at iniwan na ang karimlan.” Ito ang magandang tagpo ng kaharian, at gaya ng malimit na sinalita sa nakaraan: “namumuhay sa liwanag, lumilisan sa kamatayan.” Kapag ang Sinim ay naging tunay sa lupa—kapag ang kaharian ay naging tunay—hindi na magkakaroon ng digmaan sa lupa, hindi na kailanman magkakaroon ng mga taggutom, mga salot, at mga lindol, ang mga tao ay hihinto sa paggagawa ng mga sandata, lahat ay mamumuhay sa kapayapaan at katatagan, at kapwa ang mga tao at mga bansa ay magkakaugnay nang normal sa isa’t isa. Gayunman ang kasalukuyan ay hindi maihahambing dito. Ang lahat sa ilalim ng mga kalangitan ay nasa kaguluhan, ang mga kudeta ay unti-unting nagsisimulang maganap sa bawa’t bansa. Habang binibigkas ng Diyos ang Kanyang tinig ang mga tao ay unti-unting nagbabago, at, sa panloob, bawa’t bansa ay dahan-dahang nagkakawatak-watak. Ang matibay na mga pundasyon ng Babilonia ay nagsisimulang kumalog, gaya ng isang kastilyo na umaabot tungo sa himpapawid, at habang ang kalooban ng Diyos ay nag-iiba, matitinding mga pagbabago ang nagaganap na di-napapansin sa mundo, at lahat ng galaw ng mga palatandaan ay lumilitaw sa anumang oras, ipinakikita sa mga tao na ang huling araw ng mundo ay nakarating! Ito ang plano ng Diyos, ang mga ito ang mga hakbang kung saan sa pamamagitan nito Siya ay gumagawa, at bawa’t bansa ay tiyak na magkakapira-piraso, ang matandang Sodoma ay mawawasak sa ikalawang pagkakataon, at sa gayon sinasabi ng Diyos “Masisira ang mundo! Paralisado ang Babylon!” Walang sinuman kundi ang Diyos lamang ang may kakayahan ng ganap na pag-unawa rito; mayroong, sa paanuman, isang hangganan sa kamalayan ng mga tao. Halimbawa, ang mga ministro ng panloob na mga kaganapan ay maaring nakakaalam na ang kasalukuyang mga kalagayan ay hindi matatag at magulo, nguni’t wala silang kakayahang lunasan ang mga iyon. Maaari lamang silang sumakay sa agos, umaasa sa kanilang mga puso para sa araw kung kailan maitataas nila ang kanilang mga ulo, naghahangad na ang araw ay darating kung kailan ang araw ay muling sisikat sa silangan, sumisikat sa buong lupain at ibinabaligtad ang kaawa-awang katayuang ito ng mga kaganapan. Bahagya nilang nalalaman, gayunpaman, na kapag ang araw ay sumisikat sa ikalawang pagkakataon, ito ay hindi upang panumbalikin ang lumang kaayusan, kundi upang bumalikwas pabalik, at magdala ng lubos na pagbabago. Ganyan ang plano ng Diyos para sa buong sansinukob. Dadalhin Niya ang isang bagong mundo, nguni’t higit sa lahat, paninibaguhin muna Niya ang tao. Ngayong araw, ang pagdadala ng mga tao tungo sa mga salita ng Diyos ay siyang susi, hindi lamang pagpapahintulot sa kanila na magtamasa ng mga pagpapala ng katayuan. Higit pa, gaya ng sinasabi ng Diyos, “Sa kaharian, Ako ang Hari—ngunit sa halip na ituring Ako bilang kanyang Hari, tinatrato Ako ng tao bilang Tagapagligtas na bumaba mula sa langit. Bilang resulta, umaasa siya na magbibigay ako sa kanya ng limos, at hindi tuluyang naghahangad na ako’y makilala.” Ganyan ang tunay na mga kalagayan ng lahat ng mga tao. Ngayong araw, ang mahalaga ay ganap na pagpapawi sa walang-kasiyahang kasakiman ng tao, sa gayon ay pinahihintulutan ang mga tao na makilala ang Diyos nang hindi humihingi ng anuman; hindi kataka-taka, kung gayon, na sinasabi ng Diyos, “Maraming umiyak sa Aking harapan katulad ng isang pulubi; maraming nagbukas ng kanilang mga “sako” sa Akin at nakiusap sa Aking bigyan sila ng pagkain upang mabuhay.” Ang sari-saring mga katayuang ito ay tumutukoy sa kasakiman ng mga tao, at ipinakikita ng mga ito na hindi minamahal ng mga tao ang Diyos kundi gumagawa ng mga panghihingi sa Diyos, o kaya ay sinusubukang matamo ang mga bagay-bagay na kanilang inaasam. Ang mga tao ay may kalikasan ng isang gutom na lobo, silang lahat ay tuso at sakim, at sa gayon ang Diyos ay gumagawa ng mga kinakailangan sa kanila nang paulit-ulit, pinipilit silang alisin ang kasakiman sa kanilang mga puso at mahalin ang Diyos nang taos-puso. Sa katunayan, hanggang sa araw na ito, hindi pa naibibigay ng mga tao ang kanilang buong puso sa Diyos, sila ay namamangka sa dalawang ilog, kung minsan ay umaasa sa kanilang mga sarili, kung minsan ay umaasa sa Diyos nang hindi lubusang nananalig sa Diyos. Kapag ang gawain ng Diyos ay umaabot sa isang tiyak na punto, lahat ng mga tao ay mamumuhay sa gitna ng tunay na pag-ibig at pananampalataya, at ang kalooban ng Diyos ay matutupad; sa gayon, ang mga kinakailangan ng Diyos ay hindi matayog.

Abr 1, 2018

Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos


Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang susi sa pagtalima sa Diyos ay ang pagpapahalaga sa bagong liwanag, at makayang tanggapin ito at maisagawa. Ito lamang ang tunay na pagtalima. … Ang hindi pagiging kuntento sa pamumuhay sa gitna ng mga biyaya ng Diyos, pagiging laging nauuhaw para sa katotohanan, at paghahanap para sa katotohanan, at paghahabol na maging pag-aari ng Diyos—ito ang ibig sabihin ng maingat na pagtalima sa Diyos: ito ang eksaktong uri ng pananampalatayang gusto ng Diyos.”
Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Tungkol sa Biblia

Mar 28, 2018

Salita ng Diyos | Ang Ikatatlumpu’t walong Pagbigkas

Ang Ikatatlumpu’t walong Pagbigkas

    Sa buong karanasan ng sangkatauhan hindi nagkaroon ng Aking anyô, ni nagkaroon ng pangunguna ng Aking mga salita, kaya’t lagi Kong iniwasan ang tao sa malayo at pagkatapos ay lumisan Ako mula sa kanila. Aking kinamumuhian angpagkamasuwayin ng sangkatauhan. Hindi Ko alam kung bakit. Tila kinamuhian Ko na ang tao mula sa pasimula, at gayunman ay lubha Kong nadarama ang kanilangnadarama. Kaya’t ang tao ay tumitingin sa Akin nang may dalawang puso, sapagka’t mahal Ko ang tao, at kinamumuhian Ko rin ang tao. Sino sa kanila ang nagpapakita ng tunay na pagkaunawa sa Aking pagmamahal? At sinong makauunawa sa Aking pagkamuhi? Sa Aking mga mata, ang tao ay isang patay na bagay, walang buhay, na parang sila ay luwad na mga estatwa na nakatayo sa gitna ng lahat ng mga bagay. May mga pagkakataon na, ang pagkamasuwayin ng tao ay nagbubunsod ng Aking galit sa kanila. Noong namuhay Ako sa gitna ng mga tao, bahagya silang ngingiti kapag bigla Akong dumating, dahil palagi silang sadyang naghahanap sa Akin, na para bang nakikipaglaro Ako sa kanila sa lupa. Kailanman ay hindi nila Ako sineryoso, kaya’t dahil sa kanilang pakikitungo sa Akin wala Akong pagpipilian kundi “magretiro” mula sa “ahensya” ng sangkatauhan. Gayunman, nais Kong ipaalam na bagaman Ako ay “nagretiro na,” ang Aking “pensyon” ay hindi maaaring magkulangkahit isang sentimo. Dahil sa Aking “pagiging nakatatanda” sa “ahensya” ng sangkatauhan, nagpapatuloy Ako na humingi ng kabayaran mula sa kanila, kabayaran sa utang sa Akin. Bagaman iniwan Ako ng tao, paano nila matatakasan ang Aking paghawak? Niluwagan Ko ang Aking paghawak sa kanila sa isang tiyak na antas, tinutulutan sila na magpasásà sa kanilang makalamang mga pagnanásà, kaya’t nangahas sila na maging malaya, walang nakapipigil, at makikita na hindi nila Ako tunay na minahal, dahil namuhay sila sa laman. Maaari kaya na ang tunay na pag-ibig ay makakamit mula sa laman? Maaari kaya na ang hinihingi Ko lamang sa tao ay ang “pag-ibig” ng laman? Kung tunay na ito ang kalagayan, kung gayon ay anong magiging kabuluhan ng tao? Silang lahat ay mga walang-kwentang basura! Kung hindi sa Aking nananatiling “higit-sa-natural na kapangyarihan,” matagal Ko na sanang iniwan ang tao—bakit mag-aabala pang manatiling kasama nila at tinatanggap ang “panliligalig” ng tao? Subali’t Ako ay nagtiis. Nais Kong malaman ang kailaliman ng kaábáláhán ng tao. Sa sandaling matapos Ko ang Aking gawain sa lupa Ako ay aakyat nang mataas tungo sa langit upang hatulan ang “panginoon” ng lahat ng mga bagay-bagay; ito ang Aking pangunahing gawain, dahil masyado Ko nang kinamumuhian ang tao. Sinong hindi mamumuhi sa kanyang kaaway? Sinong hindi papatay sa kanyang kaaway? Sa langit, si Satanas ang Aking kaaway, sa lupa, ang tao ang Aking kalaban. Dahil sa pagkakaisa sa pagitan ng langit at lupa, siyam na henerasyon nila ay dapat na ibilang na may-sala dahil sa pag-anib, at walangpatatawarin. Sinong nagsabi sa kanila na labanan Ako? Sinong nagsabi sa kanila na suwayin Ako? Bakit ang tao ay hindi makalas mula sa kanilang lumang kalikasan? Bakit ang kanilang laman ay laging dumarami sa loob nila? Ang lahat ng ito ay patunay ng Aking paghatol sa tao. Sinong nangangahas na hindi bumigay sa mga katunayan? Sinong nangangahas na magsabing ang Aking paghatol ay may-kulay ng emosyon? Ako ay iba sa tao, kaya nakalisan Ako mula sa kanila, sapagka’t Ako ay hindi tao lamang.

Mar 24, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Ika-tatlumpu’t tatlong Pagbigkas

Ang Ika-tatlumpu’t tatlong Pagbigkas


    Sa Aking pamamahay, minsang nagkaroon ng mga dumadakila sa Aking banal na pangalan, na gumawa nang walang kapaguran upang mapuno ang papawirin ng Aking kadakilaan sa lupa. Dahil dito, labis Akong natuwa, napuno ang Aking puso ng kaluguran—ngunit sino ang kayang gumawa na Aking kahalili, tinatalikdan ang tulog sa gabi at araw? Nagbibigay sa Akin ng kaluguran ang determinasyon ng tao sa Akin, ngunit pinupukaw ng kanyang paghihimagsik ang Aking galit, at gayon, dahil hindi kailanman masunod ng tao ang kanyang tungkulin, lalong tumitindi ang Aking kalungkutan para sa kanya. Bakit laging hindi kaya ng tao na ialay ang kanilang sarili sa Akin? Bakit nila palaging sinusubukang makipagtawaran sa Akin? Punong tagapamahala ba Ako ng isang sentro ng kalakalan? Bakit Ko kaya isinasakatuparan nang buong puso ang hinihingi ng mga tao sa Akin, habang nauuwi lang sa wala anghinihingi Ko mula sa tao? Maaari bang hindi Ako maalam sa mga pamamaraan ng pagnenegosyo, pero marunong ang tao? Bakit palagi Akong nililinlang ng mga tao sa pamamagitan ng matatas na pananalita at panghihibok? Bakit palaging dumarating ang mga tao na may dalang mga “regalo,” humihingi ng daan pabalik? Ito ba angitinuro Ko na gawin ng tao? Bakit ginagawa ng mga tao ang mga bagay na yaon “nang mabilis at malinis”? Bakit palaging nagaganyak ang mga tao na linlangin Ako? Kapag kasama Ko ang tao, tinitingnan Ako ng mga tao bilang isang nilikhangnilalang; kapag nasa pangatlong langit Ako, itinuturing nila Ako bilang angMakapangyarihan sa lahat, na siyang humahawak ng dominyon sa lahat ng bagay; kapag nasa kalangitan Ako, nakikita nila Ako bilang ang Espiritu na nagpupuno sa lahat ng bagay. Sa kabuuan, walang nararapat na lugar para sa Akin sa puso ng mga tao. Para bang isa Akong bisitang hindi imbitado, kinayayamutan Ako ng mga tao, at gayon kapag nakakakuha Ako ng tiket at kukunin ang Aking upuan, itinataboy nila Ako, at sinasabing wala Akong mauupuan dito, na nagpunta Ako sa maling lugar, at kaya wala Akong pagpipilian kung hindi umalis kaagad. Nagdesisyon Akong hindi na makihalubilo sa tao, dahil masyadong makitid ang utak ng mga tao, masyadong maliit ang kanilang kagandahang-loob. Hindi na Ako kakain sa parehong mesa sa kanila, hindi na Ako magpapalipas ng oras sa mundo na kasama sila. Ngunit kapag nagsalita Ako, namamangha ang mga tao, natatakot sila na lilisan Ako, at kaya pilit nila Akong “ikinukulong”. Habang nakikita ang kanilang pagkukunwari, agad Kong naramdamang tila malungkot at mapanglaw ang Aking puso. Natatakot ang mga tao na iiwan Ko sila, at gayon kapag humihiwalay Ako sa kanila, agad napupuno anglupa ng tunog ng pag-iyak, at nababalutan ng mga luha ang mga mukha ng mga tao. Pinupunasan Ko ang kanilang mga luha, muli Ko silang pinagiginhawa, at tinititigan nila Ako, ang kanilang mga mata ay tila nagmamakaawa sa Akin na huwag lumisan, at dahil sa kanilang “kabusilakan” kasama nila Ako. Ngunit sino ang makakaunawa ng sakit na nasa Aking puso? Sino ang matandain sa mga bagay na hindi Ko nasasabi? Sa mga mata ng mga tao, para bang wala akong emosyon, at kaya palagi kaming nagmumula sa dalawang magkaibang pamilya. Paano nila makikita angpakiramdam ng kapanglawan sa Aking puso? Iniimbot lamang ng mga tao angkanilang mga sariling kaaliwan, at hindi nila iniisip ang Aking kalooban, dahil, hanggang sa kasalukuyan, nananatiling mangmang ang mga tao tungkol sa layon ng Aking plano ng pamamahala, at kaya ngayon gumagawa pa rin sila ng tahimik na mga pagsamo—at ano ang benepisyo nito?