Pakahulugan sa Ikalabing-apat na Pagbigkas
Ang tao ay hindi kailanman natuto ng anumang bagay mula sa salita ng Diyos. Sa halip, pinahahalagahan lamang ng tao nang pahapyaw ang salita ng Diyos, nguni’t hindi nalalaman ang tunay na kahulugan nito. Samakatuwid, bagaman ang karamihan ng mga tao ay kinagigiliwan ang salita ng Diyos, sinasabi ng Diyos na hindi nila talaga pinahahalagahan ito. Ito ay dahil sa pananaw ng Diyos, kahit na ang Kanyang salita ay isang mahalagang bagay, hindi natikman ng mga tao ang totoong katamisan nito. Samakatuwid, maaari lamang nilang “pawiin ang kanilang uhaw sa pag-iisip ng mga sirwelas,”[a] at sa gayon ay pinahuhupa ang kanilang mga sakim na puso. Hindi lamang gumagawa ang Espiritu ng Diyos sa gitna ng lahat ng tao, mayroon ding pagliliwanag ng salita ng Diyos. Ang mga tao lamang ay masyadong bulagsak upang magawang tunay na napasasalamatan ang pinakadiwa nito. Sa isip ng tao, ito ngayon ay ang kapanahunan ng kaharian na lubusang natutupad, nguni’t hindi ito ang kalagayan sa realidad. Kahit na kung ano ang inihula ng Diyos ay ang Kanyang naisakatuparan, ang talagang kaharian ay hindi pa lubusang dumating sa lupa. Sa halip, kasama ang mga pagbabago sa sangkatauhan, kasama ang progreso sa paggawa, at kasama ang kidlat na lumalabas mula sa Silangan, iyon ay, kasama ang paglalim ng salita ng Diyos, ang kaharian ay unti-unting magaganap sa lupa, unti-unti nguni’t ganap na bumababa sa lupa. Ang proseso ng pagdating ng kaharian ay ang proseso din ng maka-Diyos na gawain sa lupa. Kasabay nito, nasimulan ng Diyos sa buong sansinukob ang gawaing hindi pa nagawa sa lahat ng kapanahunan ng kasaysayan upang muling buuin ang buong lupa. Halimbawa, may mga napakalaking pagbabago sa buong sansinukob kabilang ang mga pagbabago sa Estado ng Israel, ang kudeta sa Estados Unidos ng Amerika, ang mga pagbabago sa Ehipto, ang mga pagbabago sa Unyong Sobyet, at ang pagbagsak ng Tsina. Kapag ang buong sansinukob ay napanatag at napanauli sa normal, iyon ay kapag ang gawa ng Diyos sa lupa ay magiging ganap; iyan ang panahon na ang kaharian ay darating sa lupa. Ito ang tunay na kahulugan ng mga salitang “Kapag ang lahat ng mga bansa ng daigdig ay nagkagulo, iyon ang tiyak na oras na ang Aking kaharian ay itatatag at huhugisan at kung kailan din Ako ay magbabagong-anyo at babalik sa buong sansinukob.” Hindi itinatago ng Diyos ang anumang bagay mula sa sangkatauhan, patuloy Niyang sinasabihan ang mga tao ng tungkol sa lahat ng Kanyang pagkamayaman, nguni’t hindi nila maipaliwanag ang Kanyang ibig sabihin, tinatanggap lamang nila ang Kanyang salita tulad ng isang hangal. Sa yugtong ito ng gawain, natutunan ng tao ang pagka-di-maarok ng Diyos at higit pa ay napapahalagahan kung gaano kalawak ang gawain ng pag-unawa sa Kanya; sa kadahilanang ito nadarama nila na ang paniniwala sa Diyos ang pinakamahirap na gawin. Sila ay ganap na walang magawa—ito ay tulad ng pagtuturo sa isang baboy upang kumanta, o tulad ng dagang naipit sa isang bitag. Tunay nga, gaano man kalaki ang kapangyarihan ng isang tao o kung gaano kabihasa ang kakayahan ng isang tao, o kung ang isang tao ay may walang-limitasyong kakayanan sa loob, pagdating sa salita ng Diyos ang mga bagay na ito ay walang kabuluhan. Ito ay parang ang sangkatauhan ay isang tumpok na abo ng nasunog na papel sa mga mata ng Diyos, ganap na walang anumang halaga, lalo nang walang anumang paggagamitan. Ito ay isang perpektong paglalarawan ng tunay na kahulugan ng mga salitang “ako ay naging higit at higit pang nalilingid mula sa mga tao at lalong hindi-maarok sa kanila.” Mula rito makikita na ang gawain ng Diyos ay sumusunod sa isang likas na pagpapatuloy at ginagampanan batay sa kung ano ang maaaring tanggapin ng mga sangkap-pang-unawa ng mga tao. Kapag ang kalikasan ng sangkatauhan ay matatag at hindi-natitinag, ang mga salitang sinasalita ng Diyos ay ganap na umaayon sa kanilang mga pagkaintindi at tila ang mga pagkaintindi ng Diyos at ng sangkatauhan ay iisa at magkapareho, nang walang anumang pagkakaiba. Ginagawa nito ang mga tao na waring nababatid ang pagka-totoo ng Diyos, nguni’t hindi ito ang pangunahing layunin ng Diyos. Pinapayagan ng Diyos ang mga tao na mapanatag bago pormal na simulan ang Kanyang tunay na gawain sa lupa. Samakatuwid, sa pag-uumpisang ito na nakalilito para sa sangkatauhan, napapagtanto ng sangkatauhan na ang kanilang mga dating ideya ay hindi tama at na ang Diyos at ang tao ay kasing-iba ng langit at lupa at hinding-hinding magkapareho. Dahil ang mga salita ng Diyos ay hindi na masuri batay sa mga pagkaintindi ng tao, ang tao ay agad na nagsisimulang tumingin sa Diyos sa isang bagong liwanag, at sa gayon ay tinititigan nila ang Diyos sa panggigilalas, na tila ang praktikal na Diyos ay hindi malalapitan gaya ng hindi-nakikita at hindi-nahihipong Diyos, na tila ang laman ng Diyos ay nasa labas lamang at walang Kanyang kakanyahan. Ang mga tao ay nag-iisip na[b] bagaman Siya ay ang pagkakatawang-tao ng Espiritu, maaari Siyang magbagong-anyo sa pormang Espiritu at lumutang palayo sa anumang oras. Samakatuwid, ang mga tao ay nabuuan ng isang waring iniingatang kaisipan. Sa pagbanggit sa Diyos, binibihisan Siya ng mga tao ng kanilang mga pagkaintindi, na sinasabing maaari Siyang sumakay sa mga ulap at hamog, maaaring lumakad sa tubig, maaaring biglang lumitaw at maglaho sa gitna ng mga tao, at ang iba ay may mas marami pang mga paglalarawang paliwanag. Dahil sa kamangmangan ng sangkatauhan at kawalan ng kaunawaan, sinabi ng Diyos “kapag sa tingin nila ay lumaban sila sa Akin o sinuway ang Aking mga kautusan sa pangangasiwa, isasawalang bahala Ko muna ito.”
Kapag ibinubunyag ng Diyos ang pangit na panig at ang panloob na mundo ng sangkatauhan, Siya ay palaging eksaktong tama, nang wala ni katiting na paglihis. Maaari pa ngang sabihin na walang pagkakamali kahit ano pa man. Ito ang patunay na lubos na nakakakumbinsi sa mga tao. Dahil sa alituntunin ng gawain ng Diyos, marami sa Kanyang mga salita at gawa ang nagbigay ng isang impresyon na imposibleng mabura, at ang mga tao ay tila may mas malalim pang pag-unawa sa Kanya, na parang natuklasan nila ang mga bagay na mas mahalaga sa Kanya. “…sa kanilang mga alaala, Ako ay isang Diyos na nagpapakita ng awa sa mga tao sa halip na kinakastigo sila, o Ako ang Diyos Mismo na hindi ginagawa ang sinasabi Niya. Lahat ng mga ito ay mga likhang-isip na naibunga sa pag-iisip ng tao at hindi naaayon sa mga pangyayari.” Kahit na ang sangkatauhan ay hindi kailanman naglakip ng kahalagahan sa tunay na mukha ng Diyos, alam nila “ang panagilirang bahagi ng Kanyang disposisyon” tulad ng likod ng kanilang mga kamay; palagi nilang hinahanapan ng butas ang mga salita at aksyon ng Diyos. Ito ay sapagka’t ang sangkatauhan ay laging handang magbigay-pansin sa mga negatibong bagay, at bale-walain ang mga positibong bagay, na minamaliit lamang ang mga gawa ng Diyos. Habang lalong sinasabi ng Diyos na mapagkumbaba Niyang itinatago ang Sarili Niya sa Kanyang tirahan, mas higit na ang sangkatauhan ay mapaghanap sa Kanya. Sinasabi nila: “Kung ang Diyos na nagkatawang tao ay nagmamasid sa bawa’t gawa ng tao at nakakaranas ng buhay ng tao, bakit sa mas mahabang panahon ay hindi alam ng Diyos ang ating aktwal na sitwasyon? Nangangahulugan ba ito na ang Diyos ay talagang nakatago?” Bagaman tinitingnan ng Diyos nang malaliman ang pantaong puso, Siya ay gumagawa pa rin ayon sa aktwal na katayuan ng sangkatauhan, na hindi malabo o higit-sa-karaniwan. Upang ganap na alisin ang lumang disposisyon sa loob ng sangkatauhan, ang Diyos ay puspusang nagsisikap na magsalita mula sa iba’t ibang mga pananaw: inilalantad ang kanilang tunay na kalikasan, inihahayag ang paghatol sa kanilang pagsuway; sa isang sandali nagsasabing pakikitunguhan Niya ang lahat ng tao, at sa susunod nagsasabing ililigtas Niya ang isang grupo ng mga tao; alinman sa nagtatakda ng mga kinakailangan sa sangkatauhan o nagbababala sa kanila; halinhinang sinusuri ang kanilang mga lamang-loob, halinhinang nilulunasan. Sa gayon, sa ilalim ng patnubay ng salita ng Diyos, ito ay parang ang sangkatauhan ay naglakbay sa bawa’t sulok ng lupa at pumasok sa isang masaganang hardin kung saan ang bawa’t bulaklak ay nagpapaligsahan na maging pinakamaganda. Anuman ang sinasabi ng Diyos ang sangkatauhan ay papasok sa Kanyang salita, na parang ang Diyos ay isang batubalani at anumang bagay na may bakal ay hihilahin nito. Kapag nakikita nila ang mga salitang “Hindi Ako pinakikinggan ng sangkatauhan, kaya hindi Ko rin sila siniseryoso. Ang sangkatauhan ay hindi nagbibigay-atensyon sa Akin, kaya hindi Ko kailangang maglaan ng oras at pagod sa kanila. Hindi ba ito ang pinakamagaling sa dalawang mundo?” ang lahat ng mga tao ng Diyos ay tila napabagsak sa walang katapusang hukay muli, o sinaktan sa kanilang mahalagang salik muli, iniiwan silang talagang natigilan, at sa gayon ay muli silang pumasok sa Aking paraan ng paggawa.[c] Sila ay natatanging nalilito patungkol sa mga salitang “Kung, bilang isa sa Aking mga tao sa kaharian, hindi ninyo mapanatili ang inyong tungkulin, kayo ay Aking kapopootan at tatanggihan!” Karamihan sa mga tao ay nadálá sa mga nakadudurog-pusong luha: “Nahirapan akong makaahon sa walang-katapusang hukay, kaya mawawalan na ako ng pag-asa kung mahuhulog ako ulit. Wala akong nakamit sa pantaong mundo, sumasailalim sa lahat ng uri ng mga kahirapan at problema sa buhay ko. Lalo na, pagkatapos na pumasok sa pananampalataya, sumailalim ako sa pagtalikod ng mga mahal sa buhay, pag-uusig mula sa mga pamilya, paninirang-puri mula sa mga makamundong tao, at hindi ako nagtamasa ng kaligayahan ng mundo. Kung muli akong mahuhulog sa walang-katapusang hukay, hindi ba’t magiging higit pang walang-kabuluhan ang aking buhay? “(Higit na pinag-iisipan ito ng tao higit na kapanglawan ang nararamdaman nila.)” Lahat ng aking mga pag-asa ay naipagkatiwala na sa mga kamay ng Diyos. Kung inaabandona ako ng Diyos, mabuti pang mamatay na ako ngayon…. Kung gayon, ang lahat ay itinatadhana ng Diyos, ngayon ay maaari lamang akong maghanap na mahalin ang Diyos, ang lahat ng iba pa ay pumapangalawa lamang. Sino ang gumawa na ito ang aking kahihinatnan? “Mas iniisip ng tao, mas malapit sila sa mga pamantayan ng Diyos at sa layunin ng Kanyang mga salita. Sa ganitong paraan natatamo ang layunin ng Kanyang mga salita. Matapos nakikita ng tao ang mga salita ng Diyos lahat sila ay may isang ideolohiyang tunggalian sa loob nila. Ang kanilang tanging pagpipilian ay magpailalim sa mga dikta ng kapalaran, at sa ganitong paraan natatamo ang layunin ng Diyos. Mas malupit ang mga salita ng Diyos, mas nagiging masalimuot ang panloob na mundo ng sangkatauhan bilang resulta. Ito ay tulad lamang ng paghipo sa sugat; mas madiin na ito ay hinihipo mas masakit ito, hanggang sa puntong sila ay lumulutang-lutang sa pag-itan ng buhay at kamatayan at nawawala maging ang pananampalataya upang mabuhay. Sa ganitong paraan, saka lamang kapag ang sangkatauhan ay pinakamalubhang nagdurusa at nasa kalaliman ng kawalan ng pag-asa maaari nilang ipagkaloob ang kanilang mga tunay na puso sa Diyos. Ang kalikasan ng sangkatauhan ay na kung may kahit kapirasong pag-asa pang natitira hindi sila pupunta sa Diyos para sa tulong, kundi gagamit ng mga sariling-kasapatang pamamaraan ng likas na pananatiling buháy. Ito ay dahil ang kalikasan ng sangkatauhan ay matuwid-sa-sarili, at minamaliit nila ang lahat. Samakatuwid, sinabi ng Diyos: “wala pang kahit isang tao ang nakapagmahal sa Akin habang nasa kaginhawahan. Wala pang kahit isang tao ang nagtangkang tumawag sa akin sa oras ng kanilang katahimikan at kaligayahan nang makabahagi man lamang Ako sa kanilang kagalakan.” Ito ay talagang nakakadismaya: nilalang ng Diyos ang sangkatauhan, nguni’t kapag Siya ay dumarating sa pantaong mundo, hinahangad nilang labanan Siya, itinataboy Siya palayo sa kanilang teritoryo, na tila Siya ay isang ulilang palaboy-laboy, o isang taong walang pagkamamamayan sa mundo. Walang sinumang nakadaramang nakakapit sa Diyos, walang tunay na nagmamahal sa Kanya, walang sinuman ang malugod na tinatanggap ang Kanyang pagdating. Sa halip, kapag nakikita ang pagdating ng Diyos, ang kanilang nagagalak na mga mukha ay nagiging madilim sa isang kisap-mata, na parang isang biglaang bagyo ang paparating, na tila aagawin ng Diyos ang kaligayahan ng kanilang pamilya, na tila hindi kailanman pinagpala ng Diyos ang sangkatauhan, nguni’t sa halip ay nagbigay lamang ng kasawian sa sangkatauhan. Samakatuwid, sa mga isipan ng sangkatauhan, ang Diyos ay hindi isang pakinabang sa kanila, kundi Isa na laging sumusumpa sa kanila; samakatuwid, ang sangkatauhan ay hindi nagbibigay-pansin sa Kanya, hindi nila Siya malugod na tinatanggap, sila ay laging malamig sa Kanya, at hindi ito nagbabago kailanman. Dahil ang sangkatauhan ay may mga bagay na ito sa kanilang puso, Sinasabi ng Diyos na ang sangkatauhan ay lubos na di-makatwiran at imoral, at kahit ang mga damdamin na dapat sana’y mayroon ang tao, ay hindi madarama sa kanila. Ang sangkatauhan ay hindi nagpapakita ng anumang pagsasaalang-alang para sa damdamin ng Diyos, nguni’t ginagamit ang tinatawag na “pagkamatuwid” upang pakitunguhan ang Diyos. Ang sangkatauhan ay katulad na nito sa loob ng maraming taon at dahil dito ay nasabi ng Diyos na ang kanilang disposisyon ay hindi nagbago. Ito ay nagpapakita na wala na silang sangkap maliban sa ilang mga balahibo. Maaaring sabihin na ang mga tao ay mga miserableng walang-kabuluhan dahil hindi sila nagpapahalaga sa kanilang mga sarili. Kung hindi man lamang nila mahal ang kanilang sarili, kundi niyuyurakan ang kanilang sarili, hindi ba ito nagpapakita na sila ay walang kabuluhan? Ang sangkatauhan ay tulad ng isang imoral na babae na nakikipaglaro sa kanyang sarili at kusang-loob na ibinibigay ang kanyang sarili sa iba upang halayin. Nguni’t gayon pa man, hindi pa rin nila alam kung gaano sila kahamak. Nagkakaroon sila ng kasiyahan sa pagtatrabaho para sa iba, o sa pakikipag-usap sa iba, paglalagay ng kanilang sarili sa ilalim ng kontrol ng iba; hindi ba ito ang tunay na karumihan ng sangkatauhan? Bagaman hindi Ako nakaranas ng isang buhay sa gitna ng sangkatauhan, na hindi talaga naranasan ang buhay ng tao, mayroon Akong napakalinaw na pang-unawa sa bawa’t hakbang, bawa’t pagkilos, bawa’t salita, at bawa’t gawa ng tao. Nailantad Ko pa nga ang sangkatauhan sa kanilang pinakamalalim na kahihiyan, hanggang sa punto na hindi na sila naglalakas-loob na ipakita ang kanilang sariling mga pandaraya at hindi na naglalakas-loob na magbigay daan sa kanilang masamang pita. Tulad ng isang susô na umuurong sa kabibe nito, hindi na sila naglalakas-loob upang ilantad ang kanilang sariling pangit na estado. Dahil ang sangkatauhan ay hindi nakakakilala sa kanilang sarili, ang kanilang pinakamalaking kapintasan ay ang kusang-loob na iparada ang kanilang mga alindog sa harap ng iba, ipinaparada ang kanilang mga pangit na mukha; ito ay isang bagay na pinaka-kinamumuhian ng Diyos. Dahil ang mga relasyon sa pag-itan ng mga tao ay abnormal, at walang normal na pakikipag-kapwa-taong relasyon sa pagitan ng mga tao, mas lalo nang wala silang normal[d] na relasyon sa Diyos. Napakaraming nasábi ng Diyos, at sa paggawa nito ang Kanyang pangunahing layunin ay upang magkaroon ng isang lugar sa puso ng sangkatauhan, upang maalis ng mga tao ang lahat ng mga diyus-diyosan sa kanilang mga puso, upang ang Diyos ay makapaglapat ng kapangyarihan sa buong sangkatauhan at makamit ang Kanyang layunin sa pagiging nasa lupa.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mga talababa:
a. Ito ay isang idyomang Tsino.
b. Wala sa orihinal na teksto ang “Ang mga tao ay nag-iisip na.”
c. Wala sa orihinal na teksto ang “ng paggawa.”
d. Ang orihinal na teksto ay walang “normal.”
Ang pinagmulan:Pakahulugan sa Ikalabing-apat na Pagbigkas
Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan