Ang karaniwang problema na umiiral sa lahat ng mga tao ay nauunawaan nila ang katotohanan ngunit hindi nila ito kayang isagawa. Ang isang dahilan ay hindi nais magdusa ng tao, at ang isa pa, ang pang-unawa ng tao ay masyadong hindi sapat; hindi niya makita ang maraming nakalipas na mga paghihirap na umiiral sa tunay na buhay at hindi alam kung paano ang wastong pagsasagawa. Sa dahilang ang tao ay may maliit na karanasan, mahinang kakayahan, at limitadong-unawa ng katotohanan, hindi niya malutas ang mga kahirapan na kanyang nararanasan sa buhay. Siya ay maaari lamang magbigay ng paglilingkod sa bibig sa kanyang pananampalataya sa Diyos, gayunpaman ay hindi kayang dalhin ang Diyos sa kanyang araw-araw na buhay. Sa madaling salita, ang Diyos ay Diyos, at ang buhay ay buhay, para bagang ang tao ay walang relasyon sa Diyos sa kanyang buhay. Iyan ang pinaniniwalaan ng lahat ng tao. Ang ganitong pamamaraan ng pananampalataya sa Diyos ay hindi magbibigay-daan sa tao na magkamit at maging perpekto sa pamamagitan Niya sa katotohanan. Sa katotohanan, ang ibig sabihin nito ay hindi ang hindi kumpleto ang salita ng Diyos, ngunit sa halip ang kakayahan ng tao upang tanggapin ang Kanyang salita ay hindi sapat. Maaari nating sabihin na halos lahat ng tao ay hindi ginagawa kung ano ang orihinal na atas ng Diyos. Sa halip, ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay alinsunod sa kanilang sariling intensyon, itinatag na mga palagay sa relihiyon, at mga kaugalian. Kaunti ang mga sumailalim sa isang pagbabago sa pagsunod sa pagtanggap ng salita ng Diyos at sinimulang kumilos alinsunod sa Kanyang kalooban. Sa halip, nanatili pa rin sila sa kanilang mga maling paniniwala. Kapag ang tao ay nagsimulang maniwala sa Diyos, siya ay gumagawa batay sa nakaugaliang patakaran ng relihiyon, at namumuhay at nakikipag-ugnayan sa iba nang ganap batay sa kanyang sariling pilosopiya sa buhay. Iyan ang kaso ng siyam sa bawat sampung tao. Kakaunti ang mga nagpapanukala ng isa pang plano at panibagong simula pagkatapos umpisahang maniwala sa Diyos. Walang nagtatangi o magawang isagawa ang salita ng Diyos bilang katotohanan.
Ang pinakamalaking pagkakamali ng tao sa pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos ay ang kanyang pananampalataya sa mga salita lamang, at ang Diyos ay umiiral hindi sa lahat ng kanyang praktikal na buhay. Ang lahat ng tao, sa katunayan, ay naniniwala sa pag-iral ng Diyos, subalit ang Diyos ay hindi isang bahagi ng kanilang pang araw-araw na mga buhay. Marami sa mga panalangin sa Diyos ay mula sa bibig ng tao, ngunit ang Diyos ay may maliit na lugar sa kanyang puso, at dahil dito paulit-ulit na nilalagay ng Diyos sa pagsubok ang tao. Sa dahilang ang tao ay hindi malinis, ang Diyos ay walang alternatibo kundi subukin ang tao, upang siya’y mahiya at makilala ang kanyang sarili sa mga pagsubok. Kung hindi man, ang mga tao ay magiging mga anak ng arkanghel, at lalong magiging tiwali. Sa panahon ng paniniwala ng tao sa Diyos, maraming mga personal na motibo at mga layunin ang matatanggal habang siya ay walang-humpay na nililinis ng Diyos. Sa kabilang banda, walang tao ang maaaring gamitin ng Diyos, at ang Diyos ay walang paraan sa paggawa sa tao ng Kanyang gawaing ninanais. Ang tao ay nililinis muna ng Diyos. Sa prosesong ito, maaaring makilala ng tao ang kanyang sarili at ang Diyos ay maaaring magbago sa tao. Pagkatapos lamang nito maaaring ibahagi ng Diyos ang Kanyang buhay sa tao, at sa ganitong paraan maaaring ang puso ng tao ay ganap na manumbalik sa Diyos. Kaya, ang pananampalataya sa Diyos ay hindi kasing simple katulad ng maaaring sinasabi ng tao. Habang nakikita ng Diyos, kung ikaw ay mayroon lamang kaalaman subalit wala ang Kanyang salita bilang buhay; kung ikaw ay limitado lamang sa iyong sariling kaalaman ngunit hindi kayang isagawa ang katotohanan o maranasan ang salita ng Diyos, ito ay patunay pa rin na wala kang puso ng pag-ibig para sa Diyos, at ipinakikita na ang iyong puso ay hindi kabilang sa Diyos. Sa pagdating ng pagkilala sa Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa Kanya; ito ay ang panghuling layunin at dapat hanapin ng tao. Dapat mong italaga ang pagsisikap na isabuhay ang mga salita ng Diyos upang ang mga ito ay maisakatuparan sa iyong pagsasagawa. Kung ikaw ay may kaalamang doktrina lamang, at pagkatapos ang iyong pananampalataya sa Diyos ay mauuwi sa wala. Kung iyo lamang isagawa at isabuhay ang Kanyang mga salita, maaari bang ituring na kumpleto ang iyong pananampalataya at ayon sa kalooban ng Diyos. Sa landas na ito, maraming mga tao ang maaaring makapagsalita ng maraming kaalaman, ngunit sa oras ng kanilang kamatayan, ang kanilang mga mata ay puno ng mga luha, at kinapopootan nila ang kanilang mga sarili sa pagkakaroon ng nasayang na kahabaan ng buhay at namuhay nang walang halaga hanggang sa katandaan. Sila ay nagkaroon lamang ng pang-unawa ngunit hindi kailanman ng pagkakataon na luwalhatiin ang Diyos. Ginugol nila ang kanilang buong buhay sa pakikipaglaban at naglalakbay nang pabalik-balik, gayunman sa kanilang oras ng kamatayan, may pagsisisi sa kanilang mga puso. Sa kanilang naghihingalong mga oras lamang marami ang dumarating na mga diwa at pagtanto sa kahulugan ng buhay. Hindi pa ba ito masyadong huli? Bakit hindi mo gamitin and pagkakataon at hanapin ang katotohanan na mahal mo? Bakit pa kayo naghihintay sa kinabukasan? Kung sa buhay ay hindi ka nagdurusa para sa katotohanan o hinanap na makuha ito, posible bang ninanais mong maramdaman ang kalungkutan sa iyong oras ng pagkamatay? Kung gayon, bakit pa kayo naniniwala sa Diyos? Sa katotohanan, maraming mga bagay na kung saan ang tao, kung siya ay mag-uukol lamang ng bahagyang pagsisikap, ay kayang isagawa ang katotohanan at sa gayong paraan ikalulugod ng Diyos. Ang puso ng tao ay patuloy na nilulukuban ng mga demonyo kung kaya hindi siya maaaring kumilos para sa kapakanan ng Diyos. Sa halip, siya ay patuloy na naglalakbay nang pabalik-balik lamang para sa laman, at walang anumang pinakikinabangan sa katapusan. Ito ay para sa mga kadahilanang ang tao ay may pare-parehong mga problema at paghihirap. Hindi ba ito mga pagpapahirap ni Satanas? Hindi ba ito katiwalian ng laman? Hindi mo dapat lokohin ang Diyos sa pamamagitan lamang ng paglilingkod sa bibig. Sa halip, dapat kang gumawa ng nadaramang aksyon. Huwag mong lukohin ang iyong sarili; ano ang kahulugan doon? Ano ang maaari mong pakinabangan sa pamamagitan ng pamumuhay para sa kapakanan ng iyong laman at nagpapagal para sa katanyagan at kapalaran?
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Ang pinagmulan:Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos
Rekomendasyon:
Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Nabuo ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos—ang nagbalik na Panginoong Jesus—ang Cristo ng mga huling araw, at gayundin sa ilalim ng Kanyang matuwid na paghatol at pagkastigo. Ang iglesia ay binubuo ng lahat ng taong tunay na tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nalupig at nailigtas ng salita ng Diyos. Lubos itong itinatag ng Makapangyarihang Diyos nang personal, at personal Niyang pinamunuan at ginabayan, at hindi ito itinatag ng sinumang tao. Ito ay isang katotohanang tanggap ng lahat ng piniling tao sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.