Interpretasyon ng Ikalabintatlong Pagbigkas
Kinamumuhian ng Diyos ang lahat ng mga inapo ng malaking pulang dragon, at namumuhi Siya nang higit pa sa malaking pulang dragon. Ito ang ugat ng poot sa loob ng puso ng Diyos. Tila nais ng Diyos na ihagis ang lahat ng mga bagay na nabibilang sa malaking pulang dragon sa lawa ng apoy at asupre upang lubusang sunugin sila. May mga pagkakataon na tila nais pa nga ng Diyos na iunat ang Kanyang kamay upang personal na lipulin ito—tanging iyan ang maaring makapawi ng galit sa Kanyang puso. Ang bawa’t isang tao sa bahay ng malaking pulang dragon ay isang hayop na nagkukulang sa pagkatao, kaya ang Diyos ay matinding sinupil ang Kanyang galit para sabihin ang sumusunod: “Sa lahat ng Aking bayan, at sa lahat ng Aking mga anak, yaon ay, sa lahat ng Aking pinili mula sa sangkatauhan, nabibilang kayo sa pinakamababang grupo.” Nagsimula ang Diyos ng isang pangwakas na pakikibaka sa malaking pulang dragon sa sarili nitong bansa, at kapag ang Kaniyang plano ay dumating sa pagbubunga ay wawasakin Niya ito, hindi na pinapayagan ito na gawing tiwali ang sangkatauhan o pinsalain ang kanilang mga kaluluwa. Hindi lumilipas ang isang araw na ang Diyos ay hindi tumatawag sa Kanyang mga taong nahihimbing upang iligtas sila, nguni’t silang lahat ay nasa kalagayang pananamlay na tila sila ay uminom ng pildoras na pampatulog. Kung hindi Niya pinukaw ang mga ito kahit sandali ay bumabalik sila sa kanilang kalagayan ng pagtulog, nang walang kamalayan. Tila ang lahat ng Kanyang mga tao ay dalawang-ikatlong paralisado. Hindi nila alam ang kanilang sariling mga pangangailangan o ang kanilang sariling mga kakulangan, o kahit kung ano ang dapat nilang isuot o kung ano ang dapat nilang kainin. Ipinakikita nito na ang malaking pulang dragon ay nakagugol ng malaking pagsisikap upang gawing tiwali ang mga tao. Ang kapangitan nito ay umaabot sa bawa’t rehiyon ng Tsina. Nagáwâ pa nga nito na ang mga tao ay mayamot at ayaw nang manatili nang mas matagal pa sa nabubulok at mahalay na bansa. Ang pinaka-kinapopootan ng Diyos ay ang kakanyahan ng malaking pulang dragon, kung kaya’t pinaaalalahanan Niya ang mga tao sa Kanyang poot bawa’t araw, at ang mga tao ay nabubuhay sa ilalim ng mata ng Kanyang poot araw-araw. Gayunpaman, ang karamihan ng mga tao ay hindi pa rin alam kung paanong hanapin ang Diyos, nguni’t sila ay umuupo lamang sa panonood at naghihintay upang pakainin sa palad. Kahit na sila ay namamatay na sa gutom hindi sila magkukusang humayong maghanap ng kanilang sariling pagkain. Ang mga konsensya ng mga tao ay malaon nang panahong ginawang tiwali ni Satanas at nagbago ang kakanyahan upang maging walang-puso. Hindi nakakagulat na sinabi ng Diyos: “Kung hindi Ko pa kayo inudyukan, hindi pa kayo magigising, subalit maaaring nananatili pa rin parang nasa kalagayang nagyelo, at muli, parang nasa kalagayan ng pagtulog sa taglamig.” Para bang ang mga tao ay tulad ng mga hayop sa mahabang pagtulog sa panahon na dumaraan ang taglamig at hindi humingi upang kumain o uminom; ito ay eksaktong ang kasalukuyang kalagayan ng bayan ng Diyos, na dahilan kung bakit ang Diyos ay kinakailangan lamang na makilala ng mga tao na Diyos na nagkatawang-tao Mismo sa liwanag. Wala Siyang pangangailangan sa mga tao na magbago nang matindi o para sa kanila na magkaroon ng malaking pag-unlad sa kanilang buhay. Iyan ay sapat na upang talunin ang maruming, nakapandidiring malaking pulang dragon, kaya mas mahusay na naipamamalas ang dakilang kapangyarihan ng Diyos.
Kapag binabasa ng mga tao ang mga salita ng Diyos ang maaari lamang nilang maunawaan ay ang literal na kahulugan nguni’t hindi nila kayang maunawaan ang espirituwal na kabuluhan nito. Ang tatlong salitang “maputik na mga alon” ay nakalito sa bawa’t isa sa mga bayani. Kapag ang poot ng Diyos ay ipinakita, hindi ba ang Kanyang mga salita, ang Kanyang mga pagkilos, at ang Kanyang disposisyon ang mga maputik na alon? Kapag hinahatulan ng Diyos ang buong sangkatauhan, hindi ba ito isang pagbubunyag ng Kanyang poot? Hindi ba ito kung kailan nagkakabisa ang mga maputik na alon? Sino ang hindi nabubuhay sa gitna ng mga maputik na alon dahil sa katiwalian ng tao? Iyon ay, sino ang hindi nabubuhay sa gitna ng poot ng Diyos? Kapag ninanais ng Diyos na magpataw ng matinding kapahamakan sa sangkatauhan, hindi ba ang nakikita ng mga tao ay isang “marahas na paggulong ng maitim na mga ulap”? Sa gitna ng tao, sino ang hindi tumatakas mula sa matinding kapahamakan? Ang poot ng Diyos ay bumubuhos sa mga tao tulad ng isang malakas na ulan at humihihip sa kanila tulad ng isang napakalakas na hangin. Ang lahat ng mga tao ay dinadalisay sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos na tila sila ay sinalubong ng isang umaalimpuyong bagyo ng niyebe. Ito ang mga salita ng Diyos na pinaka-hindi-matarok sa sangkatauhan. Sa pamamagitan ng Kanyang mga salita nilikha Niya ang mundo at gayon din sa pamamagitan ng Kanyang mga salita pinangungunahan Niya at dinadalisay ang buong sangkatauhan. At sa katapusan, panunumbalikin Niya ang kadalisayan ng buong sansinukob sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Makikita ito sa bawa’t bahagi ng Kanyang mga salita na ang pag-iral ng Espiritu ng Diyos ay hindi walang-saysay. Sa mga salita lamang ng Diyos makikita ng mga tao ang isang katiting ng paraan ng kaligtasan. Ang lahat ng tao ay mapapahalagahan ang Kanyang mga salita dahil naglalaman ang mga ito ng probisyon ng buhay. Mas higit na ang tao ay nagtutuon sa Kanyang mga salita, mas maraming mga isyu ang ihaharap Niya sa tao—ito ay ginagawa silang lubusang walang masabi at walang oras upang tumugon. Ang paulit-ulit na pagtatanong ng Diyos ay sapat na upang ang mga tao ay pag-isipan ang mga bagay sa loob ng isang panahon, lalo na ang iba pang mga salita Niya. Sa Diyos, ang lahat ay puno at sagana at walang kakulangan. Gayunpaman, ang mga tao ay hindi kayang tamasahin ang karamihan nito; alam lamang nila ang mababaw na bahagi ng Kanyang mga salita na parang ang kanilang nakikita ay ang balat ng manok nguni’t hindi nila maaaring kainin ang karne ng manok. Ipinakikita nito na ang mga pagpapala ng mga tao ay masyadong limitado at talagang hindi nila kayang tamasahin ang Diyos. Sa mga paniwala ng mga tao, bawa’t isa ay nagtataglay ng isang partikular na Diyos sa loob ng kanilang mga puso, kaya nga walang sinuman ang may ideya kung ano ang malabong Diyos, o kung ano ang imahe ni Satanas. Kaya nang sinabi ng Diyos “dahil ang iyong pinaniniwalaan ay imahe lamang ni Satanas at walang kinalaman sa Diyos Mismo,” lahat ng mga tao ay hindi makapaniwala na nanampalataya sila sa maraming taon, nguni’t hindi pa rin napagtanto na ang kanilang pinanampalatayanan ay si Satanas at hindi ang Diyos Mismo. Nadama nila ang isang biglaang kahungkagan nguni’t hindi nila alam kung ano ang sasabihin. Sa oras na iyon nagsimula silang muling malito. Sa pamamagitan lamang ng paggawa sa ganitong paraan maaaring mas mahusay na matanggap ng mga tao ang bagong liwanag at sa gayon ay tanggihan ang mga bagay noong una. Gaano man kabuti sa tingin ang mga ito, hindi maari ang mga ito. Mas kapaki-pakinabang para sa mga tao na maunawaan ang praktikal na Diyos Mismo at sa gayon ay makayang alisin sa kanilang mga sarili ang katayuan na pinanghahawakan ng mga paniwala ng mga tao sa kanilang mga puso at pahintulutan ang Diyos Mismo na sakupin ang mga tao. Sa ganitong paraan lamang makakamtan ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao at maaaring makilala ng mga tao ang praktikal na Diyos Mismo ng kanilang pisikal na mga mata.
Sinabi ng Diyos sa mga tao ang tungkol sa mga kalagayan ng espirituwal na mundo nang maraming beses: “Nang Kapag nagtutungo si Satanas sa Aking harapan, hindi Ako umuurong sa mabangis na katapangan nito, o natatakot man lamang sa pagkakilabot nito: Bina-balewala Ko lamang ito.” Ang naunawaan ng mga tao mula rito ay ang sitwasyon lamang sa realidad; hindi nila alam ang katotohanan sa espirituwal na mundo. Dahil ang Diyos ay naging katawang-tao, ginamit ni Satanas ang lahat ng uri ng mga pamamaraang pang-akusa, ninanais na salakayin ang Diyos sa ganitong paraan. Gayunpaman, ang Diyos ay hindi umuurong dahilan dito—Siya ay basta nagsasalita at gumagawa sa gitna ng sangkatauhan at nagpapahintulot sa mga tao na makilala Siya sa pamamagitan ng Kanyang katawang-tao. Si Satanas ay namumula ang mata sa matinding galit at nag-uukol ng matinding pagsisikap sa bayan ng Diyos upang gawin itong negatibo, umurong, at mawala pa nga sa kanilang daan. Nguni’t dahil sa epekto ng mga salita ng Diyos si Satanas ay nabigo, sa gayon ay nagdaragdag sa kahalayan nito. Ito ang dahilan kung bakit ipinaalala ng Diyos sa lahat: “Sa inyong mga buhay, maaaring dumating ang araw na masalubong mo ang ganitong uri ng sitwasyon: Nanaisin mo bang maging bihag ni Satanas ang iyong sarili o magpapasakop ka ba sa Akin?” Kahit na ang mga tao ay hindi nakakamalay sa mga bagay na nangyayari sa espirituwal na mundo, sa sandaling marinig nila ang mga ganitong uri ng mga salita mula sa Diyos sila ay maingat at takot—hinahampas nito pabalik ang mga pag-atake ni Satanas, na sapat upang ipakita ang kaluwalhatian ng Diyos. Kahit na sila ay pumasok sa isang bagong paraan ng paggawa matagal na ang nakalipas, ang mga tao ay hindi pa rin nagkakaroon ng kalinawan tungkol sa buhay sa kaharian—kahit na nauunawaan nila, kulang sila sa kalinawan. Kaya pagkatapos na nagpalabas ang Diyos ng isang babala sa mga tao, ipinakilala Niya sa kanila ang kakanyahan ng buhay sa kaharian: “Ang buhay sa kaharian ay buhay ng mga tao at ng Diyos Mismo.” Dahil ang Diyos mismo ay nagkatawang-tao, isang buhay ng ikatlong langit ay nakamit dito sa lupa. Ito ay hindi lamang plano ng Diyos, nguni’t ito rin ay nagagawa ng Diyos. Sa paglipas ng panahon ay nakikilala ng mga tao ang Diyos Mismo nang lalong higit pa at sa gayon ay higit na natitikman ang buhay sa langit, sapagka’t tunay na nadama nila na ang Diyos ay nasa lupa, na Siya ay hindi isang malabong Diyos sa langit. Kaya, ang buhay sa lupa ay katulad doon sa langit. Ang realidad ay ang Diyos ay nagiging katawang-tao at natitikman ang kapaitan ng daigdig ng tao, at mas natitikman Niya ang kapaitan sa katawang-tao, mas nagpapatunay na Siya ang praktikal na Diyos Mismo. Ito ang dahilan kung bakit ang mga sumusunod na salita ay sapat upang patunayan ang pagiging praktikal ng Diyos sa ngayon: “Sa lugar na Aking tinatahanan, ang lugar kung saan Ako nakatago, gayunman, sa tirahan Kong ito, natalo Ko ang lahat ng Aking mga kaaway; sa Aking tirahang ito, nakamit Ko ang karanasang mamuhay sa mundo; sa Aking tirahang ito, inoobserbahan Ko ang bawat salita at ginagawa ng tao, at nagmamasid at nag-uutos sa buong sangkatauhan. Kung nararamdaman ng sangkatauhan ang malasakit para sa Aking mga layunin, na nagbibigay ng kasiyahan sa Aking puso at kaluguran sa Akin, tiyak na pagpapalain Ko ang buong sangkatauhan.” Talagang namumuhay sa katawang-tao, talagang nararanasan ang buhay ng tao sa katawang-tao, talagang nauunawaan ang buong sangkatauhan mula sa loob ng katawang-tao, talagang nilulupig ang sangkatauhan sa katawang-tao, talagang nagtataguyod ng pangwakas na pakikibaka sa malaking pulang dragon sa katawang-tao, at isinasagawa ang buong gawain ng Diyos sa katawang-tao—hindi ba ito ang eksaktong pag-iral ng praktikal na Diyos Mismo? Gayunpaman, bihirang-bihira na makikita ng mga tao ang pambihirang kakayahan sa ganitong mga karaniwang salita ng Diyos. Ang mga ito ay mabilis na dumaraan sa kanila at hindi nadarama ang kahalagahan o bibihirang mga salita ng Diyos.
Napakahusay ng pagpapalit ng mga salita ng Diyos—ang pariralang “Habang nakaratay na walang malay ang sangkatauhan” ay ngpapalit ng paglalarawan ng Diyos Mismo tungo sa isang paglalarawan ng estado ng buong sangkatauhan. Dito, ang “mga pagsabog ng malamig na liwanag” ay hindi kumakatawan sa kidlat ng Silangan, nguni’t ito ay mga salita ng Diyos, iyon ay, ang kanyang bagong pamamaraan ng paggawa. Samakatuwid, dito lahat ng uri ng dinamika ng mga tao ay makikita: Matapos pumasok sa bagong paraan, nawawala ang lahat ng kanilang pandama ng direksyon, hindi alam kung saan sila nanggagaling ni kung saan man sila pumupunta. Ang “Karamihan sa mga tao ay tinamaan ng parang laser na mga sinag” ay tumutukoy sa mga tao na inalis sa pamamagitan ng bagong paraan, yaong hindi makatiis sa mga pagsubok o mabata ang pagpipino ng mga paghihirap at sa gayon ay itinatapong muli sa walang katapusang hukay. Ang salita ng Diyos ay naglalantad sa sangkatauhan sa isang partikular na antas—tila ang mga tao ay natatakot kapag nakikita nila ang mga salita ng Diyos, at hindi sila naglalakas-loob na magsabi ng anumang bagay na parang nakita nila ang kanyon ng isang baril na direktang nakatutok sa kanilang puso. Gayunman, nararamdaman din nila na may mabubuting mga bagay sa mga salita ng Diyos. Ang kanilang mga puso ay talagang nagkakasalungatan at hindi nila nalalaman kung ano ang dapat nilang gawin, nguni’t dahil sa kanilang pananampalataya, ang ginagawa lamang nila ay patatagin ang kanilang mga sarili at higit pang nagsasaliksik sa Kanyang mga salita dahil sa takot na pababayaan sila ng Diyos. Tulad ng sinabi ng Diyos: “sino sa sangkatauhan ang hindi nakararanas ng ganitong kalagayan? Sino ang hindi nabubuhay sa Aking liwanag? Kahit na ikaw ay malakas, o maaaring ipinapalagay mo na mahina, paano mo maiiwasan ang pagdating ng Aking liwanag?” Kung ang Diyos ay gumagamit ng isang tao, kahit na sila ay mahina, ang Diyos ay iilawan pa rin at liliwanagan sila sa Kanyang pagkastigo, kaya lalong nagbabasa ang mga tao ng mga salita ng Diyos, lalo nilang naiintindihan Siya, nagiging higit ang paggalang nila sa Kanya, at lalong nababawasan ang kanilang pagiging padalus-dalos. Na nakarating ang mga tao dito ngayon ay lubusang dahil sa dakilang kapangyarihan ng Diyos. Ito ay dahil sa awtoridad ng Kanyang mga salita, iyon ay, ito ay dahil sa Espiritu sa Kanyang mga salita na ang mga tao ay may takot sa Diyos. Mas ibinubunyag ng Diyos ang tunay na mukha ng sangkatauhan, mas namamangha sila sa Kanya, kaya mas tiyak sila sa katotohanan ng Kanyang pag-iral. Ito ang parola ng Diyos sa landas ng sangkatauhan para maunawaan ang Diyos; ito ang daanan na ibinigay sa kanila ng Diyos upang sundan. Kung iniisip mo ito nang maigi, hindi ba ito gayon?
Hindi ba ang sinabi sa itaas ang parola sa landas sa harap ng sangkatauhan?
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan:Interpretasyon ng Ikalabintatlong Pagbigkas
Rekomendasyon:Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang maikling panimula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal