菜單

Abr 5, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikaapatnapu’t-anim na Pagbigkas

Ang Ikaapatnapu’t-anim na Pagbigkas

    Hindi Ko alam kung gaano kabuti ang kalagayan ng mga tao sa paggawa sa Aking mga salita na batayan ng kanilang pag-iral. Ako ay laging nababalisa para sa kapalaran ng tao, nguni’t tila hindi ito nadarama kahit kaunti ng mga tao—at bilang resulta, hindi nila kailanman pinansin ang Aking mga ginagawa, at hindi kailanman nagkaroon ng pagsamba dahil sa Aking saloobin tungo sa tao. Para bang sila ay nag-alis ng damdamin matagal nang panahon upang bigyang-kasiyahan ang Aking puso. Kinakaharap ang gayong mga kalagayan, minsan pa Akong natahimik. Bakit ang Aking mga salita ay hindi karapat-dapat sa pagsasaalang-alang ng mga tao, sa higit na pagpasok? Dahil ba ito sa “wala Akong realidad” at sinusubukan Kong makaimpluwensya sa mga tao? Bakit lagi Akong binibigyan ng mga tao ng “natatanging pagtrato”? Ako ba ay may-kapansanan na nasa kanyang sariling hiwalay na ward? Bakit, gayong ang mga bagay-bagay ay nakarating sa puntong narating ng mga ito ngayon, iba pa rin ang nagiging tingin sa Akin ng mga tao? May mali ba sa Aking saloobin tungo sa tao? Ngayon, nakapagsimula Ako ng bagong gawain sa ibabaw ng mga sansinukob. Nabígyan Ko ang mga tao sa lupa ng bagong simula, at hiningi sa kanilang lahat na umalis sa Aking bahay. At dahil laging nais ng mga tao na magpasásà sa kanilang mga sarili, pinapayuhan Ko sila na maging gisíng-sa-sarili, at huwag laging gambalain ang Aking gawain. Sa “bahay-tuluyan” na Aking binuksan, walang nagsasanhi sa Aking pagkamuhi nang higit kaysa tao, dahil ang mga tao ay laging nagiging dahilan ng kaguluhan para sa Akin at binibigo Ako. Ang kanilang asal ay nagdadala ng kahihiyan sa Akin at kahit kailan ay hindi Ko naitaas ang Aking ulo. Sa gayon, kalmado Akong nakikipag-usap sa kanila, hinihinging iwan nila ang Aking bahay sa lalong madaling panahon at huminto sa pagkain ng Aking pagkain nang libre. Kung nais nilang manatili, kung gayon dapat silang sumailalim sa pagdurusa at tiisin ang Aking pagdadalisay. Sa kanilang mga isipan, lubos Akong walang kamalay-malay at walang-alam sa kanilang mga ginagawa, at sa gayon lagi silang nakatayo nang mataas sa harap Ko, walang anumang tanda ng pagbagsak, nagkukunwari lamang na tao para buuin ang mga bilang. Kapag Ako ay humingi sa mga tao, sila’y nagugulat: Hindi nila kailanman naisip na ang Diyos, na laging mabuti-ang-kalooban at mabait sa loob ng napakaraming taon, ay makakapagsalita ng ganoong mga salita, mga salitang walang-puso at hindi makatarungan, kaya’t wala silang masabi. Sa ganoong mga pagkakataon, Aking nakikita na ang pagkamuhi para sa Akin sa mga puso ng mga tao ay tuminding muli, dahil muli nilang sinimulan ang gawain ng pagdaing. Lagi nilang inaakusahan ang lupa at tinutungayaw ang Langit. Gayunman sa kanilang mga salita, wala Akong nakikitang anuman na nagmumura sa kanilang mga sarili dahil ang kanilang pag-ibig sa kanilang mga sarili ay napakatindi. Sa gayon ay Aking binubuod ang kahulugan ng pantaong buhay: Dahil masyadong minamahal ng mga tao ang kanilang mga sarili, ang kanilang buong buhay ay pangingipuspos at walang-kabuluhan, at sila ay nagdurusa ng paghampas-sa-sariling pagkawasak sa kabuuan dahil sa kanilang pagkamuhi sa Akin.

    Kahit na may di-mabigkas na “pag-ibig” para sa Akin sa mga salita ng tao, kapag dinala Ko ang mga salitang ito sa “laboratoryo” para suriin at pagmasdan ang mga ito sa ilalim ng mikroskopyo, ang lahat nang nasa loob ng mga iyon ay nabubunyag nang ganap na kalinawan. Sa sandaling ito, dumarating Akong muli sa gitna ng tao upang hayaan silang tingnan ang kanilang “medikal na mga rekord,” para makumbinsi sila nang lubos. Kapag nakita ang mga iyon ng mga tao, ang kanilang mga mukha ay napupuno ng lungkot, nagsisisi sila sa kanilang mga puso—at sila’y alalang-alala pa kaya’t gustung-gusto nilang talikdan ang kanilang mga masamang gawi at bumalik sa tamang landas upang Ako ay pasayahin. Nakikita ang kanilang paninindigan, Ako ay sukdulang nasisiyahan, ang Aking kagalakan ay umaapaw: “Sa lupa, sino maliban sa tao ang makakasama Ko sa kagalakan at kalungkutan? Hindi ba’t bukod-tangi lamang ang tao?” Gayunman kapag Ako ay umalis, pinupunit ng mga tao ang kanilang mga medical na rekord at itinatapon ang mga iyon sa sahig bago nagmamalaking naglalakad paláyô. Sa mga araw mula noon, kaunti lamang ang nakita Ko sa mga kilos ng mga tao na tulad sa Aking sariling puso. Gayunman ang kanilang mga paninindigan sa harap Ko ay dumami nang lubha, at, tinitingnan ang kanilang mga paninindigan, Ako ay namumuhi, sapagka’t sa mga iyon ay walang anumang maitataas para sa Aking kasiyahan, masyadong nabahiran ang mga iyon. Nakikita ang Aking pagwawalang-bahala para sa kanilang paninindigan, ang mga tao ay nanlalamig. Matapos iyon, madalang na lamang silang nagpapasok ng “aplikasyon” dahil ang puso ng tao ay hindi pa kailanman napuri sa harap Ko at natanggihan Ko pa lamang iyon—wala nang anumang espirituwal na tulong sa buhay ng mga tao, kaya’t ang kanilang sigasig ay naglalaho, at hindi Ko na nadarama na ang panahon ay “nagbabaga sa init.” Ang mga tao ay nagdurusa nang matindi sa kanilang buong buhay, hanggang sa punto na, sa pagdating sa sitwasyon ngayon, masyado Ko silang napahirapan kaya’t nakabitin sila sa pag-itan ng buhay at kamatayan; bilang resulta, nagdidilim ang liwanag sa kanilang mga mukha, at nawawala ang kanilang “kasiglahan,” sapagka’t silang lahat ay “tumanda na.” Hindi Ko matiis na makita ang kaawa-awang kalagayan ng mga tao kapag sila ay pinipino sa panahon ng pagkastigo—gayunman sinong makalulunas sa nagdarahop na mga kalagayan ng tao? Sinong makapagliligtas sa tao sa nagdarahop na pantaong buhay? Bakit hindi kailanman napalaya ng mga tao ang kanilang mga sarili mula sa kalaliman ng dagat ng pagdurusa? Sinasadya Ko bang bitagin ang mga tao? Hindi kailanman naunawaan ng mga tao ang Aking pakiramdam, kaya’t Ako ay dumaraing sa sansinukob na sa gitna ng lahat ng mga bagay sa langit at sa lupa, walang nakadama sa Aking puso kailanman, walang tunay na nagmamahal sa Akin. Kahit ngayon, hindi Ko pa rin alam kung bakit hindi kaya ng mga tao na mahalin Ako. Maaari nilang ibigay ang kanilang mga puso sa Akin, kaya nilang isakripisyo ang kanilang kapalaran para sa Akin, nguni’t bakit hindi nila maibigay ang kanilang pagmamahal sa Akin? Hindi ba nila taglay ang Aking hinihingi? Kaya ng mga taong mahalin ang lahat maliban sa Akin—kaya bakit hindi nila Ako maibig? Bakit ang kanilang pag-ibig ay laging nakatago? Bakit, yamang sila ay nakatagal sa harap Ko magpahanggang sa ngayon, hindi Ko kailanman nakita ang kanilang pagmamahal? Ito ba ay isang bagay na kulang sa kanila? Sinasadya Ko bang gawing mahirap ang mga bagay-bagay para sa mga tao? Mayroon pa ba silang kahihiyan sa kanilang mga puso? Sila ba ay natatakot na mahalin ang maling persona, at hindi nakakayang lunasan ang kanilang mga sarili? Sa mga tao mayroong hindi-mabilang at di-maarok na mga hiwaga, at sa gayon Ako ay laging “kimî at takot” sa harap ng tao.
    Ngayon, sa panahon ng pagsulong tungo sa pasúkán ng kaharian, lahat ng mga tao ay nagsisimulang tumuloy sa unahan—nguni’t kapag dumating sila sa harap ng pasúkán, Aking isinasara ang pasúkán, sinasarhan Ko ang mga tao sa labas, at hinihinging ipakita nila ang kanilang pases sa pagpasok. Ang gayong kakaibang galaw ay di-tulad ng inaasahan ng mga tao, at lahat sila ay nagulat. Bakit ang pasúkán—na laging nakabukas nang malaki—ay biglang isinara nang mahigpit ngayon? Ang mga tao ay tumatakad at palakad-lakad. Naguguni-guni nila na maaari nilang maipasok ang kanilang sarili nang may panggugulang, nguni’t kapag iniabot nila ang kanilang mga huwad na pases sa pagpasok, itinatapon Ko agad ang mga iyon sa hukay ng apoy—at, nakikita ang kanilang sariling “puspusang pagsisikap” na naglalagablab, nawawalan sila ng pag-asa. Sinasapo nila ang kanilang mga ulo, umiiyak, pinanonood ang magagandang mga tanawin sa loob ng kaharian nguni’t hindi makapasok. Gayunman ay hindi Ko sila pinapapasok dahil sa kanilang kaawa-awang kalagayan—sinong maaaring sumira sa Aking plano kung gugustuhin nila? Ang mga pagpapala ba ng hinaharap ay ibinibigay kapalit ng sigasig ng mga tao? Ang kahulugan ba ng pantaong pag-iral ay nakasalalay sa pagpasok sa Aking kaharian ayon sa kagustuhan ng isa? Ako ba ay napakababa? Kung hindi sa Aking marahas na mga pananalita, hindi ba ang mga tao ay malaon nang nakapasok sa kaharian? Sa gayon, lagi Akong kinamumuhian ng mga tao dahil sa lahat nang pagkaabala na sinasanhi sa kanila ng Aking pag-iral. Kung hindi Ako umiral, makakaya nilang tamasahin ang mga pagpapala ng kaharian sa panahong kasalukuyan—at ano pa ang silbi na tiisin ang pagdurusang ito? Kaya’t sinasabi Ko sa mga tao na mabuti pang umalis sila, na dapat nilang samantalahin kung gaano kabuti ang mga bagay-bagay na nangyayari sa kasalukuyan upang humanap ng paraan para sa kanilang mga sarili; dapat nilang samantalahin ang kasalukuyan, habang bata pa sila, upang matuto ng ilang mga kasanayan. Kung hindi nila gagawin, magiging napakahuli na sa kinabukasan. Sa Aking bahay, walang sinumang nakatanggap kahit kailan ng mga pagpapala. Sinasabi Ko sa mga tao na magmadali at umalis, na huwag manatiling namumuhay sa “kahirapan”; sa hinaharap magiging napakahuli para sa mga pagsisisi. Huwag maging napakahigpit sa inyong mga sarili; bakit pa? Gayunman ay sinasabi Ko rin sa mga tao na kapag nabigo silang makatamo ng mga pagpapala, walang maaaring dumaing tungkol sa Akin. Wala Akong panahong sayangin ang Aking mga salita sa tao. Ako ay umaasa na tatatak ito sa isipan ng mga tao, na hindi nila ito malilimutan—ang mga salitang ito ang mga nakakaasiwang katotohanan mula sa Akin. Matagal na Akong nawalan ng pananampalataya sa tao, matagal na Akong nawalan ng pag-asa sa mga tao, sapagka’t wala silang ambisyon, hindi nila Ako kailanman nabigyan ng pusong nagmamahal sa Diyos, at sa halip ay laging ibinibigay sa Akin ang kanilang mga pangganyak. Marami na Akong nasabi sa tao, at yamang binabale-wala pa rin ng mga tao ang Aking payo ngayon, sinasabi Ko sa kanila ang Aking pananaw upang hadlangan sila sa maling-pagkaunawa sa Aking puso sa hinaharap; kung sila man ay mabuhay o mamatay sa darating na mga panahon ay problema na nila, wala Akong kontrol dito. Umaasa Akong makikita nila ang kanilang sariling landas sa pananatiling buháy, at wala Akong kapangyarihan dito. Yamang hindi Ako tunay na minamahal ng tao, maghihiwalay na lamang kami; sa hinaharap, hindi na magkakaroon pa ng anumang mga salita sa pag-itan namin, hindi na kami magkakaroon ng anumang pag-uusapan, hindi namin pakikialaman ang isa’t isa, yayaon kaming pareho sa aming sariling daan, hindi Ako dapat hanapin ng mga tao, hindi na kailanman Ako hihingi ng tulong sa tao. Ito ay isang bagay na nasa pag-itan namin, at kami ay nag-usap nang walang kalabuan upang maiwasang magkaroon ng anumang usapin sa hinaharap. Hindi ba ginagawang madali nito ang mga bagay-bagay? Magkakanya-kanya na tayo ng daan at wala nang kinalaman pa sa isa’t isa—anong mali riyan? Umaasa Ako na bibigyan ito ng kaunting pagsasaalang-alang ng mga tao.
Ika-28 ng Mayo, 1992
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal
Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Tungkol sa Biblia