菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na maniwala sa Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na maniwala sa Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

May 13, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Pakahulugan sa Ikaapatnapu’t-anim na Pagbigkas

Pakahulugan sa Ikaapatnapu’t-anim na Pagbigkas

    Sa gitna ng lahat ng mga salitang ito, walang higit na di-malilimutan kaysa roon sa ngayon. Ang mga salita ng Diyos noong una ay nagbunyag sa mga katayuan ng tao o mga hiwaga ng langit, gayunman ang pagbubunyag na ito ay di-tulad niyaong sa nakaraan. Hindi ito nanunuya o nanunukso, kundi isang bagay na ganap na di-inaasahan: ang Diyos ay naupo at kalmadong nakipag-usap sa mga tao. Ano ang Kanyang hangarin? Anong iyong nakikita kapag sinasabi ng Diyos, “Ngayon, nakapagsimula Ako ng bagong gawain sa ibabaw ng mga sansinukob. Nabígyan Ko ang mga tao sa lupa ng bagong simula, at hiningi sa kanilang lahat na umalis sa Aking bahay. At dahil laging nais ng mga tao na magpasásà sa kanilang mga sarili, pinapayuhan Ko sila na maging gisíng-sa-sarili, at huwag laging gambalain ang Aking gawain”? At ano itong “bagong pasimula” na sinasabi ng Diyos? Pinayuhan ng Diyos ang mga tao na umalis nang una, nguni’t ang hangarin ng Diyos noon ay subukin ang kanilang pananampalataya. Kaya ngayon, kapag Siya ay nagsasalita na may ibang tono—Siya ba ay nagiging totoo o hindi? Dati, hindi alam ng mga tao ang mga pagsubok na sinasabi ng Diyos. Saka lamang sa pamamagitan ng hakbang ng gawain ng mga taga-serbisyo na nakita ng kanilang mga mata, at personal nilang naranasan, ang mga pagsubok ng Diyos. Sa gayon, mula sa panahong iyon hanggang sa daraan, salamat sa halimbawa ng daan-daang mga pagsubok ni Pedro, malimit nagkamali ang mga tao sa paniniwalang “Ito ay pagsubok ng Diyos.” Higit pa, sa mga salita ng Diyos ang mga katunayan ay bihira lamang dumating. Sa gayon, ang mga tao ay naging higit na mapamahiin tungkol sa mga pagsubok ng Diyos, kaya’t sa lahat ng mga salitang binigkas ng Diyos, hindi sila kailanman naniwalang ito ay magiging gawain ng mga katunayang isinakatuparan ng Diyos; sa halip, naniwala sila na ang Diyos, na walang ibang gagawin, ay tanging gumagamit ng mga salita upang subukin ang mga tao. Sa kalagitnaan ng gayong mga pagsubok, na walang-pag-asa gayunma’y tila nag-aalok ng pag-asa, na ang mga tao ay sumunod, kaya’t matapos na sinabi ng Diyos “lahat nang nananatili ay malamang na magdusa ng kasawiang-palad at kaunting kapalaran sa katapusan,” itinuon pa rin ng mga tao ang kanilang pansin sa pagsunod, at sa gayon ay walang hangaring umalis. Ang mga tao ay sumunod sa gitna ng gayong mga ilusyon, at walang isa man sa kanila ang nangahas na tiyaking walang pag-asa—na bahagi ng patunay ng tagumpay ng Diyos. Ang punto ng pananaw ng Diyos ay nagpapakita na minamaniobra Niya ang lahat upang mapunta sa paglilingkod sa Kanya. Ang mga ilusyon ng mga tao ay humihimok sa kanila na huwag iwanan ang Diyos, di-alintana ang panahon o dako, kaya’t sa panahon ng hakbang na ito ginagamit ng Diyos ang di-perpektong mga pangganyak sa mga tao upang pagpasanin sila ng patotoo sa Kanya, na siyang malalim na kabuluhan ng kapag sinasabi ng Diyos, “Ako ay nakatamo ng isang bahagi ng mga tao.” Ginagamit ni Satanas ang mga pangganyak sa tao upang makagambala, samantalang ginagamit ng Diyos ang mga pangganyak sa tao upang papaglingkurin siya—na siyang tunay na kahulugan ng mga salita ng Diyos na “Naguguni-guni nila na maaari nilang maipasok ang kanilang sarili, nguni’t kapag iniabot nila ang kanilang mga huwad na pases sa pagpasok, itinatapon Ko agad ang mga iyon sa hukay ng apoy—at, nakikita ang kanilang sariling “maingat na pagsisikap” na naglalagablab, nawawalan sila ng pag-asa.” Minamaniobra ng Diyos ang lahat ng mga bagay upang papaglingkurin ang mga iyon, kaya’t hindi Niya iniiwasan ang sari-saring mga palagay ng tao, kundi matapang na sinasabi sa mga tao na umalis; ito ang pagiging kamangha-mangha at karunungan ng gawain ng Diyos, pinagsasama ang tapat na mga salita at ang pamamaraan tungo sa isa, iniiwan ang mga tao na nahihilo at tuliro. Mula rito ay makikita na talagang hinihingi ng Diyos sa mga tao na umalis mula sa Kanyang tahanan, na ito ay hindi isang uri ng pagsubok, at sinasamantala ng Diyos ang pagkakataong ito upang sabihing, “Gayunman ay sinasabi Ko rin sa mga tao na kapag nabigo silang makatamo ng mga pagpapala, walang maaaring dumaing tungkol sa Akin.” Walang sinumang makatatarok kung ang mga salita ng Diyos ay tunay o hindi, gayunman ginagamit ng Diyos ang pagkakataong ito upang patatagin ang mga tao, upang alisan sila ng kanilang pagnanasang umalis. Sa gayon, kung isang araw sila ay isinumpa, sila ay patiuna nang nababalaan ng mga salita ng Diyos, gaya lamang ng sinasabi ng mga tao na “Ang pangit na mga salita ay ang mga mabubuti.” Ngayon, ang pag-ibig ng mga tao sa Diyos ay tapat at taos-sa-puso, kaya’t sa mga salita na hindi nila masabi kung tunay o hindi, sila ay nalupig at natutong mahalin ang Diyos, na dahilan kung bakit sinabi ng Diyos “Natupad Ko na ang Aking dakilang gawain.” Kapag sinasabi ng Diyos “Umaasa Akong makikita nila ang kanilang sariling landas sa pananatiling buháy, at wala Akong kapangyarihan dito,” ito ang realidad ng pagbigkas ng Diyos sa lahat ng mga salitang ito—gayunman hindi ganoon ang iniisip ng mga tao; sa halip, sila ay laging nakásunod nang hindi nagbibigay ng kahit katiting na pansin sa mga salita ng Diyos. Sa gayon, kapag sinasabi ng Diyos “sa hinaharap, hindi na magkakaroon pa ng anumang mga salita sa pag-itan namin, hindi na kami magkakaroon ng anumang pag-uusapan, hindi namin pakikialaman ang isa’t isa, yayaon kaming pareho sa aming sariling daan,” ang mga salitang ito ay realidad, at walang-bahid kahit na katiting. Kung anuman ang iniisip ng mga tao, gayon ang pagiging di-makatwiran ng Diyos. Nadala na ng Diyos ang patotoo sa harap ni Satanas, at sinabi ng Diyos na gagawin Niya na hindi Siya iwanan ng lahat ng mga tao di-alintana ang panahon o dako—kaya’t ang hakbang na ito ng gawain ay natapos na, at hindi pinakikinggan ng Diyos ang mga hinaing ng tao. Gayunman ay nilinaw na ito ng Diyos mula sa umpisa, kaya’t ang mga tao ay naiwan sa isang kaawa-awang kalagayan, napilitang magpakumbaba. Ang paglalaban sa pag-itan ng Diyos at ni Satanas ay lubusang nakasalig sa tao. Ang mga tao ay walang kontrol sa kanilang mga sarili, sila ay mahusay at tunay na mga sunud-sunuran, habang ang Diyos at si Satanas ang siyang humahatak ng mga kuwerdas sa likuran ng mga tagpo. Kapag ginagamit ng Diyos ang mga tao upang magpatotoo para sa Kanya, ginagawa Niya ang lahat ng Kanyang maisip, ginagawa ang lahat na posible, upang gamitin ang mga tao na gumawa ng paglilingkod para sa Kanya, sinasanhi ang mga tao na mapaikot ni Satanas, at, higit pa, pinapatnubayan ng Diyos. At kapag ang patotoo na nais ng Diyos na dalhin ay natapos, iniiitsa Niya ang mga tao sa isang tabi at iniiwan silang nagdurusa, habang ang Diyos ay kumikilos na parang wala Siyang kinalaman sa kanila. Kapag nais Niyang muling gamitin ang mga tao, pinupulot Niya silang muli at ginagamit sila—at ang mga tao ay walang kamalay-malay dito. Sila ay tulad lamang ng baka o kabayo na ginagamit ayon sa kagustuhan ng panginoon nito, walang sinuman sa mga ito ang may anumang kontrol sa kanilang mga sarili. Maaaring may kalungkutan ang tunog nito, nguni’t kung may kontrol man o wala ang mga tao sa kanilang mga sarili, ang paglilingkod sa Diyos ay isang karangalan, hindi isang bagay na dapat kainisan. Para itong ang Diyos ay dapat na kumilos sa ganitong paraan. Ang kakayahan bang katagpuin ang pangangailangan ng Makapangyarihan ay hindi isang bagay na karapat-dapat ipagmalaki? Ano ngayon ang iyong iniisip? Naitalaga mo na ba ang iyong paninindigan sa pag-uukol ng paglilingkod sa Diyos? Maaari kayang inaasam mo pa ring panghawakan ang karapatang hanapin ang iyong sariling kalayaan?

Abr 27, 2018

Salita ng Diyos | Pakahulugan sa Ikatatlumpung Pagbigkas

Pakahulugan sa Ikatatlumpung Pagbigkas

    May mga tao na maaaring mayroong kaunting pananaw sa mga salita ng Diyos, subali’t walang sinuman sa kanila ang nagtitiwala sa kanilang mga damdamin; sila ay lubhang natatakot na mahulog sa pagkanegatibo. Sa gayon, sila ay palaging halinhinan sa pag-itan ng galak at lungkot. Patas na sabihing ang mga buhay ng lahat ng mga tao ay puno ng dalamhati; sa kasunod pang hakbang dito, mayroong pagpipino sa pang-araw-araw na buhay ng lahat ng mga tao, gayunman masasabi Ko na walang sinuman ang nakatatamo ng anumang pagpapalaya sa kanilang mga espiritu bawa’t araw, at ito ay para bang may tatlong malalaking bundok ang dumadagan sa kanilang mga ulo. Walang isa man sa kanilang mga buhay ang masaya at nagagalak sa lahat ng sandali—at kahit na kapag medyo masaya sila, pinipilit lamang nilang nagpapakasaya ang kanilang mga itsura. Sa kanilang mga puso, ang mga tao ay palaging may pakiramdam na parang may di-tapos. Sa gayon, hindi sila matatag sa kanilang mga puso; sa buhay, ang mga bagay-bagay ay tila walang laman at hindi-patas, at pagdating sa paniniwala sa Diyos, sila ay abálá at kulang sa panahon, o kaya ay wala silang panahon para kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, o hindi kayang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos. Walang isa man sa kanila ang mapayapa, at malinaw, at matatag sa kanilang mga puso. Para bang sila ay nahirati na sa pamumuhay sa ilalim ng nalalambungang kalangitan, na para bang namumuhay sila sa isang kalawakang walang oksidyen, at humantong ito sa kalituhan sa kanilang mga buhay. Ang Diyos ay laging nagsasalita nang diretso sa mga kahinaan ng mga tao, lagi Niya silang sinasaktan sa kanilang sakong ni Akiles—hindi mo ba malinaw na nakita ang tono ng Kanyang pagsasalita sa kabuuan? Kailanman ay hindi binigyan ng Diyos ang mga tao ng pagkakataong magsisi, at ginagawa Niya ang lahat ng mga tao na mamuhay sa “buwan” nang walang oksidyen. Mula sa simula hanggang ngayon, ang pang-ibabaw ng mga salita ng Diyos ay naglantad ng kalikasan ng tao, gayunman ay walang sinuman ang malinaw na nakakita sa nilalaman ng mga salitang ito. Lumilitaw na sa pamamagitan ng paglalantad sa kakanyahan ng tao, ang mga tao ay dumarating sa pagkakilala sa kanilang mga sarili at sa gayon ay dumarating sa pagkakilala sa Diyos, gayunman ay hindi ito ang landas sa nilalaman. Ang tono at higit na kalaliman ng mga salita ng Diyos ay nagpapakita ng malinaw na pagkakaiba sa pag-itan ng Diyos at tao. Sa kanilang mga damdamin, ginagawa nito ang mga tao na maniwala nang hindi namamalayan na ang Diyos ay hindi kayang maabot at hindi kayang malápítan; dinadala ng Diyos ang lahat sa lantad, at tila walang sinuman ang kayang magbalik ng kaugnayan sa pag-itan ng Diyos at tao sa kung paano ito dati. Hindi mahirap makita na ang layunin ng lahat ng mga pagbigkas ng Diyos ay upang gamitin ang mga salita upang pabagsakin ang lahat ng mga tao, sa pamamagitan niyon ay natutupad ang Kanyang gawain. Ito ay isang hakbang ng gawain ng Diyos. Gayunman ay hindi ito ang pinaniniwalaan ng mga tao sa kanilang mga isipan. Sila ay naniniwala na lumalapit na ang gawain ng Diyos sa kasukdulan nito, na lumalapit na ito sa pinaka-nababatid na epekto upang sa gayon ay malupig ang malaking pulang dragon, na ang ibig sabihin, ginagawa ang mga iglesia na sumusulong, at walang sinuman ang nagkakaroon ng mga pagkaintindi tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao, o kaya ang lahat ng mga tao na nakakakilala sa Diyos. Gayunman basahin natin kung ano ang sinasabi ng Diyos: “Sa isipan ng mga tao, ang Diyos ay Diyos, at hindi madaling pakisamahan, habang ang tao ay tao, at hindi dapat madaling maging salaula … at bilang resulta, palagi silang mababa at matiyaga sa harap Ko; hindi nila kayang maging tugma sa Akin, sapagka’t masyado silang maraming mga pagkaintindi.” Mula rito ay nakikita na, hindi alintana kung ano ang sinasabi ng Diyos o kung ano ang ginagawa ng tao, ang mga tao ay lubos na walang kakayahan sa pagkilala sa Diyos; dahil sa papel na ginagampanan ng kanilang kakanyahan, kung anuman, sila ay, sa pagtatapos ng maghapon, walang kakayahang kilalanin ang Diyos. Sa gayon, ang gawain ng Diyos ay magtatapos kapag nakita ng mga tao ang kanilang mga sarili bilang ang mga anak-na-lalaki ng impiyerno. Walang pangangailangan para sa Diyos na pawalan ang Kanyang poot sa mga tao, o usigin sila nang tuwiran, o sukdulang hatulan sila ng kamatayan upang tapusin ang Kanyang buong pamamahala. Sumasatsat lamang Siya ayon sa Kanyang kakanyahan, na parang ang pagtatapos ng Kanyang gawain ay nagkataon lamang, isang bagay na natupad sa Kanyang ekstrang panahon nang wala ni katiting na pagsisikap. Mula sa labas, tila mayroong kaunting pag-aapura sa gawain ng Diyos—gayunman hindi nakágáwâ ng anuman ang Diyos, wala Siyang ginagawa kundi magsalita. Ang gawain sa gitna ng mga iglesia ay hindi kasing-laki ng sa mga nakaraang panahon: ang Diyos ay hindi nagdaragdag ng mga tao, o nagpapaalis sa kanila, o inilalantad sila—ang ganoong gawain ay napaka-karaniwan. Tila ang Diyos ay walang iniisip na gawin ang ganoong gawain. Nagsasalita lamang Siya ng kaunti ng kung ano ang dapat, kung saan pagkatapos ay tumatalikod Siya at nawawala nang walang bakas—na, natural, ay ang tagpo ng pagtatapos ng Kanyang mga pagbigkas. At kapag dumarating ang sandaling ito, lahat ng mga tao ay gigising mula sa kanilang pagtulog. Ang sangkatauhan ay nakatulog sa loob ng libu-libong taon, siya ay mahimbing na mahimbing sa buong panahon. At sa loob ng maraming taon, ang mga tao ay nagmamadaling parito at paroon sa kanilang mga panaginip, at humihiyaw pa sila sa kanilang mga panaginip, hindi kayang magsalita tungkol sa kawalang-katarungan sa kaibuturan ng kanilang mga puso. Sa gayon, sila ay “nakakaramdam ng bahagyang kalungkutan sa kanilang mga puso”—nguni’t kapag sila ay nagising, matutuklasan nila ang tutoong mga katunayan, at mapapasigaw: “Ganito pala ang nangyayari!” Kaya sinasabi na “Ngayon, karamihan sa mga tao ay tulóg na tulóg pa rin. Saka lamang kapag tumutunog ang pangkahariang awitin sila nagmumulat ng kanilang inaantok na mga mata at nakakaramdam ng bahagyang kalungkutan sa kanilang mga puso.”

Abr 18, 2018

The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (1)


The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (1)

Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga patakarang nakatutok sa “Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han” ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China …
Rekomendasyon:Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Ang Pananalig sa Diyos ay Hindi Dapat Para Lamang sa Paghahanap ng Kapayapaan at mga Pagpapala.
Pananalig sa Diyos | Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kapareho sa Paniniwala sa Panginoon?

Dis 8, 2017

Nob 28, 2017

Nararapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos

katotohanan, Mahalin ang Diyos, maniwala sa Diyos, praktikal

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Nararapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos

    Ang karaniwang problema na umiiral sa lahat ng mga tao ay nauunawaan nila ang katotohanan ngunit hindi nila ito kayang isagawa. Ang isang dahilan ay hindi nais magdusa ng tao, at ang isa pa, ang pang-unawa ng tao ay masyadong hindi sapat; hindi niya makita ang maraming nakalipas na mga paghihirap na umiiral sa tunay na buhay at hindi alam kung paano ang wastong pagsasagawa. Sa dahilang ang tao ay may maliit na karanasan, mahinang kakayahan, at limitadong-unawa ng katotohanan, hindi niya malutas ang mga kahirapan na kanyang nararanasan sa buhay. Siya ay maaari lamang magbigay ng paglilingkod sa bibig sa kanyang pananampalataya sa Diyos, gayunpaman ay hindi kayang dalhin ang Diyos sa kanyang araw-araw na buhay. Sa madaling salita, ang Diyos ay Diyos, at ang buhay ay buhay, para bagang ang tao ay walang relasyon sa Diyos sa kanyang buhay. Iyan ang pinaniniwalaan ng lahat ng tao. Ang ganitong pamamaraan ng pananampalataya sa Diyos ay hindi magbibigay-daan sa tao na magkamit at maging perpekto sa pamamagitan Niya sa katotohanan. Sa katotohanan, ang ibig sabihin nito ay hindi ang hindi kumpleto ang salita ng Diyos, ngunit sa halip ang kakayahan ng tao upang tanggapin ang Kanyang salita ay hindi sapat. Maaari nating sabihin na halos lahat ng tao ay hindi ginagawa kung ano ang orihinal na atas ng Diyos. Sa halip, ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay alinsunod sa kanilang sariling intensyon, itinatag na mga palagay sa relihiyon, at mga kaugalian. Kaunti ang mga sumailalim sa isang pagbabago sa pagsunod sa pagtanggap ng salita ng Diyos at sinimulang kumilos alinsunod sa Kanyang kalooban. Sa halip, nanatili pa rin sila sa kanilang mga maling paniniwala. Kapag ang tao ay nagsimulang maniwala sa Diyos, siya ay gumagawa batay sa nakaugaliang patakaran ng relihiyon, at namumuhay at nakikipag-ugnayan sa iba nang ganap batay sa kanyang sariling pilosopiya sa buhay. Iyan ang kaso ng siyam sa bawat sampung tao. Kakaunti ang mga nagpapanukala ng isa pang plano at panibagong simula pagkatapos umpisahang maniwala sa Diyos. Walang nagtatangi o magawang isagawa ang salita ng Diyos bilang katotohanan.