Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-apat at Ikadalawampu’t-limang Pagbigkas
Kung walang matamang pagbasa, imposibleng makaalam ng anuman sa mga pagbigkas nitong dalawang araw; sa katunayan, ang mga iyon ay dapat na nabigkas sa isang araw, datapwa’t hinati ng Diyos sa dalawang araw. Ibig sabihin niyan, ang mga pagbigkas nitong dalawang araw ay bahagi ng isang buo, nguni’t upang gawing madali para sa mga tao na tanggapin ang mga iyon, hinati ng Diyos ang mga iyon sa dalawang araw upang bigyan ang mga tao ng pagkakataong makahinga. Ganyan ang pagsasaalang-alang ng Diyos para sa tao. Sa lahat ng gawain ng Diyos, lahat ng mga tao ay gumaganap ng kanilang gampanin at kanilang tungkulin sa kanilang sariling lugar. Hindi lamang ang mga taong may espiritu ng isang anghel ang nakikipagtulungan; yaong may espiritu ng demonyo ay “nakikipagtulungan” din, gayundin ang lahat ng mga espiritu ni Satanas. Sa mga pagbigkas ng Diyos ay nakikita ang kalooban ng Diyos at Kanyang mga kinakailangan sa tao. Ang mga salitang “Dumarating ang Aking pagkastigo sa lahat ng mga tao, gayon pa man ay nananatili rin itong malayo mula sa lahat ng mga tao. Bawa’t buhay ng bawat tao ay puno ng pag-ibig at pagkamuhi sa Akin” ay nagpapakita na gumagamit ang Diyos ng pagkastigo upang bantaan ang lahat ng mga tao, nagsasanhi sa kanila na makatamo ng pagkakilala sa Kanya. Dahil sa pagtitiwali ni Satanas at kahinaan ng mga anghel, ang Diyos ay gumagamit lamang ng mga salita, at hindi mga utos sa pangangasiwa, upang kastiguhin ang mga tao. Simula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, ito ang naging panuntunan ng gawain ng Diyos patungkol sa mga anghel at lahat ng mga tao. Dahil ang mga anghel ay sa Diyos, isang araw sila ay tiyak na magiging mga tao ng kaharian ng Diyos, at kakalingain at iingatan ng Diyos. Lahat ng mga iba, samantala, ay pagsasama-samahin din ayon sa uri, lahat ng sari-saring masasamang mga espiritu ni Satanas ay kakastiguhin, at lahat ng mga walang espiritu ay pamumunuan ng mga anak-na-lalaki at bayan ng Diyos. Ganyan ang plano ng Diyos. Kaya, minsang sinabi ng Diyos “Ang pagdating ba ng Aking araw ay talaga nga bang sandali ng kamatayan ng tao? Maaari Ko nga bang sirain ang tao sa panahon ng pagkabuo ng Aking kaharian?” Bagaman ang mga ito ay dalawang payak na mga katanungan, ang mga iyon ay mga pagsasaayos ng Diyos para sa hantungan ng buong sangkatauhan. Kapag dumarating ang Diyos ay ang panahon kung kailan ang “mga tao sa buong sansinukob ay ipinako sa krus nang patiwarik.” Ito ang layunin kaya ang Diyos ay nagpapakita sa lahat ng mga tao, gumagamit ng pagkastigo upang ipaalam sa kanila ang pag-iral ng Diyos. Dahil ang panahon na ang Diyos ay bumababa sa lupa ay ang huling kapanahunan, at ang panahon kung kailan ang mga bansa sa lupa ay nasa kanilang pinakamaligalig, kaya sinasabi ng Diyos “Sa Aking pagdating sa mundo, ito ay nakukubli ng kadiliman at ang sangkatauhan ay ‘mahimbing na natutulog.’” Sa gayon, ngayong araw mayroon lamang sandakot na mga taong may kakayahang makilala ang Diyos na nagkatawang-tao, halos wala. Dahil ngayon ang huling kapanahunan, walang sinuman ang kahit kailan ay nakakilala sa praktikal na Diyos, at ang mga tao ay mayroon lamang mababaw na pagkakilala sa Diyos. At dahil dito kaya ang mga tao ay namumuhay sa gitna ng masakit na pagpipino. Kapag lumalabas ang mga tao sa pagpipino ay kung kailan din sila ay nagsisimulang makastigo, ito ang panahon kung kailan nagpapakita ang Diyos sa lahat ng mga tao upang maari nilang personal na mamasdan Siya. Dahil sa Diyos na nagkatawang-tao, ang mga tao ay nahuhulog sa sakuna, at hindi nakakayang alisin ang kanilang mga sarili—na siyang kaparusahan ng Diyos sa malaking pulang dragon, at Kanyang utos sa pangangasiwa. Kapag ang init ng tagsibol ay dumarating at ang mga bulaklak ay namumukadkad, kapag ang lahat sa silong ng mga kalangitan ay pawang luntian at lahat ng mga bagay sa lupa ay nasa lugar, lahat ng mga tao at mga bagay ay unti-unting papasok tungo sa pagkastigo ng Diyos, at sa panahong iyan lahat ng gawain ng Diyos sa lupa ay matatapos. Ang Diyos ay hindi na gagawa o mamumuhay sa lupa, sapagka’t ang dakilang gawain ng Diyos ay natupad na. Ang mga tao ba ay walang kakayahang isantabi ang kanilang laman sa maikling panahong ito? Anong mga bagay ang makakapaghati sa pag-ibig sa pag-itan ng tao at Diyos? Sino ang makakayang paghiwalayin ang pag-ibig sa pag-itan ng tao at Diyos? Ang mga magulang ba, mga asawang-lalaki, mga kapatid-na-babae, mga asawang-babae, o masakit na pagpipino? Mapapawi ba ng mga damdamin ng konsensya ang larawan ng Diyos sa loob ng tao? Ang pagkakautang ba at mga pagkilos ng mga tao tungo sa isa’t isa ay kanilang kagagawan? Ang mga iyon ba ay malulunasan ng tao? Sino ang makakayang ingatan ang kanilang mga sarili? Makakaya ba ng mga taong magkaloob para sa kanilang mga sarili? Sino ang mga malalakas sa buhay? Sino ang makakayang iwanan Ako at mamuhay sa kanilang sarili? Paulit-ulit nang paulit-ulit, bakit hinihingi ng Diyos na ang lahat ng mga tao ay magsagawa ng pagsusuri-sa-sarili? Bakit sinasabi ng Diyos, “kaninong paghihirap ang isinaayos sa pamamagitan ng kanilang mga sariling kamay?”
Sa kasalukuyan, madilim ang gabi sa buong sansinukob, at ang mga tao ay manhid at mahina-ang-pag-iisip, nguni’t ang mga kamay ng orasan ay palaging tumitiktik pasulong, ang mga minuto at mga segundo ay hindi humihinto, at ang mga pag-ikot ng mundo, araw, at buwan ay bumibilis. Sa kanilang mga damdamin, ang mga tao ay naniniwala na ang araw ay hindi na malayo, na parang ang kanilang huling araw ay nasa harapan ng kanilang mga mata. Walang-tigil ang mga tao sa paghahanda ng bawa’t bagay para sa kanilang sariling oras ng kamatayan, upang ito ay magsilbi ng layunin sa kanilang kamatayan; kung hindi, sila sana ay namuhay na walang-saysay, at hindi ba’t iyan ay nakapanghihinayang? Kapag nililipol ng Diyos ang mundo, nagsisimula Siya sa mga pagbabago sa mga panloob na kaganapan sa mga bansa, mula kung saan ay nagaganap ang mga kudeta; kaya, pinakikilos ng Diyos ang paglilingkod ng mga tao sa buong sansinukob. Ang lupain kung saan ang malaking pulang dragon ay nakapulupot ay isang dako ng demonstrasyon. Dahil, sa panloob, ito ay nagkawatak-watak na, ang mga ugnayang panloob nito ay nagkagulo na, bawa’t isa ay nagsasagawa ng pagtatanggol-sa-sarili, naghahandang tumakas patungo sa buwan—nguni’t paano nila matatakasan ang dominyon ng kamay ng Diyos? Gaya ng sinabi ng Diyos na ang mga tao ay “iinom mula sa kanilang sariling mapait na karanasan.” Ang oras ng alitang panloob ay eksaktong kapag lumilisan ang Diyos sa lupa; ang Diyos ay hindi magpapatuloy sa pananatili sa bansa ng malaking pulang dragon, at agad na tatapusin ang Kanyang gawain sa lupa. Maaaring masabi na ang panahon ay nagmamadali, at wala nang gasinong natitira. Mula sa himig ng mga salita ng Diyos ay nakikita na nagsalita na ang Diyos tungkol sa hantungan ng lahat sa buong sansinukob, na wala na Siyang iba pang sasabihin para sa natitira. Ito ang siyang ipinahahayag ng Diyos sa tao. Dahil sa layunin ng Diyos sa paglikha sa tao kaya sinasabi Niya “Sa Aking mga mata, ang tao ay ang namumuno sa lahat ng bagay. Hindi Ko siya binigyan ng maliit na awtoridad, na nagpapahintulot sa kanya upang pamahalaan ang lahat ng mga bagay sa lupa—damo sa mga bundok, ang mga hayop sa gitna ng mga gubat, at ang mga isda sa tubig.” Nang nilikha ng Diyos ang tao, itinalaga Niya na ang tao ang maging panginoon ng lahat ng mga bagay—datapwa’t ang tao ay tiniwali ni Satanas, kaya’t hindi siya makapamuhay gaya ng nais niya. Ito ay humantong sa mundo ng kasalukuyan, kung saan ang mga tao ay walang pagkakaiba sa mga ganid, at ang mga kabundukan ay nakahalo sa mga ilog, na ang kinalabasan ay “Ang kanyang buong buhay ay isang dalamhati, at nagmamadali, at ang saya ay idinagdag sa kahungkagan.” Dahil walang kahulugan sa buhay ng tao, at dahil hindi ito ang layunin ng Diyos sa paglikha sa tao, ang buong mundo ay naging malabnog. Kapag inilagay ng Diyos ang buong sansinukob sa kaayusan, lahat ng mga tao ay opisyal na magsisimulang makaranas ng pantaong buhay, at doon lamang magsisimulang magkaroon ng kahulugan ang kanilang mga buhay. Ang mga tao ay magsisimulang gumamit ng awtoridad na ibinigay sa kanila ng Diyos, at sila ay opisyal na lilitaw sa harap ng lahat ng mga bagay bilang kanilang panginoon, at tatanggapin nila ang paggabay ng Diyos sa lupa, at hindi na susuway sa Diyos kundi tatalima sa Diyos. Ang mga tao ng kasalukuyan, pasubali, ay malayung-malayo pa riyan. Kahit kailan ang lahat ng kanilang ginagawa ay “magsiksik sa kanilang mga bulsa” sa pamamagitan ng Diyos, kaya’t nagtatanong ang Diyos ng sunud-sunod na nga katanungan gaya ng “Ang Aking mga gawa ba ay walang pakinabang sa kanya?” Kung hindi itinanong ng Diyos ang mga katanungang ito, walang mangyayari; nguni’t kapag itinatanong Niya ang gayong mga bagay, ang ilang mga tao ay hindi makayang tumayo nang matatag, sapagka’t may pagkakautang sa kanilang mga konsensya, at sila ay hindi lubos na para sa Diyos, kundi para sa kanilang mga sarili. Ang lahat ng mga bagay ay walang-laman; kaya, ang mga taong ito at “Ang mga tao ng bawat sekta, globo ng lipunan, bansa, at denominasyon lahat alam ang kahungkagan sa lupa, at lahat sila ay naghahanap sa Akin at hinihintay ang Aking pagbabalik.” Lahat ng mga tao ay naghahangad sa pagbabalik ng Diyos upang maari Niyang tapusin ang walang-lamang matandang kapanahunan, datapwa’t natatakot din silang mahulog tungo sa sakuna. Ang buong mundong relihiyoso ay agad na maiiwang nakatiwangwang, at pinabayaan ng lahat; kulang sila sa katunayan, at kanilang matatanto na ang kanilang paniniwala sa Diyos ay malabo at abstrak. Ang mga tao ng bawa’t mundo ng lipunan ay mangangalat din, at bawa’t sambayanan at denominasyon ay magsisimulang mahulog sa kaguluhan. Sa kabuuan, ang kapanayan ng lahat ng mga bagay ay magkakawatak-watak, at ang lahat ay mawawalan ng pagiging-normal nito, kaya’t, gayundin, ibubunyag ng mga tao ang kanilang tunay na mga mukha. Kaya sinasabi ng Diyos, “Maraming beses nang Ako ay umiyak sa tao, gayon pa man mayroon ba na nakadama ng pagkahabag? Mayroon bang sinuman na nabuhay sa sangkatauhan? Ang tao ay maaaring mabuhay sa katawang-tao, ngunit siya ay walang pagkatao. Siya ba ay ipinanganak sa kaharian ng hayop?” Ang pagbabago ay nagaganap din sa gitna ng tao, at dahil sa pagbabagong ito ang bawa’t isa ay pinagsasama-sama ayon sa uri. Ito ang gawain ng Diyos sa panahon ng mga huling araw, at ang epektong siyang makakamit ng gawain ng mga huling araw. Mas malinaw na sinasalita ng Diyos ang tungkol sa kakanyahan ng tao, kaya napapatunayan na ang katapusan ng Kanyang gawain ay malapit nang dumating, at higit pa ang Diyos ay lalo pang nakatago mula sa mga tao, kung saan sila ay mas nababagabag. Mas kaunti ang pagsunod ng mga tao sa kalooban ng Diyos, mas kaunti ang pansing kanilang ibinibigay sa gawain ng Diyos ng mga huling araw; ito ay pumipigil sa kanila sa panghihimasok, kaya’t ginagawa ng Diyos ang gawaing hinahangad Niyang gawin nang walang sinumang pumapansin. Ito ang isang panuntunan ng gawain ng Diyos sa buong mga kapanahunan. Mas kakaunti ang pagsasaalang-alang Niya sa mga kahinaan ng mga tao, sa gayon ay ipinakikita na ang pagkaDiyos ng Diyos ay higit na nakikita, kaya’t ang araw ng Diyos ay nalalapit na.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Ang pinagmulan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Pananalig sa Diyos | Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kapareho sa Paniniwala sa Panginoon?