Interpretasyon ng Ikadalawampu’t siyam na Pagbigkas
Sa gawain na ginawa ng mga tao, ang ilan sa mga ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng direktang pagtuturo mula sa Diyos, nguni’t para sa ilang bahagi nito ay hindi nagbibigay ang Diyos ng mga hayag na tagubilin, sapat na nagpapakita na ang ginagawa ng Diyos ay, ngayon, hindi pa lubos na naibunyag—na ang ibig sabihin, marami ang nananatiling nakatago at hindi pa naging pampubliko. Subali’t may ilang mga bagay na kailangang maging pampubliko, at may ilan na kailangang iwan ang mga tao na naguguluhan at nalilito; ito ang kung ano ang kinakailangan ng gawain ng Diyos. Halimbawa, ang pagdating ng Diyos mula sa langit sa gitna ng tao: kung paano Siya dumating, sa anong segundo Siya dumating, o kung ang mga kalangitan at lupa at ang lahat ng bagay ay sumailalim sa pagbabago o hindi—ang mga bagay na ito ay kinakailangan para ang mga tao ay malito. Ito ay batay din sa mga aktwal na kalagayan, dahil ang pantaong laman mismo ay hindi kayang direktang pumasok sa espirituwal na kinasasaklawan. Samakatuwid, kahit na kung ang Diyos ay malinaw na nagsasaad kung paano Siya pumarito mula sa langit tungo sa lupa, o kapag sinasabi Niya, “Noong araw na ang lahat ng bagay ay muling nabuhay, Ako ay tumungo sa tao, at nagpalipas Ako ng mga magagandang araw at gabi kasama siya,” ang mga salitang iyon ay tulad ng isang tao na nakikipag-usap sa isang katawan ng puno—walang kahit katiting na reaksiyon, dahil ang mga tao ay walang kaalaman sa mga hakbang ng gawain ng Diyos. Kahit pa tunay nilang batid, naniniwala sila na ang Diyos ay lumipad pababa sa lupa mula sa langit tulad ng isang ada at muling ipinanganak sa gitna ng tao. Ito ang nakamit ng mga kaisipan ng tao. Ito ay dahil ang esensiya ng tao ay hindi niya kayang maintindihan ang diwa ng Diyos, at hindi kayang maintindihan ang realidad ng espirituwal na kinasasaklawan. Sa pamamagitan tangi ng kanilang esensiya, ang mga tao ay walang kakayahan na kumilos bilang isang huwaran para sa iba, dahil ang mga tao ay likas na magkakapareho, at hindi magkakaiba. Kaya, ang paghiling na ang mga tao ay magpakita ng isang halimbawa para sundan ng iba o magsilbi bilang isang huwaran ay nagiging isang bula, ito ay nagiging singaw na umaangat mula sa tubig. Samantalang kapag sinasabi ng Diyos, “nakikita niya ang ilan sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako” ang mga salitang ito ay nagpapatungkol lamang sa paghahayag ng gawain na ginagawa ng Diyos sa katawang-tao; sa ibang salita, ang mga ito ay nakadirekta sa totoong mukha ng Diyos—pagkaDiyos, na pangunahing tumutukoy sa Kanyang pagkaDiyos na disposisyon. Na ang ibig sabihin, ang mga tao ay hinihilingan na maunawaan ang mga bagay tulad ng kung bakit ang Diyos ay gumagawa sa ganitong paraan, kung anong mga bagay ang maisasakatuparan ng mga salita ng Diyos, kung ano ang nais ng Diyos na matamo sa lupa, kung ano ang nais Niya na makamit sa gitna ng tao, ang mga pamamaraan ng pagsasalita ng Diyos, at kung ano ang saloobin ng Diyos patungkol sa tao. Maaaring sabihin na walang karapat-dapat-maipagmalaki sa tao, ibig sabihin, wala sa kanya na maaaring magpakita ng isang halimbawa para sundan ng iba.
Ito mismo ay dahil sa pagiging normal ng Diyos sa katawang-tao, dahil sa pagkakaiba ng Diyos sa langit at ng Diyos sa katawang-tao, na tila hindi ipinanganak ng Diyos sa langit, na sinabi ng Diyos, “Maraming taon nang Ako ay nagdaan sa tao, ngunit lagi siyang nananatiling walang kamalayan, at hindi Ako kailanman nakilala.” Sinasabi rin ng Diyos, “Noong ang Aking mga yapak ay papunta tungo sa mga dulo ng sansinukob, ang tao ay magsisimulang magnilay sa kanyang sarili, at ang lahat ng tao ay pupunta sa Akin at yuyuko sa Aking harapan at Ako ay sasambahin. Ito ang magiging araw ng Aking kaluwalhatian, ang Aking pagbabalik, at gayundin ang araw ng Aking pag-alis.” Tanging ito ang araw kung kailan ang tunay na mukha ng Diyos ay ipinakikita sa tao. Gayunpaman, hindi inaantala ng Diyos ang Kanyang gawain bilang resulta, at ginagawa lamang Niya ang gawaing dapat gawin. Kapag Siya’y humahatol, Siya’y humuhusga ayon sa saloobin ng mga tao sa Diyos sa katawang-tao. Ito ay isa sa mga pangunahing paksa ng mga pagbigkas ng Diyos sa panahong ito. Halimbawa, sinasabi ng Diyos, “Ako ay … pormal nang nagsimula, sa buong sansinukob, sa katapusan ng Aking plano sa pamamahala. Magmula sa sandaling ito at sa hinaharap, ang sinuman na hindi maingat ay may pananagutang sumailalim sa walang-awang pagkastigo sa kahit na anong sandali.” Ito ang nilalaman ng plano ng Diyos, at ito ay hindi kakatwa o kakaiba, nguni’t ang lahat ng hakbang ng gawain. Samantala, ang mga tao at mga anak ng Diyos sa ibang bansa, ay hinahatulan ng Diyos ayon sa lahat ng ginagawa nila sa mga iglesia, at ganito ang sinasabi ng Diyos, “Habang Ako ay gumagawa, ang lahat ng anghel ay papasok sa isang ‘tiyak na digmaan’kasama Ako at lulutasin ito para isakatuparan ang Aking mga hiling sa huling yugto, nang sa gayon ang mga tao sa daigdig ay susuko sa Aking harapan gaya ng mga anghel, at walang pagnanais na Ako ay tutulan, at walang ibang gagawin na paghihimagsik laban sa Akin. Ang mga ito ay mga pagbabago sa Aking gawa sa buong sansinukob.” Ito ang pagkakaiba sa gawain na ginagawa ng Diyos sa buong lupa; gumagamit Siya ng iba’t ibang mga hakbang ayon sa kung kanino ang mga iyon nakatuon. Sa ngayon, ang mga tao ng mga iglesia ay lahat may nananabik na puso, at sila’y nagsimulang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos—na sapat upang ipakita na ang gawain ng Diyos ay papalapit na sa wakas nito. Ang pagtingin sa ibaba mula sa kalangitan ay tulad sa muling pagtingin sa mga mapanglaw na tanawin ng mga tuyot na sanga at mga laglag na dahon, ng namuong putik na dala ng hangin ng taglagas, nararamdaman na parang ang isang apocalipsis ay malapit nang mangyari sa gitna ng tao, na tila ang lahat ay mapapalitan ng kapanglawan. Marahil ito ay dahil sa pagiging sensitibo ng Espiritu, palaging may pakiramdam ng kalungkutan sa puso, na may isang sandali ng payapang kaaliwan, gayunpaman ito ay may halong kaunting kalungkutan. Ito ay maaaring ang paglalarawan ng mga salita ng Diyos na “ang tao ay nagigising, ang lahat ng nasa daigdig ay magiging maayos, at ang mga araw ng ‘pagkaligtas’ ng mundo ay wala na, dahil Ako ay dumating na!” Ang mga tao ay maaaring maging medyo negatibo pagkatapos marinig ang mga salitang ito, o maaaring sila ay bahagyang bigo sa gawain ng Diyos, o maaari silang labis na magtuon ng pansin sa damdamin sa kanilang espiritu. Nguni’t bago ang pagtapos ng Kanyang gawain sa lupa, ang Diyos ay hindi maaaring maging napakahangal upang bigyan ang mga tao ng ganoong ilusyon. Kung tunay na may ganito kang mga damdamin, ipinakikita nito na nagbibigay ka ng sobrang pansin sa iyong mga damdamin, na ikaw ay isang taong gumagawa ayon sa kanilang gusto, at hindi umiibig sa Diyos; ipinakikita nito na ang mga taong iyon ay nakatuon sa lampas-sa-natural nang labis, at hindi nakikinig sa Diyos kahit kailan. Dahil sa kamay ng Diyos, gaano man ang pagsisikap ng mga tao na umalis, hindi nila kaya ang pagtakas sa pangyayari. Sino ang makatatakas sa kamay ng Diyos? Kailan na ang iyong kalagayan at mga pangyayari ay hindi naisaayos ng Diyos? Kung ikaw man ay nagdurusa o pinagpala, papaano ka palihim na lalayo sa kamay ng Diyos? Hindi ito isang pantaong bagay, ito ay lubusang kailangan ng Diyos—sino ang hindi susunod dahil dito?
“Gagamitin ko ang pagkastigo upang ipakalat ang Aking gawa sa mga Gentil, nangangahulugang, gagamit Ako ng “puwersa” laban sa mga Gentil. Natural lamang na ang gawang ito ay mangyari sa parehong oras ng Aking gawa para sa mga napili.” Sa pagbigkas ng mga salitang ito, ang Diyos ay sumusuong sa gawaing ito sa buong sansinukob, at ito ay isang hakbang ng gawain ng Diyos, na nakasulong na sa puntong ito; walang sinuman ang makapagpapanumbalik ng mga bagay-bagay. Malulutas ng sakuna ang isang bahagi ng sangkatauhan, na nagsasanhi sa kanila na mapahamak kasama ng mundo. Kapag ang sansinukob ay opisyal na kinastigo, ang Diyos ay opisyal na magpapakita sa lahat ng mga tao. At dahil sa Kanyang pagpapakita, ang mga tao ay kinakastigo. Higit pa, sinabi rin ng Diyos, “Noong pormal kong ipinahayag ang balita ang siya ring panahon na ang mga tao sa buong sansinukob ay naparusahan, noong ang mga tao sa buong mundo ay sasailalim sa pagsubok,” Mula rito ay malinaw na nakikita na ang nilalaman ng pitong pantatak ay ang nilalaman ng pagkastigo, ibig sabihin, may matinding kapahamakan sa pitong pantatak. Kaya, ngayon, ang pitong pantatak ay hindi pa bubuksan; ang “mga pagsubok” na tinutukoy dito ay ang pagkastigo na pinagdurusahan ng tao, at sa gitna ng pagkastigong ito ay makakamit ang isang grupo ng mga tao na opisyal na tumatanggap ng “sertipiko” na ibinigay ng Diyos, at sa gayon sila ay magiging mga tao sa kaharian ng Diyos. Ito ang mga pinanggalingan ng mga anak at mga tao ng Diyos, at ngayon ay hindi pa napagpasyahan, at naglalatag lamang ng pundasyon para sa mga karanasan sa hinaharap. Kung ang isang tao ay may tunay na buhay, makatatayo sila nang matatag sa panahon ng mga pagsubok, at kung wala sa kanila ang buhay, ito ay sapat na nagpapatunay na ang gawain ng Diyos ay walang epekto sa kanila, na sila ay nangingisda sa maligalig na karagatan, at hindi nakatutok sa mga salita ng Diyos. Sapagka’t ito ang gawain ng mga huling araw, na kung saan ay magdadala sa panahong ito sa katapusan sa halip na ipagpatuloy ang gawain, kaya ganito ang sinasabi ng Diyos, “Sa madaling sabi, ito ang buhay na hindi kailanman naranasan ng tao mula sa panahon ng paglikha hanggang sa kasalukuyan, at walang sinuman sa lahat ng mga kapanahunan ang ‘nasiyahan’ sa ganitong uri ng buhay, at dahil dito, winiwika Ko na kikilos Ako nang hindi pa nagagawa noon,” at sinasabi rin Niya, “Dahil ang Aking araw ay papalapit na sa buong sangkatauhan, dahil hindi ito nagmumukhang malayo, ngunit ito ay tama lamang sa harap ng mata ng tao,” Sa mga nakalipas na panahon, personal na nilipol ng Diyos ang ilang mga lungsod, gayunpaman, wala sa kanila ang winasak sa parehong paraan tulad ng sa huling panahon. Bagaman, sa nakaraan, ginunaw ng Diyos ang Sodoma, ang Sodoma ng ngayon ay hindi dapat ituring na tulad sa mga nakaraan—hindi ito dapat gunawin nang direkta, kundi dapat lupigin muna at pagkatapos ay hatulan, at, sa kahuli-hulihan, ay isasailalim sa walang-hanggang kaparusahan. Ito ang mga hakbang ng gawain, at sa katapusan, ang Sodoma ng ngayon ay lilipulin sa parehong pagkakasunod-sunod ng nakaraang pagwasak ng mundo—na siyang plano ng Diyos. Ang araw kung kailan nagpapakita ang Diyos ay ang araw ng opisyal na paghusga rito, at hindi pagliligtas nito sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita. Kaya, sinasabi ng Diyos, “Nagpapakita Ako sa mga banal na bansa, at itinatago ang Aking sarili mula sa madudungis na lupain.” Sapagka’t ang Sodoma ng ngayon ay hindi dalisay, ang Diyos ay hindi tunay na nagpapakita rito, nguni’t ginagamit ang pamamaraang ito upang kastiguhin ito—hindi mo ba nakita ito nang malinaw? Maaaring sabihin na walang sinuman sa lupa ang kayang makita ang tunay na mukha ng Diyos. Ang Diyos ay hindi kailanman nagpakita sa tao, at walang nakakaalam kung saang baytang ng langit naroon ang Diyos. Ito ang nagpahintulot sa mga tao sa ngayon na maging nasa kalagayang ito. Kung mamamasdan nila ang mukha ng Diyos, iyon ay tiyak na ang oras kung kailan ang kanilang katapusan ay ibinubunyag, ang oras kung kailan ang bawa’t isa ay pinapangkat ayon sa uri. Ngayon, ang mga salita sa pagkaDiyos ay direktang ipinamalas sa mga tao, na nanghuhula na ang mga huling araw ng sangkatauhan ay dumating na, at hindi na magtatagal nang mas malaon. Ito ay isa sa mga palatandaan ng pagsasailalim ng mga tao sa mga pagsubok sa panahong magpapakita ang Diyos sa lahat ng tao. Kaya, bagama’t ang mga tao ay nasisiyahan sa mga salita ng Diyos, palagi silang may nagbabadyang damdamin, na parang ang isang matinding kapahamakan ay malapit nang sumapit sa kanila. Ang mga tao sa ngayon ay tulad ng mga maya sa mga nagyelong lupain, kung kanino ito ay tila ang kamatayan ay namimilit sa paniningil ng utang at iniiwan silang walang paraan upang manatiling mabuhay. Dahil sa utang na kamatayan na inutang ng tao, nararamdaman ng lahat ng mga tao na ang kanilang mga huling araw ay dumating na. Ito ang nangyayari sa mga puso ng mga tao sa buong sansinukob, at bagaman hindi ito ibinubunyag ng kanilang mga mukha, kung ano ang nasa kanilang mga puso ay walang kakayahan na magtago mula sa Aking mga mata—ito ang realidad ng tao. Marahil, marami sa mga salita ang medyo hindi mainam ang pagkapili—nguni’t ito ang mga talagang salitang sapat upang ipamalas ang problema. Ang bawa’t isa sa mga salitang binabanggit mula sa bibig ng Diyos ay matutupad, maging sila man ay sa nakaraan o sa kasalukuyan; gagawin ng mga ito na lumitaw ang mga katunayan sa harap ng mga tao, isang kapistahan para sa kanilang mga mata, kung saan ang oras na sila’y napahanga at nalito. Hindi mo pa rin ba nakikitang malinaw kung anong kapanahunan ito ngayon?
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan:Interpretasyon ng Ikadalawampu’t siyam na Pagbigkas
Rekomendasyon:Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal