菜單

May 9, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Pakahulugan sa Ikaapatnapu’t-dalawang Pagbigkas

Pakahulugan sa Ikaapatnapu’t-dalawang Pagbigkas


    Hindi Ko alam kung ang mga tao ay may nakitang anumang pagbabago sa pagbigkas ngayon. May mga tao na maaring may nakitang kaunti, nguni’t tiyak na hindi sila nangangahas na sabihin. Marahil ang iba ay walang anumang nahalata. Bakit mayroong gayong napakalaking pagkakaiba sa pag-itan ng ikalabindalawa at ng ikalabinlimang araw ng buwan? Napagbulay-bulayan mo na ba ito? Ano ang iyong pananaw? May natarok ka bang anuman mula sa lahat ng mga pagbigkas ng Diyos? Ano ang pangunahing gawaing ginawa sa pag-itan ng ikalawa ng Abril at ikalabinlima ng Mayo? Bakit, ngayon, ang mga tao ba ay walang napansin, kasing-tuliro na para bang sila ay napalo ng batuta sa ulo? Ngayon, bakit walang mga tudling na pinamagatang “Iskandalo ng Mga Tao ng Kaharian”? Sa ikalawa at ikaapat ng Abril, hindi tinukoy ng Diyos ang katayuan ng tao; gayundin, sa maraming mga araw pagkatapos ngayon hindi Niya tinukoy ang katayuan ng mga tao—bakit ganito? Tiyak na mayroong palaisipan dito—bakit may 180 digri na pagbaling? Pag-usapan muna natin nang kaunti ang tungkol sa kung bakit nagsalita nang gayon ang Diyos. Tingnan natin ang mga unang salita ng Diyos, kung saan hindi Siya nagsayang ng panahon sa pagsasabing “Sa sandaling ang bagong gawain ay nagsisimula.” Ang pangungusap ay nagbibigay sa iyo ng unang pahiwatig na ang gawain ng Diyos at nakápások sa isang bagong pasimula, na Siya minsan pa ay nagsimula ng bagong gawain. Ipinakikita nito na ang pagkastigo ay nalalapit na sa pagtatapos; maaaring masabi na ang rurok ng pagkastigo ay napasok na, kaya’t ang mga tao ay dapat na samantalahin ang kanilang panahon upang tapusin ang gawain ng kapanahunang ito ng pagkastigo, upang maiwasang mapag-iwanan, o mawalan ng kanilang panimbang. Ito ay gawang lahat ng tao, at ito ay nangangailangan na gawin ng tao ang kanyang buong makakaya upang makipagtulungan, at kapag ang pagkastigo ay pinayaon na nang ganap, nagsisimula ang Diyos na sumuong sa susunod na bahagi ng Kanyang gawain, sapagka’t sinasabi ng Diyos, “…nagpatuloy Ako na isinasakatuparan ang Aking gawain sa gitna ng tao …. Sa sandaling ito, ang Aking puso ay puno ng matinding kagalakan, sapagka’t Ako ay nakatamo ng isang bahagi ng mga tao, kaya’t ang Aking “negosyo” ay hindi na bagsak, hindi na ito walang-lamang mga salita.” Sa nakaraang mga panahon, nakita ng mga tao ang nagdidiing kalooban ng Diyos sa Kanyang mga salita—walang kasinungalingan dito—at ngayon ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain nang higit na mabilis. Sa tao, tila hindi ito lubusang naaayon sa mga kinakailangan ng Diyos—nguni’t sa Diyos, ang Kanyang gawain ay natapos na. Dahil ang mga iniisip ng mga tao ay masyadong napakakomplikado, ang kanilang pananaw sa mga bagay-bagay ay malimit na sobrang masalimuot. Dahil ang mga tao ay masyadong nagmamadali kapag humihingi sa mga tao, nguni’t ang Diyos ay hindi humihingi ng malaki sa tao, ipinakikita nito kung gaano kalaki ang di-pagkakatugma sa pag-itan ng Diyos at tao. Ang mga pagkaintindi ng mga tao ay nalalantad sa lahat ng ginagawa ng Diyos. Hindi sa ang Diyos ay humihingi ng malalaki sa mga tao at ang mga tao ay hindi kayang abutin ang mga iyon, kundi ang mga tao ay humihingi ng malalaki sa Diyos at ang Diyos ay hindi kayang kamtin ang mga iyon. Dahil, kasunod ng panggagamot may umiiral na karugtong na sakit ang sangkatauhan, na nagáwáng tiwali ni Satanas sa loob ng libu-libong taon, ang mga tao ay laging humihingi ng gayong “mataas” na mga hinihingi sa Diyos, at hindi mapagparaya kahit katiting, malalim ang takot na ang Diyos ay hindi nasisiyahan. Sa gayon, sa maraming mga bagay, kapag ang mga tao ay hindi kwalipikado sa atas, sila ay nagtitiis ng pagkastigo sa sarili, at pinapasan ang mga bunga ng kanilang sariling mga pagkilos, at ito ay lubhang pagdurusa. Sa mga paghihirap na tinitiis ng mga tao, mahigit sa 99 na porsyento ang kinamumuhian ng Diyos. Sa tahasang salita, walang sinumang tunay na nagdusa para sa Diyos. Pinapasan nilang lahat ang mga bunga ng kanilang sariling pagkilos—at ang hakbang na ito ng pagkastigo, sabihin pa, ay hindi eksepsyon, ito ay mapait na inuming pinakuluan ng tao, na iniaangat niya upang inumin niya mismo. Dahil hindi naíbúnyág ng Diyos ang orihinal na layunin ng Kanyang pagkastigo, kahit na may isang bahagi ng mga tao na isinumpa, hindi nito kinakatawan ang pagkastigo. Isang bahagi ng mga tao ang pinagpala, nguni’t hindi ito nangangahulugan na sila ay pagpapalain sa hinaharap. Sa mga tao, tila ang Diyos ay isang Diyos na hindi tumutupad sa Kanyang sinasabi. Huwag mag-alala. Maaring ito ay medyo labis, nguni’t huwag maging negatibo; ang Aking sinasabi ay may kaunting kaugnayan sa pagdurusa ng tao, gayunman palagay Ko ay dapat kang magtatag ng mabuting kaugnayan sa Diyos. Dapat kang magbigay sa Kanya ng higit na maraming “mga kaloob,” na tiyak na magpapasaya sa Kanya. Ako ay nagtitiwalang minamahal ng Diyos ang mga nagbibigay sa Kanya ng “mga kaloob.” Anong iyong masasabi, ang mga salitang ito ba ay tama?

    Sa ngayon, gaano sa inyong mga inaasam ang naisantabi ninyo? Ang gawain ng Diyos ay matatapos sa lalong madaling panahon—kaya maaring naisantabi na ninyo humigit kumulang ang lahat ng inyong mga inaasam, tama ba? Mabuti pang siyasatin ninyo ang inyong mga sarili: Laging gusto ninyong tumayo nang mataas, bumubusina kayo at ipinaparada ang inyong mga sarili—ano ito? Ngayon, hindi Ko pa rin alam kung ano ang mga inaasam ng mga tao. Kung ang mga tao ay tunay na namumuhay na napapalibutan ng dagat ng pagdurusa, kapag sila ay namumuhay sa gitna ng pagpipino ng kahirapan, o kaya ay sa ilalim ng banta ng sari-saring kasangkapan ng pagpapahirap, o namumuhay sa panahon ng pagtatakwil ng lahat ng mga tao at tumitingala sa kalangitan at bumubuntung-hininga nang malalim, sa kanilang mga kaisipan sa ganoong mga pagkakataon maaaring, marahil, isasantabi nila ang kanilang mga inaasam. Ito ay dahil hinahanap ng mga tao ang Shangri-La sa kalagitnaan ng kawalang-pag-asa, at walang sinumang nasa maginhawang mga kalagayan ang tumalikod kailanman sa kanilang paghahabol sa isang magandang pangarap. Maaaring hindi ito makatotohanan, nguni’t nanaisin Kong hindi ito ang nasa mga puso ng mga tao. Gusto pa rin ba ninyong maagaw sa alapaap nang buháy? Nais pa rin ba ninyong mabago ang inyong anyong nasa laman? Hindi Ko alam kung gayon ang inyong opinyon, nguni’t lagi Kong nadarama na ito ay hindi makatotohanan—ang gayong mga kaisipan ay tila masyadong labis-labis. Sinasabi ng mga tao ang mga bagay na tulad ng ganito: Isantabi ang iyong mga inaasam, maging mas makatotohanan. Hinihingi mo na alisin ng mga tao ang mga kaisipan ng pagiging pinagpala—nguni’t paano ang iyong sarili? Sinasalansang mo ba ang mga iniisip ng mga tao sa pagiging pinagpala at hinahanap ng iyong sarili ang mga pagpapala? Hindi mo hinahayaan ang iba na tumanggap ng mga pagpapala nguni’t lihim na iniisip mo mismo ang mga iyon—anong ginagawa noon sa iyo? Isang artistang kontrabida! Kapag kumikilos ka nang ganoon, hindi ka ba nakokonsensya? Sa iyong puso, hindi ka ba nakakaramdam na may utang? Hindi ka ba isang manggagantso? Hinuhukay mo ang mga salita sa mga puso ng iba, nguni’t walang sinasabi tungkol sa mga iyon sa iyong sarili—anong walang-kwentang piraso ng basura ka! Ano kayang inyong iniisip sa inyong mga puso kapag nagsasalita kayo—hindi ba kayo mauusig ng Banal na Espiritu? Hindi ba nito nababagabag ang inyong dignidad? Talagang hindi ninyo alam kung anong mabuti para sa inyo! Lumalabas na kayong lahat ay tulad lamang ni G. Nanguo—kayo’y mga manloloko. Hindi nakapagtatakang inilalagay ng Diyos ang “ialay ang … mga sarili” sa “silang lahat ay handang ‘ialay ang kanilang mga sarili’” sa mga panipi. Kilala ng Diyos ang tao gaya ng likod ng Kanyang kamay, at gaano man ka-malikhain ang panlilinlang ng tao—kahit na hindi siya magpakita ng kahit ano, hindi namumula ang kanyang mukha, hindi bumibilis ang tibok ng kanyang puso—maningning ang mga mata ng Diyos, kaya laging nahihirapan ang tao sa pag-iwas sa titig ng Diyos. Parang ang Diyos ay may paninging x-ray at nakikita ang mga panloob na sangkap ng tao, na parang nakikita Niya kung ano ang tipo ng dugo ng mga tao nang walang pagsusuri. Ganyan ang karunungan ng Diyos, at hindi ito kayang tularan ng tao. Gaya ng sinasabi ng Diyos, “Bakit Ako nakágáwâ ng gayon karaming gawain, gayunman ay walang patotoo nito sa mga tao? Hindi ba sapat ang Aking pagsisikap?” Ang pakikipagtulungan ng tao sa Diyos ay kulang na kulang, at masasabing napakalaki ng negatibo sa loob ng tao, at madalang na ang mga tao ay may anumang pagkapositibo, paminsan-minsan lamang na sila ay mayroong kaunti, nguni’t masyado itong nadungisan. Ipinakikita nito kung gaano lamang kamahal ng tao ang Diyos; para bang mayroon lamang ika-isandaang milyong bahagdan ang pag-ibig para sa Diyos sa kanilang mga puso, kung saan 50 porsyento nito ay may dungis pa, kaya sinasabi ng Diyos na wala Siyang natatamong patunay sa tao. Tiyak na dahil sa pagkamasuwayin ng tao kaya ang tono ng mga pagbigkas ng Diyos ay napaka-walang-puso at manhid. Kahit na ang Diyos ay hindi nagsasalita tungkol sa nakaraan kasama ang tao, laging gusto ng mga tao na gunitain, upang ipakita ang kanilang mga sarili sa harap ng Diyos, at lagi nilang gustong pag-usapan ang mga panahong nakaraan—gayunma’y hindi kailanman itinuring ng Diyos ang kahapon ng tao bilang ngayon; sa halip, nilalapitan Niya ang mga tao ng ngayon gamit ang ngayon. Ito ang saloobin ng Diyos, at dito, nasábi ng Diyos ang mga salitang ito nang malinaw, upang maiwasan ang pagsasabi ng mga tao sa hinaharap na ang Diyos ay napaka-hindi-makatwiran, sapagka’t ang Diyos ay hindi gumagawa ng di-makonsensyang mga bagay, nguni’t sinasabi sa mga tao ang tungkol sa tunay na mukha ng mga katunayan, kung hindi ay hindi makatatayo nang matatag ang mga tao—sapagka’t ang tao, pagkatapos ng lahat, ay mahina. Yamang narinig ang mga salitang ito, paano ito: Handa ka bang makinig at magpasakop, at huwag na itong isipin pa?
    Ang nasa itaas ay wala sa paksa, hindi mahalaga kung ito ay pinag-uusapan o hindi. Ako ay umaasa na kayo ay hindi eksepsyon, dahil ginagawa ng Diyos ang gawaing ito ng mga salita, at nais Niyang pag-usapan ang tungkol sa lahat ng bagay sa ilalim ng araw. Nguni’t umaasa pa rin Ako na babasahin pa rin ninyo ang mga iyon, at hindi babale-walain ang mga salitang ito, OK? Gagawin ba ninyo iyan? Kasasabi lamang na sa mga salita ngayon ang Diyos ay nagbunyag ng bagong impormasyon: Ang paraan ng paggawa ng Diyos ay magbabago na. Sa gayon, makabubuting magtuon ng pansin sa mainit na paksang ito. Maaaring masabi na lahat ng mga pagbigkas ngayon ay nagpopropesiya ng mga pangyayari sa hinaharap, ang mga iyon ay Diyos na gumagawa ng mga pagsasaayos para sa susunod na hakbang ng Kanyang gawain. Halos tapos na ng Diyos ang Kanyang gawain sa mga tao ng iglesia, kung saan matapos ito ay gagamit ang Diyos ng poot upang magpakita sa lahat ng mga tao. Gaya ng sinasabi ng Diyos, “Gagawin Ko na ang mga tao sa lupa ay kilalanin ang Aking mga ginagawa, at sa harap ng “luklukan ng paghatol,” ang Aking mga gawa ay mapapatunayan, upang ang mga iyon ay kilalanin sa gitna ng mga tao sa buong lupa, na susuko.” May nakita ba kayong anuman sa mga salitang ito? Narito ang buod ng susunod na bahagi ng gawain ng Diyos. Una, gagawin ng Diyos ang lahat ng mga asong bantay na may-hawak ng kapangyarihang politikal na taos-pusong kumbinsido at umurong mismo mula sa yugto ng kasaysayan, upang kailanman ay hindi na muling makipaglaban para sa estado o pakánâ at intriga. Ang gawaing ito ay dapat na isakatuparan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Diyos ng sari-saring sakuna sa lupa. Subali’t ang Diyos ay hindi magpapakita; dahil, sa panahong ito, ang bansa ng malaking pulang dragon ay magiging lupain ng karumihan pa rin, ang Diyos ay hindi magpapakita, nguni’t lalabas lamang sa pamamagitan ng pagkastigo. Ganyan ang matuwid na disposisyon ng Diyos, at walang sinumang makatatakas dito. Sa panahong ito, lahat nang nananahan sa bansa ng malaking pulang dragon ay magdurusa ng kalamidad, na natural lamang na kasama ang kaharian sa lupa (ang iglesia). Ito ang mismong panahon kung kailan ang mga katunayan ay lumalabas, kaya’t nararanasan ito ng lahat ng tao, at walang sinumang makatatakas. Ito ay naítákdâ na ng Diyos. Mismong dahil sa hakbang na ito ng gawain kaya sinasabi ng Diyos, “Ngayon ang panahon upang gamitin nang pinakamahusay ang mga talento ng isa.” Dahil, sa hinaharap, wala nang iglesia sa lupa, at dahil sa pagdating ng matinding kapahamakan, wala nang iba pang maiisip ang mga tao, at mahirap para sa kanila na tamasahin ang Diyos sa kalagitnaan ng matinding kapahamakan, kaya, hinihingi sa mga tao na mahalin ang Diyos ng kanilang buong puso sa panahon ng kamangha-manghang oras na ito, upang hindi sila mawalan ng pagkakataon. Kapag ang katunayang ito ay dumaan, lubusan nang natalo ng Diyos ang malaking pulang dragon, at sa gayon ang gawain ng patotoo ng mga tao ng Diyos ay natapos na; pagkatapos sisimulan ng Diyos ang susunod na hakbang ng gawain, winawasak ang bansa ng malaking pulang dragon, at sa kahuli-hulihan ay ipapako sa krus nang pabaligtad ang lahat ng tao sa sansinukob, kung saan pagkatapos ay lilipulin Niya ang buong sangkatauhan—ito ang mga panghinaharap na hakbang ng gawain ng Diyos. Sa gayon, dapat ninyong habuling subukang mahalin ang Diyos sa mapayapang kapaligirang ito. Sa hinaharap mawawalan na kayo ng mga pagkakataon upang mahalin ang Diyos, sapagka’t ang mga tao ay mayroon lamang pagkakataon na mahalin ang Diyos sa katawang-tao; kapag namumuhay sila sa ibang mundo, walang sinumang magsasalita tungkol sa pagmamahal sa Diyos. Hindi ba ito ang pananagutan ng isang nilalang? Kaya’t paano ninyo dapat mahalin ang Diyos sa kalagitnaan ng mga araw ng iyong buhay? Naisip mo na ba kahit minsan ang tungkol dito? Naghihintay ka ba hanggang pagkatapos ng iyong kamatayan para mahalin ang Diyos? Hindi ba ito walang-lamang pagsasalita? Ngayon, bakit hindi mo hinahabol ang pagmamahal sa Diyos? Ang pagmamahal ba sa Diyos habang abálá ay maaaring maging ang tunay na pag-ibig sa Diyos? Ang dahilan kung bakit sinasabi na ang hakbang na ito ng gawain ng Diyos ay magwawakas na sa lalong madaling panahon ay dahil ang Diyos ay mayroon nang patotoo sa harap ni Satanas; sa gayon, wala nang kailangan para sa tao na gawin ang kahit ano, hinihingi lamang sa tao na habulin ang pagmamahal sa Diyos sa loob ng mga taong siya ay buháy—ito ang kung ano ang susi. Dahil ang mga hinihingi ng Diyos ay hindi malaki, at, higit sa rito, dahil may nagniningas na pagkabalisa sa Kanyang puso, naíbúnyág Niya ang buod ng susunod na hakbang ng gawain bago matapos ang hakbang na ito ng gawain, na malinaw na nagpapakita kung gaano katagal na panahon mayroon; Kung hindi nababalisa ang Diyos sa kanyang puso, bibigkasin ba Niya ang mga salitang ito nang napakaaga? Ito ay dahil ang panahon ay maikli kaya gusto ng Diyos na gumawa sa paraang ito. Inaasahang maaari ninyong ibigin ang Diyos ng buo ninyong puso, ng buo ninyong isipan, at ng buo ninyong kalakasan, na parang pag-iingat ninyo sa inyong sariling buhay. Hindi ba ito isang buhay ng sukdulang kahulugan? Saan pa ninyo matatagpuan ang kahulugan ng buhay? Hindi ba iyan magiging napakabulag? Handa ka bang mahalin ang Diyos? Ang Diyos ba ay hindi karapat-dapat sa pag-ibig ng tao? Ang mga tao ba ay karapat-dapat sa pagsamba ng tao? Kaya ano ang dapat mong gawin? Ibigin ang Diyos nang buong-tapang, walang mga pasubali—at tingnan kung ano ang gagawin ng Diyos sa iyo. Tingnan kung papaslangin ka Niya. Sa kabuuan, ang atas ng pagmamahal sa Diyos ay higit na mahalaga kaysa pagkopya at pagsusulat ng mga bagay-bagay para sa Diyos. Dapat mong bigyan ng unang prayoridad ang kung ano ang pinakamahalaga, upang ang iyong buhay ay may higit na kahulugan at puno ng kaligayahan, at kung gayon dapat kang maghintay para sa “hatol” ng Diyos para sa iyo. Iniisip Ko kung sa plano mo kaya ay makakasama ang pagmamahal sa Diyos—nais Ko na ang mga plano ng bawa’t isa ay magiging yaon na natapos ng Diyos, at magiging realidad.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan:
Rekomendasyon:
Ang pinagmulan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Pananalig sa Diyos | Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kapareho sa Paniniwala sa Panginoon?