Pakahulugan sa Ikaapatnapu’t-apat at Ikaapatnapu’t-limang Mga Pagbigkas
Yamang sinabi ng Diyos sa tao ang tungkol sa “pag-ibig ng Diyos”—ang pinakamalalim sa lahat ng mga aralin—tumuon Siya sa pagsasalita tungkol sa paksang ito sa “ang mga pagbigkas ng pitong-ulit na Espiritu,” sinasanhi ang lahat ng mga tao na subukang kilalanin ang pagiging hungkag ng pantaong buhay, at sa gayon hinuhukay ang tunay na pag-ibig sa loob nila. At gaano niyaong mga umiiral sa kasalukuyang hakbang minamahal ang Diyos? Alam ba ninyo? Walang hangganan ang aralin ng “pag-ibig sa Diyos.” Paano naman ang tungkol sa kaalaman ng pantaong buhay sa lahat ng mga tao? Ano ang kanilang saloobin tungo sa pagmamahal sa Diyos? Sila ba ay handa o hindi handa? Sinusundan ba nila ang napakalaking pulutong, o kinamumuhian ang laman? Ang tungkol sa mga ito ang lahat ng mga bagay-bagay na dapat kayong maging malinaw at inyong maunawaan. Wala ba talagang nasa loob ng mga tao? “Nais Kong Ako ay tunay na mahalin ng tao, nguni’t ngayon, ang mga tao ay nagpapatumpik-tumpik pa rin, hindi kayang ibigay ang kanilang tunay na pag-ibig sa Akin. Sa kanilang guni-guni, naniniwala sila na kung ibinibigay nila ang kanilang tunay na pag-ibig sa Akin, walang matitira sa kanila.” Sa mga salitang ito, ano ba talaga ang ibig sabihin ng “tunay na pag-ibig”? Bakit hinihingi pa rin ng Diyos ang tunay na pag-ibig ng mga tao sa kapanahunang ito kung kailan “lahat ng tao ay nagmamahal sa Diyos”? Sa gayon, ang hangarin ng Diyos ay hingin sa tao na isulat ang kahulugan ng tunay na pag-ibig sa isang pahina ng sagot, kaya’t, ito ang eksaktong takdang-aralin na inilatag ng Diyos para sa tao. Hinggil sa hakbang na ito ng ngayon, kahit na ang Diyos ay hindi humingi ng malaki sa tao, hindi pa naaabot ng tao ang orihinal na mga kinakailangan ng Diyos sa tao; sa ibang pananalita, hindi pa nila nailalaan ang lahat ng kanilang kalakasan sa pagmamahal sa Diyos. Sa gayon, sa kalagitnaan ng pagiging hindi handa, humihingi pa rin ang Diyos ng Kanyang mga kinakailangan sa mga tao, hanggang sa ang gawaing ito ay nagkaroon ng epekto, at Siya ay naluwalhati sa gawaing ito. Tunay nga, ang gawain sa lupa ay tinatapos ng pag-ibig ng Diyos. Sa gayon, saka lamang kapag tinatapos ng Diyos ang Kanyang gawain Kanyang ipakikita ang pinakamahalagang gawain sa lahat sa tao. Kung, sa sandaling nagwakas na ang Kanyang gawain, binigyan Niya ng kamatayan ang tao, anong mangyayari sa tao, anong mangyayari sa Diyos, at anong mangyayari kay Satanas? Saka lamang kapag ang pag-ibig ng tao sa lupa ay napukaw maaaring masabi na “Nalupig ng Diyos ang tao.” Kung hindi, sasabihin ng mga tao na tinatakot ng Diyos ang tao, at ang Diyos sa gayon ay mapapahiya. Hindi magiging napakahangal ng Diyos para wakasan ang Kanyang gawain nang walang sinasabi. Sa gayon, kapag malapit nang matapos ang gawain, lilitaw ang matinding damdamin ng pag-ibig sa Diyos, at ang pag-ibig ng Diyos ay nagiging mainit na paksa. Sabihin pa, ang pag-ibig ng Diyos na ito ay walang bahid ng tao, ito ay isang walang-halong pag-ibig, tulad ng pag-ibig ng isang tapat na asawang-babae para sa kanyang asawang-lalaki, o ang pag-ibig ni Pedro. Hindi nais ng Diyos ang pag-ibig ni Job at Pablo, kundi ang pag-ibig ni Jesus kay Jehova, ang pag-ibig sa pag-itan ng Ama at Anak. “Iniisip lamang ang Ama, walang pagsasaalang-alang sa pansariling kalugihan o pakinabang, iniibig lamang ang Ama, at wala nang iba, at walang anumang ibang hinihingi”—kaya ba ito ng tao?
Kung ihahambing natin ang ginawa ni Jesus, Siya na hindi ganap ang pagkatao, anong ating iniisip? Gaano kalayo ang naabot ninyo sa inyong ganap na pagkatao? Kaya ninyo bang abutin ang ikasampu ng ginawa ni Jesus? Kwalipikado ba kayong pumunta sa krus para sa Diyos? Ang inyo bang pag-ibig sa Diyos ay makapagdadala ng kahihiyan kay Satanas? At gaano sa inyong pag-ibig sa tao ang inyo nang naalis? Napalitan na ba ito ng pag-ibig ng Diyos? Talaga bang tinitiis ninyo ang lahat alang-alang sa pag-ibig ng Diyos? Isipin ang tungkol kay Pedro nang mga nakaraang panahon, at tingnan kayo, na mula sa ngayon—talagang may malaking pagkakaiba, kayo ay hindi akmang tumayo sa harap ng Diyos. Sa loob ninyo, mayroon bang higit na pag-ibig para sa Diyos, o higit na pag-ibig para sa dyablo? Ito ay dapat na halinhinang ilagay sa kaliwa- at kanang-tabi ng timbangan, tinitingnan kung alin ang mas mataas—gaanong pag-ibig para sa Diyos ang talagang nasa loob mo? Karapat-dapat ba kayong mamatay sa harap ng Diyos? Ang dahilan kung bakit nakaya ni Jesus na tumayo sa krus ay dahil ang kanyang mga karanasan sa lupa ay sapat para magdala ng kahihiyan kay Satanas, at sa dahilang iyon lamang kaya matapang na hinayaan Siya ng Diyos na tapusin ang yugtong iyon ng gawain; ito ay dahil sa kahirapang kanyang pinagdusahan at sa Kanyang pag-ibig sa Diyos. Nguni’t kayo ay hindi gaanong kwalipikado. Sa gayon, dapat kayong magpatuloy sa pagdaranas, pagkakamit ng pagkakaroon ng Diyos, at wala nang iba pa, sa inyong puso—kaya ninyo bang tuparin ito? Mula rito ay makikita kung gaano mo kinamumuhian ang Diyos, at kung gaano mo minamahal ang Diyos. Hindi sa ang Diyos ay masyadong mapaghanap sa tao, kundi ang tao ay hindi gumagawang masigasig. Ito ba talaga ang nangyayari? Kung hindi, gaano ang kaibig-ibig na matutuklasan mo sa Diyos, at gaano ang karimarimarim na masusumpungan mo sa iyong sarili? Dapat kang magbigay ng masusing pagsasaalang-alang sa mga bagay na ito. Tama lamang na sabihing kakaunti lamang sa ilalim ng mga kalangitan ang nagmamahal sa Diyos—nguni’t maaari ka bang mauna, sinisira ang pandaigdig na talâ, at nagmamahal sa Diyos? Walang hinihingi ang Diyos sa tao. Hindi ba maaring magbigay ang tao ng karangalan sa Kanya dito? Hindi mo ba kayang makamit kahit ito? Ano pa bang maaaring sabihin?
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan:
Rekomendasyon:
Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal