菜單

Abr 21, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Pakahulugan sa Ikalabing-anim na Pagbigkas

Pakahulugan sa Ikalabing-anim na Pagbigkas

    Sa mga tao, napakadakila, napakasagana, napaka-kamangha-mangha, napaka-di-maarok ang Diyos; sa kanilang mga mata, umaangat sa matataas ang mga salita ng Diyos, at lumilitaw bilang isang dakilang obra maestra ng mundo. Nguni’t dahil may napakaraming mga pagkabigo ang mga tao, at napakasimple ng kanilang mga isipan, at, bukod pa rito, dahil napakahina ng kanilang mga kakayahan sa pagtanggap, gaano man kalinaw na nagsasalita ang Diyos ng Kanyang mga salita, nananatili silang nakaupo at hindi natitinag, na parang nagdurusa ng sakit sa isip. Hindi nila nauunawaan na dapat silang kumain kapag sila ay nagugutom, hindi nila nauunawaan na dapat silang uminom kapag sila ay nauuhaw; patuloy lamang silang sumisigaw at humihiyaw, na parang may di-mailalarawang kahirapan sa kalaliman ng kanilang mga espiritu, gayunpaman hindi nila kayang magsalita tungkol dito. Nang likhain ng Diyos ang sangkatauhan, ang Kanyang layunin ay para mamuhay ang tao sa normal na pagkatao at tanggapin ang mga salita ng Diyos ayon sa kanyang likas na paggawi. Nguni’t dahil, sa pasimula pa lamang, nagpadaig sa tukso ni Satanas ang tao, ngayon nananatili siyang hindi napapalaya ang kanyang sarili, at hindi pa rin kayang kilalanin ang mga mapanlinlang na mga pakana na isinagawa ni Satanas sa loob ng libu-libong taon, idinagdag ang kanyang kakulangan ng kakayahang lubos na malaman ang mga salita ng Diyos—lahat ng ito ay humantong sa kasalukuyang kalagayan. Sa kalalagayan ngayon ng mga bagay-bagay, namumuhay pa rin sa panganib ng tukso ni Satanas ang mga tao, at sa gayon ay nananatiling walang kakayahan sa dalisay na pagpapahalaga sa mga salita ng Diyos. Walang kalikuan o panlilinlang sa mga disposisyon ng mga normal na tao, may normal na relasyon sa isa’t isa ang mga tao, hindi sila nag-iisa, at hindi katamtaman ni may-kabulukan ang kanilang buhay. Gayundin naman, mataas sa lahat ang Diyos, lumalaganap sa gitna ng tao ang Kanyang mga salita, namumuhay ang mga tao nang may kapayapaan sa isa’t isa at sa ilalim ng pag-aalaga at pag-iingat ng Diyos, napupuspos ng pagkakasundo ang lupa, nang walang panghihimasok ni Satanas, at ang kaluwalhatian ng Diyos ang itinuturing na pinakamahalaga sa gitna ng tao. Ang gayong mga tao ay tulad ng mga anghel: dalisay, masisigla, hindi kailanman nagrereklamo tungkol sa Diyos, at ginugugol ang lahat ng kanilang mga pagsisikap para lamang sa kaluwalhatian ng Diyos sa lupa. Ngayon ay ang panahon ng madilim na gabi, ang lahat ay nag-aapuhap at naghahanap, ang napakadilim na gabi ay nagpapatirik ng kanilang mga buhok, at hindi nila mapigilang manginig; nang pakinggang mabuti, ang mga alulong ng bugso-bugsong hangin galing hilagang-kanluran ay tila baga may kasamang mga nagdadalamhating paghikbi ng tao. Ang mga tao ay namimighati at tumatangis para sa kanilang tadhana. Bakit nila binabasa ang mga salita ng Diyos nguni’t hindi nila kayang unawain ang mga ito? Mistulang nasa bingit ng kawalang-pagasa ang kanilang buhay, na parang malapit nang sumapit ang kamatayan sa kanila, na parang nasa harap ng kanilang mga mata ang kanilang huling araw. Ang ganoong mga kahabag-habag na kalagayan ay ang mismong sandali kung kailan ang marurupok na mga anghel ay tumatawag sa Diyos, nangungusap ng kanilang sariling paghihirap sa sunod-sunod na mapanglaw na iyak. Ito ang dahilan na ang mga anghel na gumagawa sa gitna ng mga anak-na-lalaki at ang mga tao ng Diyos ay hindi na kailanman muling bababa sa tao; ito ay upang maiwasan na ang mga ito ay mahuli sa pagmamanipula ni Satanas habang nasa laman, hindi kayang palayain ang mga sarili nito, kaya’t sila ay gumagawa lamang sa espirituwal na mundo na hindi nakikita ng tao. Samakatuwid, kapag sinasabi ng Diyos “kung kailan Ako umakyat sa trono sa puso ng tao ay kung kailan ang Aking mga anak-na-lalaki at bayan ang namamahala sa lupa,” tinutukoy Niya kung kailan ang mga anghel sa lupa ay nagtatamasa ng pagpapala ng paglilingkod sa Diyos sa langit. Sapagka’t ang tao ay pagpapahayag ng mga espiritu ng mga anghel, sinasabi ng Diyos na para sa tao, ang pagiging nasa lupa ay katulad ng pagiging nasa langit, ang paglilingkod niya sa Diyos sa lupa ay katulad ng mga anghel na tuwirang naglilingkod sa Diyos sa langit—at sa gayon, sa panahon ng kanyang mga araw sa lupa, tinatamasa ng tao ang mga pagpapala ng ikatlong langit. Ito ang talagang sinasabi sa mga salitang ito.

    Mayroong napakaraming kahulugan na nakatago sa mga salita ng Diyos. Ang “Kapag dumating na ang araw, makikilala Ako ng mga tao sa kaibuturan ng kanilang mga puso, at maaalala nila Ako sa kanilang mga isipan.” ay nakadirekta sa espiritu ng tao. Dahil sa kahinaan ng mga anghel, lagi silang nakadepende sa Diyos sa lahat ng bagay, at palaging nakaugnay sa Diyos at sinasamba ang Diyos. Nguni’t dahil sa panggugulo ni Satanas, hindi nila natutulungan ang kanilang mga sarili, hindi nasusupil ang kanilang mga sarili, nais nilang mahalin ang Diyos nguni’t hindi nila kayang mahalin Siya nang buong puso, at sa gayon ay nagdurusa sila ng pighati. Tanging kapag ang gawain ng Diyos ay umaabot sa isang tiyak na punto magkakatotoo ang pagnanais ng mga kawawang anghel na ito na tunay na mahalin ang Diyos, na siyang dahilan kung bakit sinabi ng Diyos ang mga salitang iyon. Ang kalikasan ng mga anghel ay ibigin, pakamahalin, at sundin ang Diyos, nguni’t hindi nila nakakayang makamtan ang mga ito sa lupa, at nawalan sila ng pagpipilian kundi magbata hanggang ngayon. Maaari mong tingnan ang mundo sa ngayon: May isang Diyos sa mga puso ng lahat ng tao, nguni’t hindi nila kayang sabihin ang pagkakaiba sa pag-itan ng tunay na Diyos at mga huwad na diyos, at kahit na iniibig nila itong Diyos nila, hindi nila kayang tunay na mahalin ang Diyos, na nangangahulugang wala silang kontrol sa kanilang mga sarili. Ang pangit na mukha ng tao na ibinunyag ng Diyos ay ang tunay na mukha ni Satanas sa kinasasaklawang espirituwal. Ang tao ay orihinal na inosente, at walang kasalanan, at kung gayon lahat ng tiwali, pangit na ugali ng tao ay mga pagkilos ni Satanas sa kinasasaklawang espirituwal, at isang tapat na talaan ng mga pagsulong ng kinasasaklawang espirituwal. “Sa araw na ito, naging kwalipikado ang mga tao, at naniniwalang kaya nilang magmayabang sa Aking harapan, at makitawa at makipagbiruan sa Akin nang wala man lamang kahit kaunting pangingimi, at pakitunguhan Ako bilang kapantay lamang. Hindi pa rin Ako kilala ng tao, naniniwala pa rin siyang halos pareho lamang kami sa diwa, na pareho kaming may laman at dugo, at parehong naninirahan sa mundo ng mga tao.” Ito ang nagáwâ ni Satanas sa puso ng tao. Ginagamit ni Satanas ang mga pagkaintindi at mga nakikita ng mata ng tao upang salungatin ang Diyos, gayunpaman walang kalabuan na sinasabi ng Diyos sa tao ang mga pangyayaring ito upang ang tao ay maaring makaiwas sa kapahamakan dito. Ang mortal na kahinaan ng lahat ng tao ay na nakikita lamang nila “ang laman at dugo ng Aking pagkakatawang-tao, at hindi tumitingin sa Espiritu ng Diyos.” Ito ang batayan ng isang aspeto ng pang-aakit ni Satanas sa tao. Naniniwala ang mga tao na tanging ang Espiritu sa katawang-taong ito ang maaaring matawag na Diyos. Walang naniniwala na ngayon, ang Espiritu ay naging katawang-tao at talagang nagpakita sa harap ng kanilang mga mata; nakikita ng mga tao ang Diyos bilang dalawang bahagi— “ang kasuotan at ang laman”—at walang tumitingin sa Diyos bilang pagkakatawang-tao ng Espiritu, walang nakakakita na ang kalikasan ng katawang-tao ay ang disposisyon ng Diyos. Sa imahinasyon ng mga tao, ang Diyos ay natatanging normal, nguni’t hindi ba nila alam na nakatago sa pagiging normal na ito ay isang aspeto ng malalim na kabuluhan ng Diyos?
    Nang sinimulan ng Diyos na takpan ang buong mundo, ito’y naging napakadilim, at habang natutulog ang mga tao, sinamantala ng Diyos ang pagkakataong ito upang bumaba sa gitna ng tao, at opisyal na sinimulan ang pagpapadaloy ng Espiritu sa lahat ng sulok ng lupa, sinisimulan ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Maaaring sabihin na nang ang Diyos ay nagsimulang mag-anyo sa imahe ng katawang-tao, ang Diyos ay personal na gumawa sa lupa. Pagkatapos nagsimula ang gawain ng Espiritu, at doon opisyal na nagsimula ang lahat ng gawain sa lupa. Sa loob ng dalawang libong taon, ang Espiritu ng Diyos ay gumawa sa buong sansinukob. Ang mga tao ay hindi nakakaalam o nakadarama nito, nguni’t sa mga huling araw, sa panahong malapit nang matapos ang kapanahunang ito, ang Diyos ay bumaba sa lupa upang gumawa nang personal. Ito ang pagpapala ng mga ipinanganak sa mga huling araw, na personal na namamasdan ang imahe ng Diyos na nabubuhay sa katawang-tao. “Nang ang buong mukha ng kalaliman ay madilim, nagsimula Kong matikman sa gitna ng tao ang kapaitan ng mundo. Naglalakbay ang Aking Espiritu sa buong mundo at pinagmamasdan ang mga puso ng lahat ng mga tao, gayunman, lulupigin Ko ang sangkatauhan sa Aking nagkatawang-taong laman.” Ganyan ang nagkakaisang kooperasyon sa pag-itan ng Diyos na nasa langit at ng Diyos sa lupa. Sa kahuli-hulihan, sa kanilang mga kaisipan ang mga tao ay maniniwala na ang Diyos sa lupa ay ang Diyos na nasa langit, na nilikha ng Diyos sa lupa ang langit at ang lupa at lahat ng bagay na nasa mga iyon, na kinokontrol ng Diyos sa lupa ang tao, na ginagawa ng Diyos sa lupa ang gawain sa langit sa lupa, at na ang Diyos na nasa langit ay nagpakita sa katawang-tao. Ito ang sukdulang layunin ng gawain ng Diyos sa lupa, kaya’t ang yugtong ito ang pinakamataas na pamantayan ng gawain sa panahon ng katawang-tao, at ito ay isinasagawa sa pagka-Diyos, at nagsasanhi na maging taos-pusong nakumbinsi ang lahat ng mga tao. Lalong naghahanap para sa Diyos sa kanilang mga pagkaintindi ang mga tao, lalong nadarama nila na hindi tunay ang Diyos sa lupa. Dahil dito, sinasabi ng Diyos na ang mga tao ay naghahanap ng Diyos sa gitna ng mga walang-lamang salita at mga doktrina. Lalong kinikilala ng mga tao ang Diyos sa kanilang mga pagkaintindi, lalong nagiging bihasa sila sa pagsasalita ng mga salitang ito at mga doktrina, at lalong nagiging kahanga-hanga sila; lalong nagsasalita ang mga tao ng mga salita at mga doktrina, lalo pa silang lumilihis mula sa Diyos, at lalong hindi nila kayang malaman ang kakanyahan ng tao, at lalo silang sumusuway sa Diyos, at lalo pa silang humihiwalay sa mga kinakailangan ng Diyos. Ang mga kinakailangan ng Diyos sa tao ay hindi kasing-higit-sa-karaniwan tulad ng naguguni-guni ng mga tao, gayunpaman hindi kailanman tunay na naintindihan ng sinuman ang kalooban ng Diyos, at dahil dito sinasabi ng Diyos, “ang mga tao ay naghahanap lamang sa walang-hanggang kalangitan, o sa gumugulong na alon ng dagat, o sa mapayapang lawa, o sa mga walang-saysay na mga sulat at mga doktrina.” Mas higit ang mga kinakailangan na itinatalaga ng Diyos sa tao, mas nadarama ng mga tao na hindi maaabot ang Diyos, at mas naniniwala sila na dakila ang Diyos. Samakatuwid, sa kanilang kamalayan, hindi makakamtan ng tao ang lahat ng mga salitang binibigkas mula sa bibig ng Diyos, iniiwan ang Diyos na walang pagpipilian maliban sa personal na kumilos; samantala, ang tao ay wala ni katiting na paghilig upang makipagtulungan sa Diyos, at basta ipinipilit ang pagyuyuko ng kanyang ulo at pangungumpisal ng kanyang mga kasalanan, nagsisikap na maging mapagpakumbaba at masunurin. Dahil dito, nang hindi napagtatanto ito, pumapasok ang mga tao sa isang bagong relihiyon, sa seremonya ng relihiyon na mas istrikto kaysa nasa mga relihiyosong simbahan. Nangangailangan ito na bumalik ang mga tao sa mga normal na kundisyon sa pamamagitan ng pagbabago ng kanilang negatibong kalagayan sa isa na positibo; kung hindi, ang tao ay lalong magiging malalim na nasilo.
    Bakit nakatuon ang Diyos sa paglalarawan ng mga bundok at katubigan sa Kanyang mga pagbigkas nang maraming beses? Mayroon bang makasagisag na kahulugan sa mga salitang ito? Hindi lamang pinahihintulutan ng Diyos na makita ng tao ang Kanyang mga gawa sa Kanyang katawang-tao, kundi pinahihintulutan din ang tao na maunawaan ang Kanyang mga kapangyarihan sa kalangitan. Sa ganitong paraan, kasabay sa paniniwala nang walang-alinlangan na ito ang Diyos sa katawang-tao, nalalaman din ng mga tao ang mga gawa ng praktikal na Diyos, at sa gayon ang Diyos sa lupa ay ipinadadala sa langit, at dinadala ang Diyos na nasa langit pababa sa lupa, saka lamang pagkatapos nito nakakaya ng mga tao na mas ganap na mamasdan ang lahat ng kung ano ang Diyos at nagkakaroon ng higit na kaalaman sa pagka-makapangyarihan ng Diyos. Higit na nagagawa ng Diyos na lupigin ang sangkatauhan sa katawang-tao at nahihigitan ang katawang-tao upang maglakbay patawid sa buong sansinukob, lalong nakakaya ng mga tao na mamasdan ang mga gawa ng Diyos batay sa pagmamasid sa praktikal na Diyos, at sa gayon nalalaman ang katotohanan ng gawain ng Diyos sa kabuuan ng buong sansinukob, na ito ay hindi huwad kundi tunay na tunay, at sa gayon ay nalalaman nila na ang praktikal na Diyos sa ngayon ay ang pagsasakatawan ng Espiritu, at hindi sa kaparehong uri ng makalamang katawan gaya ng tao. Kaya, sinasabi ng Diyos, “Nguni’t nang Aking ibuhos ang Aking matinding poot, kaagad gumuho ang mga bundok, kaagad na nagsimulang yumanig ang lupa, natuyo agad ang tubig, at biglang ginambala ng sakuna ang tao.” Kapag binabasa ng mga tao ang mga salita ng Diyos, iniuugnay nila ang mga ito sa katawang-tao ng Diyos, at sa gayon, ang gawain at mga salita sa kinasasaklawang espirituwal ay direktang tumutukoy sa Diyos sa katawang-tao, na nagpapatindi sa pagiging epektibo. Kapag nagsasalita ang Diyos, kadalasan ito ay mula sa langit patungo sa lupa, at minsan pa mula sa lupa patungo sa langit, na iniiwan ang lahat ng mga tao na hindi kayang tarukin ang mga pagganyak at mga pinagmulan ng mga salita ng Diyos. “Kapag Ako ay nasa mga kalangitan, hindi kailanman nakakaramdam ng takot ang mga bituin dahil sa Aking presensya. Sa halip, inilalagay nila ang kanilang mga puso tungo sa kanilang gawain para sa Akin.” Ganoon ang kalagayan ng langit. May pamamaraang inaayos ng Diyos ang lahat ng bagay sa ikatlong langit, kasama ang lahat ng mga lingkod na nagseserbisyo sa Diyos na ginagawa ang kanilang sariling gawain para sa Diyos. Kailanman ay hindi sila gumawa ng anumang bagay na pagsuway sa Diyos, kaya hindi sila nahuhulog sa pagkataranta na sinabi ng Diyos, nguni’t sa halip ay inilalagay ang kanilang mga puso sa kanilang gawain, wala kailanmang anumang kaguluhan, at sa gayon ang lahat ng mga anghel ay namumuhay sa liwanag ng Diyos. Samantala, dahil sa kanilang pagsuway, at dahil hindi nila nakikilala ang Diyos, ang mga tao sa lupa ay namumuhay lahat sa kadiliman, at lalo pa nilang sinasalungat ang Diyos, lalo silang namumuhay sa kadiliman. Kapag sinasabi ng Diyos, “Mas maliwanag ang mga kalangitan, mas madilim ang mundo sa ibaba,” tinutukoy Niya ang kung paanong ang araw ng Diyos ay lalong nagiging mas malapit sa buong sangkatauhan. Sa gayon, ang 6,000 taong pagka-abálá ng Diyos sa ikatlong langit ay malapit nang matapos. Nakapasok na sa huling kabanata ang lahat ng mga bagay sa mundo, at sa lalong madaling panahon tatagpasin ang bawa’t isa mula sa kamay ng Diyos. Higit pang pumapasok ang mga tao sa panahon ng mga huling araw, mas nalalasap nila ang katiwalian sa mundo ng tao; at lalo pa silang pumapasok sa panahon ng mga huling araw, lalo pa silang nagpapasasa sa kanilang sariling laman; marami pa ngang nagnanais na baligtarin ang kahabag-habag na kalagayan ng mundo, nguni’t silang lahat ay nawawalan ng pag-asa sa gitna ng kanilang mga buntong-hininga dahil sa mga gawa ng Diyos. Kaya, kapag nararamdaman ng mga tao ang init ng tagsibol, tinatakpan ng Diyos ang kanilang mga mata, at sa gayon lumulutang sila sa mga humahampas na alon, wala ni isa sa kanila ang may kakayahang makarating sa may-kalayuang bangkang-pansagip. Sapagka’t ang mga tao ay likas na mahina, sinasabi ng Diyos na walang sinuman ang makapagpapanumbalik ng mga bagay-bagay. Kapag nawawalan ng pag-asa ang mga tao, ang Diyos ay nagsisimulang magsalita sa buong sansinukob, sinisimulan Niyang iligtas ang lahat ng sangkatauhan, at pagkatapos lamang nito maaring magtamasa ang mga tao ng bagong buhay na dumarating sa sandaling ang mga bagay-bagay ay napanumbalik. Nasa yugto ng panlilinlang-sa-sarili ang mga tao ngayon. Dahil ang kalsada sa harapan nila ay napaka-panglaw at walang katiyakan, at ang kanilang hinaharap ay “walang-hangganan” at “walang mga tabihan,” ang mga tao sa panahong ito ay walang pagkiling upang lumaban, at maaari lamang palampasin ang kanilang mga araw tulad ng isang ibong Hanhao.[a] Kailanman ay hindi nagkaroon ng sinuman na seryosong naghabol sa buhay, at naghabol ng kaalaman sa pantaong buhay; sa halip, hinihintay nila ang araw kung kailan ang Tagapagligtas sa langit ay biglang bababa upang baligtarin ang kahabag-habag na kalagayan ng mundo, pagkatapos lamang nito sila magiging masigasig sa kanilang mga pagtatangka na mabuhay. Ganyan ang tunay na kalagayan ng buong sangkatauhan at ang kaisipan ng lahat ng mga tao.
    Ngayon, paunang sinasabi ng Diyos ang bagong buhay ng tao sa hinaharap sa liwanag ng kanyang kaisipan sa panahong ito, na siyang kislap ng liwanag na tinutukoy ng Diyos. Ang paunang sinasabi ng Diyos ay yaong sa huli ay makakamit ng Diyos, at siyang mga bunga ng tagumpay ng Diyos laban kay Satanas. “Kumikilos Ako sa ibabaw ng lahat ng mga tao at nagmamasid Ako sa lahat ng dako. Walang nagmumukhang matanda, at walang tao na katulad ng kung ano siya dati. Namamahinga Ako sa trono, sumasandig Ako patawid sa buong sansinukob….” Ito ang kinalabasan ng kasalukuyang gawain ng Diyos. Ang lahat ng mga piniling tao ng Diyos ay bumabalik sa kanilang orihinal na anyo, na siyang dahilan kung bakit ang mga anghel, na nagdusa sa napakaraming taon, ay inilabas, tulad ng sinasabi ng Diyos, “may mukha na gaya ng sa banal na isa sa kaibuturan ng puso ng tao.” Dahil ang mga anghel ay gumagawa sa lupa at naglilingkod sa Diyos sa lupa, at lumalaganap ang kaluwalhatian ng Diyos sa buong mundo, ang langit ay dinadala sa lupa, at ang lupa ay itinataas sa langit. Samakatuwid, ang tao ang kawing na nag-uugnay sa langit at lupa; ang langit at lupa ay hindi na magkabukod, hindi na magkahiwalay, kundi magkaugnay bilang isa. Sa buong mundo, tanging Diyos at tao ang umiiral. Walang alabok o dumi, at lahat ng bagay ay napabago, tulad ng isang maliit na tupa na nakahiga sa isang luntiang damuhan sa ilalim ng langit, tinatamasa ang lahat ng biyaya ng Diyos. At dahil ito sa pagdating ng pagka-luntiang ito na ang hininga ng buhay ay sumisikat, sapagka’t dumarating ang Diyos sa mundo upang mamuhay katabi ng tao sa buong kawalang-hanggan, tulad ng sinabi mula sa bibig ng Diyos na “muli Akong maninirahan nang mapayapa sa Sion.” Ito ang simbolo ng pagkatalo ni Satanas, ito ang araw ng kapahingahan ng Diyos, at ang araw na ito ay pupurihin at ipahahayag ng lahat ng tao, at gugunitain ng lahat ng tao. Kung kailan namamahinga ang Diyos sa trono ay iyon din ang kung kailan tinatapos ng Diyos ang Kanyang gawain sa lupa, at ang mismong sandali na ang lahat ng mga misteryo ng Diyos ay ipinakikita sa tao; ang Diyos at ang tao ay magpakailanmang nagkakasundo, hindi kailanman magkabukod—ang mga ito ang magagandang mga tagpo sa kaharian!
Sa mga hiwaga nakatago ang mga hiwaga, at ang mga salita ng Diyos ay tunay na malalim at di maarok!
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mga talababa:
a. Ang kwento ng ibong Hanhao ay kahawig na kahawig sa kwento ni Aesop na ang langgam at ang tipaklong. Mas gusto ng ibong Hanhao na matulog sa halip na nagbubuo ng isang pugad habang ang panahon ay mainit-init—sa kabila ng paulit-ulit na mga babala mula sa kanyang kapitbahay, isang magpie. Nang dumating ang taglamig, ginaw na ginaw ang ibon na humantong sa kamatayan.
Rekomendasyon:Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Ang Pananalig sa Diyos ay Hindi Dapat Para Lamang sa Paghahanap ng Kapayapaan at mga Pagpapala.