Binibigkas ng Diyos ang Kanyang mga salita at ginagawa ang Kanyang gawain ayon sa iba’t ibang mga kapanahunan, at sa iba’t ibang kapanahunan, bumibigkas Siya ng iba’t ibang mga salita. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alituntunin, o nag-uulit ng parehong gawain, o nangungulila para sa mga bagay ng nakaraan; Siya ay isang Diyos na palaging bago at kailanma’y hindi naluluma, at bawat araw ay bumibigkas Siya ng bagong mga salita. Ikaw ay dapat sumunod doon sa dapat sundin ngayon; ito ay ang pananagutan at tungkulin ng tao. Napakahalaga na ang pagsasagawa ay maisentro sa liwanag at mga salita ng Diyos sa kasalukuyan. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alintuntunin, at nakakapagsalita mula sa maraming iba’t ibang mga perspektibo upang gawing kitang-kita ang Kanyang karunungan at walang-hanggang kapangyarihan. Hindi mahalaga kung Siya man ay nangungusap mula sa perspektibo ng Espiritu, o ng tao, o ng ikatlong persona—ang Diyos ay palaging Diyos, at hindi mo masasabi na Siya ay hindi Diyos dahil sa perspektibo ng tao mula kung saan Siya ay nangungusap. Sa gitna ng ilang tao may lumilitaw na mga pagkaintindi bilang bunga ng iba’t ibang mga perspektibo mula kung saan ang Diyos ay nangungusap. Ang mga ganoong tao ay walang pagkakilala sa Diyos, at walang kaalaman sa Kanyang gawain.Kung ang Diyos ay palaging nangungusap mula sa isang perspektibo, hindi ba maglalatag ang tao ng mga patakaran tungkol sa Diyos? Mapapayagan kaya ng Diyos ang tao na kumilos sa ganoong paraan? Hindi alintana kung mula sa ano mang perspektibo nangungusap ang Diyos, ang Diyos ay may mga mithiin para sa bawat isa. Kung ang Diyos ay palaging mangungusap mula sa perspektibo ng Espiritu, ikaw kaya ay maaaring makipag-ugnayan sa Kanya? Kaya, paminsan-minsan nangungusap Siya sa ikatlong persona upang pagkalooban ka ng Kanyang mga salita at gabayan ka tungo sa realidad. Lahat-lahat ng ginagawa ng Diyos ay angkop. Sa maikling salita, ito ay ginagawang lahat ng Diyos, at ikaw ay hindi dapat magduda tungkol dito. Ipagpalagay na Siya ay Diyos, kung gayon kahit anuman ang perspektibo na pinagmumulan ng mga pangungusap Niya, Siya pa rin ay Diyos. Ito ay ang hindi nababagong katotohanan. Paano man Siya gumagawa, Siya ay Diyos pa rin, at ang Kanyang substansya ay hindi magbabago! Sobrang minamahal ni Pedro ang Diyos at siya ay isang tao na kaayon ng sariling puso ng Diyos, subali’t hindi siya sinaksihan ng Diyos bilang Panginoon o Cristo, sapagkat ang substansya ng isang kabuuan ay kung ano nga iyon, at hindi kailanman magbabago. Sa Kanyang gawain, ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alituntunin, ngunit gumagamit ng iba’t ibang mga pamamaraan upang gawing mabisa ang Kanyang gawain at dagdagan ang pagkakilala ng tao sa Kanya. Ang Kanyang bawat paraan ng paggawa ay nakakatulong sa tao na makilala Siya, at ito ay upang gawing perpekto ang tao. Kahit na aling paraan ng paggawa ang ginagamit Niya, ang bawat isa ay upang buuin ang tao at gawing perpekto ang tao. Bagaman ang isa sa Kanyang paraan ng paggawa ay maaaring tumagal sa napakahabang panahon, ito ay upang ayusin ang pananampalataya ng tao sa Kanya. Kaya hindi kayo dapat mag-alinlangan. Ang lahat ng ito ay ang mga hakbang sa gawain ng Diyos, at dapat ninyong masunod.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na salita ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na salita ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Hul 16, 2020
Ene 23, 2020
Tagalog Christian Songs | "Dinadala ng Diyos ang Sangkatauhan sa Liwanag"
Tagalog Christian Songs | "Dinadala ng Diyos ang Sangkatauhan sa Liwanag"
I
Dumarating ang Diyos na nagkatawang-tao
para gawin ang Kanyang gawain.
Mapagpakumbaba Siyang nagtatagong kasama ng tao,
ipinapahayag ang katotohanan at hinahatulan sila,
dinadala ang landas tungo sa buhay na walang-hanggan.
Ang mga salita ng Diyos ang katotohanan,
nilulupig ang mga puso ng daan-daang milyong tao.
Hinahatulan at inililigtas Niya ang sangkatauhan,
dinadala sa kanila ang liwanag.
Salita ng Diyos ay gaya ng tabak na magkabilang-talim,
hinahatula't nililinis masamang likas ng tao.
Buong bayan ng Diyos ay dinadalisay.
Nabubuhay sila sa liwanag
at sama-samang sumasamba sa Kanya, sama-sama.
Dis 25, 2019
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Paghatol ng Diyos Lubusang Dumating Na
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Paghatol ng Diyos Lubusang Dumating Na
I
Matuwid ang Diyos, S'ya'y matapat.
Sinusuri N'ya ang nasa loob ng puso ng tao.
Ihahayag N'ya sino'ng huwad, sino'ng totoo.
Kaya't wag maalarma, lahat ng gawain ay sa panahon N'ya.
Sinong sa Kanya'y nagnanais
at sinong hindi—sasabihin N'ya sa inyo.
Kumain ka lang at uminom,
puntahan S'ya, lumapit sa Kanya,
at gagawin N'ya ang lahat ng Kanyang gawain.
Wag magmadali para sa mabilis na resulta.
Gawain ng Diyos di kaagad ginagawa.
Nandito'y mga hakbang at karunungan N'ya.
Kaya't ang Kanyang karunungan ay nahayag at nabunyag.
Paghatol N'ya'y ganap nang nangyari,
at ang iglesia ang lugar ng digmaan.
Dapat kayong maging handa at dapat n'yong italaga
ang 'yong buong sarili sa huling laban na ito.
Tutulungan ka ng Diyos lumaban
at magtagumpay para sa Kanya.
Dis 9, 2019
Tagalog Christian Movie | "Ang Pag-ibig ng Isang Ina" | The True Story of a Christian
Tagalog Christian Movie | "Ang Pag-ibig ng Isang Ina" | The True Story of a Christian
Ang "Mababago ng kaalaman ang iyong kapalaran" at "Naging dragon ang anak na lalaki, naging phoenix ang anak na babae" ay mga pag-asang taglay ng halos lahat ng magulang para sa kanilang mga anak. Para matiyak na makakapasa ang kanyang anak na babaeng si Jiarui sa kanyang university entrance exams at test sa isang magandang unibersidad, ipinasiya ni Xu Wenhui na magretiro sa kanyang trabaho bilang sales director para samahan si Jiarui nang mag-aral ito para muling kumuha ng kanyang mga test. Ang sibsibang mga pamamaraan ng pagtuturo ni Xu Wenhui at ang napakahirap na college entrance examinations ay naging sanhi para himatayin ang kanyang anak, at halos maging desperado. Labis iyong pinagsisihan ni Xu Wenhui: Inakala niya na lahat ng ginawa niya ay para sa kapakanan ng kanyang anak, ngunit sa halip, nasaktan lamang niya ito…. Noon ipinangaral ng dati niyang kaklaseng si Fang Xinping ang ebanghelyo ng Diyos sa kanya. Sa pamamagitan ng pagbasa sa salita ng Diyos, sa wakas ay naunawaan din ni Xu Wenhui kung bakit masasaktan lamang siya at ang kanyang anak sa pagsisikap na matamo ang mga ideal na gaya ng "Mababago ng kaalaman ang iyong kapalaran," at kung paano tuturuan ang kanyang anak sa paraang nagpapahayag ng tunay na pagmamahal …
Malaman ang higit pa:Makapangyarihang DiyosDis 6, 2019
Landas ng Pagasasagawa para sa Mas Mabisang Pag-aaral ng Biblia
Landas ng Pagasasagawa para sa Mas Mabisang Pag-aaral ng Biblia
Ni: Xiao Xiao, Pransya
Mga Nilalaman
Ang pagbabasa ng Biblia ay isang pang-araw-araw na pangangailangan para sa mga Kristiyano, at lubos din itong kailangan sa landas upang kamtin ang katotohanan at limago sa ating mga espiritwal na buhay. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Dios” (Mateo 4:4). Maliwanag na, ang madalas na pagbabasa ng mga salita ng Diyos sa Biblia at ang matatag na panghahawak sa mga ito sa ating mga puso ay isang bagay na dapat gawin ng bawat Kristiyano. Gayunpaman, ang bawat isa sa atin ay nagkaroon ng sumusunod na karanasan sa ating pagbabasa sa Banal na Kasulatan: Minsan natatamo natin ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu; ang ating espiritu ay nakikilos, nauunawaan natin ang kalooban at mga hinihingi ng Diyos at mayroong pananampalataya upang isagawa ang mga salita ng Diyos sa ating pang-araw-araw na buhay. Pagkatapos ng ilang panahon, lumalago tayo sa ating mga espiritwal na buhay. Ngunit may mga pagkakataon, nawawalan tayo ng gana at hindi nasisiyahan sa pagbabasa natin ng Biblia at hindi madama ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu. Wala tayong diwa ng kalooban at mga hinhingi ng Diyos, at lalo pang hindi natin nalalaman kung paano isagawa ang mga salita ng Diyos sa ating pang-araw-araw na mga buhay, at pagkalipas ng ilang sandali, hindi natin nararansasan ang espiritwal na paglago.
Nob 11, 2019
Tagalog Christian Songs | Ituring ang Salita ng Diyos Bilang Batayan ng Asal Ninyo
Tagalog Christian Songs | Ituring ang Salita ng Diyos Bilang Batayan ng Asal Ninyo
Diyos umaasang hindi n'yo maaksaya
lahat ng bigay N'ya, pagpapagal N'ya;
at malalaman ninyo puso N'ya,
tinuturing salita N'ya inyong batayan.
Ⅰ
Ito ma'y mga salitang
gusto n'yong dinggin o hindi,
ito ma'y mga salitang
masaya n'yong tinatanggap o nahihirapan,
dapat n'yo itong bigyang-halaga.
Kilos n'yong mababaw at walang pakialam
magdudulot ng lungkot at muhi sa Kanya.
Diyos umaasang hindi n'yo maaksaya
lahat na bigay N'ya, pagpapagal N'ya;
at malalaman ninyo puso N'ya,
tinuturing salita N'ya inyong batayan.
Okt 3, 2019
Paano ba talaga dapat lapitan at gamitin ng isang tao ang Biblia sa isang paraang naaayon sa kalooban ng Diyos? Ano ang orihinal na halaga ng Biblia?
Paano ba talaga dapat lapitan at gamitin ng isang tao ang Biblia sa isang paraang naaayon sa kalooban ng Diyos? Ano ang orihinal na halaga ng Biblia?
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ngayon, pinag-aaralan Ko ang Biblia sa ganitong paraan at hindi ito nangangahulugan na ikinasusuklaman ko ito, o itinatanggi ang halaga nito para sa sanggunian.
Set 27, 2019
Paano malalaman ng isang tao ang banal na diwa ni Cristo?
Set 25, 2019
Ano ang Totoong Pagtanggap sa Katotohanan
Xiaohe Lungsod ng Puyang, Lalawigan ng Henan
Sa nakaraan, sa tuwing babasahin ko ang mga salita na ibinunyag ng Diyos tungkol sa kung paano hindi tinatanggap ng mga tao ang katotohanan, hindi ako naniwala na ang mga salitang ito ay naaangkop sa akin.
Set 21, 2019
Ang Kaligtasan ay Maaari Lamang Makamtan sa Pamamagitan ng Pananalig sa Makapangyarihang Diyos
Ang Kaligtasan ay Maaari Lamang Makamtan sa Pamamagitan ng Pananalig sa Makapangyarihang Diyos
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Nang si Jesus ay naparito sa mundo ng tao, dinala Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan.
Ago 23, 2019
Tagalog Christian Songs “Piniperpekto ng Diyos ang Tao sa Pamamagitan ng Mga Salita sa Kapanahunan ng Kaharian”
Tagalog Christian Songs | “Piniperpekto ng Diyos ang Tao sa Pamamagitan ng Mga Salita sa Kapanahunan ng Kaharian”
I
Sa panahong ito, matutupad ng Diyos sa inyo:
na lahat isinasagawa ang katotohanan N'ya,
na ang lahat ay isasabuhay ang Kanyang salita
at iibigin Siya sa kanilang mga puso.
Ang salita ng Diyos ay ang pundasyon ng kanilang buhay.
Lahat sila ay may mga pusong natatakot sa Diyos.
Hul 21, 2019
Ano ang Pagkakatawang-tao? Ano ang Sangkap ng Pagkakatawang-tao?
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).
“Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6).
May 26, 2019
Salita ng Diyos | "Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" (Ikalawang Bahagi)
Salita ng Diyos | "Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" (Ikalawang Bahagi)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa bawa’t pagkakataon ng gawain ng Diyos ay naroon ang mga pangitain na kailangang malaman ng tao, mga pangitain na sinusundan ng mga angkop na kinakailangan ng Diyos sa tao. Kung wala ang mga pangitaing ito bilang saligan, hindi kayang magsagawa ng tao, o makakayang lubos na sumunod sa Diyos. Kung hindi kilala ng tao ang Diyos at hindi nauunawaan ang Kanyang kalooban, lahat ng ginagawa ng tao ay walang kabuluhan, at walang kakayahang sang-ayunan ng Diyos.Kahit gaano kasagana ang mga kaloob sa tao, hindi pa rin siya maihihiwalay mula sa gawain at sa patnubay ng Diyos.
May 21, 2019
Mga Pagsasalaysay | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas
Mga Pagsasalaysay | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Tumatayo Ako sa ibabaw ng sansinukob sa bawa’t araw, nagmamasid, at mapagpakumbabang itinatago ang Aking Sarili sa Aking dakong tahanan upang maranasan ang pantaong buhay, maiging pinag-aaralan ang bawat gawa ng tao. Kailanma’y walang sinumang tunay na naghandog ng kanyang sarili sa Akin. Kailanma’y walang sinuman ang nagsikap na matamo ang katotohanan. Wala kahit isa ang kailanma’y naging napakaingat para sa Akin. Kailanma’y walang sinuman ang gumawa ng mga pagpapasya sa harap Ko at nanatili sa kanyang tungkulin.
May 18, 2019
Salita ng Buhay | "Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo" (Sipi)
Salita ng Buhay | "Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo" (Sipi)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang mga taong nagawang masama, ay namumuhay lahat sa bitag ni Satanas, nabubuhay sila sa laman, nabubuhay sa pansariling hangarin, at wala ni isa man sa kanila ang kaayon sa Akin. Mayroong ilan na nagsasabing sila ay kaayon sa Akin, ngunit lahat sila ay sumasamba sa mga malabong diyus-diyosan. Bagaman kinikilala nila ang Aking pangalan bilang banal, sila ay tumatahak sa landas na taliwas sa Akin, ang kanilang mga salita ay puno ng kayabangan at pagmamalaki, dahil, sa pinag-ugatan, silang lahat ay laban sa Akin, at lahat ay hindi kaayon sa Akin.Araw-araw silang naghahanap ng Aking mga bakas sa Biblia, at walang layong nakatatagpo ng kahit na anong mga “angkop” na sipi na binabasa nila nang walang katapusan, at kanilang binibigkas bilang mga kasulatan.
May 6, 2019
Salita ng Buhay | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos (Ikalawang Bahagi)"
Salita ng Buhay | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos (Ikalawang Bahagi)"
Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
Bagaman Nakatago ang Galit ng Diyos at Nakalihim sa Tao, Hindi Nito Kinukunsinti ang Pagkakasala
Ang Galit ng Diyos ay Isang Pananggalang sa Lahat ng Makatarungang mga Puwersa at Lahat ng Positibong mga Bagay
Bagaman si Satanas ay Mukhang Makatao, Makatarungan at Mabuti, Ito ay Malupit at Masama sa Diwa
Hindi Dapat Umasa ang Tao sa Karanasan at Imahinasyon upang Malaman ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos
Manood ng higit pa:Ano ang kalooban ng Diyos
Manood ng higit pa:Ano ang kalooban ng Diyos
Abr 26, 2019
Tagalog Gospel Songs | Ang Ugat ng Pagkalaban at Pagsuway ng Tao sa Diyos
Tagalog Gospel Songs | Ang Ugat ng Pagkalaban at Pagsuway ng Tao sa Diyos
I
Ang pagka-Diyos ni Cristo ay higit kaysa lahat ng tao.
S'yang pinakamataas na awtoridad sa lahat ng likhang nilalang.
Ito ang pagka-Diyos Niya, disposisyon at katauhan Niya.
Ang mga ito ang nagpapasiya tungkol sa pagkakakilanlan Niya.
Normal ang pagkatao Niya, iba't iba ang papel Niya,
at lubusan Niyang sinusunod ang Diyos,
gayunman walang duda, Diyos pa rin Siya.
II
Ang normal na pagkatao ni Cristo,
pakiramdam ng mga hangal ay kapintasan.
Abr 23, 2019
Salita ng Buhay | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob "Ang Ikapitong Pagbigkas"
Salita ng Buhay | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob "Ang Ikapitong Pagbigkas"
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Bayan Ko, kapag nakikinig kayo sa Aking mga salita, nauunawaan ba ninyo ang Aking kalooban? Nakikita ba ninyo ang puso Ko? Sa nakaraan, habang naglalakbay kayo sa daan ng paglilingkod, naranasan ninyo ang mga tagumpay at kabiguan, ang mga pagsulong at mga kabiguan, at may mga panahong nanganib kayong bumagsak at maging sa puntong Ako ay inyong pagtaksilan; ngunit alam ba ninyong sa bawat sandali, nakahanda Akong laging iligtas kayo? Na sa bawat sandali, lagi Kong binibigkas ang Aking tinig upang tawagin at iligtas kayo? Ilang beses na kayong nahulog sa bitag ni Satanas? Ilang beses na kayong nahuli sa mga patibong ng tao? At muli, gaano kayo kadalas mapasama sa walang katapusang pakikipagtalo sa isa’t isa, dahil nabigo kayong palayain ang inyong sarili? Gaano kadalas pumunta ang inyong mga katawan sa Aking tahanan ngunit ang inyong puso, walang nakakaalam kung nasaan? Gayon pa man, ilang beses Kong iniabot ang Aking mapagligtas na kamay upang itayo kayo; ilang beses Kong isinaboy sa inyo ang mga butil ng kaawaan; ilang beses na hindi Ko matiis na makita ang kaawa-awang kalagayan ng inyong paghihirap? Ilang beses … alam ba ninyo?"
Manood ng higit pa:Ano ang kalooban ng Diyos
Abr 19, 2019
Pagtalakay Sa Buhay Iglesia at sa Totoong Buhay
Nadadama ng mga tao na nagagawa lamang nilang magbago sa loob ng kanilang buhay sa iglesia, at kung hindi sila nabubuhay sa loob ng iglesia, ang pagbabago ay hindi posible, na hindi nila magagawang matamo ang pagbabago sa kanilang totoong buhay. Nakikilala ba ninyo kung ano ang usaping ito? Nagsalita Ako tungkol sa pagdadala sa Diyos sa totoong buhay, at ito ang landas para sa kanila na naniniwala sa Diyos upang pumasok sa realidad ng mga salita ng Diyos. Sa katunayan, ang buhay ng iglesia ay isa lamang limitadong paraan upang gawing perpekto ang tao.
Abr 10, 2019
Tagalog Christian Songs|Yaong Mga Nagmamahal sa Salita ng Diyos ay Pinagpapala
Tagalog Christian Songs|Yaong Mga Nagmamahal sa Salita ng Diyos ay Pinagpapala
I
Yaong mga handang tumanggap sa pagmamasid ng Diyos
ay yaong mga habol ang pagkakilala sa Diyos.
Sila'y handang tanggapin ang salita ng Diyos.
Kanilang makakamit, pamana't mga pagpapala ng Diyos.
Sila yaong mga pinak-apinagpala.
Isinusumpa ng Diyos ang mga walang puwang para sa Kanya.
Kinakastigo Niya't iniiwan sila.
Kung minamahal mo ang gawain ng Diyos,
minamahal ang kaliwanagan N'ya,
kung minamahal mo ang presensya ng Niya,
minamahal ang pag-iingat N'ya,
kung minamahal mo ang salita ng Diyos
bilang realidad mo at bilang panustos ng buhay,
kung gayon ika'y ayon sa puso ng Diyos.
Kung minamahal mo ang gawa ng Diyos sa iyo,
pagpapalain ka N'ya, darami ang pag-aari mo.
II
Gumagawa ang Diyos sa mga habol ang salita N'ya,
at gumagawa S'ya sa nagmamahal sa mga 'yon.
Mas minamahal mo ang mga iyon, mas gumagawa S'ya.
Mas pinahahalagahan ang salita ng Diyos,
mas may pag-asa silang magawang perpekto.
Pineperpekto ng Diyos, mga tunay na mahal S'ya,
yaong ang mga puso ay panatag sa harap Niya.
Kung minamahal mo ang gawain ng Diyos,
minamahal ang kaliwanagan N'ya,
kung minamahal mo ang presensya ng Niya,
minamahal ang pag-iingat N'ya,
kung minamahal mo ang salita ng Diyos
bilang realidad mo at bilang panustos ng buhay,
kung gayon ika'y ayon sa puso ng Diyos.
Kung minamahal mo ang gawa ng Diyos sa iyo,
pagpapalain ka N'ya, darami ang pag-aari mo.
III
Sikaping maging realidad mo ang salita ng Diyos,
pasayahin S'ya, maging ayon sa puso N'ya.
H'wag lamang sikaping biyaya N'ya'y tamasahin.
Tanggapin mga gawa Niya't maging perpekto,
maging s'ya na nagsasakatuparan ng nais N'ya.
Wala nang mas mahalaga pa kaysa rito.
Kung minamahal mo ang gawain ng Diyos,
minamahal ang kaliwanagan N'ya,
kung minamahal mo ang presensya ng Niya,
minamahal ang pag-iingat N'ya,
kung minamahal mo ang salita ng Diyos
bilang realidad mo at bilang panustos ng buhay,
kung gayon ika'y ayon sa puso ng Diyos.
Kung minamahal mo ang gawa ng Diyos sa iyo,
pagpapalain ka N'ya, darami ang pag-aari mo.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:Tagalog Worship Songs
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)