菜單

Abr 20, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Interpretasyon ng Ikalabinlimang Pagbigkas

Interpretasyon ng Ikalabinlimang Pagbigkas

    Ang pinakamalaking kaibahan sa pag-itan ng Diyos at ng tao ay na palaging eksakto ang mga salita ng Diyos, at walang itinatago. Kaya makikita sa mga unang salita ngayon ang aspetong ito ng disposisyon ng Diyos. Isang aspeto ay inilalantad nito ang mga tunay na kulay ng tao, at isa pang aspeto ay na hayagang ibinubunyag nito ang disposisyon ng Diyos. Ang mga ito ay dalawang mapagkukunan ng kung paanong nakakamtan ng mga salita ng Diyos ang mga resulta. Gayunpaman, hindi ito natatarok ng mga tao, lagi lamang nilang nakikilala ang kanilang mga sarili sa mga salita ng Diyos nguni’t hindi pa “nasuri” ang Diyos. Tila lubha silang natatakot na masaktan Siya, na papatayin sila ng Diyos dahil sa kanilang “pagiging maingat.” Sa katunayan, kapag kumakain at umiinom ng salita ng Diyos ang karamihan sa mga tao, mula ito sa isang negatibong aspeto, hindi isang positibong aspeto. Maaring masabi na nagsimula ngayon na “magtuon sa kababaang-loob at pagsunod” ang mga tao sa ilalim ng patnubay ng Kanyang mga salita. Makikita rito na nagsimulang pumunta ang mga tao sa isa pang kalabisan, mula sa hindi pagbibigay-pansin sa Kanyang mga salita tungo sa labis na pansin sa Kanyang mga salita. Gayunman wala pa kailanmang isang tao na nakapasok mula sa isang positibong aspeto, at wala pa kailanmang isang tao na tunay na nakátárók sa layunin ng Diyos na bigyang-pansin ng tao ang Kanyang mga salita. Nalalaman ito mula sa sinabi ng Diyos na hindi Niya kailangang personal na makaranas ng buhay ng iglesia upang maunawaan ang aktwal na kalagayan ng lahat ng mga tao sa iglesia, nang tumpak at walang pagkakamali. Dahil kapapasok pa lamang sa isang bagong paraan, hindi pa rin ganap na naaalis ng lahat ng mga tao ang kanilang mga negatibong elemento; nalalanghap pa rin ang amoy ng mga bangkay sa buong simbahan. Para itong kaiinom pa lamang ng mga tao ng gamot at wala pa ring ulirat, at hindi pa ganap na nagkakamalay. Para itong pinagbabantaan pa rin sila ng kamatayan, kaya nasa gitna pa rin sila ng kanilang pagkatakot at hindi nila mahigitan ang kanilang sarili. “Ang tao ay nilalang na walang sariling kaalaman.”: Sinasabi pa rin ang pahayag na ito batay sa paraan ng pagtatayo ng iglesia. Sa iglesia, bagaman nagbibigay-pansin sa mga salita ng Diyos ang lahat, malalim na nakaugat ang kanilang mga kalikasan at hindi nila kayang pawalan ang kanilang mga sarili. Ito ang dahilan kung bakit ginagamit ng Diyos ang paraan ng pagsasalita mula sa huling yugto upang hatulan ang mga taong tanggapin ang pananakit ng mga salita ng Diyos habang sila ay punung-puno ng kanilang mga sarili. Kahit na sumailalim ang mga tao sa limang buwan ng pagpipino sa hukay na walang-hanggan, isang wala pa ring pagkilala sa Diyos ang kanilang aktwal na kalagayan. Talipandas pa rin sila—medyo naragdagan lamang ang kanilang pag-iingat sa Diyos. Tanging sa hakbang na ito nagsimulang makapasok ang mga tao sa daan ng pagkakaalam sa mga salita ng Diyos, kaya kapag gumagawa ng ugnayan sa kakanyahan ng mga salita ng Diyos, hindi mahirap makita na nagbigay-daan para ngayon ang nakaraang hakbang ng gawain, at ngayon lamang pinapaging-normal ang lahat ng bagay. Ang mortal na kahinaan ng mga tao ay ang pagnanais na ihiwalay ang Espiritu ng Diyos mula sa Kanyang sariling katawang-tao upang magtamo sila ng personal na kalayaan, upang maiwasan ang palaging pagiging-napipigilan. Ito ang dahilan kung bakit inilalarawan ng Diyos ang tao bilang maliliit na ibon na masayang palipad-lipad. Ito ang aktwal na kalagayan ng buong sangkatauhan. Ito ang siyang gumagawa na napakadaling pabagsakin ang lahat ng tao, ang gumagawa na napakadali para sa kanila na mawala. Makikita mula rito na ang gawaing ginagawa ni Satanas sa sangkatauhan ay walang iba kundi ito. Higit pang ginagawa ito ni Satanas sa mga tao, higit pang mahigpit ang kinakailangan ng Diyos sa kanila. Kinakailangan Niya na bigyang pansin ng mga tao ang Kanyang mga salita at nagpapagal na maigi si Satanas para wasakin ito. Gayunpaman, ang Diyos ay laging napaaalalahanan ang mga tao na magbigay nang higit na pansin sa Kanyang mga salita; ito ang tugatog ng digmaan ng espirituwal na mundo. Maaaring sabihin ito nang ganito: Kung ano ang nais ng Diyos na gawin sa tao iyon mismo ang gustong wasakin ni Satanas, at nahahayag sa pamamagitan ng tao nang walang pagkatago man lamang kung ano ang gustong wasakin ni Satanas. May mga malinaw na pagpapakita ang ginagawa ng Diyos sa mga tao—pahusay nang pahusay ang kanilang mga kalagayan. Maliwanag na kinakatawan din ang pagwasak ni Satanas sa sangkatauhan—pasámâ sila nang pasámâ at lumulubog pababa nang pababa ang kanilang mga kalagayan. Maaari silang mabihag ni Satanas kung sapat nang kalunos-lunos. Ito ang aktwal na kundisyon ng iglesia na naipakita sa mga salita ng Diyos, at ito rin ang aktwal na sitwasyon ng espirituwal na mundo. Panganganinag ito ng dinamika ng espirituwal na mundo. Kung walang pagtitiwala ang mga tao na makipagtulungan sa Diyos, nasa panganib silang mabihag ni Satanas. Ito ay isang katunayan. Kung tunay na lubos na makakapag-alay ang tao ng kanilang puso para masakop ng Diyos, iyon ay tulad ng sinabi ng Diyos: “sa Aking harapan, siya ay tila nakahimlay sa loob ng Aking yakap, nilalasap ang init ng Aking yakap.” Ipinakikita nito na hindi matayog ang mga kinakailangan ng Diyos sa sangkatauhan—kailangan lamang Niya silang tumayo at makipagtulungan sa Kanya. Hindi ba ito isang madali at masayang bagay? At nakalito ang isang bagay lamang na ito sa lahat ng mga bayani? Para ba itong pinaupo ang mga heneral sa larangan ng digmaan sa paligid ng isang xiu lou[a] na gumagawa ng pagbuburda—hindi pinakilos ng paghihirap ang mga “bayaning” ito at hindi nila alam kung ano ang dapat nilang gawin.

    Sa anumang aspetong pinakamalaki ang mga kinakailangan ng Diyos sa sangkatauhan, nangangahulugan ito na ang mga pag-atake ni Satanas sa sangkatauhan ang pinaka-seryoso sa aspetong iyon, at nabubunyag ang mga kalagayan ng lahat ng mga tao sa pamamagitan nito “… sino sa inyo ang tatayo sa Aking harapan na kasing-puti ng pinaspas na niyebe, tulad ng walang-dungis na lantay na jade?” Nanlilinlang pa rin at nagtatago ng isang bagay mula sa Diyos ang lahat ng mga tao; ginagawa pa rin nila ang kanilang sariling natatanging mapandayang negosyo. Hindi nila lubos na naibigay ang kanilang mga puso sa mga kamay ng Diyos upang Siya ay mabigyang-kasiyahan, nguni’t nais nilang makamtan ang Kanyang mga gantimpala sa pamamagitan ng kanilang sariling sigasig. Kapag may masarap na pagkain ang mga tao, hinahayaan nilang nakatayo ang Diyos sa isang tabi, iniiwan Siya sa kanilang kaawaan. Kapag may magarang damit ang mga tao, tumatayo lamang sila sa harap ng salamin na nasisiyahan sa kanilang sariling kariktan, at hindi binibigyang-kasiyahan ang Diyos mula sa kalaliman ng kanilang mga puso. Kapag mayroon na silang tayog, kapag mayroon na silang maluhong mga pagtatamasa, nananatili na lamang sila sa kanilang katayuan at nagsisimulang lasapin ito, nguni’t hindi sila nagpapakumbaba sa pagkakaangat sa kanila ng Diyos. Sa halip, nakatayo sila sa kanilang mataas na dako ginagamit ang kanilang mga mapagmataas na salita at hindi binigyang-pansin ang presensya ng Diyos, ni hindi nila sinisikap na makilala ang kahalagahan ng Diyos. Kapag may diyus-diyosan ang mga tao sa kanilang mga puso o kapag naagaw ng ibang tao ang kanilang mga puso, kung gayon natanggihan na nila ang presensya ng Diyos, at para bang isang mapanghimasok ang Diyos sa kanilang mga puso. Lubha nilang kinatatakutan na nanakawin ng Diyos ang pag-ibig ng ibang tao sa kanila at malulumbay sila. Ayon sa intensyon ng Diyos, walang anuman sa lupa ang magsasanhi sa mga tao na bale-walain ang Diyos; kahit na ang pag-ibig sa pag-itan ng mga tao ay hindi magagawang itaboy ang Diyos mula sa “pag-ibig” na iyon. Walang laman ang lahat ng mga maka-lupang bagay, maging ang mga damdamin sa pag-itan ng mga tao na hindi nakikita o nahahawakan. Kung wala ang pag-iral ng Diyos, babalik sa wala ang lahat ng mga nilalang. Sa lupa, may sari-sariling mga bagay na minamahal ang lahat ng mga tao, nguni’t hindi pa kailanman nagkaroon ng isang tao na ginawa ang mga salita ng Diyos na yaong bagay na kanilang minamahal. Itinatakda nito ang antas ng pagkaunawa ng mga tao sa mga salita ng Diyos. Bagaman masasakit ang Kanyang mga salita, hindi nasasaktan ang mga tao dahil hindi sila tunay na nagbibigay-pansin sa Kanyang mga salita, sa halip ay tinitingnan nila ito tulad ng isang bulaklak. Hindi nila tinatrato ang mga ito tulad ng prutas na kanila mismong titikman, kaya hindi nila alam ang kakanyahan ng mga salita ng Diyos. “Kung ang mga taong nilalang ay tunay na makikita ang talim ng Aking espada, sila ay magsisitakbo na parang mga daga sa kanilang mga lungga.” Sa pagsasalita batay sa kalagayan ng isang taong normal, pagkatapos mabasa ang mga salita ng Diyos matitigilan sila, puno ng kahihiyan, at hindi makahaharap sa iba. Nguni’t mismong kabaligtaran ang mga tao ngayon—ginagamit nila ang mga salita ng Diyos bilang isang sandata upang manakit sa iba. Talagang wala silang kahihiyan!
    Nadálá tayo sa kalagayang ito kasabay ng mga salita ng Diyos: “Sa loob ng kaharian, hindi lamang ang mga isyung pagbigkas ang galing sa Aking bibig, kundi ang Aking mga paa rin ay naglalakad nang may makaseremonyal saan mang dako ng lupa.” Sa digmaan sa pag-itan ng Diyos at ni Satanas, nagtatagumpay ang Diyos sa bawa’t hakbang na dinaraanan. Malakihang pinalalawak Niya ang Kanyang gawain sa buong sansinukob, at masasabing nasa lahat ng dako ang Kaniyang mga yapak, at makikita sa lahat ng dako ang mga tanda ng Kanyang tagumpay. Ayon sa mga pakana ni Satanas, nais nitong wasakin ang pamamahala ng Diyos sa pagwawatak-watak ng mga bansa, nguni’t nagamit ito ng Diyos upang muling buuin ang buong sansinukob, nguni’t hindi para lipulin ito. Gumagawa ang Diyos ng isang bagong bagay araw-araw nang hindi namamalayan ng mga tao. Hindi binibigyang-pansin ng mga tao ang dinamika ng espirituwal na mundo, kaya hindi nila makita ang bagong gawain ng Diyos. “Sa buong kalawakan, lahat ay nagiging bago ayon sa ningning ng Aking kaluwalhatian, naglalahad ng kagiliw-giliw na anyo na bibihag sa damdamin at mag-aangat sa espiritu, na tila ito ay namamarati sa isang langit sa kabilang dako pa ng kalangitan, na nabuo sa isip ng tao, hindi nabahiran ni Satanas, at malaya sa pagsalakay ng mga kaaway mula sa labas.” Patiunang inilalarawan nito ang masayang tagpo ng kaharian ni Cristo sa lupa, at ipinakikilala rin nito ang sitwasyon ng ikatlong langit sa sangkatauhan: Mayroon lamang tanging pag-iral ng mga banal na bagay na nauukol sa Diyos nang walang anupamang mga pagsalakay ng mga pwersa ni Satanas. Pero ang pagpapahintulot sa mga tao na makita ang mga kalagayan ng gawain ng Diyos Mismo sa lupa ang pinakamahalaga: Ang langit ay isang bagong langit, at kasunod nito ang pagpapabago rin sa lupa. Dahil ito ang buhay sa ilalim ng sariling patnubay ng Diyos, hindi-masukat ang kaligayahan ng lahat ng tao. Sa kamalayan ng mga tao, si Satanas ay bilanggo ng sangkatauhan at hindi man lamang sila nangingimi o natatakot dahil sa pag-iral nito. Dahil sa direktang pagtuturo at patnubay mula sa pagkaDiyos, napunta sa wala ang mga pakana ni Satanas, na nagpapatunay pa nga na hindi na ito umiiral, na ito ay napawi na ng gawain ng Diyos. Iyon ang dahilan kung bakit sinasabi na umiiral ang tao sa isang langit sa kabila ng mga kalangitan. Ang sinabi ng Diyos: “Walang kaguluhan ang nangyari kailanman, ni hindi nasira ang pagkakaisa ng buong kalawakan kailanman,” ay tungkol sa kalagayan ng espirituwal na mundo. Patunay ito kung saan ipinahahayag ng Diyos ang pagtatagumpay kay Satanas, at palatandaan ito ng pangwakas na tagumpay ng Diyos. Walang taong maaaring makapagbago ng isip ng Diyos, at walang sinuman ang makakaalam nito. Bagaman nabasa ng mga tao ang mga salita ng Diyos at nasuri ito nang seryoso, kung anuman, hindi nila masasabi kung ano ang kakanyahan nito. Halimbawa, sinabi ng Diyos: “Ako ay gumagawa ng mga paglipad na lukso sa ibabaw ng mga bituin, at kapag pinakikislap ng araw ang mga sinag nito, pinapawi Ko ang kanilang init mula sa langit, magpapadala ng mga higanteng mala-bulak na niyebe na sinlaki ng balahibo ng gansa na lumulutang pababa mula sa Aking mga kamay. Ngunit kapag binago ko ang Aking isip, lahat ng niyebe ay matutunaw patungo sa ilog. Sa isang iglap, ang tagsibol ay darating saan man sa ilalim ng kalangitan, at ang luntiang esmeralda ay babaguhin ang anyo ng buong lupain sa ibabaw ng mundo.” Bagaman kayang ilarawan ng mga tao ang mga salitang ito sa kanilang isipan, hindi ganoon ka-simple ang intensiyon ng Diyos. Kapag natútulálâ ang lahat sa silong ng langit, binibigkas ng Diyos ang tinig ng kaligtasan, ginigising ang mga puso ng mga tao. Nguni’t dahil sumasapit ang lahat ng uri ng mga sakuna, nararamdaman nila ang kapanglawan ng mundo kaya hinahanap nilang lahat ang kamatayan at nasa nakapangangaligkig na nagyeyelong mga yungib. Nagyeyelo sila sa ginaw ng malalakas na mga bagyo ng niyebe sa punto na hindi sila maaaring mabuhay dahil walang init sa lupa. Ito ay dahil sa katiwalian ng mga tao kaya ang mga tao ay nagpapatayan nang higit pang may-kalupitan. At sa iglesia, malululon ng malaking pulang dragon sa isang lunok ang mayorya ng mga tao. Makalipas ang lahat ng mga pagsubok, tatanggalin ang mga panggagambala ni Satanas. Malalaganapan ng tagsibol ang buong mundo at lulukuban ng init ang mundo, sa gitna ng pagbabagong-anyo. Mapupuno ng enerhiya ang mundo. Lahat ng mga ito ang mga hakbang ng buong plano ng pamamahala. Ang kahalagahan ng “gabi” na binabanggit ng Diyos ay tumutukoy sa kung kailan umaaabot sa taluktok nito ang kabaliwan ni Satanas, na magiging sa gabi. Hindi ba iyan ang kasalukuyang kalagayan? Bagaman nakararaos ang lahat ng tao sa ilalim ng patnubay ng liwanag ng Diyos, sumasailalim sila sa kahapisan ng kadiliman ng gabi. Mamumuhay sila magpakailanman sa gitna ng isang madilim na gabi kung hindi sila makatakas mula sa mga pagkagapos ni Satanas. Kung gayon tingnan ang mga bansa sa lupa: Dahil sa mga hakbang ng gawain ng Diyos, “paroo’t parito” ang mga bansa sa lupa, lahat sila ay naghahanap ng kanilang sariling angkop na hantungan. Dahil hindi pa dumating ang araw ng Diyos, nasa kalagayan ng maputik na kaguluhan pa ang lahat sa lupa. Kapag hayagang nagpakita ang Diyos sa buong sansinukob, mapupuno ang Bundok Sion ng Kanyang kaluwalhatian at maayos at maimis ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng pagsasaayos ng Kanyang mga kamay. Hindi lamang nagsasalita sa ngayon ang mga salita ng Diyos kundi patiuna ring sinasabi ang kinabukasan. Ngayon ang pundasyon ng bukas, kaya hindi ganap na nauunawaan ng mga tao sa kasalukuyan ang mga salita ng Diyos. Matapos lamang matupad nang lubusan ang Kanyang mga salita magagawa nilang maunawaan ang kabuuan ng mga ito.
    Pinupuspos ng Espiritu ng Diyos ang buong kalawakan ng sansinukob nguni’t gumagawa rin Siya sa loob ng lahat ng mga tao. Sa ganitong paraan, sa puso ng mga tao tila ang anyo ng Diyos ay nasa lahat ng dako, at nagtataglay ng gawain ng Kanyang Espiritu ang bawa’t lugar. Tunay nga, ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao ay upang lupigin ang mga halimbawang ito ni Satanas at sa katapusan upang makamtan ang mga ito. Nguni’t habang gumagawa sa katawang-tao, nakikipagtulungan din sa katawang-tao ang Espiritu upang mapabagong-anyo ang mga taong ito. Maaaring sabihin na umaabot hanggang sa buong mundo ang mga gawa ng Diyos at pinupuno ng Kanyang Espiritu ang buong sansinukob, nguni’t dahil sa mga hakbang ng Kanyang gawain, hindi naparurusahan ang mga gumagawa ng masama, habang hindi nagagantimpalaan ang gumagawa ng mabuti. Kaya, hindi napupuri ng lahat ng mga tao sa lupa ang Kanyang mga gawa. Kapwa nasa itaas at nasa loob ng lahat ng mga bagay ang Diyos, at higit pa, nasa gitna Siya ng lahat ng mga tao. Sapat ito upang ipakita ang aktwal na pag-iral ng Diyos. Dahil hindi Siya lantarang nagpakita sa sangkatauhan, nabuuan ang mga tao ng mga ilusyon tulad ng: “Pagdating sa mga nauukol para sa tao, …; tila may tunay na pag-iral Ako, ngunit Ako rin ay tila hindi buhay.” Magpahanggang sa ngayon, mula sa lahat ng mga naniniwala sa Diyos, walang lubusan at isandaang porsyentong tiyak na tunay na umiiral ang Diyos. Lahat sila ay tatlong bahaging pag-aalinlangan at dalawang bahaging paniniwala. Ito ang aktwal na sitwasyon para sa sangkatauhan. Nasa sumusunod na kalagayan ang lahat ng tao ngayon: Naniniwala sila na mayroong isang Diyos, nguni’t hindi nila Siya nakita. O, hindi sila naniniwala na mayroong isang Diyos, nguni’t maraming mga paghihirap na hindi nalulutas ng sangkatauhan. Tila palaging may isang bagay na sumasabid sa kanila na hindi nila matakasan. Kahit na naniniwala sila sa Diyos, tila palagi silang may nararamdamang kaunting kalabuan. Nguni’t kung hindi sila naniniwala, matatakot silang mawalan kung talagang totoo ito. Ito ang kanilang pag-aalinlangan.
    “Alang-alang sa Aking Pangalan, alang-alang sa Aking Espiritu, alang-alang sa Aking plano sa pamamahala—sino ang may kakayahang mag-alay ng lahat ng kanyang lakas ng pangangatawan?” At sinabi rin Niya: “Ngayon, kapag ang kaharian ay nasa mundo ng mga tao, ang panahon na Ako ay darating sa mundo ng mga tao bilang tao. Kung hindi nangyari ito, mayroon bang sinuman na malakas ang loob na lumaban sa digmaan alang-alang sa Akin?” Ito ang layunin ng mga salita ng Diyos: Kung hindi dahil sa direktang paggawa ng Diyos sa katawang-tao ng Kanyang makaDiyos na gawain, o kung hindi dahil sa Diyos na nagkatawang-tao sa halip gumawa Siya sa pamamagitan ng mga ministro, kung gayon hindi kailanman malulupig ng Diyos ang malaking pulang dragon, at hindi Niya magagawang mamahala bilang Hari sa gitna ng sangkatauhan. Hindi makikilala ng sangkatauhan ang Diyos Mismo sa realidad, sa gayon magiging pamamahala pa rin ito ni Satanas. Kaya, dapat gawin nang personal ang yugtong ito ng gawain sa pamamagitan ng katawang-tao ng Diyos. Kung pinalitan ang katawang-tao, hindi maaaring makumpleto ang yugtong ito ng plano dahil hindi magkatulad ang kahalagahan at kakanyahan ng magkaibang laman. Maaari lamang maintindihan ng mga tao ang literal na kahulugan ng mga salitang ito dahil natatarok ng Diyos ang pinaka-ugat. Sinabi ng Diyos: “Ngunit, kapag ang lahat ay nasabi at nagawa na, wala nang nakakaintindi kung ito ba ay ang pagkilos ng Espiritu, o tungkulin ng laman. Itong isang bagay na ito ay sapat na upang maranasan ng tao sa pinakamaliit na detalye nito habambuhay.” Patuloy na ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao sa loob ng maraming taon, at malaon na silang nawalan ng pandama sa espirituwal na mga bagay. Dahil dito parang kapistahan na sa paningin ng mga tao ang isang pangungusap ng mga salita ng Diyos. Dahil sa agwat sa pag-itan ng Espiritu at mga espiritu, may pandama ng pananabik sa Diyos ang lahat ng mga taong naniniwala sa Kanya, handa ang lahat na maging mas malapit at ibuhos ang kanilang mga puso, gayunman hindi sila naglalakas-loob na makipag-ugnayan sa Kanya, at nananatili sila sa panggigilalas. Ito ang kapangyarihan ng pagbighani ng Espiritu. Dahil isang Diyos para mahalin ng mga tao ang Diyos, at mayroong mga walang-katapusang elemento sa Kanya para mahalin nila, minamahal Siya at nais Siyang pagkatiwalaan ng lahat ng tao. Sa katotohanan, may puso ng pag-ibig sa Diyos ang bawa’t isa, nagawa lamang ng paggambala ni Satanas na maging manhid, mapurol-ang-isip, at kaawa-awa ang mga tao upang hindi makilala ang Diyos. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ng Diyos ang tunay na damdamin ng sangkatauhan sa Diyos: “Hindi kailanman Ako hinamak ng sangkatauhan sa kaibuturan ng kanyang puso; bagkus, kumapit siya sa Akin sa kaibuturan ng kanyang kaluluwa.… Ang Aking katotohanan ay naghahatid ng pagkawala sa tao, pagkabigla at pagkalito, ngunit, handa pa rin niyang tanggapin ang lahat ng ito.” Ito ang aktwal na kundisyon sa kaibuturan ng puso ng mga taong naniniwala sa Diyos. Kapag tunay na nakikilala ng mga tao ang Diyos natural na magkakaroon sila ng ibang saloobin sa Kanya, at makabibigkas sila ng mga papuri mula sa kaibuturan ng kanilang mga puso dahil sa ginagampanan ng espiritu. Nasa kaibuturan ng mga espiritu ng lahat ng mga tao ang Diyos, nguni’t dahil sa katiwalian ni Satanas napagkamalian nilang Diyos si Satanas. Gumagawa ang Diyos ngayon mula sa mismong aspetong ito, at ito ang naging tuon ng labanan ng espirituwal na mundo mula simula hanggang katapusan.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mga talababa:
a. Isang lugar ang xiu lou sa sinaunang Tsina na partikular na ginagamit para sa mga kababaihan upang gumawa ng pagbuburda.
Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal
Ang pinagmulan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan
Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal