Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ngunit sa puso ni Noe at sa kanyang kamalayan, ang pag-iral ng Diyos ay ganap at walang alinlangan, at kaya ang kanyang pagsunod sa Diyos ay walang halo at kayang tumayo sa pagsubok. Ang kanyang puso ay malinis at bukas sa Diyos. Hindi niya kailangan ng masyadong maraming kaalaman sa mga doktrina upang makumbinsi ang sarili niyang sumunod sa bawat salita ng Diyos, ni hindi rin niya kailangan ng maraming katunayan upang patunayan ang pag-iral ng Diyos, upang matanggap niya kung ano ang ipinagkatiwala ng Diyos at makayang gawin ang anumang ipinagagawa sa kanya ng Diyos. Ito ang mahalagang pagkakaiba ni Noe at ng mga tao sa kasalukuyan, at ito rin ang tiyak na tunay na kahulugan ng kung ano ang isang perpektong tao sa mata ng Diyos. Ang nais ng Diyos ay mga taong tulad ni Noe. Siya ang uri ng taong pinupuri ng Diyos, at tiyak rin na uri ng taong pinagpapala ng Diyos. May natanggap ba kayong anumang pagliliwanag mula rito? Ang mga tao ay tumitingin sa mga tao mula sa labas, samantalang ang tinitingnan ng Diyos ay ang mga puso ng mga tao at ang kanilang diwa."