Abr 30, 2018
Abr 29, 2018
Awit ng Pagsamba | Ang Kaligayahan sa Mabuting Lupain ng Canaan
I
Balik sa pamilya ng Diyos, sabik at masaya.
Makilala Ka'y karangalan ko,
puso ko'y alay sa 'Yo tunay na Diyos,
ibinigay ko ang aking puso sa Iyo.
Lambak ng Luhang ma'y dinaanan, rikit ng Diyos kita.
Pag-ibig sa Diyos lumalago, galak ko'y galing Sa 'Yo.
Ganda ng Diyos, at likha Niya, puso'y kapit sa Kanya.
Pag-ibig ko sa Diyos di-sapat, awit sa puso ko'y umigkas.
Awit ng Papuri | Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan
I
Ibinigay ng Diyos luwalhati Niya sa Israel
at inalis ito mula roon,
dala ang mga Israelita’t lahat ng tao sa Silangan.
Lahat sila’y inakay ng D’yos sa liwanag
nang sila’y muling magkasama’t makisama sa liwanag,
‘di na kailangang hanapin, hanapin ang liwanag.
Hahayaan ng Diyos ang lahat ng naghahanap
na makitang muli ang liwanag
at ang kaluwalhatian Niya sa Israel,
makita ang Diyos na bumaba sa puting ulap
sa gitna ng mga tao,
makita ang mga puting ulap, makita ang mga kumpol ng prutas,
makita si Jehova Diyos ng Israel, Diyos ng Israel,
makita ang Maestro ng mga Judio,
makita ang inaasam na Mesiyas,
at buong hitsura Niyang inusig ng mga hari sa buong panahon.
at inalis ito mula roon,
dala ang mga Israelita’t lahat ng tao sa Silangan.
Lahat sila’y inakay ng D’yos sa liwanag
nang sila’y muling magkasama’t makisama sa liwanag,
‘di na kailangang hanapin, hanapin ang liwanag.
Hahayaan ng Diyos ang lahat ng naghahanap
na makitang muli ang liwanag
at ang kaluwalhatian Niya sa Israel,
makita ang Diyos na bumaba sa puting ulap
sa gitna ng mga tao,
makita ang mga puting ulap, makita ang mga kumpol ng prutas,
makita si Jehova Diyos ng Israel, Diyos ng Israel,
makita ang Maestro ng mga Judio,
makita ang inaasam na Mesiyas,
at buong hitsura Niyang inusig ng mga hari sa buong panahon.
Ang Kalooban ng Diyos | Ang Pagpapaliwanag sa Ikatatlumpu’t isang Pagbigkas
Ang Pagpapaliwanag sa Ikatatlumpu’t isang Pagbigkas
Ang disposisyon ng Diyos ay tumatakbo sa lahat ng mga pagbigkas ng Diyos, ngunit ibinubunyag ng pangunahing hibla ng Kanyang mga salita ang paghihimagsik ng buong sangkatauhan at inilalantad ang mga bagay gaya ng kanilang pagsuway, pagsusuwail, kawalang-katarungan, kabuktutan, at kawalang-kakayahang tunay na mahalin ang Diyos. Ito ay tulad na, ang mga salita ng Diyos ay nakakarating sa punto na sinasabi Niya na ang bawat napakaliit na butas sa mga katawan ng tao ay nagtataglay ng pagsalungat sa Diyos, na kahit pati ang kanilang pinakamaliliit na ugat ay nagtataglay ng pagsuway sa Diyos. Kung hindi ito susubukang suriin ng mga tao, palagi silang mawawalan ng kakayahang malaman ang mga iyon, at hindi kailanman makakayanang itapon ang mga ito. Ibig sabihin, kakalat sa kanila ang mikrobyo ng pagtutol sa Diyos at sa huli, para bang nilamon ng kanilang mga puting mga selula ng dugo ang kanilang mga pulang mga selula ng dugo, iniiwan ang kanilang buong katawan na wala nang pulang mga selula ng dugo; sa huli, mamamatay sila mula sa lukemya. Ito ang tunay na estado ng tao, at walang sinuman ang makatatanggi nito. Ipinanganak sa bayan kung saan naninirahan nang nakapulupot ang dakilang pulang dragon, sa lahat ng mga tao mayroong kahit isang bagay na naglalarawan at nagpapakita ng kamandag ng dakilang pulang dragon. Kung gayon, sa yugtong ito ng gawain, ang pagkilala sa sarili ang pangunahing hibla sa lahat ng bahagi sa mga salita ng Diyos, pagtanggi sa sarili, pagtalikod sa sarili, at pagpatay sa sarili. Maaaring sabihin na ito ang pangunahing gawa noong mga huling araw, at ang saklaw na ito ng gawain ang pinakakomprehensibo at mabusisi sa lahat—na siyang nagpapakita na nagpaplano ang Diyos na dalhin ang kapanahunan sa isang katapusan. Walang sinuman ang inasahan ito, ngunit isa rin itong bagay na kanilang inasam sa kanilang mga pandama. Kahit hindi ito sinasabi ng Diyos nang masyadong tahasan, ang mga pandama ng mga tao ay labis na talamak—lagi nilang nararamdaman na maiksi ang panahon. Maaari kong sabihin na mas lalong nararamdaman ito ng isang tao, mas lalo siyang may isang malinaw na kaalaman sa kapanahunan. Hindi ito ang kaso na kanyang nakita na normal ang mundo, at sa gayon itinatanggi ang mga salita ng Diyos; sa halip, dahil sa mga paraan ng mga gawain ng Diyos, nalaman niya kung ano ang nilalaman sa loob ng gawain ng Diyos, na tinutukoy sa tono ng mga salita ng Diyos. Mayroong isang sikreto sa tono ng mga pagbigkas ng Diyos, na kung saan walang sinuman ang nakakadiskubre at tiyak din kung ano ang pinakamahirap para sa karamihan ng mga tao na pasukin. Ang pananatiling mangmang ng mga tao sa tono na siyang gamit ng Diyos sa pananalita ang suliranin kung bakit hindi kayang maunaawaan ng mga tao ang mga salita ng Diyos—at kapag nalaman na nila nang mabuti ang sikretong ito, kakayanin na nila ang ilang kaalaman sa mga salita ng Diyos. Palaging sinusunod ng mga salita ng Diyos ang isang prinsipyo: ang dulutan ang mga tao na malaman na ang mga salita ng Diyos ay ang lahat-lahat, at nireresolba ang lahat ng mga paghihirap ng tao sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Mula sa perspektibo ng Espiritu, pinapasimple ng Diyos ang Kanyang mga gawa, mula sa perspektibo ng tao, inilalantad Niya ang mga pagkakaintindi ng mga tao, mula sa perspektibo ng Espiritu, sinasabi Niya na hindi mapag-intindi ang tao sa Kanyang kalooban, at mula sa perspektibo ng tao, sinasabi Niya na natikman na Niya ang matamis, maasim, mapait, at maanghang na mga lasa ng karanasan ng tao, na sa gitna ng hangin at ulan, nararanasan Niya ang pag-uusig ng pamilya, at nararanasan ang mga tagumpay at kabiguan ng buhay. Ang mga ito ang mga salitang sinabi mula sa iba’t ibang mga perspektibo. Kapag nakikipag-usap Siya sa sambayanan ng Diyos, para itong isang tagapangalaga ng bahay na pinagsasabihan ang mga alipin, o kagaya ng isang nakakatawang palabas; iniwan ng Kanyang mga salita na pulahang-mukha ang mga tao, na walang lugar upang mapagtaguan mula sa kahihiyan, na para bang naikulong sila ng mga pyudal na awtoridad upang magbigay ng isang kumpisal sa ilalim ng matinding pagpapahirap. Kapag nakikipag-usap Siya sa sambayanan ng Diyos, walang pigil ang Diyos kagaya ng mga nagpoprotestang mag-aaral sa unibersidad na nagsisiwalat ng mga eskandalo sa loob ng sentral na gobyerno. Kung mapanukso ang lahat ng mga salita ng Diyos, magiging mas mahirap ang mga ito upang tanggapin ng mga tao; kung gayon, prangkahan ang mga salitang sinabi ng Diyos, hindi sila naglalaman ng mga kodigong lihim para sa tao, ngunit ipinupunto nito nang direkta ang aktwal na estado ng tao—na siyang nagpapakita na hindi lamang mga salita ang pagmamahal ng Diyos sa tao, ngunit totoo. Kahit na pinahahalagahan ng mga tao ang pagiging totoo, walang totoo tungkol sa kanilang pagmamahal sa Diyos. Ito ang siyang kulang sa tao. Kung hindi totoo ang pagmamahal ng tao para sa Diyos, kung gayon, magiging walang saysay at hindi makatotohanan ang kabuuan ng lahat, na para bang maglalaho ang lahat dahil dito. Kung malalampasan ng kanilang pag-ibig para sa Diyos ang mga sansinukob, kung gayon, ganoon din ang kanilang estado at pagkakakilanlan, at kahit ang mga salitang ito, magiging tunay, at hindi hungkag—nakikita mo ba ito? Nakikita mo ba ang mga kinakailangan ng Diyos para sa tao? Hindi dapat tamasahin lamang ng tao ang mga biyaya ng katayuan, ngunit isabuhay ang realidad ng katayuan. Ito ang hinihingi ng Diyos sa sambayanan ng Diyos, at ang lahat ng sa tao, at hindi isang malaking hungkag na teorya.
Abr 28, 2018
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Tunay Ngang Dumating ang Diyos sa Gitna ng Mga Tao
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Tunay Ngang Dumating ang Diyos sa Gitna ng Mga Tao
Dinadala ng Diyos ang wakas ng sangkatauhan sa mundo ng tao.
Pagkatapos, nilalantad N’ya Kanyang buong disposisyon,
upang lahat ng taong nakakakilala at hindi sa Diyos
masisiyahang tititigan at nakikita na pumaparito ang Diyos
sa kalagitnaan ng mga tao,
sa lupa kung sa’n lahat ng bagay lumalago.
Ito ang plano ng Diyos.
Ito ang tangi Niyang “pahayag” mula nang nilalang niya ang tao.
Nais ng Diyos na
buong-puso niyong pagmasdan ang bawat kilos Niya,
dahil tungkod Niya’y nalalapit na naman sa sangkatauhan.
Lumalapit ito sa sangkatauhang tumututol sa Kanya.
Pagkatapos, nilalantad N’ya Kanyang buong disposisyon,
upang lahat ng taong nakakakilala at hindi sa Diyos
masisiyahang tititigan at nakikita na pumaparito ang Diyos
sa kalagitnaan ng mga tao,
sa lupa kung sa’n lahat ng bagay lumalago.
Ito ang plano ng Diyos.
Ito ang tangi Niyang “pahayag” mula nang nilalang niya ang tao.
Nais ng Diyos na
buong-puso niyong pagmasdan ang bawat kilos Niya,
dahil tungkod Niya’y nalalapit na naman sa sangkatauhan.
Lumalapit ito sa sangkatauhang tumututol sa Kanya.
Abr 27, 2018
Salita ng Diyos | Pakahulugan sa Ikatatlumpung Pagbigkas
Pakahulugan sa Ikatatlumpung Pagbigkas
May mga tao na maaaring mayroong kaunting pananaw sa mga salita ng Diyos, subali’t walang sinuman sa kanila ang nagtitiwala sa kanilang mga damdamin; sila ay lubhang natatakot na mahulog sa pagkanegatibo. Sa gayon, sila ay palaging halinhinan sa pag-itan ng galak at lungkot. Patas na sabihing ang mga buhay ng lahat ng mga tao ay puno ng dalamhati; sa kasunod pang hakbang dito, mayroong pagpipino sa pang-araw-araw na buhay ng lahat ng mga tao, gayunman masasabi Ko na walang sinuman ang nakatatamo ng anumang pagpapalaya sa kanilang mga espiritu bawa’t araw, at ito ay para bang may tatlong malalaking bundok ang dumadagan sa kanilang mga ulo. Walang isa man sa kanilang mga buhay ang masaya at nagagalak sa lahat ng sandali—at kahit na kapag medyo masaya sila, pinipilit lamang nilang nagpapakasaya ang kanilang mga itsura. Sa kanilang mga puso, ang mga tao ay palaging may pakiramdam na parang may di-tapos. Sa gayon, hindi sila matatag sa kanilang mga puso; sa buhay, ang mga bagay-bagay ay tila walang laman at hindi-patas, at pagdating sa paniniwala sa Diyos, sila ay abálá at kulang sa panahon, o kaya ay wala silang panahon para kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, o hindi kayang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos. Walang isa man sa kanila ang mapayapa, at malinaw, at matatag sa kanilang mga puso. Para bang sila ay nahirati na sa pamumuhay sa ilalim ng nalalambungang kalangitan, na para bang namumuhay sila sa isang kalawakang walang oksidyen, at humantong ito sa kalituhan sa kanilang mga buhay. Ang Diyos ay laging nagsasalita nang diretso sa mga kahinaan ng mga tao, lagi Niya silang sinasaktan sa kanilang sakong ni Akiles—hindi mo ba malinaw na nakita ang tono ng Kanyang pagsasalita sa kabuuan? Kailanman ay hindi binigyan ng Diyos ang mga tao ng pagkakataong magsisi, at ginagawa Niya ang lahat ng mga tao na mamuhay sa “buwan” nang walang oksidyen. Mula sa simula hanggang ngayon, ang pang-ibabaw ng mga salita ng Diyos ay naglantad ng kalikasan ng tao, gayunman ay walang sinuman ang malinaw na nakakita sa nilalaman ng mga salitang ito. Lumilitaw na sa pamamagitan ng paglalantad sa kakanyahan ng tao, ang mga tao ay dumarating sa pagkakilala sa kanilang mga sarili at sa gayon ay dumarating sa pagkakilala sa Diyos, gayunman ay hindi ito ang landas sa nilalaman. Ang tono at higit na kalaliman ng mga salita ng Diyos ay nagpapakita ng malinaw na pagkakaiba sa pag-itan ng Diyos at tao. Sa kanilang mga damdamin, ginagawa nito ang mga tao na maniwala nang hindi namamalayan na ang Diyos ay hindi kayang maabot at hindi kayang malápítan; dinadala ng Diyos ang lahat sa lantad, at tila walang sinuman ang kayang magbalik ng kaugnayan sa pag-itan ng Diyos at tao sa kung paano ito dati. Hindi mahirap makita na ang layunin ng lahat ng mga pagbigkas ng Diyos ay upang gamitin ang mga salita upang pabagsakin ang lahat ng mga tao, sa pamamagitan niyon ay natutupad ang Kanyang gawain. Ito ay isang hakbang ng gawain ng Diyos. Gayunman ay hindi ito ang pinaniniwalaan ng mga tao sa kanilang mga isipan. Sila ay naniniwala na lumalapit na ang gawain ng Diyos sa kasukdulan nito, na lumalapit na ito sa pinaka-nababatid na epekto upang sa gayon ay malupig ang malaking pulang dragon, na ang ibig sabihin, ginagawa ang mga iglesia na sumusulong, at walang sinuman ang nagkakaroon ng mga pagkaintindi tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao, o kaya ang lahat ng mga tao na nakakakilala sa Diyos. Gayunman basahin natin kung ano ang sinasabi ng Diyos: “Sa isipan ng mga tao, ang Diyos ay Diyos, at hindi madaling pakisamahan, habang ang tao ay tao, at hindi dapat madaling maging salaula … at bilang resulta, palagi silang mababa at matiyaga sa harap Ko; hindi nila kayang maging tugma sa Akin, sapagka’t masyado silang maraming mga pagkaintindi.” Mula rito ay nakikita na, hindi alintana kung ano ang sinasabi ng Diyos o kung ano ang ginagawa ng tao, ang mga tao ay lubos na walang kakayahan sa pagkilala sa Diyos; dahil sa papel na ginagampanan ng kanilang kakanyahan, kung anuman, sila ay, sa pagtatapos ng maghapon, walang kakayahang kilalanin ang Diyos. Sa gayon, ang gawain ng Diyos ay magtatapos kapag nakita ng mga tao ang kanilang mga sarili bilang ang mga anak-na-lalaki ng impiyerno. Walang pangangailangan para sa Diyos na pawalan ang Kanyang poot sa mga tao, o usigin sila nang tuwiran, o sukdulang hatulan sila ng kamatayan upang tapusin ang Kanyang buong pamamahala. Sumasatsat lamang Siya ayon sa Kanyang kakanyahan, na parang ang pagtatapos ng Kanyang gawain ay nagkataon lamang, isang bagay na natupad sa Kanyang ekstrang panahon nang wala ni katiting na pagsisikap. Mula sa labas, tila mayroong kaunting pag-aapura sa gawain ng Diyos—gayunman hindi nakágáwâ ng anuman ang Diyos, wala Siyang ginagawa kundi magsalita. Ang gawain sa gitna ng mga iglesia ay hindi kasing-laki ng sa mga nakaraang panahon: ang Diyos ay hindi nagdaragdag ng mga tao, o nagpapaalis sa kanila, o inilalantad sila—ang ganoong gawain ay napaka-karaniwan. Tila ang Diyos ay walang iniisip na gawin ang ganoong gawain. Nagsasalita lamang Siya ng kaunti ng kung ano ang dapat, kung saan pagkatapos ay tumatalikod Siya at nawawala nang walang bakas—na, natural, ay ang tagpo ng pagtatapos ng Kanyang mga pagbigkas. At kapag dumarating ang sandaling ito, lahat ng mga tao ay gigising mula sa kanilang pagtulog. Ang sangkatauhan ay nakatulog sa loob ng libu-libong taon, siya ay mahimbing na mahimbing sa buong panahon. At sa loob ng maraming taon, ang mga tao ay nagmamadaling parito at paroon sa kanilang mga panaginip, at humihiyaw pa sila sa kanilang mga panaginip, hindi kayang magsalita tungkol sa kawalang-katarungan sa kaibuturan ng kanilang mga puso. Sa gayon, sila ay “nakakaramdam ng bahagyang kalungkutan sa kanilang mga puso”—nguni’t kapag sila ay nagising, matutuklasan nila ang tutoong mga katunayan, at mapapasigaw: “Ganito pala ang nangyayari!” Kaya sinasabi na “Ngayon, karamihan sa mga tao ay tulóg na tulóg pa rin. Saka lamang kapag tumutunog ang pangkahariang awitin sila nagmumulat ng kanilang inaantok na mga mata at nakakaramdam ng bahagyang kalungkutan sa kanilang mga puso.”
Tagalog Christian Movie 2018 | Anak, Umuwi Ka Na! (Trailer)
Tagalog Christian Movie 2018 | Anak, Umuwi Ka Na! (Trailer)
Isang mag-aaral ng senior high school si Li Xinguang. Isa siyang makatwiran at matinong bata simula pa noong maliit siya. Paborito siya ng kanyang mga magulang at guro. Nang tumuntong na siya sa middle school, nahumaling siya sa mga internet computer game. Madalas siyang lumiliban sa klase upang makapunta sa internet cafe. Ginawa ng kanyang mga magulang ang lahat upang makalaya siya sa adiksyon ng internet. Sa kasamaang palad, lumala nang lumala ang adiksyon ni Li Xinguang. Nawalan siya ng gana at dahan-dahang naging delinkwente. … Nang malapit nang mawalan ng pag-asa ang mga magulang ni Li Xinguang, nalaman nilang kayang iligtas ng Diyos ang mga tao, kayang tulungang makalaya sa kanilang adiksyon sa internet at makawala sa paninira ni Satanas. Dahil dito, nagpasya silang maniwala sa Diyos at hinangad na maliligtas ng Diyos ang kanilang anak. Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan nila ang pinagmumulan ng kasiraan at kabuktutan ng sangkatauhan. Nakita nila ang katotohanan sa likod ng kasamaan at kadiliman ng tao at naunawaan na tanging Diyos lang ang makapagliligtas sa tao at makapagpapalaya mula sa paninira at pagpapahirap ni Satanas. Kailangan lamang maniwala ni Xinguang sa Diyos at maunawaan ang katotohanan, at magagawa niyang lumaya sa kanyang adiksyon sa internet. Dahil dito, ipinalaganap nila ang ebanghelyo kay Xinguang at ginabayan si Xinguang basahin ang mga salita ng Diyos. Nagdasal sila sa Diyos at hiningi sa Kanyang iligtas ang kanilang anak at tulungan siyang makalaya sa kanyang adiksyon sa internet. … Pagkatapos ng isang laban, nagsimulang magdasal at magtiwala sa Diyos si Xinguang. Sa ilalim ng gabay ng mga salita ng Diyos, nagawa niyang makawala sa wakas sa kanyang adiksyon sa internet at pinalaya ang sarili mula sa paninira at pagpapahirap ni Satanas. Ang anak na dating wala nang pag-asa dahil sa mga internet game at internet cafe ay umuwi na sa wakas!
Rekomendasyon:Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang pinagmulan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Pananalig sa Diyos | Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kapareho sa Paniniwala sa Panginoon?
Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan
Pag-bigkas ng Diyos | Interpretasyon ng Ikadalawampu’t siyam na Pagbigkas
Interpretasyon ng Ikadalawampu’t siyam na Pagbigkas
Sa gawain na ginawa ng mga tao, ang ilan sa mga ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng direktang pagtuturo mula sa Diyos, nguni’t para sa ilang bahagi nito ay hindi nagbibigay ang Diyos ng mga hayag na tagubilin, sapat na nagpapakita na ang ginagawa ng Diyos ay, ngayon, hindi pa lubos na naibunyag—na ang ibig sabihin, marami ang nananatiling nakatago at hindi pa naging pampubliko. Subali’t may ilang mga bagay na kailangang maging pampubliko, at may ilan na kailangang iwan ang mga tao na naguguluhan at nalilito; ito ang kung ano ang kinakailangan ng gawain ng Diyos. Halimbawa, ang pagdating ng Diyos mula sa langit sa gitna ng tao: kung paano Siya dumating, sa anong segundo Siya dumating, o kung ang mga kalangitan at lupa at ang lahat ng bagay ay sumailalim sa pagbabago o hindi—ang mga bagay na ito ay kinakailangan para ang mga tao ay malito. Ito ay batay din sa mga aktwal na kalagayan, dahil ang pantaong laman mismo ay hindi kayang direktang pumasok sa espirituwal na kinasasaklawan. Samakatuwid, kahit na kung ang Diyos ay malinaw na nagsasaad kung paano Siya pumarito mula sa langit tungo sa lupa, o kapag sinasabi Niya, “Noong araw na ang lahat ng bagay ay muling nabuhay, Ako ay tumungo sa tao, at nagpalipas Ako ng mga magagandang araw at gabi kasama siya,” ang mga salitang iyon ay tulad ng isang tao na nakikipag-usap sa isang katawan ng puno—walang kahit katiting na reaksiyon, dahil ang mga tao ay walang kaalaman sa mga hakbang ng gawain ng Diyos. Kahit pa tunay nilang batid, naniniwala sila na ang Diyos ay lumipad pababa sa lupa mula sa langit tulad ng isang ada at muling ipinanganak sa gitna ng tao. Ito ang nakamit ng mga kaisipan ng tao. Ito ay dahil ang esensiya ng tao ay hindi niya kayang maintindihan ang diwa ng Diyos, at hindi kayang maintindihan ang realidad ng espirituwal na kinasasaklawan. Sa pamamagitan tangi ng kanilang esensiya, ang mga tao ay walang kakayahan na kumilos bilang isang huwaran para sa iba, dahil ang mga tao ay likas na magkakapareho, at hindi magkakaiba. Kaya, ang paghiling na ang mga tao ay magpakita ng isang halimbawa para sundan ng iba o magsilbi bilang isang huwaran ay nagiging isang bula, ito ay nagiging singaw na umaangat mula sa tubig. Samantalang kapag sinasabi ng Diyos, “nakikita niya ang ilan sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako” ang mga salitang ito ay nagpapatungkol lamang sa paghahayag ng gawain na ginagawa ng Diyos sa katawang-tao; sa ibang salita, ang mga ito ay nakadirekta sa totoong mukha ng Diyos—pagkaDiyos, na pangunahing tumutukoy sa Kanyang pagkaDiyos na disposisyon. Na ang ibig sabihin, ang mga tao ay hinihilingan na maunawaan ang mga bagay tulad ng kung bakit ang Diyos ay gumagawa sa ganitong paraan, kung anong mga bagay ang maisasakatuparan ng mga salita ng Diyos, kung ano ang nais ng Diyos na matamo sa lupa, kung ano ang nais Niya na makamit sa gitna ng tao, ang mga pamamaraan ng pagsasalita ng Diyos, at kung ano ang saloobin ng Diyos patungkol sa tao. Maaaring sabihin na walang karapat-dapat-maipagmalaki sa tao, ibig sabihin, wala sa kanya na maaaring magpakita ng isang halimbawa para sundan ng iba.
Christian Feng Aixia’s Account of Her Experience of the CCP’s Cruel Persecution
Christian Feng Aixia’s Account of Her Experience of the CCP’s Cruel Persecution
Feng Aixia accepted Almighty God’s kingdom gospel in 2006. She was arrested by the CCP police when preaching the gospel in 2014. During the interrogation, the police stripped her off, slapped her on the face, beat her with electric batons, pulled one of her hands back over the shoulder and the other hand up along the back before cuffing them together, etc., torturing her in various kinds of ways. In the end, she was detained for fourteen days on the charge of preaching the gospel illegally and disturbing the social order. After her release, unable to bear the threat and control of the CCP, she was forced to leave her home and flee everywhere.
Recommendation:The origin of the Church of Almighty God
Understanding the Eastern Lightning
Are Almighty God and the Lord Jesus One God?
There is no way of eternal life within the Bible; if man holds to the Bible and worships it, then they will not obtain eternal life.
Human Rights Lawyer Carlos Iglesias: Repatriating Chinese Christians Is Putting Their Lives at Stake
Abr 25, 2018
Ang tinig ng Diyos | Interpretasyon ng Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas
Interpretasyon ng Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas
Ang kalagayan ng mga tao ay na mas kakaunti ang pagkaunawa nila tungkol sa mga salita ng Diyos, mas may-pag-aalinlangan sila sa kasalukuyang paraan ng paggawa ng Diyos. Nguni’t ito ay walang epekto sa gawain ng Diyos; kapag ang Kanyang mga salita ay umaabot sa isang tiyak na punto, ang mga puso ng mga tao ay likas na tatanggap. Sa kanilang mga buhay, ang bawa’t isa ay nakatuon sa mga salita ng Diyos, at nagsisimula rin silang manabik sa Kanyang mga salita—at dahil sa tuluy-tuloy na paglalantad ng Diyos, nagsisimula silang hamakin ang kanilang mga sarili. Gayunman, binigkas din ng Diyos ang marami sa mga sumusunod na uri ng mga salita: “Kapag lubusan niyang naunawaan ang lahat ng Aking mga salita, nagiging akma ang tayog ng tao sa mga kagustuhan Ko, at ang mga pagsusumamo niya ay nagiging mabunga at hindi na walang kabuluhan o walang saysay; pinagpapala Ko ang mga pagsusumamo ng sangkatauhan na taos-puso, at hindi isang pagkukunwari.” Sa katunayan, ang mga tao ay walang kakayahan na lubusang maunawaanang mga salita ng Diyos, maaari lamang nilang maunawaan ang nasa ibabaw. Ginagamit lamang ng Diyos ang mga salitang ito upang bigyan sila ng isang layunin na itaguyod, upang maramdaman nila na ang Diyos ay hindi gumagawa ng mga bagay nang basta-basta, nguni’t seryoso sa Kanyang gawain, at saka lamang sila magkakaroon ng pananampalatayang itataguyod. At sapagka’t ang lahat ng mga tao ay nagsusumamo lamang para sa kanilang sariling mga kapakanan, hindi para sa kalooban ng Diyos, nguni’t ang Diyos ay hindi pabago-bago, ang Kanyang mga salita ay laging nakatuon sa kalikasan ng tao. Bagaman ang karamihan sa mga tao ngayon ay nagsusumamo sila ay hindi tapat—ito ay isang pagkukunwari lamang. Ang kalagayan ng lahat ng mga tao ay na“isinasaalang-alang nila ang Aking bibig bilang isang kornukopya. Nais ng lahat ng mga tao na makakuha ng isang bagay mula sa Aking bibig. Mga lihim man ito ng kalagayan, o mga misteryo ng langit, o ang dinamika ng espirituwal na mundo, o ang hantungan ng sangkatauhan.” Dahil sa kanilang pagkamausisa, ang mga tao ay handang lahat nasaliksikin ang mga bagay na ito, at ayaw nilang makamitang anumang bagay na paglalaan ukol sa buhay mula sa mga salita ng Diyos. Kaya naman sinasabi ng Diyos, “Masyadong marami ang kakulangan sa kaloob-looban ng tao: Hindi lamang mga ’suplementong pangkalusugan‘ ang kanyang pangangailangan, ngunit mas higit pa ang ’suporta sa pag-iisip‘ at maging ang ’espirituwal na panustos.’“ Ito ang mga pagkaintindi sa mga tao na humantong sa pagkanegatibo ngayon, at ito ay dahil ang kanilang pisikal na mga mata ay masyadong “piyudal” kaya walang sigla sa kung ano ang kanilang sinasabi at ginagawa, at sila ay walang-pakialam at pabaya sa lahat ng mga bagay. Hindi ba ito ang mga kundisyon ng mga tao? Hindi ba dapat magmadali ang mga tao at ituwid ito, sa halip na magpatuloy na ganoon sila? Ano ang pakinabang na malaman ang hinaharap para sa tao? Bakit may reaksyon ang mga tao pagkatapos mabasa ang ilan sa mga salita ng Diyos, nguni’t ang nalalabing bahagi ng Kanyang mga salita ay walang epekto? Halimbawa, kapag sinasabi ng Diyos, “Nagbibigay Ako ng lunas para sa sakit ng tao upang makamit ang mas mahusay na mga epekto, upang bumalik ang lahat sa kalusugan, at upang, salamat sa Aking lunas, maaari na silang bumalik sa normalidad,” paanong ang mga salitang ito ay walang epekto sa mga tao? Hindi ba lahat ng bagay na ginawa ng Diyos ay ang dapat matamo ng tao? May gawain ang Diyos na dapat gampanan—bakit walang landas na lalakaran ang mga tao? Sa ganito, hindi ba sila lumilihis mula sa Diyos? Mayroon talagang malaking gawain na dapat gawin ng mga tao—halimbawa, gaano ang kanilang nalalaman tungkol sa “malaking pulang dragon” sa mga salitang “Talagang namumuhi ba kayo sa malaking pulang dragon”? Ang mga salita ng Diyos na “Bakit Ko ito tinanong sa inyo nang maraming beses?” ay nagpapakita na ang mga tao ay walang pa ring alam sa likas na katangian ng malaking pulang dragon, na sila ay nananatiling hindi kayang mas lumalim. Hindi ba ito ang gawaing dapat gawin ng tao? Paano masasabi na ang tao ay walang gawain? Kung gayon nga, ano ang magiging kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos? Ang Diyos ba ay nagiging pabaya at walang-pakialam alang-alang sa pagdaan lamang sa mga galaw? Maaari bang matalo ang malaking pulang dragon sa ganitong paraan?
Magkakaroon Lamang ng Magandang Kapalaran ang Tao Kung Sila’y Sasamba sa Tunay na Diyos
Magkakaroon Lamang ng Magandang Kapalaran ang Tao Kung Sila’y Sasamba sa Tunay na Diyos
Diyos ang may likha ng mundo at ng tao. Unang kultura ng Griyego at sibilisasyon ng tao’y gawa Niya. Diyos lang ang umaaliw, umaaliw sa tao. Diyos lang ang umaaruga sa tao araw at gabi. Pag unlad ng tao’y di-mahiwalay sa kapangyarihan ng Diyos. Ang nakaraan at kinabukasan ng tao’y di-mahiwalay sa mga disenyo ng Diyos, ang disenyo ng Diyos.
Ang Kalooban ng Diyos | Interpretasyon ng Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas
Interpretasyon ng Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas
Ngayon, ang mga salita ng Diyos ay umabot sa kanilang taluktok, ibig sabihin, ang ikalawang bahagi ng panahon ng paghuhukom ay umabot na sa rurok nito. Nguni’t hindi ito ang pinakamataas na rurok. Sa panahong ito, ang tono ng Diyos ay nagbago, hindi ito nanunuya o nakakatawa, at hindi nananakit o nanunumpa; pinalambot ng Diyos ang tono ng Kanyang mga salita. Ngayon, nagsisimula ang Diyos na “makayang gunitain” ang tao. Ang Diyos ay parehong nagpapatuloy sa gawain ng panahon ng paghuhukom at binubuksan ang landas ng susunod na seksyon ng gawain, upang ang lahat ng mga bahagi ng Kanyang gawain ay magkakaugnay-ugnay sa isa’t isa. Sa isang banda, nagsasalita Siya tungkol sa “katigasan ng ulo ng tao at kanyang pagbabalik sa dati,” at sa kabilang banda, sinasabi Niya “Sa Aking mga kasiyahan at kalungkutan, hindi Ko kayang gunitain ang pakikipaghiwalay at pakikipagbalikan Ko sa tao”—kung saan parehong nagsasanhi ng isang reaksyon sa puso ng mga tao, at inaantig kahit na ang pinakamanhid sa kanila. Ang layunin ng Diyos sa pagsasabi ng mga salitang ito ay pangunahing upang magpatirapa ang lahat ng mga tao sa harap ng Diyos, nang walang mapapabulong, sa katapus-tapusan, at pagkatapos “magiging maliwanag lamang sa ganoong panahon ang Aking mga gawain, makikilala Ako ng lahat ng tao dahil sa sarili nilang kabiguan.” Ang kaalaman sa Diyos ng mga tao ng panahong ito ay nananatiling ganap na mababaw, hindi ito tunay na kaalaman. Bagaman sila ay nagsisikap nang maigi hangga’t maaari, hindi nila kayang makuha ang naisin ng puso ng Diyos; ngayon, ang mga salita ng Diyos ay umabot na sa kanilang kaitaasan, nguni’t ang mga tao ay nananatili sa mga unang yugto, at sa gayon ay hindi kayang pumasok sa mga pagbigkas ng dito at ngayon—na nagpapakita na ang Diyos at tao ay magkaibang-magkaiba sa isa’t isa. Batay dito, kapag ang mga salita ng Diyos ay dumating sa katapusan makakaya lamang ng mga tao na makamit ang mga pinakamababang pamantayan ng Diyos. Ito ang paraan kung saan ang Diyos ay gumagawa sa mga taong ito na lubos na ginawang tiwali ng malaking pulang dragon, at ang Diyos ay kailangang gumawa upang makamit ang pinakamainam na epekto. Ang mga tao ng mga iglesia ay nagbibigay ng higit na pansin sa mga salita ng Diyos, nguni’t ang intensyon ng Diyos ay upang makilala nila ang Diyos sa Kanyang mga salita—hindi ba may pagkakaiba? Gayunpaman, sa kasalukuyang sitwasyon, hindi na iniisip ng Diyos ang kahinaan ng tao, at nagpapatuloy sa pagsasalita na hindi alintana kung ang mga tao ay kayang tanggapin ang Kanyang mga salita o hindi. Ayon sa Kanyang layunin, kung kailan magtatapos ang Kanyang mga salita ay magiging kung kailan makumpleto ang Kanyang gawain sa lupa. Nguni’t ang gawaing ito ay hindi katulad ng nakaraan. Kung kailan magtatapos ang mga pagbigkas ng Diyos, walang sinuman ang makaaalam; kung kailan magtatapos ang gawain ng Diyos, walang sinuman ang makaaalam; at kung kailan magbabago ang anyo ng Diyos, walang sinuman ang makaaalam. Ganyan ang karunungan ng Diyos. Upang maiwasan ang anumang mga akusasyon mula kay Satanas at anumang pagkagambala mula sa mga pwersa ng kaaway, ang Diyos ay gumagawa nang walang sinuman ang nakaaalam, at sa ngayon ay walang reaksyon sa mga tao sa lupa. Kahit na ang mga palatandaan ng pagbabagong-anyo ng Diyos ay minsan nang binanggit, walang sinuman ang nakakayang maunawaan ito, sapagka’t nakalimutan na ng tao ang bagay na ito, at hindi niya binibigyang pansin ito. At dahil sa mga pag-atake mula sa loob at labas—ang mga sakuna ng panlabas na mundo at ang pagsusunog at paglilinis sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos—ang mga tao ay hindi na handang magpagal para sa Diyos, sapagka’t sila ay masyadong abala sa kanilang sariling negosyo. Kapag tinanggihan ng lahat ng mga tao ang kaalaman at paghahanap ng nakaraan, kapag ang lahat ng mga tao ay nakita ang kanilang mga sarili nang malinaw, sila ay mabibigo at ang kanilang ganang sarili ay hindi na magkakaroon ng puwang sa kanilang mga puso. Saka lamang totoong mananabik ang mga tao para sa mga salita ng Diyos, saka lamang ang mga salita ng Diyos ay tunay na magkakaroon ng puwang sa kanilang mga puso, at saka lamang ang mga salitang ito ay magiging pinagmumulan ng kanilang pag-iral—at sa sandaling ito, ang naisin ng puso ng Diyos ay matutupad. Nguni’t ang mga tao ngayon ay malayong-malayo diyan. Ang ilan sa kanila ay bahagya nang nakausad ng isang pulgada, at sa gayon sinasabi ng Diyos na ito ay “pagbabalik sa dati.”
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis
Ang pag-ibig ay isang dalisay na damdamin, dalisay na walang dungis. Gamitin ang iyong puso, sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga. Ang pag-ibig ay ‘di nagtatakda ng mga kondisyon o mga hadlang o agwat. Gamitin ang ‘yong puso, sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga. Kung ikaw ay nagmamahal, ‘di ka manlilinlang, magrereklamo at tatalikod, naghihintay ng kapalit. Kung ikaw ay umiibig magpapakasakit ka, tinatanggap ang hirap at makaisa ng Diyos sa pagkaayon.
Abr 23, 2018
Salita ng Diyos | Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas
Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas
Mula sa lahat ng mga salitang binigkas ng Diyos, maaaring makita na ang araw ng Panginoon ay nalalapit sa bawa’t araw na lumilipas. Para bang ang araw na ito ay nasa harap mismo ng mga mata ng mga tao, na para bang ito ay darating bukas. Kaya, pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, lahat ng mga tao ay nahintakutan, at mayroon ding kaunting pakiramdam ng kapanglawan ng mundo. Para bang, habang ang mga dahon ay nalalaglag at ang ambon ay pumapatak, lahat ng mga tao ay naglaho nang walang bakas, na para bang lahat sila ay napawi mula sa lupa. Silang lahat ay may pakiramdam na may nagbabadyang masama. Bagaman pinipilit nila, at inaasam na bigyang-kasiyahan ang mga hangarin ng Diyos, lahat ay gumagamit ng bawa’t himaymay ng lakas na mayroon sila upang tuparin ang mga hangarin ng Diyos upang ang kalooban ng Diyos ay makakapagpatuloy nang maayos, walang hadlang, ang gayong saloobin ay laging may kahalong pakiramdam ng nagbabadyang mangyayari. Halimbawa ay ang mga pagbigkas ngayon: Kung ang mga iyon ay ibinrodkast sa mga karamihan, ibinalita sa buong sansinukob, kung gayon ang lahat ng mga tao ay yuyukod at tatangis, sapagka’t sa mga salitang “Babantayan ko ang buong lupa, at, magpapakita sa Silangan ng mundo nang may kabanalan, kamahalan, poot at kaparusahan, ihahayag ko ang Aking sarili sa napakaraming hukbo ng sangkatauhan!” lahat nang nakakaunawa ng espirituwal na mga bagay ay nakakakita na walang sinumang maaaring tumakas sa pagkastigo ng Diyos, na lahat ay susunod sa kanilang sariling uri pagkatapos maranasan ang pagdurusa ng pagkastigo. Tunay nga, ito ay isang hakbang ng gawain ng Diyos, at walang sinumang makakapagbago rito. Nang nilikha ng Diyos ang mundo, nang pinangunahan Niya ang sangkatauhan, ipinakita Niya ang Kanyang karunungan at pagiging kahanga-hanga, at saka lamang kapag dinadala Niya ang kapanahunang ito sa katapusan mamamasdan ng mga tao ang Kanyang tunay na pagkamatuwid, kamahalan, poot, at kaparusahan. Higit pa, sa pamamagitan lamang ng pagkastigo na makakaya nilang makita ang Kanyang pagkamatuwid, kamahalan, at poot; ito ay isang landas na dapat matahak, gaya ng, sa panahon ng mga huling araw, ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay kailangan, at hindi maaaring mawala. Pagkatapos iproklama ang katapusan ng buong sangkatauhan, ipinakikita ng Diyos sa tao ang gawain na ginagawa Niya ngayon. Halimbawa, sinasabi ng Diyos, “Ang Israel noong panahon ay huminto na, at ang Israel sa araw na ito ay bumangon, tumayo at tumitindig nang matayog, sa mundo, ay bumangon sa mga puso ng lahat ng sangkatauhan. Ngayon ang Israel ay tiyak na makukuha ang pinagmulan ng pag-iral sa pamamagitan ng Aking mga tao! Ah, nakamumuhing Ehipto! … Paanong hindi ka iiral sa loob Aking kaparusahan?” Sadyang ipinakikita ng Diyos sa mga tao ang mga bungang nakamit ng dalawang magkasalungat na bansa mula sa mga kamay ng Diyos, sa isang banda ay tumutukoy sa Israel, na materyal, at sa isa pa ay tumutukoy sa lahat ng mga pinili ng Diyos—na ibig sabihin, sa kung paano nagbabago ang mga pinili ng Diyos habang ang Israel ay nagbabago. Kapag ang Israel ay lubos nang nakabalik sa orihinal nitong anyo, lahat ng mga pinili ay kasunod na magagawang ganap—na ibig sabihin, ang Israel ay isang makahulugang sagisag niyaong mga minamahal ng Diyos. Ang Ehipto, samantala, ay ang pagtatagpo ng mga kinatawan niyaong mga kinamumuhian ng Diyos. Mas nagiging bulok ito, mas nagiging tiwali yaong mga kinamumuhian ng Diyos—at ang Babilonia ay kasunod na bumabagsak. Ito ay bumubuo ng malinaw na pagkakasalungat. Sa pamamagitan ng pagpoproklama ng mga katapusan ng Israel at Ehipto, ibinubunyag ng Diyos ang hantungan ng lahat ng mga tao; kaya, kapag binabanggit ang Israel, nagsasalita rin ang Diyos tungkol sa Ehipto. Mula rito ay nakikita na ang araw ng pagwasak sa Ehipto ay ang petsa ng paglipol sa mundo, ang petsa kung kailan kinakastigo ng Diyos ang lahat ng mga tao. Ito ay mangyayari sa lalong madaling panahon; ito ay tutuparin na ng Diyos, at isang bagay na lubos na hindi-nakikita ng hubad na mata ng tao, datapwa’t ito rin ay hindi maaaring mawala, at hindi mababago ng sinuman. Sinasabi ng Diyos, “ang lahat ng mga taong lumaban sa Akin ay tiyak na paparusahan Ko nang walang hanggan. Sapagka’t Ako’y ang naninibughong Diyos, hindi Ko basta patatawarin ang mga tao sa lahat ng kanilang ginawa.” Bakit ang Diyos ay nagsasalita nang gayong walang-pasubaling mga salita? At bakit Siya ay personal na naging katawang-tao sa sambayanan ng malaking pulang dragon? Mula sa mga salita ng Diyos ay nakikita ang Kanyang layunin: hindi Siya dumating upang iligtas ang mga tao, o maging mahabagin tungo sa kanila, o kalingain sila, o ingatan sila—kundi upang kastiguhin ang lahat niyaong sumasalungat sa Kanya. Sapagka’t sinasabi ng Diyos, “Walang makatatakas sa Aking pagkastigo.” Ang Diyos ay namumuhay sa katawang-tao, at, higit pa, Siya ay isang normal na persona—datapwa’t hindi Niya pinatatawad ang mga tao sa kanilang kahinaan sa kawalan ng kakayahang makilala Siya sa kanilang mga sarili; sa halip, dahil Siya ay normal, inuusig Niya ang mga tao dahil sa lahat ng kanilang mga kasalanan, ginagawa Niya ang lahat niyaong nakakamasid sa Kanyang katawang-tao na yaong siyang kinakastigo, kaya’t sila ay nagiging mga biktima para sa mga yaong hindi kabilang sa mga tao ng bansa ng malaking pulang dragon. Nguni’t ito ay hindi isa sa mga pangunahing layunin ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang Diyos ay naging katawang-tao pangunahing upang makipaglaban, sa katawang-tao, sa malaking pulang dragon, at upang hiyain ito sa pamamagitan ng labanan. Dahil ang dakilang kapangyarihan ng Diyos ay higit na napapatunayan sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa malaking pulang dragon sa katawang-tao kaysa sa loob ng Espiritu, ang Diyos ay nakikipaglaban sa katawang-tao upang ipakita ang Kanyang mga gawa at pagiging makapangyarihan-sa-lahat. Dahil sa pagkakatawang-tao ng Diyos, hindi-mabilang na mga tao ang “walang-muwang” na nausig, hindi-mabilang na mga tao ang naitapon sa impiyerno, at nadala tungo sa pagkastigo, nagdurusa sa laman. Ito ang paglalarawan ng matuwid na disposisyon ng Diyos, at kung paano man nagbabago yaong mga sumasalungat sa Diyos ngayon, ang nananaig na disposisyon ng Diyos ay hindi kailanman magbabago. Minsan nang inusig, ang mga tao ay inuusig magpakailanman, at hindi na kailanman makababangon. Ang disposisyon ng tao ay hindi makakayang maging tulad ng sa Diyos. Tungo sa mga sumasalungat sa Diyos, ang mga tao ay paiba-iba ng isip, sila ay pagiwang-giwang sa kaliwa at kanan, sila ay umaakyat at bumababa, hindi nila makayang manatiling pareho nang tuluy-tuloy, kung minsan ay kinamumuhian sila nang sagad sa kanilang mga buto, kung minsan ay hinahawakan sila nang malapit; ang mga kalagayan ngayon ay nakasapit dahil hindi kilala ng mga tao ang gawain ng Diyos. Bakit sinasabi ng Diyos ang mga salitang gaya ng, “Ang mga anghel ay, sa paanuman, mga anghel; ang Diyos, sa paanuman, ay Diyos; ang mga demonyo, sa paanuman, ay mga demonyo; ang hindi-matuwid ay hindi pa rin matuwid; at ang mga banal ay banal pa rin”? Hindi ba ninyo ito naaabot? Maari kayang hindi naalaala ng Diyos? Kaya, sinasabi ng Diyos, “ang bawa’t isa’y ayon sa kanilang mga uri, ang mga tao ay hinahanap ang kanilang mga landas na hindi sinasadya pagbalik sa sinapupunan ng kanilang mga pamilya.” Mula rito ay makikita na ngayon, napagsama-sama na ng Diyos ang lahat ng mga bagay tungo sa kani-kanilang mga pamilya, upang ito ay hindi na isang “walang-hanggang mundo,” at ang mga tao ay hindi na kumakain mula sa parehong malaking palayok, kundi gumaganap ng kanilang sariling tungkulin sa kanilang sariling tahanan, ginagampanan ang kanilang sariling papel. Ito ang orihinal na plano ng Diyos sa paglikha ng mundo; pagkatapos na mapagsama-sama ayon sa uri, ang mga tao ay “bawa’t isa’y kakainin ang kanilang sariling pagkain”—sisimulan ng Diyos ang paghatol. Bilang resulta, mula sa bibig ng Diyos ay nagbuhat ang mga salitang ito: “Aking ibabalik sa dating estado ng paglikha, Aking ibabalik ang lahat ng bagay sa orihinal, malalim na babaguhin ang lahat ng bagay, nang sa gayon ang lahat ng bagay ay bumalik sa pinagmulan ng Aking plano.” Ito ang eksaktong layunin ng buong gawain ng Diyos, at hindi ito mahirap maunawaan. Gagawing ganap ng Diyos ang Kanyang gawain—maari bang hadlangan ng tao ang Kanyang gawain? At maari bang punitin ng Diyos ang tipang itinatag sa pag-itan Niya at ng tao? Sino ang maaaring magbago sa ginawa ng Banal na Espiritu? Maari kayang sinuman sa gitna ng tao?
Abr 22, 2018
Consequence of Deporting Chinese Christian Refugees in Europe: Torture! Blood!
Consequence of Deporting Chinese Christian Refugees in Europe: Torture! Blood!
In recent years, legions of war refugees have swarmed into Europe.And some states tightened up their policy on refugees successively.According to Nouvelles d’Europe, in July 2017, while announcing a refugee reception plan,the French Prime Minister Philippe emphasized that the asylum seekers whose applications are denied should be deported without exception.Among the refugees who are confronted with deportation,are Christians from China.They suffered arbitrary arrests and persecution at the hands of the CCP atheistic regime solely because they had attended gatherings and spread the gospel in Mainland China.They were subsequently turned homeless without a hideout in China,and had to risk their lives to flee to overseas democracies for asylum.However, most of The Church of Almighty God (CAG) Christians who fled to Europe have had their refugee status applications denied so far,and hundreds of these Christians are confronted with deportation.Very few people have the knowledge of what persecution these Christians had suffered in China,or how risky the situation will be once they are sent back to China,or what living conditions they are going through in host countries.Well, let’s approach these Christians together today.
Recommendation:Know more of the Church of Almighty God
The Eastern Lightning—The Light of Salvation
Are Almighty God and the Lord Jesus One God?
Each sect within the religious world believes that their way is the true way, so how does one distinguish the true way from false ways?
Ang Kalooban ng Diyos | Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-apat at Ikadalawampu’t-limang Pagbigkas
Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-apat at Ikadalawampu’t-limang Pagbigkas
Kung walang matamang pagbasa, imposibleng makaalam ng anuman sa mga pagbigkas nitong dalawang araw; sa katunayan, ang mga iyon ay dapat na nabigkas sa isang araw, datapwa’t hinati ng Diyos sa dalawang araw. Ibig sabihin niyan, ang mga pagbigkas nitong dalawang araw ay bahagi ng isang buo, nguni’t upang gawing madali para sa mga tao na tanggapin ang mga iyon, hinati ng Diyos ang mga iyon sa dalawang araw upang bigyan ang mga tao ng pagkakataong makahinga. Ganyan ang pagsasaalang-alang ng Diyos para sa tao. Sa lahat ng gawain ng Diyos, lahat ng mga tao ay gumaganap ng kanilang gampanin at kanilang tungkulin sa kanilang sariling lugar. Hindi lamang ang mga taong may espiritu ng isang anghel ang nakikipagtulungan; yaong may espiritu ng demonyo ay “nakikipagtulungan” din, gayundin ang lahat ng mga espiritu ni Satanas. Sa mga pagbigkas ng Diyos ay nakikita ang kalooban ng Diyos at Kanyang mga kinakailangan sa tao. Ang mga salitang “Dumarating ang Aking pagkastigo sa lahat ng mga tao, gayon pa man ay nananatili rin itong malayo mula sa lahat ng mga tao. Bawa’t buhay ng bawat tao ay puno ng pag-ibig at pagkamuhi sa Akin” ay nagpapakita na gumagamit ang Diyos ng pagkastigo upang bantaan ang lahat ng mga tao, nagsasanhi sa kanila na makatamo ng pagkakilala sa Kanya. Dahil sa pagtitiwali ni Satanas at kahinaan ng mga anghel, ang Diyos ay gumagamit lamang ng mga salita, at hindi mga utos sa pangangasiwa, upang kastiguhin ang mga tao. Simula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, ito ang naging panuntunan ng gawain ng Diyos patungkol sa mga anghel at lahat ng mga tao. Dahil ang mga anghel ay sa Diyos, isang araw sila ay tiyak na magiging mga tao ng kaharian ng Diyos, at kakalingain at iingatan ng Diyos. Lahat ng mga iba, samantala, ay pagsasama-samahin din ayon sa uri, lahat ng sari-saring masasamang mga espiritu ni Satanas ay kakastiguhin, at lahat ng mga walang espiritu ay pamumunuan ng mga anak-na-lalaki at bayan ng Diyos. Ganyan ang plano ng Diyos. Kaya, minsang sinabi ng Diyos “Ang pagdating ba ng Aking araw ay talaga nga bang sandali ng kamatayan ng tao? Maaari Ko nga bang sirain ang tao sa panahon ng pagkabuo ng Aking kaharian?” Bagaman ang mga ito ay dalawang payak na mga katanungan, ang mga iyon ay mga pagsasaayos ng Diyos para sa hantungan ng buong sangkatauhan. Kapag dumarating ang Diyos ay ang panahon kung kailan ang “mga tao sa buong sansinukob ay ipinako sa krus nang patiwarik.” Ito ang layunin kaya ang Diyos ay nagpapakita sa lahat ng mga tao, gumagamit ng pagkastigo upang ipaalam sa kanila ang pag-iral ng Diyos. Dahil ang panahon na ang Diyos ay bumababa sa lupa ay ang huling kapanahunan, at ang panahon kung kailan ang mga bansa sa lupa ay nasa kanilang pinakamaligalig, kaya sinasabi ng Diyos “Sa Aking pagdating sa mundo, ito ay nakukubli ng kadiliman at ang sangkatauhan ay ‘mahimbing na natutulog.’” Sa gayon, ngayong araw mayroon lamang sandakot na mga taong may kakayahang makilala ang Diyos na nagkatawang-tao, halos wala. Dahil ngayon ang huling kapanahunan, walang sinuman ang kahit kailan ay nakakilala sa praktikal na Diyos, at ang mga tao ay mayroon lamang mababaw na pagkakilala sa Diyos. At dahil dito kaya ang mga tao ay namumuhay sa gitna ng masakit na pagpipino. Kapag lumalabas ang mga tao sa pagpipino ay kung kailan din sila ay nagsisimulang makastigo, ito ang panahon kung kailan nagpapakita ang Diyos sa lahat ng mga tao upang maari nilang personal na mamasdan Siya. Dahil sa Diyos na nagkatawang-tao, ang mga tao ay nahuhulog sa sakuna, at hindi nakakayang alisin ang kanilang mga sarili—na siyang kaparusahan ng Diyos sa malaking pulang dragon, at Kanyang utos sa pangangasiwa. Kapag ang init ng tagsibol ay dumarating at ang mga bulaklak ay namumukadkad, kapag ang lahat sa silong ng mga kalangitan ay pawang luntian at lahat ng mga bagay sa lupa ay nasa lugar, lahat ng mga tao at mga bagay ay unti-unting papasok tungo sa pagkastigo ng Diyos, at sa panahong iyan lahat ng gawain ng Diyos sa lupa ay matatapos. Ang Diyos ay hindi na gagawa o mamumuhay sa lupa, sapagka’t ang dakilang gawain ng Diyos ay natupad na. Ang mga tao ba ay walang kakayahang isantabi ang kanilang laman sa maikling panahong ito? Anong mga bagay ang makakapaghati sa pag-ibig sa pag-itan ng tao at Diyos? Sino ang makakayang paghiwalayin ang pag-ibig sa pag-itan ng tao at Diyos? Ang mga magulang ba, mga asawang-lalaki, mga kapatid-na-babae, mga asawang-babae, o masakit na pagpipino? Mapapawi ba ng mga damdamin ng konsensya ang larawan ng Diyos sa loob ng tao? Ang pagkakautang ba at mga pagkilos ng mga tao tungo sa isa’t isa ay kanilang kagagawan? Ang mga iyon ba ay malulunasan ng tao? Sino ang makakayang ingatan ang kanilang mga sarili? Makakaya ba ng mga taong magkaloob para sa kanilang mga sarili? Sino ang mga malalakas sa buhay? Sino ang makakayang iwanan Ako at mamuhay sa kanilang sarili? Paulit-ulit nang paulit-ulit, bakit hinihingi ng Diyos na ang lahat ng mga tao ay magsagawa ng pagsusuri-sa-sarili? Bakit sinasabi ng Diyos, “kaninong paghihirap ang isinaayos sa pamamagitan ng kanilang mga sariling kamay?”
Ang tinig ng Diyos | Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-dalawa at Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas
Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-dalawa at Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas
Ngayong araw, ang lahat ay handang tarukin ang kalooban ng Diyos at kilalanin ang disposisyon ng Diyos, datapwa’t walang nakakaalam sa dahilan kung bakit wala silang kakayahan sa pagsunod sa kanilang mga inaasam, hindi nila nalalaman kung bakit lagi silang ipinagkakanulo ng kanilang mga puso, at kung bakit hindi nila makayang kamtin kung ano ang nais nila. Bilang resulta, sila ay minsan pang binabagabag ng nakapanlulumong kawalang-pag-asa, gayunman ay puno pa rin sila ng takot. Hindi-kayang ipahayag ang mga magkakasalungat na damdaming ito, maaari lamang nilang iyuko ang kanilang mga ulo sa kalungkutan at patuloy na tanungin ang kanilang mga sarili: Maaari kayang hindi ako naliwanagan ng Diyos? Maaari kayang ako ay lihim na pinabayaan ng Diyos? Marahil ang bawa’t isa ay ayos, at naliwanagan silang lahat ng Diyos maliban sa akin. Bakit lagi akong nakakaramdam na nababagabag kapag binabasa ko ang mga salita ng Diyos, bakit hindi ko matarok kahit kailan ang anumang bagay? Bagaman iniisip ng mga isipan ng mga tao ang mga bagay na ito, walang nangangahas na ipahayag ang mga iyon; nagpapatuloy lamang silang nakikipagtunggali sa loob. Sa katunayan, walang sinuman kundi ang Diyos ang kayang maunawaan ang Kanyang mga salita o tarukin ang Kanyang tunay na kalooban. Gayunman laging hinihingi ng Diyos na tarukin ng mga tao ang Kanyang kalooban—hindi ba ito ay gaya ng pagtutulak sa isang bibi tungo sa isang dapúán? Ang Diyos ba ay mangmang sa mga pagkabigo ng tao? Ito ang interseksyon ng gawain ng Diyos, ito ang hindi nauunawaan ng mga tao, at sa gayon ay sinasabi ng Diyos, “Namumuhay ang tao sa gitna ng liwanag, ngunit hindi niya batid ang kahalagahan ng liwanag. Siya ay ignorante sa substansya ng liwanag, at sa pinagmumulan ng liwanag, at, higit pa rito, kung sino ang nagmamay-ari nito.” Ayon sa mga salita ng Diyos at kung ano ang hinihingi Niya sa tao, walang makakapanatiling buháy, sapagka’t walang anuman sa laman ng tao ang tumatanggap sa mga salita ng Diyos, kayâ kung kaya ng mga tao na sundin ang mga salita ng Diyos, magpahalaga at maghangad sa mga salita ng Diyos, at iakma ang mga salita sa mga pagbigkas ng Diyos na tumutukoy sa mga katayuan ng tao sa kanilang sariling mga kalagayan, at sa gayon ay makilala ang kanilang mga sarili, kung gayon ito ang pinakamataas na pamantayan. Kapag ang kaharian ay naging realidad sa kahuli-hulihan, yaong mga namumuhay sa laman ay hindi pa rin makakayang tarukin ang kalooban ng Diyos, at mangangailangan pa rin ng personal na paggabay ng Diyos. Mawawalan nga lamang ang mga tao ng panghihimasok ni Satanas, at matataglay ang normal na buhay ng tao, na siyang layunin ng Diyos sa paggapi kay Satanas, at pangunahing upang bawiin ang orihinal na kakanyahan ng tao, na nilikha ng Diyos. Sa isipan ng Diyos, ang “laman” ay tumutukoy sa sumusunod: ang kawalang-kakayahan na makilala ang kakanyahan ng Diyos, ang kawalang-kakayahan na makita ang mga kaganapan sa espirituwal na kinasasaklawan, at, higit pa, ang kakayahang magawang tiwali ni Satanas nguni’t mapatnubayan din ng Espiritu ng Diyos. Ito ang diwa ng laman na nilikha ng Diyos. Likas lamang na ito rin ay upang maiwasan ang kaguluhan na sanhi ng kakulangan ng kaayusan sa buhay ng sangkatauhan. Mas nagsasalita ang Diyos, at mas nagiging matalim ang Kanyang mga salita, mas nauunawaan ng mga tao ang Kanyang mga salita. Ang mga tao ay hindi-namamalayang nagbabago, at hindi-namamalayang namumuhay sa liwanag, at sa gayon “Dahil sa liwanag, lahat ng mga tao ay lumalago, at iniwan na ang karimlan.” Ito ang magandang tagpo ng kaharian, at gaya ng malimit na sinalita sa nakaraan: “namumuhay sa liwanag, lumilisan sa kamatayan.” Kapag ang Sinim ay naging tunay sa lupa—kapag ang kaharian ay naging tunay—hindi na magkakaroon ng digmaan sa lupa, hindi na kailanman magkakaroon ng mga taggutom, mga salot, at mga lindol, ang mga tao ay hihinto sa paggagawa ng mga sandata, lahat ay mamumuhay sa kapayapaan at katatagan, at kapwa ang mga tao at mga bansa ay magkakaugnay nang normal sa isa’t isa. Gayunman ang kasalukuyan ay hindi maihahambing dito. Ang lahat sa ilalim ng mga kalangitan ay nasa kaguluhan, ang mga kudeta ay unti-unting nagsisimulang maganap sa bawa’t bansa. Habang binibigkas ng Diyos ang Kanyang tinig ang mga tao ay unti-unting nagbabago, at, sa panloob, bawa’t bansa ay dahan-dahang nagkakawatak-watak. Ang matibay na mga pundasyon ng Babilonia ay nagsisimulang kumalog, gaya ng isang kastilyo na umaabot tungo sa himpapawid, at habang ang kalooban ng Diyos ay nag-iiba, matitinding mga pagbabago ang nagaganap na di-napapansin sa mundo, at lahat ng galaw ng mga palatandaan ay lumilitaw sa anumang oras, ipinakikita sa mga tao na ang huling araw ng mundo ay nakarating! Ito ang plano ng Diyos, ang mga ito ang mga hakbang kung saan sa pamamagitan nito Siya ay gumagawa, at bawa’t bansa ay tiyak na magkakapira-piraso, ang matandang Sodoma ay mawawasak sa ikalawang pagkakataon, at sa gayon sinasabi ng Diyos “Masisira ang mundo! Paralisado ang Babylon!” Walang sinuman kundi ang Diyos lamang ang may kakayahan ng ganap na pag-unawa rito; mayroong, sa paanuman, isang hangganan sa kamalayan ng mga tao. Halimbawa, ang mga ministro ng panloob na mga kaganapan ay maaring nakakaalam na ang kasalukuyang mga kalagayan ay hindi matatag at magulo, nguni’t wala silang kakayahang lunasan ang mga iyon. Maaari lamang silang sumakay sa agos, umaasa sa kanilang mga puso para sa araw kung kailan maitataas nila ang kanilang mga ulo, naghahangad na ang araw ay darating kung kailan ang araw ay muling sisikat sa silangan, sumisikat sa buong lupain at ibinabaligtad ang kaawa-awang katayuang ito ng mga kaganapan. Bahagya nilang nalalaman, gayunpaman, na kapag ang araw ay sumisikat sa ikalawang pagkakataon, ito ay hindi upang panumbalikin ang lumang kaayusan, kundi upang bumalikwas pabalik, at magdala ng lubos na pagbabago. Ganyan ang plano ng Diyos para sa buong sansinukob. Dadalhin Niya ang isang bagong mundo, nguni’t higit sa lahat, paninibaguhin muna Niya ang tao. Ngayong araw, ang pagdadala ng mga tao tungo sa mga salita ng Diyos ay siyang susi, hindi lamang pagpapahintulot sa kanila na magtamasa ng mga pagpapala ng katayuan. Higit pa, gaya ng sinasabi ng Diyos, “Sa kaharian, Ako ang Hari—ngunit sa halip na ituring Ako bilang kanyang Hari, tinatrato Ako ng tao bilang Tagapagligtas na bumaba mula sa langit. Bilang resulta, umaasa siya na magbibigay ako sa kanya ng limos, at hindi tuluyang naghahangad na ako’y makilala.” Ganyan ang tunay na mga kalagayan ng lahat ng mga tao. Ngayong araw, ang mahalaga ay ganap na pagpapawi sa walang-kasiyahang kasakiman ng tao, sa gayon ay pinahihintulutan ang mga tao na makilala ang Diyos nang hindi humihingi ng anuman; hindi kataka-taka, kung gayon, na sinasabi ng Diyos, “Maraming umiyak sa Aking harapan katulad ng isang pulubi; maraming nagbukas ng kanilang mga “sako” sa Akin at nakiusap sa Aking bigyan sila ng pagkain upang mabuhay.” Ang sari-saring mga katayuang ito ay tumutukoy sa kasakiman ng mga tao, at ipinakikita ng mga ito na hindi minamahal ng mga tao ang Diyos kundi gumagawa ng mga panghihingi sa Diyos, o kaya ay sinusubukang matamo ang mga bagay-bagay na kanilang inaasam. Ang mga tao ay may kalikasan ng isang gutom na lobo, silang lahat ay tuso at sakim, at sa gayon ang Diyos ay gumagawa ng mga kinakailangan sa kanila nang paulit-ulit, pinipilit silang alisin ang kasakiman sa kanilang mga puso at mahalin ang Diyos nang taos-puso. Sa katunayan, hanggang sa araw na ito, hindi pa naibibigay ng mga tao ang kanilang buong puso sa Diyos, sila ay namamangka sa dalawang ilog, kung minsan ay umaasa sa kanilang mga sarili, kung minsan ay umaasa sa Diyos nang hindi lubusang nananalig sa Diyos. Kapag ang gawain ng Diyos ay umaabot sa isang tiyak na punto, lahat ng mga tao ay mamumuhay sa gitna ng tunay na pag-ibig at pananampalataya, at ang kalooban ng Diyos ay matutupad; sa gayon, ang mga kinakailangan ng Diyos ay hindi matayog.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)