菜單

Abr 23, 2018

Salita ng Diyos | Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas

Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas

    Mula sa lahat ng mga salitang binigkas ng Diyos, maaaring makita na ang araw ng Panginoon ay nalalapit sa bawa’t araw na lumilipas. Para bang ang araw na ito ay nasa harap mismo ng mga mata ng mga tao, na para bang ito ay darating bukas. Kaya, pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, lahat ng mga tao ay nahintakutan, at mayroon ding kaunting pakiramdam ng kapanglawan ng mundo. Para bang, habang ang mga dahon ay nalalaglag at ang ambon ay pumapatak, lahat ng mga tao ay naglaho nang walang bakas, na para bang lahat sila ay napawi mula sa lupa. Silang lahat ay may pakiramdam na may nagbabadyang masama. Bagaman pinipilit nila, at inaasam na bigyang-kasiyahan ang mga hangarin ng Diyos, lahat ay gumagamit ng bawa’t himaymay ng lakas na mayroon sila upang tuparin ang mga hangarin ng Diyos upang ang kalooban ng Diyos ay makakapagpatuloy nang maayos, walang hadlang, ang gayong saloobin ay laging may kahalong pakiramdam ng nagbabadyang mangyayari. Halimbawa ay ang mga pagbigkas ngayon: Kung ang mga iyon ay ibinrodkast sa mga karamihan, ibinalita sa buong sansinukob, kung gayon ang lahat ng mga tao ay yuyukod at tatangis, sapagka’t sa mga salitang “Babantayan ko ang buong lupa, at, magpapakita sa Silangan ng mundo nang may kabanalan, kamahalan, poot at kaparusahan, ihahayag ko ang Aking sarili sa napakaraming hukbo ng sangkatauhan!” lahat nang nakakaunawa ng espirituwal na mga bagay ay nakakakita na walang sinumang maaaring tumakas sa pagkastigo ng Diyos, na lahat ay susunod sa kanilang sariling uri pagkatapos maranasan ang pagdurusa ng pagkastigo. Tunay nga, ito ay isang hakbang ng gawain ng Diyos, at walang sinumang makakapagbago rito. Nang nilikha ng Diyos ang mundo, nang pinangunahan Niya ang sangkatauhan, ipinakita Niya ang Kanyang karunungan at pagiging kahanga-hanga, at saka lamang kapag dinadala Niya ang kapanahunang ito sa katapusan mamamasdan ng mga tao ang Kanyang tunay na pagkamatuwid, kamahalan, poot, at kaparusahan. Higit pa, sa pamamagitan lamang ng pagkastigo na makakaya nilang makita ang Kanyang pagkamatuwid, kamahalan, at poot; ito ay isang landas na dapat matahak, gaya ng, sa panahon ng mga huling araw, ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay kailangan, at hindi maaaring mawala. Pagkatapos iproklama ang katapusan ng buong sangkatauhan, ipinakikita ng Diyos sa tao ang gawain na ginagawa Niya ngayon. Halimbawa, sinasabi ng Diyos, “Ang Israel noong panahon ay huminto na, at ang Israel sa araw na ito ay bumangon, tumayo at tumitindig nang matayog, sa mundo, ay bumangon sa mga puso ng lahat ng sangkatauhan. Ngayon ang Israel ay tiyak na makukuha ang pinagmulan ng pag-iral sa pamamagitan ng Aking mga tao! Ah, nakamumuhing Ehipto! … Paanong hindi ka iiral sa loob Aking kaparusahan?” Sadyang ipinakikita ng Diyos sa mga tao ang mga bungang nakamit ng dalawang magkasalungat na bansa mula sa mga kamay ng Diyos, sa isang banda ay tumutukoy sa Israel, na materyal, at sa isa pa ay tumutukoy sa lahat ng mga pinili ng Diyos—na ibig sabihin, sa kung paano nagbabago ang mga pinili ng Diyos habang ang Israel ay nagbabago. Kapag ang Israel ay lubos nang nakabalik sa orihinal nitong anyo, lahat ng mga pinili ay kasunod na magagawang ganap—na ibig sabihin, ang Israel ay isang makahulugang sagisag niyaong mga minamahal ng Diyos. Ang Ehipto, samantala, ay ang pagtatagpo ng mga kinatawan niyaong mga kinamumuhian ng Diyos. Mas nagiging bulok ito, mas nagiging tiwali yaong mga kinamumuhian ng Diyos—at ang Babilonia ay kasunod na bumabagsak. Ito ay bumubuo ng malinaw na pagkakasalungat. Sa pamamagitan ng pagpoproklama ng mga katapusan ng Israel at Ehipto, ibinubunyag ng Diyos ang hantungan ng lahat ng mga tao; kaya, kapag binabanggit ang Israel, nagsasalita rin ang Diyos tungkol sa Ehipto. Mula rito ay nakikita na ang araw ng pagwasak sa Ehipto ay ang petsa ng paglipol sa mundo, ang petsa kung kailan kinakastigo ng Diyos ang lahat ng mga tao. Ito ay mangyayari sa lalong madaling panahon; ito ay tutuparin na ng Diyos, at isang bagay na lubos na hindi-nakikita ng hubad na mata ng tao, datapwa’t ito rin ay hindi maaaring mawala, at hindi mababago ng sinuman. Sinasabi ng Diyos, “ang lahat ng mga taong lumaban sa Akin ay tiyak na paparusahan Ko nang walang hanggan. Sapagka’t Ako’y ang naninibughong Diyos, hindi Ko basta patatawarin ang mga tao sa lahat ng kanilang ginawa.” Bakit ang Diyos ay nagsasalita nang gayong walang-pasubaling mga salita? At bakit Siya ay personal na naging katawang-tao sa sambayanan ng malaking pulang dragon? Mula sa mga salita ng Diyos ay nakikita ang Kanyang layunin: hindi Siya dumating upang iligtas ang mga tao, o maging mahabagin tungo sa kanila, o kalingain sila, o ingatan sila—kundi upang kastiguhin ang lahat niyaong sumasalungat sa Kanya. Sapagka’t sinasabi ng Diyos, “Walang makatatakas sa Aking pagkastigo.” Ang Diyos ay namumuhay sa katawang-tao, at, higit pa, Siya ay isang normal na persona—datapwa’t hindi Niya pinatatawad ang mga tao sa kanilang kahinaan sa kawalan ng kakayahang makilala Siya sa kanilang mga sarili; sa halip, dahil Siya ay normal, inuusig Niya ang mga tao dahil sa lahat ng kanilang mga kasalanan, ginagawa Niya ang lahat niyaong nakakamasid sa Kanyang katawang-tao na yaong siyang kinakastigo, kaya’t sila ay nagiging mga biktima para sa mga yaong hindi kabilang sa mga tao ng bansa ng malaking pulang dragon. Nguni’t ito ay hindi isa sa mga pangunahing layunin ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang Diyos ay naging katawang-tao pangunahing upang makipaglaban, sa katawang-tao, sa malaking pulang dragon, at upang hiyain ito sa pamamagitan ng labanan. Dahil ang dakilang kapangyarihan ng Diyos ay higit na napapatunayan sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa malaking pulang dragon sa katawang-tao kaysa sa loob ng Espiritu, ang Diyos ay nakikipaglaban sa katawang-tao upang ipakita ang Kanyang mga gawa at pagiging makapangyarihan-sa-lahat. Dahil sa pagkakatawang-tao ng Diyos, hindi-mabilang na mga tao ang “walang-muwang” na nausig, hindi-mabilang na mga tao ang naitapon sa impiyerno, at nadala tungo sa pagkastigo, nagdurusa sa laman. Ito ang paglalarawan ng matuwid na disposisyon ng Diyos, at kung paano man nagbabago yaong mga sumasalungat sa Diyos ngayon, ang nananaig na disposisyon ng Diyos ay hindi kailanman magbabago. Minsan nang inusig, ang mga tao ay inuusig magpakailanman, at hindi na kailanman makababangon. Ang disposisyon ng tao ay hindi makakayang maging tulad ng sa Diyos. Tungo sa mga sumasalungat sa Diyos, ang mga tao ay paiba-iba ng isip, sila ay pagiwang-giwang sa kaliwa at kanan, sila ay umaakyat at bumababa, hindi nila makayang manatiling pareho nang tuluy-tuloy, kung minsan ay kinamumuhian sila nang sagad sa kanilang mga buto, kung minsan ay hinahawakan sila nang malapit; ang mga kalagayan ngayon ay nakasapit dahil hindi kilala ng mga tao ang gawain ng Diyos. Bakit sinasabi ng Diyos ang mga salitang gaya ng, “Ang mga anghel ay, sa paanuman, mga anghel; ang Diyos, sa paanuman, ay Diyos; ang mga demonyo, sa paanuman, ay mga demonyo; ang hindi-matuwid ay hindi pa rin matuwid; at ang mga banal ay banal pa rin”? Hindi ba ninyo ito naaabot? Maari kayang hindi naalaala ng Diyos? Kaya, sinasabi ng Diyos, “ang bawa’t isa’y ayon sa kanilang mga uri, ang mga tao ay hinahanap ang kanilang mga landas na hindi sinasadya pagbalik sa sinapupunan ng kanilang mga pamilya.” Mula rito ay makikita na ngayon, napagsama-sama na ng Diyos ang lahat ng mga bagay tungo sa kani-kanilang mga pamilya, upang ito ay hindi na isang “walang-hanggang mundo,” at ang mga tao ay hindi na kumakain mula sa parehong malaking palayok, kundi gumaganap ng kanilang sariling tungkulin sa kanilang sariling tahanan, ginagampanan ang kanilang sariling papel. Ito ang orihinal na plano ng Diyos sa paglikha ng mundo; pagkatapos na mapagsama-sama ayon sa uri, ang mga tao ay “bawa’t isa’y kakainin ang kanilang sariling pagkain”—sisimulan ng Diyos ang paghatol. Bilang resulta, mula sa bibig ng Diyos ay nagbuhat ang mga salitang ito: “Aking ibabalik sa dating estado ng paglikha, Aking ibabalik ang lahat ng bagay sa orihinal, malalim na babaguhin ang lahat ng bagay, nang sa gayon ang lahat ng bagay ay bumalik sa pinagmulan ng Aking plano.” Ito ang eksaktong layunin ng buong gawain ng Diyos, at hindi ito mahirap maunawaan. Gagawing ganap ng Diyos ang Kanyang gawain—maari bang hadlangan ng tao ang Kanyang gawain? At maari bang punitin ng Diyos ang tipang itinatag sa pag-itan Niya at ng tao? Sino ang maaaring magbago sa ginawa ng Banal na Espiritu? Maari kayang sinuman sa gitna ng tao?

    Sa nakalipas, natarok ng mga tao na mayroong isang batas sa mga salita ng Diyos: Sa sandaling nagsalita ang Diyos, ang mga katunayan ay natupad sa lalong madaling panahon. Walang kabulaanan dito. Yamang nasabi ng Diyos na kakastiguhin Niya ang lahat ng mga tao, at, higit pa, yamang napalabas na Niya ang mga utos sa pangangasiwa, makikita na ng gawain ng Diyos ay naisakatuparan hanggang sa isang tiyak na punto. Ang konstitusyon na inilabas para sa lahat ng mga tao sa nakalipas ay nakatuon sa kanilang mga buhay at kanilang saloobin tungo sa Diyos. Hindi ito nakaabot sa ugat; hindi nito sinabi na ito ay nakabatay sa pagtatalaga ng Diyos, kundi sa asal ng tao sa panahong iyon. Ang mga utos sa pangangasiwa ng ngayon ay hindi pangkaraniwan, nagsasalita ang mga iyon tungkol sa kung paano “Ang lahat ng sangkatauhan ay susunod sa kanilang sariling uri, at makatatanggap ng parusa na naiiba sa kung ano ang kanilang ginawa.” Kung walang matamang pagbabasa, walang suliraning makikita rito. Dahil sa panahon lamang ng huling kapanahunan gagawin ng Diyos ang lahat ng mga bagay na sumunod sa kanilang sariling uri, pagkatapos basahin ito karamihan sa mga tao ay nananatiling nag-iisip at nalilito, sila ay malahininga pa rin, hindi nila nakikita ang pagmamadali ng mga panahon, kaya’t hindi nila ito ipinalalagay bilang babala. Bakit, sa puntong ito, ang mga utos sa pangangasiwa ng Diyos—na ibinalita sa buong sansinukob—ay ipinakikita sa tao? Ang mga taong ito ba ay kumakatawan sa lahat niyaong nasa buong sansinukob? Maari kaya na, pagkatapos, higit pang magdaragdag ng kahabagan ang Diyos tungo sa mga taong ito? Ang mga taong ito ba ay tinubuan ng dalawang ulo? Kapag kinakastigo ng Diyos ang mga tao sa buong sansinukob, kapag ang lahat ng paraan ng kapahamakan ay humagupit, bilang resulta ng mga sakunang ito, magaganap ang mga pagbabago sa araw at buwan, at kapag natapos ang mga sakunang ito, ang araw at buwan ay naiba na—at ito ay tinatawag na pagpapalit. Sapat nang sabihin, ang mga sakuna ng hinaharap ay magiging malubha. Ang gabi ay maaring siyang maging araw, ang araw ay maaring hindi magpakita sa loob ng isang taon, maaring magkaroon ng maraming buwan ng nakapapasong init, isang papalubog na buwan ang maaring laging kaharapin ng sangkatauhan, maaring lumitaw ang kakatwang katayuan ng araw at buwan na magkasamang sumisikat. Kasunod ng maraming paikut-ikot na mga pagbabago, sa kahuli-hulihan, pagkalipas ng panahon, ang mga iyon ay mapapanibago. Ang Diyos ay nagtutuon ng tanging pansin sa mga pagsasaayos niyaong sa diyablo. Kaya, sadya Niyang sinasabi, “Sa mga tao sa loob ng sansinukob, ang lahat ng mga kasama sa diyablo ay pupuksain.” Nang ang “mga taong” ito ay hindi pa nagpapakita ng kanilang tunay na mga kulay, laging sinasamantala ng Diyos ang kanilang paglilingkod; bilang resulta, hindi Niya binibigyang-pansin ang kanilang mga ginagawa, hindi Niya sila binibigyan ng “gantimpala” kahit na gaano kabuti ang kanilang ginagawa, ni binabawasan Niya ang kanilang “mga kabayaran” kahit gaano kasama ang kanilang pagganap. Sa gayon, binabalewala Niya sila, malamig ang Kanyang pakikitungo sa kanila. Hindi Siya biglaang nagbabago dahil sa kanilang “kabutihan,” sapagka’t kung anumang panahon o lugar, ang kakanyahan ng tao ay hindi nagbabago, gaya lamang ng tipang itinatag sa pag-itan ng Diyos at tao, tulad lamang ng, gaya ng sinasabi ng tao, “hindi magkakaroon ng pagbabago kahit na ang mga karagatan ay matuyo at ang mga batuhan ay gumuho.” Kaya, inuuri lamang ng Diyos yaong mga tao at hindi sila madaling binibigyang-pansin. Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, hindi kailanman nag-asal nang mabuti ang diyablo. Lagi itong nanghihimasok, nanggagambala, at sumasalungat. Kapag ang Diyos ay kumikilos o nagsasalita, lagi itong sumusubok na makibahagi—nguni’t hindi pinapansin ng Diyos. Sa pagbanggit sa diyablo, ang galit ng Diyos ay dumadaloy, hindi masupil; dahil hindi ito kaisa ng Espiritu, walang kaugnayan, tanging agwat at pagkakahiwalay. Kasunod ng pagbubunyag ng pitong tatak, ang katayuan ng lupa ay nagiging mas mapanganib, lahat ng mga bagay ay “sumusulong nang balikatan sa pitong tatak,” hindi naiiwan kahit katiting. Sa buong mga salita ng Diyos, ang mga tao ay tinatanaw ng Diyos bilang natutulala, datapwa’t sila ay hindi nagising kahit kailan. Upang makaabot sa mas mataas na punto, upang madala ang kalakasan ng lahat ng mga tao, at lalo na, upang tapusin ang gawain ng Diyos sa taluktok nito, nagtatanong ang Diyos sa mga tao ng sunud-sunod na mga tanong, na para bang pinalalaki ang kanilang mga tiyan, at sa gayon ay pinupunuan Niya ang lahat ng mga tao. Dahil ang mga taong ito ay walang tunay na tayog, batay sa tunay na mga kalagayan, yaong mga napalaki ay mga produktong nakaabot sa pamantayan, at yaong hindi ay walang-silbing basura. Ito ang kinakailangan ng Diyos sa tao, at ang layunin ng pamamaraan kung paano Siya nagsasalita. Lalo na, kapag sinasabi ng Diyos na “Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay hindi ang parehong Ako kapag ako ay nasa langit? Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa langit, ay hindi makababa sa lupa? Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay hindi karapat-dapat na dalhin sa langit?” ang mga katanungang ito ay lumalayo pa sa pagsasanhi sa mga tao na makilala ang Diyos. Mula sa mga salita ng Diyos kanilang namamasdan ang madaliang kalooban ng Diyos; ang mga tao ay walang kakayahang makamit ito, at paulit-ulit na nagdaragdag ang Diyos ng mga kundisyon, kaya ipinaaalaala sa lahat ng mga tao na kilalanin ang makalangit na Diyos sa lupa, at kilalanin ang Diyos na nasa langit nguni’t namumuhay sa lupa.
    Mula sa mga salita ng Diyos ay makikita ang mga katayuan ng tao: “Ang lahat ng tao ay gumugol ng pagsisikap sa Aking mga salita, nagsasagawa ng pagsisiyasat sa kanilang sarili sa Aking panlabas na anyo, ngunit lahat sila ay humantong sa pagkabigo, nang walang anumang mga resulta na maipakita, ngunit sa halip ay pinabagsak ng Aking mga salita at hindi na maglakas-loob na muling tumayo.” Sino ang makakaunawa sa kalungkutan ng Diyos? Sino ang makakaaliw sa puso ng Diyos? Sino ang ayon sa puso ng Diyos sa hinihingi ng Diyos? Kapag ang mga tao ay walang ibinubungang mga resulta, kanilang tinatanggihan ang kanilang mga sarili at tunay na nasa ilalim ng mga pagsasaayos ng Diyos. Unti-unti, habang ipinakikita nila ang kanilang tunay na puso, bawa’t isa ay sumusunod sa kanilang sariling uri, at sa gayon ay nakikita na ang kakanyahan ng mga anghel ay ang dalisay na pagtalima sa Diyos. Kaya’t, sinasabi ng Diyos, “Ang sangkatauhan ay nailantad sa kanilang tunay na anyo.” Kapag ang gawain ng Diyos ay nakaabot sa hakbang na ito, ang buong gawain ng Diyos ay natapos na. Ang Diyos ay tila hindi nagsasalita ng anuman tungkol sa Kanyang pagiging isang huwaran para sa Kanyang mga anak-na-lalaki at bayan, sa halip ay tumutuon sa pagsasanhi sa lahat ng mga tao na ipakita ang kanilang orihinal na anyo. Nauunawaan mo ba ang tunay na kahulugan ng mga salitang ito?
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal
Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Pananalig sa Diyos | Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kapareho sa Paniniwala sa Panginoon?