Interpretasyon ng Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas
Ang kalagayan ng mga tao ay na mas kakaunti ang pagkaunawa nila tungkol sa mga salita ng Diyos, mas may-pag-aalinlangan sila sa kasalukuyang paraan ng paggawa ng Diyos. Nguni’t ito ay walang epekto sa gawain ng Diyos; kapag ang Kanyang mga salita ay umaabot sa isang tiyak na punto, ang mga puso ng mga tao ay likas na tatanggap. Sa kanilang mga buhay, ang bawa’t isa ay nakatuon sa mga salita ng Diyos, at nagsisimula rin silang manabik sa Kanyang mga salita—at dahil sa tuluy-tuloy na paglalantad ng Diyos, nagsisimula silang hamakin ang kanilang mga sarili. Gayunman, binigkas din ng Diyos ang marami sa mga sumusunod na uri ng mga salita: “Kapag lubusan niyang naunawaan ang lahat ng Aking mga salita, nagiging akma ang tayog ng tao sa mga kagustuhan Ko, at ang mga pagsusumamo niya ay nagiging mabunga at hindi na walang kabuluhan o walang saysay; pinagpapala Ko ang mga pagsusumamo ng sangkatauhan na taos-puso, at hindi isang pagkukunwari.” Sa katunayan, ang mga tao ay walang kakayahan na lubusang maunawaanang mga salita ng Diyos, maaari lamang nilang maunawaan ang nasa ibabaw. Ginagamit lamang ng Diyos ang mga salitang ito upang bigyan sila ng isang layunin na itaguyod, upang maramdaman nila na ang Diyos ay hindi gumagawa ng mga bagay nang basta-basta, nguni’t seryoso sa Kanyang gawain, at saka lamang sila magkakaroon ng pananampalatayang itataguyod. At sapagka’t ang lahat ng mga tao ay nagsusumamo lamang para sa kanilang sariling mga kapakanan, hindi para sa kalooban ng Diyos, nguni’t ang Diyos ay hindi pabago-bago, ang Kanyang mga salita ay laging nakatuon sa kalikasan ng tao. Bagaman ang karamihan sa mga tao ngayon ay nagsusumamo sila ay hindi tapat—ito ay isang pagkukunwari lamang. Ang kalagayan ng lahat ng mga tao ay na“isinasaalang-alang nila ang Aking bibig bilang isang kornukopya. Nais ng lahat ng mga tao na makakuha ng isang bagay mula sa Aking bibig. Mga lihim man ito ng kalagayan, o mga misteryo ng langit, o ang dinamika ng espirituwal na mundo, o ang hantungan ng sangkatauhan.” Dahil sa kanilang pagkamausisa, ang mga tao ay handang lahat nasaliksikin ang mga bagay na ito, at ayaw nilang makamitang anumang bagay na paglalaan ukol sa buhay mula sa mga salita ng Diyos. Kaya naman sinasabi ng Diyos, “Masyadong marami ang kakulangan sa kaloob-looban ng tao: Hindi lamang mga ’suplementong pangkalusugan‘ ang kanyang pangangailangan, ngunit mas higit pa ang ’suporta sa pag-iisip‘ at maging ang ’espirituwal na panustos.’“ Ito ang mga pagkaintindi sa mga tao na humantong sa pagkanegatibo ngayon, at ito ay dahil ang kanilang pisikal na mga mata ay masyadong “piyudal” kaya walang sigla sa kung ano ang kanilang sinasabi at ginagawa, at sila ay walang-pakialam at pabaya sa lahat ng mga bagay. Hindi ba ito ang mga kundisyon ng mga tao? Hindi ba dapat magmadali ang mga tao at ituwid ito, sa halip na magpatuloy na ganoon sila? Ano ang pakinabang na malaman ang hinaharap para sa tao? Bakit may reaksyon ang mga tao pagkatapos mabasa ang ilan sa mga salita ng Diyos, nguni’t ang nalalabing bahagi ng Kanyang mga salita ay walang epekto? Halimbawa, kapag sinasabi ng Diyos, “Nagbibigay Ako ng lunas para sa sakit ng tao upang makamit ang mas mahusay na mga epekto, upang bumalik ang lahat sa kalusugan, at upang, salamat sa Aking lunas, maaari na silang bumalik sa normalidad,” paanong ang mga salitang ito ay walang epekto sa mga tao? Hindi ba lahat ng bagay na ginawa ng Diyos ay ang dapat matamo ng tao? May gawain ang Diyos na dapat gampanan—bakit walang landas na lalakaran ang mga tao? Sa ganito, hindi ba sila lumilihis mula sa Diyos? Mayroon talagang malaking gawain na dapat gawin ng mga tao—halimbawa, gaano ang kanilang nalalaman tungkol sa “malaking pulang dragon” sa mga salitang “Talagang namumuhi ba kayo sa malaking pulang dragon”? Ang mga salita ng Diyos na “Bakit Ko ito tinanong sa inyo nang maraming beses?” ay nagpapakita na ang mga tao ay walang pa ring alam sa likas na katangian ng malaking pulang dragon, na sila ay nananatiling hindi kayang mas lumalim. Hindi ba ito ang gawaing dapat gawin ng tao? Paano masasabi na ang tao ay walang gawain? Kung gayon nga, ano ang magiging kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos? Ang Diyos ba ay nagiging pabaya at walang-pakialam alang-alang sa pagdaan lamang sa mga galaw? Maaari bang matalo ang malaking pulang dragon sa ganitong paraan?
Sinasabi ng Diyos, “Nagsimula na Ako, at uumpisahan Ko ang unang hakbang ng gawain Kong pagkastigo sa tirahan ng malaking pulang dragon.” Ang mga salitang ito ay nakatuon sa gawain sa pagka-Diyos; ang mga tao sa ngayon ay nakapasok na sa pagkastigo muna, at sa gayon sinasabi ng Diyos na ito ang unang hakbang ng Kanyang gawain. Hindi Niya hinahayaan ang mga tao na magtiis ng pagkastigo ng mga sakuna, nguni’t sa mga salita. Sapagka’t, kapag ang tono ng mga salita ng Diyos ay nagbabago, ang mga tao ay nagiging lubusang walang-alam, pagkatapos silang lahat ay pumapasok sa pagkastigo. At kapag nakaranas na sila ng pagkastigo, ito ay tulad ng sinasabi ng Diyos [a] “Kaya pormal ninyong gawin ang inyong tungkulin, at pormal ninyo Akong pupurihin sa buong lupain, magpakailan-kailanman!” Ito ay isang hakbang ng gawain ng Diyos—ito ay plano Niya. Bukod dito, ang mga taong ito ng Diyos ay personal na makikita ang mga pamamaraan kung paano ang dakilang pulang dragon ay kinakastigo, kaya ang kapahamakan ay opisyal na nagsisimula sa kanilang panlabas na mundo. Ito ay isa sa mga paraan kung paano inililigtas ng Diyos ang mga tao: Sa panloob sila ay kinakastigo, at sa panlabas ang kapahamaka’y sinasapit— kung saan upang sabihin, ang mga salita ng Diyos ay natutupad. Kaya, mas gusto ng mga tao na sumailalim sa pagkastigo kaysa kapahamakan, at dahil dito sila ay nananatili. Sa isang banda, ito ang punto na narating ng gawain ng Diyos; sa kabilang banda, ito ay upang ang lahat ng mga tao ay maaaring malaman ang disposisyon ng Diyos. Kaya sinasabi ng Diyos, “Ang panahon na matatamasa Ako ng Aking bayan ay kapag nakastigo na ang malaking pulang dragon. Ang sanhi ng pagtindig at paghihimagsik ng mga tao ng malaking pulang dragon ay ang Aking plano, at ang paraan ng pagperpekto Ko sa Aking bayan, at ito ay napakahusay na pagkakataon para lumago sa buhay ang bayan Ko.” Bakit nagsasalita ang Diyos ng mga salitang ito nguni’t hindi nito naaakit ang pansin ng mga tao?
Ang mga bansa ay nasa malaking kaguluhan, dahil ang pamalo ng Diyos ay nagsimulang ganapin ang papel nito sa lupa. Ang gawa ng Diyos ay makikita sa kalagayan ng mundo. Kapag sinasabi ng Diyos “uungol ang mga tubig, guguho ang mga bundok, mabubuwag ang mga malalaking ilog,” ito ang unang gawain ng pamalo sa lupa, na may resulta na “Magkakawatak-watak ang lahat ng mga kabahayan sa lupa, at mahahati-hati ang lahat ng mga bansa sa mundo; mawawala na ang mga araw ng pagbabalikan ng mag-asawa, hindi na muling magkikita ang ina at anak na lalaki, hindi na kailanman magtatagpo ang ama at anak na babae. Dudurugin Ko ang lahat ng mga bagay na dating nasa lupa.” Ganyan ang magiging pangkalahatang kalagayan ng mga pamilya sa lupa. Siyempre, hindi ito maaaring maging kalagayan ng lahat sa kanila, nguni’t ito ang kalagayan ng karamihan sa kanila. Sa kabilang banda, tinutukoy nito ang mga pangyayaring naranasan ng mga tao ng agos na ito sa hinaharap. Inihuhula nito na, sa sandaling sila ay sumailalim sa pagkastigo ng mga salita at ang mga hindi naniniwala ay naisailalim sa kapahamakan, wala nang mga pampamilyang relasyon sa kalagitnaan ng mga tao sa lupa; silang lahat ay magiging mga tao ng Sinim, at lahat ay magiging tapat sa kaharian ng Diyos. Kung gayon, mawawala na ang mga araw ng pagbabalikan ng mag-asawa, hindi na muling magkikita ang ina at anak na lalaki, hindi na kailanman magtatagpo ang ama at anak na babae. At sa gayon, ang mga pamilya ng mga tao sa mundo ay magkakahiwa-hiwalay, wawakwaking pira-piraso, at ito ang magiging pangwakas na gawain na gagawin ng Diyos sa tao. At dahil palalaganapin ng Diyos ang gawaing ito sa buong sansinukob, sasamantalahin Niya ang pagkakataon na linawin ang salitang “damdamin” para sa mga tao, kaya pinahihintulutan sila na makita na ang kalooban ng Diyos ay paghiwalayin lahat ang mga pamilya ng mga tao, at nagpapakita na ang Diyos ay gumagamit ng pagkastigo upang malutas ang lahat ng mga alitan ng pamilya sa kalagitnaan ng sangkatauhan. Kung hindi, walang paraan upang madala ang huling bahagi ng gawain ng Diyos sa lupa sa isang wakas. Ang huling bahagi ng mga salita ng Diyos ay nagpapahayag ng pinakamatinding kahinaan ng sangkatauhan—lahat sila ay nabubuhay sa damdamin—at sa gayon ay hindi iniiwasan ng Diyos ang isa man sa kanila, at inilalantad ang mga lihim na nakatago sa mga puso ng buong sangkatauhan. Bakit napakahirap para sa mga tao na ihiwalay ang kanilang mga sarili mula sa damdamin? Mas mataas ba ito kaysa sa mga pamantayan ng konsiyensya? Maisasakatuparan ba ng konsiyensya ang kalooban ng Diyos? Makakatulong ba sa mga tao ang damdamin sa pagdaan sa kagipitan? Sa mga mata ng Diyos, ang damdamin ay Kanyang kaaway—hindi ba ito malinaw na nakasaad sa mga salita ng Diyos?
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Talababa:
a.Ang orihinal na teksto ay inaalis ang “ito ay tulad ng sinasabi ng Diyos.”
Ang pinagmulan:Interpretasyon ng Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas
Rekomendasyon:Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang pinagmulan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Ang Pananalig sa Diyos ay Hindi Dapat Para Lamang sa Paghahanap ng Kapayapaan at mga Pagpapala.