菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na maghintay. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na maghintay. Ipakita ang lahat ng mga post

Abr 25, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis

Ang pag-ibig ay isang dalisay na damdamin, dalisay na walang dungis. Gamitin ang iyong puso, sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga. Ang pag-ibig ay ‘di nagtatakda ng mga kondisyon o mga hadlang o agwat. Gamitin ang ‘yong puso, sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga. Kung ikaw ay nagmamahal, ‘di ka manlilinlang, magrereklamo at tatalikod, naghihintay ng kapalit. Kung ikaw ay umiibig magpapakasakit ka, tinatanggap ang hirap at makaisa ng Diyos sa pagkaayon.

Abr 6, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikaapatnapu’t-pitong Pagbigkas

Ang Ikaapatnapu’t-pitong Pagbigkas

    Upang palaguin sa buhay ang sangkatauhan at Kami ng sangkatauhan ay magkamit ng mga resulta sa aming nagkakaisang simulain, lagi Akong nagpapatangay sa sangkatauhan, tinutulutan silang makatamo ng pampalusog at pantustos mula sa Aking salita at makatanggap ng lahat ng Aking kasaganaan mula rito. Kahit kailan ay hindi Ko ipinahiya ang sangkatauhan, subali’t hindi kailanman isinasaalang-alang ng tao ang Aking mga damdamin. Ito ay sapagka’t ang sangkatauhan ay manhid at “hinahamak” ang lahat ng mga bagay bukod sa Akin. Dahil sa mga pagkukulang ng sangkatauhan, nagpapakita Ako ng simpatiya sa kanila at sa gayon ay puspusang pinagsisikapan ang para sa kanila, upang maaari nilang matamasa ang lahat ng kasaganaan ng lupa hanggang ibig nila sa loob ng kanilang panahon sa lupa. Hindi Ko tinatrato nang hindi-patas ang tao at bilang pagsasaalang-alang sa pagsunod sa Akin ng mga tao sa loob ng maraming taon, lumambot ang Aking puso para sa kanila. Para bang hindi Ko kayang pagawin sila ng anumang gawain. Kaya, pinanonood Ko ang mga payat-na-payat na mga taong nagmamahal sa Akin tulad ng pagmamahal nila sa kanilang mga sarili at sa Aking puso ay palaging mayroong di-maipaliwanag na damdaming masakit, nguni’t sinong lalabag sa kinasanayan dahil dito? Sinong gagambala sa kanilang mga sarili dahil dito? Gayunpaman, naipagkaloob Ko na ang lahat ng Aking gantimpala sa sangkatauhan upang matamasa nila ito nang lubusan, at hindi Ko minaltrato ang sangkatauhan sa isyung ito. Ito ang kung bakit nakikita pa rin ng sangkatauhan ang Aking mahabagin at mabait na mukha. Lagi Akong nakapagtiis at nakapaghintay. Kapag ang sangkatauhan ay nagtatamasa hanggang kanilang ikinasisiya at nababagot, magsisimula Akong “pagbigyan” ang kanilang mga kahilingan at tulutan ang buong sangkatauhan na takasan ang kanilang walang-kabuluhang mga buhay, at pagkatapos ay hindi na Ako muling magkakaroon ng mga pakikitungo sa mga tao. Sa ibabaw ng lupa, nakaraan na ay nilamon Ko na ang sangkatauhan ng tubig-dagat, kinontrol Ko sila ng mga taggutom, tinakot Ko sila ng mga salot ng mga kulisap, at ginamit ko ang malalakas na mga ulan upang “diligin” sila, nguni’t hindi nadama ng tao ang kahungkagan ng buhay. Ngayon hindi pa rin nauunawaan ng tao ang kabuluhan ng pamumuhay sa lupa. Maaari kaya na ang pamumuhay sa Aking presensya ang pinakamahalaga na aspeto ng pantaong buhay? Ang pamumuhay ba sa Akin ay nagpapahintulot sa isa na takasan ang banta ng sakunâ? Ilang mga katawang makalaman sa lupa ang namuhay sa kalayaan ng pagtatamasa sa sarili? Sinong nakatakas sa kahungkagan ng pamumuhay sa laman? At sinong makaaalam nito? Mula sa Aking paglalang sa sangkatauhan magpahanggang sa ngayon, walang sinumang nakapamuhay ng pinaka-makabuluhang buhay sa lupa, kaya’t ang tao ay laging inaaksaya lamang ang isang buhay na lubos na walang-kabuluhan, nguni’t walang sinumang handang takasan ang mahirap-na-katayuang ito at walang sinumang handang iwasan ang kanilang hungkag at pagod na mga buhay. Sa karanasan ng sangkatauhan, walang sinuman sa mga namumuhay sa laman ang nakatakas sa mga kinagawian ng mundo ng tao, kahit na magsamantala sila sa pagtatamasa sa Akin. Sa halip, lagi lamang nilang hinayaan ang takbo ng kalikasan at nilinlang ang kanilang mga sarili.

Mar 28, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Ika-apatnapung Pagbigkas

Ang Ika-apatnapung Pagbigkas

    Ang mga tao ay nakatuon sa bawa’t galaw Ko, na para bang ibababa Ko na angmga kalangitan, at sila ay palaging naguguluminahan sa Aking mga ginagawa, na para bang ang Aking mga gawa ay lubos na hindi-maarok sa kanila. Sa gayon, kinukuha nila ang kanilang hudyat mula sa Akin sa lahat ng kanilang ginagawa, lubhang natatakot na magkakasala sila sa Langit at mapapatapon sa “mundo ng mga mortal.” Hindi Ko sinusubukang mahawakan ang mga tao, kundi tinututukan ng Aking gawain ang kanilang mga pagkukulang. Sa sandaling ito, sila ay napakasaya, at lumalapit upang umasa sa Akin. Kapag nagbigay Ako sa tao, minamahal Ako ng mga tao gaya ng pagmamahal nila sa kanilang sariling mga buhay, subali’t kapag humingi Ako ng mga bagay-bagay mula sa kanila, iniiwasan nila Ako. Bakit ganito? Hindi ba nila man lamang maisasagawa ang “pagiging-patas at pagkamakatwiran” ng mundo ng tao? Bakit ba Ako humihingi ng ganoon sa mga tao nang paulit-ulit? Talaga bangang kalagayan ay wala Ako kahit ano? Tinatrato Ako ng mga tao na parang isangpulubi. Kapag humingi Ako ng mga bagay-bagay mula sa kanila, itinataas nila angkanilang mga “tira-tira” sa harap Ko upang Aking “tamasahin,” at sinasabi pangtangang pag-aalaga nila sa Akin. Tinitingnan Ko ang kanilang pangit na mga mukha at mga kaibhan, at muli Akong lumilisan mula sa tao. Sa ilalim ng gayong mga kalagayan, ang mga tao ay nananatiling di-nakauunawa, at muling binabawi ang mga bagay-bagay na ipinagkait Ko sa kanila, hinihintay ang Aking pagbabalik. Nakagugol Ako ng malaking panahon, at nagbayad ng malaking halaga, alang-alang sa tao—nguni’t sa sandaling ito, sa di-alam na dahilan, ang mga konsensya ng mga tao ay nananatiling kailanma’y walang kakayahang gampanan ang kanilang orihinal na tungkulin. Bilang resulta, Aking itinatala ang kanilang nagpipilit na mga pag-aalinlangan kabilang sa “mga salita ng hiwaga,” upang magsilbing “sanggunian” para sa mga henerasyon sa hinaharap, dahil ang mga ito ay ang “mga resulta ng siyentipikong pagsasaliksik” na naibunga ng “pagpapagal na paggawa” ng mga tao; paano Kong basta na lamang aalisin ang mga iyon? Hindi ba ito ay magiging “pagbigo” sa mabubuting mga hangarin ng mga tao? Sapagka’t Ako, kung tutuusin, ay talagang may konsensya, hindi Ako nakikisangkot sa tuso at nakikipag-sabwatangmga kilos ng tao—hindi ba gayon ang Aking mga gawa? Hindi ba ito ang “pagiging-patas at pagiging-makatwiran” na sinabi ng tao? Sa gitna ng tao, nakágáwâ Ako nangwalang-humpay hanggang sa kasalukuyan. Sa pagdating ng mga panahong gaya ngayon, hindi pa rin Ako kilala ng mga tao, itinuturing pa rin nila Akong tulad sa isang dayuhan, at dahil nadálá Ko sila sa isang “dulong hangganan,” lalo pangnamumuhi sa Akin. Sa panahong ito, ang pag-ibig sa kanilang mga puso ay matagal nang naglaho nang walang bakas. Hindi Ako nagpapalabis, lalo nang hindi minamaliit ang tao. Maaari Kong mahalin ang tao hanggang sa kawalang-hanggan, at maaari Ko rin siyang kamuhian hanggang sa kawalang-hanggan, at ito ay hindi kailanman magbabago, pagka’t Ako ay may pagtitiyaga. Gayunman ang tao ay hindi nagtataglay ng pagtitiyagang ito, siya ay lagi nang pabagu-bago tungo sa Akin, siya ay laging nagbibigay lamang ng kaunting pansin sa Akin kapag ibinubuka Ko angAking bibig, at kapag itinikom Ko ang Aking bibig at hindi nagsalita ng kahit ano, siya ay kaagad na nawawala sa gitna ng mga alon ng malaking mundo. Sa gayon, pinaiikli Ko ito tungo sa isa pang kasabihan: Ang mga tao ay kulang sa pagtitiyaga, at sa gayon hindi nila kayang sundin ang Aking puso.

Mar 20, 2018

Tagalog Christian Song | Ang Pag-ibig at Kakanyahan ng Diyos ay Palaging Walang Pag-iimbot


Tagalog Christian Song | Ang Pag-ibig at Kakanyahan ng Diyos ay Palaging Walang Pag-iimbot

Hindi ibinubunyag o ipinapakita ang Kanyang pagdurusa. Ang Diyos ay nagtitiis at naghihintay ng tahimik. Hindi kalamigan o manhid, ni isang tanda ng kahinaan. Ang kakanyahan at pagmamahal ng Diyos ay palaging walang pag-iimbot. Ibinibigay ng Diyos ang Kanyang pinakamahusay, Kanyang pinakamahusay na panig. Pinakamabubuting mga bagay ay Kanyang ibinibigay. Naghihirap Siya para sa sangkatauhan; tahimik na nadadala ang Kanyang pagdurusa. Tahimik Siyang nagbibigay ng Kanyang pinakamahusay.

Mar 9, 2018

Ang Tunay na Dahilan ng Hindi Epektibong Gawain

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tunay na Dahilan ng Hindi Epektibong Gawain

Xinyi    Lungsod ng Xi’an, Lalawigan ng Shaanxi
    Sa aking kamakailang mga pagbisita sa mga iglesia, madalas kong narinig na sinasabi ng mga pinuno at manggagawa na ang ilang mga tao, matapos dumalo sa pagbabahaging kasama ako, ay naging negatibo, mahina at kulang sa paghahangad na magpatuloy sa paghahanap. Nadama ng iba na masyadong mahirap ang maniwala sa Diyos at hindi naunawaan ang Diyos. Sinabi ng ilan na ang kanilang kalagayan ay mainam bago sila nakipagkilala sa akin, ngunit sa sandaling nakita nila ako, labis nilang nadama ang pagkagipit at hindi komportable. … Nang marinig ko ang lahat ng ito, nanghina ang aking puso, at labis na nasaktan-sa tuwing nagkaroon ako ng pagbabahagi sa kanila ay mananatili ako sa loob ng ilang araw, at, upang malutas ang kanilang mga problema, nagpasiklab ako at nagbanggit ng di mabilang na mga sipi ng salita ng Diyos, na nagsasalita hanggang sa ang aking bibig ay natuyo, at sa lahat ng sandali ay iniisip na ang aking mga pagsisikap ay nagbunga ng mga magagandang resulta. Hindi ko naisip kailanman na ang mga bagay ay magiging ganito. Bakit ito nangyari? Inilagay ko ang tanong na ito sa aking mga saloobin nang nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, tiyak na ako ang may kasalanan sa lahat ng nangyari, ngunit hindi ko alam kung saan ako nagkamali. Hinihingi ko ang Iyong patnubay, upang higit kong malaman ang aking mga pagkakamali. Nakahanda akong maghintay na tanggapin ang Iyong pagliliwanag. “

Ene 17, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas

 Kaligtasan, Kidlat ng Silanganan, maghanap, maghintay



Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas

    Namumuhay ang tao sa gitna ng liwanag, ngunit hindi niya batid ang kahalagahan ng liwanag. Siya ay ignorante sa substansya ng liwanag, at sa pinagmumulan ng liwanag, at, higit pa rito, kung sino ang nagmamay-ari nito. Nang ipinagkaloob Ko ang liwanag sa tao, Aking agarang sinusuri ang mga kondisyon sa gitna ng tao: Dahil sa liwanag, nagbabago ang lahat ng tao, at dumarami, at nakaalis sa kadiliman. Tinitingnan Ko ang bawat kanto ng sansinukob, at nakikita na ang mga bundok ay binabalot sa hamog, na ang tubig ay nagyeyelo sa gitna ng lamig, at iyon, ay dahil sa pagdating ng liwanag, tumitingin ang mga tao sa Silangan upang makadiskubre pa sila nang mas makahulugan—ngunit, ang mga tao ay nananatiling hindi maka-unawa ng malinaw na direksyon sa gitna ng maninipis na ulap. Dahil ang buong mundo ay nalulukuban ng hamog, kapag Ako ay tumitingin sa gitna ng mga ulap, ang Aking pag-iral ay hindi kailanman natutuklasan ng tao; naghahanap ang tao sa daigdig ng isang bagay, mukha siyang nangangalap, tila ninanais niya, na maghintay sa Aking pagdating—ngunit hindi niya alam ang Aking araw, at maaari lamang madalas tumingin sa kislap ng liwanag sa Silangan. Sa lahat ng sangkatauhan, hinahanap Ko ang mga tunay na nagnanais ng Aking sariling puso. Lumalakad Ako kasama ng lahat ng tao, at naninirahan sa lahat ng tao, ngunit ang tao ay ligtas at matiwasay sa lupa, at kaya’t walang tunay na nagnanais sa Aking puso. Hindi alam ng mga tao kung paano magmalasakit sa Aking nais, hindi nila nakikita ang Aking mga pagkilos, at hindi sila makihalubilo sa liwanag at mailawan ng liwanag. Kahit na palaging pinapahalagahan ng tao ang Aking mga salita, siya ay walang kakayahang mabatid ang panglilinlang ni Satanas; dahil ang tayog ng tao ay masyadong maliit, hindi niya kayang gawin kung ano ang nais ng kanyang puso. Hindi Ako kailanman tunay na minahal ng tao. Kapag itinataas Ko siya, pakiramdam niya ay hindi siya karapat-dapat, ngunit hindi nito nagawa na subukin niyang pasayahin Ako. Basta hinahawakan lang niya ang katayuan na Aking ibinigay sa kanyang mga kamay at sinusuri ito; walang pakiramdam sa Aking pagkamasuyuin, sa halip nagpupumilit siyang nagpapakabundat sa kanyang sarili sa mga pagpapala ng kanyang katayuan. Ito ba ay hindi kakulangan ng tao? Kapag gumalaw ang mga bundok, maaari bang umiwas ang mga ito para sa kapakanan ng iyong katayuan? Kapag umagos ang tubig, maaari bang huminto ang mga ito sa harap ng iyong katayuan? Mababaligtad ba ang langit at lupa ng iyong katayuan? Ako ay minsang naging maawain sa tao, paulit-ulit—ngunit walang sinumang nagmamahal o nagpapahalaga rito, pinakinggan lang nila ito bilang isang kuwento, o binasa ito bilang isang nobela. Ang Aking bang mga salita ay hindi talaga nakakaantig sa puso ng tao? Ang Aking bang mga binibigkas ay tunay na walang epekto? Maaari bang walang sinuman ang naniniwala sa Aking pag-iral? Hindi mahal ng tao ang kanyang sarili; sa halip, siya ay nakikiisa kay Satanas upang lumaban sa Akin, at ginagamit si Satanas bilang isang “kapakinabangan” upang paglingkuran Ako. Ako ay susuong sa lahat ng mga mapanlinlang na balak ni Satanas, at pipigilan ang mga tao sa lupa na tanggapin ang panlilinlang ni Satanas, upang hindi sila manlaban sa Akin dahil sa pag-iral ni Satanas.

Ene 11, 2018

Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (6) – Pagbabalik


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (6) – Pagbabalik

Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kapag ikaw ay nanghihina at kapag ikaw ay nagsimula nang makaramdam ng kapanglawan ng mundong ito, huwag nang maguluhan, huwag kang umiyak. Ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat, ang Tagabantay, ay tatanggap sa iyong pagdating anumang oras. Nagbabantay Siya sa iyong tabi, naghihintay para sa iyong pagbabalik. Siya ay naghihintay para sa araw ng pagbabalik ng iyong gunita …” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Katulad ni Xiaozhen na naiwang pasa-pasa at bugbog ng mundong ito at nawalan ng pag-asa, nadama niya ang pagmamahal ng Makapangyarihang Diyos at napukaw ang kanyang puso …

Dis 10, 2017

Umaasa ang Diyos na Makamit ang Totoong Pananampalataya’t Pag-ibig ng Tao Para sa Kanya

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Umaasa ang Diyos na Makamit ang Totoong Pananampalataya’t Pag-ibig ng Tao Para sa Kanya

Umaasa ang Diyos na kapag iyong nauunawaan
ang tunay na bahagi Niya,
sa Kanya’y ikaw ay lalong mapapalapit;
tunay mong mapapahalagahan ang pag-ibig Niya
at malasakit Niya sa sangkatauhan;
puso mo’y ibibigay sa Kanya,
wala nang mga alinlangan
at wala nang mga hinala sa Kanya.
Palihim Niyang ginagawa ang lahat para sa tao.
Kanyang sinseridad, katapatan,
at pag ibig ay lihim na ibinigay sa tao.
‘Di Siya nagsisisi sa Kanyang mga ginagawa;
ni may hinihintay na kapalit sa tao,
o may inaasahang anuman sa kanila.
Ang tanging layunin ng ginagawa Niya ay tunay
na pananampalataya at pag-ibig.

Dis 8, 2017

Clip ng Pelikulang Paghihintay – Paano Tayo Dapat “Mag-abang at Maghintay” para sa Ikalawang Pagdati…

Clip ng Pelikulang Paghihintay – Paano Tayo Dapat “Mag-abang at Maghintay” para sa Ikalawang Pagdati…

Sa muling pagdating ng Panginoon, bababa kaya Siya na nasa mga alapaap, o darating kaya Siya nang palihim na tulad ng isang magnanakaw? Paano mo haharapin ang pangalawang pagdating ng Panginoon? Masyado ka bang natatakot na iligaw ng isang huwad na Cristo na tatanggi ka nang hanapin Siya, o gagawin mo ang bahagi ng matalinong birhen at maingat na dinggin ang tinig ng Diyos? Paano ba tayo dapat “mag-abang at maghintay” upang magagawa nating salubungin ang Panginoon sa Kanyang pagbabalik? Panoorin ang maikling video na ito!

Clip ng Pelikulang Paghihintay – Tanging Yaong Susunod sa Kalooban ng Diyos ang Maaaring Makapasok sa Kaharian ng Langit

Clip ng Pelikulang Paghihintay – Tanging Yaong Susunod sa Kalooban ng Diyos ang Maaaring Makapasok sa Kaharian ng Langit

Anong uri ng tao ang dadalhin sa kaharian ng langit? Sinabi ng Panginoong Jesus, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). Ngunit naniniwala ang ilang mga tao na ang kahulugan lamang ng pagsunod sa kalooban ng makalangit na Ama ay pagiging tapat sa pangalan ng Panginoon, masigasig na pagsisilbi sa Kanya, at pagtitiis sa pagdurusa ng pagpasan sa krus, at kung gagawin natin ang mga bagay na ito, kailangan lamang nating mag-abang at maghintay para sa ikalawang pagbabalik ng Panginoon nang tulad nito upang madadala sa kaharian ng langit. Alinsunod ba ang mga ideyang ito sa mga panuntunan ng Panginoon? Ipapaalam ng clip na ito sa iyo.

Dis 6, 2017

Clip ng Pelikulang Paghihintay – Kayang Kilalanin ng Matalinong Birhen ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Tunay na Cristo at mga Bulaang Cristo

Clip ng Pelikulang Paghihintay – Kayang Kilalanin ng Matalinong Birhen ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Tunay na Cristo at mga Bulaang Cristo

Nahaharap sa ikalawang pagdating ng Panginoon, masyado ka bang matatakot sa mga bulaang Cristo na isasara mo ang pinto upang protektahan ang iyong sarili at maghintay para sa pagbubunyag ng Panginoon, o kikilos ka tulad ng matalinong birhen, at dinggin ang tinig ng Diyos at batiin ang pagbabalik ng Panginoon? Sasabihin sa iyo ng maikling video na ito kung paano salubungin ang ikalawang pagbabalik ng Panginoon.

Set 12, 2017

"Paghihintay" opisyal na trailer



   “Paghihintay” opisyal na trailer

Pastor si Hou’en sa isang bahay na iglesia sa Tsina. Kasama ang kanyang ama na si Yang Shoudao, naghintay sila na bumaba ang Panginoong Jesus mula sa mga ulap at dalhin sila sa kaharian ng langit. Dahil dito, masigasig silang nagtrabaho para sa Panginoon, pinanghawakan ang Kanyang pangalan, at naniwala na ang sinumang bumaba mula sa mga ulap na hindi ang Panginoong Jesus ay bulaang Cristo. At kaya, nang mabalitaan nila ang pangalawang pagbabalik ng Panginoon, hindi nila ito pinakinggan o tinanggap. Sa tingin nila ay mas mabuti ang magmasid at maghintay…. Habang sila’y naghihintay, tinanggap ng pinsan ni Yang Hou’en na si Li Jiayin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at ibinahagi ang ebanghelyo sa kanila. Matapos ang ilang matitinding talakayan, sa wakas ay naintindihan ni Yang Hou’en ang tunay na kahulugan ng “magmasid at maghintay,” at nakita na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, ang daan, ang buhay, at ang mga ito ay ang tinig ng Panginoon, at ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagbabalik ng Panginoong Jesus na kanilang hinintay sa loob ng maraming taon….