菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Biyaya. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Biyaya. Ipakita ang lahat ng mga post

Abr 17, 2019

Tagalog Christian Movie "Mapalad ang Mapagpakumbaba" | The Lord Has Come Back


Tagalog Christian Movie "Mapalad ang Mapagpakumbaba" | The Lord Has Come Back


Si Cho Yeonghan ay pastor sa isang iglesia sa South Korea. Malugod siyang naglingkod sa Panginoon nang ilang dekada at nakamtan ang matinding paggalang ng kanyang kapwa mananampalataya.  Sa nagdaang mga taon, ang iglesia niya ay naging mas mapanglaw araw-araw. Ang masasamang gawa ay naging pangkaraniwan na lamang, at kahit siya, madalas niyang natatagpuan ang sarili niya na nagkakasala. Bilang resulta, naging masyado siyang miserable at nakadama ng labis na pagkalito. Pagkatapos niyang pag-isipan ang lahat, maayos niyang ibinigay ang kanyang posisyon bilang pastor at iniwan ang kanyang denominasyon, naghanap ng isang iglesya na may gawain ng Banal na Espiritu, umaasa na matatagpuan ang landas na mag-aalis ng kanyang kasalanan.

Abr 10, 2019

Tagalog Christian Songs|Yaong Mga Nagmamahal sa Salita ng Diyos ay Pinagpapala


Tagalog Christian Songs|Yaong Mga Nagmamahal sa Salita ng Diyos ay Pinagpapala


I
Yaong mga handang tumanggap sa pagmamasid ng Diyos
ay yaong mga habol ang pagkakilala sa Diyos.
Sila'y handang tanggapin ang salita ng Diyos.
Kanilang makakamit, pamana't mga pagpapala ng Diyos.
Sila yaong mga pinak-apinagpala.
Isinusumpa ng Diyos ang mga walang puwang para sa Kanya.
Kinakastigo Niya't iniiwan sila.
Kung minamahal mo ang gawain ng Diyos,
minamahal ang kaliwanagan N'ya,
kung minamahal mo ang presensya ng Niya,
minamahal ang pag-iingat N'ya,
kung minamahal mo ang salita ng Diyos
bilang realidad mo at bilang panustos ng buhay,
kung gayon ika'y ayon sa puso ng Diyos.
Kung minamahal mo ang gawa ng Diyos sa iyo,
pagpapalain ka N'ya, darami ang pag-aari mo.
II
Gumagawa ang Diyos sa mga habol ang salita N'ya,
at gumagawa S'ya sa nagmamahal sa mga 'yon.
Mas minamahal mo ang mga iyon, mas gumagawa S'ya.
Mas pinahahalagahan ang salita ng Diyos,
mas may pag-asa silang magawang perpekto.
Pineperpekto ng Diyos, mga tunay na mahal S'ya,
yaong ang mga puso ay panatag sa harap Niya.
Kung minamahal mo ang gawain ng Diyos,
minamahal ang kaliwanagan N'ya,
kung minamahal mo ang presensya ng Niya,
minamahal ang pag-iingat N'ya,
kung minamahal mo ang salita ng Diyos
bilang realidad mo at bilang panustos ng buhay,
kung gayon ika'y ayon sa puso ng Diyos.
Kung minamahal mo ang gawa ng Diyos sa iyo,
pagpapalain ka N'ya, darami ang pag-aari mo.
III
Sikaping maging realidad mo ang salita ng Diyos,
pasayahin S'ya, maging ayon sa puso N'ya.
H'wag lamang sikaping biyaya N'ya'y tamasahin.
Tanggapin mga gawa Niya't maging perpekto,
maging s'ya na nagsasakatuparan ng nais N'ya.
Wala nang mas mahalaga pa kaysa rito.
Kung minamahal mo ang gawain ng Diyos,
minamahal ang kaliwanagan N'ya,
kung minamahal mo ang presensya ng Niya,
minamahal ang pag-iingat N'ya,
kung minamahal mo ang salita ng Diyos
bilang realidad mo at bilang panustos ng buhay,
kung gayon ika'y ayon sa puso ng Diyos.
Kung minamahal mo ang gawa ng Diyos sa iyo,
pagpapalain ka N'ya, darami ang pag-aari mo.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:Tagalog Worship Songs

Ene 23, 2019

Paano Mababawi ang Nawalang Kaligtasan



Tagalog Christian Songs

Paano Mababawi ang Nawalang Kaligtasan


I
Nagtanong Ka kung gaano katagal akong susunod sa Iyo;
sinabi kong ibibigay ko ang kabataan ko
at Ikaw ay sasamahan ko.
Isang bulong ang nagmula sa aking puso,
mundo ay niyanig at inugoy mga bundok.
Ako ay sumumpa na pisngi ay puno ng luha,
ngunit hindi alam sarili kong pagpapaimbabaw.
Sa paglipas ng panahon,
malalaking pagbabago ang nagpahina sa damdaming iyon,
at mga sinumpaan ko sa Iyo ay naging mga kasinungalingan.
Sa wakas naunawaan ko ang kaunti kong naibigay.

Hul 10, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Pinahahalagahan ng Diyos Yaong Nakikinig at Sumusunod sa Kanya


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Pinahahalagahan ng Diyos Yaong Nakikinig at Sumusunod sa Kanya

I
Di mahalaga sa Diyos
kung ang isa ay mapagkumbaba o dakila.
Hangga't siya'y nakikinig sa Diyos,
sumusunod sa mga iniuutos at ipinagkakatiwala Niya,
makikipagtulungan sa Kanyang gawain,
sa Kanyang plano at kalooban,
upang ang Kanyang kalooban at plano
ay maaaring magpatuloy nang walang hadlang,
gayong pagkilos ay karapat-dapat sa pag-alala ng Diyos,
at karapat-dapat sa pagtanggap ng Kanyang pagpapala.
Pinahahalagahan ng Diyos ang gayong mga tao,
at ang kanilang mga kilos,
at ang kanilang puso at paggiliw sa Kanya.
Ito ang saloobin ng Diyos.

Hun 15, 2018

Tagalog Christian Songs | Yamang Inililigtas ng Diyos ang Tao, Siya'y Lubos Niyang Ililigtas


Yamang nilalang ng Diyos, tao ay aakayin Niya;
Yamang nililigtas Niya, 
tao'y ililigtas Niya't kakamting lubos;
Yamang inaakay Niya,
tao'y dadalhin Niya sa wastong hantungan.
Yamang tao'y nilalang at pinamamahalaan Niya, 
S'yang may pananagutan sa mga kapalara't inaasam n'ya. 
Ito y'ong gawaing ginagawa ng Lumikha.
Kahit nakakamit ang gawang paglupig sa 
pag-aalis ng inaasam ng tao, 
sa katapusan, tao'y madadala pa rin sa, 
wastong hantungang handa ng Diyos para sa kanya.

Hun 12, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Tungkulin ng Tao ang Sumaksi para sa Diyos


I
Yaong ipinagkakaloob sa'yo ng Diyos ngayon
lumalampas kay Moises
at mas mahigit pa kaysa kay David,
kaya naman hinihiling Niya na
ang iyong patotoo ay malampasan ang kay Moises
at ang iyong mga salita ay higit sa kay David.
Binibigyan ka ng Diyos ng makasandaan,
kaya naman hinihiling Niya sa'yo na tumbasan mo rin ito.

Abr 25, 2018

Ang tinig ng Diyos | Interpretasyon ng Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas

Interpretasyon ng Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas

    Ang kalagayan ng mga tao ay na mas kakaunti ang pagkaunawa nila tungkol sa mga salita ng Diyos, mas may-pag-aalinlangan sila sa kasalukuyang paraan ng paggawa ng Diyos. Nguni’t ito ay walang epekto sa gawain ng Diyos; kapag ang Kanyang mga salita ay umaabot sa isang tiyak na punto, ang mga puso ng mga tao ay likas na tatanggap. Sa kanilang mga buhay, ang bawa’t isa ay nakatuon sa mga salita ng Diyos, at nagsisimula rin silang manabik sa Kanyang mga salita—at dahil sa tuluy-tuloy na paglalantad ng Diyos, nagsisimula silang hamakin ang kanilang mga sarili. Gayunman, binigkas din ng Diyos ang marami sa mga sumusunod na uri ng mga salita: “Kapag lubusan niyang naunawaan ang lahat ng Aking mga salita, nagiging akma ang tayog ng tao sa mga kagustuhan Ko, at ang mga pagsusumamo niya ay nagiging mabunga at hindi na walang kabuluhan o walang saysay; pinagpapala Ko ang mga pagsusumamo ng sangkatauhan na taos-puso, at hindi isang pagkukunwari.” Sa katunayan, ang mga tao ay walang kakayahan na lubusang maunawaanang mga salita ng Diyos, maaari lamang nilang maunawaan ang nasa ibabaw. Ginagamit lamang ng Diyos ang mga salitang ito upang bigyan sila ng isang layunin na itaguyod, upang maramdaman nila na ang Diyos ay hindi gumagawa ng mga bagay nang basta-basta, nguni’t seryoso sa Kanyang gawain, at saka lamang sila magkakaroon ng pananampalatayang itataguyod. At sapagka’t ang lahat ng mga tao ay nagsusumamo lamang para sa kanilang sariling mga kapakanan, hindi para sa kalooban ng Diyos, nguni’t ang Diyos ay hindi pabago-bago, ang Kanyang mga salita ay laging nakatuon sa kalikasan ng tao. Bagaman ang karamihan sa mga tao ngayon ay nagsusumamo sila ay hindi tapat—ito ay isang pagkukunwari lamang. Ang kalagayan ng lahat ng mga tao ay na“isinasaalang-alang nila ang Aking bibig bilang isang kornukopya. Nais ng lahat ng mga tao na makakuha ng isang bagay mula sa Aking bibig. Mga lihim man ito ng kalagayan, o mga misteryo ng langit, o ang dinamika ng espirituwal na mundo, o ang hantungan ng sangkatauhan.” Dahil sa kanilang pagkamausisa, ang mga tao ay handang lahat nasaliksikin ang mga bagay na ito, at ayaw nilang makamitang anumang bagay na paglalaan ukol sa buhay mula sa mga salita ng Diyos. Kaya naman sinasabi ng Diyos, “Masyadong marami ang kakulangan sa kaloob-looban ng tao: Hindi lamang mga ’suplementong pangkalusugan‘ ang kanyang pangangailangan, ngunit mas higit pa ang ’suporta sa pag-iisip‘ at maging ang ’espirituwal na panustos.’“ Ito ang mga pagkaintindi sa mga tao na humantong sa pagkanegatibo ngayon, at ito ay dahil ang kanilang pisikal na mga mata ay masyadong “piyudal” kaya walang sigla sa kung ano ang kanilang sinasabi at ginagawa, at sila ay walang-pakialam at pabaya sa lahat ng mga bagay. Hindi ba ito ang mga kundisyon ng mga tao? Hindi ba dapat magmadali ang mga tao at ituwid ito, sa halip na magpatuloy na ganoon sila? Ano ang pakinabang na malaman ang hinaharap para sa tao? Bakit may reaksyon ang mga tao pagkatapos mabasa ang ilan sa mga salita ng Diyos, nguni’t ang nalalabing bahagi ng Kanyang mga salita ay walang epekto? Halimbawa, kapag sinasabi ng Diyos, “Nagbibigay Ako ng lunas para sa sakit ng tao upang makamit ang mas mahusay na mga epekto, upang bumalik ang lahat sa kalusugan, at upang, salamat sa Aking lunas, maaari na silang bumalik sa normalidad,” paanong ang mga salitang ito ay walang epekto sa mga tao? Hindi ba lahat ng bagay na ginawa ng Diyos ay ang dapat matamo ng tao? May gawain ang Diyos na dapat gampanan—bakit walang landas na lalakaran ang mga tao? Sa ganito, hindi ba sila lumilihis mula sa Diyos? Mayroon talagang malaking gawain na dapat gawin ng mga tao—halimbawa, gaano ang kanilang nalalaman tungkol sa “malaking pulang dragon” sa mga salitang “Talagang namumuhi ba kayo sa malaking pulang dragon”? Ang mga salita ng Diyos na “Bakit Ko ito tinanong sa inyo nang maraming beses?” ay nagpapakita na ang mga tao ay walang pa ring alam sa likas na katangian ng malaking pulang dragon, na sila ay nananatiling hindi kayang mas lumalim. Hindi ba ito ang gawaing dapat gawin ng tao? Paano masasabi na ang tao ay walang gawain? Kung gayon nga, ano ang magiging kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos? Ang Diyos ba ay nagiging pabaya at walang-pakialam alang-alang sa pagdaan lamang sa mga galaw? Maaari bang matalo ang malaking pulang dragon sa ganitong paraan?

Abr 4, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Ikaapatnapu’t-limang Pagbigkas

Ang Ikaapatnapu’t-limang Pagbigkas

    Minsan ay pinili Ko ang pinong mga gamit para maiwan sa Aking bahay, upang sa loob nito ay magkaroon ng di-matutumbasang mga kayamanan, sa gayon ay mapapalamutihan ito, kung saan mula rito ay nakatamo Ako ng kasiyahan. Nguni’t dahil sa pagtrato ng tao sa Akin, at dahil sa mga pangganyak ng mga tao, wala Akong napagpilian kundi isantabi ang gawaing ito at gumawa ng iba. Aking gagamitin ang mga pangganyak ng tao upang tuparin ang Aking gawain, Aking imamaniobra ang lahat ng mga bagay para magsilbi sa Akin, at sanhiin ang Aking bahay na hindi na maging madilim at malungkot bilang resulta. Minsan ay nanood Ako sa gitna ng tao: Lahat ng may laman at dugo ay nakatulálâ, wala kahit isang bagay ang nakaranas ng pagpapala ng Aking pag-iral. Ang mga tao ay namumuhay sa gitna ng mga pagpapala nguni’t hindi alam kung gaano sila talagang pinagpala. Kung ang Aking mga pagpapala sa sangkatauhan ay hindi nakáiral hanggang ngayon, sino sa gitna ng sangkatauhan ang nakápánatili hanggang sa kasalukuyan at hindi naglaho? Na ang mga tao ay nabubuhay ay Aking pagpapala, at nangangahulugan ito na namumuhay siya sa gitna ng Aking mga pagpapala, dahil sa pasimula ay wala siyang anuman, dahil siya ay orihinal na walang puhunan upang mabuhay sa pag-itan ng langit at lupa; ngayon patuloy Akong tumutulong sa tao, at dahil lamang dito kaya nakakatayo ang tao sa harap Ko, mapalad lamang na makatakas sa kamatayan. Nabuod na ng tao ang mga lihim ng pag-iral ng tao, nguni’t walang sinumang nakadama na ito ay Aking pagpapala. Bilang resulta, isinusumpa ng lahat ng mga tao ang kawalang-katarungan sa loob ng mundo, lahat sila ay dumaraing tungkol sa Akin dahil sa kalungkutan sa kanilang mga buhay. Kung hindi sa Aking mga pagpapala, sinong makakakita ng ngayon? Lahat ng mga tao ay dumaraing laban sa Akin dahil hindi nila kayang mamuhay sa gitna ng kaginhawahan. Kung ang buhay ng tao ay maningning at magaan, kung ang mainit na “bugso ng tagsibol” ay ipinadala sa puso ng tao, nagsasanhi ng di-mahigitang kaginhawahan sa kanyang buong katawan, iniiwan siyang hindi-nasasaktan kahit katiting, kung gayon sino sa gitna ng tao ang mamamatay na dumaraing? Ako ay lubhang nahihirapan sa pagtatamo ng walang-pasubaling katapatan ng tao, dahil ang mga tao ay masyadong maraming mga tusong pakánâ—sapat, napakasimple, upang paikutin ang ulo ng isa. Nguni’t kapag nagtaas Ako ng mga pagsalungat sa kanila, nagkikibit-balikat lamang sila sa Akin, hindi nila Ako pinapansin, dahil ang Aking mga pagsalungat ay nakasaling sa kanilang mga kaluluwa, iniiwan sila na hindi kayang mapatatag mula ulo hanggang paa, kaya’t kinamumuhian ng mga tao ang Aking pag-iral, sapagka’t gusto Ko laging “pahirapan” sila. Dahil sa Aking mga salita, ang mga tao ay umaawit at sumasayaw, dahil sa Aking mga salita, tahimik nilang iniyuyuko ang kanilang mga ulo, at dahil sa Aking mga salita, bumubulalas sila ng iyak. Sa Aking mga salita, nawawalan ng pag-asa ang mga tao, sa Aking mga salita, natatamo nila ang liwanag para manatiling buháy, dahil sa Aking mga salita, pabiling-biling sila, di-makatulog araw at gabi, at dahil sa Aking mga salita, nagmamadali sila sa buong lugar. Inilulubog ng Aking mga salita ang mga tao sa Hades, pagkatapos ay inilulubog sila ng mga ito tungo sa pagkastigo—nguni’t, nang hindi ito natatanto, tinatamasa rin ng mga tao ang Aking mga pagpapala. Kaya ba itong makamit ng tao? Darating ba ito kapalit ng walang-kapaguran na mga pagsisikap ng mga tao? Sinong makatatakas sa mga pagsasaayos ng Aking mga salita? Sa gayon, dahil sa mga pagkabigo ng tao, ipinagkakaloob Ko ang Aking mga salita sa sangkatauhan, sinasanhi ang mga kakulangan ng tao na mapunuan dahil sa Aking mga salita, nagdadala ng di-matumbasang mga kayamanan sa buhay ng sangkatauhan.

Abr 2, 2018

Ang Ikaapatnapu’t-apat na Pagbigkas

Ang Ikaapatnapu’t-apat na Pagbigkas

    Itinuturing ng mga tao ang Aking gawain bilang isang dagdag, hindi sila lumiliban sa pagkain o pagtulog alang-alang dito, kaya’t wala Akong pagpipilian kundi humingi nang akma sa tao ayon sa kanyang pagtrato sa Akin. Aking naaalaala na minsan ay binigyan ko ang tao ng malaking biyaya at maraming mga pagpapala, nguni’t pagkatapos agawin ang mga bagay na ito agad siyang umalis. Para bang hindi Ko namamalayang ibinibigay ang mga iyon sa kanya. Kaya’t, lagi Akong minamahal ng tao sa gitna ng kanyang sariling mga pagkaintindi. Nais Kong Ako ay tunay na mahalin ng tao, nguni’t ngayon, ang mga tao ay nagpapatumpik-tumpik pa rin, hindi kayang ibigay ang kanilang tunay na pag-ibig sa Akin. Sa kanilang guni-guni, naniniwala sila na kung ibinibigay nila ang kanilang tunay na pag-ibig sa Akin, walang matitira sa kanila. Kapag Ako ay tumututol, ang kanilang mga buong katawan ay nanginginig—gayunma’y hindi pa rin sila handang ibigay ang kanilang tunay na pag-ibig sa Akin. Para bang sila ay may hinihintay, kaya’t tumatanaw sila sa unahan, hindi kailanman sinasabi sa Akin kung ano ang talagang nangyayari. Para bang may istiker na itinapal sa kanilang mga bibig, kaya hindi sila kailanman nagsasalita nang hayagan. Sa harap ng tao, tila, Ako ay naging kapitalistang walang-awa. Laging natatakot sa Akin ang mga tao: Pagkakita sa Akin, agad silang nawawala nang walang bakas, takot na takot kung ano ang itatanong Ko sa kanila tungkol sa kanilang mga kalagayan. Hindi Ko alam ang dahilan kung bakit kaya ng mga tao ang taos-pusong pag-ibig sa kanilang “kapwa ka-barangay,” nguni’t hindi Ako kayang mahalin, na Siyang kagalang-galang sa espiritu. Dahil dito Ako ay nagbubuntung-hininga: Bakit ang mga tao ay laging pinapakawalan ang kanilang pag-ibig sa mundo ng tao? Bakit hindi Ko matikman ang pag-ibig ng tao? Ito ba ay dahil hindi Ako isa sa sangkatauhan? Lagi Akong itinuturing ng mga tao na tulad ng isang taong-gubat sa mga kabundukan. Parang kulang Ako ng kung anong bumubuo sa isang normal na tao, kaya’t sa harap Ko ang mga tao ay laging nagkukunwaring may mataas na antas ng moralidad. Malimit nilang kaladkarin Ako sa harap nila para pagsabihan, sinasabihan Akong lumayo gaya ng pagsasabi nila sa isang batang musmos; sapagka’t, sa mga alaala ng mga tao, Ako ay isa na di-makatuwiran at walang pinag-aralan, lagi nilang ginagampanan ang papel ng tagapagturo sa harap Ko. Hindi Ko kinakastigo ang mga tao dahil sa kanilang mga kabiguan, kundi binibigyan sila ng akmang tulong, hinahayaan silang makatanggap ng palagiang “tulong pangkabuhayan.” Dahil ang tao ay palaging namuhay sa gitna ng sakúnâ at nahihirapang tumakas, at sa kalagitnaan ng sakunang ito siya ay palaging nakakatawag sa Akin, kaagad Akong naghahatid ng “panustos na butil” sa kanyang mga kamay, hinahayaan ang lahat ng mga tao na mamuhay sa malaking pamilya ng bagong kapanahunan, at maranasan ang init ng malaking pamilya. Kapag minamasdan Ko ang gawain sa gitna ng tao, Aking natutuklasan ang maraming pagkukulang ng tao, at bilang resulta binibigyan Ko ang tao ng tulong. Kahit sa panahong ito, mayroon pa ring pambihirang kahirapan sa gitna ng tao, at sa gayon nakapagkaloob Ako ng karampatang kalinga sa “mahihirap na lugar,” iniaangat sila mula sa kahirapan. Ito ang pamamaraan kung paano Ako gumagawa, hinahayaan ang lahat ng mga tao na tamasahin ang Aking biyaya hanggang makakaya nila.

Mar 27, 2018

Kanta ng Papuri Tagalog | Paghahandog ng Tapat na Puso sa Diyos


Kanta ng Papuri Tagalog | Paghahandog ng Tapat na Puso sa Diyos


Hoy, mga kapatid, tayo’y umawit at sumayaw upang purihin ang Diyos! Okey!
I
Mga kapatid, kumilos at sumayaw; Huwag maalangan o mahiya. Di alintana ng Diyos kung kilos mo’y di maganda, tanging pagpupuring totoo ang nakasisiya sa Kanya. Kung ibig mong purihin Siya nang buo mong puso, isaisantabi ang ‘yong hiya at kumilos sa pagsayaw. Di alintana ng Diyos kung ga’no tayo katanda, o ga’no karaming taong nakatayo. Taos na pagpupuri’y nagpapalaya sa espiritu natin. Ibigay ang lahat ng kaluwalhatian sa Diyos. Ang ating taos pusong pagpuri sa Diyos ay nagbibigay kasiyahan, Ang biyaya ng Diyos ay tiyak na ipinagkaloob sa atin.

Mar 22, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Pinakadakilang Pagpapala na Ipinagkakaloob ng Diyos sa Tao


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Pinakadakilang Pagpapala na Ipinagkakaloob ng Diyos sa Tao

Sa kaganapan ng salita ng Diyos, kaharia’y nagkakahubog. Sa pagbabalik ng tao sa normal, kaharian ng Diyos narito. Mga tao ng Diyos sa kaharian, babawiin n’yo buhay na laan sa sangkatauhan. Ngayon, namumuhay kayo sa harap ng Diyos; bukas, mamumuhay kayo sa Kanyang kaharian. Lahat ng lupain punô ng sigla’t galak. Kaharian ng Diyos narito sa lupa. Kaharian ng Diyos narito sa lupa.

Mar 18, 2018

Latest Tagalog Christian Worship Songs 2018 | Ang Tunay na Pag ibig ng Diyos


Latest Tagalog Christian Worship Songs 2018 | Ang Tunay na Pag ibig ng Diyos

I
Ngayon ako’y muling humaharap sa aking Diyos. Puso ko’y mangungusap pag makita ang mukha Niyang kalugod-lugod. Iniwan ko na ang halaghag na nakaraan. Biyaya Niyang Salita’y pinupuno ako ng kalugura’t kaligayahan. Mahabaging salita ng Diyos ang kumandili’t dumilig sa’king pagsibol. Kanyang mahigpit na Salita ang nagpalakas sa’kin upang muling bumangon. Diyos, kami ngayo’y umaawit sa Iyo nang dahil sa’Yong pagpapala. Kami ngayo’y nagpupuri sa’Yo sapagkat kami’y iyong inangat. Makapangyarihang tunay na Diyos na umibig sa amin! Iniibig Ka namin! O Diyos! Talagang iniibig ka namin!

Dis 27, 2017

Kanta ng Papuri (Tagalog) | Habang Daan Kasama Mo



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kanta ng Papuri (Tagalog) | Habang Daan Kasama Mo

I
Ako'y parang bangka, palutang-lutang sa dagat.
Pinili Mo ako, at sa isang kanlungan inakay Mo ako.
Ngayon sa'Yong pamilya, dama ang pag-ibig Mo, 
payapang-payapa ako.
Pinagpapala Mo ako, humahatol ay salita Mo.
Nguni't bigo pa rin akong pahalagahan biyaya Mo.
Malimit nagrerebelde, sa paanuma'y sinasaktan Iyong puso.
Nguni't 'di Mo alintana sala ko 
kundi gumagawa para sa 'king kaligtasan.
Pag ako'y malayo, pabalik mula sa panganib ay tinatawag Mo.

Dis 19, 2017

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Landas… (7)

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Landas… (7)

    Maaari nating lahat makita sa ating praktikal na mga karanasan na maraming beses na personal nang binuksan ng Diyos ang isang landas para sa atin upang ang lalakaran nating landas ay mas matatag, mas makatotohanan. Ito ay dahil sa ang landas na ito ay yaong binuksan ng Diyos para sa atin mula pa sa simula ng panahonat ipinasa sa ating salinlahi pagkatapos ng sampu-sampung libong taon. Kaya tayo ang hahalili sa ating mga sinundan na hindi nilakaran ang landas hanggang sa katapusan nito; tayo yaong mga pinili ng Diyos para lumakad sa huling bahagi ng daang ito. Kaya, ito ay inihanda lalo na para sa atin, at kaya makatanggap man tayo ng mga pagpapala o magdanas ng kasawian, wala ng iba pa ang makalalakad sa landas na ito. Idadagdag Ko ang Aking kabatiran dito: Huwag gumawa ng anumang mga plano upang tumakas sa anumang ibang dako o naghahanap ng ibang daanan, nananabik para sa katayuan, o ang pagtatatag ng iyong sariling kaharian; ang lahat ng mga ito ay ilusyon. Kung mayroon kang ilang pagkiling tungo sa mga salitang ito, pinapayuhan kita na huwag malito. Pinakamainam na iyong pag-isipan ito, huwag mong subuking masyadong maging matalino o mabibigong makilala ang tama at mali. Kapag ang plano ng Diyos ay naisakatuparan, pagsisisihan mo iyon. Na ang ibig sabihin, kapag ang kaharian ng Diyos ay dumating dudurugin Niya ang mga bansa sa lupa, at sa panahong iyon makikita mo na ang iyong sariling mga plano ay nawawasak din at yaong mga kinastigo ay yaong mga dinurog. At sa panahong iyong ay ganap nang mabubunyag ng Diyos ang Kanyang disposisyon. Iniisip Ko na dapat Kong sabihin sa iyo ang tungkol dito yamang alam Kong mabuti ang ukol sa bagay na ito upang sa hinaharap ay hindi ka magrereklamo tungkol sa Akin. Na nagagawa nating lakaran ang landas na ito hanggang sa kasalukuyan ay itinalaga ng Diyos, kaya huwag mong iisipin na ikaw ay katangi-tangi o na ikaw ay hindi mapalad—walang sinuman ang maaring gumawa ng mga paggiit na may kinalaman sa kasalukuyang gawain ng Diyos upang hindi magkadurog-durog. Ang liwanag ay dumating sa Akin sa pamamagitan ng gawain ng Diyos, at maging anuman, gagawing ganap ng Diyos ang grupo ng mga taong ito at ang Kanyang gawain ay hindi kailanman mababago—dadalhin Niya ang mga taong ito hanggang sa dulo ng daan at tatapusin ang Kanyang gawain sa lupa. Ito ay isang bagay na dapat nating maunawaang lahat. Ang karamihan sa mga tao ay madalas nakatingin sa hinaharap at walang kabusugan; lahat sila ay walang pagkaunawa ukol sa kasalukuyang nababalisang layunin ng Diyos, kaya lahat sila ay mayroong mga saloobin ng pagtakas. Palagi nilang gustong lumabas sa ilang upang maglibot na parang isang kabayong ligaw na itinapon ang mga renda nito, ngunit madalang na magkaroon ng mga tao na gustong manahan sa mainam na lupain ng Canaan upang hanapin ang paraan ng pamumuhay ng tao—nang sila ay makapasok sa lupa na sagana sa gatas at sa pulut-pukyutan, hindi ba sila mag-iisip lamang ng pagtatamasa nito? Sa totoo lang, sa labas ng mainam na lupain ng Canaan saanmang dako ay ilang. Kahit na ang mga tao ay pumasok sa dako ng kapahingahan hindi pa rin nila makayang mapanindigan ang kanilang tungkulin; hindi lamang ba sila mga masasamang babae? Kung nawala mo ang pagkakataon para gawin kang perpekto ng Diyos sa gayong kapaligiran, ito ay isang bagay na pagsisisihan mo sa nalalabi mong mga araw; madarama mo ang hindi masukat na pagsisisi. Magtatapos ka tulad ni Moises na tumingin lamang sa lupain ng Canaan ngunit hindi niya ito nagawang tamasahin, nagtitikom ng walang laman na kamao at namamatay na puno ng pagsisisi—hindi mo ba naiisip na yaon ay isang bagay na kahiya-hiya? Hindi mo ba naiisip na ang hamakin ng iba ay isang nakakahiyang bagay? Nakahanda ka bang hiyain ng iba? Hindi mo ba taglay ang puso na nagsisikap gumawa nang mabuti para sa iyong sarili? Hindi ka ba nakahanda na maging isang kapita-pitagan at kagalang-galang na tao na ginagawang perpekto ng Diyos? Ikaw ba talaga ay isang tao na kulang sa anumang resolusyon? Hindi ka nakahandang tahakin ang ibang mga landas ngunit hindi ka rin nakahandang tahakin ang landas na itinalaga ng Diyos para sa iyo? Nangangahas ka bang salungatin ang kalooban ng Langit? Kahit gaano man kadakila ang iyong kakayahan, makakaya mo ba talagang magkasala sa Langit? Ako ay naniniwala na pinakamainam sa atin na kilalaning mabuti ang ating mga sarili—isang maliit na piraso lamang ng salita ng Diyos ay makapagbabago ng langit at lupa, kaya ano ang isang maliit na payatot na tao sa mga mata ng Diyos?

Nob 26, 2017

Dumating na ang Milenyong Kaharian

kaluwalhatian, Mga Biyaya, Pagsamba, praktikal

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Dumating na ang Milenyong Kaharian


   Nakita na ba ninyo kung ano’ng gawa ng Diyos ang matutupad sa grupo ng mga taong ito? Sinabi ng Panginoon, kahit na sa Milenyong Kaharian ay dapat sundin pa rin ng mga tao ang Kanyang mga salita at magpatuloy, at sa hinaharap ang salita ng Diyos ay direktang pang gagabay sa buhay ng tao patungo sa mabuting lupain ng Canaan. Noong si Moises ay nasa kagubatan, direktang nagtagubilin at nagsalita sa kanya ang Diyos. Mula sa kalangitan nagsugo ang Diyos ng pagkain, tubig, at manna upang ang mga tao ay magtamasa, at ito ay ganito pa rin ngayon: Personal na inilatag ng Diyos ang mga bagay upang makain at inumin ng mga tao upang pagsayahan, at personal Siyang nagpadala ng mga sumpa upang parusahan ang mga tao. At kaya ang bawat hakbang ng Kanyang gawa ay personal na ipinapatupad ng Diyos. Ngayon, hinahanap ng mga tao na muling mangyari ang mga katotohanan, sinusubukan nilang matanaw ang mga palatandaan at kababalaghan, at maaaring pabayaan ang mga taong iyon, dahil ang gawa ng Diyos ay siyang unti-unting napapatotohanan. Walang nakakaalam na ang Diyos ay bumaba mula sa langit, lingid pa rin sa kanilang kaalaman na nagpadala ang Panginoon ng pagkain at inumin mula sa langit—sa gayon, Siya ang tunay na nabubuhay, at ang mga maayang eksena ng Milenyong Kaharian na iniisip ng mga tao ay personal na mga salita din ng Diyos. Ito ay katotohanan, at tanging ito lamang ang umiiral sa Diyos na nasa lupa. Ang pag-iral ng Diyos sa lupa ay tumutukoy sa laman. Yaong hindi ukol sa laman ay wala sa lupa, at sa gayon ang lahat ng mga taong tumutuon sa pagpunta sa ikatlong langit ay kumikilos nang walang kabuluhan. Isang araw, kapag ang buong sansinukob ay nagbalik sa Diyos, ang sentro ng Kanyang gawa sa buong sansinukob ay susunod sa tinig ng Diyos; sa ibang dako, tatawag ang ilan, ang ilan ay gagamit ng eroplano, ang ilan ay gagamit ng bangka sa karagatan, at ang ilan ay gagamit ng mga laser upang makatanggap ng mga pananalita ng Diyos. Ang lahat ay magiging mapagsamba, at mapaghangad, sila lahat ay mapapalapit sa Diyos, at magtitipun-tipon sa Panginoon, at ang lahat ay sasamba sa Panginoon—at ang lahat ng ito ay mga gawa ng Diyos. Tandaan ito! Hindi kailanman muling magsisimula ang Panginoon saanman. Tutuparin ng Panginoon ang katotohanang ito: Gagawin Niya na ang lahat ng sangkatauhan sa buong sansinukob ay magtutungo sa Kanya, at sasamba sa Diyos sa lupa, at ang Kanyang gawa sa ibang lugar ay titigil, at mapipilitan ang mga tao na hanapin ang tunay na landas. Ito ay magiging kahalintulad ni Jose: Ang lahat ay nagsilapit sa kanya para sa pagkain, at yumuko sa Kanya, sapagka’t siya’y mayroong mga pagkain. Upang maiwasan ang tag-gutom, ang mga tao ay mapipilitang hanapin ang tunay na landas. Ang buong relihiyosong pamayanan ay dumaranas ng matinding gutom, at ang tanging ang Diyos ng ngayon ang Siyang bukal ng buhay na tubig, na may taglay ng patuloy na umaagos na bukal na inilaan para sa kasiyahan ng tao, at darating ang mga tao at aasa sa Kanya. Iyon ang oras na ang mga gawa ng Diyos ay mahahayag, at ang Diyos ay maluluwalhati; ang lahat ng tao sa buong sansinukob ay sasamba sa kabigha-bighaning “tao.” Hindi ba ito ang magiging araw ng kaluwalhatian ng Diyos? Isang araw, ang mga nakatatandang pastol ay magpapadala ng mga telegrama na humahanap sa tubig mula sa bukal ng tubig na buhay. Sila ay matatanda na, subalit sila ay tutungo pa rin upang sumamba sa taong ito, na kanilang itinakwil. Sa kanilang mga bibig kikilalanin nila at sa kanilang mga puso sila ay magtitiwala—at hindi ba ito isang senyales at kababalaghan? Kapag ang buong kaharian ay nagdiriwang, ito ang araw ng kaluwalhatian ng Diyos, at kung sinuman ang lalapit sa inyo at tatanggap sa mabuting balita ng Diyos ay pagpapalain ng Diyos, at ang mga bansang ito at ang mga taong ito ay pagpapalain at aalagaan ng Diyos. Ito ang tinatayang direksyon: Yaong mga tatanggap ng mga salita ng Diyos mula sa kanyang bibig ay magkakaroon ng landas na lalakaran sa mundo, at maging sila man ay mga negosyante o mga siyentipiko, o mga maestro o mga manggagawa, yaong mga walang salita ng Diyos ay mahihirapan kahit na sa unang hakbang, at sila ay mapipilitang hanapin ang tunay na landas. Ito ang ibig sabihin ng, “Sa katotohanan maaabot mo ang buong mundo; sa kawalan ng katotohanan, wala kang mararating.” Ang katotohanan ay: Gagamitin ng Diyos ang Daan (na nangangahulugang lahat ng Kanyang mga salita) upang atasan ang buong sansinukob at pamahalaan at lupigin ang sangkatauhan. Ang mga tao ay laging umaasa sa malaking pagbaling sa mga paraan na isinasagawa ng Diyos. Sa payak na pananalita, sa pamamagitan ng mga salita kinukontrol ng Diyos ang mga tao, at dapat mong gawin ang Kanyang sinasabi[a] naisin niyo man o hindi; ito ay isang tunay na layunin, at dapat na sundin ng lahat, at kaya, pati, ito ay hindi matitinag, at alam ng lahat.

Pagtalakay Sa Buhay Iglesia at sa Totoong Buhay

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Pagtalakay Sa Buhay Iglesia at sa Totoong Buhay

     Nadadama ng mga tao na nagagawa lamang nilang magbago sa loob ng kanilang buhay sa iglesia, at kung hindi sila nabubuhay sa loob ng iglesia, ang pagbabago ay hindi posible, na hindi nila magagawang matamo ang pagbabago sa kanilang totoong buhay. Nakikilala ba ninyo kung ano ang usaping ito? Nagsalita Ako tungkol sa pagdadala sa Diyos sa totoong buhay, at ito ang landas para sa kanila na naniniwala sa Diyos upang pumasok sa realidad ng mga salita ng Diyos. Sa katunayan, ang buhay ng iglesia ay isa lamang limitadong paraan upang gawing perpekto ang tao. Ang pangunahing kapaligiran para sa pagka-perpekto ng mga tao ay ang totoong buhay pa rin. Ito ang totoong pagsasagawa at totoong pagsasanay na Aking sinasabi, na nagtutulot sa mga tao upang matamo ang isang buhay ng normal na pagkatao at upang isabuhay ang kawangis ng isang tunay na tao sa panahon ng pang-araw-araw na buhay. Ang isang aspeto ay ang dapat maging edukado ang isang tao upang pataasin ang kanyang sariling antas ng edukasyon, magawang maunawaan ang mga salita ng Diyos, at tamuhin ang kakayahan na makaunawa. Ang isa pang aspeto ay ang dapat sangkapan ang isang tao ng pangunahing kaalaman na kinakailangan upang mabuhay bilang isang tao upang matamo ang pananaw at katuwiran ng normal na pagkatao, sapagkat ang mga tao ay halos kulang lahat sa mga bahaging ito. Tangi sa roon, dapat ding makarating ang isang tao upang namnamin ang mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng buhay iglesia, at unti-unting makararating upang magkaroon ng malinaw na pagkaunawa sa katotohanan.