Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-isang Pagbigkas
Sa mga mata ng Diyos, ang mga tao ay katulad ng mga hayop sa mundo ng mga hayop. Sila ay nakikipaglaban sa isa’t isa, kinakatay ang isa’t isa, at may di-pangkaraniwang pakikipag-ugnayan sa isa’t isa. Sa mga mata ng Diyos, sila ay katulad rin ng mga matsing, nagpa-pakana laban sa isa’t isa di alintana ang gulang o kasarian. Sa gayon, ang lahat nang ginagawa at inihahayag ng buong sangkatauhan ay hindi kailanman naging ayon sa puso ng Diyos. Ang sandali na tinatakpan ng Diyos ang Kanyang mukha ay eksaktong kung kailan ang mga tao sa buong mundo ay sinusubok. Lahat ng mga tao ay dumaraing sa sakit, silang lahat ay namumuhay sa ilalim ng banta ng sakunâ, at walang kahit isa sa kanila ang kahit kailan ay nakatakas mula sa paghatol ng Diyos. Sa katunayan, ang pangunahing layunin ng Diyos sa pagiging katawang-tao ay upang hatulan ang tao at usigin siya sa Kanyang katawang-tao. Sa isipan ng Diyos, matagal na itong napagpasyahan kung sino, ayon sa kanilang kakanyahan, ang maliligtas o wawasakin, at ito ay unti-unting magiging malinaw sa panahon ng huling yugto. Habang ang mga araw at mga buwan ay lumilipas, ang mga tao ay nagbabago at ang kanilang orihinal na anyo ay ibinubunyag. Kung mayroon mang manok o bibi sa itlog ay nakikita kapag ito ay nababasag. Ang panahon kapag ang itlog ay nababasag ay ang mismong panahon na ang mga kapahamakan sa lupa ay darating sa katapusan. Mula rito ay makikita na, upang malaman kung mayroong isang “manok” o isang “bibi” sa loob, ang “itlog” ay dapat na mabasag. Ito ang plano sa puso ng Diyos, at ito ay dapat na matupad.
“Kaawa-awa, kalunus-lunos na sangkatauhan! Bakit nga ba mahal Ako ng tao, nguni’t hindi niya kayang sundin ang mga layunin ng Aking Espiritu?” Dahil sa katayuang ito ng tao, siya ay dapat na sumailalim sa pakikitungo upang mabigyang-kasiyahan ang kalooban ng Diyos. At dahil sa pagkamuhi ng Diyos sa sangkatauhan, maraming ulit Niyang naipahayag: “O ang mga rebelde ng buong sangkatauhan! Dapat silang mawasak sa ilalim ng Aking talampakan, dapat silang maglaho sa gitna ng Aking pagkastigo, at dapat, sa araw ng pagkakumpleto ng Aking dakilang plano, ay maitataboy sila mula sa kalagitnaan ng sangkatauhan, upang makita ng buong sangkatauhan ang pangit nilang pagmumukha.” Ang Diyos ay nagsasalita sa buong sangkatauhan sa katawang-tao, at nagsasalita rin kay Satanas sa espirituwal na kinasasaklawan, na, nasa ibabaw ng buong sansinukob. Ito ang kalooban ng Diyos, at siyang makakamit sa pamamagitan ng 6,000-taong plano ng Diyos.
Sa katotohanan, ang Diyos ay natatanging normal, at mayroong mga bagay-bagay na maaari lamang matupad kung isinasakatuparan Niya ang mga iyon nang personal at nakikita ang mga iyon ng sarili Niyang mga mata. Ito ay hindi gaya ng naguguni-guni ng mga tao, ang Diyos ay hindi nananatili doon habang ang lahat ay nangyayari ayon sa Kanyang inaasam; ito ang bunga ng paggambala ni Satanas sa mga tao, na ginagawang hindi-malinaw ang mga tao tungkol sa tunay na mukha ng Diyos. Sa gayon, sa panahon ng huling kapanahunan, ang Diyos ay naging katawang-tao upang hayagang ibunyag ang Kanyang pagiging-tunay sa tao, nang walang pagtatago ng anuman. Ang ilang mga paglalarawan ng disposisyon ng Diyos ay pagpapalabis lamang, gaya ng kapag sinasabi na kayang wasakin ng Diyos ang mundo sa isang salita o katiting na kaisipan. Bunga nito, karamihan sa mga tao ay nagsasalita ng mga bagay-bagay tulad ng, Bakit ang Diyos ay makapangyarihan-sa-lahat, nguni’t hindi kayang lunukin si Satanas sa isang subo? Ang mga salitang ito ay kakatwa, at nagpapakita na hindi pa rin kilala ng mga tao ang Diyos. Para wasakin ng Diyos ang Kanyang mga kaaway ay nangangailangan ng isang proseso, gayunman ay totoo ito na sabihing ang Diyos ay mapagtagumpay-sa-lahat: Sa kahuli-hulihan ay tatalunin ng Diyos ang Kanyang mga kaaway. Gaya lamang ng kapag ang isang malakas na bansa ay tinatalo ang isang bansang mahina, kailangan nitong makamit ang tagumpay sa kanyang sarili, isa-isang hakbang, kung minsan ay gumagamit ng pwersa, kung minsan ay gumagamit ng stratehiya. Mayroong isang proseso, nguni’t hindi maaaring masabi na, yamang ang malakas na bansa ay may bagong-henerasyong mga sandatang nukleyar at ang mahinang bansa ay malayong mababa, ang bansang mahina ay susuko nang walang laban. Iyan ay isang kakatwang argumento. Patas lamang na sabihing ang malakas na bansa ay tiyak na mananalo at ang mahinang bansa ay tiyak na matatalo, nguni’t ang malakas na bansa ay masasabi lamang na may mas malaking pwersa kapag personal nitong nilulusob ang mahinang bansa. Sa gayon, laging nasasabi ng Diyos na hindi Siya kilala ng tao. Kaya, ang sinabi ba ay nasa ibabaw ng isang panig ng kung bakit hindi kilala ng tao ang Diyos? Ang mga ito ba ay ang mga pagkaintindi ng tao? Bakit hinihingi lamang ng Diyos na makilala ng tao ang Kanyang pagiging-tunay, at personal na naging katawang-tao bilang resulta? Sa gayon, karamihan sa mga tao ay sumamba nang taimtim sa Langit, gayunman “Hindi kailanman nakaapekto ng kahit kaunti sa langit ang mga pagkilos ng tao, at kung ang pagtrato Ko sa tao ay batay sa bawa’t pagkilos niya, ang buong sangkatauhan ay mabubuhay sa kalagitnaan ng Aking pagkastigo.”
Nakikita ng Diyos ang loob ng kakanyahan ng tao. Sa mga pagbigkas ng Diyos, ang Diyos ay tila masyadong “pinahihirapan” ng tao kaya wala Siyang interes sa pag-uukol ng higit pang pansin sa tao, ni ng katiting mang pag-asa sa kanya; ang tao, ay tila, wala nang kaligtasan. “Maraming mga tao ang nakita Kong may mga luhang dumadaloy sa kanilang mga pisngi, at maraming mga tao ang nakita Kong naghandog ng puso bilang kapalit ng mga kayamanan Ko. Sa kabila ng ganyang ‘kabanalan,’ kailanman hindi Ko ibinigay ng ganap ang lahat Ko sa tao bilang resulta ng biglaan niyang mga simbuyo, dahil kailanman hindi inilaan ng tao ang kanyang sarili sa harapan Ko na nagkukusang may kagalakan.” Kapag ibinubunyag ng Diyos ang kalikasan ng tao, ikinahihiya ng tao ang kanyang sarili, nguni’t ito ay paimbabaw na pagkilala lamang, at hindi niya kayang tunay na malaman ang kanyang kalikasan sa mga salita ng Diyos; sa gayon, karamihan sa mga tao ay hindi nauunawaan ang kalooban ng Diyos, hindi sila makasumpong ng isang landas para sa kanilang buhay sa mga salita ng Diyos, kaya’t mas mahina ang kanilang isipan, mas matindi silang nilalait ng Diyos. Sa gayon, hindi nila namamalayang pumapasok sila tungo sa papel ng isang nagpapatawa—at bilang bunga, dumarating sila sa pagkakilala sa kanilang mga sarili habang sila ay sinasaksak ng “malambot na tabak.” Ang mga salita ng Diyos ay tila pinapupurihan ang mga gawa ng tao, at binibigyang-kalakasan ang mga gawa ng tao—at gayunman ay laging nadarama ng mga tao na ginagawa silang katatawanan ng Diyos. Kaya’t, kapag binabasa nila ang mga salita ng Diyos, kumikibot ang mga laman sa kanilang mga mukha paminsan-minsan, na para bang sila ay nanginginig. Ito ang karumihan ng kanilang mga konsensya, at dahil dito kaya sila ay napapangiwî. Ang pasakit nila ay ang uri kung saan nais nilang tumawa nguni’t hindi magawa—ni makaiyak man sila, sapagka’t ang pagiging katatawanan ng mga tao ay pinatatakbo ng remote control VCR, nguni’t hindi nila ito mapatay, at maaari lamang magtiis. Bagaman ang “pagtuon sa mga salita ng Diyos” ay ipinangangaral sa lahat ng pagtitipon ng mga kamanggagawa, sinong hindi nakakakilala sa kalikasan ng inákáy ng malaking pulang dragon? Sa harapan, sila ay masunuring gaya ng mga kordero, nguni’t kapag nakatalikod sila ay mabangis na gaya ng mga oso, na siyang nakikita sa mga salita ng Diyos na “maraming mga tao ang tunay na nagmamahal sa Akin pagkaraan Kong ibigay ang Aking mga salita, nguni’t hindi nila pinahahalagahan ang mga salita Ko sa kanilang mga kaluluwa, sa halip ay pangkaraniwan nilang ginagamit ito na parang pampublikong ari-arian at itinatapon nila ang mga ito sa kanilang pinanggalingan sa tuwing gusto nilang gawin.” Bakit laging nailalantad ng Diyos ang tao? Ipinakikita nito na ang lumang kalikasan ng tao ay hindi nakaisod kahit isang pulgada. Tulad ng Bundok Taishan, nakatayo itong mataas sa mga puso ng daang milyong mga tao, nguni’t ang araw ay darating kung kailan iiisod ni Yu Gong ang bundok na iyan, at ito ang plano ng Diyos. Sa Kanyang mga pagbigkas, walang isang sandali kung kailan hindi gumagawa ng mga pangangailangan ang Diyos sa tao, binabalaan ang tao, o tinutukoy ang kalikasan ng tao na siyang ibinubunyag ng kanyang buhay: “Kapag malayo ang tao sa Akin, at kapag sinusubok niya Ako, itinatago Ko ang Aking sarili mula sa kanya sa kalagitnaan ng mga ulap. Bilang resulta, wala siyang mahanap na anumang bakas Ko, at nabubuhay na lamang siya sa mga kamay ng mga masasama, ginagawa ang lahat ng hinihiling nila.” Sa katunayan, ang mga tao ay madalang na nagkakaroon ng pagkakataon na mamuhay sa presensya ng Diyos, dahil mayroon silang napakaliit na pagnanasang maghanap; bilang resulta, bagaman karamihan ng mga tao ay nagmamahal sa Diyos, sila ay namumuhay sa ilalim ng kamay ng yaong masama, at lahat ng kanilang ginagawa ay pinapatnubayan ng yaong masama. Kung ang mga tao ay tunay na namuhay sa liwanag ng Diyos, hinahanap ang Diyos sa bawa’t sandali ng bawa’t araw, hindi na magkakaroon ng pangangailangan para sa Diyos na magsalita nang gaya nito, oo? Kapag isinasantabi ng mga tao ang mga teksto, agad nilang itinatabi ang Diyos kasama ng aklat, kaya’t inaatupag lamang nila ang kanilang sariling pinagkakaabalahan, kung saan pagkatapos nito ay naglalaho ang Diyos sa kanilang mga puso. Gayunman kapag muli nilang kinuha ang aklat, biglang sumasagi sa isip nila na naisantabi nila ang Diyos sa likuran ng kanilang mga isipan. Ganyan ang buhay ng tao “na walang memorya.” Mas nagsasalita ang Diyos, mas mataas ang Kanyang mga salita. Kapag narating nila ang kanilang rurok, ang lahat ng gawain ay natatapos, at bilang resulta, Itinitigil ng Diyos ang Kanyang mga pagbigkas. Ang panuntunan kung saan sa pamamagitan nito ay gumagawa ang Diyos ay tapusin ang Kanyang gawain kapag nararating nito ang taluktok nito; hindi Siya nagpapatuloy sa paggawa kapag nararating nito ang taluktok nito, kundi biglang humihinto. Hindi Siya kailanman gumagawa ng gawaing hindi kailangan.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan:Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-isang Pagbigkas
Rekomendasyon:Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Ang maikling panimula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Pananalig sa Diyos | Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kapareho sa Paniniwala sa Panginoon?