菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Jehovah. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Jehovah. Ipakita ang lahat ng mga post

Hun 4, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Magbigay-pansin sa Kapalaran ng Sangkatauhan


I
Hinihimok ng Diyos ang mga tao ng lahat ng mga etniko,
lahat ng mga bansa at maging mga industriya:
Makinig sa tinig ng Diyos at tingnan ang Kanyang gawain;
bigyang pansin ang kapalaran ng sangkatauhan;
gawing pinakabanal at marangal ang Diyos,
ang pinakamataas at tanging bagay para sa pagsamba;
pahintulutan ang buong sangkatauhan na
mabuhay sa ilalim ng pagpapala ng Diyos,
tulad ng mga inapo ni Abraham
ay namuhay sa ilalim ng pangako ni Jehova,
tulad ng nilikha ng Diyos na
sina Adan at Eva ay nanirahan sa Hardin ng Eden.

Peb 12, 2018

Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos ng Panlulupig

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos ng Panlulupig


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

   Ang gawaing panlulupig ngayon ay upang mabawi ang lahat ng patotoo at kaluwalhatian, at ang lahat ng tao ay pasambahin sa Diyos, upang mayroong patotoo sa mga nilikha. Ito ang dapat na matapos sa hakbang na ito ng gawain. Paano ba talaga malulupig ang sangkatauhan? Ito ay magagawa sa paggamit nitong gawa ng mga salita upang lubos na mahikayat ang tao; sa paggamit ng pagsisiwalat, paghatol, pagkastigo, at walang-awang sumpa upang siya ay lubos na masupil; at sa pagsisiwalat ng pagka-mapaghimagsik ng tao at paghatol sa kanyang paglaban upang malaman niya ang di-pagkamatuwid at karumihan ng sangkatauhan, na gagamitin upang itampok ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Higit sa lahat, itong mga paggamit ng mga salitang ito ang lumulupig sa tao at lubos na humihikayat sa kanya. Ang mga salita ay ang paraan sa kahuli-hulihang panlulupig sa sangkatauhan, at silang lahat na tumatanggap ng pag-lupig ay dapat tanggapin ang pananakit at paghatol ng mga salita. Ang kasalukuyang proseso ng pagsasalita ay ang proseso ng panlulupig. Paano ba talaga dapat makipagtulungan ang mga tao? Sa pamamagitan ng mabisang pagkain at pag inom ng mga salitang ito at pag-unawa sa mga ito. Hindi maaaring malupig ang mga tao ng kanilang mga sarili. Dapat, mula sa pagkain at pag-inom ng mga salitang ito, ay makilala nila ang kanilang kasamaan at karumihan, ang ka-nilang pagka-mapaghimagsik at di-pagkamatuwid, at magpatirapa sa harap ng Diyos. Kung kaya mong unawain ang kalooban ng Diyos at pagkatapos ay isagawa ito at, bukod diyan, magkaroon ng pangitain, at kung kaya mong lubos na sundin ang mga salitang ito at hindi tutuparin ang kahit na alin sa iyong mga sariling pagpili, saka ka nalulupig. At itong mga sali-tang ito ang nakalupig sa iyo. Bakit nawala ng sangkatauhan ang patotoo? Dahil walang sinuman ang may pananampalataya sa Diyos o tangan sa paanuman ang Diyos sa kanyang puso. Ang panlulupig sa sangkatauhan ay nangangahulugan ng panunumbalik ng tao sa pananampalatayang ito. Ang mga tao ay laging nakahilig sa kamunduhan, nagkikimkim ng napakaraming inaasahan, nagnanasa nang sobra-sobra para sa kanilang kinabukasan, at may napakaraming maluhong pangangailangan. Lagi nilang iniisip ang patungkol sa at pagplano para sa kanilang laman at hindi kailanman interesado sa paghahanap ng daan sa paniniwala sa Diyos. Ang kanilang mga puso ay nabihag na ni Satanas, nawala na nila ang kanilang paggalang sa Diyos, at itinatalaga nila ang kanilang puso kay Satanas. Ngunit ang tao ay nilikha ng Diyos. Gayon, nawala ng tao ang kanyang patotoo, ibig sabihin ay nawala na niya ang kaluwalhatian ng Diyos. Ang layunin ng panlulupig sa tao ay upang mabawi ang kaluwalhatian ng paggalang ng tao sa Diyos.

Nob 10, 2017

Maglingkod Kagaya ng Ginawa ng Mga Israelita

Jehovah, iglesia, sundin, pag-ibig, buhay

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos Maglingkod Kagaya ng Ginawa ng Mga Israelita


  Sa kasalukuyan maraming mga tao ang hindi nag-uukol ng pansin sa kung anong mga aral ang dapat na matutuhan sa panahon ng pakikipagtulungan sa iba. Aking natuklasan na marami sa inyo ang hindi kayang matutuhan ang mga aral sa anumang paraan sa panahon ng pakikipagtulungan sa iba. Karamihan sa inyo’y nananatili sa inyong sariling mga pananaw, at kapag gumagawa sa iglesia, sinasabi mo ang iyong bahagi at sinasabi niya ang kanya, isa na walang kaugnayan sa iba, hindi nakikipagtulungan sa anumang paraan. Kayo ay abalang-abala sa pakikipagtalastasan lamang sa inyong panloob na mga pananaw, abalang-abala sa pagpapalaya lamang sa inyong “mga pasanin” sa loob ninyo, hindi naghahangad ng buhay sa anumang paraan. Tila ginagawa mo na lamang basta ang gawain, palaging naniniwala na dapat mong sundin ang iyong sariling paraan hindi alintana ang ibang mga tao, at dapat kang makipagniig sapagkat ginagabayan ka ng Banal na Espiritu, hindi alintana ang ibang mga tao. Hindi ninyo nagagawang matuklasan ang mga kalakasan ng iba, at hindi nagagawang siyasatin ang inyong mga sarili. Ang inyong paraan sa pagtanggap ng mga bagay ay talagang mali. Maaaring sabihin na maging sa ngayon nagpapakita pa rin kayo ng napakaraming pansariling pagkamatuwid, na parang ang dating sakit ay muling nagbalik. Hindi kayo nag-uusap sa isa’t-isa upang matamo ang lubos na pagkakapalagayang-loob, na parang anong kahihinatnan ang natamo sa pagdalaw sa iglesiang yaon, o kumusta ang inyong panloob na kalagayan kamakailan lamang, at iba pa—hindi kayo talaga nakikipag-usap kagaya nito. Kayo ay pangunahin nang walang mga pagsasagawa kagaya ng pagsasantabi sa inyong sariling mga pagkaintindi o pagtatanggi sa inyong mga sarili. Nag-iisip lamang yaong mga nasa liderato ng pagpapasigla sa mga kapatid sa mga iglesia sa ibaba sa pamamagitan ng kanilang pagsasamahan, at nalalaman lamang niyaong mga sumusunod na maghangad sa kanilang mga sarili. Pangunahing nang hindi ninyo nalalaman kung ano ang paglilingkod o kung ano ang pakikipagtulungan, at iniisip lamang ninyo ang pagkakaroon ng kahandaan sa inyong mga sarili upang tumbasan ang pag-ibig ng Diyos, ng pagkakaroon ng kahandaan sa inyong mga sarili upang isabuhay ang paraan ni Pedro, at wala ng iba pa. Iyo pang sinasabi, maging anuman ang kalagayan ng ibang mga tao, hindi ka rin naman pasasakop anuman ang mangyari, at kahit na anupaman ang nakakatulad ng ibang mga tao, ikaw sa iyong sarili ay naghahangad ng pagka-perpekto ng Diyos, at iyon ay magiging sapat. Sa katunayan, hindi pa nakatagpo ang iyong kalooban ng anumang matibay na pagpapahayag sa katotohanan sa aumang paraan. Hindi ba ito lahat ang uri ng pag-uugali na inyong ipinakikita sa kasalukuyan? Pinanghahawakang mahigpit ng bawat isa sa inyo ang inyong sariling pananaw, at nais ninyong lahat na maging perpekto. Nakikita Ko na naglingkod kayo sa mahabang panahon at hindi gaanong sumulong, lalong lalo na sa leksiyong ito ng paggawang magkakasama sa pagkakaisa hindi kayo nakagawa ng anumang pagsulong! Sa pagpunta sa mga iglesia nakikipagtalastasan ka sa sarili mong paraan, at siya ay nakikisama sa kanyang paraan. Madalang na magkaroon ng pagtutulungan na mayroong pagkakaisa. At ang mga tao sa ibaba na nangagsisusunod ay higit pa sa ganitong paraan. Iyon ay upang sabihin na bihirang nauuunawaan ng sinuman sa kalagitnaan ninyo kung ano ang paglilingkod sa Diyos, o kung paano dapat paglingkuran ng isang tao ang Diyos. Kayo ay nalilito, at tinatrato ang mga ganitong uri ng mga leksiyon bilang isang walang halagang bagay, sa gayon na lamang kalawak anupa’t maraming mga tao ang hindi lamang ipinatutupad ang ganitong aspeto ng katotohanan, sinasadya pa nilang gumawa ng mali. Maging ang mga tao na naglilingkod sa maraming mga taon ay naglalaban at nagbabangayan. Hindi ba ang lahat ng ito ay ang inyong tunay na tayog? Kayong mga tao na naglilingkod na magkakasama sa araw-araw ay kagaya ng mga Isaraelita na tuwirang naglingkod sa Diyos Sarili Niya sa templo araw-araw. Paano nangyaring kayong mga taong kagaya ng mga pari ay hindi ninyo nalalaman kung paano ang makipagtulungan at kung paano ang maglingkod?

Set 14, 2017

Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos, Kaligtasan, Biblia,

Ang gawain na nagawa ni Jehovah sa mga Israelita ay itinatag sa sangkatauhan sa lupa na pinagmulan ng Diyos, ang Kanyang banal na lugar kung saan Siya nagkaroon ng presensya. Nilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa mga Israelita. Sa simula, hindi Siya nagtrabaho sa labas ng Israel; sa halip, pinili Niya ang mga tao na nakita Niyang angkop upang paghigpitan ang mga saklaw ng Kanyang gawain. Ang Israel ay ang pook kung saan nilikha ng Diyos sina Adan at Eba, at mula sa alabok ng pook na iyon nilikha ni Jehovah ang tao; ito ang pundasyon ng Kanyang gawain sa mundo. Ang mga Israelita, na mga inapo ni Noah at ni Adan, ay ang pundasyon ng gawain ni Jehovah sa lupa.

Set 10, 2017

Ang Diyos Ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos, Jesus, Biblia,

   Ang isang yugto sa gawain ng dalawang nakaraang panahon ay naganap sa Israel; ang isa pa ay naganap sa Judea. Sa pangkalahatan, wala sa anumang yugto ng gawaing ito ang nilisan ang Israel; ang mga ito ay ang mga yugto ng gawain na natupad sa kalagitnaan ng mga paunang piniling tao. Kaya, sa paningin ng mga Israelita, ang Diyos na Jehovah ay Diyos lamang ng mga Israelita. Dahil sa gawain ni Jesus sa Judea, at dahil sa Kanyang pagkumpleto ng gawain ng pagpapako sa krus, mula sa pananaw ng mga Judio, si Jesus ay ang Manunubos ng mga Judio. Siya ay Hari lamang ng mga Judio, hindi ng anumang mga tao; hindi Siya ang Panginoon na tumubos sa ang mga Ingles, ni ang Panginoon na tumubos sa mga Amerikano, ngunit Siya ang Panginoon na tumubos sa mga Israelita, at sa Israel ang mga Judio ang Kanyang tinutubos. Sa totoo lang, ang Diyos ay ang Panginoon ng lahat ng mga bagay. Siya ang Diyos ng lahat ng nilalang.