菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na simbahan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na simbahan. Ipakita ang lahat ng mga post

Mar 24, 2018

Mga Movie Clip (6) | Ang Pagsunod ba sa mga Pastor at Elder ay Tulad ng Pagsunod sa Diyos?


Mga Movie Clip (6) | Ang Pagsunod ba sa mga Pastor at Elder ay Tulad ng Pagsunod sa Diyos?

Naniniwala ang ilang mga mananampalataya na pinili at hinirang ng Panginoon ang mga pastor at elder ng relihiyosong mundo, at lahat sila’y mga taong naninilbihan sa Panginoon. Kaya naniniwala sila na ang pagsunod lamang sa mga pastor at elder ay pagsunod sa Panginoon, at ang pagsalungat o paghatol sa mga pastor at elder ay pagsalungat sa Panginoon. Naniniwala pati sila na, sa mga iglesia, tanging mga pastor at elder lamang ang nakakaunawa sa Biblia at kayang ipaliwanag ang Biblia, at basta’t naaayon sa Biblia at batay sa Biblia ang ipinapangaral o ginagawa ng mga pastor at elder, dapat silang talimahin at sundin ng mga tao kung gayon. Naaayon ba sa katotohanan ang ganitong uri ng pagsunod sa mga pastor at elder? Kinakatawan ba ng pag-unawa sa kaalaman sa Biblia ang pag-unawa sa katotohanan at kaalaman sa Diyos? Anong pamamaraan ba talaga ang dapat nating gamitin sa mga pastor at elder na tumatalima sa kalooban ng Diyos?
Rekomendasyon:Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos

Set 2, 2017

Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao

Kidlat ng Silanganan, Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Jesus, kaligtasan

 Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao

   Ang gawain ng Diyos sa mga tao ay hindi mapaghihiwalay mula sa tao, dahil ang tao ay ang layon ng gawaing ito, at ang tanging nilikha ng Diyos na kayang magpatotoo sa Kanya. Ang buhay ng tao at lahat ng kanyang gawain ay hindi mapaghihiwalay mula sa Diyos, at pinamamahalaan ng mga kamay Niya, at maaari ring masabi na walang tao ang maaaring mag-isang umiral nang hiwalay sa Diyos. Walang maaaring tumanggi rito, dahil ito ay katotohanan. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay para sa kapakanan ng sangkatauhan, at nakatuon sa mga pakana ni Satanas. Ang lahat ng kailangan ng tao ay nanggagaling sa Diyos, at ang Diyos ang pinaggagalingan ng buhay ng tao. Kaya, ang tao ay hindi maaaring humiwalay sa Diyos. Ang Diyos, higit sa lahat, ay walang layuning humiwalay sa tao. Ang gawain na isinasagawa ng Diyos ay para sa kapakanan ng lahat ng sangkatauhan, at ang saloobin Niya ay laging mabuti. Ang gawain ng Diyos at ang mga saloobin Niya (iyon ay, ang kalooban ng Diyos) aykapwa “mga pangitain” na kailangang malaman ng tao.