菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Panginoong. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Panginoong. Ipakita ang lahat ng mga post

Ene 30, 2018

Ang Pangangailangan na Gawin ng Diyos ang Kanyang Gawain sa Pamamagitan ng Pagkakatawang-tao (6)


Ang Pangangailangan na Gawin ng Diyos ang Kanyang Gawain sa Pamamagitan ng Pagkakatawang-tao (6)


Bakit sinasabi na mas kapaki-pakinabang na magkatawang-tao ang Diyos sa pagliligtas sa tiwaling sangkatauhan? Sa ano maaaring makita ang pangangailangan at malaking kahalagahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang laman ng tao ay ginawang tiwali ni Satanas, at lubusang binulag, at matinding napinsala. Ang pinaka-pangunahing dahilan kung bakit gumagawa ang Diyos ng personal sa katawang-tao ay dahil ang layon ng Kanyang pagliligtas ay ang tao, na sa laman, at dahil si Satanas ay ginagamit din ang laman ng tao upang abalahin ang gawain ng Diyos. Ang paglaban kay Satanas sa katunayan ay gawaing panlulupig sa tao, at kasabay nito, ang tao din ang layon ng kaligtasan ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay napakahalaga. Ginawang tiwali ni Satanas ang laman ng tao, at ang tao ay naging sagisag ni Satanas, at naging layon upang talunin ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang gawain ng pakikipaglaban kay Satanas at pagliligtas sa buong sangkatauhan ay nangyayari sa lupa, at ang Diyos ay dapat maging tao upang gawin ang paglaban kay Satanas. Ito ang gawaing pinakapraktikal” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Set 4, 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Ikalabing-siyam na Pahayag

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Jesus, Pananampalataya


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Ikalabing-siyam na Pahayag

   
    Nararapat na gawain ng sangkatauhan ang kunin ang mga salita Ko bilang batayan ng kanyang kaligtasan. Dapat hanapin ng bawat tao ang indibidwal niyang papel sa bawat bahagi ng mga salita Ko; ang hindi paggawa nito ay paghingi ng suliranin, paghahanap ng sarili niyang pagkawasak. Hindi Ako kilala ng sangkatauhan, at dahil dito, sa halip na dalhin niya ang kanyang buhay sa Akin upang ihandog bilang kapalit, ang tanging ginagawa niya ay pumarada sa harapan Ko na dala ang mga sira-sirang kalakal, sa pagnanais na bigyan Ako ng kasiyahan. Ngunit, kahit malayo sa pagiging masaya sa mga bagay na tulad ng mga ito, nananatili Ako sa paghingi sa sangkatauhan. Gustung-gusto Ko ang handog ng mga tao, ngunit kinapopootan Ko ang kaniyang mga panghuhuthot. Ang puso ng lahat ng mga tao ay puno ng kasakiman; parang inalipin ng diyablo ang puso ng tao, at hindi siya makalaya upang ihandog ito sa Akin. Kapag nagsalita Ako, nakikinig ang tao sa Aking tinig nang may pamimitagan; ngunit kapag tumigil Ako sa pagsasalita, nagsisimula siyang muli sa sarili niyang mga “gawain” at ganap na humihinto sa pag-intindi sa mga salita Ko, na parang pandagdag lamang ang mga salita Ko sa kanyang “gawain.”

Set 3, 2017

Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao”

Kidlat ng Silanganan, Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Jesus, panginoon

Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa "Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao"

    1. Sa Kapanahunan ng Biyaya, inihanda ni Juan ang daan para kay Jesus. Hindi Niya kayang gawin ang gawain ng Diyos Mismo at tinupad lamang ang katungkulan ng tao. Kahit si Juan ang tanda ng Panginoon, hindi niya maaaring katawanin ang Diyos; siya lamang ay isang tao na ginagamit ng Banal na Espiritu. Kasunod ng bautismo ni Jesus, “ang Banal na Espiritu ay bumaba sa Kanya tulad ng isang kalapati.” Sinimulan na Niya ang Kanyang gawain, iyon ay, masimulan Niyang maisagawa ang ministeryo ni Kristo. Iyon ang dahilan kung bakit ginampanan Niya ang katauhan ng Diyos, sapagkat Siya ay mula sa Diyos. Anuman ang paraan ng Kanyang pananampalataya bago ito—marahil kung minsan ito ay mahina, o kung minsan ito ay malakas—iyon lamang ang Kanyang normal na buhay ng tao bago Niya ginanap ang Kanyang ministeryo. Pagkatapos Siyang binautismuhan (pahiran), agad Siyang nagkaroon ng kapangyarihan at ng kaluwalhatian ng Diyos na kasama Siya, at sa gayon nagsimulang ganapin ang Kanyang ministeryo.