Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Ikalabing-siyam na Pahayag
Nararapat na gawain ng sangkatauhan ang kunin ang mga salita Ko bilang batayan ng kanyang kaligtasan. Dapat hanapin ng bawat tao ang indibidwal niyang papel sa bawat bahagi ng mga salita Ko; ang hindi paggawa nito ay paghingi ng suliranin, paghahanap ng sarili niyang pagkawasak. Hindi Ako kilala ng sangkatauhan, at dahil dito, sa halip na dalhin niya ang kanyang buhay sa Akin upang ihandog bilang kapalit, ang tanging ginagawa niya ay pumarada sa harapan Ko na dala ang mga sira-sirang kalakal, sa pagnanais na bigyan Ako ng kasiyahan. Ngunit, kahit malayo sa pagiging masaya sa mga bagay na tulad ng mga ito, nananatili Ako sa paghingi sa sangkatauhan. Gustung-gusto Ko ang handog ng mga tao, ngunit kinapopootan Ko ang kaniyang mga panghuhuthot. Ang puso ng lahat ng mga tao ay puno ng kasakiman; parang inalipin ng diyablo ang puso ng tao, at hindi siya makalaya upang ihandog ito sa Akin. Kapag nagsalita Ako, nakikinig ang tao sa Aking tinig nang may pamimitagan; ngunit kapag tumigil Ako sa pagsasalita, nagsisimula siyang muli sa sarili niyang mga “gawain” at ganap na humihinto sa pag-intindi sa mga salita Ko, na parang pandagdag lamang ang mga salita Ko sa kanyang “gawain.”