菜單

Set 3, 2017

Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao”

Kidlat ng Silanganan, Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Jesus, panginoon

Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa "Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao"

    1. Sa Kapanahunan ng Biyaya, inihanda ni Juan ang daan para kay Jesus. Hindi Niya kayang gawin ang gawain ng Diyos Mismo at tinupad lamang ang katungkulan ng tao. Kahit si Juan ang tanda ng Panginoon, hindi niya maaaring katawanin ang Diyos; siya lamang ay isang tao na ginagamit ng Banal na Espiritu. Kasunod ng bautismo ni Jesus, “ang Banal na Espiritu ay bumaba sa Kanya tulad ng isang kalapati.” Sinimulan na Niya ang Kanyang gawain, iyon ay, masimulan Niyang maisagawa ang ministeryo ni Kristo. Iyon ang dahilan kung bakit ginampanan Niya ang katauhan ng Diyos, sapagkat Siya ay mula sa Diyos. Anuman ang paraan ng Kanyang pananampalataya bago ito—marahil kung minsan ito ay mahina, o kung minsan ito ay malakas—iyon lamang ang Kanyang normal na buhay ng tao bago Niya ginanap ang Kanyang ministeryo. Pagkatapos Siyang binautismuhan (pahiran), agad Siyang nagkaroon ng kapangyarihan at ng kaluwalhatian ng Diyos na kasama Siya, at sa gayon nagsimulang ganapin ang Kanyang ministeryo.


Kaya Niyang gumawa ng mga tanda at mga kababalaghan, gumawa ng mga himala, mayroon Siyang kapangyarihan at awtoridad, bilang Siya ay nagtrabaho nang direkta sa ngalan ng Diyos Mismo; ginawa Niya ang gawain ng Espiritu na kahalili Niya at ipinahayag ang tinig ng Espiritu; samakatuwid Siya Mismo ang Diyos. Hindi ito mapag-aalinlanganan. Ginamit si Juan ng Banal na Espiritu. Hindi Niya maaaring katawanin ang Diyos, at hindi ito posible para sa kanya na kumatawan sa Diyos. Kung naisin niya na gawin ito, hindi ito papayagan ng Banal na Espiritu, sapagkat hindi niya maaaring gawin ang mga gawain na inilaan ng Diyos Mismo na ganapin. Marahil marami sa kanya ang kalooban ng tao, o may bagay sa kanyang lihis; walang pagkakataon na direkta siyang kumakatawan sa Diyos. Kinakatawan lamang ng kanyang mga pagkakamali at kalisyaan ang sarili niya, ngunit kinakatawan ng Banal na Espiritu ang kanyang gawa. Gayon pa man, hindi mo maaaring sabihing kinakatawan ng lahat sa kanya ang Diyos. Kaya ba ng kanyang paglihis at kalisyaan na katawanin din ang Diyos? Normal sa kumakatawan ng tao na maging mali, ngunit kung nagkaroon siya ng paglihis sa pagkatawan ng Diyos, sa gayon hindi ba nyan ilalagay sa kahihiyan ang Diyos? Hindi yan kalapastangan laban sa Banal na Espiritu? Hindi pinapahintulutan kalooban ng Banal na Espiritu ang tao na tumayo sa lugar ng Diyos, kahit na ikinarangal siya ng iba. Kung hindi siya ang Diyos, kung gayon hindi niya magagawang manatiling nakatayo sa katapusan. Hindi pinahintulutan ng Banal na Espiritu ang tao na kumatawan sa Diyos ayon sa kanyang pagnanais! Halimbawa, nagpatotoo kay Juan ang Espiritu Santo, at nagsiwalat rin na siya ang isa na naghanda ng daan para kay Jesus, ngunit mahusay na sinukat ng Banal na Espiritu ang gawain na ginawa sa kanya. Ang maging tagahanda ng daan para kay Jesus ang lahat nang hiningi kay Juan, ang ihanda ang daan para sa Kanya. Iyon ay upang sabihin na, itinaguyod lamang ng Banal na Espiritu ang kanyang gawa sa paghahanda ng daan at pinahintulutan lamang siya na gawin ang ganung trabaho, wala nang iba. Kinakatawan ni Juan si Elijah, ang propeta na naghanda ng daan. Ang Banal na Espiritu ang nagtaguyod nito; hangga’t sa ang kanyang trabaho ay ihanda ang daan, ang Banal na Espiritu ang nagtaguyod nito. Subalit, kung siya ay naglaan ng pahayag na siya ay Diyos Mismo at dumating upang tapusin ang gawain ng pagtubos, dapat siyang disiplinahin ng Banal na Espiritu. Gaano man kahusay ang gawain ni Juan, at itinaguyod ito ng Banal na Espiritu, nanatili sa loob ng mga hangganan ang kanyang trabaho. Ang kanyang trabaho sa katunayan ay totoong itinaguyod ng Banal na Espiritu, ngunit limitado sa paghahanda ng daan ang kapangyarihan na ibinigay sa kanya sa oras na iyon. Hindi niya maaaring, sa anumang paraan, gawin ang anumang iba pang mga gawain, dahil siya lamang ay si Juan na naghanda ng daan, at hindi si Jesus. Samakatuwid, susi ang patotoo ng Banal na Espiritu, ngunit mas mahalaga na pahintulutan ng Banal na Espiritu ang manggagawa na gumawa.

mula sa “Ang Hiwaga ng pagkakatawang-tao (1)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

2. May ilang pinaghaharian ng masasamang espiritu at paulit-ulit na sumisigaw ng, “Ako ang Diyos!” Ngunit sa pagtatapos, hindi nila kayang manatili ng nakatayo, sapagka’t kumikilos sila sa ngalan ng maling pagkatao. Kinakatawan nila si Satanas at hindi sila binibigyang pansin ng Banal na Espiritu. Gaano mo man kataas ikarangal ang iyong sarili o gaano ka man kalakas sumigaw, ikaw ay nilikhang tao pa rin at isa na nabibilang kay Satanas. Kailanman hindi ako umiyak, Diyos Ako, sinisinta Akong Anak ng Diyos! Ngunit ang trabaho Ko ay gawain ng Diyos. Kailangan Ko bang sumigaw? Hindi na kailangan ng pagdadakila. Ginawa ng Diyos ang Kanyang trabaho Mismo at hindi na kailangan ng tao na bigyan siya ng isang katayuan o panggalang na pamagat, at sapat na ang Kanyang gawa upang kumatawan sa Kanyang pagkakakilanlan at katayuan. Bago ang Kanyang bautismo, hindi ba si Jesus ang Diyos Mismo? Hindi ba Siya ang nagkatawang-tao ng Diyos? Tiyak na ito ay hindi maaaring sabihin na naging tanging Anak ng Diyos lamang Siya pagkatapos Niyang mapatotohanan? Bago Siya nagsimula ng Kanyang gawain wala bang tao sa pangalan ni Jesus? Hindi ka maaaring magdala ng bagong landas o kumatawan sa Espiritu. Hindi mo maaaring ipahayag ang gawain ng Espiritu o ang mga salita na sinasabi Niya. Hindi mo kayang gawin ang gawain ng Diyos Mismo o ng Espiritu. Hindi mo maaaring ipahayag ang karunungan, himala, at hindi matarok na lalim ng Diyos, o ang lahat ng mga disposisyon sa pagpaparusa ng Diyos sa tao. Hindi mahalaga ang iyong mga paulit-ulit na pag-angkin na ikaw ang Diyos; mayroon ka lamang pangalan at wala ng mga sangkap. Dumating ang Diyos Mismo, ngunit walang nakakakilala sa Kanya, ngunit patuloy Siya sa Kanyang gawain at nagagawa sa representasyon ng Espiritu. Kahit tawagin mo Siyang tao o Diyos, ang Panginoon o Kristo, o tawagin siyang kapatid na babae, ayos lang lahat ng ito. Ngunit ang trabaho Niya ay sa Espiritu at kumakatawan sa gawain ng Diyos Mismo. Wala siyang pakialam tungkol sa pangalan na itinatawag sa Kanya ng tao. Puwede bang matukoy ng pangalan na yan ang Kanyang gawain? Hindi alintana kung ano ang tawag mo sa Kanya, mula sa pananaw ng Diyos, Siya ay ang nagkatawang-tao na laman ng Espiritu ng Diyos; kinakatawan Niya ang Espiritu at pinahintulutan Niya. Hindi ka makakagawa ng daan para sa bagong panahon, at hindi mo maaaring tapusin ang luma at hindi maaaring maghatid sa bagong panahon o gawin ang mga bagong trabaho. Samakatuwid, hindi ka maaaring tawagin na Diyos!

mula sa “Ang Hiwaga ng pagkakatawang-tao (1)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

3. Kahit na ang tao na ginamit ng Banal na Espiritu ay hindi maaaring kumatawan sa Diyos Mismo. At hindi lamang hindi maaaring kumatawan ang taong ito sa Diyos, ngunit hindi maaaring direkta na kumatawan ang kanyang trabaho sa Diyos. Iyon ay upang sabihin, hindi maaaring direktang ilagay sa loob ng pamamahala ng Diyos ang karanasan ng tao, at hindi nito maaaring kumatawan sa pamamahala ng Diyos. Ang lahat ng mga trabaho na ginagawa ng Diyos Mismo ay ang gawang ninanais Niya na gawin sa Kanyang sariling plano sa pamamahala at may kaugnayan sa mga dakilang pamamahala. Ang gawain na ginawa ng tao (ginamit ang tao ng Banal na Espiritu) ang nagbigay ng kanyang mga indibidwal na karanasan. Humahanap Siya ng isang bagong landas ng karanasan mula sa mga nilakaran ng mga nauna sa kanya at gumagabay sa kanyang mga kapatid sa ilalim ng patnubay ng Banal na Espiritu. Ang kanilang mga indibidwal na karanasan ang itinustos ng mga lalaking ito o espirituwal na kasulatan ng espirituwal na mga tao. Kahit na sila ay ginamit ng Banal na Espiritu, ang gawa ng mga gayong tao ay walang kinalaman sa mga mahusay na pamamahala ng trabaho sa loob ng anim-na-libong-taon na plano. Ibinangon lamang sila ng Banal na Espiritu sa iba’t ibang mga panahon na upang ihantong ang mga tao sa agos ng Espiritu Santo hanggang sa matupad nila ang kanilang tungkulin o dumating sa katapusan ang kanilang buhay. Ang trabaho na ginawa nila ay para lamang ihanda ang naaangkop na daan para sa Diyos Mismo o upang ipagpatuloy ang isang bagay sa pamamahala ng Diyos Mismo sa lupa. Hindi kayang gawin ng ganitong mga tao ang mas higit na trabaho sa Kanyang pamamahala, at hindi sila maaaring magbukas ng mga bagong daan palabas, mas lalo na tapusin lahat ng gawa ng Diyos mula unang panahon. Samakatuwid, kinatawan lamang ng isang nilikhang tao na gumaganap sa kanyang tungkulin ang kanilang trabaho at hindi maaaring kumatawan sa Diyos Mismo na gumaganap ng Kanyang ministeryo. Ito ay dahil hindi tulad ng mga bagay na ginawa ng Diyos Mismo ang trabaho na kanilang ginagawa. Hindi maaaring gawin ng tao sa lugar ng Diyos ang gawain ng paghahatid sa bagong panahon. Hindi ito maaaring gawin ng sino pa man kaysa ang Diyos Mismo. Ang lahat ng mga gawain na ginagawa ng tao ay pagganap ng kanyang tungkulin bilang isa sa paglikha at ito ay tapos na kapag inilipat o napaliwanagan na ng Espiritu Santo. Ang patnubay na ibinibigay ng naturang tao ay kung paano ang pagsasanay ng buhay ng tao sa araw-araw at kung paano ang tao ay kumilos na katugma sa kalooban ng Diyos. Hindi nasasangkot ang gawain ng tao sa pamamahala ng Diyos at hindi rin kumakatawan sa gawa ng Espiritu. … Samakatuwid, dahil ang gawain ng mga tao na ginagamit ng Banal na Espiritu ay hindi tulad ng mga gawain na ginagawa ng Diyos Mismo, ang kanilang mga pagkakakilanlan at kung sino ang kanilang kinakatawan ay naiiba rin. Ito ay dahil naiiba ang gawain na nais gawain ng Banal na Espiritu, at dahil doon ay naglalaan ng ibang mga pagkakakilanlan at mga katayuan sa lahat ng mga gumagawa. Maaari ring gawin ang ilang mga bagong trabaho ng mga tao na ginagamit ng Espiritu Santo at maaari ring alisin ang ilang mga trabaho na natapos sa unang panahon, ngunit hindi maaaring ipahayag ng kanilang mga trabaho ang disposisyon at kalooban ng Diyos sa bagong panahon. Gumagawa lamang sila upang alisin ang trabaho ng unang panahon, hindi upang gawin ang bagong trabaho na direktang kumakatawan sa disposisyon ng Diyos Mismo. Kaya, kahit gaano karaming mga hindi napapanahong kasanayan ang kanilang buwagin o mga bagong kasanayan na kanilang ipakilala, kumakatawan pa rin sila sa tao at mga nilikha bagay. Kapag ang Diyos Mismo ang gumawa ng trabaho, subalit, hindi Niya lantarang idinedeklara ang pagpawi ng mga kasanayan ng lumang panahon o direktang idinedeklara ang pagsisimula ng isang bagong panahon. Direkta at tapat Siya sa Kanyang gawain. Tahasan Siya sa pagganap ng binabalak Niyang trabaho; iyon ay, direkta Siyang nagpapahayag ng trabahong dinala Niya, direktang ginagawa ang Kanyang gawain bilang orihinal na layunin, pagpapahayag ng Kanyang pagkatao at disposisyon. Habang nakikita ito ng tao, ang Kanyang disposisyon at gayon din ang Kanyang trabaho ay hindi tulad ng mga nakaraan panahon. Subalit, mula sa pananaw ng Diyos Mismo, pagpapatuloy lamang ito at karagdagang pag-unlad ng Kanyang gawain. Kapag gumawa ang Diyos Mismo, ipinapahayag Niya ang Kanyang salita at direktang naghahatid ng bagong trabaho. Sa kaibahan, kapag gumawa ang tao, ito ay sa pamamagitan ng masusing pag-iisip at pag-aaral, o ito ay ang pag-unlad ng kaalaman at ng sistema ng pagsasanay na itinayo sa saligan ng gawain ng iba. Iyon ay upang sabihin, ang kabuluhan ng trabaho na ginawa ng tao ay manatili sa kombensyon at “lumakad sa dating landas gamit ang mga bagong sapatos.” Ito ay nangangahulugan na kahit na ang landas na dinaanan ng mga tao na ginamit ng Banal na Espiritu ay binuo sa mga binuksan ng Diyos Mismo. Gayon ang tao ay tao pa rin matapos ang lahat, at ang Diyos ay ang Diyos.

mula sa “Ang Hiwaga ng pagkakatawang-tao (1)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

4. Ipinanganak si Juan sa pamamagitan ng pangako, at ibinigay ng anghel ang kanyang pangalan. Sa oras na iyon, nais ng ilan na isunod ang kanyang pangalan sa kanyang ama na si Zacarias, ngunit nagsalita ang kanyang ina, na nagsabi, “Ang batang ito ay hindi maaaring tawagin sa pangalan na yan. Dapat siyang tawagin na Juan.” Itinuro itong lahat ng Banal na Espiritu. Pagkatapos bakit hindi tinawag si Juan na Diyos? Ang pangalan ni Jesus ay sa pamamagitan rin ng direksyon ng Banal na Espiritu, at ipinanganak Siya ng Banal na Espiritu, at sa pamamagitan ng pangako ng Banal na Espiritu. Si Jesus ay Diyos, Kristo, at ang Anak ng tao. Dakila rin ang gawain ni Juan, ngunit bakit hindi siya tinawag na Diyos? Ano mismo ang pagkakaiba sa pagitan ng trabaho na ginawa ni Jesus at ng ginawa ni Juan? Ang tanging dahilan lamang ba ay si Juan ang isa na naghanda ng daan para kay Jesus? O dahil itinalaga na ito ng Diyos? Kahit sinabi rin ni Juan, “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit,” at nangaral din ng ebanghelyo ng kaharian ng langit, ang kanyang trabaho ay hindi malalim at bumuo lamang ng simulain. Sa kaibahan, inihatid ni Jesus ang bagong kapanahunan at dinala ang lumang kapanahunan sa katapusan, ngunit tinupad din Niya ang kautusan ng Lumang Tipan. Higit na mas dakila ang gawain na ginawa Niya kaysa kay Juan, at ginawa Niya ang yugto ng gawaing ito upang matubos ang lahat ng sangkatauhan. Naghanda lamang ng daan si Juan. Kahit na dakila ang kanyang trabaho, marami ang kanyang mga salita, at marami ang mga alagad na sumunod sa kanya, walang higit na ibinunga ang kanyang trabaho kundi dalahin ang isang bagong simula sa tao. Hindi kailanman nakatanggap ang tao ng buhay mula sa kanya, ang daan, o malalalim na katotohanan, at wala man lamang silang nakuha na pang-unawa sa kalooban ng Diyos sa pamamagitan niya. Si Juan ay isang dakilang propeta (Elijah) na pinasimunuan ang bagong batayan para sa gawain ni Jesus at inihanda ang pinili; naging hudyat siya para sa Panahon ng Biyaya. Hindi maaaring mabatid ang ganitong mga bagay sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa kanilang mga karaniwang anyo ng tao. Lalo na, gumawa ng ilang mahusay na gawain si Juan; higit pa rito, ipinanganak siya sa pamamagitan ng pangako ng Banal na Espiritu, at itinaguyod ng Banal na Espiritu ang kanyang gawain. Gaya ng nabanggit, ang pagtukoy sa pagkakaiba ng kanilang mga sariling pagkakilanlan ay maaari lamang magawa sa kanilang gawain, sapagkat hindi masasabi ng panlabas na anyo ng isang tao ang kanyang halaga, at hindi kaya ng tao na alamin ang tunay na patotoo ng Banal na Espiritu. Ang gawain na ginawa ni Juan at ang ginawa ni Jesus ay hindi magkatulad at magkaiba ng kalikasan. Ito ay yaong dapat magtukoy kung Diyos Siya o hindi. Magsisimula, magpapatuloy, tapusin, at matutupad ang trabaho ni Jesus. Tinupad ni Jesus ang bawat isa sa mga hakbang na ito, samantalang ang gawain ni Juan ay hindi hihigit sa simula. Sa simula, ipinakalat ni Jesus ang ebanghelyo at ipinangaral ang paraan ng pagsisisi, pagkatapos ay natuloy ito sa bumautismo ng tao, pagpapagaling ng karamdaman, at magpalayas ng mga demonyo. Sa katapusan, tinubos Niya ang sangkatauhan mula sa kasalanan at kinumpleto ang Kanyang trabaho para sa buong panahon. Nangaral siya sa tao at nagpakalat ng ebanghelyo ng kaharian ng langit sa lahat ng mga lugar. Ito ay pareho kay Juan, na may pagkakaiba dahil si Jesus ang naghatid sa isang bagong panahon at nagdala sa tao ng Panahon ng Biyaya. Lumabas mula sa Kanyang bibig kung ano ang salita na dapat isabuhay ng tao at ang daan na dapat sundin ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya, at sa katapusan, tinapos Niya ang gawain ng pagtubos. Hindi kailanman matutupad ni Juan ang gayong gawain. At sa gayon, si Jesus ang gumawa ng gawain ng Diyos Mismo, at ito ay Siya na Diyos Mismo at direktang kumakatawan sa Diyos.

mula sa “Ang Hiwaga ng pagkakatawang-tao (1)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

5. Kung hindi mo kinikilala na ang yugto ng gawain sa araw na ito ay sa Diyos Mismo, ito ay dahil kulang ka sa pangitain. Gayunman, hindi mo maaaring tanggihan ang yugtong ito ng gawain; ang iyong kabiguan na makilala ito ay hindi nagpapatunay na hindi gumagawa ang Banal na Espiritu o na mali ang Kanyang gawain. Ang ilan ay nagsuri pa ng gawain ng kasalukuyan kumpara kay Jesus sa Biblia, at gumamit ng anumang hindi pagkakatugma upang itanggi ang yugtong ito ng gawain. Hindi ba ito ang kilos ng isang nabubulagan? Ang lahat ng naitala sa loob ng Biblia ay limitado at hindi kayang kumatawan sa lahat ng gawain ng Diyos. Ang Apat na Ebanghelyo ay sa kabuuan may mas kaunti sa isang daang mga kapitulo na kung saan ay nakasulat ang takdang bilang ng mga pangyayari, tulad ng pagsumpa ni Jesus sa puno ng igos, tatlong pagtanggi ni Pedro sa Panginoon, paglitaw ni Jesus sa mga alagad kasunod ng Kanyang pagpako sa krus at muling pagkabuhay, pagturo tungkol sa pag-aayuno, pagturo tungkol sa panalangin, pagturo tungkol sa diborsiyo, ang kapanganakan at talaangkanan ni Jesus, paghirang ng mga alagad ni Jesus, at iba pa. Ngunit ilang sulatin lamang ito, gayunman pinahahalagahan ang mga ito ng tao bilang mga kayamanan, at pinatotohanan pa ang gawain sa ngayon laban sa kanila. Naniniwala pa nga sila na gumawa lamang nang gayon karami si Jesus ng panahon pagkatapos ng Kanyang kapanganakan. Parang naniniwala sila na ang Diyos lamang ang maaaring lubusang gumawa nito, na wala nang maaaring karagdagang gawain. Hindi ba ito katawa-tawa?

mula sa “Ang Hiwaga ng pagkakatawang-tao (1)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

6. Naniniwala ang mga tao na nagkatawang-tao ang Diyos na tiyak na hindi nabuhay gaya ng ginagawa ng tao; naniniwala sila na Siya ay malinis na hindi na kinakailangang magsipilyo ng Kanyang mga ngipin o hugasan ang Kanyang mukha; sapagka’t Siya’y isang banal na tao. Di ba ito pawang mga palagay ng tao? Hindi gumawa ang Biblia ng tala ng buhay ni Jesus bilang isang tao, tanging Kanyang gawain lamang, ngunit hindi nito pinapatunayan na Siya ay hindi nagkaroon ng karaniwang sangkatauhan o na hindi Siya namuhay ng isang normal na pagkatao bago ang edad na tatlumpu. Opisyal Niyang sinimulan ang Kanyang gawain sa edad na 29, ngunit hindi mo maaaring itanggi ang Kanyang buong buhay bilang isang tao bago ang edad na iyon. Tinanggal lamang ng Biblia ang yugtong iyon mula sa mga talaan nito; dahil ito ay ang Kanyang buhay bilang isang ordinaryong tao at hindi ang yugto ng Kanyang banal na gawain, walang pangangailangan para ang mga ito ay isulat. Dahil bago ang bautismo ni Jesus, hindi kaagad na ginawa ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain, ngunit pinananatili lamang ang Kanyang buhay bilang isang ordinaryong tao hanggang sa araw na si Jesus ay nararapat na gumanap sa Kanyang ministeryo. Kahit Siya ang nagkatawang-tao na laman, sumailalim Siya sa proseso ng pagiging may-gulang tulad ng ginagawa ng isang ordinaryong tao. Tinanggal ang prosesong ito mula sa Biblia, dahil wala itong maaaring maibigay na malaking tulong sa paglago ng tao sa buhay. Bago ang Kanyang bautismo ay ang isang yugto na kung saan nanatili Siyang di-lantad, at hindi rin Siya gumawa ng mga tanda at mga kababalaghan. Sinimulan Niya ang lahat ng gawain ng pagtubos ng sangkatauhan pagkatapos lamang ng bautismo ni Jesus, gawain na marangyang sagana sa biyaya, sa katotohanan, at sa pag-ibig at awa. Ang simula ng gawaing ito ay ang pagsisimula rin ng Kapanahunan ng Biyaya; para sa kadahilanang ito, naisulat ito at ipinasa hanggang sa kasalukuyan. … Bago gumanap si Jesus ng Kanyang ministeryo, o tulad ng sinabi sa Biblia, bago bumaba ang Espiritu sa Kanya, isa lamang ordinaryong tao si Jesus at nagmamay-ari ng wala man lamang kaunting higit sa pangkaraniwan. Sa pagbaba ng Banal na Espiritu, iyon ay, nang nagsimula Siya sa pagganap ng Kanyang ministeryo, Siya ay nagkaroon ng higit sa pangkaraniwan. Dahil dito, pinanghawakan ng tao ang maling paniniwala na ang Diyos na nagkatawang-tao na laman ay hindi ordinaryong tao at na ang Diyos na nagkatawang-tao ay walang pagkatao. Tiyak, ang gawain at lahat ng nakikita ng tao sa Diyos sa lupa ay higit sa karaniwan. Ang pinagmamasdan mo gamit ang iyong mga mata at ang naririnig mo gamit ang iyong mga tainga ay ang lahat ng di-pang karaniwan, dahil ang Kanyang gawain at Kanyang mga salita ay hindi kayang unawain at hindi matamo ng tao. Kung dinala sa lupa ang isang bagay ng langit, paano ito magiging ano pa man kundi higit sa karaniwan? Dinala sa lupa ang mga hiwaga ng kaharian ng langit, mga hiwagang hindi maunawaan at hindi maarok ng tao, na masyadong nakakamangha at matalino—hindi ba silang lahat ay higit sa karaniwan? Subalit, dapat mong malaman na kahit gaano higit sa karaniwan, natupad sila sa Kanyang karaniwang pagkatao. Ang nagkatawang-tao na laman ng Diyos ay may pagkatao, kung hindi, hindi Siya magiging nagkatawang-tao na laman ng Diyos.

mula sa “Ang Hiwaga ng pagkakatawang-tao (1)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

7. Ang gawain ng Espiritu ng Diyos sa laman ay may sariling prinsipyo rin. Maaari lamang Siyang magsagawa ng gawain at tungkulin ng Ama sa batayan na nagmamay-ari Siya ng karaniwang pagkatao. Pagkatapos lamang noon maaari Niyang simulan ang Kanyang gawain. Sa Kanyang pagkabata, hindi masyadong naiintindihan ni Jesus ang lahat ng naganap sa sinaunang panahon, at sa pamamagitan lamang ng pagtatanong sa mga guro Niya naunawaan. Kung nagsimula Siya sa Kanyang gawain sa unang pagkakataon na natutong magsalita, paanong posibleng hindi ito makagawa ng anumang mga pagkakamali? Paano makakagawa ang Diyos ng mga maling hakbang? Samakatuwid, pagkatapos lamang nito na Siya ay nagsimula sa Kanyang gawain; hindi Niya naisagawa ang anumang gawain hanggang ganap Siyang handa sa pagsasagawa ng mga nasabi. Sa edad na 29, naging ganap na si Jesus at sapat na ang Kanyang pagkatao upang magsagawa ng gawain na gagawin Niya. Pagkatapos lamang noon na saka ang Banal na Espiritu, na nanatiling nakatago ng tatlumpung taon, ay nagsimulang magpahayag ng Kanyang sarili, at opisyal nang nagsimulang gumawa sa Kanya ang Espiritu ng Diyos. Nang panahong iyon, nahirapan si Juan ng pitong taon sa paghahanda ng daan para sa Kanya, at sa pagtatapos ng kanyang gawain, itinapon si Juan sa bilangguan. Pagkatapos ganap na napasabalikat ang pasanin kay Jesus. Kung nagtangka Siya na isagawa ang gawaing ito sa edad na 21 o 22, noong marami Siyang pagkukulang sa pagkatao at kapapasok pa lamang sa pagkabinata, kulang pa rin sa pang-unawa sa maraming mga bagay, hindi pa Niya kakayaning panghawakan ang pamumuno. Noong panahong iyon, natupad na ni Juan ang kanyang gawain ng ilang panahon bago simulan ni Jesus ang Kanyang gawain sa Kanyang pagkabinata. Sa edad na iyon, sapat na ang Kanyang karaniwang pagkatao upang magsagawa ng gawain na dapat Niyang gawin.

mula sa “Ang Hiwaga ng pagkakatawang-tao (1)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

8. Maraming mga prinsipyo ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao na laman. Maraming hindi maunawaan ang tao, bagaman patuloy na ginagamit ng tao ang kanyang sariling mga paniniwala upang masukat ito o gumawa ng labis na mga kahilingan sa Kanya. At kahit sa araw na ito marami ang walang kamalayan na ang kanilang kaalaman ay binubuo lamang ng kanilang sariling mga paniniwala. Anuman ang edad o lugar kung saan nagkatawang-tao ang Diyos, nananatili pa ring hindi nagbabago ang mga prinsipyo ng Kanyang gawain sa laman. Hindi siya maaaring maging laman pero lampasan ang laman upang gumawa; saka, hindi Siya maaaring maging laman pero hindi gumawa sa karaniwang pagkatao ng laman. Kung hindi, mapapawi ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at magiging ganap na walang kahulugan ang Salita na naging laman. Dagdag pa rito, tanging ang Ama sa langit (ang Espiritu) ang nakakaalam ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at walang iba, hindi kahit ang laman Mismo o ang mga sugo ng langit. Dahil dito, mas normal ang gawain ng Diyos sa laman at mas makakapagpakita na sa katunayan ang Salita ay naging laman; ang ibig sabihin ng laman ay ordinaryo at normal na tao.

mula sa“Ang Hiwaga ng pagkakatawang-tao (1)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

9. Maaaring magtaka ang ilan, Bakit kinakailangang ihatid ang kapanahunan ng Diyos Mismo? Hindi ba maaaring ang isang nilikha ay tumayo na kahalili Niya? Batid ninyong lahat na hayagang naging laman ang Diyos para sa layunin ng paghahatid sa bagong kapanahunan, at, siyempre, nang maghatid Siya sa bagong kapanahunan, tinapos na rin Niya ang unang kapanahunan Ang Diyos ay ang simula at ang katapusan; Siya Mismo ang nagpaandar sa Kanyang gawain at kaya dapat Siya Mismo ang magtapos ng unang kapanahunan. Iyon ang patunay na tinalo Niya si Satanas at nilupig ang mundo. Tuwing gumagawa Siya Mismo sa gitnang tao, ito ay simula ng isang bagong labanan. Kung walang pagsisimula ng bagong gawain, natural na walang konklusyon ng luma. At walang konklusyon ng luma ang patunay na ang pakikipagdigma kay Satanas ay magtatapos pa lang. Tanging kung ang Diyos Mismo ang dumating sa mga tao at magdadala ng bagong gawain ay doon lamang ganap na makakalaya ang tao mula sa kontrol ni Satanas at makakuha ng isang bagong buhay at bagong simula. Kung hindi, maninirahan magpakailanman ang tao sa lumang kapanahunan at maninirahan magpakailanman sa ilalim ng lumang impluwensiya ni Satanas. Sa bawat kapanahunan na pinamunuan ng Diyos, may bahagi ng tao na napapalaya, at sa gayon lumalago ang tao kasama ang gawain ng Diyos patungo sa bagong kapanahunan. Ang tagumpay ng Diyos ay tagumpay para sa lahat ng mga taong sumusunod sa Kanya. Kung ang mga taong nilikha ay inutusang tapusin ang kapanahunan, kung gayon iyon man ay sa pananaw ng tao o ni Satanas, ito ay walang iba kundi isang gawa ng pagsalungat o pagtataksil sa Diyos, hindi ng pagsunod sa Diyos, at kaya ang gawa ng tao ay magbibigay ng lugar kay Satanas. Magiging ganap na kumbinsido si Satanas kung tatalima at susunod lamang ang tao sa Diyos sa isang kapanahunan na inihatid ng Diyos Mismo, dahil iyon ang tungkulin ng isang nilikhang nilalang. Kaya sinasabi ko na kailangan lamang ninyong sumunod at tumalima, at wala nang ibang hinihingi sa inyo. Iyon ang ibig sabihin ng pagpapanatili ng bawat isa sa kanyang mga tungkulin at pagganap ng kanyang gawain. Ginagawa ng Diyos ang Kanyang sariling gawain at hindi kailangan ang tao para humalili sa paggawa ng Kanyang gawain, at hindi rin Niya sinasangkot ang Kanyang Sarili sa gawain ng mga nilikhang tao. Gumaganap ang tao ng kanyang sariling tungkulin at hindi humahadlang sa gawain ng Diyos, at iyon ang tunay na pagsunod at patunay na natalo na si Satanas. Pagkatapos ng Diyos Mismo na maghatid sa bagong kapanahunan, hindi na Siya Mismo naglilingkod sa mga tao. Pagkatapos noon saka lamang opisyal na humakbang ang tao sa bagong kapanahunan upang maisagawa ang kanyang mga tungkulin at tuparin ang kanyang misyon bilang isang nilikhang nilalang. Ganyan ang mga gumaganang prinsipyo na hindi maaaring suwayin ninuman. Sa ganitong paraan lamang ng paggawa ang matino at makatwiran. Ang gawain ng Diyos ay ginawa ng Diyos Mismo. Siya ang nagtatakda ng pasisimula ng Kanyang gawain, at Siya rin ang tumatapos nito. Siya ang nagpaplano ng gawain, at Siya rin ang namamahala nito, at lalo na, Siya ang nagpapabunga sa gawain Tulad ito ng nakasaad sa Biblia, “Ako ang Pasimula at ang Katapusan; Ako ang Tagahasik at ang Tagaani.” Ang lahat ng may kaugnayan sa gawain ng Kanyang pamamahala ay ginawa ng Kanyang kamay. Siya ang Tagapamahala ng anim-na-libong-taong plano sa pamamahala; walang sinuman ang makakagawa ng Kanyang gawain para sa Kanya o magtatapos ng Kanyang gawain, dahil Siya ang may kontrol ng lahat. Dahil nilikha Niya ang mundo, aakayin Niya ang buong mundo upang manirahan sa Kanyang liwanag, at tatapusin Niya ang buong kapanahunan upang dalhin ang lahat ng Kanyang plano sa katuparan!

mula sa “Ang Hiwaga ng pagkakatawang-tao (1)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

10. Sa panahong iyon, nang si Jesus ay gumagawa sa Judea, gumawa Siya nang lantaran, ngunit ngayon, gumagawa Ako at nagsasalita sa inyo nang lihim. Ganap na hindi ito alam ng mga hindi mananampalataya. Ang Aking gawa sa inyo ay hiwalay sa iba. Ang mga salitang ito, ang mga pagkastigong ito at mga paghatol, ay hayag lamang inyong lahat at walang iba. Lahat ng mga gawaing ito ay isinasagawa sa inyo at binuksan lamang sa inyo; wala sa mga hindi mananampalataya ang nakakaalam ito, dahil hindi pa dumarating ang oras. Malapit na maging ganap ang mga taong ito matapos na tiisin ang mga pagkastigo, ngunit walang alam ang mga nasa labas tungkol dito. Masyadong nakatago ang gawaing ito! Para sa kanila, malihim ang pagkakatawang-tao ng Diyos, ngunit sa mga nasa daluyan nito, maaari Siyang ituring na hindi lihim. Kahit na sa Diyos ang lahat ay bukas, malinaw ang lahat at inilabas ang lahat, totoo lamang ito sa mga taong naniniwala sa Kanya, at walang ipinaalam sa mga hindi mananampalataya. Ang gawaing isinasagawa dito ngayon ay mahigpit na nakahiwalay upang hindi nila malaman. Kung malaman man nila, paghatol at pag-uusig lamang ang naghihintay. Hindi sila maniniwala. Ang gumawa sa bansa ng malaking pulang dragon, ang pinakaatrasadong lugar, ay hindi madaling gawain. Kung ang gawaing ito ay ihahayag, samakatwid magiging imposibleng magpatuloy. Ang yugtong ito ng gawain ay hindi maaaring sumulong sa lugar na ito. Paano nila pahihintulutan ito kung ang ganitong gawain ay natupad nang lantaran? Hindi ba ito magdadala ng mas malaking panganib? Kung hindi naitago ang gawaing ito, at sa halip ipinagpatuloy sa panahon ni Jesus nang kamangha-mangha Siyang nagpagaling ng mga maysakit at nagpalayas ng mga demonyo, kung ganoon hindi ba matagal na sana itong “inagaw” ng mga demonyo? Kaya ba nilang tiisin ang pag-iral ng Diyos? Kung papasok Ako ngayon sa bulwagan upang mangaral at magbigay ng panayam sa tao, hindi ba matagal na sana Akong nagkadurug-durog? At kung gayon, paano patuloy na matutupad ang Aking gawain? Ang dahilan kung bakit ang mga tanda at kababalaghan ay hindi nahayag nang lantaran ay para sa kapakanan ng pagkatago. Kaya ang Aking gawain ay maaaring hindi makita, makilala o natuklasan ng mga hindi mananampalataya. Kung sa yugtong ito ng gawain ay gagawin sa parehong paraan tulad ng kay Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi ito magiging matatag. Kaya, ang gawain na itatago sa paraang ito ay may benepisyo sa inyo at sa lahat ng gawain. Kapag ang gawain ng Diyos sa lupa ay dumating na sa katapusan, iyon ay, kapag ang lihim na gawaing ito ay natapos, ang yugtong ito ng gawain ay mahahayag. Malalaman ng lahat na may mga grupo ng mga mandaraig sa Tsina; malalaman ng lahat na nasa Tsina ang Diyos na nagkatawang-tao at dumating na sa pagtatapos ang Kanyang gawain. Doon lamang ito magliliwanag sa tao: Bakit hindi pa nagpapakita ang Tsina ng paghina o pagbagsak? Lumalabas na ang Diyos ay personal na nagsasagawa ng Kanyang gawain sa Tsina at ginawang ganap ang isang grupo ng mga tao bilang mga mandaraig.

mula sa “Ang Hiwaga ng pagkakatawang-tao (2)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

11. Inihahayag lamang ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang sarili sa ilang mga tao na sumusunod sa Kanya habang personal Niyang isinasagawa ang Kanyang gawain, at hindi sa lahat ng nilalang. Naging laman lamang Siya upang makumpleto ang isang yugto ng gawain, hindi upang ipakita sa tao ang Kanyang larawan. Gayunpaman, dapat na tuparin Niya mismo ang Kanyang gawain, kaya kinakailangan Niya itong gawin sa katawang-tao. Kapag natapos ang gawaing ito, aalis Siya mula sa daigdig; hindi Siya maaaring manatili sa mahabang panahon sa sangkatauhan dahil sa takot na harangan ang darating na gawain. Ang inihahayag Niya sa karamihan ay ang Kanya lamang matuwid na disposisyon at ang lahat ng Kanyang mga gawa, at hindi ang larawan ng Kanyang katawan nang dalawang beses Siyang naging laman, dahil ang larawan ng Diyos ay maaari lamang na makita sa Kanyang disposisyon, at hindi mapapalitan ng larawan ng Kanyang laman. Ipinapakita lamang sa limitadong bilang ng mga tao ang larawan ng Kanyang laman, tanging sa mga taong sumusunod lamang sa Kanya sa paggawa Niya sa laman. Ito ang dahilan kung bakit ang gawain ay ipinapatupad ngayon nang lihim. Tulad ni Jesus na ipinakita lamang ang Kanyang sarili sa mga Hudyo noong ginawa Niya ang Kanyang gawain, at hindi kailanman hayagan na ipinakita sa ibang bansa. Kaya, sa sandaling nakumpleto Niya ang Kanyang gawain, kaagad Niyang nilisan ang tao at hindi nanatili; sa sumunod na panahon, hindi Niya ipinahayag ang larawan ng Kanyang sarili sa tao, ngunit sa halip ang gawain ay isinakatuparan nang direkta ng Banal na Espiritu. Kapag ganap nang natapos ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, aalis na Siya mula sa mortal na mundo, at hindi na kailanman pang muling gagawa ng gawain na katulad ng Kanyang ginawa noong panahong Siya ay nagkatawang-tao. Ang gawain na sumunod ay direktang gawa lahat ng Banal na Espiritu. Sa panahong ito, mahirap makita ng tao ang Kanyang larawan sa katawang-tao; hindi Niya ipinapakita ang Kanyang sarili sa tao sa anumang paraan, at nananatiling nakatago magpakailanman. May limitadong oras para sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, na dapat matupad sa isang tiyak na kapanahunan, oras, bansa at sa mga partikular na tao. Ang ganitong gawain ay kumakatawan lamang sa gawain sa panahong ang Diyos ay nagkatawang-tao, at ito ay partikular sa kapanahunan, na kumakatawan sa gawain ng Espiritu ng Diyos sa isang partikular na kapanahunan, at hindi ang kabuuan ng Kanyang gawain. Samakatuwid, hindi ipapakita sa lahat ng mga tao ang imahe ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang ipinapakita sa karamihan ay ang pagkamatuwid ng Diyos at ang Kanyang disposisyon sa kabuuan nito, sa halip na Kanyang larawan nang dalawang beses Siyang naging tao. Hindi itong nag-iisang larawan na ipinapakita sa tao, o dalawang imaheng pinagsama. Samakatuwid, kinakailangang umalis ng nagkatawang-tao na laman ng Diyos sa daigdig kapag nakumpleto ang gawain na kailangan Niyang gawin, sapagkat dumating lamang Siya upang gawin ang gawain na dapat Niyang gawin, at hindi upang ipakita sa mga tao ang Kanyang larawan. Kahit na ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ay natupad na ng Diyos ng dalawang beses na maging tao, hindi pa rin Niya lantarang ipapakilala ang Kanyang sarili sa anumang bansa na kailanman ay hindi pa Siya nakita.

mula sa “Ang Hiwaga ng pagkakatawang-tao (2)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

12. Dapat ninyong malaman na ang gawain ng Diyos na naging tao ay para magbukas ng bagong kapanahunan. Ang gawang ito ay limitado sa iilang mga taon, at hindi Niya matutupad ang lahat ng gawain ng Espiritu ng Diyos. Ito ay kapareho ng kung paano ang larawan ni Jesus bilang Hudyo ay maaaring kumatawan lamang sa larawan ng Diyos habang gumagawa Siya sa Judea, at ang maaari lamang Niyang gawin ay ang gawain ng pagpapako sa krus. Noong panahon na si Jesus ay nagkatawang-tao, hindi Niya maaaring gawin ang gawain ng paghahatid ng kapanahunan sa isang katapusan o pagsira ng sangkatauhan. Samakatwid, pagkatapos na Siya ay ipinako sa krus at natapos ang Kanyang gawain, umakyat Siya sa itaas at magpakailanmang nagkubli ng Kanyang sarili mula sa tao. Mula noon, ang mga tapat na mananampalataya sa mga bansang Hentil ay maaaring makakita lamang ng larawan Niya na nakalagay sa mga pader, at hindi ang pagpapakita ng Panginoong Jesus. Ang larawan na ito ay isa lamang guhit ng tao, at hindi ang larawan na ipinakita ng Diyos Mismo sa tao. Ang Diyos ay hindi lantarang magpapakita ng Sarili Niya sa maraming tao sa larawang mula nang Siya’y dalawang beses nagkatawang-tao. Ang gawain Niya sa sangkatauhan ay upang hayaan silang makaunawa ng Kanyang disposisyon. Itong lahat ay tinupad sa pamamagitan ng pagpapakita sa tao sa pamamagitan ng gawain ng iba’t ibang kapanahunan, pati na rin ang disposisyon na ipinakilala Niya at ang gawaing Kanyang ginawa, sa halip na sa pamamagitan ng mga pagpapakita ni Jesus. Iyon ay upang sabihing, ang larawan ng Diyos ay hindi ipinakilala sa tao sa pamamagitan ng nagkatawang-taong larawan, ngunit sa halip ay sa pamamagitan ng gawain na natupad ng Diyos na nagkatawang-tao ng larawan at anyo; at sa pamamagitan ng Kanyang (Kanya) gawain, ang Kanyang larawan ay ipinapakita at ang Kanyang disposisyon ay ipinapaalam. Ito ang kahalagahan ng gawain na nais Niyang gawin sa laman.

mula sa“Ang Hiwaga ng pagkakatawang-tao (2)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

13. Sa sandaling ang gawain nang Siya’y dalawang beses na naging tao ay dumating sa katapusan, Siya ay magsisimulang magpakita ng Kanyang matuwid na disposisyon sa ibayong bansang Hentil, na magpapahintulot sa maraming tao na makita ang Kanyang larawan. Nais Niyang ipahayag ang Kanyang disposisyon, at sa pamamagitan nito gawing malinaw ang katapusan ng iba’t ibang uri ng tao, dahil doon madadala ang lumang kapanahunan sa ganap na katapusan. Ang Kanyang gawain sa laman ay hindi umaabot sa napakalaking kalawakan (gaya ng si Jesus ay gumawa lamang sa Judea, at ngayon gumagawa lamang Ako kasama ninyo) dahil ang Kanyang gawain sa laman ay may mga hangganan at limitasyon. Siya lamang ay tumutupad sa maikling panahon ng gawain sa larawan ng karaniwan at normal na laman, sa halip na gumagawa ng gawain ng walang-hanggan sa pamamagitan nitong nagkatawang-tao na laman, o gumagawa ng gawain ng pagpapakita sa lahat ng mga tao ng mga bansang Hentil. Itong gawain sa laman ay dapat na limitado sa saklaw (gaya ng paggawa lamang sa Judea o kabilang lamang sa inyo), pagkatapos ay pinalaki sa pamamagitan ng gawain na natupad sa loob ng mga hangganan na ito. Siyempre, ang gawain ng ganitong pagpapalawak ay direktang tinutupad ng Kanyang Espiritu at hindi magiging gawa ng Kanyang katawang-tao. Sapagkat ang gawain sa laman ay may mga hangganan at hindi abot sa lahat ng mga sulok ng sandaigdig. Ito, hindi ito maaaring magawa. Sa pamamagitan ng gawain sa laman, tinutupad ng Kanyang Espiritu ang gawaing sumusunod. Kaya, ang gawain na ginawa sa laman ay isa sa simulaing ipinatupad sa loob ng mga hangganan; ang Kanyang Espiritu sa dakong huli ang magpapatuloy sa gawaing ito, at magpapalawak sa mga ito.

mula sa “Ang Hiwaga ng pagkakatawang-tao (2)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

14. Dumating ang Diyos dito sa mundo para gawin lamang ang gawain ng pamumuno sa kapanahunan; para magbukas ng isang bagong kapanahunan at dalhin ang luma sa katapusan. Hindi Siya naparito upang isabuhay ang kurso ng buhay ng tao sa lupa, upang maranasan Niya mismo ang mga kasiyahan at kalungkutan ng buhay bilang isang tao, o upang gawing perpekto ang isang tiyak na tao sa pamamagitan ng Kanyang kamay o personal na panoorin ang isang tao habang siya ay lumalaki. Hindi Niya ito gawain; ang Kanyang gawain lamang ay buksan ang bagong kapanahunan at tapusin ang luma. Iyon ay, magbubukas Siya ng bagong kapanahunan, dalhin ang isa sa katapusan, at talunin si Satanas sa pamamagitan ng personal na pagtupad ng gawain. Tuwing tinutupad Niya ang gawain mismo, tila inilalagay Niya ang isang paa sa lugar ng digmaan. Sa katawang-tao, uunahin muna Niyang talunin ang sanglibutan at magwawagi nang labis kay Satanas; magtatamo Siya ng lahat ng kaluwalhatian at itataas ang mga kurtina sa gawain ng lahat ng dalawang libong taon, at ito’y magbibigay sa lahat ng tao sa mundo ng tamang landas na susundin, at isang buhay ng kapayapaan at kasiyahan. Subalit, ang Diyos ay hindi maaaring makipamuhay kasama ang tao sa mundo nang matagal, dahil ang Diyos ay Diyos, at hindi tulad ng tao matapos ang lahat. Hindi Siya maaaring mabuhay nang habang-buhay ng normal na tao, iyon ay, hindi Siya maaaring tumira sa mundo bilang isang taong hindi ordinaryo, dahil mayroon lamang Siyang napakaliit na bahagi ng normal na pagkatao para ipagpatuloy ang Kanyang nasabing buhay. Sa madaling salita, paano makakapagsimula ang Diyos ng pamilya at magpapalaki ng mga anak sa mundo? Hindi ba ito magiging isang kahihiyan? Siya’y nagtataglay ng normal na pagkatao para lamang sa layunin na isakatuparan ang gawain sa isang normal na paraan, hindi upang pahintulutan Siyang magsimula ng isang pamilya tulad ng ginagawa ng isang karaniwang tao. Ang kanyang normal na katinuan, normal na pag-iisip, at ang normal na pagpapakain at gayak ng Kanyang katawang-tao ay sapat upang patunayang mayroon Siyang normal na pagkatao; hindi na Niya kailangang magsimula ng pamilya upang patunayang Siya’y pinagkalooban ng normal na pagkatao. Ito ay ganap na hindi kinakailangan! Ang Diyos ay dumating sa lupa, ibig sabihin ang Salita ay naging tao; pinahihintulutan lamang Niya ang tao na maintindihan ang Kanyang salita at makita ang Kanyang salita, iyon ay, pinapahintulutan ang tao na makita ang gawaing tinupad sa pamamagitan ng laman. Ang Kanyang layunin ay hindi para tratuhin ang Kanyang laman sa isang tiyak na paraan, kundi para lamang ang tao ay maging masunurin hanggang sa katapusan, iyon ay, upang sundin ang lahat ng salita na lumalabas mula sa Kanyang bibig, at para magpasakop sa lahat ng gawain na Kanyang ginagawa. Siya lamang ay gumagawa sa katawang-tao, hindi sadyang humihingi sa tao na itaas ang kadakilaan at kabanalan ng Kanyang laman. Siya lamang ay nagpapakita sa tao ng karunungan ng Kanyang gawain at lahat ng kapangyarihan na Kanyang hawak. Samakatuwid, kahit na Siya ay may katangi-tanging pagkatao, hindi Siya gumagawa ng mga anunsyo, at nakapokus lamang sa gawain na dapat niyang gawin. Dapat ninyong malaman kung bakit ang Diyos ay naging tao subalit hindi ipinagyayabang o pinapatunayan ang Kanyang normal na pagkatao, at sa halip payak na ipinapatupad ang gawain na nais Niyang gawin. Ito ang dahilan kung bakit ang nakikita lamang ninyo ay ang pagiging pagka-Diyos sa Diyos na naging laman, dahil sa simpleng kadahilanan na hindi Niya inihayag ang Kanyang pagiging tao upang tularan ng tao. Tanging kapag pinamumunuan ng tao ang tao saka siya nagsasalita tungkol sa kanyang pagkatao, upang makamit niya ang pamumuno sa iba sa pamamagitan ng pagpapakitang-gilas at pagkumbinsi sa kanila. Sa kabaligtaran, nilulupig ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng Kanyang gawain lamang (iyon ay, gawaing hindi matatamo ng tao). Hindi niya pinahahanga ang tao o “pinasasamba” ang lahat ng sangkatauhan sa Kanya, ngunit itinatanim lamang sa tao ang damdamin ng paggalang sa Kanya o ipinaalam sa tao ang Kanyang kahiwagaan. Hindi na kailangan ng Diyos na magpahanga sa tao. Ang kailangan lang Niya ay ang ikaw ay gumalang sa Kanya kapag nasaksihan mo ang Kanyang katangian.

mula sa “Ang Hiwaga ng pagkakatawang-tao (2)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

15. Ang gawain ng nagkatawang-tao na Diyos ay hindi tulad ng mga ginamit ng Banal na Espiritu. Kapag ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa lupa, ang pananagutan Niya lamang ay sa katuparan ng Kanyang ministeryo. Patungkol naman sa lahat ng iba pang mga bagay na walang kinalaman sa Kanyang ministeryo, sadyang hindi Siya nakikibahagi, maging hanggang sa puntong nagwawalang-bahala siya. Isinasagawa lamang Niya ang gawaing dapat Niyang gawin, at pinakahuli sa Kanyang pananagutan ay ang tungkol sa gawaing dapat gawin ng tao. Ang gawain na ginagawa Niya ay kaugnay lamang sa kapanahunang kinapapalooban Niya at ang ministeryo na dapat Niyang tuparin, na para bagang ang iba pang bagay ay hindi Niya tungkulin. Hindi Niya binibigyan ang Kanyang sarili ng mas maraming payak na kaalaman sa pamumuhay bilang tao, at hindi Niya inaaral ang ibang kasanayang pakikipagkapwa o ano man na naiintindihan ng tao. Hindi Siya nagpapakita ng pag-aalala sa lahat ng dapat ibigay sa tao at ang tanging ginagawa ay ang gawain na Kanyang tungkulin. At kaya, sa paningin ng tao, ang nagkatawang-tao na Diyos ay lubhang “kulang”, na maging hanggang sa puntong pinagwawalang-bahala Niya ang maraming bagay na dapat mayroon ang tao, at wala Siyang pang-unawa sa mga ganitong bagay. Ang mga bagay tulad ng pangkalahatang kaalaman sa buhay, pati na rin ang mga prinsipyo ng pag-uugali at pakikipag-ugnayan sa iba ay nagmumukhang hindi mahalaga para sa Kanya. Sa kabila nito, hindi mo mararamdaman mula sa nagkatawang-tao na Diyos ang kahit na kaunting di normal na pag-uugali. Ibig sabihin, pinananatili lamang ng Kanyang pagkatao ang Kanyang buhay bilang isang karaniwang tao na may karaniwang pangangatwiran ng Kanyang pag-iisip, na nagbibigay sa Kanya ng kakayahang kumilala ng kaibahan ng tama at mali. Gayunman, hindi Siya binigyan ng anumang bagay, na para sa tao (mga nilikhang tao) lamang. Ang Diyos ay naging tao lamang upang matupad ang Kanyang ministeryo. Ang Kanyang gawain ay nakadirekta para sa isang buong kapanahunan at hindi sa anumang partikular na tao o lugar. Ang Kanyang gawain ay nakadirekta para sa buong sansinukob. Ito ang direksyon ng Kanyang gawain at sa pamamagitan ng prinsipyong ito Siya ay gumagawa. Walang makakapagpabago nito, at hindi maaaring makibahagi ang tao.

mula sa “Ang Hiwaga ng pagkakatawang-tao (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

16. Dumating ang Diyos sa mundo para ganapin lamang ang Kanyang gawain, at kaya ang Kanyang gawain sa mundo ay hindi nagtagal. Dumating Siya sa mundo na walang layunin na linangin ng Espiritu ng Diyos ang Kanyang laman tungo sa isang pambihirang lider ng iglesia. Kapag dumating ang Diyos sa mundo, ito ay ang Salita na naging tao; gayunman, ang tao, ay hindi nakakakilala ng Kanyang gawain at ipinipilit ang nasabing layunin sa Kanya. Ngunit dapat ninyong maunawaang lahat na ang Diyos ay ang Salita na nagkatawang- tao, hindi laman na nilinang ng Espiritu ng Diyos upang pansamantalang panindigan ang tungkulin ng Diyos. Ang Diyos Mismo ay hindi nilinang, ngunit ang Salita na nagkatawang-tao, at ngayon opisyal Niyang isinasagawa ang Kanyang gawain sa inyong lahat.

mula sa “Ang Hiwaga ng pagkakatawang-tao (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

17. Nagiging tao lamang ang Diyos upang pamunuan ang kapanahunan at simulan ang bagong gawain. Dapat ninyong maunawaan ang puntong ito. Ibang-iba ito sa tungkulin ng tao, at talagang magkaiba ang dalawa. Ang tao ay nangangailangan ng mahabang panahon ng paglilinang at pagpapasakdal bago maaaring magamit ang tao upang isagawa ang gawain, at isang lalong kahanga-hangang sangkatauhan ang kakailanganin. Hindi lamang dapat mapanatili ng tao ang kanyang matinong pag-iisip, ngunit dapat mas lalong maunawaan ng tao ang maraming prinsipyo at patakaran ng pag-uugali sa harap ng iba, at higit sa rito ay dapat matuto pa ng karunungan at etika ng tao. Ito ang dapat na ipagkaloob sa tao. Gayunman, ito ay hindi para sa Diyos na naging tao, dahil ang Kanyang gawain ay hindi kumakatawan sa tao o para sa tao; sa halip, ito ay isang tuwirang pagpapahayag ng Kanyang pagka-Diyos at isang tuwirang pagsasagawa ng gawain na dapat Niyang gawin. (Natural, isinasagawa ang Kanyang gawain kung kailan ito dapat gawin, at hindi kung kailan naisin. Sa halip, ang Kanyang gawain ay sinimulan nang oras na para tuparin ang Kanyang ministeryo.) Hindi Siya nakikibahagi sa buhay ng tao o gawain ng tao, iyon ay, Kanyang pagkatao ay hindi binigyan ng alinman sa mga ito (ngunit ito ay hindi nakakaapekto sa Kanyang gawain). Tinutupad Niya lamang ang Kanyang ministeryo kapag oras na para gawin Niya ito; anuman ang Kanyang katayuan, ipinagpatuloy Niya lamang ang gawain na dapat Niyang gawin. Anuman ang alam ng tao sa Kanya o anuman ang kanilang mga opinyon sa Kanya, ang Kanyang gawain ay hindi naaapektuhan. Tulad ito ng isinagawa ni Jesus ang Kanyang gawain; walang nakakilala kung sino Siya, ngunit ipinagpatuloy Niya lamang ang Kanyang gawain. Wala sa mga ito ang nakaapekto sa Kanya sa pagsasagawa ng gawain na dapat Niyang gawin. Samakatuwid, Hindi muna Niya inamin o ipinahayag ang Kanyang sariling pagkakakilanlan, at pinasunod lamang Niya ang tao sa Kanya. Natural hindi lamang ito ang kababaang-loob ng Diyos; ito ay ang paraan na kung saan ang Diyos ay gumagawa sa laman. Sa ganitong paraan lamang Siya maaaring gumawa, dahil hindi Siya nakikilala ng tao sa pamamagitan ng mata lamang. At kahit na magawa ito ng tao, hindi makatulong ang tao sa Kanyang gawain. At saka, hindi Siya naging tao para malaman ng tao ang Kanyang laman; ito ay upang isagawa ang gawain at tuparin ang Kanyang ministeryo. Sa kadahilanang ito, hindi Niya binigyang kahalagahan ang gawing hayag ang Kanyang pagkakakilanlan Nang natapos na Niya ang lahat ng gawain na dapat Niyang gawin, lahat ng Kanyang pagkakakilanlan at katayuan ay natural na naunawaan ng tao. Ang Diyos na naging tao ay nanatiling tahimik lamang at hindi kailanman gumawa ng kahit anong pahayag. Hindi Niya pinapansin ang tao o kung paano nagagawa ng tao ang pagsunod sa Kanya, at ipinagpapatuloy lamang Niya ang pagtupad sa Kanyang ministeryo at pagsasagawa ng gawain na dapat Niyang gawin. Walang sinumang makahahadlang sa gawain Niya. Kapag dumating ang oras para matapos ang Kanyang gawain, mahalaga na ito ay matapos na at madala sa katapusan. Wala maaaring magdikta ng iba pa. Tanging pagkatapos lamang Niyang lisanin ang tao kapag nakumpleto na ang Kanyang gawain at saka mauunawaan ng tao ang gawain na ginagawa Niya, kahit na hindi pa ganap na malinaw. At aabutin ng mahabang panahon para lubusang maunawaan ng tao ang Kanyang layunin nang una Niyang isinagawa Niya ang Kanyang gawain. Sa madaling salita, ang gawain ng kapanahunan kung saan ang Diyos ay nagkatawang-tao ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang isang bahagi ay sa pamamagitan ng gawain at mga salita ng Diyos na nagkatawang-tao Mismo. Sa sandaling ang ministeryo ng Kanyang laman ay ganap na matupad, ang isa pang bahagi ng gawain ay isasagawa sa pamamagitan ng mga ginagamit ng Banal na Espiritu; pagkatapos nito ay oras na para tuparin ng tao ang kanyang tungkulin, dahil binuksan na ng Diyos ang daan, at dapat na itong lakaran ng tao mismo. Ibig sabihin, ang Diyos ay nagkatawang-tao upang isagawa ang isang bahagi ng Kanyang gawain, at ito ay sunud-sunod na patuloy na ipinapatupad ng Banal na Espiritu pati na rin yaong mga ginamit ng Banal na Espiritu. Kaya dapat malaman ng tao ang mga pangunahing gawain na isasagawa ng Diyos na nagkatawang-tao sa yugtong ito ng gawain. Dapat na maunawaang ganap ng tao ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ang gawaing dapat Niyang gawin, sa halip na hingin sa Diyos kung ano ang hinihingi sa tao. Ito ang pagkakamali ng tao, pati na rin ang kanyang paniwala, at saka, ang kanyang pagsuway.

mula sa “Ang Hiwaga ng pagkakatawang-tao (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

18. Ang Diyos ay nagkatawang-tao hindi para sa layuning hayaan ang tao na makilala ang Kanyang laman, o hayaan ang tao na makita ang kaibahan ang sa pagitan ng laman ng Diyos na nagkatawang-tao at yaong sa tao; ang Diyos ay hindi naging tao upang sanayin ang kakayahan ng tao sa pagkilatis, lalo na ang intensyon para sa tao na sambahin ang nagkatawang-tao na laman ng Diyos, kung saan makakatanggap Siya ng malaking kaluwalhatian. Wala sa mga ito ang orihinal na kalooban ng Diyos na maging tao. Ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao upang hatulan ang tao, upang sadyang ibunyag ang tao, o upang gawing mahirap ang mga bagay para sa tao. Wala sa mga ito ang orihinal na kalooban ng Diyos. Tuwing ang Diyos ay magkakatawang-tao, ito ay gawaing hindi maiiwasan. Ito ay para sa Kanyang lalong malaking gawain at sa Kanyang lalong malaking pamamahala kaya ginagawa Niya ito, at hindi para sa mga dahilang naiisip ng tao. Ang Diyos ay dumating lamang sa mundo ayon sa hinihingi ng Kanyang gawain, at laging dahil kinakailangan. Hindi Siya naparito sa mundo na may intensyong maglibot, kundi isagawa ang gawaing dapat Niyang gawin. Bakit pa Niya tatanggapin ang isang makalangit na pasanin at ilalagay ang sarili sa mga malubhang panganib upang isagawa ang gawaing ito? Ang Diyos ay nagkakatawang-tao lamang kapag kailangan Niya, at palaging may natatanging kabuluhan. Kung ito lamang ay upang pahintulutan ang tao na makita Siya at mabuksan ang kanilang mga mata, kung gayon Siya, na may ganap na katiyakan, ay hindi kailanman tutungo sa mga tao nang walang kabuluhan Siya ay dumating sa mundo para sa Kanyang pamamahala at sa Kanyang mas malaking gawain, at para maaari Siyang makakuha ng mas maraming tao. Siya ay dumating upang kumatawan sa kapanahunan at upang talunin si Satanas, at dumating Siya sa laman upang talunin si Satanas. Dagdag pa rito, Siya ay dumating upang pamunuan ang lahat ng sangkatauhan sa kanilang buhay. Ang lahat ng ito ay may kinalaman sa Kanyang pamamahala, at ang gawain na patungkol sa lahat ng sandaigdig. Kung ang Diyos ay naging tao lamang upang pahintulutan ang tao na makilala ang Kanyang laman at buksan ang mga mata ng tao, kung gayon bakit hindi Siya maglalakbay sa bawat bansa? Hindi ba ito isang bagay na napakadali? Ngunit hindi Niya ginawa ito, sa halip ay pumili ng isang angkop na lugar upang manirahan at simulan ang gawain na dapat Niyang gawin. Tanging ang laman na ito ang may malaking kahalagahan. Kinakatawana Niya ang buong kapanahunan, at isinasagawa rin ang gawain ng buong kapanahunan; pareho Niyang dinadala ang naunang kapanahunan sa katapusan at inihahatid ang bago. Ang lahat ng ito ay mahalagang bagay na may kinalaman sa pamamahala ng Diyos, at ang kahalagahan ng isang yugto ng gawain na isinagawa ng Diyos na dumating sa lupa.

mula sa “Ang Hiwaga ng pagkakatawang-tao (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

19. Ang gawain ng bawat kapanahunan ay sinimulan ng Diyos Mismo, ngunit dapat mong malaman na anuman ang gawain ng Diyos, hindi Siya dumating upang magsimula ng isang kilusan o magdaos ng espesyal na pagpupulong o upang magtatag ng anumang uri ng organisasyon para sa inyo. Siya ay dumating lamang upang tuparin ang gawain na dapat Niyang gawin. Ang Kanyang gawain ay hindi limitado ng sinumang tao. Ginagawa Niya ang Kanyang gawain kung paano Niya naisin; kahit na ano ang isipin o alam ng tao, nakatutok lamang Siya sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain. Simula ng paglikha ng mundo, nagkaroon na ng tatlong yugto ng gawain; mula kay Jehovah hanggang kay Jesus, at mula sa Kapanahunan ng Kautusan hanggang sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos ay hindi kailanman nagtawag ng espesyal na pagpupulong para sa tao, o pinagtipun-tipon man ng lahat ng sangkatauhan para magkaroon ng espesyal na pandaigdigang pagpupulong para mapalawak ang Kanyang gawain. Isinasagawa lamang Niya ang paunang gawain ng buong kapanahunan nang ang oras at lugar ay tumpak, at sa pamamagitan nito ay naghahatid sa kapanahunan upang pamunuan ang sangkatauhan sa kanilang mga buhay. Ang mga espesyal na pagpupulong ay ang mga pagsasama-sama ng tao; gawa ng tao ang sama-samang pagtitipon ng mga tao upang ipagdiwang ang mga araw ng kapistahan. Hindi sinusunod ng Diyos ang mga araw na kapistahan at, higit pa rito, kinapopootan sila; hindi Siya nagtitipon ng espesyal na pagpupulong at lalo pang kinapopootan sila. Ngayon dapat mong ganap na maunawaan kung ano ang gawain ng Diyos na naging tao.

mula sa “Ang Hiwaga ng pagkakatawang-tao (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

20. Ang lahat ng disposisyon ng Diyos ay naisiwalat sa buong anim-na libong-taong plano sa pamamahala. Ito ay hindi lamang naisiwalat sa Kapanahunan ng Biyaya, tanging sa Kapanahunan ng Kautusan, o lalo na nga, tanging sa panahong ito ng mga huling araw. Ang gawain sa mga huling araw ay kumakatawan sa paghahatol, poot at pagkastigo. Ang gawain sa mga huling araw ay hindi maaaring pumalit sa gawain ng Kapanahunan ng Kautusan o yaong Kapanahunan ng Biyaya. Gayunman, ang tatlong yugto ay nagdudugtung-dugtong sa iisang bagay at ang lahat ay gawaing ginawa ng isang Diyos. Natural, ang pagpapatupad ng gawaingng ito ay nahahati sa magkakahiwalay na kapanahunan. Ang gawain sa mga huling araw ay magdadala sa lahat ng bagay sa katapusan; yaong ginawa sa Kapanahunan ng Kautusan ay ang pagsisimula; at yaong ginawa sa Kapanahunan ng Biyaya ay ang pagtubos. Para naman sa mga pangitain ng gawain dito sa buong anim-na libong-taong plano sa pamamahala, walang maaaring magkaroon ng malinaw na pagkaunawa o pagkaalam. Ang mga ganitong pangitain ay palaging nanatiling hiwaga. Sa mga huling araw, tanging ang gawain ng salita ang gagawin upang ihatid ang Kapanahunan ng Kaharian ngunit hindi ito kumakatawan sa lahat ng kapanahunan. Ang mga huling araw ay hindi higit sa mga huling araw at hindi higit sa Kapanahunan ng Kaharian, na hindi kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya o ng Kapanahunan ng Kautusan. Ang mga huling araw ay ang panahon lamang kung saan ang lahat ng gawain sa anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay maisisiwalat sa inyo. Ito ang paglalantad ng hiwaga. Ang ganitong hiwaga ay hindi mailalantad ng sinuman. Kahit na gaano pa kalawak ang pagkaunawa ng tao sa Biblia, nanantili itong mga salita lamang, dahil hindi nauunawaan ng tao ang sustansya ng Bibilia. Kapag ang tao ay nagbabasa ng Biblia, maaaring makatanggap siya ng ilang katotohan, makapagpaliwang ng ilang mga salita o makapaghimay ng ilang tanyag na mga bahagi at sipi, ngunit hindi kailanman niya makukuha ang kahulugang nakapaloob sa mga salitang iyon, dahil lahat ng nakikita ng tao ay mga salitang walang buhay, hindi ang mga eksena ng gawain ni Jehovah at ni Jesus, at hindi kayang lutasin ng tao ang hiwaga ng nasabing gawain. Samakatuwid, ang hiwaga ng anim-na libong-taong plano sa pamamahala ay ang pinakamalaking hiwaga, ang siyang pinakatatago at lubusang hindi matarok ng tao. Walang sinumang direktang makakaunawa ng kalooban ng Diyos, maliban kung Siya Mismo ang magpaliwanag at magbukas sa tao, kung hindi, mananatili silang palaisipan sa tao magpakailanman at mananatiling mga hiwagang selyado magpakailanman. Huwag pansinin ang mga nasa relihiyosong mundo; kung hindi kayo nasabihan ngayon, kahit kayo ay hindi makakaunawa.

mula sa “Ang Hiwaga ng pagkakatawang-tao (4)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

21. Ang gawain sa mga huling araw ay ang huling yugto sa tatlo. Ito ay ang gawain ng isa pang bagong kapanahunan at hindi kumakatawan sa buong gawainga pamamahala. Ang anim-na libong-taong plano sa pamamahala ay nahahati sa tatlong yugto ng gawain. Walang tanging yugtong kayang kumatawan sa gawain ng tatlong kapanahunan ngunit kaya lamang kumatawan sa isang bahagi ng kabuuan. Ang pangalang Jehovah ay hindi maaaring kumatawan sa lahat ng disposisyon ng Diyos. Ang katotohanan na isinagawa Niya ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi nagpapatunay na ang Diyos ay maaaring Diyos lamang sa ilalalim ng kautusan. Nagtakda si Jehovah ng mga kautusan para sa tao na nag-uutos sa tao na magtayo ng templo at mga altar; ang gawain na ginawa Niya ay kumakatawan lamang sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain na ginawa Niya ay hindi nagpapatunay na ang Diyos ay ang Diyos na nagsasabi sa tao na panatilihin ang kautusan, ang Diyos sa templo, o ang Diyos sa harapan ng altar. Hindi masasabi ito. Ang gawain sa ilalim ng kautusan ay maaari lamang kumatawan sa isang kapanahunan. Samakatuwid, kung ginawang mag-isa ng Diyos ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, bibigyang kahulugan ng tao ang Diyos at sasabihing, “Ang Diyos ay ang Diyos sa templo. Upang makapaglingkod sa Diyos, kailangan nating magsuot ng mga kasuotang pangsaserdote at pumasok sa templo.” Kung ang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi pa naisasagawa at ang Kapanahunan ng Kautusan ay nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan, hindi malalaman ng tao na ang Diyos ay maawain at mapagmahal. Kung ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi pa tapos, at tanging yaong sa Kapanahunan ng Biyaya ang natapos, ang malalaman lamang ng tao ay ang Diyos ay makakapagtubos sa tao at makakapagpapatawad sa kasalanan ng tao. Ang malalaman lamang nila ay Siya’y banal at walang sala, na kaya Niyang isakripisyo ang Sarili Niya at mapako sa krus para sa tao. Ito lamang ang malalaman ng tao at wala na siyang magiging kaunawaan sa iba pa. Kaya ang bawat kapanahunan ay kumakatawan sa isang bahagi ng disposisyon ng Diyos. Ang Kapanahunan ng Kautusan ay kumakatawan sa ilang mga aspeto, ang Kapanahunan ng Biyaya sa ilang mga aspeto, at ganoon din ang kapanahunang ito sa ilang mga aspeto. Ang disposisyon ng Diyos ay maihahayag lamang nang lubusan sa pamamagitan ng kombinasyon ng lahat ng tatlong yugto. Tanging kapag kinilala ng tao ang lahat ng tatlong yugto at saka magagawa ng tao na tanggapin ito ng buo. Walang isa sa mga tatlong yugto ang maaaring kaligtaan. Makikita mo lamang ang disposisyon ng Diyos sa kabuuan nito kapag nalaman mo itong tatlong yugto ng gawain. Ang pagtatapos ng Diyos sa Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi nagpapatunay na Siya ay Diyos na nasa ilalim ng kautusan, at ang pagtatapos ng Kanyang gawain ng pagtubos ay hindi nagpapakita na ang Diyos ay tutubos sa sangkatauhan magpakailanman. Ang lahat ng mga ito ay palagayng tao. Ang Kapanahunan ng Biyaya ay dumating na sa katapusan, ngunit hindi mo masasabi na ang Diyos ay para lamang sa krus at yaong krus ay kumakatawan sa pagliligtas ng Diyos. Kung ginagawa mo ito, binibigyan mo ng akahulugan ang Diyos. Sa yugtong ito, ang Diyos ay higit sa lahat gumagawa ng gawain ng salita, ngunit hindi mo maaring sabihin na ang Diyos ay hindi kailanman naging maawain sa tao at ang lahat ng dinala Niya ay pagkastigo at paghatol. Ang gawain sa mga huling araw ay naglalantad sa gawain ni Jehovah at ni Jesus at sa lahat ng hiwaga na hindi naintindihan ng tao. Ginagawa ito upang ipakita ang hantungan at ang katapusan ng sangkatauhan at tapusin lahat ng gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan. Itong yugtong ito ng gawain sa mga huling araw ay naghahatid sa lahat ng bagay sa katapusan. Lahat ng hiwaga na hindi naintindihan ng tao ay dapat malutas upang mapahintulutan ang tao na magkaroon ng malinaw na pagkaunawa sa bagay na ito at magkaroon ng malinaw na kaalaman sa kanilang mga puso. Doon pa lamang maaaring mahati ang mga tao ayon sa kanilang mga uri. Pagkatapos lamang na maganap ang anim-na-libong taong plano sa pamamahala at saka maintindihan ng tao ang kabuuang disposisyon ng Diyos, dahil ang Kanyang pamamahala ay doon lamang darating sa pagtatapos.

mula sa “Ang Hiwaga ng pagkakatawang-tao (4)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

22. Ang lahat ng gawain na ginawa sa buong anim-na libong-taong plano sa pamamahala ay ngayon lamang magtatapos. Malalaman lamang nila ang lahat ng Kanyang disposisyon at Kanyang mga pag-aari at pagka-Diyos matapos maihayag ang lahat ng gawaing ito. Kapag ang gawain ng yugtong ito ay ganap ng natapos, ang lahat ng hiwaga na hindi nauunawaan ng tao ay mabunyag, ang lahat ng katotohanan na dati’y hindi naintindihan ay magiing malinaw, at ang sangkatauhan ay masasabihan tungkol sa kanyang hinaharap na landas at hantungan. Ito ang lahat ng gawaing gagawain sa yugtong ito.

mula sa “Ang Hiwaga ng pagkakatawang-tao (4)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

23. Kung ano ang hinihingi sa tao ngayong araw ay di tulad ng sa nakalipas at lalong di tulad ng hiningi sa tao sa Kapaanahunan ng Kautusan. At ano ang hiningi sa tao sa ilalim ng kautusan nang ang gawain ay ginawa sa Israel? Walang ibang hiniling sa kanila kundi ang panatilihin ang Sabbath at ang mga kautusan ni Jehovah. Walang sinuman ang magtatrabaho sa Sabbath o lalabag sa mga kautusan ni Jehovah. Ngunit hindi na ganito sa ngayon. Sa araw ng Sabbath, ang tao ay gumagawa, nangangalap at nananalangin gaya ng dati, at walang mga paghihigpit na ipinapataw. Yaong nasa Kapanahunan ng Biyaya ay dapat bautismuhan; hindi lamang iyon, hiniling sa kanila na mag-ayuno, magpira-piraso ng tinapay, uminom ng alak, takpan ang kanilang mga ulo, at hugasan ang kanilang mga paa. Ngayon, ang mga patakarang ito ay iwinaksi at mas higit ang hinihingi sa tao, dahil ang gawain ng Diyos ay patuloy na lumalalim at ang pagpasok ng tao ay mas tumataas. Noong nakalipas, ipinatong ni Jesus ang Kanyang mga kamay sa tao at nanalangin, ngunit ngayon na ang lahat ng bagay ay nasabi na, ano ang silbi ng pagpapatong ng mga kamay? Ang mga salita lamang ay maaaring makapagkamit ng mga resulta. Noong nakaraan, nang Siya’y magpatong ng Kanyang mga kamay sa tao, ito’y para pagpalain at pagalingin ang tao. Ganyan kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu noong panahon na iyon, ngunit hindi na ito sa ngayon. Ngayon, ang Banal na Espiritu ay gumagamit ng mga salita sa Kanyang gawain upang magkaroon ng mga bunga. Nilinaw Niya ang Kanyang mga salita sa inyo, at dapat lamang ninyo itong isagawa. Ang Kanyang mga salita ay ang Kanyang kalooban at nagpapapakita ng gawain na Kanyang gagawin. Sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, mauunawan mo ang Kanyang kalooban at kung ano ang hinihingi Niyang abutin mo. Isagawa mo lamang ang Kanyang mga salita nang direkta nang hindi na kailangan ng pagpapatong ng mga kamay. Maaaring sabihin ng ilan, “Ipatong Mo ang Iyong mga kamay sa akin! Ipatong Mo ang Iyong mga kamay sa akin upang matanggap ko ang Iyong pagpapala at makibahagi sa Iyo.” Ang lahat ng mga ito ay laos nang mga gawi na ngayon ay ipinagbabawal na, dahil nagbago na ang kapanahunan. Ang Banal na Espiritu ay gumagawa alinsunod sa kapanahunan, hindi lamang dahil gusto o ayon sa nakatakdang mga panuntunan. Nagbago ang kapanahunan, at ang isang bagong panahon ay dapat may dalang bagong gawain. Totoo ito sa bawat yugto ng gawain, at kaya ang Kanyang gawain ay hindi kailanman nauulit. Sa Kapanahunan ng Biyaya, tinupad ni Jesus ang karamihan sa gawaing iyon, tulad ng pagpapagaling ng sakit, pagpapalayas ng mga demonyo, pagpapatong ng Kanyang mga kamay sa tao upang ipanalangin ang tao, at pagpalain ang tao. Gayunman, ang ipagpatuloy pa ang gawing ito ay walang saysay sa kasalukuyan. Ang Banal na Espiritu ay gumawa sa ganoong paraan noong panahon na iyon, dahil iyon ang Kapanahunan ng Biyaya, at ang tao ay pinakitaan ng sapat na biyaya para tamasahin. Hindi na kinailangang magbayad ang tao ng anumang halaga at maaaring tumanggap ng biyaya hangga’t siya ay may pananampalataya. Lahat ay trinato nang may kagandahang-loob. Ngayon, ang kapanahunan ay nagbago, at ang gawain ng Diyos ay nagpapatuloy pa; sa pamamagitan ng Kanyang pagkastigo at paghatol, ang pagiging suwail ng tao at ang mga karumihan sa kalooban ng tao ay maaalis. Dahil ito ang yugto ng pagtubos, kinailangang tuparin ng Diyos nasabing gawain, na ipinapakita sa tao ang sapat na biyaya para matamasa ng tao, para matubos Niya ang tao mula sa kasalanan, at sa pamamagitan ng biyaya patawarin ang tao sa kanilang mga kasalanan. Ang yugtong ito ay ginawa upang ilantad ang mga pagkukulang ng tao sa pamamagitan ng pagkastigo, paghatol, ang pag-uusig gamit ang mga salita, pati na rin ang disiplina at paghahayag ng mga salita, upang sa kalaunan ay maligtas sila. Ito ay gawaing mas malalim kaysa sa pagtubos. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang tao ay nagtamasa ng sapat na biyaya at nakaranas ng biyayang ito, at kaya hindi na ito tatamasahin ng tao. Ang ganitong gawain ngayon ay lipas na at hindi na dapat gawin. Ngayon, ang tao ay naliligtas sa pamamagitan ng paghatol ng salita. Pagkatapos hatulan ang tao, kastiguhin at dalisayin, at bunga nito ang kanyang disposisyon nagbago. Hindi ba ito ay dahil sa mga salitang Aking sinambit? Ang bawat yugto ng gawain ay tinupad ayon sa pag-unlad ng lahat ng sangkatauhan at ng kapanahunan. Lahat ng gawa ay may kabuluhan; ito ay tinapos para sa pangwakas na kaligtasan, para ang sangkatauhan ay magkaroon ng isang magandang hantungan sa hinaharap, at para ang tao ay mahati ayon sa kanilang mga uri sa katapusan.

mula sa “Ang Hiwaga ng pagkakatawang-tao (4)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

24. Ang gawain sa mga huling araw ay magpahayag ng mga salita. May malalaking pagbabago na maisasagawa sa tao sa pamamagitan ng mga salita. Ang mga pagbabagong maisasagawa sa mga taong ito sa pagtanggap ng mga salitang ito ay mas higit kaysa sa mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya sa pagtanggap ng mga tanda at mga kababalaghan. Sapagkat, sa Kapanahunan ng Biyaya, ang mga demonyo ay umalis sa tao sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay at panalangin, ngunit ang masasamang disposisyon sa kalooban ng tao ay nanatili pa rin. Ang tao ay gumaling sa kanyang sakit at pinatawad sa kanyang mga kasalanan, ngunit ang gawain ng kung paano mapapalayas ang masamang makademonyong disposisyon sa loob ng tao ay hindi nagawa sa kanya. Ang tao ay nailigtas lamang at napatawad sa kanyang mga kasalanan dahil sa kanyang pananampalataya, ngunit ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi naalis at nanatili pa rin sa kanyang kalooban. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad sa pamamagitan ng Diyos na nagkatawang-tao, ngunit hindi ito nangangahulugan na ang tao ay walang kasalanan sa kalooban niya. Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog sa kasalanan, ngunit hindi magawang lutasin ng tao ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala at kung paanong ang kanyang makasalanang kalikasan ay ganap na maitataboy at mababago. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapako sa krus ng Diyos, ngunit ang tao ay patuloy na nanirahan sa dating masamang makademonyong disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa napakasamang makademonyong disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay ganap na maitaboy at hindi na muling mabuo, at sa gayon ay hayaang mabago ang disposisyon ng tao. Kakailanganin nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang landas ng buhay, at ang paraan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kakailanganin din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito nang sa gayon ang disposisyon ng tao ay unti-unting mababago at maisasapamuhay niya ito sa ilalim ng sikat ng liwanag, at upang magawa niya ang lahat ng bagay ayon sa kalooban ng Diyos, itaboy ang napakasamang makademonyong disposisyon, at lumaya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at dahil dito ganap na makalaya mula sa kasalanan. Doon lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan. Nang ginagawa ni Jesus ang Kanyang gawain, ang kaalaman ng tao sa Kanya ay malabo pa rin at hindi maliwanag. Ang tao ay laging naniniwala na Siya ay anak ni David at ipinahayag na Siya ay isang dakilang propeta at ang mabuting Panginoon na tumubos sa mga kasalanan ng tao. Ang ilan, batay sa pananampalataya, ay gumaling sa pamamagitan lamang ng paghipo sa laylayan ng Kanyang damit; ang mga bulag ay maaaring makakita at kahit ang patay ay maaaring maibalik ang buhay. Gayunman, hindi matuklasan ng tao ang napakasamang makademonyong disposisyon na malalim na nakatanim sa kalooban niya at hindi alam ng tao kung paano itaboy ito. Ang tao ay nakatanggap ng labis na biyaya, tulad ng kapayapaan at kasiyahan ng laman, ang pagpapala ng buong pamilya dahil sa pananampalataya ng isa, at ang pagpapagaling ng mga sakit, at iba pa. Ang natitira ay ang mabuting gawa ng tao at pagpapakita na sila ay maka-Diyos; kung ang tao ay maaaring mabuhay batay sa ganito, siya ay itinuturing na isang mabuting mananampalataya. Ang mga mananampalatayang tulad lamang nito ang maaaring pumasok sa langit pagkamatay, na nangangahulugan na sila ay nailigtas. Ngunit, sa kanilang buong buhay, hindi nila lubos na naunawaan ang mga paraan ng buhay. Sila ay nakagawa lamang ng mga kasalanan, pagkatapos ay nagpahayag ng kasalanan nang paulit-ulit sa walang anumang daan tungo sa isang nagbagong disposisyon; ganyan ang kalagayan ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang tao ba ay nakatanggap ng ganap na kaligtasan? Hindi! Samakatuwid, matapos na makumpleto ang yugtong iyon, naroon pa rin ang gawain ng paghatol at pagkastigo. Ang yugtong ito ang nagpapalinis sa tao sa pamamagitan ng salita upang bigyan ang tao ng landas na susundin. Ang yugtong ito ay hindi magiging mabunga o makahulugan kung nagpatuloy ito sa pagpapalayas ng mga demonyo, sapagkat ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi maitataboy at ang tao ay hihinto lamang sa pagpapatawad ng mga kasalanan. Sa pamamagitan ng handog sa kasalanan, ang tao ay napatawad sa kanyang mga kasalanan, sapagkat ang gawain ng pagpapako sa krus ay dumating na sa katapusan at ang Diyos ay nanaig laban kay Satanas. Ngunit ang masamang disposisyon ng tao ay nananatili pa rin sa loob nila at ang tao ay maaari pa ring magkasala at tumanggi sa Diyos; hindi nakamit ng Diyos ang sangkatauhan. Kung kaya sa yugtong ito ng gawain ginagamit ng Diyos ang salita upang ilantad ang masamang disposisyon ng tao at inaatasan ang tao na magsagawa alinsunod sa tamang landas. Ang yugtong ito ay mas makahulugan kaysa sa nauna at mas mabunga, dahil sa ngayon ang salita ang direktang nagbibigay-buhay sa tao at nagbibigay-daan upang ang disposisyon ng tao ay ganap na mapalitan ng bago; ito ay isang yugto ng gawain na mas masusi. Samakatuwid, ang pagkakatawang-tao sa mga huling araw ay nagpaging-ganap sa kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ganap na nagpatapos sa plano sa pamamahala ng Diyos para sa kaligtasan ng tao.

mula sa “Ang Hiwaga ng pagkakatawang-tao (4)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

25. Ang pagliligtas ng Diyos sa tao ay hindi direktang ginawa sa pamamagitan ng paraan ng Espiritu o bilang Espiritu, sapagkat ang Kanyang Espiritu ay hindi maaaring mahawakan o makita ng tao, at hindi maaaring malapitan ng tao. Kung sinubukan Niyang direktang iligtas ang tao sa paraan ng Espiritu, hindi magagawang matanggap ng tao ang Kanyang kaligtasan. At kung hindi dahil sa Diyos na nagkaroon ng panlabas na anyo ng isang nilalang na tao, hindi nila magagawang matanggap ang kaligtasang ito. Sapagkat walang paraan ang tao upang makalapit sa Kanya, katulad ng walang maaaring makalapit sa ulap ni Jehovah. Tanging sa pamamagitan ng pagiging isang tao ng paglikha, samakatuwid, ang paglalagay ng Kanyang salita sa Kanyang magiging laman, at saka lamang Niya personal na magagawa ang salita tungo sa lahat ng sumusunod sa Kanya. Saka lamang maaaring marinig ng tao para sa kanya Mismo ang Kanyang salita, makita ang Kanyang salita, at matanggap ang Kanyang salita, at sa gayon sa pamamagitan nito ay lubusang mailigtas. Kung ang Diyos ay hindi naging tao, walang makalamang tao ang makakatanggap ng ganitong dakilang kaligtasan, at wala rin kahit isang tao ang maliligtas. Kung ang Espiritu ng Diyos ay gumawa nang direkta sa tao, ang tao ay masasaktan o ganap na mabibihag ni Satanas dahil hindi kaya ng tao na makipagugnayan sa Diyos.

mula sa “Ang Hiwaga ng pagkakatawang-tao (4)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

26. Ang unang pagkakatawang-tao ay upang tubusin ang tao mula sa kasalanan sa pamamagitan ng laman ni Jesus, iyon ay, iniligtas Niya ang mga tao mula sa krus, ngunit ang napakasamang makademonyong disposisyon ng tao ay nanatili pa rin sa loob ng tao. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay hindi na upang maglingkod bilang handog sa kasalanan ngunit upang lubos na iligtas ang mga taong tinubos sa kasalanan. Ito ay ginagawa upang ang mga pinatawad ay mailigtas mula sa kanilang mga kasalanan at maging ganap na malinis, at magkamit ng pagbabago sa disposisyon, at sa gayon ay makakawala sa kapangyarihan ng kadiliman ni Satanas at makaabalik sa harap ng trono ng Diyos. Tanging sa paraang ito maaaring maging lubos na banal ang tao. Sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagliligtas sa Kapanahunan ng Biyaya nang matapos na ang Kapanahunan ng Kautusan. Nitong mga huling araw na lamang, nang ganap na nilinis ng Diyos ang sangkatauhan sa pamamagitan ng paggawa ng gawain ng paghatol at pagkastigo sa tao para sa panghihimagsik, saka tatapusin ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagliligtas at papasok sa kapahingan. Samakatuwid, sa tatlong yugto ng gawain, dalawang beses lamang nagkatawang-tao ang Diyos upang isagawa mismo ang Kanyang gawain sa tao. Iyon ay dahil isa lamang sa tatlong yugto ng gawain ang pag-akay sa tao sa kanilang mga buhay, habang ang iba pang dalawa ay ang gawain ng pagliligtas. Tanging kapag naging laman ang Diyos at saka Siya maaaring mamuhay kasama ng tao, maranasan ang paghihirap ng mundo, at manirahan sa isang ordinaryong laman. Tanging sa ganitong paraan Niya maaaring matustusan ang taong Kanyang nilikha ng praktikal na salitang kailangan nila. Ang tao ay nakakatanggap ng lubos na kaligtasan mula sa Diyos dahil sa Diyos na nagkatawang tao, hindi direkta mula sa kanilang mga panalangin sa langit. Sapagkat ang tao ay makalaman; hindi nakikita ng tao ang Espiritu ng Diyos at lalo na hindi Siya malalapitan. Ang makakaugnay lamang ng tao ay ang laman ng nagkatawang-taong Diyos; sa pamamagitan lamang Niya mauunawa ng tao ang lahat ng mga salita at ang lahat ng mga katotohanan, at makakatanggap ng buong kaligtasan. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay sapat upang alisin ang mga kasalanan ng tao at ganap na linisin ang tao. Samakatuwid, ang pangalawang pagkakatawang-tao ay magdadala sa pagtatapos ng lahat ng gawain ng Diyos sa laman at kukumpleto sa kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Pagkatapos noon, ang gawain ng Diyos sa laman ay lubos na magtatapos. Pagkatapos ng ikalawang pagkakatawang-tao, hindi na Siya muling magkakatawang-tao para sa Kanyang gawain. Sapagkat ang Kanyang buong pamamahala ay darating sa isang pagtatapos. Sa mga huling araw, ganap na makakamit ng Kanyang pagkakatawang-tao ang Kanyang piniling bayan, at ang lahat ng tao sa mga huling araw ay paghihiwalayin ayon sa kanilang uri. Hindi na Niya muling gagawin ang gawain ng pagliligtas, at hindi rin Siya babalik sa laman upang magsagawa ng anumang gawain.

mula sa “Ang Hiwaga ng pagkakatawang-tao (4)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

27. Sa gawain sa mga huling araw, ang salita ay mas makapangyarihan kaysa sa pagpapakita ng mga tanda at kababalaghan, at ang awtoridad ng salita ay nahihigitan ang mga sinyales at himala. Inilalantad ng salita ang lahat ng masasamang disposisyon sa puso ng tao. Hindi mo magagawang kilalanin ang mga ito sa iyong sarili lamang. Kapag ang mga ito ay naihayag sa iyo sa pamamagitan ng salita, natural na mapapagtanto mo ito; hindi mo maitanggi ang mga ito, at lubos kang makukumbinsi. Hindi ba ito ang awtoridad ng salita? Ito ang resultang nakamit sa pamamagitan ng kasalukuyang gawain ng salita. Samakatuwid, ang tao ay hindi maaaring ganap na mailigtas mula sa kanyang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapagaling ng sakit at pagpapalayas ng mga demonyo at hindi maaaring gawing ganap sakdal sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga tanda at kababalaghan. Ang awtoridad upang magpagaling at magpalayas ng mga demonyo ay nagbibigay lamang ng biyaya sa tao, ngunit ang laman ng tao ay nabibilang pa rin kay Satanas at ang napakasamang makademonyong disposisyon ng tao ay nananatili pa rin sa kalooban ng tao. Sa madaling salita, ang mga hindi nagawang malinis ay kabilang pa rin sa kasalanan at karumihan. Tanging pagkatapos lamang nalinis ng tao sa pamamagitan ng mga salita maaari siyang makamit ng Diyos at maging banal. Kung walang ibang nagawa maliban sa pagpapalayas ng mga demonyo sa loob ng tao at ang pagtutubos sa kanya, iyon ay pag-agaw lamang sa kanya mula sa mga kamay ni Satanas at pagbabalik sa kanya sa Diyos. Gayunman, hindi siya nalinis o nabago ng Diyos, at siya ay nananatiling masama. Sa loob ng tao ay umiiral pa rin ang karumihan, pagsalungat at paghihimagsik; ang tao ay nakabalik lamang sa Diyos sa pamamagitan ng pagtubos, ngunit ang tao ay walang kaalaman tungkol sa Kanya at tumatanggi pa rin at nagtatraydor sa Diyos. Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya. Pagkatapos ng libu-libong taon ng katiwalian ni Satanas, ang tao ay mayroon na sa kanyang kalooban ng kalikasang tumatanggi sa Diyos. Samakatuwid, nang ang tao ay natubos, walang iba ito kundi pagtubos, kung saan ang tao ay binili sa isang mataas na halaga, ngunit ang nakakalasong kalikasan sa loob ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang narungisan ay dapat na sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawain ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang karumihan at ang tiwaling bahaging nasa kanya, at magagawa niyang ganap na magbago at maging malinis. Tanging sa ganitong paraan maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng trono ng Diyos. Ang lahat ng mga gawain na ginawa sa araw na ito ay upang ang tao ay malinis at mabago; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ang pagdalisay, magagawa ng tao na maitaboy ang kanyang katiwalian at maging malinis. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay. Sa katotohanan, ang yugtong ito ay ang panlulupig pati na rin ang pangalawang yugto ng pagliligtas. Ang tao ay nakuha ng Diyos sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita; sa pamamagitan ng paggamit ng mga salita upang dalisayin, hatulan at ibunyag, ang lahat ng mga karumihan, mga paniniwala, mga motibo, at mga indibidwal na pag-asam sa kalooban ng puso ng tao ay ganap na nailantad. Kahit na ang tao ay natubos at napatawad sa kanyang mga kasalanan, ito ay itinuturing lamang bilang hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa paglabag ng tao. Gayunman, kapag ang tao ay nabubuhay sa laman at siya ay hindi pa nakakalaya sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, at walang-humpay na mailalantad ang tiwaling makademonyong disposisyon. Ito ang buhay na sinusunod ng tao, isang walang katapusang pag-ikot ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng mga tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog sa kasalanan ay magpakailanman na mabisa para sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagkat ang tao ay mayroon pa ring masamang katangian. … ito ay nananatiling mas malalim kaysa sa kasalanan, na itinanim ni Satanas at malalim na nag-ugat sa loob ng tao. Hindi madali para sa tao na mabatid ang kanyang mga kasalanan; hindi kayang kilalanin ng tao ang kanyang sariling kalikasang nag-ugat na nang malalim. Tanging sa pamamagitan ng paghatol ng salita makakamit ang ganitong epekto. Sa gayon lamang maaaring unti-unting mababago ang tao mula sa puntong iyon.

mula sa “Ang Hiwaga ng pagkakatawang-tao (4)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

28. Anuman ang nakamit ng tao ngayon—ang tayog ng tao ngayon, ang kanilang kaalaman, pag-ibig, katapatan, pagkamasunurin, pati na rin ang kanilang nakikita—ay ang mga resulta na nakamit sa pamamagitan ng paghatol ng salita. Nagagawa mong magkaroon ng katapatan at manatiling nakatayo hanggang sa araw na ito ay dahil sa pamamagitan ng salita. Ngayon ay nakikita ng tao na ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay sadyang kahanga-hanga. Napakarami ng hindi magagawang makamit ng tao; ang mga ito ay mga hiwaga at kababalaghan. Samakatuwid, marami ang mga nagpasakop. Ang ilan ay hindi kailanman nagpasakop sa sinumang tao magmula ng mga araw ng kanilang kapanganakan, gayon ma’y kapag nakita nila ang mga salita ng Diyos sa araw na ito, lubos silang nagpapasakop nang hindi napapansing ginawa na nila ito. Hindi sila naglakas-loob upang siyasating mabuti o magsalita ng ano pa mang bagay; lahat sila ay nahulog sa salita at sa paghatol ng salita. Kung ang Espiritu ng Diyos ay direktang nakipag-usap sa tao, ang lahat ng mga ito ay magpapasakop sa tinig, babagsak paibaba na walang mga salita ng kapahayagan, tulad ng kung paanong si Pablo ay nahulog sa lupa sa gitna ng liwanag habang siya ay naglalakbay sa Damasco. Kung ang Diyos ay nagpatuloy na gumawa sa ganitong paraan, hindi magagawa ng tao na kilalanin ang kanyang sariling katiwalian sa pamamagitan ng paghatol ng salita at makamit ang kaligtasan. Tanging sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao magagawa Niyang personal na ipahatid ang Kanyang mga salita sa pandinig ng lahat upang ang lahat ng may pandinig ay maaaring makarinig ng Kanyang mga salita at matanggap ang Kanyang gawain ng paghatol sa salita. Ganito lamang ang resulta na nakamit sa pamamagitan ng Kanyang salita, sa halip na ang paglitaw ng Espiritu na nagbibigay takot sa tao para magpasakop. Sa pamamagitan lamang ng ganitong praktikal at hindi pangkaraniwang gawain maaaring lubusang mailantad ang lumang disposisyon ng tao, na malalim na naitago sa loob ng maraming taon, upang makilala ito ng tao at mabago ito. Ito ang praktikal na gawain ng Diyos na nagkatawang tao; Siya ay nagsasalita at nagsasagawa ng paghatol sa isang praktikal na paraan upang makamit ang mga resulta ng paghatol sa tao sa pamamagitan ng salita. Ito ang awtoridad ng Diyos na nagkatawang tao at ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Ito ay ginagawa upang makilala ang awtoridad ng Diyos na nagkatawang tao, ang mga resulta na nakamit sa pamamagitan ng mga gawain ng mga salita, at ang Espiritu na dumating sa laman; ipinakita Niya ang Kanyang awtoridad sa pamamagitan ng paghatol sa tao sa pamamagitan ng salita. Kahit na ang Kanyang laman ay ang panlabas na anyo ng isang ordinaryo at normal na pagkatao, ito ay ang mga resultang nakakamit ng Kanyang mga salita na nagpapakita sa tao na Siya ay puno ng awtoridad, na Siya ay ang Diyos Mismo at ang Kanyang mga salita ay ang pagpapahayag ng Diyos Mismo. Ipinapakita nito sa lahat ng tao na Siya ay ang Diyos Mismo, ang Diyos Mismo na naging laman, at walang sinuman ang maaaring sumuway sa Kanya. Walang maaaring makalampas sa Kanyang paghatol sa pamamagitan ng salita, at walang puwersa ng kadiliman ang maaaring mangibabaw sa Kanyang kapangyarihan.

mula sa “Ang Hiwaga ng pagkakatawang-tao (4)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

29. Siya ay nagiging laman dahil ang laman ay maaari ring magmay-ari ng awtoridad, at Siya ay may kakayahang ipatupad ang gawain sa mga tao sa isang praktikal na paraan, na nakikita at nahahawakan ng tao. Ang ganitong mga gawain ay mas makatotohanan kaysa sa anumang gawain na direktang ginawa sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos na nagtataglay ng lahat ng awtoridad, at mga resulta nito ay maliwanag din. Ito ay dahil sa ang Kanyang katawang-taong ay nakakapagsalita at nakakagawa ng gawain sa isang praktikal na paraan; ang panlabas na anyo ng Kanyang laman ay walang awtoridad at maaaring lapitan ng tao. Ang Kanyang sustansya ay nagtataglay ng awtoridad, ngunit walang makakita ng Kanyang awtoridad. Kapag Siya ay nagsasalita at gumagawa, hindi magawa ng tao na mapansin ang pag-iral ng Kaniyang awtoridad; ito ay mas kanais-nais sa Kanyang aktwal na gawain. At ang mga naturang gawain ay magkakamit ng mga resulta. Kahit na walang tao ang nakakapagtanto na Siya ay nagtataglay ng awtoridad o nakakita na hindi Siya maaaring magalit o makita ang Kanyang poot, sa pamamagitan ng Kanyang nakatagong awtoridad at poot at pampublikong pagsasalita, nakakamit Niya ang nais na mga resulta ng Kanyang mga salita. Sa madaling salita, sa pamamagitan ng tono ng Kanyang boses, mahigpit na pagsasalita, at ang lahat ng karunungan ng Kanyang mga salita, ang tao ay lubusang nakumbinsi. Sa ganitong paraan, ang tao ay nagpapasakop sa salita ng Diyos na nagkatawang tao, na tila ba walang awtoridad, at dahil doon nakakamit ang Kanyang layunin ng kaligtasan para sa tao. Ito ang isa pang kabuluhan ng Kanyang pagkakatawang-tao: upang magsalita nang mas makatotohanan at hayaan ang katotohanan ng Kanyang mga salita na magkaroon ng epekto sa tao nang sa gayon ay masaksihan nila ang kapangyarihan ng salita ng Diyos. Kaya ang gawaing ito, kung hindi ginawa sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, ay hindi magkakamit ng pinakamaliit na mga resulta at hindi magagawang lubos na iligtas ang mga makasalanan. Kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao, Siya ay mananatiling Espiritu na parehong hindi nakikita at hindi nahahawakan ng tao. Ang tao ay isang nilalang ng laman, at ang tao at ang Diyos ay nabibilang sa dalawang magkaibang mundo at naiiba sa kalikasan. Ang Espiritu ng Diyos ay hindi tugma sa laman ng tao, at walang relasyong maaaring maitatag sa pagitan nila; higit pa rito, ang tao ay hindi maaaring maging isang espiritu. Dahil dito, ang Espiritu ng Diyos ay dapat na maging isa sa mga nilalang at gumawa ng Kanyang orihinal na gawain. Ang Diyos ay maaaring parehong umakyat sa pinakamataas na lugar at ibaba ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng pagiging isang taong nilikha, gumagawa ng gawain at namumuhay na kasama ng tao, ngunit ang tao ay hindi maaaring umakyat sa pinakamataas na lugar at maging isang espiritu at lalo na hindi siya makakababa sa pinakamababang lugar. Samakatuwid, ang Diyos ay dapat maging laman upang isagawa ang Kanyang gawain. Katulad na katulad ng unang pagkakatawang-tao, tanging ang laman ng Diyos na nagkatawang tao ang maaaring tumubos sa tao sa pamamagitan ng Kanyang pagpapako sa krus, samantalang ito ay hindi posible para sa Espiritu ng Diyos na maipako sa krus bilang handog sa kasalanan ng tao. Ang Diyos ay maaaring direktang maging laman upang maglingkod bilang handog para sa kasalanan ng tao, ngunit ang tao ay hindi maaaring direktang umakyat sa langit upang tanggapin ang handog para sa kasalanan na inihanda ng Diyos para sa kanila. Dahil dito, ang Diyos ay dapat na maglakbay nang pabalik-balik sa langit at lupa, sa halip na hayaan ang tao na umakyat sa langit upang kunin ang kaligtasang ito, sapagkat ang tao ay nahulog at hindi maaaring umakyat sa langit, lalo na ang tanggapin ang handog para sa kasalanan. Samakatuwid, kinakailangan na lumapit si Jesus sa mga tao at personal na gawin ang mga gawain na hindi maaaring maisakatuparan ng tao. Tuwing nagkakatawang-tao ang Diyos, lubos itong kinakailangang gawin. Kung alinman man sa mga yugto ang maaaring tuparin nang direkta sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, hindi na Niya kailangan na tiisin ang mga kawalang-dangal ng pagkakatawang-tao.
mula sa “Ang Hiwaga ng pagkakatawang-tao (4)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

30. Sa huling yugto ng gawaing ito, mga resulta ay nakakamit sa pamamagitan ng salita. Sa pamamagitan ng salita, maunawaan ng tao ang maraming mga hiwaga at ang gawain ng Diyos sa buong nakaraang henerasyon; sa pamamagitan ng salita, naliwanagan ang tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu; sa pamamagitan ng salita, maunawaan ng tao ang mga hiwaga na kailanman ay hindi nalutas ng mga nagdaang henerasyon, pati na rin ang gawain ng mga propeta at apostol ng mga nakaraang panahon, at ang mga prinsipyo na kung saan sila ay gumawa; sa pamamagitan ng salita, malalaman ng tao ang disposisyon ng Diyos Mismo, pati na rin ang paghihimagsik at paglaban ng tao, at malalaman nila ang kanilang sariling sustansya. Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito ng gawain at lahat ng mga salitang naihayag, malalaman ng tao ang gawain ng Espiritu, ang gawain ng nagkatawang-taong Diyos, at lalo na, ang Kanyang buong disposisyon. Ang iyong kaalaman sa pamamahala sa gawain ng Diyos sa anim na libong taon ay nakamit din sa pamamagitan ng salita. Hindi ba ang iyong kaalaman ng iyong dating mga paniniwala at tagumpay sa pagsasantabi nito ay nakamit din sa pamamagitan ng mga salita? Sa naunang yugto, ginawa ni Jesus ang mga tanda at kababalaghan, ngunit hindi sa yugtong ito. Hindi ba ang iyong pagkaunawa kung bakit hindi Niya ginawa ito ay nakamit din sa pamamagitan ng salita? Samakatuwid, ang mga salita na ipinahayag sa yugtong ito ay lampas sa gawain na ginawa ng mga apostol at propeta ng mga henerasyong nagdaan. Kahit na ang mga propesiya na ginawa ng mga propeta ay hindi magagawang magkamit ng ganitong ng mga resulta. Ang mga propeta ay naghahayag lamang ng mga propesiya, ng kung ano ang maaaring mangyari sa hinaharap, ngunit hindi ang gawain ng Diyos na gagawin sa oras na iyon. Hindi sila nagsalita upang gabayan ang tao sa kanilang mga buhay, upang ipagkaloob ang katotohanan sa tao o upang ilantad sa tao ang mga hiwaga, at lalo na hindi sila nagsalita upang ipagkaloob ang buhay. Sa mga salitang pinahayag sa yugtong ito, mayroong propesiya at katotohanan, ngunit higit sa lahat sila ay naglilingkod upang ipagkaloob ang buhay sa tao. Ang mga salita sa kasalukuyan ay hindi tulad ng mga propesiya ng mga propeta. Ito ay isang yugto ng gawain na hindi para sa mga propesiya kundi para sa buhay ng tao, upang baguhin ang disposisyon ng buhay ng tao. Ang unang yugto ay ang gawain ng Jehovah upang ihanda ang isang landas para sa tao upang sambahin ang Diyos sa lupa. Ito ay ang gawain ng pag-uumpisa upang hanapin ang pinagmulan ng gawain sa lupa. Nang panahong iyon, tinuruan ni Jehovah ang mga Israelita na sundin ang Sabbath, igalang ang kanilang mga magulang at mamuhay nang mapayapa kasama ang iba. Dahil sa hindi maunawaan ng mga tao kung ano ang bumubuo sa tao nang mga panahong iyon, at hindi rin nila maunawaan kung paano mabuhay sa lupa, kinailangan sa unang yugto ng gawain na gabayan Niya ang mga tao sa kanilang mga buhay. Ang lahat ng sinabi ni Jehovah sa kanila ay hindi pa naipapaalam sa sangkatauhan sa nakaraan o wala rin sa kanilang pagmamay-ari. Nang panahong yaon ay maraming propeta ang inatasan upang maghayag ng mga propesiya, ang lahat ay ginawa sa ilalim ng pamumuno ni Jehovah. Ito ay isang bahagi lamang ng gawain. Sa unang yugto, ang Diyos ay hindi naging laman, kaya Siya ay nakipag-usap sa lahat ng mga angkan at mga bansa sa pamamagitan ng mga propeta. Nang ginawa ni Jesus ang Kanyang gawain sa panahong yaon, hindi Siya nagsalita na kasing dami sa kasalukuyan. Ang gawaing ito ng salita sa mga huling araw ay hindi kailanman nagawa sa mga kapanahunan at nakaraang henerasyon. Kahit si Isaias, Daniel at Juan ay gumawa ng maraming mga propesiya, ang gayong mga propesiya ay ganap na naiiba mula sa mga salita na ginagamit ngayon. Ang kanilang mga ipinahayag ay mga propesiya lamang, ngunit ang mga salita ngayon ay hindi. Kung gagawin Kong mga propesiya ang aking mga sinabi, magagawa ba niyo maunawaan? Kung ako ay magsalita ng mga bagay para sa hinaharap, mga bagay pagkatapos kong nawala, paano ka maaaring makakuha ng pang-unawa? Ang gawain ng mga salita ay hindi kailanman naisagawa sa panahon ni Jesus o ang Kapanahunan ng Kautusan. Marahil ang ilan ay maaaring magsabi, “Hindi ba naghayag din si Jehovah ng mga salita sa panahon ng Kanyang gawain? Bukod sa pagpapagaling ng sakit, pagpapalayas ng mga demonyo at pagsasagawa ng mga tanda at mga kababalaghan, hindi rin ba naghayag ng mga salita si Jesus nang panahong yaon?” May mga pagkakaiba sa kung paano ipinapahayag ang mga salita. Ano ang sustansya ng mga salita na ipinahayag ni Jehovah? Ginagabayan lamang Niya ang mga tao sa kanilang buhay sa lupa, na walang kinalaman sa espirituwal na mga bagay sa buhay. Bakit sinabi na ang mga salita ni Jehovah ay ipinahayag sa lahat ng mga lugar? Ang salitang “ipinahayag” ay tumutukoy sa pagbibigay ng malinaw na paliwanag at direktang pagtuturo. Hindi Siya nagbibigay ng buhay sa tao; sa halip, hinawakan Niya sa kamay ang tao at tinuruan kung paano Siya igalang. Walang mga parabula. Ang gawain ni Jehovah sa Israel ay hindi upang harapin o disiplinahin ang tao o upang magdala ng paghatol at pagkastigo; ito ay upang maggabay. Inatasan ni Jehovah si Moises na sabihin sa Kanyang bayan na magtipon ng mana sa kaparangan. Tuwing umaga bago ang pagsikat ng araw, sila ay magiipon ng mana, sapat lamang upang kainin sa araw na iyon. Ang mana ay hindi maaaring itabi hanggang sa susunod na araw, sapagkat ito ay aamagin. Hindi Niya tinuruan ang tao o inihayag ang kanilang kalikasan, at hindi Niya ibinunyag ang kanilang mga naiisip at mga saloobin. Hindi niya binago ang tao ngunit ginabayan ang mga ito sa kanilang buhay. Sa panahon na iyon, ang tao ay tulad ng isang bata; ang tao ay walang naunawaan na kahit ano at gumagawa lamang ng mekanikal na mga pagkilos; samakatuwid, iniutos lamang ni Jehovah ang kautusan upang gabayan ang tao. Kung nais mong ikalat ang ebanghelyo upang ang lahat ng tapat na pusong naghahanap ay maaaring makakuha ng kaalaman ng gawain na ginawa sa araw na ito at maging lubusang kumbinsido, kung gayon dapat mong maunawaan ang tunay na kuwento, ang sustansya at kahulugan ng gawain na ginawa sa bawat yugto. Sa pakikinig sa iyong pakikisama, maaari nilang maunawaan ang mga gawa ni Jehovah at ang gawain ni Jesus at, higit pa rito, ang lahat ng mga gawa na ginawa sa araw na ito, pati na rin ang relasyon at pagkakaiba sa pagitan ng tatlong yugto ng gawain, upang, pagkatapos nilang makinig, makikita nila na wala sa tatlong yugto ang pumpuputol sa iba. Sa katunayan, ang lahat ay natupad sa pamamagitan ng parehong Espiritu. Kahit natupad Nila ang iba’t ibang gawain sa iba’t ibang panahon at nagpahayag ng mga salita na magkakaiba, ang mga prinsipyo na kung saan ang mga ito ay ginawa Nila ay iisa at pareho. Ang mga ito ang pinakamalaking pananaw na dapat maunawaan ng lahat ng tao.

mula sa “Ang Hiwaga ng pagkakatawang-tao (4)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao



Ang pinagmulan: Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao”

Rekomendasyon: Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos

                            Kidlat ng Silanganan