菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na matapat. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na matapat. Ipakita ang lahat ng mga post

Ene 20, 2020

Tagalog Worship Song | "Ang Panalangin ng Bayan ng Diyos"

Tagalog  Worship Song | "Ang Panalangin ng Bayan ng Diyos"

I
Nagbalik ang bayan ng Diyos sa harap ng Kanyang trono,
inaalay natin ang ating mga dalangin sa Diyos.
Nawa'y pagpalain ng Diyos
ang mga nananabik sa Kanyang pagpapakita,
na marinig nila ang Kanyang tinig sa lalong madaling panahon.
Nawa'y bigyang liwanag ng Diyos ang mga nagbabantay
at naghihintay na makita ang pagdating ng Manunubos.
Nawa'y kumawala ang sangkatauhan
sa gapos ng kanilang paniniwala,
sa ganoo'y hanapin nila at suriin ang tunay na daan.
Ang lahat ng mga pinili ng Diyos
nawa'y sumunod sa mga yapak ng Kordero.

Dis 25, 2019

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Paghatol ng Diyos Lubusang Dumating Na



Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Paghatol ng Diyos Lubusang Dumating Na


I
Matuwid ang Diyos, S'ya'y matapat.
Sinusuri N'ya ang nasa loob ng puso ng tao.
Ihahayag N'ya sino'ng huwad, sino'ng totoo.
Kaya't wag maalarma, lahat ng gawain ay sa panahon N'ya.
Sinong sa Kanya'y nagnanais
at sinong hindi—sasabihin N'ya sa inyo.
Kumain ka lang at uminom,
puntahan S'ya, lumapit sa Kanya,
at gagawin N'ya ang lahat ng Kanyang gawain.
Wag magmadali para sa mabilis na resulta.
Gawain ng Diyos di kaagad ginagawa.
Nandito'y mga hakbang at karunungan N'ya.
Kaya't ang Kanyang karunungan ay nahayag at nabunyag.
Paghatol N'ya'y ganap nang nangyari,
at ang iglesia ang lugar ng digmaan.
Dapat kayong maging handa at dapat n'yong italaga
ang 'yong buong sarili sa huling laban na ito.
Tutulungan ka ng Diyos lumaban
at magtagumpay para sa Kanya.

May 13, 2019

Tagalog Christian Songs | "Alam Mo ba ang Iyong Misyon" (Tagalog song)



Tagalog Christian Songs | "Alam Mo ba ang Iyong Misyon" (Tagalog song)


I
Alam mo ba ang pasanin,
ang tungkulin at ang komisyon sa iyong balikat? 
Nasaan ang iyong makasaysayang diwa ng misyon?
Paano ka magiging isang mabuting panginoon
sa susunod na kapanahunan?
Matatag ba ang 'yong diwa ng pagka-puno?
Paano mo maipapaliwanag ang panginoon ng lahat?
Ito ba ang talagang panginoon ng lahat ng nabubuhay,
o panginoon ng lahat ng materyal na mundo?
Anong plano mo sa sunod na hakbang ng gawa?
Gaano karami ang naghihintay sa iyo na iyong papastulan?

May 2, 2019

Salita ng Buhay | "Ano ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao"



Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ano ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "ang mga taong nilikha Ko ay mga banal na tao na taglay ang Aking larawan at Aking luwalhati. Hindi sila pag-aari ni Satanas, ni sakop sila ng pagyurak nito, kundi Aking kahayagan lamang, malaya sa katiting na bahid ng lason ni Satanas. At gayon nga, hinahayaan Ko ang sangkatauhan na malaman na ang tanging nais Ko ay yaong nilikha ng Aking kamay, ang mga banal na Aking minamahal at hindi pag-aari ng iba pang kalikhaan. Bukod diyan, masisiyahan Ako sa kanila at ituturing silang Aking luwalhati. Datapwa’t, ang nais Ko ay Hindi ang sangkatauhan na nagawang masama ni Satanas, na pag-aari ni Satanas ngayon, at hindi na ang Aking orihinal na likha. Dahil layunin Kong angkining muli ang Aking luwalhati na umiiral sa mundo ng tao, kakamtin Ko ang ganap na paglupig sa mga natitirang nakaligtas sa gitna ng sangkatauhan, bilang patunay ng Aking luwalhati sa pagtalo kay Satanas. Tanging ang Aking patotoo ang tinatanggap Ko bilang pagliliwanag ng Aking sarili, bilang layon ng Aking kasiyahan. Ito ang Aking kalooban."

Manood ng higit pa:Ano ang kalooban ng Diyos

Abr 12, 2019

Ano Ang Mga Likas na Pagkakilanlan ng Taoat Kanilang Halaga

Kayo ay inihiwalay mula sa putik at sa paanuman, kayo’y pinili mula sa mga latak, marumi at kinasusuklaman ng Diyos. Kayo ay napabilang kay Satanas[a] at minsa’y niyurakan at dinungisan nito. Yaon ang dahilan kung bakit sinasabi na kayo ay inihiwalay mula sa putik, at kayo ay hindi banal, ngunit sa halip mga di-taong bagay na mula sa kung saan matagal nang ginawang mga hangal ni Satanas.

Hul 10, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Pinahahalagahan ng Diyos Yaong Nakikinig at Sumusunod sa Kanya


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Pinahahalagahan ng Diyos Yaong Nakikinig at Sumusunod sa Kanya

I
Di mahalaga sa Diyos
kung ang isa ay mapagkumbaba o dakila.
Hangga't siya'y nakikinig sa Diyos,
sumusunod sa mga iniuutos at ipinagkakatiwala Niya,
makikipagtulungan sa Kanyang gawain,
sa Kanyang plano at kalooban,
upang ang Kanyang kalooban at plano
ay maaaring magpatuloy nang walang hadlang,
gayong pagkilos ay karapat-dapat sa pag-alala ng Diyos,
at karapat-dapat sa pagtanggap ng Kanyang pagpapala.
Pinahahalagahan ng Diyos ang gayong mga tao,
at ang kanilang mga kilos,
at ang kanilang puso at paggiliw sa Kanya.
Ito ang saloobin ng Diyos.

Ene 16, 2018

Salita ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-isang Pagbigkas

 Kaligtasan, Mahalin ang Diyos, matapat, tumalima


Ang Ikadalawampu’t-isang Pagbigkas


   Nahuhulog ang tao sa kalagitnaan ng Aking liwanag, at mabilis siyang nakakabangon dahil sa Aking kaligtasan. Noong dinala Ko ang  kaligtasan sa buong sandaigdigan, sinusubukan ng tao na hanapin ang mga paraan upang makapasok sa daloy ng Aking pagpapanumbalik, ngunit marami ang mga natangay nang walang bakas sa malakas na agos ng panunumbalik na ito; marami ang mga nalunod at nilamon ng malakas na agos ng mga tubig; at marami rin ang nanatili sa gitna ng malakas na agos, na hindi kailanman nawalan ng kanilang diwa ng direksiyon, at sumunod sa malakas na agos hanggang ngayon. Humahakbang Ako kasabay ng tao, ngunit hindi pa rin niya Ako nakikilala; alam lamang niya ang mga panlabas Kong kasuotan, at wala siyang kaalam-alam sa mga kayamanan na nakatago sa Aking kaloob-looban. Kahit na tinutustusan Ko ang tao at nagbibigay Ako sa kanya sa bawat araw, hindi niya kaya ang tunay na pagtanggap, wala siyang kakayahang tanggapin ang lahat ng mga kayamanang ibinibigay Ko. Wala sa katiwalian ng tao ang nakakaiwas sa Aking paningin; para sa Akin, ang panloob na mundo niya ay katulad ng maliwanag na buwan sa tubig. Hindi Ako nakikipaglaro sa tao, ni hindi basta nakikisabay lang sa kanya; wala lang talagang kakayahan ang tao na panagutan ang kanyang sarili, at dahil dito palaging ubod ng sama ang buong sangkatauhan, at kahit ngayon nananatili siyang walang kakayahang lumaya mula sa naturang kasamaan. Kaawa-awa, kalunus-lunos na sangkatauhan! Bakit nga ba mahal Ako ng tao, ngunit hindi niya kayang sundin ang mga layunin ng Aking Espiritu? Talaga bang hindi Ko ibinunyag ang Aking Sarili sa sangkatauhan? Talaga bang hindi nakita kailanman ng sangkatauhan ang Aking mukha? Maaari kayang masyadong maliit ang awa na Aking ipinakita sa sangkatauhan? O ang mga rebelde ng buong sangkatauhan! Dapat silang mawasak sa ilalim ng Aking talampakan, dapat silang maglaho sa gitna ng Aking pagkastigo, at dapat, sa araw ng pagkakumpleto ng Aking dakilang plano, ay maitataboy sila mula sa kalagitnaan ng sangkatauhan, upang makita ng buong sangkatauhan ang pangit nilang pagmumukha. Bihirang makita ng tao ang Aking mukha o bihira niyang marinig ang Aking tinig dahil masyadong nakalilito ang buong mundo, at masyadong malakas ang ingay nito, at dahil dito naging masyadong tamad ang tao na hanapin ang Aking mukha at subukang unawain ang Aking puso. Hindi ba ito ang dahilan ng katiwalian ng tao? Hindi ba dahil dito kaya nangangailangan ang tao? Ang buong sangkatauhan ay palaging nasa gitna ng Aking pagtustos; kung di gayon, kung hindi Ako maawain, sino ang mabubuhay hanggang ngayon? Ang mga kayamanan na nasa Akin ay walang kapantay, ngunit ang lahat ng mga kalamidad ay nandito rin sa Aking mga kamay—at sino ang makaliligtas mula sa kalamidad kung kailan nila gusto? Ang mga panalangin ba ng tao ang magpapahintulot sa kanya upang gawin ito? O ang mga luha sa puso ng tao? Hindi kailanman tunay na nanalangin ang tao sa Akin, at dahil dito walang kahit isa sa buong sangkatauhan ang ganap na namuhay sa gitna ng liwanag ng katotohanan, at namuhay lamang ang mga tao sa gitna ng pasumpung-sumpong na paglitaw ng liwanag. Ito nga ang nagdulot sa pangangailangan ng sangkatauhan ngayon.

Ene 12, 2018

May Dakilang Kaligayahan sa Katapatan

 Diyos, katapatan, matapat, Pag-asa

Mga patotoo‘t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | May Dakilang Kaligayahan sa Katapatan

Gan’en    Lungsod ng Hefei, Lalawigan ng Anhui
    Sa buhay ko, palagi akong namuhay sa pariralang, “Hindi dapat magkaroon ang isang tao ng pusong mapaminsala sa iba, ngunit dapat maging mapagbantay upang hindi mapinsala” sa pakikipag-ugnayan sa lipunan. Hindi ako kailanman nagbibigay ng tiwala sa iba nang basta-basta. Palagi kong nadama na sa mga sitwasyon kung saan hindi mo alam ang tunay na mga intensyon ng isang tao, hindi mo dapat ipakita ang iyong intensyon ng masyadong maaga. Kaya, sapat nang panatilihin ang mapayapang pag-uugali—sa ganitong paraan ay napoprotektahan mo ang iyong sarili at iisipin ka ng iyong mga katulad bilang isang “mabuting tao.”

Dis 20, 2017

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Awa ng Diyos sa Sangkatauhan


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Awa ng Diyossa Sangkatauhan

Panimula

Awa ng Diyos sa Sangkatauhan
Ang “awa” ay pwedeng unawain sa iba’t-ibang paraan.
Ang magmahal at pag-iingat at pag-aalaga.
Ang “awa” ito’y malalim at masidhing pagkapit.
Ito ay pag-aalagang ayaw manakit.
Ang lahat ng ito’y sumasalamin sa pag-ibig at lambing,
ito’y pahayag ng damdaming sila’y di isusuko.
Ang lahat ng ito’y sumasalamin sa pag-ibig at lambing,
ito’y pahayag ng damdaming sila’y di isusuko.
Ito’y awa ng Diyos at pagpaparaya sa tao.
Salitang karaniwan gamit ng Diyos sa tao,
ito’y nagdadala ng Kanyang puso’t saloobin sa tao.
Nang Diyos ay nagwika, binunyag lahat ng ganap.
Ang kalsada sa Nineveh, katulad din ng Sodoma,
ganap ang kaguluhan at kasamaan.
Ngunit dahil sila’y nagsisi, nabago ang puso ng Diyos,
kanilang pagwasak ay napalitan na ng awa.
Tungo sa habilin at salita ng Diyos,
ang kanilang gawa’t ugali ay iba sa taga Sodoma.
Pagsuko nila sa Diyos, ito ay ganap at lubos,
at tunay na nagsisi sa kasalanang nagawa.
Sila ay tunay at tapat sa lahat ng paraan.
Kaya’t muling iginawad ng Diyos taos-pusong awa sa kanila.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao