菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tagapagligtas. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tagapagligtas. Ipakita ang lahat ng mga post

May 26, 2018

Cristianong Kanta | Ang Diyos ay Nagpakita sa Silangan ng Mundo Nang May Kaluwalhatian


I Diyos ay gumagawa sa buong sansinukob. Dagundong ng ingay sa Silanganang 'di tumitigil, nililiglig lahat ng denominasyo't lahat ng sekta. Ito'y tinig ng Diyos, lahat dinala sa kasalukuyan. Ito'y Kanyang tinig na sa lahat ay lulupig. Sila'y nahuhulog sa agos nito, at nagpapasakop sa Kanya. Matagal nang nabawi ng Diyos sa lupa ang luwalhati, at mula Silangan ay inilabas Niyang muli. Sinong 'di sabik makita ang luwalhati ng Diyos? Sinong 'di naghihintay at nananabik Sa Kanyang pagbabalik? Sinong hindi nauuhaw na Siya'y magpakitang muli? Sinong 'di nangungulila sa Kanyang kariktan? Sinong 'di lalapit tungo sa liwanag? Sinong di nais makita yaman ng Canaan? Sinong 'di nananabik sa pagbalik ng Manunubos? Sinong 'di hanga sa Makapangyarihan-sa-lahat?

May 16, 2018

I. Kailangang Magpatotoo ang Isang Tao sa Aspeto ng Katotohanan tungkol sa Pagkakatawang-tao ng Diyos

1. Ipinropesiya ng Panginoong Jesus Mismo na magkakatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw at magpapakita bilang Anak ng tao para gumawa ng gawain.

    Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
    “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40).
    “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan” (Lucas 17:24-25).
    “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6).
    “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20).
    “Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya’y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan” (Pahayag 16:15).

Mar 15, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Walang Makakagawa ng Gawain ng Diyos sa Lugar Niya


Walang Makakagawa ng Gawain ng Diyos sa Lugar Niya

I
Gawain ng Diyos ginagawa N’ya Mismo. Siya ang nagsisimula’t nagtatapos ng gawain. S’ya’ng nagpaplano ng gawain. S’ya’ng namamahala’t nagdadala ng gawain sa katuparan. Saad sa Biblia, “Diyos ang Pasimula at ang Katapusan; Diyos ang Tagahasik at Tagaani rin.” “Diyos, ang Pasimula’t Katapusan; Diyos ang Tagahasik at Tagaani rin, ang Tagaani rin.” Lahat na ugnay sa gawang pamamahala ay gawa ng kamay N’ya, gawa Niya.

Dis 21, 2017

Ang Koro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Makapangyarihang Diyos ay Nakaupo sa Maluwalhating Trono


Ang Koro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Makapangyarihang Diyos ay Nakaupo sa Maluwalhating Trono

Panimula

Ang Makapangyarihang Diyos ay Nakaupo sa Maluwalhating Trono
Ang matagumpay na Hari
ay nakaupo sa Kanyang maluwalhating trono.
Natapos na Niya ang pagtubos at napangunahan na
ang lahat ng Kanyang bayan upang magpakita sa kaluwalhatian.
Tangan niya ang sansinukob sa Kanyang mga kamay
at sa pamamagitan ng Kanyang dibinong karunungan at kapangyarihan
ay itinayo Niya at pinatatag ang Sion.
Sa Kanyang kamahalan
hinahatulan Niya ang masamang sanlibutan;
hinahatulan Niya ang lahat ng mga bansa
at lahat ng mga tao, ang lupa at mga dagat
at ang lahat ng nabubuhay na mga bagay na nasa kanila,
gayon din sila na lasing sa alak ng kalaswaan.
Tiyak na hahatulan sila ng Diyos,
at tiyak na magagalit Siya sa kanila
at sa ganito ay mahahayag ang kamahalan ng Diyos.
Ang ganitong paghatol ay magiging mabilis
at ipatutupad nang walang pag-antala.
Susunugin silang lahat ng nagliliyab na galit ng Diyos
dahil sa kanilang karumal-dumal na mga krimen
at sasapitin nila ang malaking kalamidad anumang oras;
wala silang malalalamang daan na matatakasan
at walang dakong mapagtataguan,
sila ay tatangis at magngangalit ang kanilang mga ngipin
dahil sa kapahamakan
na kanilang dinala sa kanilang mga sarili.
wala silang malalalamang daan na matatakasan
at walang dakong mapagtataguan,
sila ay tatangis at magngangalit ang kanilang mga ngipin
dahil sa kapahamakan na kanilang dinala sa kanilang mga sarili.
Ang mananagumpay na minamahal na mga anak ng Diyos
ay tiyak na lalagi sa Sion,
at hindi na lilisanin ito kailanman,
at hindi na lilisanin ito kailanman.
Nagpakita na ang nag-iisang tunay na Diyos!
Ang pagwawakas ng sanlibutan
ay nagaganap sa ating harapan
Ang paghatol sa mga huling araw ay nagsimula na.
Ang sangkaramihan ay masusing makikinig sa tinig ng Diyos,
maingat nilang bibigyang-pansin ang mga pagkilos ng Diyos,
at ang kanilang mga tinig ng pagpupuri sa Kanya
ay hindi na kailanman mapaparam.
Ang sangkaramihan ay masusing makikinig sa tinig ng Diyos,
maingat nilang bibigyang-pansin ang mga pagkilos ng Diyos,
at ang kanilang mga tinig ng pagpupuri sa Kanya
ay hindi na kailanman mapaparam.
Ang kanilang mga tinig ng pagpupuri sa Kanya
ay hindi na kailanman mapaparam.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao