Kayo ay inihiwalay mula sa putik at sa paanuman, kayo’y pinili mula sa mga latak, marumi at kinasusuklaman ng Diyos. Kayo ay napabilang kay Satanas[a] at minsa’y niyurakan at dinungisan nito. Yaon ang dahilan kung bakit sinasabi na kayo ay inihiwalay mula sa putik, at kayo ay hindi banal, ngunit sa halip mga di-taong bagay na mula sa kung saan matagal nang ginawang mga hangal ni Satanas.
Ito ang pinakaangkop na pagsasalarawan sa inyo.Dapat ninyong matanto na kayo ay mga karumihan na matatagpuan sa di-umaagos na tubig at putik, bilang kabaligtaran sa kanais-nais na mga huli kagaya ng isda at hipon, sapagkat walang kagalakan ang maaaring tamasahin mula sa inyo. Sa tahasang pananalita, kayo ay mga miyembro ng pinakamababang katayuan sa lipunan, mga hayop na mas malala pa kaysa mga baboy at mga aso. Sa tapat na pananalita, ang patungkulan kayo sa gayong mga salita ay hindi labis na pagpapahayag o kalabisan, ngunit ito ay isang paraan upang pagaanin ang usapin. Ang patungkulan kayo sa gayong mga salita sa totoo lang ay isang paraan upang kayo ay bigyang galang. Ang inyong kabatiran, pananalita, pag-uugali bilang “mga tao,” at ang lahat ng mga bagay sa inyong buhay—kabilang ang inyong kalagayan sa putik—ay sapat upang patunayan na ang inyong pagkakakilanlan ay “higit sa karaniwan.”
Rekomendasyon:Daily Gospel Tagalog Reflection